My Lost Husband (Cousinhood S...

By HanjMie

603 5 1

Cousinhood Series 4: My Lost Husband Written by: Ji Mie Han (HanjMie) Ashley Cortez has everything in life. S... More

Chapter Spoiler
Questions
CHAPTER SPOILER TWO
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
MLH THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
SPECIAL CHAPTER: LOST MEMORIES

CHAPTER FORTY-SIX

9 0 0
By HanjMie

🌷🌷🌷

NAKA-ABANG SILA SA labas ng operating room. Nasa rooftop na ang chopper kung saan lulan si Lorenzo at Kuya Timothy. Marami silang nakahintay doon. Anna at Alex are with her. Sina Mary Ann at ang ama ni Lorenzo naman ang sa side ni Lorenzo. Cathylyn is with Dennis. Hindi pa ito pwedeng bumangon dahil sa mga balang tinamo ng katawan nito.

"Everything will be alright." Bulong ni Anna.

"Don't worry, Ash. Quinn is here. Isa siya sa magaling na doctor dito sa ospital ni Cathness. Gagawin niya ang lahat ma-iligtas lang si Lorenzo." Hinawakan ni Alex ang kamay niya.

Tumungo siya sa pinsan. May tiwala siya sa mga sinabi nito. Alex knows a lot of people. Iyong mga kilala niya sa industriya na iyon ay halos lahat si Alex ang nagpakilala sa kanya.

Napatayo sila ng makita ang isang stretcher na tinutulak. Sa likuran noon si Kuya Timothy at Jacob. May isang lalaki siyang nakitang sumasabay sa mga nurse na tumutulak. Seryuso ito. Napatingin siya kay Lorenzo na nakahiga. Napakaputla nito. Nakapikit ito na siyang ikinaba niya. Lalapitan na sana niya ito ng mabilis siyang pigilan ni Alex.

"Kailangan na siyang ipasok agad, Ashley. Nasa panganib pa ang buhay niya." Bulong ng pinsan.

Walang nagawa si Ashley kung hindi sundan na lang ito ng tingin. Ganoon din ang ama ni Lorenzo. Naka-alalay dito si Mary Ann. Napapikit siya ng tuluyan ng ipinasok si Lorenzo. Sumunod ang doktor na kung hindi siya nagkakamali ay ang kakilala ni Alex.

Lumapit sa kanya si Kuya Timothy.

"Ashley, I'm sorry." Malungkot at nagsisisi na wika ni Kuya Timothy.

Tumingin siya dito. Agad niyang niyakap ang nakakatandang pinsan. "It's not your fault. Hindi mo ginusto ang nangyari, Kuya."

Gumanti ng yakap si Kuya Timothy. Muling pumatak ang mga luha niya. Kaya naman inalalayan siya ni Kuya Tim na maka-upo. Nanatili siyang nakasandal sa balikat nito. Nakita niyang lumapit si Patrick kay Mary Ann. Nag-usap ang dalawa ng seryuso. Ngayon niya lang naalala. Head boss nga pala ni Mary Ann si Patrick.

"The whole organization who was their kill Terence on the spot. Wala siyang ligtas sa dami ng balang tumama sa kanyang katawan. Nanlaban siya kaya binaril siya ng buong organization. His target was me but Lorenzo takes the bullet. Ang tanga niya. Hindi naman ako maaano dahil may suot akong chest vest." Bulong ni Kuya Tim.

Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap dito dahil sa narinig. Lalong sumisikip ang puso niya. Pagkatapos ng mga sinabi niya dito ay ginawa pa nitong isakripesyo ang sariling buhay para sa kapamilya niya. It's painful that she is being selfish while Lorenzo being selfless. Ginawa nito ang lahat para mapatunayan ang pagmamahal sa kanya.

Nabanggit sa kanya kanina ni Alex at Anna na ilang beses nagtangka si Lorenzo na ka-usapin siya ngunit sa tuwina ay napipigilan ito. Nagulat din siya ng malaman na nag-file pala ng TRO ang kanyang ama para hindi siya malapitan ng asawa. Mahigpit din ipinagbilin ng kanyang ama na hindi papasukin ng opisina niya si Lorenzo. Pati ang mga appointment niya ay dumadaan din sa ama at ipinagbilin sa kanyang sekretarya na wag bibigyan ng pagkakataon si Lorenzo na magka-usap sila.

Wala siyang kaalam-alam na sinusubukan na pala nitong ayusin ang relasyon nila. Hinahadlangan lang pala ito ng kanyang ama. At iyong pagkikita nila ay ang tanging naging paraan nito para magkita at magka-usap sila.

"Ashley, can I have a word with you?" tanong ni Patrick.

Napatingin siya sa lalaking nakatayo sa tapat nila ngayon ni Kuya Timothy. Umayos siya ng upo at tumungo.

Huminga naman ng malalim si Patrick at ipinantay ang sarili sa kanya. Hinawakan naman ni Kuya Timothy ang kanyang kamay.

"Someone saves Lorenzo before we get to the area. Kilala mo ba si Shy at Shakey Prado?"

Nanlaki ang mga mata niya. Tumungo siya bilang sagot. Of course, she knows that woman. Ito ang babaeng naging kasintahan ni Lorenzo sa Pangasinan. Kapatid nito ang lalaking binanggit ni Patrick.

"Tinamaan siya at ligtas naman. Sa ngayon ay nasa ospital siya at nagpapagaling. Hindi naman ganoon kalalim ang tama ng bala sa balikat niya. I just want you to tell you. Anong koneksyon niya sa kay Terence. Dahil ng tingnan naman ang CCTV footage sa building na iyon ay labas-masok lang siya. Nakita din sa isang CCTV na nag-uusap sila ni Terence at nagtatalo. It's like they are fighting for something important."

Umiling siya. "Hindi ko siya ganoon kakilala. Ang alam ko lang ay naging kasintahan siya ni Lorenzo. Before I found Lorenzo again, nagpakilala sa akin si Shy na kasintahan niya. Kaya di ko din alam kung paano sila nagkakilala ni Terence." Pag-amin niya kay Patrick.

Tumungo ito. "I think. Wala ding alam ang kapatid niyang si Shakey. Mukhang kailangan namin siyang hintayin na magising bago matanong."

"What happen to her?" Hindi niya mapigilang hindi itanong ito.

"Kung kasabwat siya ni Terence sa pagkidnap kay Lorenzo. We have the rights to arrest her. Mali ang ginawa niyang pero kung kagaya ni Lorenzo na biktima lang din siya ay maaring hindi siya makulong. Well, nakita naman namin na kasama siya ni Lorenzo na lumabas. Wala ding alam ang mga pulis na kasama siya sa mga na rescue namin."

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Alex.

"Agad namin silang inalis ng sabihin ng kapatid ko na paparating na ang mga pulis. The only person we declare to rescue last night is your husband. Pwede ko naman gawan ng paraan pero tatanungin pa rin sila ng mga pulisya at maaring kumanta ang mga kasama ni Terence na nahuli namin. Shakey is a soldier. Pwede siyang matanggal sa serbisyo sa ginawa niya." Sagot ni Patrick.

Tumungo ang dalawang pinsan.

"Hindi pa namin alam ang totoo at inosente si Shakey. Kina-usap lang daw ito ni Shy na samahan itong iligtas si Lorenzo. Hindi niya alam na nagkaka-usap pala si Shy at Terence." Dagdag na paliwanag ni Patrick.

Tumingin sa kanya si Patrick. "We found out something. Once the operation is successful and Lorenzo is out of that operating room. Please come to me with Timothy and Alex. I need to show you something."

"Okay. Thank you, Patrick."

Ngumiti ito. "It's my job to protect innocent people. I'm sorry if your husband got shot."

"It's not your fault. Makakahinga na ako ng maluwag dahil wala na si Terence sa buhay namin."

"Yes." Tumayo na si Patrick at hinarap si Alex. "Alex, would like to come with me for a second."

Tumungo ang pinsan. Pinisil muna nito ang kamay niya bago sumunod kay Patrick. Alam niyang may pag-uusapan ang mga ito. Muli na lang isinandal ni Ashley ang sarili kay Kuya Timothy. Kung anuman ang naging kaugnayan ni Shy kay Terence ay isinantabi niya muna. Mas importante ngayon ang sitwasyon ni Lorenzo. Walang ibang pumapasok sa isipan niya kung hindi ang makaligtas ang asawa.

Hindi alam ni Ashley kung ilang sandali siyang nakasandal kay Kuya Timothy. Nakakalma kasi ang siya sa ginawa nitong pagtapik sa kamay niya na hawak nito. Nang bumukas ang pintuan ng operating room at lumabas ang doktor ay mabilis siyang tumayo. Sabay sila ng ama ni Lorenzo na lumapit dito.

"Are all family of the patient?" tanong ng doktor.

"Ako ang ama ng pasyente. Kamusta na ang anak ko?" Nag-aalalang tanong ng lalaking kasama nilang naghihintay sa labas ng operating room.

"The operation is successful. Maraming nawalang dugo sa kanya pero mabuti na lang at may stock ang ospital ng blood type niya. Sa ngayon ay hintayin natin siyang magising. Everyone can breath now."

Lahat sila ay nakahinga ng maluwag dahil sa narinig na balita ng doktor. Tumingin ito kay Alex.

"We will transfer him to ICU to observe," wika pa ng Doktor.

"Thank you, Doctor Philip." Pasalamat ni Alex sa kaibigan.

Tumungo lang ito at nilampasan sila. Lahat sila ay ang pasalamat dito. Niyakap siya ni Kuya Timothy ng makaalis ang doktor. Gumanti naman siya ng yakap dito. Muling pumatak ang mga luha niya. She feels relief after hearing everything. Ngayong ligtas na si Lorenzo ay nakapagdesisyon na siya. This decision will change everything between them.



PAGKATAPOS MA-ILIPAT SA ICU at mahawakan ni Ashley si Lorenzo ay sumama siya kay Kuya Timothy at Alex para puntahan si Patrick sa bahay nito. Doon daw sila mag-uusap. Kinakabahan man sa maaring sabihin ni Patrick ay kailangan niyang harapin ito.

Narating nila ang bahay ni Patrick ng walang aberya. Nasa likuran nila si Alex at Anna. Kasama din nila si Jacob at isang bantay nila. Bumukas ang gate ng bahay ni Patrick na alam nilang minamani-obra mula sa loob. Isang malawak na lupain ang bumungad sa kanila. May kalayuan ang main gate sa bahay ni Patrick. Kung lalakarin ay may tatlong minuto din. Hinihinto nila sa gilid ang kotse.

Pagkababa nila ng kotse ay bumukas ang pinto ng bahay at lumabas si Sasha. Ang mabutihing asawa ni Patrick. Ang alam niya ay isa din itong agent. Naglakad sila palapit dito. Niyakap agad siya ni Sasha.

"I heard the news. It's good that your husband is alright," anito ng kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"Thank you for your worries." Tanging nasabi niya.

"Come inside. Patrick is waiting on his office." Hinawakan siya ni Sasha sa kamay at giniya papasok sa loob ng munting tahanan nito.

At dahil gabi na, wala siyang napansin mga bata o katulong sa paligid. Tinahak nila ang isang sulok ng bahay. Bumaba sila sa isang hagdan. Doon ay may isang pinto na nakasara. Kumatok muna si Sasha bago binuksan iyon. Unang pumasok si Sasha bago siya sumunod. Nagulat pa siya ng makita ang lugar.

