The Lovestory That We Never H...

By heyitsmejesika

4.2K 324 474

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong m... More

The Lovestory That We Never Had
CHAPTER 1 : SIMULA
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 : WAKAS
Author's Note

CHAPTER 4

86 9 40
By heyitsmejesika

CHAPTER FOUR

"IS THIS seat taken? Or its you who's available?"

Nakagat ko ang aking ibabang labi ng bigkasin ko ang mga katanungan iyon, sa gilid ni Glen. Bakit ako pa ang kinikilig, imbes na sya?

Ang corny ko talaga!

May vacant seat kasi sa tabi nito kaya nauna na talaga ako sa iba ko pang kasama na maghanap ng mauupuan. Mahirap nang mahuli at maagawan. Maigi na yung nauuna para sure talaga.

"Taken na ang upuan, at mas lalong taken na rin si Glen. So, back-off Santanilla!" mataray na asik ni Bianca na nakatayo na pala sa gilid ko.

Kailan pa 'to napunta dito?

Humarap ako dito saka sya tinaasan ng kilay.

"And who are you to say that? Jowa ka ba? Feeling jowa ka lang naman, diba? So ikaw ang mag back-off, Jeminez!"

Nagsagutan kaming dalawa na para bang walang teacher sa unahan namin. Pati ilang classmates namin ay nagchicheer na rin kung saan sila papanig.

"Iyong upuan ba ang pinag-aawayan nyong dalawa? O si Glen?"

Pareho kaming napatingin ni Bianca kay Ma'am Climente. Nahihiyang humingi naman ako ng pasensya sa guro.

"Bianca go back to your seat. And for you Margaux, d'yan ka na maupo sa upuang katabi ni Glen."

Ngumiti naman ako ng pagkalawak-lawak bago tumango. Bumalik na si Ma'am sa harapan at nagsulat sa blackboard.

Bakit kaya tinawag na blackboard ang pisara kung gayong dark green naman ito? Dapat greenboard yun eh.

CHARING! Let's go back to the topic na lang. Dami kong advertisment eh.

Ngiting ngiti akong umupo sa upuan katabi ni Glen. Nasa gilid naman nito si Zander tapos nasa unahan nito si Josh.

Napaliligiran ako ng mga ulupong, except syempre kay Glen my Hubby.

"Hello, Hubby! Paano ba yan classmates na tayo. Hindi mo na ako maiiwasan," bulong ko habang nakangiti na parang baliw.

Baliw nga kasi sa kanya. Enebeee!

Masungit na tumingin ito sa akin. "Goodluck then!"

Nakaramdam naman ako ng konting kaba base sa boses at pagkakasabi nya. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari sa stay ko dito sa Section A.

Sana lang ay wala.

Sana lang ay wala syang kinalaman kung sakali man.

PAGKATAPOS ng morning class namin ay nagtext ako kay Ella na magkita na lang kami sa cafeteria. Napansin ko namang lumabas agad si Glen ng room. Susundan ko na sana ito nang kausapin akong bigla ni Josh.

"H'wag mo nang balakin na sundan si Pareng Glen. Badmood 'yun dahil sayo. Baka pag-initan ka na naman eh."

"Dahil sa'kin talaga? Ano na namang ginawa ko?"

"Classmates na kayong dalawa, so it means araw-araw mo na syang mabubwesit nyan."

Natigilan ako. Malungkot na bumuntong hininga sabay sukbit ng aking bag.

"Bwesit ba talaga ako para sa kanya? Yun ba talaga ang tingin nya sa akin?"

"Ohhh... chill lang Erish! What I mean is, next time mo na lang ulit sya guluhin. Pag-alisin mo muna ng init ng ulo. Badtrip din kasi iyon dahil grounded sya ng isang linggo. No gadgets at all at bawal din umalis ng bahay."

"Bakit daw?"

"Nahuli kasi ni Tita na may kachat na magandang chikababes. Nagsend yata ng nudes si girl sakto namang daan ni Tita sa likuran nya. Kaya ayon, huli si balbon!"

Napanganga ako sa narinig.

W-What the hell? Nudes talaga? For goodness sake! Highschool pa lang kami tapos may kachat syang gano'ng babae?!

Parang gusto kong manapak ngayon?! Si Josh kaya, sampolan ko ng isa?!

