The Lovestory That We Never H...

De heyitsmejesika

4.1K 324 474

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong m... Mais

The Lovestory That We Never Had
CHAPTER 1 : SIMULA
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 : WAKAS
Author's Note

CHAPTER 2

134 11 52
De heyitsmejesika

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗧𝗪𝗢

THIRD PERSON'S P.O.V

"DUDE! Nasa labas ng room si Erish. Mukhang hinahanap ka na naman ah. Puntahan mo na, baka umiyak pa," wika ng kaibigan ni Glen na si Zander.

Napatingin naman ang binata sa labas ng kanilang classroom at totoo ngang naroroon ang dalagang sinasabi nito.

As usual, nakangiti na naman ito na para bang tuwang tuwa at palagi lang masaya na akala mo ay hindi manlang nagkakaproblema.

'Indorser ba ito ng close-up?' anang isipan ni Glen habang nakatingin kay Margaux Erish Santanilla—the girl that pestering him since first year highschool, until now that they finally at third year.

Walang araw o oras na hindi nya ito makikita o kahit masulyapan lamang. Palagi itong nariyan kung saan man sya naroroon. Hindi nya tuloy mapigilang hindi isipin na sinusundan sya nito. And unfortunately, anak pa pala ito ng kanyang parent's close friends.

Kung minamalas ka nga naman.

At simula noon ay palagi na sya nitong ginugulo—sa nakakairitang paraan. Hindi manlang kasi ito nahihiyang lantarang lantaran ang pagkagusto nito sa kanya. At doon sya naiirita.

He hates irritating girls. Ayaw nya rin sa babae ay ang pagiging clingy. Yung tipong ito pa talaga ang pinagsisiksikan at ipinagduduldulan ang sarili sa isang lalaki.

At si Erish ay isa sa mga babaeng iyon. He hates how confident this girl is.

"Don't mind her! Magpapapansin lang yan," sagot nya sa kaibigan.

"Baka may love letters ka na naman. Puntahan mo na kaya, bro—"

"JOSH EZEKIEL MAY NAGHAHANAP SAYO!" Malakas na sigaw ng isa nilang kaklase na syang kumakausap kay Erish mula sa labas ng kanilang room.

Nabitin sa ere ang dapat na sasabihin pa ni Zander dahil sa narinig. Pareho sila ni Glen na napatingin sa isa pa nilang kaibigan na si Josh. Gulat na napatingin din naman si Josh sa dalawa at nag kibit-balikat bago lumapit sa may pintuan.

Gulantang na napatingin si Zander sa kaibigang si Glen.

"A-Akala ko—pero bakit si Josh ang hinahanap?"

"TSK! Don't care!" singhal ni Glen sabay balik ng tingin sa hawak na libro.

Pero may paminsan-minsang pagsulyap sa labas ng room kung nasaan ang kaibigan at si Erish na nag-uusap—no, nag-aaway to be specific.

Napataas ang kilay nya.

'What was that? Kailan pa sila naging close?'

"Curious ka rin no? Aminin!!!" panunukso ni Zander. Malakas na binatukan naman nya agad ito.

"As if! Just shut the f'ck up, will you?"

Nagtaas naman ng dalawang kamay si Zander. "Oo na! Pero hindi ka ba talaga curious sa pinag-uusapan ng dalawa?"

"Chismoso?"

"Curious lang eh!"

"TSK!"

Hindi na lang nya ulit pinansin ang nang-iinis na kaibigan at itinuon na lang ang paningin sa libro. Pero agad ding napunta sa dalawang taong nag-uusap ang kanyang atensyon ng marinig nya ang sigaw ng isa nilang kaklaseng babae.

"LOVE LETTER? FOR JOSH? REALLY SANTANILLA?"

Its Chloe. Isa sa mga kaklase nilang hilig lang yata ay magkulay ng mukha kahit pa may klase o wala.

Tsk! Arte!

"WHAT? Para kay Pareng Josh?" Gulat ring usig ng kaibigan nyang mukhang tukmol.

