21

22.6K 563 56
                                    

"Later.... Stay still."

Napasubsob ulit ako sa matipuno niyang katawan ng mas higpitan niya ang kaniyang pagyayakap sa akin. Mula ng matulog na kami kagabi ay hindi niya na ako tinantanan. Mabuti nga at nakaligo na ako at nakaayos na pero ang problema ko lang talaga ay siya.

"I'm gonna be late. Real late." bulong ko ngunit wala siyang pakialam doon.

"It's still 7, A. Your seminar will start at 7:15." he said in his morning voice.

Hindi na ako nakasagot at nagpabaya na lang sa kaniyang bisig. Narerelax talaga ako kapag kasama ko siya. The gentle manner in which he stroked my hair has a calming effect on me and puts me in a pleasant mood. Saka na lang akong tumayo ng malapit ng magtime. Ayaw pa niya akong payagan kaya nakipagtalo pa ako dito!

"Shucks! Muntik na talaga akong nalate." hinihingal kong sabi at umupo na sa tabi ng kagroup ko.

"Hindi pa naman. You're just on time miss genius!" sigaw ng kaharap ko.

Kung kahapon talaga e tahimik sila ngayon iba't-iba na. Sinisigawan pa ako kahit kaharap naman na ako!

"Late ka bang nagising, Ash?" ngayon ko lang napansin na nandito na rin pala si Galen.

"Uh," No! Si Razen kasi ayaw akong pakawalan! "Y-yes! Medyo napasarap tulog ko e." I said instead of what was I was really going to say.

"Next time, mag-set ka na lang ng alarm kagaya ko!" suhestiyon pa ng isa sa kanila.

Tumango. "Will do."

Umayos na ang iba dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ulit ang event. Ngunit si Galen na katabi ko ay nakaharap pa rin sa akin na parang may gustong sabihin. The chairs were already arrange horizontally and not on round table anymore. Nasa likuran kaming dalawa ni Galen, ang iba ay nasa harapan na namin.

"May problema ba?" Tanong ko. Agad naman itong naalarma.

Parang may gumugulo sa kaniyang isipan. The expression on his face gives the impression that he really wanted to say something but is a little bit hesitant.

He gulped. "I desperately wanted to tell you yesterday, but you were in a rush, so I refrained myself from telling you anymore."

I had no idea why, but I suddenly felt uneasy about the expression of his face. Ano kaya ang sasabihin niya? Ang seryo-seryoso pa naman niya!

"A-ano ba 'yon?" sinubukan kong hindi ipakita ang kaba ko.

"Ash, I know that you might find this shocking, but I've always lik--"

"Before we begin the seminar, we just want to say thank you to Mr. Javier for providing today's food."

Right away, the person who was speaking caught my attention. Nawala sa aking isipan si Galen na nagsasalita sa tabi ko. Mr. Javier? Sino? Is it Razen's dad? Or him? Tsaka ano? Nag-donate ng pagkain namin? Like what the?

Agad kong tinignan ang harapan ngunit ang naroon lamang ay mga teachers at ang speaker.

"Ash? Are you listening?" dinig kong tanong ni Galen.

Pero dahil busy ako sa paghahanap kay Razen ay hindi ko siya magawang masulyapan.

"Uh, yes, no! Wait lang!" I told him.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid para sana kumpirmahin pero hindi ko naman siya makita. Baka binigay na lang niya ang snacks? Maybe he's still in our hotel room? Or it's from his dad talaga? Hindi talaga ako sigurado kung sinong Javier ba 'yon!

Souls in November (Holiday Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin