The Lovestory That We Never H...

By heyitsmejesika

3.9K 321 474

"Noong bata ako nagmamadali akong lumaki dahil gusto kong maranasan yung love na sinsabi nila. Pero ngayong m... More

The Lovestory That We Never Had
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60 : WAKAS
Author's Note

CHAPTER 1 : SIMULA

262 15 55
By heyitsmejesika

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗢𝗡𝗘 : 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔

MARGAUX ERISH P.O.V

Naranasan n'yo na bang magkaroon ng crush at first sight?

Kasi ako? Oo!

'Yung tipong sa unang pagkakataon, nag slow motion ang buong paligid at tanging sya lang ang nakikita mo. 'Yung tibok ng puso mo parang drum na tinatambol ang isang daang tao. 'Yung paghinga mo para bang nakipag hinabulan ka sa mga kabayo at aatakihin ka sa puso.

Pati tiyan mo puno ng libu-libong nagliliparang mga paru-paro.

Na sa isang ngiti lang n'ya, bibilis na agad ang kabog sa dibdib mo. Na kahit sulyap lang mula sa kanya, swak na agad ang araw mo. At kapag wala s'ya, nawawalan ka na rin ng gana.

S'ya 'yung inspirasyon mo para magpatuloy at makisabay sa bawat alon ng buhay.

Pero napapansin mo na habang tumatagal, lumalalim na pala ang feelings mo para sa kanya. Hindi na pala 'yun crush at first sight, kundi love at first sight na.

Ngunit ang tanong, may pag-asa ka ba? May pag-asa ba na mapansin ka rin nya?

Tandang tanda ko pa kung paano ko nakilala ang lalaking nagpatibok at nagpahulog sa puso ko sa unang pagkakataon— maliban sa mga asawa ko sa Korean. And at the same time nagparanas sa akin na masaktan at magparealize sa'kin na hindi porket mahal mo, mamahalin ka na rin nya katulad ng pagmamahal mo sa kanya.

We're first year highschool that time, kasagsagan ng transferees from other school. At isa s'ya sa mga iyon.

♫︎"neo ttaemune onmomi taolla
neo ttaemune shimjangi mokmalla
Like a fever, fever, fever, fever
neol ango shipeo
neol ango shipeo"♫︎

Pagsabay ko sa kanta.

Suot ang earphone ko with matching full volume pa. AAAHHH! Ginhawa ng buhay. Kahit napakaingay ng paligid ko, basta nakikinig ako ng Kpop music, solve na ang isang araw ko.

Naririto kami ngayon sa cafeteria. Kasama ko ang kaibigan kong si Ella. Wala pa namang klase dahil first day of school pa lang. Busy pa ang lahat ng teachers sa mga nagpapaenroll at iba pang gawain.

Malay ko ba kung anu-ano ang mga iyon. Teacher ba ako? Joke!

♫︎"mireonaedo nae ane taolla
jaega dwaedo bulkkochi pieona
Like a fever, fever, fever
neol alko shipeo
neol alko shipeo"♫︎

Nakakainlove talaga ang mga asawa ko. Gwapo na, ang ganda pa ng mga boses. Jusko! Magkaka fever yata ako.

"MARGAUX ERISH SANTANILLA!!!!!!"

Napapikit ako dahil sa tinis at lakas ng boses ng kaibigan kong si Mica Ella Trinidad, Ella or Mica for short. Bahala na kayo kung anong itatawag n'yo sa kanya. Basta h'wag lang Mica Ella dahil ayaw na ayaw n'ya sa buo nyang pangalan. Arte diba? Eh samantalang ang ganda-ganda kaya ng Mica Ella.

Masamang tingin ang binigay ko dito. Bigla ba naman kasi nitong tinanggal ang isa kong suot na earphone. Pagkatapos ay sumigaw sa tenga ko.

"Ang gague lang Ella, noh?" iritang asik ko sa kanya.

Bumalik s'ya sa pagkakaupo sa upuang nasa harapan ko.

"Eh kasi naman po, kanina pa ako kwento ng kwento dito hindi ka naman pala nakikinig."

