Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.4M 60.1K 16.8K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78
Lascivious Casanova 79
Lascivious Casanova 80
Lascivious Casanova 81
Lascivious Casanova 82
Lascivious Casanova 83
A NOTE FROM MISS IYA

Lascivious Casanova 71

16.4K 425 265
By IyaLee04

(LC) Chapter 71






Nanatili ang pagkatigil ko sa pwesto na inalisan niya. Nasa binitiwan niyang patalim ang mata ko. Habang naroon ang titig, hindi pa rin nawawala ang panlalamig sa akin. Kung hindi ko ba siya napigilan at kung wala ako rito, itutuloy niya iyon? Kaya niyang gawin iyon? Because of anger he could kill people?

At anong ginagawa niya rito? Tapos na ba siya sa babae niya? O iniwan niya ito sa Manila kagaya ng narinig kong usapan nila? He slept with another woman and now that he caught me kissing another man, he looked betrayed? Ang kapal ng mukha niya na bumalik at para isipin niya na hihintayin ko siya.

"Huwag na po Kuya Aldo..."

Napakurap ako at ipinunta kay Jace ang mata. Sinubukan niyang tumayo ng maayos kahit nahirapan siya.

"Pero senyorito puro sugat po kayo-"

"Sa bahay na po. Gagamutin ko na lang..." Aniya, pagkatapos ay tinalunton ako ng mga mata.

Nagkatinginan kami. Mayroon siyang dugo sa mukha, leeg, at braso. Nang magpambuno sila'y kung saan saan sila bumagsak at gumulong. Sa palagay ko'y doon nanggaling ang ibang galos na natamo niya.

"Samahan na kita..." Nag-aalala akong lumapit nang bumalik sa akin ang pananakit ni Jax sa kanya.

Tumango si Jace. Nagpaalam siya sa mga naroon. Gusto ng mga ito na sumama dahil nag-aalala rin sa kanya ngunit tinanggihan na niya at sinabing kaya na niya mag-isa. Pero ako, hinayaan niya at hindi pinigilan nang akayin ko siya.

"Are you okay?"

Nahinto ako sa paggamot sa sugat niya. Nasa loob na kami ng bahay niya. Pakiramdam ko ako ang responsable sa paggamot sa sugat niya dahil ako ang dahilan nito. I looked at him and suddenly I felt guilty again. Pangalawang beses nang nasaktan siya nang dahil sa akin. Hindi ko alam na uuwi ang pinsan niya at hindi na rin naman ako naghihintay. Kung hindi pa napigilan baka higit pa rito ang nagawa sa kanya.

"Ikaw ang nasaktan, Jace-"

"Nasaktan ka rin..." Mataman niya akong tiningnan. Hindi niya iniinda kahit puro sugat siya. "This is nothing compared to what he did to you..."

Naibaba ko ang aking kamay na may hawak na bulak. Bumagsak ang balikat ko. Hinalikan ko siya pero pagkatapos no'n ang sabi niya'y naiintindihan niya at hindi naman siya nag-eexpect ng kahit ano mula sa akin. He knew I just kissed him back because I wanted to prove something. I want to prove that I can control how I feel and that I can like another man. I tried to Jace but I think I failed.

"Sorry if I was aggressive earlier. Kahit na alam ko na wala akong laban sa kanya... I just thought he deserves a punch..."

"I'm sorry, Jace-"

"No. It was my choice... It's my choice to come here... It's my choice to like you... It's my choice to kiss you. No matter what happens, it's not your fault..."

Yumuko ako. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa paggamot sa kanya. Habang dinadampian ng gamot ang sugat niya inaalala kong mabuti kung mayroon din bang natamong sugat si Jax. Wala na dapat akong pakialam pero hindi ko mapigilan na isipin kung nasugatan ba siya. Nakatama rin naman si Jace ng suntok. Paano kung nagkasugat din pala siya at sa oras na ito ay walang gumagamot?

Hanggang ngayon nagtataka ako sa galit na ipinakita niya. He's scary and dangerous. I don't understand his anger. Ganoon ba ang mga tao na manloloko? Sila ang manloloko pero ayaw nila na niloloko sila? Then why does they cheat if they don't like to be cheated on? Do they think they can fuck any girl then get away with it? Ano ba ang nakukuha nila? Thrill? Excitement? Nakokonsensya ba sila kahit kaonti habang ginagawa iyon sa likod ng mga partner nila?

"Mr. Almocera..."

Hindi ko namalayan na mayroon kausap sa telepono si Jace. Narinig ko na nagring pero hindi no'n agarang nakuha ang aking pansin, ngayon lang na nagsalita si Jace at mukhang ang buyer ang kausap sa kabilang linya. Sinulyapan niya ako bago muling nagsalita.

"We'll be there at eight in the morning, Sir."

Ibinaba niya ang tawag. Hinarap niya ako habang nililigpit niya ang mga gamot.

"I'll take you home. Maaga pa tayo bukas-"

Inilingan ko siya. Isang beses kong pinasadahan ng tingin ang mga sugat niya.

"Jace, ako na lang ang uuwi. Huwag ka na rin sumama bukas. Magpahinga ka na lang dito-"

Siya naman ngayon ang umiling. Ngumiti siya. Maamo ang kanyang mga mata.

"Just let me. I'll take you home and I will accompany you tomorrow. Huli na ito. Kailangan ko na ring umuwi sa Manila pagkatapos."