Akala niya ay talagang opisina iyon pero napapalibutan lang iyon ng mga libro. May sofa sa gilid at coffee table. Walang ibang mesa doon kung hindi ang maliit na mesa. Doon sila pina-upo ni Patrick.

"I get you drink." Nakangiting wika ni Sasha bago lumabas ng kwartong iyon.

Humarap siya kay Patrick. Seryuso ang lalaking nakatingin sa kanya. Parang inaalam kung anong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Huminga ito malalim bago kinuha ang isang remote. May pinindot ito doon kaya bumaba ang isang malaking black screen.

"Before I play the video, I want you to know that everything is in the past. Kailangan mong tatagan ang loob mo." Tumingin ito kay Alex.

Tumungo ang pinsan niya at hinawakan ang kanyang kamay. Lalong lumakas ang kaba sa dibdib niya.

Muling may pinindot si Patrick sa hawak na remote at isang video ang unang pinalabas mula sa projector. Mukha ni Terence na may ngiti sa labi.

"Let's see. Magandang makita ito ng pa-ulit ulit." Tumawa ang lalaki sa video at umalis mula sa pagkakatayo.

Nanlaki ang mga mata ni Ashley ng tumambad sa kanya ang mukha ng asawa na nakatali sa upuan. Namamaga ang mga mata nito at putok ang labi. Nakita din niya ang dugo sa kaliwang bahagi ng ulo nito. Isang malaking sugat ang nakita niya doon. Ang sugat na iyon ang nakita niyang piklat sa mukha ng asawa.

Napalunok si Ashley. Nanginig ang kamay niya. Hinawakan ni Alex ng mahigpit ang kanyang kamay habang si Kuya Timothy ay hinawakan ang kanyang likuran. Pinipilit ng mga ito na pakalmahin siya. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha niya. Kumikirot ang puso niyang makita sa ganoong sitwasyon ang asawa.

Lumapit si Terence kay Lorenzo na ipinipikit na ang mga mata. Kitang-kita dito na nahihirapan na ito sa kalagayan. Napatakip ng labi si Ashley ng makitang hinawakan ni Terence ang buhok ng asawa at pilit na pinapaharap sa kamera.

"Smile on the camera, Madrigal. Para naman may munti akong ala-ala sa iyo. Para kapag nakita ng asawa mo ang bangkay mo ay malaman niya kung paano kita pinahirapan."

Isang ungol lang ang lumabas sa labi ni Lorenzo. Nais mapapikit ni Ashley ngunit hindi niya magawa. She can't move her own body. Patuloy ang panginginig ng kanyang katawan. She can't believe that her husband was in that kind of situation.

"You know, this video is to remind you of what I did to you. Naka-ilang turok na ba ako sa iyo ng druga na pinag-aaralan ng grupo namin, Madrigal. Hanga nga ako sa iyo. After that five shot you still can remember everything. Now..." May ibinigay na isang syringe ang lalaking kasama ni Terence doon.

Nanlaki ang mga mata ng tatlo sa narinig. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan nila. Lorenzo didn't lose his memory because of the crash but because of the drugs.

"Tingnan natin kung maalala mo pa ang lahat pagkatapos nitong pang-anim kong turok sa iyo." Tumawa si Terence at sinimulan nitong iturok ang druga sa braso ni Lorenzo.

Umungol at nagpumiglas si Lorenzo. At doon na tuluyang hindi kinayanan ni Ashley ang lahat. Napayakap siya kay Kuya Timothy. Lumakas ang pag-iyak niya at sumabay ang ingay niya sa ungol ni Lorenzo sa video. The pain in his voice tortures her heart. Hindi niya kaya. Hindi niya kayang makita ang asawa na nasa ganoong sitwasyon. Her heart is breaking piece per piece.

"Stop the video! Stop the video, Patrick." Sigaw ni Kuya Timothy ng mapansin ang panginginig niya.

Niyakap siya nito ng mahigpit at hinimas ang kanyang likuran. Wala ng naririnig sa apat nas ulok ng kwartong iyon kung hindi ang malakas niyang pag-iyak. Ang sakit-sakit. Sobrang sakit makita na pinapahirapan ang asawa niya. Makita pa lang ito sa video na nasasaktan ay para na siyang sinasakal, paano pa kaya kung nandoon siya. She can't take it.

"It's alright. It's over now. Tapos na ang lahat, Ashley. Lorenzo is finally free from Terence. Hindi na siya muling masasaktan pa ng hayop na iyon." Bulong ni Kuya Timothy. Kagaya niya ay taas-baba din ang dibdib nito.

Hindi siya nagsalita pa. Hinayaan naman siya ng tatlong lalaki. Nang bumalik si Sasha ay may dala nang inumin. Pinilit siya ni Kuya Timothy na umium.

"You need to drink this to calm you down." Bulong ni Kuya Timothy.

Sinunod niya ang nakakatandang pinsan.

"You shouldn't let her watch that video, Patrick. It's not mentally healthy for her." Pangaral ni Sasha sa asawa nito.

"It's better for her to see this. She needs to know how much her husband suffer in the hands of that crazy Terence." Depensa ni Patrick.

"For what? Para masaktan din siya. It's not the right way for her to know." Huminga ng malalim si Sasha at tumayo.

Tinulak nito si Alex na tahimik lang na nakamasid at umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kamay niya at marahang pinisil.

"He is alright now, Ashley. Sinuri ko ang druga na tinurok nila kay Lorenzo. Nakuha namin iyon ng mapatay namin si Brandon. Nakalista din sa isang libro ang side effect ng drugang iyon. Lorenzo really loses his memory because of that drug. I'm sorry."

Hindi siya nagsalita kaya si Kuya Timothy ang nagtanong.

"May gamot ba? Do you think there's an antidote for this kind of drug?"

Umiling si Sasha. "Wala. I tried to experiment but I always end up fail. Masyadong matapang ang druga na ito. The first shot will just lose your memory for a week or any selective memory. But Lorenzo got six. At ilang taon na din ang lumipas. Mahirap ng gamutin. I'm very sorry that I can't do anything." May lungkot na wika ni Sasha.

Kumalas siya sa pagkakayakap kay Kuya Timothy at hinarap si Sasha. "Sinasabi mo ba na habang buhay ng walang maalala ang asawa ko?"

Pumikit ng mariin si Sasha at mabagal na tumungo. "I'm so sorry, Ashley. I can't help you with this."

Muli siyang napa-iyak. Pinanghinaan siya sa narinig.

"What should I do now? Lahat ng nangyari sa amin noon ni Lorenzo ay hindi na niya maalala pa. Iyong masasayang ala-ala namin na magkasama," aniya sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

"Ashley..." pinaharap siya ni Kuya Timothy.

Hinawakan nito ang kanyang mukha at pinunasahan ang kanyang mga luha. Ngumiti ito ng bahagya.

"Do you remember what I said to you about my mom and dad?" Pinakatitigan ni Kuya Tim ang kanyang mga mata.

"Everything will be gone. Everything will be chance but not the memory they give to us. Hindi man maalala ni Lorenzo ang masasayang araw niyo noon pero nandito siya. Buhay siya at makakasama mo siya. You two can build a new happy memory. Past is always be a past. We can't change it but tomorrow and your future, it's up to you how you will build it. Kung paano niyo pupunuin ng masayang ala-ala ang hinaharap niyo. Lorenzo needs to forget everything in his past because he has a better future with you. Kailangan niyo lang punuin ng masayang ala-ala na magkasama. So don't be sad. Do the thing that your heart wants." Itinapat ni Kuya Timothy ang kamay nito sa puso niya.