Napailing na lamang sya. Wala naman kasi syang pakielam kung anong gustong gawin ni Erish. At pabor pa nga sa kanya kung sa iba na lang ito magkakagusto.

Really Glen?

Hindi sya nakatingin pero alam nyang pumasok na ang dalawa. Inuusisa naman ng iba pa nilang kaklase ang dalaga.

"Ano ba?! Ohhh! Sa inyo na nga yan. Para kayong mga ewan eh. Simpleng letter lang pinagdudumugan nyo."

Lihim na sumilay ang munting ngiti sa kanyang labi nang marinig ang inis na boses ng dalaga. Kahit galit ito ay napakalambing pa rin ng tinig.

'What the heck, Glen? Seriously? Kelan ka pa nagandahan sa boses ng isang babae kapag nagagalit?'

Ipinilig nya ang ulo upang mawala sa isipan ang isiping iyon.

"AKALA KO ba ay si Glen ang gusto mo? Pero bakit may pa loveletters ka sa'kin?" Makahulugang tanong ni Josh kay Erish.

Binigyan ng masamang tingin ng dalaga ang binatang nakangisi sa kanya ngayon.

'What's wrong with this guy? As if naman! Makapal din pala ang mukha ng isang ito? Pwe!' anang kanyang isipan.

"May sinabi ba akong sa akin galing ang mga sulat na iyan? Asa ka naman!" pagtataray nya dito. "Hay naku! Bakit kasi hindi na lang sila ang magbigay ng mga sulat na iyan sa dapat nilang pagbigyan? May mga kamay sila para mag-abot at paa para ipanglakad. Gosh! They're getting on my nerves!" reklamo pa nya.

"Eh sino ba kasi ang nagsabi na sundin mo sila?"

"Nagmamagandang loob lang naman ako. Tutal ay papunta na rin lang naman ako dito para masilayan ang Hubby ko."

"Edi h'wag kang magreklamo. Ginusto mo yan, panindigan mo."

Masamang tingin ang isinukli nya sa lalaki. Tumawa naman ito sabay balik sa kung nasaan ito kanina.

'Kung hindi lang sayang ang mukha mo, kanina pa kita sinapak.'

Inilibot ni Erish ang paningin sa buong classroom upang hanapin ang nag-iisang lalaking ipinunta talaga nya rito. At nang makita ang hinahanap ng kanyang mga mata ay mabilis nya itong nilapitan.

"Hi, Hubby! How are you? Did you miss me? Hmmm?"

Ngiting ngiti syang tumayo sa gilid ng kinauupuan nito. Wala namang sumuway sa kanya lalo na at ilang taon na rin nya iyon ginagawa. Sanay na ang mga ito sa kanya.

Maliban na lang kung nasa paligid ang 'THE MEAN GIRLS' na number one supporter daw ni Glen, at ang leader din ng grupong ito ang founder ng GleNation—which is the group fan page ng binata.

"TSK! As if! And how many times do I have to tell you, don't call me by that nickname! Annoying girl!"

Pero imbes na malungkot dahil sa pagsusungit ni Glen sa kanya ay natuwa pa sya. Naririnig kasi nya ang kantang All Of Me sa kanyang tenga. Nababaliw na nga talaga sya kapag si Glen na ang kaharap nya.

"Pake mo ba kung gusto kitang tawaging Hubby?! Kapag ba tinatawag mo akong Annoying girl, nagrereklamo ba ako? Hindi naman diba?"

"TSK!" He tsked her.

She rolled her eyes. Kailan kaya sya kakausapin ng matino nito? Palagi na lang kasing 'Tsk' ang naririnig nya from him. At kung hindi man, hindi naman sya nito kakausapin o di kaya ay sasagutin.

Kung hindi nya lang talaga gusto ang lalaking nasa harapan ay baka kanina pa nya tinape ang bibig nito nang tuluyang hindi makapagsalita.