Tumatayo siya habang sinasabi iyon. Wala na akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at hayaan siyang ihatid ako. Habang nasa biyahe'y napag-usapan na doon na kami sa meeting place magkikita. Hindi na ako nagpasundo dahil bago kami umalis ay may daraanan siya. Kaya sa halip na balikan niya ako para sunduin, sinabi ko na lang na doon na kami magkita.

"Papunta na po siguro iyon..."

Tumingin ako sa aking pambisig na relo. Sa restaurant napili ng buyer na makipagkita. Ilan minuto nang late si Jace. Dumating na ang ilang putahe na ang buyer ang umorder at nagbayad subalit wala pa rin siya. Ang usapan namin ay alas otso ng umaga. Alas nuwebe na'y hindi pa siya dumarating. May dinaanan siya at malamang ay nagtagal roon. Ayoko sanang magsimula na wala siya dahil napag-usapan na namin ito ngunit nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa ang buyer gayong nakaayos na ang lahat.

"It's almost ten, Miss Alvarina. Do you think he's still coming?"

Tapos na kaming kumain. Halos tikim lang ang nagawa ko dahil panay ang lingon ko sa pintuan ng restaurant kada may papasok. Umaasa ako na si Jace na iyon. Pero heto nga't naligpit na ang mga pinagkaina'y wala pa rin siya. Hindi naman ako gaanong nag-aalala dahil ani niya'y may daraanan siya. Kaya lang, sa tagal niya parang wala na siyang balak na pumunta.

"Sige po. Magsimula na po tayo-"

Natigil ako nang matanaw ang pumasok sa pintuan. Napatayo ako. Lumapit sa akin ang lalaki.

"Good morning. Sorry for being late..."

Kinamayan nito si Mr. Almocera at ang kasama nitong lawyer. Nakatingin lang ako sa kanya. Wala na siyang kasunod. Siya lang ang dumating.

"I'm sorry for inconvenience. Katatapos ko lang sa isang meeting. Pinuntahan ako ni Mr. Alcantara pero umalis din at pinauna muna ako dahil may kakausapin yata," nginitian ako nito.

Nang umupo ako'y umupo siya sa tabi ko. Siya ang lawyer na ipinakilala sa akin ni Jace. Nasa Mindoro ito ngayon dahil may isang kliyente rito. Sa pagkakaalam ko'y pagkatapos ng meeting na ito'y aalis na ito sa Mindoro para pu-Maynila.

"Nagkita po kayo ni Jace?"

Hindi ko napigilan na mang-usisa. Sobra akong nagtataka pero wala akong magagawa dahil wala naman akong magagamit na pantawag kay Jace. Napalingon sa akin ang lawyer niya. Tumango siya.

"Oo. Kanina pa before 8am. Kaya lang may kinailangan akong unahin na meeting. Habang nag-uusap kami may tumawag sa kanya. Pinsan niya yata ang tumawag at nakikipagkita kaya ibinilin ka niya sa akin na asikasuhin kita kahit wala siya. Mabuti at nakaabot ako..."

"Pinsan niya po?"

"Yup. After he finished the call, I asked him why he couldn't come. Ang sabi niya'y nasa bahay niya ang pinsan niya..."

Naiwan ang tingin ko sa lawyer niya. Pinsan niya? Sino pa ba ang pinsan niya na narito sa Mindoro? Si Jax lang ang pinsan niya. Pero bakit siya tatawag kay Jace at makikipagkita? Bakit kailangan niya itong sadyain sa bahay? Sandali akong nag-alala dahil matindi ang naging pag-aaway nila kahapon. Nawaglit lang iyon sa isipan ko nang magsimulang mag-usap ang mga lawyer. Napagdesisyunan ko na daraanan ko na lang si Jace pagkatapos nito. Para makapagpasalamat na rin at para maitanong kung tungkol saan ang napag-usapan nila ni Jax.

Malinis at mabilis ang naging transaction. Kahit na hindi ako ang aktwal na pumirma naging legal na sa akin nakapangalan ang lupa. Hindi ko alam kung paano iyon nagawa ng Senyora pero malinis iyon na nailipat sa pangalan ko. Mr. Almocera's lawyer checked my land title and he said my papers are legit. Sa akin ito legal na nakapangalan kaya walang naging aberya sa paglipat sa pangalan ng property buyer.

"Thank you so much..." I thanked them and shook their hands.

Malaki ang dala kong pera. Kabado ako pero wala naman may alam na pera ang dala ko maliban sa lawyer at sa buyer. Isinabay na rin ako ng lawyer ni Jace at ligtas na ibinaba sa bahay. Wala akong tao na naabutan sa bahay dahil tanghali pa lang at maaaring nanananghalian na sila nanay sa bukid. Kung wala akong pupuntahan, doon ako didiretso para makasabay sila. Pero dahil kailangan kong puntahan si Jace, sa bahay niya ako pupunta.

I was wearing pants when I went to the restaurant earlier. I changed into a white dress before going out again to go to Jace. Malayo pa lang natanaw ko nang nakabukas ang bintana at nakaawang ang pintuan niya. Mayroon akong bitbit na pang-miryenda na nabili ko sa daan. Marahan at mabagal ang ginawa kong pagpanhik sa hagdan. Bahagya akong sumilip sa naka-awang na pintuan ngunit wala akong narinig kahit kaonting kaluskos. Madilim sa loob dahil kahit nakabukas ang bintana'y mayroon yung tabing na makapal na kurtina.

