HIDDEN SEVEN

By Arthreens

4.2K 1.8K 1.2K

∆∆∆ !UNDER EDITING! ∆∆∆ ∆∆ MAJOR CHANGES ALERT! ∆∆ ∆∆∆ !HIATUS! ∆∆∆ Some pa... More

PLEASE READ!
Author's Note
Prologue
TB Chapter 1: CLUB
TB Chapter 2: VARIANT
TB Chapter 3: ENCOUNTER
TB Chapter 4: Introduce Yourself
TB Chapter 5: Bato-bato Pik!
TB Chapter 6: He's Back!
TB Chapter 7: Couple?!
TB Chapter 8: General Cleaning
TB Chapter 9: Pares/Mami
TB Chapter 10: Stupid Girl
Author's Note
TB Chapter 11: Caisy
TB Chapter 12: Friend
TB Chapter 13: Tsismosa
TB Chapter 14: Awkward
TB Chapter 15: Absent
TB Chapter 16: Josh
TB Chapter 17: His Family
TB Chapter 18: Encourage
TB Chapter 19: Plan
TB Chapter 20: Muntik na!
Covers 💕
TB Chapter 21: Neo
TB Chapter 22: Opening!
TB Chapter 23: Perya
TB Chapter 24: Penalty
TB Chapter 25: Party
TB Chapter 26: Allan
TB Chapter 27: Payt
TB Chapter 29: Talk to Talk
TB Chapter 30: Agreement
TB Chapter 31: Preparation
TB Chapter 32: Gathering

TB Chapter 28: Again

17 8 32
By Arthreens

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!



Chapter 28

Phia's PoV

Muntikan na akong mahuli sa klase at buti na lang mabilis akong kumilos kaya naman agad akong nakarating sa university.

Na-bother kase talaga ako sa tingin ni Xandra kagabi. Ibig sabihin, napuyat ako kakaisip dahil don.

'Yan ka na naman sa puyat routine mo, Phia.....

Hindi talaga kaya ng konsensya ko na balewalain lang yung mga tingin na 'yon lalo na kung makahulugan kaso hindi ko lang talaga maintindihan kung anong pinaparating niya.

Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Prof. "B-bakit sir?" tanong ko nang makatayo.

"I'm asking you, what have you learned for today's lesson?" tanong niya at napakagat labi naman ako dahil hindi ko alam ang isasagot.

Shuta, tapos na pala kaagad magturo si Sir? Parang kailan lang kakapasok ko pa lang ng room ah.

Ganon ba katagal lumipad yung utak ko?

"Ahm.....prof----!" pagsasalita ko pa lang ngunit napatigil nang magbell na hudyat na tapos na ang klase.

Phew......safe.

"We'll continue this tomorrow. Goodbye!" pagpapaalam ni Prof at dire-diretsong lumabas ng classroom.

Sana di na maalala ni Prof.....

Napansin ko namang nagsisiligpitan na ng mga gamit ang mga kaklase ko kaya naman nagligpit na rin ako.

Saktong paglabas ko ay nakita kong naghihintay ang mga kupal sa labas ng room.

Kaya naman pala maingay eh.....

Napatigil sila sa kaniya-kaniyang ginagawa nang mapansing nasa labas na ako ng room. Agad naman silang nagsilapit sa'kin.

"Oh? Ano na naman 'yon?" kunot-noong tanong ko sa kanila ngunit hindi naman nila ako pinansin at nagtingin-tingin pa sa paligid yung iba.

Agad akong hinila ni Kiara paalis sa lugar na 'yon at kasalukuyan kaming naglalakad papuntang building one. Pansin ko pa rin ang kilos at tingin nila na parang isang spy.

Para silang ewan.....

Hindi na ako nakatiis kaya naman tumigil ako sa paglalakad at napabaling naman ang tingin nila sa akin. "Yung totoo? Anong meron?" mataray na tanong ko ngunit nagsi-iwas lang sila ng tingin.

Hangin lang ba ako?

"Hoy! Ano nga?!" iritang sigaw ko habang tinitingnan sila isa-isa. Bwisit 'tong mga 'to, ayaw pa sabihin!

Napatigil ako saglit nang mapansin kong kulang sila ng dalawa, syempre si Dave na yung isa. Mas active pa si Lucas kaysa sa kanya psh.

Hindi ko na lang muna inalala 'yon at napalingon sa isang lalaki na sumisigaw habang papalapit sa direksyon namin.

Napatigil siya upang magsalita. "S-si Captain, n-nakikipagbugbugan sa court!" sambit niya habang pilit pa ring hinahabol ang hininga.

"Sinong captain?" takang tanong naman ni Neo at binatukan naman siya ng kapwa niya kupal na si Josh.

