MADNESS IN LIFE

By RonneSerene

1.6K 221 57

"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapo... More

DISCLAIMER
SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
WAKAS

70

4 0 0
By RonneSerene

“Ang kulit mo, Ohne!”

Makailang beses kong pinapaliwanag sa kaniya na ayos lang ako at hindi naman malala ang natamo kong mga sugat. Mababaw lang naman iyon at malayong-malayo sa bituka. Hindi ako mamamatay nito.

“I’m still not convinced,” mahinang aniya. “I need to bring you to the hospital. Your wounds need to be examined—”

“Okay nga lang ako, Ohne! Okay pa sa okay, okay?” umikot ang mga mata ko nang mapansing hindi pa rin siya satisfied. Napabuntong hininga ako. “’Wag ka nang mag-alala, p’re!”

“P’re?”

“Pare!”

“Damn it!”

Mahina akong natawa nang makita ang reaksyon niya. Mukhang ayaw niyang tinatawag siyang pare.

“Bumalik ka na ro’n sa trabaho mo,” mahinang saad ko. “Baka kailangan ka na ro’n.”

“Macky checked the CCTV camera in the kitchen. Vincent intentionally pushed you.”

Muling sumibol ang galit sa mga mata niya. Nakita ko pang magkuyom siya ng palad at pati sa akin ay naging matalim ang tingin niya.

“Why did he push you? What’s wrong with that jerk?”

Kung hindi pumagitna si Macky para umawat, baka nang pang-abot si Vincent at Ohne. Nag-aapoy ang mga mata ni Ohne kanina, gustong-gusto niya na talagang saktan si Vincent ngunit dumating si Ma’am Fatima at si Sir Karlson gaya medyo kumalma ang apo nilang bugnutin.

May nurse na naligaw dito kanina kaya siya ang nagboluntaryong gamutin ang mga sugat ko. Mababaw lang na bumaon ang mga butil ng bubog sa balat ko kaya hindi ito naging mahirap para kunin. Ito lang si Ohne ang hindi mapakali at gusto pa akong dalhin sa ospital.

Medyo nakakahiya kay Sir Karlson at Ma’am Fatima. Nagkagulo nang dahil sa pagiging lutang ko sa trabaho. Pero hiyang-hiya talaga ako ngayon, nagalit itong si Ohne sa kitchen area at marami pa ang nakakita. Pupusta akong pinag-uusapan nila kami ngayon.

“Hayaan mong ako ang makipag-usap sa kaniya,” saad ko. “Mukhang may problema ang isang ‘yon sa ‘kin.”

“I’m gonna fire him, woman.”

“Hindi mo kailangang gawin ‘yan.”

“He hurts you,” he uttered. “And I don’t like that shit!”

Umiling ako. “Hindi mo siya kailangang tanggalin, Ohne. Pakinggan muna natin kung ano ang dahilan niya kung bakit niya nagawang itulak ako.”

He heavily sighed. Sumandal siya sa upuan at ipinikit ang kaniyang mga mata.

“Ohne…” mahinang pagtawag ko sa kaniyang pangalan.

“Hmm?”

Naglapat ako ng labi. I don’t want to hurt his feelings but I need to say this to him.

I swallowed hard.

“I don’t need you to take care of me anymore. It’s not your job. It never was…”

Unti-unti siyang napamulat. Dumiretsong tumama ang tingin niya sa akin kaya nagbaba ako ng tingin.

“I’m sorry, what did you say?”

His voice broke. Pinanatili niya lang tunog matapang pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagbasag nito.

“I don’t need you to take care of me anymore, Ohne,” blankong ekspresyon ang pinakita ko. “It’s not your job… It never was…”

He stared at me with blank expression. But his eyes can’t lie to me. Sabihin mang wala siyang pinapakitang emosyon, nababasa ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit. He wasn’t expecting that.

Nang hindi ko na makayanan ang paninitig niya, nagbaba ako ng tingin. Maraming beses akong huminga ng malalim para pakalmahin ang puso kong naghuhumurado.

Putek!

Bakit ako kinakabahan ng ganito?

Bakit ganito na lang kabilis ng pagkabog ng dibdib ko?

Wala pa mang ginagawa o sinasabi si Ohne, pero parang mamamatay na ako sa kaba.

Pusanggala!

Hindi dapat ako kinakabahan ng ganito. He’s just a man, normal na tao, at hindi zombie o cannibal na biglang aatake sa akin!

Kalma, Rosane! Hindi ka niya kakainin ng buhay, ‘no. Ikalma mo ang sarili mo. Hinga, hinga, hinga hanggang sa malagutan ka ng hininga.

“Putek!”

Dumoble ang kabang nararamdaman ko nang biglang inilapit ni Ohne ang kaniyang mukha sa akin. Itinanday niya kanang braso niya sa haligi ng couch at nagpangalumbaba.

“A-Anong ginagawa mo?! Lumayo ka nga—”

“Bakit ka nauutal?”

“H-Hindi ako nauutal!”

“What now, woman?”

Pusanggala!

Ang bango ng hininga niya. Amoy menthol! Bigla akong na-conscious. Baka amoy panis na laway ako. Puta!

“Anong what now? Gusto mo bang paduguin ko ‘yang nguso mo?” Tinulak ko siya ngunit inilapit niya ulit ang kaniyang sarili. “Kapag hindi ka pa lumayo sa akin, mapipilitan akong supukin ‘yang mukha mo—”

Gano’n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang kagawaran niya ako ng halik sa pisngi. Bigla akong naging tuod sa kinauupuan ko pero ang tukmol, maamang lang na tumingin sa akin.

“Pardon me,” sumilay ang mapait na ngiti sa kaniyang labi. “But you really hurt my feelings..”

Ilang segundo akong napatulala. Hindi malaman ang gagawin o sasabihin kaya nang matauhan ako, tinulak ko siya at dali-daling lumabas ng silid nang hindi siya nililingon.

