Beauty and the Beast

Av hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... Mer

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#36: Friendly Kiss

3.9K 107 8
Av hyunjiwon_sg4ever

Sorry po for super late update. Stress po kasi ako this month.

***


Kabanata 36: Friendly Kiss

 

-Saerin Gail's POV-

 

"Hello, sorry kung nalate ako ng dating" hinihingal na sabi ko kay Darryl ng makarating ako sa harapan niya. Bahagya siyang ngumiti at tumango bago siya umayos ng tayo at kinuha yung isang bag na dala ko.


"Ayos lang, kakarating ko lang din halos" sabi niya at tumingin sa bandang likuran ko. "Hinatid ka ba ni Jared dito?" tanong niya sa akin. Umiling ako bilang sagot sa tanong niya.


"Hindi ko na siya ginising, mamaya pa naman yung pasok nun" sabi ko.


Tumango naman siya at binuksan yung likuran ng sasakyan niya at inilagay doon yung bag ko na naglalaman nung mga pinabili niya sa akin para doon sa volunteer work na gagawin namin ngayong araw.


Sa totoo lang namimiss ko na talaga sila Darryl. Ang tagal ko rin silang hindi nakita, nakasama at nakausap, at hindi ko talaga maikakailang kahit na nagka-problema kaming tatlo in the end they are still my best friends. I can't stay angry at them for a long time. Sila pa eh hindi ko sila matitiis pareho. Although I still have my questions to them but maybe I can ask about them next time.


"Ahhh, so tara na?" yaya sa akin ni Darryl. Tumingin naman ako at tumango habang nakangiti.


"Sige" sabi ko at sumakay na ako sa sasakyan niya.


Aayusin ko na sana yung seatbelt ko nung bigla kong naramdaman yung pag-vibrate ng phone ko kaya naman kinuha ko ito at tinignan kung sino yung nagtext.


'You leave me here alone :('

 

Halos manlaki yung mata ko sa gulat nung makita ko yung text ni Jared. Anong problema niya? Mabilis din naman akong nagreply sa kaniya.


'Hindi na kita ginising kasi mamaya pa naman ang pasok mo. Huwag ka na ngang magdrama diyan, nagluto naman ako ng almusal mo. Good morning :)'


Pagkasend ko nung message na yun ay ibinaba ko na yung phone ko at umayos ng upo. Bumuntong hininga ako at doon ko lang narealize na nakatingin pala sa akin Darryl habang nakakunot yung noo. I suddenly looked at him consciously.


"Hindi pa ba tayo aalis?" nagtatakang tanong ko sa kanya.


He smiled at shook his head. Mas lalo lang tuloy akong nagtaka sa biglang inakto niya. Magsasalita pa sana ako nung bigla siyang lumapit sa akin dahilan para mapatahimik ako. Halos mailing naman ako nung halos magkalapit na ang mukha namin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil medyo kinabahan ako sa malalim na tingin niya sa akin sa mga sandaling 'to.


"U-uhm, ano..." hindi ko na matuloy yung sasabihin ko.


"Hindi mo naikabit yung seatbelt mo" pagkasabi niya nun ay naramdaman ko na kinabit niya na yung seatbelt sa akin. Halos mapayuko naman ako sa nangyari. Shocks! Nakakahiya kaya!


"Sa-salamat" halos pabulong na nasabi ko.


Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya. Napatingin naman ako sa kanya nung humiwalay na siya sa akin at umayos ng upo. Nagtataka akong tumingin sa kanya at napansin ko na nakangiti lang siya habang nagsisimulang magmaneho.


"Anong problema mo? Bakit ka nakangiti?" tanong ko sa kanya. Bigla namang nawala yung ngiti niya at bigla kong naramdaman yung seryosong aura sa kanya.


"He's lucky to have you but he shouldn't have you. I envy him for having you. Actually I really envy him. He can get anything that he wants so easy, walang kahirap-hirap. Baka tama nga yung sinasabi ng iba na halimaw talaga siya" aniya at napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela.


