HIDDEN SEVEN

By Arthreens

4.2K 1.8K 1.2K

∆∆∆ !UNDER EDITING! ∆∆∆ ∆∆ MAJOR CHANGES ALERT! ∆∆ ∆∆∆ !HIATUS! ∆∆∆ Some pa... More

PLEASE READ!
Author's Note
Prologue
TB Chapter 1: CLUB
TB Chapter 2: VARIANT
TB Chapter 3: Room 207
TB Chapter 4: Introduce Yourself
TB Chapter 5: Bato-bato Pik!
TB Chapter 6: He's Back!
TB Chapter 7: Couple?!
TB Chapter 8: General Cleaning
TB Chapter 9: Pares/Mami
TB Chapter 10: Stupid Girl
Author's Note
TB Chapter 11: Caisy
TB Chapter 12: Friend
TB Chapter 13: Tsismosa
TB Chapter 14: Awkward
TB Chapter 15: Absent
TB Chapter 16: Josh
TB Chapter 17: His Family
TB Chapter 18: Encourage
TB Chapter 19: Plan
TB Chapter 20: Muntik na!
Covers 💕
TB Chapter 21: Neo
TB Chapter 22: Opening!
TB Chapter 23: Perya
TB Chapter 24: Penalty
TB Chapter 25: Party
TB Chapter 26: Allan
TB Chapter 27: Payt
TB Chapter 28: Again
TB Chapter 29: Talk to Talk
TB Chapter 31: Preparation
TB Chapter 32: Gathering

TB Chapter 30: Agreement

10 6 0
By Arthreens

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!



Chapter 30

Phia's PoV

Kasalukuyan kaming nasa gate upang ihatid ang magkapatid sa sasakyan nila. Malapit ng magtanghali nang mapagpasyahan nilang umuwi.

"Goodbye, Ate Phia! Bye, Auntie Pau!" pagpapaalam ni Xandra sa amin habang nakasakay sa kotse.

Nagpaalam na rin si Allan bago sumakay sa sasakyan at sinimulang buhayin ang makina. "Bye! Ingat kayo!" sambit ko naman at kumaway pa sa kanila.

Ingat sila sa mga magulang nila.

Pumasok na kami sa loob ng bahay nang makaalis na sila, agad namang humarap si Mama sa akin pagkapasok.

Ayan na!

"Sa dinarami-rami ng babasagin mo, yung paboritong vase ko pa." panimula niya at napapikit ng mariin na para bang nagpipigil ng galit. "Kung hin-----!" dagdag niya pa sana ngunit napatigil nang biglang tumunog ang phone niya.

Layf seybyor!

Kinuha niya naman ang phone sa bulsa at sinagot ang tawag. Lumayo naman siya sa akin ng kaunti at nagpatuloy na sila sa pag-uusap ng nasa kabilang linya.

Sana makalimutan ni Mama na sinesermonan niya ako.....

Manifesting!

Ilang minuto lang ang lumipas ay ibinaba na ni Mama ang tawag at dire-diretsong umakyat papunta sa kwarto niya.

Nakalimutan na niya!

Saktong pagkababa niya ay nakabihis na siya ng pang-alis at mukang may pupuntahan. "Saan ka pupunta, Ma?" takang tanong ko at hindi niya naman pinansin dahil sa pagmamadali.

Oo, may kausap ako.

"Phia, ikaw muna ang bahala sa bahay ha. Mag-ayos at maglinis ka rito, 'wag kang tatamad tamad. May kasalanan ka pa sa'kin baka nakakalimutan mo. Kailangan pag-uwi ko malinis 'tong bahay ha. Sige na at may pupuntahan pa ako." tuloy-tuloy niyang sabi at diretsong lumabas ng bahay.

Luhh....

Hirap pala makasira ng gamit ni Mama. Hindi lang sermon ang aabutin pati paglilinis ng bahay kailangan kong gawin.

Naknang.

Napabuntong hininga na lang ako at naglakad papuntang kusina. Nadatnan ko namang malinis-linis na ito kaya naman dumiretso ako ng dirty kitchen at naabutan ang bundok ng mga hugasan sa lababo.

Ang dami!

Agad ko namang hinugasan ang mga ito at nang matapos ay umakyat ako upang maglinis sa mga kwarto namin. Una kong pinuntahan ang kwarto ni Mama at agad ko naman itong sinimulan linisin.

Pagkatapos ay dumiretso naman ako sa kwarto ng pinsan kong puro layas lang ang ambag, ni hindi man lang tumulong maglinis ng bahay.

Dinaig pa yung border na nangungupahan.....