Pinanggiliran ng luha ang mga mata ko kaya binilisan ko ang bawat paghakbang.

“Uy, uuwi ka na?” sumalubong ni Macky nang makapasok ako ng staff room. Hindi ko siya kinibo at kinuha na lang ang bag ko. “May problema ka ba? Bakit ka umiiyak? Uy!”

Nagtatakbo ako palabas ng staffroom hanggang sa makarating ako ng ground floor ngunit akala ko tuluyan na akong makakalabas sa lugar na iyon nang mahagip ng paningin ko si Sir Karlson at Ma’am Fatima. Sabay silang nagtapon ng tingin, mukhang plano nilang kausapin ako.

“Ma’am, Sir,” yumuko ako sa kanila. “Magandang gabi po…”

Palihim ko pang pinahid ang ilang luha sa mga mata ko habang nakayuko. Bukod sa ayaw kong makita nilang umiiyak ako, hindi ko sila magawang tingnan ng diretso dahil sa kahihiyang nararamdaman ko.

“P-Pasensya na po sa nangyari kanina. Hindi ko po sinasadyang makagawa ng gulo at makaabala,” mahigpit akong napahawak sa strap ng bag. “Pasensiya na po talaga, Ma’am, Sir… Naiintindihan ko po kung tatanggalin ninyo ako sa trabaho. Wala po ako sa sarili ko kanina at hindi ko po namalayang—”

“Nagamot na ba nang maayos ‘yang mga sugat mo?” pinutol nito ang sinasabi ko. Nagtataka akong nag-angat kay Ma’am Fatima. “Gusto mo bang dalhin ka namin sa ospital para masuring mabuti ang mga braso mo?”

“P-Po?”

“Halika’t dadalhin ka namin ni Karlson sa ospital para mapatingnan ang mga braso mo,” seryosong aniya. “Mabuti nang makasiguradong maayos ang lagay mo, hija. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang mo kung makikita kang gan’yan? Siguradong mag-aalala ang mga iyon.”

“Mabuti pa ngang dalhin natin siya sa ospital, Fatima,” siya namang sabi ni Sir Karlson. “I want to make sure that she’s fine working at here. Delikado kung hindi masusuri ng mga doktor ang braso niya.”

“Hindi na po,” agad na sabi ko sa kanila. “Maraming salamat po sa concern pero ayos lang po ako. Hindi naman po malala ang natamo kong sugat.”

“Hindi ‘yan biro,” ani Ma’am Fatima.

“’Wag na po kayong mag-alala, ayos lang po talaga ako.”

“I’m still not convinced,” mahinang sabi ni Sir Karlson na siyang nagpakunot ng noo ko dahil iyon din ang sinabi sa akin ni Ohne. “You wounds need to be examined as soon as possible.”

Putcha!

Iisa ngang dugo ang nananalatay sa maglolo. Nawe-weirduhan man ako sa kanila ngumiti na lang ako ng pilit at saka yumuko.

“Magkaliwanagan nga tayo, hija,” nakita kong humalukipkip si Ma’am Fatima. “May gusto ka ba sa apo ko?”

“P-Po?” nagugulat kong tanong.

“May gusto ka ba sa apo ko?”

Dumiretso pa ang tingin nito sa mga mata ko. Lalong napahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko.

“May…” napakamot ako ng batok. “May boyfriend po ako.”

“Hindi ko tinatanong kung may boyfriend ka, hija. Ang tinatanong ko kung may gusto ka ba sa apo ko?”

My eyes grew bigger.

Pusanggala!

Is she really asking me that question?

“Mayroon bang pag-asa ang apo sa ‘yo kahit katiting lamang, hija?”

Gusto kong matawa at akalaing biro lamang ang tinatanong niya sa aking iyon ngunit walang mababakas na biro sa mukha at tono niya. Seryosong-seryoso siyang nakatingin sa akin at naghihintay sa magiging sagot ko.

I swallowed hard.

“Ma’am…” naglapat ako ng labi. “W-Wala po…”

“Wala kang nararamdaman sa kaniya o wala siyang pag-asa sa ‘yo?” si Sir Karlson naman ang nagtanong. Gaya ng apo, wala akong mabasang emosyon sa kaniya, kahit sa mga mata nito, wala. “Huwag kang mag-alala, hija. Hindi ito makakarating sa apo ko. I just need an honest answer from you.”

I swallowed hard again.

“Why do you mean? Wala?” he added.

“Wala po p’wedeng makaalam kung ano ang tunay kong nararamdaman kay Ohne,” matapang kong saad. “Sana po maintindihan n’yo.”

Yumuko ako sa kanila bilang pamamaalam at saka lumakad papaalis nang hindi na hinihintay ang sasabihin nila. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng bag at tinurn on iyon. Nang bumukas na, mabilis kong dinial ang numero ni Aven.

“What’s up, Rosane?” panimula niya. “How are you?”

“I’m fine,” sagot ko. “Gusto ko lang sabihin na hindi ko na itutuloy ang plano, Aven.”

“That’s nice. Mabuti naman nagbago ang desisyon mo.”

“Naisip ko lang ang mga kaibigan at kaklase ko, Aven. Madadamay sila kung itutuloy ‘yon.”

“Okay, let’s proceed to Plan B, then?”

“Wala ng matutuloy na plano, Aven. Hahayaan ko na lang hanggang sa sumuko ang demonyong killer na ‘yon.”

Nakarinig ako ng malalim na buntong hininga sa kabilang linya.

“Mabuti pa nga kung gano’n. It’s better not to interfere with that crime. Just let me handle it with Asher.”

Ako naman ngayon ang napahinga ng malalim. Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa madilim na kalangitan. Ilang minuto akong napatitig sa buwan at napapatulala sa kagandahan nito.