Nakatingin lang ako sa kanya habang iniisip kung paano niya nagawang sabihin iyon kay Jared. Sa totoo lang, alam ko naman ang sinasabi niya, yung gusto niyang iparating. May punto siya doon ganun din naman ang tingin ko noon kay Jared. Pero ngayon, matapos kong makilala ng lubusan si Jared, after knowing his dark sides. Naisip ko, nakakaawa siya.


Naaawa ako sa kanya dahil sa tingin ng maraming tao sa kanya. Lahat sila, yung mga magagandang parte lang ang tinitignan sa kanya, they all thought that he's a strong person, yung tipo ng tao na walang kahinaan. They see him as a perfect guy. Pero hindi nila alam na sa likod ng nakakikita nila kay Jared, nandoon ang mga kahinaan niya. Na sa likod ng nakikita ng iba sa kanya, nandoon din ang parteng nasasaktan siya at nanghihina.


He may look like a perfect guy but deep inside he still has his flaws and weaknesses.


Halos maikuyom ko na yung kaliwang kamay ko nung umilaw at mag-vibrate yung phone ko. Kinuha ko ito at tinignan yung message ni Jared.


'Natatakot talaga ako sa tuwing iniiwan mo ako, pakiramdam ko hindi ka na babalik'

 

I suddenly felt a pang in my heart when I read it. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa message niyang iyon. I know he's really hurting deep inside. He's not a scary beast, he's a scared beast. And it's something that other people won't understand not unless you go closer to him.


"Pinaghirapan niyang makuha ako" bigla kong nasabi habang nakatingin pa rin doon sa message ni Jared. Humigpit ang hawak ko doon sa phone ko. "Wala kayong karapatang husgahan siya dahil hindi niyo naman siya kilala" mahinang sabi ko.


"And you think you know him well?" tanong sa akin ni Darryl pabalik.


Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong bumuntong hininga siya habang diretso pa rin ang tingin sa daan.


"I'm sorry" aniya at muling bumuntong hininga "Hindi ko sinasadya, Gail" dugtong niya.


Hindi na lang din ako nagsalita at umayos na lang ng upo. Muli kong tinignan yung phone ko at doon ko nabasa yung panibagong message ni Jared.


'You're with him? Nakarating na ba kayo sa pupuntahan niyo? Naabala ko na ba kayo?'

 

'You're not replying, maybe you're busy. I'll call you later'

 

'Huwag mo akong ipagpapalit sa lalaking yan ha?'

 

'I love you, Gail'

 

Bahagya akong napangiti nung mabasa ko yung sunod-sunod na message niya. Mabilis naman akong nag-type ng reply ko sa kanya.


One thing I love about this guy is that he's adorable and charming on his own way. Hindi daw siya marunong magpakilig sa lagay na 'to.


'On the way palang kami, ikaw mag-ayos ka na kaya? Papasok ka pa di ba?'


'Huwag kang mag-alala isip ko lang yung dala ko dito, naiwan ko ata sa bahay yung puso ko kasama mo. Kaya ingatan mo ha? Hindi kita ipagpapalit, I'll always go back to where my heart belongs... sayo. Mahal kita, Jared'

 

Pagkatapos kong isend ang mensahe na yun ay inilagay ko na sa bag ko yung phone ko.


"Do you love him?" nagulat ako sa tanong na iyon ni Darryl. Napatingin ako sa kanya at nakita ko na diretso pa rin ang tingin niya sa daan.


Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang sagot ko sa kanya. I heave a deep sigh. Dumiretso din ako ng tingin sa daan.


"Mahal ko na siya, Darryl" mahinang sagot ko sa kanya.


"Pagkatapos ka niyang lokohin ha Gail?" halos pagalit na sabi niya.


"Alam kong may dahilan siya, I understand him and I will understand him" mariin kong sabi sa kanya. He just shook his head. Hindi na ako muling nagsalita pa at ibinaling na lang ang tingin ko sa daan.