Habang naglilinis, nakita ko ang isang picture frame na nakatayo sa study table ng pinsan kong layas. Na-intriga naman ako kung sino ang nasa litrato dahil iyon lang ang nag-iisang picture frame na nakita ko sa kwarto niya.

Ayokong banggitin ang pangalan niya or tawagin siyang 'Kuya' por todays bidyow....

Nilapitan ko naman ang study table niya at kinuha ang frame bago tingnan. Bumungad naman sa akin si Caisy na nakasuot ng floral dress habang nakatayo sa ilalim ng puno.

Shesshh, ang ganda.

Model ng puno, chariz.

Nabalik ako sa reyalidad nang may marinig akong kalabog na nanggagaling sa labas ng kwarto na para bang ang bigat ng paa ng naglalakad. Nagmadali naman ako na ibalik ang litrato sa kinalalagyan nito ngunit dumulas ito sa kamay ko dahilan upang mabitawan ko ang litrato.

Umalingawngaw ang tunog ng nabasag sa buong kwarto, nagmadali naman ako at agad na pinulot ang mga bubog sa sahig.

"Phia?" tanong nito habang takang nakatingin sa akin at napatingin din sa mga pinupulot ko sa sahig.

Paktay!

"What have you done?!" may halong inis na tanong nito sa akin at hinablot sa kamay ko ang litrato.

"I-i....ahm...ano....s-sorry....h-hindi ko naman---!" utal utal na sabi ko at napatigil nang sigawan niya ako.

"Get out!" sigaw niya at nakaramdam naman ako ng takot kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto niya.

Napasinghal naman ako nang masara ko ang pinto ng kwarto niya. "Psh. Alam ko namang importante sa kanya 'yon pero kailangan niya bang manigaw? Hindi ko naman sinasadya na nahulog 'yon tyaka nanghingi naman ako ng pasensya." inis na singhal ko at padabog na dumiretso sa kwarto ko para ipagpatuloy ang paglilinis.

Kasalukuyan akong naglilinis sa kwarto ko at napatingin sa study table nang makita ko na naman ang bracelet ni Caisy na hindi ko mabalik-balik sa kanya dahil lagi kong nakakalimutan.

Ipabigay ko na lang kaya sa pinsan kong layas?

Wag na pala, nagbago na isip ko. Ako na lang mismo ang magbibigay kay Caisy pagpasok sa school.

Pinagpatuloy ko na ang paglilinis hanggang sa matapos ako. Nang matapos, inayos ko ang mga pinaggamitan kong panglinis at bumaba para maghanda ng tanghalian.

Gutom na ako!

Saktong pagpasok ko ng kusina ay tumunog ang phone ko, hudyat na may tumatawag. "Hello?" sambit ko pagkatapos sagutin ang tawag.

["Phia, mauna na kayo ni Piolo magtanghalian dyan. Mamayang gabi pa kase ako makakauwi."] panimula naman ni Mama.

Nagtaka naman ako. "Bakit hindi ka makakauwi?" takang tanong ko dahil naalala kong wala naman siyang pasok ngayon sa trabaho kaya nakakapagtaka kung bakit siya umalis kanina.

Nagtataka na talaga ako sa kinikilos nito ni Mama....

Siguro---.....ay hindi, imposible. Baka naman may kitaan lang sila ng mga kaibigan niya at nagkayayaan kumain sa labas.

Oo, iyon....

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita siya mula sa kabilang linya. ["Kasama ko mga collegue ko, gusto nilang magbonding kami."] sagot naman ni Mama.

Buti naman, hindi tama ang akala ko.....

"Ahh, okay. Sige na, Ma. Enjoy kayo, ingat din!" tuloy-tuloy kong sabi at agad naman siyang sumagot.

["Sige sige. Bye!"] pagpapaalam niya at narinig ko pang may tumatawag na sa kanya mula sa kabilang linya.

Mga kasama niya siguro.....

Saktong naibaba ko ang tawag ay di ko napansin na naroon pala ang pinsan kong layas sa kusina habang kumakain ng.....masarap na chicken!

Pota, gusto kong manghingi!

Ayy hindi, walang manghihingi. Magkaaway nga kami diba? Mas importante ang pride ko ngayon kaya isasantabi ko muna yung motto kong 'Walang sinasanto 'pag pagkain ang pag-uusapan.'

Napansin ko namang napatingin siya sa akin kaya naman kaagad akong umiwas ng tingin. Hindi ko naman na siya inaalala at dumiretso ako ng ref para tingnan kung may makakain ba roon.