Itong kausap ko sa kabilang linya, hinayaan lang akong hindi magsalita.

“Aven…”

“Is there something bothering you?”

“Wala naman.”

“Bakit bigla kang natahimik?”

“May gusto lang akong sabihin.”

“What is it?” he asked. “Just tell it, I will listen to you, Rosane…”

“Thank you for everything,” iniwasan kong pumiyok kahit pa parang may nakabara sa lalamunan ko. “Thank you for being there when I needed you.”

“It’s nothing. I’m your brother so it’s my job to take care of you. Don’t worry about it.”

“Sana pala noon ko pa kayo nakilala. Ngayon ko lang na-realize na masaya pala magkaroon ng kapatid,” mahinang sabi ko. “Ang swerte-swerte ko dahil dumating kayo sa buhay ko. Si Madame Rozel… Hindi ko man siya madalas nakakasama masasabi kong isa siyang mabuting tao at dakilang ina. Patawarin n’yo ako kung hinusguhan ko siya noon.”

“It’s okay…”

“Maraming salamat sa pag-iintindihin sa ugali kong hindi maintindihan.”

“Wala ‘yon!” He chuckled. “You’re just being you, wala akong nakikitang mali do’n.”

“Thanks for understanding me.”

“It just nothing, Rosane. Anyway, masyado ng late. Bakit hindi ka pa natutulog? May party pa tayong pupuntahan bukas.”

“Sige, magkita na lang tayo bukas.”

“Okay, see you tomorrow. Good night!”

I immediately ended the call.

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid at doon ko napagtantong wala na masyadong tao sa paligid. Wala na ring dumadaan na mga sasakyan. Alas otso pa lang naman ngunit bakit wala ng mga taong nakakalat sa paligid?

“Woman!” someone shouted.

Lilingunin ko pa lang sana ang pinanggalingan ng tinig na iyon nang may humigit sa akin at tinakpan ang bibig at ilong ng panyo.

“Pusanggala…”

Matapang na amoy ang nalanghap ko.  Sumakit bigla ang aking ulo at ramdam ko ang pag-ikot ng aking paningin. Susubukan ko pa sanang pumiglas ngunit hindi ko na maigalaw ang buo kong katawan.

Sinubukan kong sumigaw pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Sa isip ko’y pinauulanan ko na siya ng mura at kung anu-anong masasakit na salita. Unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko at bumabagsak ang mga talukap ng mata ko. Gustuhin ko mangkumala sa kaniya at sapakin siya, hindi ko naman magawa dahil hindi ko makontrol ang buo kong katawan.

“P-Punyeta…”

Nagising ako nang maramdamang parang may pumapalupot sa braso at binti ko. Napamura ako nang pinilit kong nagmulat ng mata at dahil doon biglang sumakit ng matindi ang ulo ko.

“You’re awake,” isang malalim na boses ang aking narinig. Bagong-bago iyon sa pandinig ko. “How was your sleep, Rora?”

Rora?

Anong Rora?

Baka Aurora!

“T-Tangina mo!” asik ko. “Tanggalan mo ako ng piring sa mata nang makita ko ‘yang magmumukha mong balukaw ka!”

“Chill,” narinig ko itong matunog na napangisi. “Don’t be mad, calm down your ass!”

“Gago ka ba?!” Hindi ko na sinubukan pang pumiglas o kumala sa kinauupuan ko dahil alam kong hindi ako makakawala at masasaktan lamang ako. “Paano ako kakalma kung nasa ganito akong sitwasyon? Bobo! Kapag talaga ako nakawala rito, hindi ako magdadalawang isip na basagin ang bungo mo at ilibing ka ng buhay!”

“You’re so loud, Rora!”

“’Wag mo akong tawaging Rora! Hindi ako si Rora, tanga!”

“You’re still the same, huh?” makahulugan nitong saad na siyang ikinakunot ng noo ko. “Relax yourself, Rora. I won’t hurt you, okay?”

“Hindi ako naniniwala! Kung wala kang balak na saktan ako, bakit mo tinali ang kamay at paa ko?!”

Hindi naman hindi sumagot kaya lalong nag-init ang ulo ko.

“Kalagan mo akong hayop ka!”

“Shut your mouth, Rora.”

“Kalagan mo ako!”

“Shut your mouth, first!”

“Kalagan mo muna nga ako!” gigil na gigil na talaga ako ngayon. Kung hindi lang ako nakatali sa pesteng upuan na ‘to, baka kanina ko pa siya nasapak. “Syiete ka!”

“If you keep on talking,” naramdaman ko ang pagbulong nito sa aking tainga. “You’ll never see your family again. Try me, Rora… Hindi ka na makakauwi pa sa inyo sa oras na maubos ang pasensya ko.”

“Sino ka ba kasi?”

“Ako ang papatay sa ‘yo.”

“Bakit?” umangat ang kilay ko. “Inutusan ka ba ni Lord na patayin ako?”

“What?”

“Kung oo, magandang balita!”

“What the hell?”

“Makakasama ko na rin ang kaibigan ko, sa wakas!”

“What are you saying?!”

Imbis na sagutin ang tanong niya, tumawa na lang ako ng parang naluluka. Lalo pa akong napahalakhak  nang maalala ko ang mga pinagsasabi ko kay Aven kanina. Nagtunog pamamaalam iyon. Syiete!

Lord, talaga bang kukunin mo na ang pinagkaloob mong buhay sa akin? Hindi mo ba muna ako hahayaang makilala ang taong pumatay sa kaibigan ko?

“Rora—”

“Hindi nga ako si Rora,” giit ko. “Rosane Avera Beindz ang pangalan ko kung hindi mo alam.”

“I know your full name, you idiot!”

Napaamang ako. “Alam mo pa lang gago ka. Bakit patuloy mo rin akong tinatawag na Rora? Napakapangit!”

