Will I Wake Up?

By SakataChibi

11.5K 1.4K 4K

Aly is an ordinary student at Larson High. Normal lang sa kanya ang buhay kasama ang bestfriend niyang si Sop... More

Will I Wake Up?
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty-Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty-One
Chapter Sixty-Two
Chapter Sixty-Three
Chapter Sixty-Four
Chapter Sixty-Five
Chapter Sixty-Six
Chapter Sixty-Seven
Chapter Sixty-Eight
Chapter Sixty-Nine
Chapter Seventy
Chapter Seventy-One
Chapter Seventy-Two
Chapter Seventy-Three
Chapter Seventy-Four
Chapter Seventy-Five
Chapter Seventy-Six
Chapter Seventy-Eight
Chapter Seventy-Nine
Chapter Eighty
Chapter Eighty-One
Chapter Eighty-Two
Chapter Eighty-Three
Chapter Eighty-Four
Chapter Eighty-Five
Yes, I woke up: The Epilogue

Chapter Seventy-Seven

35 7 0
By SakataChibi

Ganoon na lamang ang gulat ni Aly matapos makita ang ate ni Keifer na nakaupo sa harap ng hapag.

"Ate Mari?!" hindi makapaniwala na tawag niya dito ngunit maski ang babae ay nagulat rin sa kanya.

"Ayh...magkakilala na pala kayo?" nakangising tanong ni Leander sa kapatid saka napatingin kay Mari. Ngunit napailing na lamang ang babae sa harapan dahilan para malito si Lean.

"Ahhh oo baka kaya ka niya kilala kasi malapit siya sa kapatid mo...si Keifer," biglang sambit ni Lean nang mapagtanto kung ano ang maaaring dahilan kung bakit kilala ng kapatid ang babae.

Napayuko naman dito ng bahagya si Aly saka umupo sa katapat ng mesa. Nasa harapan pa rin niya si Mari na kasalukuyan ring nakatingin sa kaniya. Pilit siyang napangiti dito at ganoon din ang ginawa ng kaharap.

"Siya nga pala Aly, tumawag kanina si Tita sa akin at ilang araw ka na daw di kumokontak sa kanila, nag-aalala sila at baka kung ano-ano na naman daw ang ginagawa mo sa buhay mo," sermon ni Lean sa kanya dahilan para maalis ang tingin niya kay Mari.

"Kakatawah ko lang sa kanila last time ah!" sagot niya dito ngunit pinanlakihan lang siya ng mata ng pinsan.

"Aba'y nung nakaraan yun, tumawag ka ulit mamaya ah!" dagdag pa nito dahilan para matahimik siya.

Maya maya pa ay natapos na rin sa paghahanda ng kakainan si Leander at naupo na sa kaliwang upuan ni Aly.

"Siya nga pala, makiki tulog muna ngayon si Mari dito ah," biglang sambit ni Leander sa gitna ng pagkain dahilan para mabulunan ang dalawa.

"Huh?!"

"Hala!"

Nagkatinginan pa sina Aly at Mari bago muling nagiwas ng tingin sa isa't isa. Sa hindi malamang dahilan ay nailang si Aly dahil parang kailan lang ay kasama niya rin si Mari sa ibang mundo at nakakausap rin ng matino. Ngunit dahil ito ang unang pagkikita nila ng totoong Mari sa mundong ito ay hindi niya maiwasang kabahan at mailang.

"Sabay pa talaga kayo ah, haha" napatawa si Leander dahil dito.

"Lean, hindi naman kailangan na dito na rin ako matulog. I can book an apartment na lang," saad ni Mari pagkatapos punasan ang bibig.

"Eh ayon ang sabi ni Sky sa akin... bukas ka na umuwi kapag maayos na ang lahat," sagot ni Lean sa kanya na para bang hindi narinig ang sinabi nito.

Napa kunot noo naman si Aly. Hindi niya alam kung bakit nandito si Mari ngunit wala rin namang masama kung gusto ni Leander na pumadito muna ang dalaga. Isa pa ay kapatid ito ng kaibigan niyang si Sky.

Natigilan na lamang si Aly nang bigla siyang tingnan ng kanyang kuya.

"And she'll be sleeping in your room," dagdag pa nito saka tumayo sa kinauupuan.

Hindi naman na nakapagsalita pa si Aly matapos marinig ang seryosong boses ni Lean at napalingon na lamang kay Mari. Saktong nakatingin rin ang babae sa kaniya na agad ring nag-iwas ng tingin nang mapansing lumingon si Aly.