Ano bang klaseng ref 'to?! Ang laki laki tapos walang laman ni isa? Kahit tubig inumin, wala?! Iyan ang reaksyon ko nang makitang walang laman ang ref.

Napabaling naman ang tingin ko sa lamesa matapos isara ang pinto ng walang kwentang ref. Bumungad naman sa akin ang isang bucket ng chicken at pan ng spaghetti.

Kanina wala 'yan dyan ah!

Napansin ko namang wala na ang pinsan kong layas na kanina ay kumakain sa lamesa. Siguro binili niya 'yan para sa akin, sabagay sino pa ba? Kami lang namang dalawa ang nasa bahay ngayon.

Kaso.....magkaaway nga kami diba?? Tyaka, hindi niya ako madadala sa mga ganyan niya, akala niya!

Pero.....gusto ko talaga kainin!

Ay hindi, bawal! Masisira ang pride mo!

Gutom na ako!

Mga salitang naglalaro sa isip ko habang nakatitig ako sa mga pagkain na nasa lamesa. Sakto namang tumunog ang tiyan ko, hudyat na gutom na talaga ang mga alaga ko.

Hindi naman masama kung kukurot lang ako ng konti, diba?

Lumapit ako sa lamesa at lakas loob na kinurutan ang manok bago ito isubo. Tumingin pa ako sa paligid para siguruhin kung wala na ba ang pinsan kong layas. Agad akong umupo nang masigurong wala na siya at dali-daling kumain.

Shuta, gutom na gutom ako!

-----

Dumating ang lunes, syempre pasukan na naman. Medyo maaga akong nagising dahil wala lang gusto ko lang.

Himala, diba?

Anyways, itong nakaraang weekend ay hindi talaga kami nagpapasinan ng pinsan kong layas at hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang tawag ko sa kanya.

Bagay kasi.....

Bago pa man ako lumabas ng kwarto ay kinuha ko ang bracelet ni Caisy na nasa may kahon sa may study table ko at ipinasok sa bulsa ko.

Muntik pa makalimutan.....

Bumaba naman na ako nang wala na akong nakalimutang dalhin at dumiretso ng kusina. Bumungad naman sa akin ang pinsan kong layas na nakaupo habang nainom ng kape.

Mabulunan sana.....

Dumukot lang ako ng toasted bread at mansanas bago lumabas muli ng kusina. "Una na ako, Ma!" paalam ko bago lumabas ng tuluyan.

Inubos ko muna ang tinapay at sumakay sa motor ko. Kinagatan ko naman ang mansanas bago buhayin ang makina.

Nakarating na ako sa school at napansin ko pa ang motor ni Kiara na nakaparada. Agad naman akong pumasok sa loob nang matapos.

Aga rin niya!

Habang naglalakad ako sa hallway ay napapansin ko ang mga tinginan ng mga tsismosa sa akin na para bang ako ang laman ng balita ngayong araw sa umagang kay ganda.

Hindi ko naman na sila pinansin at napabaling ang tingin kay Kiara na sinisigaw ang pangalan ko habang tumatakbo sa hallway.

"Phia, totoo ba?!" bungad niya nang makalapit sa pwesto ko.

Nagtaka naman ako. "Anong 'totoo ba'?" takang tanong ko naman at nagtaka rin siya.

"Hindi mo pa alam?" di makapaniwalang tanong niya. Mas tsismosa talaga toh kaysa sa akin, palaging updated sa balita.

"Ang ano?" iritang tanong ko pa dahil puro rin siya tanong katulad ko.

Umirap naman siya bago magsalita. "Laman kayo ng tsismis! Kayong dalawa ng jowa mo!" sambit niya naman at lalo akong nagtaka.

"Anong tsismis?" takang tanong ko pa at may ipinakita naman siya sa akin na video sa phone niya.

Makikita sa video na muka kaming nagtatalo ng pinsan kong layas at mabuti na lang ay hindi rinig ang mga sinabi ko mula sa video.

Ayokong mabusog sila sa tsismis.....

"Kanino galing itong video?" tanong ko naman.

"May nagpost sa social media nitong video pero nang tingnan ko kung sino ang nagpost? Unknown user, hindi ko malaman kung sino." seryosong sagot naman niya.

"At eto pa pala." sabi niya pa at pumunta sa may comment section ng post.

"Omg? Ano kayang pinag-awayan nila?"

"Kaya pala hindi ko sila nakikitang magkasama this past few days!"

"This is my chance to replace that girl!"

"It's happening, ladies!"

"Just break-up!"

Ilan lang sa mga comment ng mga tsismosa sa school na'to. Wala namang tama sa akin iyang mga sinabi nila dahil hindi naman talaga kami magjowa ng pinsan kong layas pero di ko maitatanggi na nagtalo talaga kami.