Nagtangis ang bagang ko at nanlilisik na binalingan si Josh. Mukhang nagulat naman ito at mabilis na lumayo sa akin.

"Buti nga sa kanya! Makikipag chat na nga lang, hindi pa sa akin."

"Ohh... kalma lang Erish! Hindi talaga ako ang nagbigay doon sa babae ng account ni Glen. Akala ko lang talaga ay nakikipag friend lang 'yun eh."

"Edi umamin ka rin. Dinadamay nyo pa sa pagiging manyak ang Hubby ko. Bwesit talaga kayo ni Zander."

"Teka naman... Goodboy kaya ako. H'wag mo akong itulad kay Zan."

"CHEEE! As if! HMP! D'yan ka na nga."

Padabog na nilampasan ko sya saka lumabas ng room.

"Nakakainis! HMP!"

Nakasimangot na pumasok ako sa cafeteria. Agad ko namang natanaw si Ella dahil kitang kita mula dito sa pinto ang usual spot naming dalawa.

"MARGAUX!!! HERE!"

Sigaw nito. Kumaway pa sya sa akin. Akala mo naman wala akong mata para hindi sya makita.

Iilan pa lang ang mga students na naririto sa cafeteria. Malamang ang iba ay mamaya-maya pa magsisidatingan. Maaga pa naman kasi. 11:20 lang. 11:30 ang simula ng lunch break hanggang 1:00 pm.

"Ohhh? Anyare sa mukha mo? Para kang pinagbagsakan ng langit at empyerno."

Sumalapak ako ng upo saka sumubsob sa mesa.

"Eh kasi naman. Si Glen may kachat daw na babae tapos nagsend yung babae ng nudes sa kanya. Nahuli ni Tita kaya grounded."

"Ohh, eh anong pinuputok ng butchi mo d'yan? Yung grounded si Glen o yung may ka chat syang ibang babae? As if naman kasi na ikaw ang kachat nya noh?!"

"Hindi naman kasi iyon ehhhhh!" pagmamaktol ko na parang batang inagawan ng candy.

Lollipop ang inagaw sa'kin, hindi candy!!

"Eh ano pala?"

"Dapat ako lang ang magsisend sa kanya ng sexy pictures ko at hindi ang ibang babae. WALA SILANG RESPETO SA AKIN. HUBBY KO YUN EHHHH!!!"

"Seriously, Margaux? Sexy pictures talaga? Ano ka pokpok?"

"Bakit ba?! Atleast sa iisang lalaki lang. Hindi katulad ng iba na kung SINU-SINO ANG KINAKALANTARI." Diniinan ko talaga ang huli kong sinabi bago sumulyap sa isang grupo ng kababaihan sa hindi kalayuan sa table namin.

Buti na lamang at busy ang mga ito sa pakikipagtawanan sa Section C, kaya hindi narinig ng mga ito ang sinabi ko. Dahil kung oo, makakatikim na naman ako ng pang bubully nito.

Grupo nina Brenda ang tinutukoy ko. 4th years Section B sila. Hindi ko nga alam kung bakit ang dami na nyang naging boyfriend samantalang mukha naman syang clown. Mga babaeng puno ng make-up ang mukha na ba ang type ng mga lalaki ngayon? Tapos yung tipong kita na maging ang kaluluwa sa suot na short shorts at blouse na kinulang sa tela?

Sabagay, ika nga nila 'Daig ng malandi ang maganda'. No doubt! Sa ugaling meron sya, hindi na iyon imposible. Sya na rin kasi ang lumalapit sa lalaki para makipag ANOOO.

Kailangan ko na rin bang gawin ang ginagawa nya? Baka sakaling mapansin na rin ako ni Glen.

Pero, no! VERY WRONG!

Hindi ko ibababa ang pride at dignidad ko para lang sa isang lalaki. Hindi ko gagamitin ang VCard ko para lang mapansin ako ng taong gusto ko.

Alam nyo kung anong gagamitin ko para mapansin ni Glen?

Simple, MY CHARMS! */flip hair

Isa pa, gusto ko kusa nyang mararamdaman na gusto na rin nya ako. Ayokong mamilit ng tao.

"Sabagay! May point ka naman doon." Tumango tango sya sa akin. "HOYYY! Alisin mo na nga ang tingin mo sa grupo nina Brenda. Baka mapagtripan ka na naman ng mga iyan eh."

