31

26.3K 550 58
                                    

"Well, I told you. Someone gave it to me."

Buong gabi yata ay tungkol sa singsing ko ang tinanong. Hindi ko naman pwedeng sabihin na si Ashra dahil magtatanong lang 'yon kung kaano-ano ko ba at bakit kami magkapangalan. Mas maganda na lang sabihin na may nagbigay na hindi ko na kilala.

Kinaumagahan ay mas nauna pa akong nagising sa kaniya. Nakadagan pa sa akin ang kaniyang hita habanag magkayap kami. What the? Bakit ganito na ang pwesto namin? Shit! I gently removed his hand and legs from mine, and as I was going to rise up, his face attracted my attention.

Pinagmasdan ko saglit ang kaniyang maamong mukha. Ganito palagi ang bungad ng umaga ko noon. Siya. Hindi naman ganoong karami ang nagbago sa kaniya. He just matured that's all but he still looks young. Hindi na ako magkakamali kung luluhadan pa rin siya ng mga babae ngayon. Baka mas lalo pa nga sila luluhod ngayon e.

Nang mapansin kong unti-unti na itong nagigising ay lumayo na ako sa kaniya at nagkunwaring kagigising lang din. Wow! Sana naging actress na lang ako!

"Did you have a good sleep?" he asked in his morning voice.

"Y-Yeah," Bakit ba ako nauutal?!

Naupo na lang ako at inabot ang phone ko. Akala ko ay tatayo na rin si Drazen pero humilata lang ito at kinawit pa ang kamay sa bewang ko. I was ready to shout at him when I remembered something. I need to check on Ashra. Fuck, it's almost ten in the morning! At ngayon lang ako nagising?! Shit talaga! Paano na lang kapag hindi 'yon makalma ni Mama?

Binuksan ko agad ang phone ko at bumungad sa akin ang maraming missed calls ni Mama. At 'yon ay kagabi pa! Tatawagan ko sana ito ngunit dahil katabi ko pa rin si Drazen ay tinext ko na lang ito.

To: Mama

Ma, sorry. Okay lang ba si Ashra? Hindi na kasi ako nakatawag kasi baka marinig ni Drazen. Nakatulog po ba si Ashra?

Ibinaba ko muna ang phone ko at medyo naguilty dahil ito ang kauna-unahan na pagkakataon na hindi ko nakasama si Ashra sa gabi. Napaisip tuloy ako kung nakatulog ba ito?

From: Mama

Okay na siya anak. Natawagan ko si Sydney kagabi, agad itong nagpunta dito sa bahay. Mabuti na lang dahil natigil ito sa pag-iyak.

Nakahinga naman ako ng maluwag. I should thank Syd. Lalo na at kagagaling niya pa ng Cebu kagabi. Baka pagod na 'yon, kailangan ko ng umuwi.

To: Mama

Sige ma. Uuwi na rin ako maya-maya.

"Drazen kailangan ko ng umalis." I told him.

When he lifted his head, his hair was almost covering his forehead completely. Tinanggal ko na ang kamay niya sa bewang ko at tumayo na.

"Then alis na rin ako. Hatid na kita?" patanong 'yon. Parang alam na kasi na baka hindi na naman ako sasang-ayon.

Talagang hindi! Kasi malalaman na niya ang bahay namin! "Mag-tataxi na lang ako. Baka may trabaho ka pa. Late ka na tuloy."

Huwag ko na lang kayang ituloy ang plano namin ni Mama? Lalo na at hindi ako makahanap ng way para makipagkita ulit sa kaniya! Alangan naman na ako ang mag-first move? No way! May kasalanan pa kaya siya sa akin. Winawala ko lang dahil ang sabi ni Mama ay maging mabait ako sa kaniya at makisama.

Pero parang hindi ko na kaya. Sasabog na talaga ako kapag may ginawa pa itong hinayupak sa akin. Ititigil ko na ba? O hindi? Gusto ko na kasing makaalis ng Pilipinas!

Nagcheck-out na nga kami ng sabay. He payed everything. Even though he wanted us to eat breakfast there, I declined his offer since I was worried that my daughter Ashra was already looking for me again. Sa bahay na lang din ako maliligo. Kay Drazen hindi ko alam, alangan namang uuwi pa ito e ang layo ng bahay nila dito! But well, I don't care about him.

Souls in November (Holiday Series #1)Where stories live. Discover now