"Mas gusto ko pa pakinggan ang songs ng mga asawa ko kesa sa kwento mong isan-daang beses ko na yata narinig."

"Ang sama-sama mo talaga sa akin. Kilala ka ba nila, para pagtuonan mo ng atensyon? Sila ba ang dumadamay sa'yo kapag may problema ka? Hindi di'ba? Nakakahiya naman sa bespren na katulad ko." Natawa ako dahil nagmamaktol na s'ya. Napakamatampuhin talaga.

"Hindi man nila ako kilala, sa ngayon, mahal naman nila mga fans nila. Wala man sila sa tabi ko noong nahihirapan ako, pero kapag napapanood ko videos nila, okay na ulit ako. Isa pa, MAS MAHAL KO SILA."

"AAACKKKK! My heartue! Its bleeding." Umakto pa talaga ito na sumasakit ang puso nya dahil sa sinabi ko. Gosh! Artistahin talaga ang bespren ko. "Nakapa supportive mong kaibigan no?" aniya sabay irap sa'kin.

Ngumisi naman ako sa kanya. "Syempre ako pa ba? Ako lang naman ang nag-iisa mong bespren eh. Sino pa ba ang maguutuan, edi tayo dalawa lang."

Ngumuso naman s'ya na nagpahalakhak sa akin.

"Libre na lang kita mamaya, baka kasi magtampo ka na naman d'yan dahil inaaway kita."

Umaliwalas naman ang mukha nito at nagpuso-puso pa ang mga mata.

"Jinjja?" Tuwang tanong nito.

"Ay wow! Koreana?"

"Nahawa lang sa'yo, ano ka ba! HAHAHAHAHA!"

"Loka-loka! Libre nga kita, mamayang uwian. Lablab kaya kitang babaita ka, kahit iyakin ka."

"HOOOYYYY! Hindi na'ko iyakin no?"

"Oo na lang."

"Hmph!"

"Kumain ka na nga lang d'yan."

"Oo na! Manood ka na Madam." Tumawa na lang ako. Akmang ibabalik ko na sana ulit ang paningin ko sa pinapanood nang mapatingin ako sa pintuan ng cafeteria.

Nakaharap kasi ang pwesto ko sa may pintuan habang si Ella naman ay nakatalikod doon.

Tila tumigil ang oras pati na rin paggalaw ng mga nasa paligid ay biglang bumagal. Ramdam ko ang tibok ng aking dibdib na sobrang bilis. Na sa sobrang bilis ay para akong hahapuin kaya napahawak ako roon.

'OH. EM. GIE! Nasa langit na po ba ako? Bakit may anghel yatang bumaba dito sa mundong ibabaw mula sa itaas? Ipinadala n'yo po ba ang gwapong nilalang na ito, para sunduin ako? Kung oo, sasama agad ako. Agad-agad!'

"ANG GWAPOOOOOO!" mahina pero may riing usal ko habang nakatitig pa rin sa lalaking bagong pasok sa pintuan.

May kasama itong dalawang lalaki na kapwa gwapo rin, pero mas angat talaga ang dating niyong lalaking nasa gitna ng dalawa.

GOSSHHHHHHH!

Na crush at first sight ba ako sa nilalang na ito?

"NASAAN? Nasaan ang gwapo? HOOOOYYYYYY!"

Malakas na pitik sa noo ko na mula kay Ella ang nagpapukaw sa lumuluwa kong mga mata at nalulunod kong damdamin. Eme!

"Para kang ulol na aso sa itsura mo."

Inirapan ko sya. "Kaganda ko namang nauulol?!"

Tumawa sya ng malakas. "HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Nagbuhat ng sariling bangko."

"Wala naman kasing makaka-appreciate ng beauty ko, kundi ako lang. Di'ba?"

"Ewan ko sayo! Ohhh?! Asan na 'yung gwapo?"

"Ay oo nga! Bakit kasi inistorbo mo ang pagde-daydream ko eh. Ayan tuloy nalingat—AYUNNNN!" Sigaw ko sabay turo sa may dulong table.