"Jace?" Tawag ko. Naghintay ako ng ilang segundo ngunit walang sumagot.

"Jace?" Mas malakas na tawag ko.

Umakyat ako sa huling baitang paakyat. Itutulak ko na pabukas ang pinto nang matanaw na patungo rito si Kuya Aldo. Mayroon dala. Lakad takbo siya nang makita ako. Bumaba ako sa hagdan at sinalubong siya. Tumigil siya sa aking harapan.

"Napadalaw po kayo, Ma'am? Kanina pa po kayo?"

Ngumiti ako. Hinuli ko ang mahabang buhok ko na nakalugay at hinahangin.

"Kadarating lang po. Nagdala po ako ng miryenda para kay Jace," itinaas ko ang supot na hawak ko. "Nasa loob po ba siya? Pagdating ko nakabukas ang pinto pero wala naman po yatang tao?"

"Sinubukan niyo po bang tawagin?"

"Walang sumasagot..." Sinabayan ko iyon ng pag-iling.

Kumunot ang noo niya. Tumango siya at lumapit sa pinto. Kagaya ko, sumilip din siya roon at paniguradong walang nakita. Sinubukan niyang tawagin si Jace ngunit wala ring sumagot.

"Hindi po kaya umalis siya?" Tanong ko.

"Hindi po iyon umaalis ng ganitong oras, Ma'am. Akyatin na natin? Baka nasa banyo po?" Tinalikuran niya ako at hinarap ang pinto. Hinawakan niya iyon at maingat na itinutulak habang nagsasalita. "Gumawa si Misis ng buko pie. Bibigyan ko sana si senyorito at baka maisipan niyang magdala sa Manila-"

Hindi pa niya natatapos ang sinasabi'y nabitiwan na niya ang dalawang kahon ng buko pie na dala niya. Napaupo siya sa bungad pa lamang ng pinto at takot ang anyo na nakatingin sa loob.

"Si...si Senyorito..." Nangangatal ang boses niya.

Nang makita ang pamumutla niya at ang pagturo ng nanginginig niyang kamay sa loob ng bahay, napatakbo ako at inisang hakbang ang hagdan. Noong una, hinanap ko pa kung ano ang dahilan ng pamumutla niya. Nang magawi ang mata ko sa puting kama, halos mawalan ako ng lakas. Nabitiwan ko ang hawak na supot at naitakip ang nanginginig kong mga kamay sa aking bibig.

Kahit hindi lapitan, kitang kita sa puting kama ang nagkalat na dugo. Nakahiga roon si Jace. Nakagapos at mayroong busal ang bibig. Ang kanyang leeg ay halos makita na ang laman. Hindi ko nakayang titigan ng matagal iyon. Napababa ako palabas ng bahay. Napatakbo ako sa pinakamalapit na puno, bumaliktad ang sikmura ko. Sumusuka ako habang umiiyak at nangingilabot.

Hindi ko na nasundan ang mga sumunod na nangyari. Nang balikan ko ng tingin ang bahay ni Jace, inilalabas na ang bangkay niya. Nakatabon iyon ng puting kumot. Napaupo ako at patuloy ang pag-iyak na nakatitig sa nakalaylay niyang isang kamay. Paulit ulit ang pagsusuka ko. I remember the help he did for me. Maraming beses niya akong tinulungan. Maraming beses siyang naging mabuti sa akin. I can't believe this is happening. His hands were tied. He was mercilessly killed. Sino ang gagawa nito sa kanya?

"Jace..." Malakas akong umiiyak habang binabanggit ang pangalan niya. Hinatid niya pa ako kahapon. Kausap ko pa siya. Malakas pa siya at gumagalaw. Paanong biglaang nangyari ito?

Maya maya'y dumating ang marami pang pulis. Tulala ako kahit nang marinig ko ang malakas na pag-iyak ng isang ginang. Yakap ito ng isang lalaki. Ang babae ay halos mapaluhod sa harapan ng bangkay ni Jace. Humina ang aking pag-iyak. Napatayo ako nang matanto na maaaring mga magulang niya ito. Nagdatingan ang mga kasama namin sa bukuhan. Maaaring si Kuya Aldo ang nagpatawag sa kanila.

"Ito ang ginamit na pampatay sa biktima..."

Nasa kamay ng isang pulis ang plastic na naglalaman ng mga narekober nila sa krimen. Balot ng dugo ang patalim na iyon. Pinilit kong palisin ang humaharang na luha. Tinitigan ko ng mabuti iyon at kalaunan ay naalala kong ito ang gamit ni Jace sa pagbukas ng buko kahapon. Ito rin ang patalim na hinawakan ni Jax habang nag-aaway sila ng pinsan niya.

"Si Senyorito Jax po! Nag-away po sila kahapon! Hawak niya po iyan!"

Nagsimula silang mag-imbestiga at magtanong-tanong. Hindi ako nakagalaw. Nanatili ako sa gilid ng puno at nakatanaw lang sa kanila. Nanghihina pa rin ako. Ipinapagpasalamat ko na lang na hanggang ngayon, may malay pa rin ako. Hindi ko alam kung paano mag-rereact. Hindi ko pa mailagay sa sarili ko ang mga nakita at ngayon ito naman. Namatay si Jace at si Jax ang itinuturo nila. Napakurap ako. Wala pa man, alam ko na kung saan patungo ang pag-iimbestiga na ito.