"Oh diba? Tingnan mo? Mga hinayupak! Kung ano-ano mga pinagsasasabi? Mga bwisit!" gigil na dagdag pa ni Kiara.

Napabuntong hininga naman ako. "Hayaan mo na. Huwag mo na lang pansinin." sambit ko naman at nagpatuloy sa paglalakad ngunit patuloy pa rin siya sa pangungulit sa akin.

"Hindi ko na papansinin 'yon pero kailangan mo muna sabihin sa'kin kung anong pinag-awayan niyo dun sa video?" pangungulit niya pa.

"Isa ka pang tsismosa." inis na sabi ko naman sa kanya bago pumasok ng classroom.

------

Maaga kaming pinagbreak ni Prof at kaagad naman akong lumabas ng classroom. Tumingin pa ko sa classroom nila Kiara at nakitang nagkaklase pa rin sila.

Naglakad-lakad na lang muna ako at di ko namalayang dinala ako ng mga paa ko sa cafeteria.

Luhh, gutom na rin siguro yung mga paa ko.....

Pwede pala 'yon?

Nasa entrance pa lamang ako ay napansin ko si Caisy na nasa loob ng cafeteria at naalala kong may ibabalik nga pala ako sa kanya ngayon.

Lalapitan ko na sana si Caisy ngunit may biglang humarang sa akin na mga mukang coloring book. "Excuse me." sambit ko at pilit na dumaan ngunit sinasadya na nilang hindi ako paraanin.

Anong problema ng mga 'to? Dati naman parang multo lang ako sa kanila pero bakit nagkakaganyan sila ngayon? Siguro dahil dun sa video, akala nila wala akong kakampi ngayon dahil nga magkaaway kami nung isa.

Ako, na alam na wala akong talo sa kanila.

"Step back, you trash." biglang sambit naman nung isa nilang kasama sa akin. Anong sabi niya? Trash? Eh kung ihampas ko kaya sa kanya yung basurahan dito sa cafeteria, tignan natin kung sino sa amin ang mas magmumukang basura.

"Pwede ba, tigilan niyo ko." banta ko sa kanila ngunit hindi pa rin sila umaatras. Aba, akala mo may ibubuga. Baka isang sapak ko lang ata rito, mahimatay toh eh.

Kalma lang self.....

"Mga bingi ba kayo? Padaan." nagtitimping sabi ko sa kanila.

Last warning na 'yan, naiinis na ako.....

"What did you just say?" mataray na sabi naman nung isa. "Huh?" dagdag pa nito at tinulak-tulak ako.

Hindi na ako makapagtimpi at hinuli ang kamay niya bago ito hawakan ng mahigpit. Pasalamat siya hindi ko 'yan inikot kundi bali iyang kamay niya hanggang braso.

"O-ouch." inda niya at napairap na lang ako. Hindi mo ko madadala dyan sa kaartehan mo.

"Ang sabi ko.....padaan. Mga bingi." madiing sambit ko naman dahilan upang gamitin niya ang isang kamay niya upang sampalin ako ngunit nailagan ko ito sa pamamagitan ng pagliyad ng ulo ko.

Dokleng.

Napansin ko namang mukang susugod din ang dalawa ngunit bigla silang napatigil nang may makita at napatingin naman ako sa likuran ko dahil nahalata kong doon sila nakatingin.

"Sinong----?" sambit ko ngunit napatigil nang mapagtanto kung sino ang tinitingnan nila.

"Stop that. Don't you dare lay a hands on her. I'm the one you'll bump into." madiing sambit naman pinsan kong layas habang papalapit sa pwesto namin.

Bakit kaya siya nandito?

Para magpasikat syempre, sabagay nagtagumpay na siya. Sikat na sikat na nga siya eh.

Pabagsak ko namang binitiwan ang kamay nung isang coloring book at balak ko sanang umalis na sa lugar na 'yon ngunit hindi pa ako nakakalayo ay may biglang humawak sa braso ko.

"Phia." tawag nito sa akin ngunit hindi ko pinapansin at pilit na hinihila ang braso ko sa kanya.

"Bitaw." sambit ko ng hindi tumitingin sa kanya ngunit hindi niya pa rin ito binitiwan.

"Sabing bit----!" dagdag ko pa ngunit napatigil nang bigla niya akong hilahin palapit sa kanya sabay yakap dahil naramdaman ko ang kanyang mga braso na nakapaikot sa akin.

Anong acting na naman ba 'to?