Hindi siya nakapagsalita. Every word said by her Kuya Timothy got her. Tama ito. Bakit niya pa-iisipin ang masasakit nilang nakaraan? Kahit na may ilang magandang alala, pwede niya iyong ipakita kay Lorenzo gamit ang mga larawan na kuha niya. Hindi ba at meron siyang ganoon.

Lorenzo can't remember but he will know. He will know how happy they are. And we are going to build another happy memory together. She can't change the past anyway but it's up to her the future will be.

"You can be happy again, Ashley. Just choose the right thing." Dagdag na wika ni Kuya Timothy.



NILIPAT SI LORENZO SA ISANG PRIVATE ROOM. Kasama nito sa kwarto si Dennis. Nang magising ito sa ICU kagabi at sinabi ni Dr. Philip na maayos na ang kalagayan nito at mananatili na lang ng ilang araw para magpagaling ng sugat ay agad itong inilipat sa pangdalawahang kwarto.

Ginawa iyon ng mga Madrigal para hindi mahirapang mga ito. Magsasalitan daw ang mag-inang Cathylyn at Mary Ann sa pagbabantay. Dumaan si Anna doon kasama si Lj kaya agad iyon na ibalita sa kanya.

Pagkatapos nilang maka-usap si Patrick kagabi ay umuwi sila sa mansyon ng mga Saavadra. May ilang bagay pang ipinakita sa kanila si Patrick. Hindi na nito itinuloy ang video kung saan pinahirapan ni Terence ang asawa niya. Pinakita lang sa kanila kung paano nakatakas sa lugar na iyon si Lorenzo. Sa nakita niyang sugat at ginawang pananakit dito ni Terence, hindi niya akalain na makakaligtas ito.

Lumaki ang paghanga niya sa asawa. Nalampasan nito ang lahat. Nakaligtas ito at namuhay sa ibang katauhan. Ngayon niya na-isip na maaring pinagtagpo nga talaga ulit sila ni Lorenzo ng araw ng kasal ni Anna at Alex. Fate brought them back together. And now, she is ready to give him something.

Pinagmasdan ni Ashley ang hawak na bulaklak at isang basket ng prutas. Nasa labas na siya ng kwarto ng magkapatid na Madrigal. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang kanyang puso. Kailangna niyang magbaon ng lakas para harapin si Lorenzo.

Nang kumatok siya at may bukas ng pinto ay inihanda niya ang isang magandang ngiti. Nakita niyang si Mary Ann ang nagbukas ng pinto. Agad na ngumiti sa kanya ang babae at binuksan ng mas malaki ang pinto.

"Hello." Bati niya dito.

"Pasok ka. Gising na siya at nakikipag-usap sa amin."

Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa sinabi nito. Inihakbang niya ang mga paa papasok sa loob. Una niyang napansin si Dennis. Isang ngiti agad ang ibinigay nito sa kanya. Iniikot niya ang mga mata at doon nagtagpo ang mga mata nila ng asawa.

"Ashley!" masayang banggit nito sa pangalan niya.

Nakagat ni Ashley ang ilalim ng kanyang labi. She wanted to cry. She wanted to run and hug this man. Gusto niyang sabihin dito na magiging masaya na sila sa pagkakataong iyon. Na wala ng taong mananakit dito. Pero hindi niya ma-igalaw ang mga paa. Napako siya sa kinatatayuan habang nakatingin dito. Where she going to start? She can't find her own tongue.

🌷🌷🌷

HanjMie

Continue Reading

You'll Also Like

17.8K 747 25
(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Love Blinds Band book series 1 "Sometimes you need to sacrifice para sa taong minamahal natin. Baka kasi y...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
2.5K 202 29
A collaboration with Raven Sanz and c U'around D'corner Book 4 of Mantovani Maids Series Will be available in August in a physical book set; stalk my...
22.9K 344 18
Gumalaw ang kanyang balakang, umindayog, kumembot. She dance seductively, as she took off her clothes one by one. They throw money on the stage where...