"Nakita po naming lahat! Pati si Kuya Aldo naroon! Nag-away silang dalawa! Galit na galit po siyang sumugod sa bukuhan!"

Nag-unahan sila sa pagdiin sa pangalan ni Jax. Marami sila. Higit sa sampo. Lahat sila ay naroon nang magwala si Jax at masaktan nito ang pinsan niya. Kabado akong napaatras ng isang beses nang ituro ako ng isa sa kanila. Nanginig ang tuhod ko dahil sa akin nasentro ang buong atensyon nila, kasama ang mga magulang ni Jace.

"Siya po! Naroon po siya nang mangyari iyon! Pwede po siyang magtestigo na si Senyorito Jax ang maaaring pumatay kay Senyorito Jace!"

Bumagsak ang luha ko. Sunod sunod. Natatakot ako dahil kahit ako, kung tatanungin nila ako at hindi ako magsisinungaling, si Jax din ang ituturo ko. Pero siya ba talaga? May parte sa akin na kaya niyang gawin iyon lalo at ang lahat ng katibayan ay naka-konekta sa kanya. Mayroon mga nakakita. Marami ang magpapatunay. Kahit ang lawyer ni Jace, ayon dito ay si Jax ang huli nitong kausap.

Sa kabila ng mga katibayan, may parte sa akin ang nagsasabi na hindi niya iyon kayang gawin. Nakasama ko siya. Kahit paano kilala ko siya. Babaero siya at maraming bisyo. Barumbado siya't takaw gulo. Mabilis magalit at hindi napipigilang makasakit. Pero hindi ko alam kung kaya niya bang pumatay ng tao. Kahit may posibilidad, hindi ko maisip na magagawa iyon ni Jax.

O siguro rin pilit ko siyang pinagtatanggol dahil alam ko na kahit ganoon siya, mahal ko siya. Hindi ko siya kayang makitang makulong. Pero mali iyon. Maling mali iyon. Dahil may buhay na nawala. Hindi lang basta kung sino. Si Jace iyon. Kahit alam kong iba ang nararamdaman niya para sa akin, itinuring ko na siyang kaibigan ko. Sobrang buti niyang tao. Hindi ko naisip na isang araw, aabot siya sa ganito.

"Ikaw ang huli namin na kinausap. Marami na kaming naitanong sa mga nauna. Kailangan magsabi ka ng totoo dahil kung hindi ka magsasabi ng totoo maaaring maging suspek ka..."

Isinama nila kami sa presinto at isa isang tinanong. Hindi kami ang suspek pero kami ang testigo. Dahil base sa interogasyon nila, mayroon na silang lead kung sino ang gumawa nito. Kailangan na lang nila ng sapat na ebidensya. Hindi ako makasagot ng maayos kanina pa. Kung kumbinsido na sila, ako hindi pa. Gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Jace. Masiyado yung brutal at karumaldumal. Kung mapapatunayan na si Jax ang talagang may sala, kahit ako pa ang magsuko sa kanya sa kanila. Sa ngayon, hindi ko pa alam ang paniniwalaan ko.

"Kaano ano mo si Saint Jaxsen Dawson?" Nagsimulang magtanong ang pulis.

Nasa isang kwarto kami. Dalawa silang pulis na narito. Kinakausap ako ng isa at ang isa ay nagtitipa sa laptop. Ini-interview nila ako kahit na sa palagay ko'y nasabi na ng mga tauhan kung ano ang relasyon ko kay Jax. Ang bagong tauhan maaaring walang alam. Pero si Kuya Aldo, nakakausap niya si Kuya Karding. Alam sa mansion kung ano kami ni Jax.

"Ex-boyfriend ko po..."

Sumandal sa likod ng upuan ang pulis. Kinabahan ako sa kilos nito na hindi kumbinsido.

"Ex boyfriend mo si Mr. Dawson? At si Mr. Alcantara ang bago mong boyfriend?"

"Hindi ko po siya boyfriend! Kaibigan ko lang siya!" Agaran ang pagtanggi ko.

"Ayon sa mga naunang nakausap namin, boyfriend mo ang suspek. Bakit mo itinatanggi ngayon? Ayaw mong madamay sa kaso niya?"

"Dahil wala na kami! Niloko niya ako-"

"Niloko ka niya kaya ba si Mr. Alcantara ang palagi mong kasama? May na-interview kami sa school ninyo. Habang nasa Ireland si Mr. Dawson ang madalas na makitang kasama mo ay si Mr. Alcantara."

"Partner ko siya sa isang project at kaibigan ko siya..." Yumuko ako. Hindi ko na madugtungan iyon.

"Nagselos si Mr. Dawson kaya niya nasaktan si Mr. Alcantara? Humawak siya ng patalim dahil hindi niya makontrol ang selos niya? Pagkatapos nilang mag-away kinabukasan ay pinuntahan niya ang pinsan niya sa bahay nito at pinatay?"

Sa akin niya itinatanong iyon. Hinuhuli ako kung mayroon akong alam. Kung nandito ang lawyer ni Jace, makukumpirma ang lahat ng tanong na iyon. Alam ko pero hindi ako makasagot. Kahit hindi ako sumagot, nakukumpirma nila iyon sa reaksyon ko. Suminghap ako habang nakayuko at kusang napaiyak. Tikom ang bibig ko dahil pakiramdam ko lahat ng sasabihin ko'y ituturo si Jax. Para na akong nagtestigo sa isang krimen na hindi ko sigurado kung sino ang gumawa. Para ko na rin siyang pinakulong.