Last year, second year kami nagsimula nila akong pag-initan dahil lamang nabangga ko si Brenda sa hallway. Nagmamadali kasi ako that time dahil nalimutan ko ang aking project sa bahay kaya bumalik pa'ko. Pasahan na nun kaya tumakbo na ako, hindi ko naman alam na lalabas sya sa kabilang hallway kaya nabunngo ko sya. Humingi ako ng tawad, mabait akong bata eh. Pero ang gaga, hindi ako pinalampas. Sabi pa nya, wala pa daw kasing gumagawa sa kanya nun, ako pa lang. Malay ko ba naman kasi.

At kung hindi sya maldita tatanggapin nya ang sorry ko. Aksidente ang nangyari at hindi ko sinasadya. But, no!

Pinaluhod pa nya ako sa soccer field para lang hindi na nila ako guluhin. Kitang kita iyon ng buong Eastwood at sobrang kahihiyan nun para sa akin.

Nakita rin ni Glen ang pangyayari pero pinanood lang nya sina Brenda na parang wala lang. Vice President pa naman sya ng SSG pero yung ganoong pang-aabuso ay hindi manlang nya ipinaalam sa Principal.

Pero dahil gustong gusto ko si Glen, pinalampas ko iyon. Iniisip ko na lang na baka ayaw nya lang makielam. Sabagay, since the day na nakilala nya ako ay wala naman na talaga sya pake sa akin. Anong aasahan ko. Pero umasa pa rin ako na kahit bilang officers lang ay ipagtanggol nya ako. Pero... hindi nangyari.

Hinintay ko pang dumating si Raven which is the President bago nila patigilin sina Brenda sa pambabato sa'kin ng crumpled papers na may harina.

Dalawang araw din akong di pumasok nun. Kaya simula nun ay iniwasan ko na talagang h'wag makatagpo ang grupo nina Brenda.

"Ang lalim ng iniisip. Nalulunod na'ko. WAAAHHHHHH!"

Sumimangot ako. "Sira!"

"Kumain ka na nga d'yan. Umorder na ako habang nagbabalik tanaw ka sa past."

I smiled at her. "Salamat!"

Kinampay nito sa harap ko ang isang kamay. "Ano ka ba bespren. Don't mention it, kay?! Kain na. Mukha kang ewan dyan."

"Nanlait pa."

Nginisihan lang ako ng loka. Pagkatapos naming kumain ay tumambay muna kami sa cafeteria dahil mamaya pang 1:00 ang sunod na klase.

Pinagkukwentuhan namin ni Ella ang isang blind item sa underground website ng Eastwood nang bigla na lang may malamig na tubig na bumuhos sa aking ulo.

"OH MY GOSH BESPREN!"

Napatayo ako dahil sa pagkabigla.

"Oh my! I didn't mean to spill the palamig in your buhok. Gosh! Mukha ka na tuloy basang sisiw. EWWWWW!" Maarteng wika ng may kagagawan nito.

Kilalang kilala ko ang boses na iyon dahil nakakairita sya sa pandinig na talagang kaiinisan mo. Maarteng pabebe!

Nilingon ko si Bianca. Naka crossed arms ito habang nakataas ang kilay sa akin. May ngisi rin sa labi nitong namumutok sa kapulahan.

Aywaw! Sya pa talaga ang may ganang pagtaasan ako ng kilay no?

Mukhang nawala nga sina Brenda, may pumalit naman ngayon. TSK! Kamalas-malasan nga naman oh.

"Anong tinataas taas ng kilay mo dyan? Nagkilay pa hiwit naman," singhal ko sa kanya na ikinatawa ng mga nakapaligid sa'min. Kahit nga sina Brenda ay natawa rin. Kaya mas lalo lamang itong naghimutok sa inis.

"Hoy babaeng putok ang bibig, for your information kahit ganito itsura ko, maganda pa rin ako. Hindi katulad mo. Kahit nanlalagkit ako dahil sa juice na sinadya mong ibuhos sa'kin, hot pa rin ako. Eh ikaw? Mukhang bisugong nilaga!"

Nakakapagsalita talaga ako ng hindi maganda lalo na at sinagad na nya pasensya ko. Wala naman akong ginagawa sa kanya pero binastos nya ako.

