35

30.3K 678 60
                                    

Nauna akong naglakad patungong kwarto namin. Tahimik lang din na sumusunod ni Razen sa akin. At ng makatung-tong na ako sa may huling hagdanan ay nasilip ko na agad si Ashra dahil hindi niya sinarado ang room. Nakatalukbong ito sa kama, at sa tingin pa lang ay alam ko ng umiiyak ito dahil sa bilis ng paghinga niya.

I didn't mean to become angry with her earlier, but I just can't put up with the way she is acting. She was not like that at all; yet, she may occasionally be harsh with others, but it is not to the extent that she is impolite. Tinuro-turo niya pa kasi ngayon si Razen. That is not a good thing!

"Ashra, get up." I tried removing the blanket on her.

Narinig ko ang kaniyang hikbi. She needs to apologize before she can receive my consolation and kisses, as her actions are not particularly acceptable. Hindi magandang gawain 'yon. Kaya kailangan mapagsabihan siya talaga para hindi na niya ulitin pa.

"Don't wait for me to count." sabi ko sa galit na boses.

"A, hayaan muna natin siya." naramdaman ko ng nasa likuran ko na si Razen pero hindi ko na lang ito pinansin.

"Two." I counted.

Umahon na ito at tinaggal ang kaniyang talukbong. Pawis na pawis ito at halos hindi na makahinga dahil sa kakaiyak. Her face was wet with tears. This is why I don't want to yell at her because she cries like this. It makes me nervous and scared.

"Does she need water?" Drazen asked nervously too. "Teka, kukuha lang ako." Hindi pa ako nakakasagot ay umalis na ito.

Sinara ko na ang pintuan at binuksan na ang aircon sa loob. I went to the closet, took out a towel, and then went to her to wipe the sweat and tears from her face. Bakit pa kasi niya kinailangan magtalukbong? Ang kapal pa naman ng kumot namin!

"M-Mommy," humihikbi niyang tawag sa akin. "I-I'm s-so s-sorry. H-Hindi ko na p-po uulitin,"

"Okay, stop crying na." I stroked her back to calm her down.

"I-I won't do it a-anymore." She deeply regrets her decision already.

"Oo. Tahan na." Naupo ako sa tabi niya at hinalikan ito sa noo.

Drazen was holding a glass of water when the door opened. I tried to look at Ashra, but she immediately put her face on my chest to hide from him. Guilty now huh?

"Here," inabot sa akin ni Drazen ang baso pero dahil nakadikit si Ashra sa akin ay hindi ko ito magawang hawakan.

"Ikaw na lang mag-painom sa kaniya." utos ko dito.

Nag-alinlangan pa ito pero lumuhod na rin sa harapan namin. 'Yan, painomin mo 'yang anak mong makulit!

"Ashra, drink water." I told my daughter.

Bahagya itong lumayo sa akin at uminom ng tubig habang nakasuporta si Razen sa kaniya. Pinunasan pa ni Razen ang tubig na kaonting tumulo sa kaniyang panga. They both looked so adorable.

"Thank you po." Ashra said in a small, cute voice before burying her face on my chest again.

Nagkatinginan kami ni Razen at mabilis kong nakita ang pagtutubig ng kaniyang mata. I get the impression that he wanted to carry Ashra and hold her, but he's restraining himself out of fear that Ashra may become startled and terrified.

"I think you're forgetting something, Ashra." aniya. "Hindi ka pa nag-sosorry."

Napalayo ako sa kaniya at sinenyasan itong mag-sorry kay Razen na kaharap niya. She just looked at me for help. Nahihiya na ito ngayon kay Razen dahil sa pinagsasabi kanina. Umalis ako sa kaniyang tabi at tumayo na. She needs to apologize on her own.

Souls in November (Holiday Series #1)Where stories live. Discover now