Sinubukan ko namang magpumiglas. "Hoy, ano 'tong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako." mahinang sabi ko sa kanya ngunit lalo niya pang hingpitan ang yakap.

Narinig ko namang may binulong siya sa akin habang yakap-yakap ako. "This is part of the show. If you resist, give back my money." banta niya dahilan upang mapatigil ako sa pagpupumiglas.

Wala akong pera ngayon.....

Grabe, siya na nga 'tong tinutulungan ko para 'pagselosin' yung ex niya tapos nagawa niya pa akong i-blackmail? Aba....

Sabagay, binigyan niya naman ako ng pera pero hindi pa rin dapat ganoon!

Gusto kong magwala mula sa pagkakayakap niya pero wala akong choice ngayon kundi ang maki-go with the flow.

Put*ngina.

Niyakap ko naman siya pabalik para kunwari ayos kami. Ngumiti naman ako ng bongga, yung ngiti na dinaig pa yung nanalo sa lotto.

"Happy?" sarkastikong sabi ko naman sa kanya at inirapan pa siya ngunit binalewala niya lang ako.

"Let's go?" nakangiting tanong niya sa akin at mas nilakihan ko pa ang ngiti ko bago tumango.

Sabay kaming lumabas ng cafeteria at nang makalayo-layo ay kaagad ko siyang tinulak palayo sa akin.

Kailangan ko ng holy water!

Ay hindi pala, baka ako unang masunog.

Pinagpag-pagpag ko na lang ang sarili ko at inis siyang tiningnan. "Sa susunod nga, magsabi ka kung kailan at saan mo gagawin 'yon? Hindi yung basta-basta..." inis na sermon ko sa kanya.

"Don't you remember our agreement?" tanong niya at kaagad naman akong sumagot.

"Oo. Naaalala ko." sarkastiko na may halong inis na sabi ko sa kanya.

"Good to hear." sabi niya naman at nagsalita muli nang may maalala. "By the way, I'm here to remind you that we have a gathering to attend on Friday." dagdag niya pa at nagtaka naman ako.

"Gathering ka dyan? Anong meron?" takang tanong ko na may halong inis.

Ganyan karami yung inis ko sa kanya.

"I thought you remember?" inis na tanong niya naman dahilan upang maalala ko yung kasunduan namin nung nakaraan.

Akala ko joke lang 'yon.....

Kaso, pumayag kase ako kaya bawal na umatras.....

"Naalala ko na. Oh tapos?" inip na sambit ko naman.

"You will come with me, of course." sagot niya at sakto namang tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang break time.

"Sige na. Alam ko na." pagpapaalam ko sa kanya habang tinataboy na siya paalis.

"Fine. I'll tell you the other details later. Go back to your class now." sambit niya naman at naglakad na paalis.

Habang naglalakad naman ako sa hallway ay may narinig akong tsismisan ng mga estudyante sa tabi. Hindi ko na lang sana papansinin ngunit na-udyok akong makinig nang marinig ang pangalan ni Caisy sa usapan nila.

"You're invited, right?" tanong nung isang babae sa ka-tsismisan niya at tumango naman ito.

"Where?" takang tanong naman nung isa.

"Omg! You don't even know?" di-makapaniwalang sabi naman nung isa pa. Tatlo silang tsismosa in short.

Dagdag niyo na ako para apat.

"It's Caisy's birthday on Friday! Gosh! I guess, she's not invited." inis na sabi naman nung isa dahilan upang mapasinghap ako. Napatingin naman sila sa akin nang marinig nila ang ingay na nilikha ko.

"A-anong meron ulit sa Friday?" paninigurado ko at sumagot naman siya.

Sana hindi tama yung iniisip ko.....

"Another clueless person." dinig ko pang sambit nung isa.

Umirap muna yung isa bago sumagot. "It's Caisy's birthday." mataray na sagot naman nung isa pa.

So, ibig sabihin.....

Yung pupuntahan naming gathering sa Friday ay yung birthday ni Caisy?




See you next update! 💕
_______________________________________

Sorry for the wrong grammars and typos!

Don't forget to vote, comment and share! Love Lots!

===Unedited===

Continue Reading

You'll Also Like

1M 55.9K 35
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
167K 3.6K 47
Crest view academy. This was no ordinary high school; it was known for its academic excellence and fierce rivalries. Amongst the students, two indivi...
21.9K 46 10
Alyssa, a 16 year old girl is a troubled teen. Recently, she made fun of a girl for wetting the bed. Her parents decided to send her to Tbilisi Schoo...
4.6M 136K 52
After her mother's death Lilith gets a new legal guardian, her older brother. With no knowledge of having four other older brothers, Lilith is send...