Seryoso? Rora?! Ang bantot! Mas mabantot pa sa binansag sa ‘kin ni Gariel.

“Rora, it’s came from your name, you idiot!” asar na sagot nito. “Ro from Rosane and Ra from Avera!”

“Dami mong alam! Kwento mo kay Satanas!”

Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto, sunod ko pang narinig ang paglagatok nito at nasisiguro kong bumukas iyon.

“Any news?” tanong ng hayop.

“May malaking problema tayo, Boss. May nakapasok na tulisan!”

“Anong tulisan?!” sumabat ako.

“Shut up, Rora!”

“Gago, tulisan daw! Kabahan ka na, sinisingil ka na ni Satanas! May nakapasok na mandarambong! Tulong! Pakawalan niyo ako!”

“Peste! Ang ingay mo!”

“Putcha—”

Napadaing ako nang binusalan niya ako ng tape sa bibig. Gago talaga!

“Boss, nandito na siya sa loob ng mansyon ngunit hindi pa siya nakikita ng mga tauhan natin. Masyadong magaling magtago!”

“Call my cousin and tell him that I need some back up here!” He shouted. “Palibutan niyo ang buong mansyon ngayon na!”

Muli kong narinig na lumagatok ang pinto. Lumabas na siguro iyong lalaking kausap ng hayop na ito! Naaamoy ko ‘yung tape, amoy chemical!

“Rora…”

Napadaing ako nang maramdam kong hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

“I know, this is ridiculous but I want you to trust me,” he said with a soft tone. “Pagkatiwalaan mo ako gaya nang pagpatitiwala mo kay Uno.”

Luko ka ba? Bakit kita pagkakatiwalaan?

“Rora, this is not the right time to discuss it. I don’t have enough time, just trust me. Sooner or later, everything will be alright.”

Ano ba ang pinagsasasabi mo?

Muli akong dumaing. Hindi ko siya maintindihan! Ano ba ang nais niyang iparating?!

“Rora, I will fight for you. I will save you from him. After this, hindi ka na muling makakaramdam ng hirap,” wika nito na siyang nagpakabog ng malakas sa puso ko. “Hindi ka na ulit makakaramdam pa ng takot sa bawat pagkilos mo. Hindi ka na muling makukulong sa nakaraan, kung saan paulit-ulit mong sinisisi ang sarili mo kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.”

Dang!

Are you shitting me, asshole?

“Rora…” lalo pang naging mahinahon ang tono ng boses niya. “Aren’t you tired of getting hurt? Why you are so strong and brave? Sometimes I forgot you are suffering…”

Maingat niyang tinanggal ang tape na nakadikit sa aking bibig. Napahinga ako ng malalim, pinili kong hindi magsalita.

“This is all enough, Rora. You can rest now, don’t ever cry with unworthy things. Hoping for a better tomorrow, that your lives become normal again, that you’ll heal and be happy once again.”

I gulped.

“Sino ka ba?”

“You will know who I am soon.”

“Anong dahilan ng pagdukot mo sa ‘kin?”

He sighed. “I know who is the killer, Rora. I kidnapped you because this is the only way to trap and catch the killer. Hindi nga ako nagkamali, nandito na kaagad siya sa kuta ko.”

I gasped.

“Who is the fucking killer? Why are you doing this to me?!”

“I want to save you.”

“What is your name?”

“Better not to know.”

Natahimik sa pagitan namin matapos niyang sabihin iyon. Nabigla ako nang bitawan niya ang balikat ko at may inilagay na isang bagay sa palad ko.

“Baka hindi na ako makabalik, Rora. Alagaan mo ang bagay na ‘yan.”

“Anong sabi mo? Bakit mo binibigay sa akin ‘to? Sino ka ba, ha?!”

“Sa pagtapos ng gabing ito, baka matapos na rin ang buhay ko. Gusto kong ingatan mo ‘yan.”

“Gago ka! Hindi pa kita nasusuntok kaya hindi ka p’wedeng mamatay!”

Tumawa lang ito. Wala na siyang sunod na sinabi at naramdaman ko na lang may tumusok na karayom sa braso ko.

“Kailangan mo ng matulog, Rora. Magkaroon ka sana ng mga panaginip na maganda sa mga gabing mas pinili mong matulog kaysa magsabi ng mga problema…”

Iyon na naman ang pakiramdam na hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Marami na namang tanong ang namuo sa isipan ko ngunit hindi ko magawang magtanong dahil mukha papatulugin na naman ako ng hayop!

Wala na akong maramdam sa paligid, ito at nahihilo na naman ako at unti-unting tinatamaan ng antok…





_






“Luka!”

Isang tapik sa mukha ang siyang nagpamulat sa akin. Kaagad akong napabangon at napahawak sa aking dibdib habang naghahabol ng hininga.

“Luka, ayos ka lang?! Binabangungot ka!” bulalas ni Jorja. “Naparami ang kain mo ng hapunan, ‘no?”

“Bakit ako nandito?”

“Ano?” nagugulat niyang tanong. “Gaga ka ba?! Nananaginip ka pa yata ng gising!”

“Paano ako napunta rito, Jorja?!”

“Tinext mo ako, luka! Sabi mo gusto mong makitulog tapos nagpasundo ka sa Patisserie! Ano bang nangyayari sa ‘yo?! Lutang ka, girl?”

Naroong namilog ang mga mata ko. Napahawak ako sa aking ulo. Ano ito? Ano ang nangyayari sa akin?

“Alas nuebe na, luka! Tara sa baba ng makapag-almusal na tayo!”

“Jorja…”

“Ano?” muli siyang bumalik sa pagkakaupo.

“Wala akong maalala.”

“Ano?!”

“Wala akong maalalang tinext kita kagabi at nagpapasundo.”