"Sino pa ba? Edi yung gwapo kong kaibigan, syempre 'wag niyo kakalimutan na mas gwapo pa rin ako." sambit niya at sabay sabay naman kaming napangiwi sa sinabi niya.

Mayroon bang anting anting pangontra sa mga katulad niya?

Bibilin ko lahat!

"Tama na nga muna iyan! Puntahan muna natin si Allan baka kung ano na ang nangyayari don?" singhal naman ni Kiara. Hindi naman na kami nagsayang ng oras  at kaagad na nagsitakbuhan papuntang court.

Ano bang iniisip nito ni Allan at nakikipagbugbugan siya sa court? Nasisiraan na ba siya ng ulo? Sasapakin ko talaga siya pagdating namin don.

Nasa entrance pa lang kami ng gymnasium ay marami ng mga estudyante ang nakapaligid doon.

"OMG! Dumugo yung ilong nung isa!"

"Awatin niyo! Masisira ang face ni Papa Allan!"

"Grabe! Bugbog sarado na yung isa!"

"Iyan! Dyan! Sapakin mo!"

"Sino pusta mo, pre?"

"Kung sino manalo!"

"Mga t*ngina niyo!"

"Call the security!"

Dinig kong mga ingay nila, imbes na awatin inuna pa nila yung chismisan. Yung iba naman ginawang sabong yung away, nagpustahan pa.

Mga hinyupak!

Hindi na ako nagsayang ng oras at pinagtututulak ang mga tsismosang 'to upang makadaan kami papunta sa harapan.

Deserve niyo 'yan, wag kayong umangal!

Nang makarating kami sa harapan ay bumungad sa amin si Allan at ang isang lalaki na sa tingin ko ay senior na sa eskwelahang ito na nagbubugbugan.

Napansin ko naman si Xandra na nandoon sa may gilid habang nakatayo at umiiyak. Nilapitan ko naman siya.

"Xandra!" tawag ko at agad niya naman akong napansin.

"Ate Phia!" sambit niya at bakas pa rin ang pagkaiyak.

"Anong nangyayari? Sino yung kaaway ni Allan? Bakit sila nag-aaway?" tanong ko sa kanya nang magsalubong kami ng yakap.

"It's my classmate's brother. Her little sister accuse me for stealing her pencil and i swear, i didn't took it. Then, his brother suddenly confront me about it. He attempted to hurt me and my brother saw it." simpleng pagpapaliwanag niya at napatingin naman ako ng masama kay Allan at sa Kuya ng kaklase ni Xandra.

Really? Nag-aaway sila ngayon dahil lang sa isang lapis?!

Sobrang nag-iinit ang ulo ko at pilit na kumakalma. "Xandra, stay here with Kiara okay? I'll stop them from fighting." sambit ko at napatango naman si Xandra.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa dalawang pastilan na nag-aaway dahil sa lapis. Hindi ba nila madaan sa matinong usapan ang ganitong problema at mas inuna pa nilang painitin ang mga ulo nilang walang laman kaysa bigyan ito ng solusyon? Akala ata nila masosolusyonan nila ang problema sa pamamagitan ng kamao?

Pwes kung iyon ang iniisip nila, pagbibigyan ko sila.....

Tumigil ako sa harap nila, napatigil sila sa gimagawa at parehong natuon sa'kin ang atensyon. "Phia?" sambit ni Allan at nananatili lang akong nakatingin sa kanila.

"Hoy! Sino ka? Umalis ka rito kung ayaw mong masaktan!" sigaw ng kaaway ni Allan sa muka ko kasabay ng mga talsik niyang laway.

Kadiri!

"Hindi kayo titigil?" diretsong tanong ko sa kanilang dalawa ngunit hindi nila ako pinansin at pinagpatuloy ang away.

Pinilit nila akong gawin 'to.....

Sasapak pa lamang silang dalawa sa isa't-isa ngunit hindi na nila naituloy nang sikmurahan ko si Allan at siniko ang kaaway niya nang maramdaman kong papunta sa akin ang atake niya.

Balak pa akong puruhan sa muka!

Nanghina silang dalawa sa atake kong 'yon, tinulungan naman ng mga kupal si Allan nang bumagsak ito ngunit yung isa ay hindi pa rin nagpatinag at sinubukan pa ulit sumugod.

Ayoko na sana siyang patulan ulit pero pinilit niya talaga ako.....

Parang kailan lang nung nakikipagbugbugan pa ako sa mga school mates ko nung highschool at ngayon namimiss ko na ulit mangbugbog.

Agad akong umilag nang muntikan niya na akong masapak sa muka.

Bakit ba laging muka ko ang trip niyo?!