Sa huli ay wala na ngang nagawa ang dalawa kundi ang pumasok sa iisang kwarto. Nanatili pa muna sa labas si Aly habang pumasok naman sa loob si Mari. Gusto niya itong kausapin ngunit mas nananaig sa kaniya ang intimidasyon dito. Habang si Leander naman ay pumasok na rin sa loob ng kwarto para matulog.

Habang nakaupo sa sala at tahimik na nanonood ng telebisyon si Aly ay naramdaman na lamang ang niya ang mahinang pagbukas ng refrigerator dahilan para mapatingin siya dito. Agad niyang nakita si Ate Mari na kumukuha ng tubig kaya naman hinayaan na lamang niya ito at muling ibinalik ang paningin sa pinapanood.

Maya maya pa ay naramdaman niya ang pag upo nito sa kanyang tabi. Napatingin siya dito at nakita ang nakangiting si Ate Mari. Napangiti na lang rin siya dito saka bahagyang umusog upang makaupo ito sa kaniyang tabi.

" I didn't expect that Aly Vasper is Leander's cousin..." paunang sambit nito habang nakangiti. Napatingin pa siya dito ngunit agad ring nag-iwas ng tingin nang mapansing nakatuon ang paningin ni Mari sa telebisyon.

"How do you know me?" tanong niya dito.

"Hmm...from the boys?" sagot sa kaniya ni Mari habang nakatuon pa rin ang paningin sa telebisyon.

The boys?

"Dylan told me....that you and Keifer are secretly dating just last week..."

Agad na natigilan si Aly sa narinig at hindi maiwasang mainis kay Dylan.

'Psh! Ang daldal talaga kahit kailan. Kalalaking tao ang hilig mag-chismis,' inis sa sambit niya sa sarili.

Narinig niya ang mahinang tawa ni Mari pagkatapos noon.

"But honestly, I don't know if that's true..."

Napalingon siya dito.

"I mean... there's a possibility, yes. Narinig ko rin once na biniro nila si Keifer about you and he's just blushing like a kid, *hahaha* tawang tawa pa ako noon pero nagalit lang sa akin si Keifer," natatawang sambit ni Ate Mari dahilan para mapayuko si Aly sa hiya.

"But lately, nakikita ko na naman si Veena eh... I guess nagkabalikan na sila?" dagdag pa nito na sinundan ng nakakabinging katahimikan.

"Hmm..."

"How about you, Aly... do you have something for my brother?" biglang tanong ni Mari sa kanya saka napaharap sa kanya.

"Huh? Ah...n-no! Of course none. Yes, we became close last time, but it's because of something we need to do together, but that's all," sagot niya saka itinaas ang paa sa sofa at napatungo sa kanyang mga tuhod.

"Hmmm..." makahulugan na sambit ni Mari.

"Really? Something you need to do together? hmm...I wonder what it is haha," nangiinis na saad ni Mari sa kaniya na sinundan ng malakas na tawa.

"No... it's not what you think," depensa niya sa sarili ngunit mas malakas na tawa lamang ni Mari ang narinig niya.

"Hahaha of course I know... I'm just kidding," sambit nito sa kaniya.

Sa hindi malamang dahilan ay mas naging kalmado na si Aly at nawala na ang pagka-ilang kaya naman hindi niya naiwasang mapangiti dito.

"Hahaha I'm happy you two became friend...nalaman ko rin na sinama ka niya sa lumang cafe namin. Actually hindi naman ganun ka-espesyal ang lugar na iyon lalo pa at hindi lang ikaw ang sinama niya doon kundi pati na rin si Veena. But you know what, that place has the dark past for him. That is the place where he always go to lalo na nung nag-rebelde siya. That's why, it means he allows you to know where he's been into during his dark moments in the past," mahabang litanya nito sa kanya.

Halos mapanganga naman si Aly dahil dito. Hindi niya akalain na ang lugar na iyon na noong una ay inakala niyang kuta ng mga masasamang loob ay totoong naging tahanan noon ni Keifer.

Napatingin na lamang si Aly sa telebisyon habang nakikinig sa iba pang kwento ni Mari. Masasabi niya na hindi nalalayo ang ugali nito sa Mari na kilala niya sa ibang mundo. At kung tutuusin ay mas mabait ito ngayon.

Ito ang dahilan kung bakit naalala niya ang huling pakiusap sa kaniya ni Mari sa ibang mundo. Ang paghiwalayin si Ross at si Mari upang hindi mapahamak ang binata. Napatingin na lamang siya dito at napaisip kung paano mapapahamak si Ross dahil kay Ate Mari.