“Gaga ka! Talagang wala kang maaalala dahil passed out ka na kagabi nang masundo kita!”

“Ha?”

“Wala kang malay kagabi nang sunduin kita. Mabuti nga’t bukas pa sila tapos itong si Asher? Oo, si Asher na makapal ang mukha pilit kang  gustong iuwi sa kanila. Tinawagan ako ni Havier, sabi niya ako na raw ang mag-uwi sa ‘yo. Nakakaloka! Dapat pala si Syrone ang tinawagan mo para walang problema!”

“Hindi ko maintindihan…”

“Anong hindi mo maintindihan?”

Sino ang lalaking tumatawag ng Rora sa akin kagabi? Paano ako nakarating sa Patisserie Boulangerie ng walang malay?

Anong nangyari kagabi matapos niya akong patulugin? Buhay pa kaya ang lukong ‘yon? O, baka isang panaginip lamang iyon?

“Gaga ka, Rosane! Wala ka pa palang susuotin mabuti na lang may extra pa si Tita Dawn sa room niya! Nagkaubusan ng gown sa shop niya kahapon!” kwento ni Jorja habang nasa hapag kami. “Puro mga taga-LSU ang nagrent at bumili! Mabuti na lang talaga may naitabi rito si Tita Dawn na mas bongga sa mga gown na ‘yon! My gosh! I’m so excited!”

“Si Jahm?”

“Si Jahm? Magpapa-parlor lang daw siya!” she said. “Nung Monday pa ‘yon bumili ng gown kay Tita Dawn. Takot maubusan ang gaga! Siya nga pala, anong style ang gusto mo?”

“Style ng ano?”

“Makeup. Gusto mo ba mala-Ariana Grande or Lily Collins look?”

Ngumiwi ako. “Hindi ko kilala ang mga sinasabi mo.”

“What?!” humalingawngaw ang boses niya. “Saang planeta ka ba galing? Baka pati si Kendall Jenner hindi mo kilala? Naku, Rosane!”

“Hindi, sino ba ‘yon?”

“Anak ng tokwa!”

Humalaklak ako. “Joke lang! Kilala ko si Kendall. Kamukha ko nga ‘yon, eh!”

“P’wedeng mangarap ng tulog!”

Kahit nagkwe-kwentuhan at nagtatawanan kaming dalawa, hindi maalis sa isip ko ang nangyaring kakaiba kagabi. Hindi ko talaga alam kung totoo iyon o isang panaginip lamang!

Matapos kong makaligo, nakita ko sa lamesa ang cellphone ko. Binuksan ko iyon at isang damukal na missed calls at messages ang bumungad sa akin.

Napahinga ako ng malalim. Inisa-isa kong basahin ang mga iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may text ako kagabi kay Havier. Hinanap ko rin ang conversation naming dalawa ni Jorja.

Ako:
Pasundo ako sa Patisserie. Ngayon na. Makikitulog ako!

Jorja:
Gaga!

Jorja:
Bakit ngayon mo lang sinasabi? Sobrang late naaaaa!

Jorja:
You’re not picking up the phone!

Kahit anong pilit na alalahanin iyon, wala talaga akong maalalang tinext ko siya. Nakakabaliw! Ano ba ‘tong nangyayari? Sumasakit ang ulo ko!

I dialed my cousin’s number.

“Havier.”

“Valentina!” he shouted. “I’m glad you called!”

“Wala akong maintindihan, Havier. Gulong-gulo ang isip ko ngayon!”

“What?”

“Havier, may dumukot sa akin kagabi. Hindi ko siya kilala pero batay sa pagtawag niya sa akin ng Rora parang ang tagal niya na akong kilala!”

“Calm down, Valentina!”

“Paano ako kakalma?! Gulong-gulo ang isipan ko ngayon! Ano ba ang nangyayari?! Konti na lang talaga mababaliw na ako kakaisip tungkol sa nangyari kagabi!”

“Relax, Valentina. Where’s your medicine? Did you already drink it?”

“Oo!”

“Okay, now… I want you to sit and breathe slowly until you feel calm, okay?”

“Havier, hindi mo naiintindihan! Bakit hindi ka nag-aalala sa mga sinasabi ko? Kilala mo ba ang taong dumukot sa akin?! Kilala mo ba kaya gan’yan ka kalmado ang boses mo!”

“Valentina, this is not the right time to talk about it!”

“Kailan pa pala? Kapag wala na ako at saka niyo pa lang ie-explain ang lahat?!”

“Valentina—”

“Hirap na hirap na ako, Havier! Kung wala lang ‘tong mga gamot na iniinom ko baka matagal na akong baliw kakaiisip sa mga ganitong bagay na hindi ko maintindihan! Hindi ko alam kung totoo ba itong nangyayari o isang panaginip lamang!” my tears started to fall on my cheeks. “Akala niyo ba madali sa akin ang lahat ng ito? Hindi! Ayoko na, Havier! Nakaka-trauma na! Pagod na ako at sukong-suko na ako sa buhay ko!”

Hinagis ko sa kung saan ang cellphone ko at muling pumasok sa banyo para humagulgol. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat na salita na sabihin para ipahayag ang nararamdaman ko. Ultimo ito hindi ko maipaliwanag ng maayos dahil gulong-gulo ang isipan ko!

Gusto ko na lang mamatay ngayon para matapos na ang paghihirap ko. Tutal, I’m almost dying naman na!

Lumabas ako ng banyo matapos umiyak, hinanap ko ang bag ko at nakita ko itong nakalagay sa couch. Daglian kong hinalungkat ang laman no’n at hinanap ang gamot na binigay sa akin ni Zinnie.

“Nasaan na ba ‘yon?”

Hindi ko ito makita. Sinabog ko na ang laman ng bag ko ngunit wala talaga. Natatandaan kong dito ko lang iyon nilagay at hindi na inalis pa.