"Akala mo siguro hindi na ikaw ang ipinunta ko dito no? Akala mo rin siguro hindi na ikaw ang gusto ko no? Luh! Asa ka naman. Alam mo namang hindi mangyayari 'yon."

"Yeah, as if I care!"

"Ang gwapo mo talaga kapag nagagalit ka. Kahit nakakunot ang noo mo, gwapo ka pa rin talaga sa paningin ko. Kahit nga basahan pa ang suotin mo, bagay pa rin sayo."

Narinig nya ang paghiyaw ng dalawa nitong kaibigan na sina Josh at Zander na nasa may likuran, nakikinig.

Siniringan nya ang mga ito bago muling ngumiti kay Glen na nakahalukipkip na ngayon habang nakataas ang kilay sa kanya.

"Hehehehe!"

Inilabas nya ang isang maliit na tupperware mula sa kanyang likuran. Muntik na nyang malimutan na may ibibigay nga pala sya dito kaya sya nagawi sa Section A.

"Cupcakes? Cheese flavor yan, favorite mo." Inabot nya ang tupperware na may lamang tatlong cheese cupcakes kay Glen. "Nagbake kasi kami ni Mommy kaninang umaga bago ako pumasok. Naisipan kong dalhan ka."

Tiningnan lang iyon ni Glen.

"Tanggapin mo na. Si Mommy ang nag pack nyan para sayo. Sige ka, kapag hindi mo tinanggap isusumbong kita."

"Do it! As if I care about it."

Kahit napapahiya ay nagawa pa rin nyang ngumiti. Ngiting hindi aabot hanggang mata. Ngiting may pag-aalinlangan at pagkadismaya.

Itatago na sana nya ulit ang tupperware nang kunin iyon bigla ni Glen mula sa kanyang kamay. Itinabi nito iyon sa kanyang bag pagkatapos ay tumingin ulit sa kanya.

"Pakisabi kay Tita Louise, salamat!"

Nagningning bigla ang kanyang mga mata sa narinig. Pilit nyang itinago sa sarili ang kilig at tuwang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Pati ang kanyang tinig ay pilit din nyang h'wag pagmukhaing nagagalak.

'Kalmahan mo lang, Margaux! Kalma!'

"Eh sa akin? Nasaan ang thank you ko?"

"Wala," maikling sagot nito bago ibinalik ulit ang paningin sa librong hawak.

Gusto man nyang malungkot sa pag-susungit nito, naisip pa rin naman nya na maswerte pa rin sya dahil kinuha pa rin nito ang gift nya. Okay na iyon sa kanya.

"Oks lang! At least tinanggap mo pa rin ang cupcakes. Ako pa rin naman ang nagbake n'yan eh. Specially, for you!" aniya sabay ngiti ng matamis.

Binitiwan ni Glen ang libro pagkatapos ay tumingin kay Erish. Tingin na wala manlang emosyong ipinapakita.

He's good at it!

He's good at making an emotionless face towards her. Magaling sya magpanggap na walang epekto sa kanya ang dalaga, pero deep inside she's making him an another person—an another version of him.

Pero alam nyang dahil lang iyon sa araw-araw na pangungulit nito sa kanya, wala ng iba pa.

Erish is not his type. He's into pure and innocent lady that he wants to protect and to care at. And he's not into someone like this girl in front of him that pestering his quite life.

Tumayo sya habang nakatitig pa rin kay Erish. Nakita naman nya ang pagiging uneasy nito. Dahil na rin sa ipinapakita nya ngayon—ang kawalan ng pakielam.

"Kailan ka titigil?"

Akala nya ay hindi na ito makakasagot ng lihis sa inaasahan nya, ngunit nagkamali na naman sya.

Mabilis na nakaisip agad ng pick-up line si Erish.

"Ikaw, kailan ka rin titigil?" pagbabalik nya ng tanong kay Glen. Natigilan naman ang binata. Marahil ay hindi nito iyon inaasahan.

"What are you talkin' about, Annoying girl?"