"Sa nakikita namin selos ang pinag-ugatan nito. We checked the victim's phone. He had a messages conversation and phone calls with his cousin. Ang sabi sa conversation ay nasa bahay na ng biktima ang suspect. Malalaman natin sa autopsy report kung tutugma ang oras sa usapan nila at ang oras ng pagkamatay ng biktima..."

Habang umiiyak ako mayroon pumasok na mga pulis. Tumayo ang kausap ko. Nag-usap sila sandali sa pinto. Ang naiwan sa lamesa ay ang pulis na nagtitipa sa laptop at ako na walang hinto na umiiyak. Natatakot ako. Sobra sobra akong natatakot. Hindi ko kayang timbangin ang sitwasyon na ganito.

"Maaaring nagtakas na dahil nasa Manila raw ngayon. Naitawag na kaya kumikilos na ang mga pulisya roon at naghihintay na lang ng signal natin. We are conducting imbestigation too to Ireland. Ayon sa mga magulang ni Mr. Alcantara ay nagkaroon ng kaso si Mr. Dawson doon kamakailan lang. He killed a twenty three years old man at the party. He aborted his child. He has a lot of major and minor illegal records. He probably a drug user too..."

Umabot pa sa tenga ko iyon kahit palabas na sila. Naging sanhi iyon ng lalo kong pag-iyak. I know they are just doing their jobs but I couldn't help but be suddenly frightened by this situation. I get goosebumps. I can already picture in my mind how it will end up. I'm scared for him. What if he's innocent? Paano kung napagbintangan lang siya sa lahat at natatakot at nahihirapan din siya ngayon? Paano kung tumanggi siya na sumama at saktan nila? And worse they will kill him. Hindi nila makukuha ang hustisya para kay Jace at makakapatay pa sila ng inosente?

Pero inosente ba talaga siya? Habang tumatagal na naglalatag sila ng mga ebidensya na magagawa iyon ni Jax, unti unti akong napapaniwala. At kung totoo na siya. Hindi ba't may parte roon na kasalanan ko kaya't dapat lang akong makipagtulungan? Hindi ito mangyayari kay Jace kung hindi niya ako nagustuhan. Hindi ako dapat nagdadalawang isip na magsabi ng totoo dahil para ito sa kanya. Para ito sa inosenteng tao na nadamay dahil sa akin. I remembered what he told me that no matter what happens, it is not my fault. Para bang ramdam niya na mangyayari ito at darating ang panahon na sisisihin ko ang sarili ko. Nangyari nga. Pakiramdam ko responsibilidad ko ang pagkamatay niya at responsibilidad ko na makuha ang hustisya para sa kanya.

"Sa kwarto lang po ako..."

Gabi na akong nakauwi. Nang makarating sa mga magulang ko ang nangyari, sinundo ako ni tatay. Pareho silang tahimik at maingat. Halata sa mugtong mata ko ang pag-iyak. Walang nagbawal sa akin at walang nagtanong. Hinayaan nila akong magkulong sa kwarto. Nasa loob ng cabinet ko ang bag na puno ng pera. Balak ko sana itong dalhin bukas sa mansion. Pero tamang oras ba iyon para roon? Ang Senyora, nasisiguro ko na marami rin itong iniisip lalo na ngayon dahil dalawang apo niya ang involve sa kaso na ito. Namatayan siya ng isang apo at ang paborito niyang apo ay ang suspek. Kung selos ni Jax ang dahilan na sasabihin ng mga pulis, hindi malabo na malaki ang galit sa akin ng senyora ngayon o maaaring pati ang mga magulang ni Jace.

Nag-iisip ako nang magawi ang mata sa nalaglag na bag. Dumulas iyon sa kutson nang lumundo dahilan ng aking pag-upo. Ilan minuto kong tinitigan ang mga laman ng bag na nagkalat hanggang sa matigil ang mata ko sa plastic na ibinigay ni Cathy. Tumayo ako at lumapit sa bag na nahulog. Isa isa kong dinampot iyon upang ibalik sa loob ng bag. Ang galing kay Cathy, hawak ko lang at hindi ko na ipinasok. Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama. Wala sa sarili kong binuksan iyon. Dalawa ang plastic. Binuksan ko iyon. Nang tuluyang lumitaw sa akin ang laman, literal na huminto ang pag-inog ng mundo ko.

Natigil ang mata ko sa pinto. Mabilis akong napakwenta sa aking isipan. Ilang araw. Ilang linggo. Ilang buwan na ba akong hindi dinadatnan? Mabilis akong napatayo at nagmamadaling kinalkal ang cabinet ko. Ang napkin ko ay narito. Saka ko naalala na ang huling inom ko ng pills ay nasa Manila pa kami ni Jax. Sa condo niya. Sa kwarto niya. Isang tableta na lang ang naroon. Huling inom ko na iyon kinabukasan at pagbalik namin dito'y hindi na ako muling nakainom ng gamot. Hawak ko ang pregnancy test na galing kay Cathy habang inaalala kung kailan namin huling ginawa iyon ni Jax. Ang huling beses ay sa tent sa tabing dagat noong bago siya umalis papunta sa Ireland. Ilang buwan na ba? Dalawa? Dalawa mahigit? Hindi ko na nabilang at ang tanging alam ko ay hindi pa ako dinadatnan.