***


Nagsisimula na yung volunteer program dito. And so far I'm enjoying it, masaya akong makihalubilo sa mga batang masayang naglalaro at nagtatawanan kahit na hindi ganoon kaganda yung bahay nila. Mahirap man sila pero hindi iyon hadlang para maging masaya sila. Para abutin nila ang pangarap nila sa buhay.


"Hi Ate, ang ganda niyo po talaga" sabi sa akin ng isang batang babae na 'Anna' ang pangalan.


Ngumiti ako sa kanya at umupo sa  para magkatapat kami.


"Thank you," sabi ko sa kanya at lalo lang akong napangiti ng yakapin niya ako. Naglapitan naman sa amin yung iba pang batang babae. Napatingin naman sa akin yung isa pang head ng volunteer work na 'to at ngumiti sa akin. Nginitian ko rin naman siya.


"Ate! Ate! Boyfriend niyo po ba yung lalaking yun?" tanong niya at tinuro niya si Darryl na ngayon ay kasama nung mga lalaki at naglalaro.


"Hindi ko siya boyfriend, best friend ko siya" sagot ko sa kanya.


"Ayy bakit best friend mo lang siya Ate? Ang gwapo niya po kaya. Crush nga po siya ni Jeline eh!" sabi naman nung isa. Bigla namang nag-react na parang nahihiya at nanghampas pa ng mahina.


"Gusto mo sabihin natin kay Kuya Darryl na crush mo siya?" sabi ko tapos nagulat naman si Jeline sa sinabi ko.


"Wag po Ate, nakakahiya" sabi niya pagkatapos nun ay natawa naman ako nung bigla siyang asarin ng mga kaibigan niya, napatingin naman ako sa kanya habang nakangiti.


Minsan naisip ko, paano kung ipinanganak rin akong tulad nila? Siguro marahil ay ganyan ako kasaya tulad nila, their childhood is fun, hindi ko man alam yung mga pinagdadaanan nila but I know that there's hope in their heart that one day they'll be able to reach for their dreams.


They have the freedom to do that but they don't have the opportunity. While me, I have the opportunity to reach my dreams but I don't have enough freedom to do it.


"Pero bakit hindi mo po boyfriend si Kuya Darryl? Bagay naman po kayong dalawa" sabi ni Anna dahilan para mapatingin ako sa kanya. Napatingin na rin sa akin yung iba pang mga bata.


"Uhm, kasi may asawa na ako" pagkasabi ko nun ay halos mapatakip ako ng tenga nung sumigaw silang lahat ng 'Ha?', napatango naman ako sa kanila at ngumiti.


"Grabe Ate parang ang bata niyo pa po para mag-asawa, pero gwapo po ba asawa niyo tulad ni Kuya Darryl?" tanong naman nung isa. Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Marahan akong tumango sa kanya at kinuha ko yung phone ko at pinakita sa kanila yung picture ni Jared.


"Siya ang asawa mo Ate?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tinignan naman na din ng iba yung picture ni Jared at halos magkagulo na sila.


"Wow Ate ang gwapo naman po niya. Mukha po siyang prinsipe" sabi niya habang nakatingin pa rin doon sa picture ni Jared. "Bagay po kayo! Parehong maganda at gwapo, para po kayong prince and princess sa mga story na nababasa ko" dugtong niya pa.


Napangiti naman ako sa sinabi niya at napasulyap doon sa picture ni Jared. Napaisip ako kung ano na ang ginagawa niya ngayon, kung nakapasok na ba siya sa opisina niya o ano.


"Wow ang gwapo po talaga niya, sana Ate next time isama mo po siya dito" sabi naman nung isang bata. I looked at her and nodded my head.


"Sige pag bumalik ako dito, isasama ko siya" I smiled.


"Siguro Ate kapag nagkaanak din kayo maganda din yun at gwapo tulad niyo ni Kuya" pagkasabi naman nun ng isang bata ay halos pamulahan ako ng mukha. Geez. Bakit naiilang talaga ako kapag ganitong usapan?