Isang kwintas ang nakita ko sa bulsa ng bag. Nag-isang diretso ang kilay ko habang pinagmamasdan ang kwintas na hawak ko. Bilugan ang palawit, sa tansya ko kasing laki ito ng sampung piso. Lumalim ang pangungunot ng noo ko nang mapansing parang may lock.

Is this a locket necklace? Bakit nasa bag ko ‘to? Kanino ‘to? Hindi ako mahilig magsuot ng kwintas kaya masasabi kong hindi ko ‘to pagmamay-ari.

“Rosane!”

Napakislot ako. Mabilis kong binalik ang mga gamit ko sa bag nang marinig ang boses ni Jorja. Nilagay ko sa bulsa ng roba ang kwintas at napagpasyahang mamaya ko na lang bubusisiin.

“Nakaligo ka na? Aayusan ka na ni Tita Dawn. Punta ka na lang sa kwarto niya!”

“Susunod ako!”

Pinakalma ko ang aking sarili. Nang maging kalmado na ako lumabas na ako ng kwarto para tumungo sa silid ni Tita Dawn.

“Good morning, hija!” she greeted me. “What happened to your hair?”

I shrugged.

“Gusto mo bang ipantay 'yan sa bangs mo?”

“Kayo na po ang bahala.”

“Sayang buhok mo!” singit ni Jorja. “Mahaba na ulit ang kaso, ang pangit ng pagkatubo!”

Pinaupo ako ni Tita Dawn sa harap ng dressing mirror. Hindi na ako nagtanong pa o kumibo at hinayaan ko na lang pag-eksperimentuhan niya ang mukha ko.

“Seryoso, Tita?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Puting gown? Ano at ito ang ipapasuot mo sa ‘kin?”

“Your tone, dear!”

“Sorry naman po. Nagulat lang!”

Pinandilatan niya ako ng mga mata. Pinilit niya akong papasukin sa walk-in-closet niya at ipasuot ang puting gown na ito, fitted sa bandang dibdib, at palobo sa pang-ibaba. Tinitingnan ko pa lang, parang hindi na ako makahinga at mukhang hindi ko makakayanan dalhin iyon!

“Puting-puti, Tita,” nababagot kong saad. “Halos kakulay ko na, oh!”

“Don’t be choosy, dear! Ito na ang pinakamagandang natira sa mga gown ko!”

“Ayoko n’yan,” lukot na lukot na ang mukha ko ngayon. “Kitang-kita ang likod at saka tingnan mo! Parang ikakasal ako sa lagay na ‘yan!”

“Champagne ball gown, dear! It’s beautiful and elegant! Tiyak na maraming mag-aayang isayaw ka kapag ito ang suot mo!”

“Ha!” tumawa ako ng sarkastiko. “Nakikita ko pa lang ‘yan mukhang hindi ko na maigagalaw ang mga paa ko!”

“Chillax, dear! Magaan lang ang isang ‘yan,” nakangisi niyang wika. “Lumabas ka na muna nga ro’n at i-relax mo ang sarili mo! Masisira ang make-up mo n’yan kung magpapatuloy kang nakabusangot!”

Nanatili akong nakangiwi hanggang sa makabalik ako sa couch para umupo. Si Jorja ang sinunod niyang ayusan. Ang utos ni Jorja sa kaniyang tiyahin, gusto niya ‘yung magmumukha siyang fresh katulad ng mga koryanang artista. ‘Yung buhok niyang atay ng haba, kinulot-kulot lang ng bahagya ni Tita Dawn kaya parang nagmukhang buhok ito ng sirena lalo na at may highlights pang kulay blonde.

“Naks!” napaawang ang bibig ko, namamangha sa itsura niya. “Hindi ko akalaing may ikagaganda ka pa, luka!”

“Marzelo’s blood, eh?” umangat ang gilid ng labi niya. “What do you think? Ako na ba ang tatanghaling Queen of the Night?”

“Queen of the Dragon!”

Inaasahan ko nang babatukan niya ako kaya mabilis akong lumayo sa kaniya. Hindi niya naman ako magagawang habulin dahil inaayusan pa siya ni Tita Dawn.

Pumasok akong muli sa walk-in-closet para tinangnan ang susuotin kong gown. Sa totoo lang, iyon ang pinakamagandang nakita kong gown sa tanang buhay ko, pakiramdam ko magmumukha akong reyna o prinsesa kung susuotin ko iyon.

Napahinga ako ng malalim. Marahan kong hinaplos ang laylayan nito. Ang ganda ng pagkakatahi at masuring inilagay ang mga palamuti sa nararapat na kinalalagyan nito.

Syiete!

Magmumukha kaya akong tao kung susuotin ko ‘to? P’wede naman sigurong mag-dress na lang, ‘no? Para mas kumportable ako sa pagsayaw mamaya.

Tanga, prom party ‘yon hindi simbahan ang pupuntahan mo! Kontra naman ng konsensya ko kaya lalo akong napasimangot.

Inis akong bumaling sa harap ng salamin para tingnan ang kabuuan ko. Naplantsa na ang buhok kong maikli, ang kaninang lagpas balikat, ngayon ay lagpas ng isang pulgada sa tainga.

Isang bagay ang naalala ko. Kinuha ko sa bulsa ng roba ang kwintas. Sinubukan kong buksan ang locket ngunit hindi ko iyon mabuksan. Masyado na kasing luma kaya siguro mahirap buksan.

Maganda, suotin ko na nga!

Muli akong napabuntong hininga nang unti-unti kong binaba ang suot kong roba. Ang balikat kong merong mga peklat buhat nga nung nakatulog ako sa classroom at nasaksak. Idagdag pa ang mga peklat ko sa palapulsuhan at itong bago kong mga sugat.