BWESIT SYAAAAAA!

"HOW DARE YOU MAKE LAIT TO ME?!" Malakas nyang sigaw.

"Kalma, yung butas ng ilong mo bumubuka na. At saka h'wag kang mag conyo, mukha kang englisherang hilaw."

Mas lalo syang nainis sa sinabi ko.

"WALANGHIYA KANG BABAE KA!" Susugudin na sana nya ako nang bigla syang pigilan ng isa nyang alipores.

"Biancs h'wag dito. Baka makita ka pa ng officers, maguidance ka pa. H'wag mo nang patulan ang babaeng iyan."

"HUH! NO WAY! Ang kapal ng mukha nyang babaeng yan kaya dapat lang na bigyan sya ng sampal. Isa pa...."

Humalukipkip ito bago ngumisi.

"Tingnan lang natin kung sino ang mas papaboran ni Glen sa aming dalawa."

"Bakit? Si Glen lang ba ang officers, ha?" sagot ko pabalik.

Hindi pa rin nawawala ang ngisi nya na napakapangit. Ngising aso eh!

"Pero mas malakas ang impact ni Glen sa'yo. Kaya alam ko na masakit kapag hindi ikaw ang kinampihan nya. Let's see then!"

Nabigla ako sa sunod nyang ginawa. Mabilis ang naging kilos nya kaya nahagilap nya agad ang isang pinggang spaghetti sa katabing mesa tsaka iyon tinapon sa ulo ko.

"HAHAHAHAHAHA!"

"Spaghetti'ng nanlalagkit ka na tuloy ngayon."

Hindi agad nag sink in sa utak ko ang nangyari dahil sa pagkabigla. Akmang tatayo na sana si Ella pero agad ko syang pinigilan.

"Ella, h'wag na. Ako na ang bahala dito. Ayokong pati ikaw ay idamay ng mga KSP na iyan."

"P-Pero M-Margaux—"

Hindi ko na sya pinatapos pa. Naglakad ako palapit kay Bianca. Nang mapadaan ako sa table nina Brenda ay ngumiti ako sa mga ito.

"Pwede pahinge ng coke at cake? Pang dessert lang," wika ko kay Brenda.

Inabot naman nito sa akin ang kalahating slice ng chocolate cake at isang basong coke.

"Sure! Why not?!"

"Thank you!" Ngumiti ako bago tinanggap ang cake at coke. Wow! Letter e at o lang ang pinagkaiba nila noh? Pero pareho pa ring sa isang pangit na Bianca lang masasayang.

Mabilis na lumapit ako kay Bianca, yung tipong hindi sya makakailag sa gagawin ko. Nang makalapit ay mabilis na tinampla sa mukha nya ang dala-dala kong cake. Pagkatapos ay ibinuhos ko rin sa ulo nya ang dala kong coke.

"AAAAHHHHHHH! YUCKYYY!"

Gulat na napahiyaw ito.

"Yucky ang feeling, diba? Ngayon nalaman mo rin pakiramdam ng ginawa mo."

Maging ang dalawa nyang alipores ay nabigla din at hindi malaman kung ano ang unang gagawin.

Kung pupunasan ba muna ang coloring book na mukha ni Bianca na ngayon na puno na ng chocolate cake, o iyong tumutulong buhok nito dahil sa coke.

Awts! Sayang naman ang pagkain, sa basura lang din pala dadalhin.

Basa at nanlalagkit na rin naman ako kaya susulitin ko na ang pagkakataong ito.

Sya ang nauna, kahit nananahimik naman ako. Sinagad nya ako kaya yan ang napala nya.

HUH!! Akala nya ha!

Kumuha ako ng isang box na tissue sa table namin bago bumalik sa harapan nya. Hinagis ko iyon sa kanyang mukha na mabikis din naman nyang nasakap. "Hindi ako hihingi ng apologize dahil its your fault in the first place. Pero isa lang ang masasabi ko..."

I made a black expression to make it fierce, bago bigkasin ang gusto kong sabihin. "DASURB!!"

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 54.1K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
1.4K 191 17
Yoonmin TAGALOG AU. --- Written by: Glossysaa Started: July 14. 2022 Ended: August 4, 2022
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
711K 15.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...