Nakahawak sa tiyan kong tinungo ang banyo. Halos kapusin ako sa paghinga sa bilis ng tibok ng puso ko. Nagluluto si nanay kaya naman maingat ako at nagpanggap na hindi kabado. Hindi ko pa nagagamit, nauunahan ko na ang magiging resulta. Pero umaasa pa rin ako na sana hindi ngayon. Hindi sa ayaw ko. Parang hindi lang tama ang panahon. Naupo ako sa bowl. Hindi ko pa iyon kaagad ginamit. Binasa ko pa muna. Pumikit ako ng mariin bago iyon binuksan. Habang umiihi, iniisip ko na kung ano man ang maging resulta'y yayakapin ko. Sa kahit anong sitwasyon, inosente ang bata. Walang muwang ang bata at kaming dalawa ni Jax ang may gawa.

"Clementine? Matagal ka pa diyan?"

Malakas at nag-aalala ang boses ni nanay. Hindi ko namalayan na nagtagal na ako sa banyo. Hindi ko na nahintay ang paglabas ng resulta sa pregnancy test, naisilid ko iyon sa mababaw na bulsa ng suot ko na puting dress pagkapatak ko ng tatlong beses. Pagkalabas ko, tapos na siyang magluto. Hinainan nila ako at pansin kong habang kumakain, gusto nilang magtanong na hindi nila ginawa dahil ramdam nila ang pananahimik ko. Kahit gutom, hindi ko nagalaw ang pagkain. Hindi ko kayang kumain sa tuwing naaalala ang ayos ni Jace na nadatnan namin ni Kuya Aldo.

"Babalik na po ako sa kwarto..."

Wala akong gana na tumayo at walang nilingon isa man sa mga magulang ko. Bumalik ako sa kama. Hindi ko magawang magpalit ng damit. Hindi pa ako nagtatagal sa kwarto nang bumukas ang pinto at iniluwa si Irene. Mangiyak ngiyak siyang lumapit sa akin. Naubos na yata ang luha ko dahil kahit umiiyak siya, hindi na ako makaiyak. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya kahit nang may kunin siya sa kipkip niyang bag at may iabot sa akin.

"Pinabibigay ito ni Jax sayo," sabay abot sa akin ng sirang cellphone ko. "Siya raw sana ang magbibigay pero naroon ka sa bahay ni Jace. Hindi ko naibigay sayo kaagad dahil wala ka rito nang umaga. Nabalitaan ko ang nangyari kay Jace at narinig ko na nasa police station ka kaya ngayon lang ako nakapunta. Binabawal din ako ni nanay na lumabas dahil natatakot hangga't hindi pa nahuhuli ang gumawa no'n kay Jace. Tumakas lang ako-"

"Si Jax ang nagbigay sayo nito?" Kunot noo kong kinuha sa kamay niya ang cellphone. Tumango siya at nagpunas ng luha.

"Naniniwala ka ba na si Jax ang gumawa?" Umiyak ulit siya. "Nakakaawa ang itsura niya kahapon nang puntahan niya ako! May sugat siya sa kamay at mukha! Ang sabi niya sabihin ko raw sayo na kailangan niyang pumunta sa Manila bago pa magbago ang isip ni Maya sa paternity test! Tatlong araw lang daw dahil ipapa-rush niya ang resulta! Titigil siya roon ng tatlong araw para hintayin ang result! Nasa Manila siya hindi dahil tatakas siya kung hindi para hintayin ang result ng paternity test!"

Hindi ako kaagad nakapagsalita. Nakatulala ako sa phone ko na basag ang screen. Naguguluhan ako. Nasa Manila siya? Kung kahapon pa siya lumuwas papunta sa Manila bakit ang sabi ng lawyer ni Jace ay tumawag si Jax at nakikipagkita sa bahay ni Jace? Hindi ko na alam kung ano ang totoo. Saka hindi maniniwala ang mga pulis sa alibi na iyon. Kung salita lang ni Jax at Irene, walang makikinig sa kanila. Mas marami ang makakapagpatunay na si Jax ang pumatay. Kahit ang mga narekobre na mga gamit sa crime scene ay papunta kay Jax ang sisi. Idagdag pa ang mga naging kaso niya sa Ireland na hindi ko alam kung may katotohanan ba.

"Ibinigay niya sa akin ito dahil hindi ka niya makontak! Nakulong daw siya sa Ireland kaya hindi siya nakauwi at pagkalabas dito siya dumiretso para puntahan ka! Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong tatlo nina Jace at Jax kahapon pero sa tingin ko iyon ang dahilan kung bakit may mga sugat siya at kung bakit siya ang itinuturo na pumatay kay Jace ngayon!"

Ilan minuto na. Nakaalis na si Irene pero hindi ko pa rin mapagdugtong dugtong ang mga nangyari. Paanong nakulong siya at kalalabas lang kung napanuod at narinig ko sila ni Georgina sa laptop? Kitang kita ko ang halikan nila. Kitang kita ko na naghubad sila. Kitang kita ko na pumaibabaw siya. Narinig ko at nakita ko na totoong may nangyari sa kanila. Sigurado ako na siya iyon. Kahit madilim at nanlalabo ang mata ko sa luha, nakita ko ang katawan niya, ang damit niya, ang mukha niya, maging ang boses ay kanya!