May manipis na manggas ang gown pero mukhang matatakpan naman siguro ang mga peklat kong ito. Iyung mga kalmot ko sa mukha, tinakpan ni Jorja ng cream bago lagyan ng make-up.

“Dear!”

“Ay, pusa!”

Mabilis kong inangat ang sa balikat ko ang roba at dali-daling tinali sa katawan ko.

“Nakita ko na lahat, dear!” ngumiti siya, parang sinasabi niyang okay lang  at huwag mag-alala. “I have a lot of stretch marks and scars on my body but yeah, I love my flaws!”

Binuksan niya ang isang cabinet na nasa likuran ko. Tumambad ang samut-saring pampaganda sa mukha at kung anu-anong anik-anik sa katawan.

“Kaya ba ayaw mong suotin ang trahe de bola na ‘yon dahil d’yan sa mga peklat mo?” agaran akong napatangin sa kaniya. “Dear, I have solution for that!”

Hinubad ni Tita Dawn ang suot kong roba, hindi naman ako nakaramdam ng hiya dahil may suot naman akong tube at cycling.

“I like your body, dear!” pamumuri niya, namamangha pa siyang pumaikot sa akin. “Payat pero may curve!”

Ngingiti-ngiting siyang may kinuhang botalye sa cabinet. Lotion yata iyon? Pinaliwanag niya sa akin ang paggamit no’n at siya na mismo ang nagpahatid sa katawan ko.

“Pusanggala!” namilog ang mga mata ko. “Lalong pumuti ang kulay ko!”

“That’s the power of my skin care!” natatawa niyang saad. “See? Natakpan nito ang mga sugat mo. Sunod natin ‘tong nasa balikat mo.”

I nodded at her. Palihim akong napangiti. Hindi ko alam na meron pa lang ganitong klase ng lotion. Isang pahid mo lang, puputi ka na. Hindi siya masyadong oily sa katawan, mabilis siyang matuyo.

Astig! Makabili ka ng isang katerba nito at mai-stock sa bahay.

“Wow! Sexy,” siya namang pagsulpot ni Jorja. “Ano ‘yan, Tita?”

“Try mo, Jorj. Ito na ang sagot sa pangarap mo!”

“Huh?”

“Pampaputi!”

“Naku, Jorja!” sumabat si Tita Dawn. “Lubayan mo at magmumukha kang espasol d’yan!”

Sumama ang mukha ni Jorja, inirapan niya ako at padabog na sumandal sa pader. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at nagkunyaring parang maiiyak. Magwo-walling sana siya nang sitahin at takutin siya ni Tita Dawn na hindi siya tutulungan nito sa pagsuot ng gown.

Pinagtulungan nilang dalawa ni Jorja ang pagpapasuot sa akin sa gown. Tama nga si Tita, hindi nga ito mabigat, nagmukha lang mabigat dahil palobo ito at mahaba. Sunod na plinantsa niya ulit ang buhok ko, at kinapalan ang lipstick ko.

“Oh my gosh!” nariyang tumili si Jorja. “Napakaganda mo, Luka!”

I scrunch my nose.

“Gaga, bagay na bagay sa ‘yo ‘yung gown! Parang kang isang royal princess!” lumapad ang ngiti niya kaya napangiti na rin ako. “Ang ganda-ganda mo talaga, Rosane. Mapaikli o mapahaba man ang buhok mo!”

“Tss,” ngumuso ako. “Baka lumaki ulo ko n’yan?”

She laughed. “Gabrielle is always right,” sa puntong ‘to, doon na ako napatitig sa kaniya. “You are beautiful inside and out…”

“You’re beautiful too, Jorj.”

She hugged me tightly. Ayokong masira ang make-up ko kaya pinigilan kong maluha. Tumingin ako sa itaas para hindi ito magtuloy.

“Thank you for appreciating me, Rosane!”

Kailanman hindi ako nagsising nakilala ko siya bilang kaibigan. She’s too good to be my friend, honestly. Oo, palamura’t maingay but she’s soft hearted. Kapag may nasabi siyang mali sa isang tao, bigla na lang siyang tatahimik, iisipin kung bakit niya nasabi ang mga salitang iyon hanggang sa ma-guilty siya, and she would say sorry.

Minsan, kahit labag sa pride niya, mag-so-sorry pa rin siya pero kaaway pa rin ang turing niya sa ‘yo. Gan’yan kalukaret ang kaibigan ko na iyan.

Kumalas sa pagkakayakap si Jorja nang tawagin ito ni Tita Dawn para suotin na ang gown. Tutulong sana ako ngunit tumanggi sila dahil kaya na raw nila iyon.

Sa pananahimik ko habang naghihintay, biglang sumagi sa isip ko si Havier. Nakaramdam ako ng pagsisisi nang sigawan ko siya sa cellphone. Nasisiguro kong may rason siya kung bakit naging gano’n ang inakto niya. Kung talagang nag-alala ang isang ‘yon, hindi siya papayag na makitulog ako rito kila, Jorja.

Speaking of the devil… Kumatok ang isa sa mga kasambahay ni Tita Dawn at sinabing nasa living area ang pinsan ko. Sinabi pang ito raw ang maghahatid sa akin papunta sa school.

“Dear, you forgot this!” palabas na sana ako ng silid nang hinabol ako ni Tita Dawn dala-dala ang isang pares ng sandals. “I know you hate heels, so…”

I smiled.

“Salamat po…”

“You’re always welcome!” siya na mismo ang tumungko para isuot sa paa ko ang sandals. “Okay!”

“Thank you, Tita Dawn!” I hugged her. “Maraming-maraming salamat po!”

“Masisira ang make-up mo. Go, and talk to your cousin na, hija!”

“Salamat po ulit!”

She just smiled at me. Hindi naman masyadong mataas itong second floor kaya hindi ako nahirapang bumababa papunta sa ground floor.

“Sir, narito na po ang prinsesa!”