"Kids! Magsisimula na tayo sa activity natin, punta na tayo sa harapan" napatingin kami kay Ate Lian, yung head, at tumayo na ako. Hinawakan naman nung dalawang bata yung kamay ko at sabay-sabay kaming pumunta sa harapan.


***


"Pagod ka na ba?" tanong sa akin ni Darryl nung tumabi siya sa amin habang pinapanuod namin yung mga batang gumagawa ng activity nila.


"Hindi," tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Nag-eenjoy nga ako eh, nakakatuwa silang tignan. They all look happy" sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at bigla akong inakbayan, itinuon ko yung atensyon ko sa mga bata.


"Lunch tayo after nito?" tanong ni Darryl.


"Basta libre mo, ayos lang sakin" I simply answered.


"Ayos ah? May milyonaryo kang asawa papalibre ka pa sakin? Dapat ako nililibre mo eh!" singhal ni Darryl. Tinignan ko naman siya ng masama pero tumawa lang siya. Inalis niya yung akbay niya sa akin nung lumapit sa kanya si Jeling. Umupo siya para magkatapat silang dalawa.


"Kuya patulong naman po sa paggupit dito" sabi niya dito. Napangiti na lang ako at umalis na para mabigyan silang dalawa ng moment.


Habang naglalakad ako ay biglang nakuha ang atensyon ko ni Kim, anim na taong gulang lang siya, tumatakbo kasi siya habang hawak-hawak yung colored paper na kulay pink at isang gunting. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko na papunta siya sa table na puro lalaki.


"Kuyaaa! Patulong naman ako sa paggupit nito" sabi niya doon sa isang batang lalaking naggugupit din ng colored paper.


Nung makalapit si Kim doon sa lalaki ay tumigil siya sa paggupit ng kanya at tumingin kay Kim. He smiled brightly at her especially when she handed him her colored paper and scissors. Kinuha naman niya ito at ginulo niya muna yung buhok ni Kim.


"Gupitin mo ha Kuya? Dapat hugis heart para maganda" sabi nito sa kanya. He just smiled at her and nodded. 


"Libre mo ako ng ice cream mamaya ah?" sabi nung lalaki, napatingin ako sa kanya.


"Oh heto na," sabi niya at inabot niya sa akin ang ice cream na nasa cone.

 

"Yehey!" masayang sabi ko at kinuha sa kamay niya yung ice cream. Umupo ako ng maayos sa bench at sinimulang kainin yung ice cream. Umupo naman siya sa tabi ko at sandali akong tinignan.

 

"Baka matuluan ka nung ice cream," pagkatapos niyang sabihin yun ay tumingin ako sa kanya.

 

"Hindi naman yan" sabi ko at ngumuso. "Gupitin mo na lang yan Kuya para may mapasa na ako kay teacher bukas" sabi ko at tumingin sa kanya with puppy eyes. Napailing naman siya at kinuha yung papel na nasa tabi niya at nagsimulang maggupit habang ako ay kumakain lang ng ice cream.

 

Ang sarap kasi talaga!

 

Tahimik lang akong kumakain habang pinapanuod siya na naggupit ng flower mula doon sa kulay red na papel. Wow! Ang galing niya naman! Sunod naman ay gumupit siya ng hugis heart mula doon. Ang galing talaga ni Kuya!

 

Tumingin siya sa akin at inabot sa akin yung color red na heart.

 

"Heto puso ko," sabi niya at inabot sa akin ni Kuya iyon. "Sayo na yan, ingatan mo yan ha?" kinuha ko sa kanya yung puso at tinignan ko ito. Ang galing talaga kasi heart shape!

 

"Itago mo yan okay? You have my heart and next time, you'll going to have me" aniya.

 

Napakunot naman yung noo sa sinabi niya. Di ko maintindihan, English kasi kaya nosebleed!

 

"Di kita maintindihan, Kuya"

 

"I'm going to marry you, one day"

 

"Ayos ka lang ba Gail? Anong problema?" nag-aalalang tanong sa akin ni Darryl.