Maaari kaya na nagsisinungaling siya kay Irene para magkaroon siya ng alibi sa pagpatay kay Jace? Gusto kong isipin na ganoon nga. Subalit may kumakatok pa rin sa akin na hindi iyon magagawa ni Jax. Ang kay Georgina siguro mapapaniwalaan ko pa. Pero ang pagpatay niya kay Jace. Hindi ko makuha na maniwala. Kaya lang kung nakaraan ni Jax ang pagbabasehan at kung totoo ang mga illegal na record niya sa Ireland, walang duda na kaya niyang gawin iyon sa pinsan niya.

Humiga ako at tumagilid. Napatihaya ako nang maramdaman ang matigas na bagay sa aking bulsa. Ngayon ko lang naalala ang pregnancy test. Dinukot ko iyon at inilabas. Itinaas ko ang aking kamay kasama ang pregnancy test para lamang makita ang dalawang pulang linya. Hindi na ako nagulat. Nag-init ang mga mata ko. Matagal ko iyon na tinitigan bago ibinalik sa aking bulsa. Pumikit ako kasabay ng pagdulas ng mainit na likidong nagmula sa aking mga mata. Nakatulugan ko ang pag-iyak at nagising sa sunod sunod na pag-vibrate ng aking telepono.

"Hello?"

Mahina ang boses ko nang sagutin ang tawag. Hindi iyon nakarehistro ngunit may tumulak sa akin na sagutin iyon. Napaupo ako sa kama habang naghihintay ng sagot sa kabilang linya.

"Clementine..." Mababa ang boses ngunit pamilyar.

"Jax?" Pagkabigkas ko sa pangalan niya walang prenong tumulo ang luha ko. "Nasaan ka?"

"Nasa Mindoro ako... Hindi ako ang pumatay... Magkita tayo... Sa puno... Sa pinagkikitaan natin dati..."

Tumatango ako habang kagat ko ang ibabang labi ko at pigil ang maingay na hagulgol. Suminghap ako at kinapa ang pregnancy test na nasa aking bulsa.

"Naniniwala ako sayo... Magkita tayo... Pupuntahan kita... May gusto rin akong sabihin sayo..." Nakatakas ang hikbi at panginginig sa boses ko.

"I love you... I'll wait you here..."

"I love you too, Jax..." Humikbi ako.

Nagtakip ako ng bibig. Hindi ko alam na sa ganitong sitwasyon ko ito aaminin. Na sa ganitong sitwasyon ko masasabi ang nararamdaman ko. Hindi ko pala kailangan ng perpektong oras para sabihin iyon. Basta nararamdaman ko, sasabihin ko iyon sa kanya hangga't may oras kaming dalawa. Hindi na importante sa akin kung may nangyari o wala sa kanila ni Georgina. Kung ginawa niya iyon para hindi ako kausapin ni Georgina, bahala na.

Ang importante sa akin ay ang ngayon. Na maayos siya. Na hindi siya ang pumatay kay Jace. At masabi ko na magkakaanak na kami. Kailangan kong maging matapang. Kailangan naming lumabang dalawa para sa anak namin. Handa akong kalimutan ang lahat basta maging maayos lang ang lahat at mapatunayan na walang kasalanan si Jax. Naniniwala ako sa kanya hindi dahil mahal ko siya. Naniniwala ako sa kanya dahil kilala ko siya. Tutulungan ko siyang mapatunayan niya na inosente siya. Sa kabila no'n ay tutulong din ako upang malaman kung sino ang totoong pumatay sa pinsan niya.

Me:

Nandito na ako.

Nagpadala ako ng mensahe nang makarating sa school. Tumigil ako ilang metro ang layo sa puno na pinagkikitaan namin. Hindi ako agaran na lumapit dahil baka may tao at may makakita sa akin. Kailangan kong mag-ingat. Kung makikita nila si Jax, isusuplong nila sa mga pulis na narito siya sa Mindoro.

Unrigestered Number:

I'm already here too.

Binasa ko iyon at saka pinaliit ang mga mata sa dilim. Madaling araw na at walang kahit anong ilaw na bukas sa school. Maliwanag man ang buwan ay nahaharangan naman ng puno kaya't hindi ko makita. Lumapit ako. Mayroon gumalaw. Nang maaninag ko na damit iyon ni Jax, lakad takbo ko siyang tinungo. Hindi pa ako nakakalapit ay nawala na siya sa dilim. Sa palagay ko'y nagtago siya sa takot na may makakita. Nagpatuloy ako hanggang sa mapaligiran ako ng mga puno.

"Jax?" Mahina at nag-iingat na tawag ko. Iginala ko ang mga mata sa madilim na paligid ngunit wala akong nakita.

"Jax!" Ulit ko at mas naglakad pa papasok sa mga puno. Umikot ako ngunit wala akong makita at marinig na kahit anong galaw.

"Saint Jaxsen!" Mas malakas na ngayon ang boses ko.

Sigurado ako sa nakita kanina. Hindi ko guni guni iyon. Nandito siya! At tumawag siya sa akin! Nakausap ko siya! Imposible na panaginip ko lang iyon! Naglakad pa ako. Nagsisimula na akong umiyak. Hindi kaya nababaliw na ako at nagdedeliryo lang ako na nakausap ko siya?

Tumigil ako at inangat ang aking cellphone. Nagliwanag ang screen nito nang buksan ko. Dali dali kong hinanap ang numero niya at idinial iyon. Isinilid ko ang aking kamay sa aking bulsa at mariin na ipinaloob ang pregnancy test sa loob ng aking kamay. Inilabas ko ang aking kamay kasama ang pregnancy test, mahigpit ang hawak ko roon habang hinahanap siya sa dilim.