Buti na lang walang nakpansin sa ginawa ko dahil lahat ng kababaihan dito sa cafeteria ay sa tatlong lalaki din naktingin.

Mukhang aagawan pa yata ako ng mga maharaderang itech!

Nakapwesto 'yung tatlong guys sa panglimahang upuan malapit sa may counter.

Napatingin naman si Ella sa tinuro ko.

"OH MY GOSH!" Tumingin ulit ito sa akin. "KKYYYAAAAAHHHHHH! Ang gwagwapo nga." Impit na tili nya.

Tinaasan ko sya ng kilay. "HOY! Hindi kita inagawan kay Heeseung kahit na nakakabaliw ang lalaking iyon. Kaya dapat lang na h'wag mo akong aagawan. Akin 'yung lalaking may abong buhok. 'Yung pinaka gwapo sa tatlo. Arasseo?"

Winagayway nya ang dalawang kamay sa harapan ko.

"OO NA! OO NA! Isaksak mo d'yan sa pempe—"

Hindi ko na sya pinatapos at binato ko na agad sya ng french fries na nasa tray ko.

"Napakabastos mo talaga!"

Tumawa ito ng pagkalakas-lakas. Ang gague lang talaga! Sarap busalan ang bibig nang wala ng kabastusang lumalabas.

Since that day, hindi ako tumigil sa pag stalk sa kanya hanggang sa malaman ko rin ang kanyang pangalan. Sakto namang may kakilala akong kaklase nya. Kaya nalaman ko ang name nya, kung saan sya nakatira at marami pa.

Aba, dapat ko lang malaman no!

Simula nang araw na iyon, binaliw na n'ya ako. Pati puso at sistema ko ginulo nya rin. Kaya dapat lang na malaman ko kung sino ang lalaking nagpahulog sa akin.

Unang beses na nangyari ang bagay na ito sa akin. Sa loob ng labing-tatlong taong nabubuhay ako, ngayon lang ako nagkaroong ng crush sa buong buhay ko. Puro lang kasi ako kpop at kdrama eh. Kaya wala akong time para kumilala pa ng ibang tao bukod sa mga dati ko nang kakilala.

Kaya ngayon na nakita ko na ang lalaking magpapaganda ng buhay highschool ko, wala na akong sasayangin pang pagkakataon.

Ganito pala ang pakiramdam ng magkaroon ng crush no? Nakakabuhay ng natutulog kong puso.

Haaaayyyyy!

Kay Loreen ako nagtatanong ng mga bagay na dapat itanong. Sya 'yung sinasabi kong kakilala ko na kaklase ni Glen. Mga tanong like anong ugali ba meron si Glen. Ang mga favorite nya. Sino ang mga magulang at kung saan nakatira. Mga gan'ong tanong ba.

Nagmumukha man akong baliw na stalker pero walamepake! Basta maganda ako at magiging kami din ni Glen, SOON!

Yep, Glen po ang name nya. Glen Hendrix De Chavez. Ang gwapong pangalan, diba? Hot na, gwapo pa! Pwede nang pang-ulam at may sawsawan pa.

Char!

Napag-alaman ko na galing sya sa Korea at kauuwi lang nya dito sa Pilipinas. Dito sya pinanganak pero noong grade 5 hanggang grade 6 nagmigrate sila papuntang Korea.

At alam nyo ba kung anong ikinabigla ng buong sistema ko?

Noong nalaman ko na anak sya nina Tita Hanna at Tito Grey De Chavez, which is mga kaibigan nina Mom at Dad.

Kaya mas nagkaroon ako ng malaking posibilidad na maging close din kami lalo na at ako ang naatasan ng parents nya na magbantay sa kanya. Baka daw kasi mapaaway ito dahil sa kasungitang taglay.

Well, nagiging pabor sa akin ang mga nangyayari. Kahit sobrang sungit nya sa akin. Makasama lang sya, okay na.

And that's how I meet him.