Isang kasambahay ang sumigaw, muntik pa akong magulat dahil hindi ko inaasahang may pa-gano’ng effect pa.

Nakita ko ang pinsan kong unti-unting napalingon sa gawi ko. Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi at naglakad patungon sa ‘kin.

“Am I dreaming?”

“What?”

“You’re so gorgeous, Valentina,” nakangiti niyang wika sabay yakap sa akin. “I’m so sorry…” his voice cracked. “I feel so horrible, hindi ko naisip ang nararamdaman mo this passed few days. I’m sorry, please forgive me…”

I tapped his back and smiled.

“Apology accepted, Havier.”

“Thank you,” he whispered. Bahagya na siyang kumalas sa akin at may inilahad na paper bag. “Someone wants to give it to you.”

I raised my brow. “Sino naman?”

“An important person to your life, Val.”

“Sino nga?” nagtataka kong tanong at sinilip ang laman ng paper bag. Isang black mask ang bumungad sa akin at isang parisukat na kahon. “Kanino galing ‘to?”

Tinulungan niya akong buksan ang kahon at isang napakagandang tiara ang lumantad. Isang dyamante ang nakalagay sa gitna nito at pinalilibutan ng angel wings.

“Putcha!” nagpalit-palit ang tingin ko sa hawak ko at kay Havier. “Napakaganda nito!”

“Did you like it, huh?”

I nodded. “Ngayon lang ako nakatanggap ng ganito. Sobrang ganda!”

“I knew you would like it.”

“Kanino ba galing ‘to?”

Nag-angat siya ng kilay, bahagyang tumagilid ang ulo at inabangan ang magiging sagot niya.

“None other than,” sinadya niyang huminto. Ngumiti siya, kinuha ang tiara mula sa kahon at marahang inilagay sa ulo ko. “From your father, Uncle Azore. He asked me to give it to you since he can’t go back here.”

My face heated.

“Oh, it matches to your ring.”

Sandali akong napatitig sa suot kong singsing. Ngayon ko lang ulit ito napansin, matapos ang ilang linggong binigay sa akin.

Why are they giving me this kind of stuff? I find it weird, it has a symbol of angel wing.

“Let’s take a picture, Val,” Havier uttered. “Gusto kong ipakita kay Uncle Azore kung gaano kaganda ang anak niyang mabait ngayong gabi.”

Ngumiwi ako. “Ngayong gabi lang ba ako maganda?”

He chuckled. “Of course, no!”

“Bakit parang pinararating mong ngayon lang ako nagmukhang tao?”

“Wala akong sinabing gan’yan, Val.”

We took a lot of picture. Hindi siya masiyahan sa isang anggulo lang, may inutusan pa siyang isang kasambahay para picture-an kami. Dahil medyo madiwara si Havier pagdating sa pagkuha ng litrato, naikot namin ang buong sala.

Hindi ako nahirapan sa paglakad dahil siya ang nag-aangat ang sa dulo ng gown ko. Ngunit kahit gaano pa kami kaabala sa pagtatawanan at pagkuha ng litrato, hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kagabi.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko. Nasa byahe na kami patungo sa school. Panay ang daldal ni Havier habang nagmamaneho, sumasagot naman ako kapag naiintindihan ko.

I bit my lower lip and took a deep breath.

“Havier,” tawag ko sa kaniya, siya namang huminto ang sasakyan dahil traffic.

“Oh?”

“Isang sagot lang…”

He raised his brow. “What?”

“Anong nangyari kagabi?”

He pursed his lips. Nanatiling nasa daan ang matatalim niyang tingin.

I swallowed hard.

“’Yung dumukot sa akin, kilala niya ako. Tinatawag niya akong Rora but I didn’t know him. Sabi niya matatapos ang gabing ‘yon at magiging okay na ang lahat. Ano ang ibig n’yang sabihin, Hav—”

“Valentina, stop asking about it, okay?”

“Bakit?”

“Just forget what happened last night.”

Napaamang ako. “Ano?! Kalimutan? Havier, hindi mo alam kung gaano ako katakot na takot kagabi tapos ang sasabihin mo, kalimutan ko?!”

“Val—”

“Halos mamatay-matay ako sa takot, Havier! Hindi ko kilala ang taong dumukot sa ‘kin at wala akong idea kung bakit niya ako dinukot! Tangina, Havier!” Naghabol ako ng hininga. “Akala ko katapusan ko na kagabi! Akala ko mamatay na ako ng walang nakakakamit na hustisya! Akala ko hindi na ako muli makakabalik sa—”

“V-Valentina, I don’t want to talk about it, please?” He sounds begging. Humigpit ang hawak sa manibela. “I don’t want to—”

“Bakit? Bakit ayaw mo, huh?!”

“My mother was there.”

My eyes grew bigger.

Pusanggala!

Ang ina mo!

Bakit nandoon siya? Anong ginagawa niya doon? Putcha! Napahawak ako sa aking dibdib. Kumabog na naman kasi ng malakas.

Ngunit mas lalo pang namilog ang mga mata ko sa mga sumunod niyang sinabi.

“She was there,” he whispered. “She kidnapped you in order to save you…”

Continue Reading

You'll Also Like

L1-TS01B By Seren

General Fiction

4.6K 176 69
The experiment continues ...
4.8K 324 12
Si Everlee Cyan Zamora ay isang simpleng dalagitang namuhay ng labing-tatlong taon sa isang mental institution. Dinala siya roon ng kaniyang mga magu...
645 128 51
Stellan Salvatore, a man who is full of dreams and positivity. Even with the death of his mother, Stellan did his best to be the responsible brother...
989 99 28
Birthday checklist: ✔Balloons ✔Party hats ✔Gifts ✔Decoration ✔Entertainment ✔Birthday girl is gonna come ✔Cake □ Wishing Candle .... "Uh oh." 'Yan la...