"Nasaan ka, Jax? Buntis ako! Magpakita ka sa akin, pakiusap! Naniniwala ako sayo!" Walang pag-aatubili kong sabi pagkasagot na pagkasagot niya sa takot na babaan niya ako at hindi ko masabi sa kanya.

"You're pregnant?" Malamig ang boses niya sa kabilang linya. Hindi ko pa rin siya mahanap.

"Oo, Jax. Magkakaanak na tayo-"

"That's not mine. I saw you and Jace kissing. That could be his child," wala akong marinig na pagdadalawang isip sa boses niya.

Napiit ang dapat na paghakbang ko at paghahanap. Nanigas ako sa pagkakatayo. Ang boses na iyon. Ngayon ko lang narinig sa kanya. Malamig. Galit. Ibang iba sa malambing at palaging nang-aamo na boses niya. Bumalik sa akin ang mga salitang binitiwan niya noong naabutan niya kami sa loob ng bahay ni Jace. Na kung mabubuntis ako ng pinsan niya ay ipapaako ko sa kanya. Kahapon, nakita niya kaming naghahalikan. Bakit hindi ko naisip na maaaring isipin niya na hindi ito sa kanya? Na iisipin niyang may nangyari sa amin ng pinsan niya habang wala siya?

"That's not mine," malamig na ulit niya. "The father of that child is dead. I killed him."

Nanlamig ako at kinilabutan nang umihip ang malakas na hangin. Hinangin no'n ang buhok ko at tumagos papunta sa aking batok ang lamig. Ang mga tuyong dahon ay nagkiskisan nang liparin. Kasabay ng paglipad ng mga dahon ay ang yabag mula sa aking likuran. Tumutunog ang mga tuyong dahon sa bawat hakbang niya. Mabagal sa una, hanggang sa bumilis. Palakas ng palakas sa aking pandinig. Palapit ng palapit sa akin.

"You cheated on me so I killed him," mahinang tawa ang kasunod. "I killed him but I'm sure I won't be imprisoned. I have money. I could pay the authority. I could pay justice."

Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng takot. Naibaba ko ang aking kamay na may hawak na telepono. Hindi ko na nagawang umikot upang tingnan siya dahil naramdaman ko na siya na nasa aking likuran. Hinakbang ko ang nanginginig kong mga paa para tumakbo at makalabas sa mapunong lugar na iyon. Ang gusto ko na lang gawin ay tuluyang makalayo sa kanya. Hinihingal na ako bago ko nahanap ang sinag ng buwan hudyat na malapit na akong makalabas.

Malapit na ako. Ngunit bago pa iyon ay naramdaman ko na ang isang kamay niya na pumigil sa akin. Sinakal niya ako sa aking leeg mula sa likuran. Ang isa niyang kamay ay dinala niya sa aking balikat. Saglit pa lang akong pumapalag nang maramdaman ko ang pagtusok ng kung ano sa aking leeg. It was too late when I realized it was a needle. Kahit pumalag ako'y hindi ko na napigilan ang kung anong in-injection niya sa aking katawan.

"Sleep first for now. I have a surprise for you later when you wake up."

Nabibingi ako. Kahit malapit, parang ang layo ng boses niya. Nanlabo ang mga mata ko sanhi ng luha at pagkahilo. Sa pangalawang beses ay nagpakatanga ako. Nagtiwala ulit ako sa kanya na ngayon ay pinagsisisihan ko ng husto. Bumagsak ako nang walang ingat na bitiwan niya ako. Hindi na ako makagalaw ngunit ang mata ko ay marahan ko pang naikukurap. Sa gitna ng nanlalabong mga mata'y naaninag ko ang isang tuhod niya na lumuhod. Naamoy ko ang pamilyar na matapang niyang pabango. Isang beses pa akong kumurap at pinipilit na magising ang diwa upang aninagin ang pigura niya. Ang may kahabaan niyang buhok ay hinahangin. Ang mga labi niya'y nakangisi. Lumitaw ang mga biloy niya. Minsan itong naging paborito kong parte sa kanya. Ngayon, ayoko itong makita.

"That bastard really got you pregnant, huh?" Jax chuckled when he saw the pregnancy test.

Dinampot niya iyon. His voice was laced of anger, that anger was probably for me and Jace. Pumatak ang isang luha sa mata ko. Sinubukan kong manatiling gising subalit hindi ko na kinaya. Kahit isa sa mga daliri ko'y hindi ko na maigalaw. Pumikit ako at hindi na napigilan ang pagkawala ng malay pagkatapos kong makita ang pagbulsa niya sa nalaglag kong pregnancy test.

Continue Reading

You'll Also Like

44.5K 1.2K 23
R-18. Matured content. Ledisma series #1 Hyuna Wesley Antania a passionate 25 years old and an exquisite kind of a woman works in a pottery shop. She...
3.1M 67.4K 35
Del Russo Series #3 *** Dr. Creed Isaiah Del Russo had everything. Money, looks, and the love of his life, Dr. Jillian Klairo Esperensa. A beautiful...
959K 12.5K 68
Warning: Read at your own risk! MATURE CONTENT❗❗❗ Series 2 of 8 Sahara is still holding a leash from her mother's death and to the unknown man who to...
43.6K 1K 47
Shane, A very conservative, modest and soft boy found his life changed after he got partnered with a stranger to play 7 minutes of Heaven That 7 min...