******

Kinabukasan ay nagising na lamang si Aly na nakayakap kay Mari. Para silang mag-ate kung titingnan dahil sobrang lapit nila sa isa't isa habang natutulog. Natanggal na rin ang nakabalot na kumot dahil sa sobrang likot nila matulog dahilan para ma-expose ang suot nilang mga pajamas.

Napahikab na lamang siya nang makaalis na mula sa pagkakayakap ni Mari saka nagtungo sa harap ng salamin. Mula sa gulo-gulong buhok ay napadako ang paningin niya sa telepono na nasa gilid. Agad niya itong kinuha at tiningnan.

"Oh shit, I knew it!" sa isip isip niya matapos makitang alas- nuwebe na ng umaga. Inabot na rin kasi sila ng alas dos kaninang madaling araw dahil sa pagku-kwentuhan kaya naman tanghali na rin sila nagising.

Hindi na rin siya nagpatumpik-tumpik pa at naglakad na rin palabas ng kwarto matapos maghilamos.

"Kuya," bati niya dito nang makitang abala si Leander sa pagluluto.

"Oh gising ka na... galing niyo ah, tanghali takaga kayo nagising haha...oh siya sige punta na ako sa trabaho ko after ko dito. Sabihin mo kay Mari, baka sunduin siya dito ni Sky, hintayin na lang niya," sambit nito saka nagtungo sa banyo.

Hindi naman na siya sumagot dito at nagpatuloy na lang palapit sa mesa at nag umpisa ng kumain. Dahil tapos na ang kanyang mga special test ay magkakaroon naman sila ngayon ng outing kasama sina Kiane at barkada nito. Ngunit ayon sa napagkasunduan ay baka hapon na lang matuloy dahil na rin sa nangyaring aberya kay Ate Mari.

Napilitan lang rin kasi itong hindi umuwi kagabi matapos silang mag-away ng nanay niya. Kinuha rin nito ang credit card niya kaya wala siyang ibang napuntahan kundi si Kuya Lean. Mabuti na lang ay alam rin ni Sky ang nangyari at nakahingi rin ng tulong kay Kuya.

Habang abala ako sa pagkain ay lumabas na rin si Kuya na naka-todo porma pa. Halos hindi mo malaman kung totoo bang trabaho ang pupuntahan nito o sadyang may date lang talaga siya. Napailing na lamang si Aly dito habang patuloy pa rin sa pagkain, at binabalewala ang pinagsasabi ng pinsan.

Napasandal na lamang siya sa upuan nang tuluyan nang nawala ang maingay na boses ng kuya. Ngunit ilang saglit pa ay isang malakas na katok sa pinto ang narinig niya dahilan para mag-init muli ang kanyang ulo.

"Psh! Ano na naman kailangan nito! Hindi na kasi kinuha kanina eh, teka lang!!" saad ni Aly saka padabog na naglakad palapit dito. Kumakain pa rin ito kaya naman ngumunguya siya habang naglalakad.

"Ate!!" malakas na sigaw mula sa labas ng pinto.

Hindi naman ito narinig ni Aly dahil mas nanaig ang malakas na katok sa pinto.

"Oo, teka lang!!" sagot niya dito sa binuksan ang pinto.

Ngunit ganun na lamang ang gulat niya nang makita ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng pinto at akma ulit sanang kakatok. Parehas na nagulat ang dalawa sa isa't isa.

"Keifer..." tawag dito ni Aly habang nakatingin sa kaniya. 

Continue Reading

You'll Also Like

78.3K 222 23
Smut 18+ ONLY! ⚠️WARNING⚠️ ⚠️CONTAINS MUTURE CONTENT⚠️ ⚠️VERY SEXUAL 18+⚠️ 22 year old Raven Johnson is just going to her yearly doctors appointment...
7.1K 66 16
🎶Honey honey, how you thrill me, a-ha, honey honey. Honey honey, nearly kill me, a-ha, honey honey. I'd heard about you before. I wanted to know som...
34.9K 1K 27
[THIS IS BASED ON THE MOVIE! I WILL BE CHANGING THE NAMES AND THE LINES] Jughead Jones and Veronica Lodge are very popular. They're rich and are step...
132K 5.1K 58
Hi I am still editing this story, all my stories because I know there's a lot of errors and a lot of wrong grammars! I hope you'll understand! The s...