Na crush at first sight talaga ako sa kanya. Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa De Chavez na iyon? Matangkad na, sobrang gwapo at hot pa. Siguro hanggang balikat or dibdib nya lang ako, gano'n sya katangkad. Pang basketball player na. Tapos kahawig pa sya ng boyfriend—este bias ko na si Haruto. KYAAAHHHHHHH! Pareho silang hindi pala-ngiti pero ang lakas parin ng hatak sa babae.

Emeghed!

Matalino din, with high honor sya since Kindergarten up to Grade six. Kahit nga ngayong highschool ay kasama pa rin sya sa rank every sem. Sya nga rin ang President ng section nila. SANA ALL 'DI BA?!

At ngayon nga ay third year highschool na kami. Magkaiba kaming dalawa ng section, sya ay nasa first samantalang ako naman ay nasa second section sa klase namin. Matalino kasi ang Kuya nyo kaya nagkahiwalay kaming dalawa.

Pero 'yung iba naman na nasa first section, karamihan sa kanila dahil lang sa inpluwensya ng pamilya o di kaya ay suhol kaya napupunta sa mataas na section. Hindi utak ang pinanlalaban nila, kundi pera.

At dahil isa akong mabuting nilalang, mas pinili ko na lang na makasama ang kaibigan ko sa second section dahil ayoko rin namang makihalubilo ng hindi ko kalevel ang pag-uugali. CHAROT!

Pero sisiguraduhin kong this school year ay mapapabilang na rin ako sa first section, para makasama sya.

'AJA! HWAITING MARGAUX!'

"HOYYYYY BABAITA! Tulaley ka na naman d'yan."

"May naiisip lang ako. Ang ingay-ingay mo talaga Ella."

"Ano bang gagawin ko sa bibig ko? Malamang gagamitin sa pagsasalita. Hindi naman forever ipang kain ko lang ito ng lollipop no? Baka sumakit lang panga ko kakanganga."

Mabilis na binato ko sya ng librong nakuha ko sa aking mesa. Saktong sapol sya sa mukha.

"NAKAKAHIYA KANG BABAE KA! HINDI KITA BESTFRIEND! ITINATAKWIL NA KITA!"

Tumawa sya ng malakas. "Ang pagkakaibigan nating dalawa ay parang lastiko, kahit kailan hindi mo masisira."

"Gaga ka! May gunting naman para ipanggupit, diba?"

"How dare you! F.O na tayo."

"Talaga!"

Nagtinginan pa kami ng masama pagkatapos ay bigla na lang din kami nagtawanan na parang mga liwba.

"Aigoo! Neo micheosseo!" usal ko.

"Baliw ka rin!" singhal nya.

Winagayway ko ang dalawa kong kamay sa harapan nya para paalisin sya.

"Hindi mo ba pupuntahan ang irog mo? Katatapos lang nila magbasketball sa gym."

Tiningnan ko sya ng makahulugang mga tingin.

"Ohhh, teka! Nakichismis lang ako ah."

"Mamaya na."

Dumukwang sya sa mesa ko.

"Wow! First time! Dati-rati ay papasok pa lang si Glen nakaabang ka na agad sa pinto ng classroom nila. Pero ngayon? Anong nakain mo bespren?"

"Wala lang! Nagpapamiss lang ako," sagot ko sabay tawa.

Pero ang totoo, minsan naiisip ko kung tama pa ba ang ginagawa ko. Sa loob ng dalawang taong pagkagusto ko sa kanya, ni kahit konting pagtingin manlang wala syang ipinakita. Two years of being inlove with someone that never seen your worth is like a blank paper. Walang buhay, walang kulay, nakakalungkot.

Kasi sa totoo lang, sa una lang naman pala nakakakilig dahil habang tumatagal pasakit na rin ng pasakit. Lalo na kapag yung taong gusto mo, hindi ka kayang gustuhin pabalik.

Continue Reading

You'll Also Like

20.5K 403 10
As the Middle child of a Duke, Being a second child means that he has no right over his father's dukedom or anything that comes along with it. He cou...
1.7M 74.9K 35
PeΓ±ablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...