"Kailan ka ba titigil? Sa pagtakbo sa isipan ko. Hindi ka ba napapagod, kanina ka pa kasi eh, pati nga sa puso ko nahulog ka na rin."

Naghiyawan ang mga kaklase ni Glen dahil sa banat nya sa binata. Kahit nga ang dalawang tukmol nitong kaibigan ay nakitukso na rin.

Pasaring na sumagot si Glen. "Whatever!"

Isinuksok nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pantalon tapos tumalikod na sa kanya. Maglalakad na sana ito palabas ng roon nang agad nya itong pinigilan sa pamamagitan ng kanyang sinabi.

"Kailan ka ba titigil, Glen? Kailan ka titigil sa pag-iwas at pagsusungit sa akin?"

Nagiging emotional na sya. At kailangan nyang pigilan na h'wag maiyak sa harapan nito, lalo na sa harapan ng buong klase ng Section A. Siguradong pagpepyestahan na naman sya ng mga ito kinabukasan.

Tumigil si Glen sa paglakad pero hindi lumingon sa kanya.

"Kailan ka titigil sa paglayo sa'kin? Kailan—"

"Wala akong balak na tumigil hanggang sa ikaw na mismo ang magsawa sa ginagawa mo."

"Kung gano'n, hindi rin ako titigil sa pangungulit sayo hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko sa paglayo. Alam kong bibigay ka din sa akin, Glen Hendrix De Chavez."

Ramdam ng buong klase ang tensyon na namamagitan sa dalawa. Para tuloy silang nanonood ng Korean Drama, pero live nga lang.

"ASA KA!"

"Umaasa talaga ako Glen. Umaasa ako na magugustuhan mo rin ako. Hindi man ngayon, pero alam ko darating din ang araw na iyan. Maghihintay ako, hanggang sa ikaw na mismo ang lumapit sa akin para pansinin ko."

Natigilan si Glen.

Bawat araw ay binibigla sya ng katatagan at determinasyon ng dalaga.

Ngunit ang tanong, hanggang kailan? Hanggang kailan magiging ganito ang dalaga sa kanya.

"Hindi kita susukuan! Gano'n kita kagusto, Glen. Kaya kung ako sayo, hindi na ako iiwas pa. Dahil sa pag-iwas mo, hindi mo namamalayan na nahuhulog ka na rin pala."

Hindi sya nagsalita.

Hindi nya kasi alam ang sasabihin sa mga binitiwan nitong mga salita.

"Pero alam mo... Kapag dumating ang araw na tumigil na ako, isa lang ang ibig sabihin niyon."

Naging attentive ang kanyang tenga sa sunod na sasabihin pa ni Erish. Hindi nya alam kung bakit pero gusto ng kanyang isipan at maging ng kanyang katawan na marinig pa ang mga sasabihin nito. Dahil kung wala talaga syang pake, kanina pa nya dapat ito iniwan na nagsasalita roon.

"Malaya ka ng gawin lahat ng gusto mo dahil nagawa mong pasukuin ako. Ibig sabihin 'nun, napagod na ako. Napagod na ang puso ko na umasa sa bagay na kahit kailan ay hindi talaga para sa akin."

Continue lendo

Você também vai gostar

6.2K 333 26
Read full Story every chapter. 1.) Pestering her Boss 2.) In Love with your Photograph 3.) My First Love Gift 4.) Billionaire's Substitute Bride 5.)...
104K 9.6K 64
May mga alaalang nais nating kalimutan, meron ding nais nating matandaan. kung bibigyan ka ng chance na kalimutan ang isang tao ..gagawin mo ba? Ako...
9.4K 2.1K 58
Title: Alice 💠 10 descriptions for Alice 1.Clumsy 2.Masiyahin 3.Clumsy 4.Madalas na nakakabangga 5.Clumsy 6.Madalas matumba 7.Clumsy 8.Masyadong Mab...
20.5K 403 10
As the Middle child of a Duke, Being a second child means that he has no right over his father's dukedom or anything that comes along with it. He cou...