Dahan-dahan akong napatingin sa kanya at umiling. Halos mapalunok ako at hindi ako makapaniwala sa mga naalala ko. Wh-what was that? Bakit may mga ganito akong naalala?


"Gail, you're crying. Anong problema?" tanong ulit ni Darryl. Agad kong pinunasan ang pisngi ko at doon ko napagtanto na umiiyak nga talaga ako. Muli akong umiling at mabilis na umalis sa lugar at pumunta doon sa banyo.


Huminga ako ng malalim at tinignan yung sarili ko sa salamin.


Ano bang nangyayari? Bakit?


Napakapit ako sa may lababo at doon hinayaan ko ang sarili kong umiyak. I don't know why I'm crying but that scene made my heart in pain. Sino ba ang taong yun? Bakit siya nasa alaala ko? Kung kilala ko siya bakit hindi ko maalala kung sino siya?


***


"Ayos ka na ba?" tanong sa akin ni Darryl habang nagliligpit na kami ng gamit. Tapos na kasi yung volunteer work at yung ibang mga bata ay naglalaro na lang o di kaya umuuwi na tulad ng iba.


Tumingin ako sa kanya at marahang tumango.


"Ayos lang ako, napagod lang siguro ako pero masaya naman ako. Nag-enjoy ako" sabi ko sa kanya at bahagyang ngumiti. Tinignan lang niya ako pero inalis niya rin agad sa akin ang tingin niya.


Sa totoo lang, masaya talaga ako ngayon. Although, nakakapagod but it all worth it. Masaya akong nagawa ko ito and I want to this again. Pero hindi pa rin nawala sa isip ko yung naalala ko kanina. Pangalawang pagkakataon ng may mangyari sa aking ganito.


"Ate balik po kayo ulit ha? Next time sama niyo na po si Prince niyo ha? Gusto ko po siyang makita ng personal eh" sabi ni Anna. Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Tumango ako at bahagyang ginulo yung buhok niya.


"Sige, isasama ko siya next time" I said.


"Thank you po Ate!" aniya at niyakap niya ako, niyakap ko rin siya pabalik at napangiti na lang ako nung maglapitan pa yung ibang mga bata at niyakap ako.


Napatingin naman ako kay Darryl na ngayon ay nakangiting nakatingin sa amin. I smiled at him at nakita ko na lang na pinipicturan niya na pala kami.


***


"Thank you nga pala ngayong araw ha Darryl?" sabi ko sa kanya pagkababa namin ng sasakyan niya. Hinatid niya kasi ako sa tapat ng condominium na tinitirhan namin ni Jared. Ngumiti siya sa akin at tumango.


"Wala yun, ikaw pa eh malakas ka sa akin" aniya at bahagya kaming tumawa pareho.


"At least may project na tayo di ba?" sabi ko. He just nodded then he touched my face. Natigilan naman ako sa ginawa niyang iyon.Napatingin ako sa kanya at naramdaman ko ang pagiging seryoso niyang ulit.


"Andito lang ako, Gail" aniya at nagulat na lang ako nung maramdaman ko yung labi niya sa may kanang pisngi ko. Humiwalay din naman siya sa akin agad at nginitian ako.


"Friendly kiss" aniya at nagkibit-balikat sa akin. Magsasalita pa sana ako nung may mapansin ako sa peripheral vision ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Did he saw that?


Napatingin ako doon sa gilid ko at hindi nga ako nagkamali sa nakita ko.


"Jared..." mahinang sambit ko habang nakatingin sa kanya.


Sandali niyang tinignan si Darryl ng matalim bago niya ibinaling yung tingin niya sa akin. He's coldly looking at me and that made me more nervous.




Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

6.4K 2.5K 53
The burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to...
171K 3.1K 42
Story about to a girl who wants to meet her fiancé using her disguise. According to her research, her fiancé is cold, bad boy, snob, and a very worka...
84.3K 5.5K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...