Hindi na ako nagpatumpit-tumpit pa at sinikmurahan siya bago sapakin sa muka. Napaatras naman siya dahil sa atake kong iyon kaya naman ginawa ko itong pagkakataon upang gawin sa kanya ang high kick na isa sa mga paborito kong atake sa mga kaaway ko.

Sleep well.....

Bumagsak sa sahig ang walang malay na katawan ng lalaking nakaaway ko. Tinulungan naman siya ng mga kasamahan niya na buhatin at agad naman silang umalis nang makita akong nakatayo sa harap nila.

Warm up palang 'yon.....

Nag-ingayan ang paligid matapos ng away na 'yon.

"Wooohoo! Ang galing!"

"Amazing Final kick!"

"Parang nanood ako ng UFC fight!"

"Walang nanalo sa pusta! Haha!"

"Gag*! Pumusta ako don sa babae!"

"Hoy, wala kang sinabi!"

"Wag ka mandaya!"

"Lodi, pa-kiss!"

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil sa mga chismisan nila eh!

Hinabol ko muna ang hininga ko bago lumapit sa pwesto nina Kiara at ng mga kupal. Pansin ko naman sa itsura nila maliban kay Kiara ang gulat at pagkamangha.

Elib na naman kayo!

"Huy!" pagtawag ko sa kanila dahil mukang naglalakbay pa rin ang utak nila sa kalawakan. Nabaling naman ang atensyon ko kay Allan na wala pa ring malay, lumapit naman ako sa kanya upang tingnan ang kalagayan niya.

Naku, napasobra ata yung atake ko.....

Sinilip-silip ko ang mga sugat at pasa niya sa mukha. Napatigil naman ako nang may humawak sa kamay ko para alisin sa pagmumuka ni Allan at kaagad naman nilang binuhat si Allan paalis sa harap ko.

Tiningnan ko naman ang kupal na humawak sa kamay ko. "Bakit?" tanong ko kay Josh at napabaling naman ang tingin niya sa kamay ko.

"May sugat ka sa kamay...." sambit niya at hinila ko naman ang kamay ko para tingnan.

"Oo nga noh." tugon ko nang makitang mayroon nga akong sugat sa kamao ko.

Hindi ko alam....

"Tara. Sumunod tayo sa kanila sa infirmary para magamot din iyang kamay mo." aya niya at naunang naglakad.

Bago pa man ako sumunod sa kanya ay napatigil ako nang maramdaman kong pinagmamasdan ako. Hindi ko masasabing yung mga tsismosang estudyante iyon dahil kilala ko na ang mga tingin nila pero ito kase mukang...

Kakaiba....

"Huy, Phia! Tara na!" sigaw ni Kiara dahilan para mabalik ako sa reyalidad. Agad naman akong sumunod sa kanila ngunit hindi pa rin ako mapakali at nararamdaman pa rin ang titig na nanggagaling sa kung sino.

-----

Kasalukuyan kaming nasa infirmary at nakabalot na ng gasa ang kamay ko. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Allan pati ang nakaaway niya na nasa kabilang bed lang.

Hindi na namin pinasama ang iba pang kupal pati na rin si Xandra sa infirmary at pinapunta na lang sila sa clubroom upang makapagpahinga.

Hinihintay naman namin dumating ang guidance teacher upang tawagin kami at sana bilisan nila dahil hindi na ako makatiis sa barkada ng nakaaway ni Allan na nakatingin ng masama sa direksyon namin.

Lagyan ko ng black eye iyang mata niyo.....

Ilang minuto pa ang lumipas, biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito sina Charles at ang iba pang ka-team ni Allan. May dala-dala rin silang pagkain.

Sarap niyan ah!

Napansin kong napatingin muna sila sa mga nakaaway ni Allan bago tumungo sa direksyon namin. "Kamusta si Captain?" agad na tanong ni Jake pagkalapit at inilapag ang mga dala sa lamesa.

"Ayos na siya. Kailangan niya lang muna magpahinga." sagot naman ni Josh at tumungo sa lamesa kung nasaan ang mga pagkain.

Nauna pa sa pers.....

Pare-parehong natuon ang aming atensyon sa may pintuan nang muli itong bumukas. Bumungad sa amin ang guidance teacher kasama ang assistant nito.

Nagsalita ang assistant niya at binanggit ang mga pangalan ng kasangkot sa gulo, syempre isa na ako don.

Inawat ko lang naman sila.....

"All the names that I mentioned, you may come with us at the guidance office." sambit pa nito at nagsitayuan naman kami.

Nagpaalam muna ako sa mga kupal at sa team ni Allan bago sumunod sa kanila. Sabay-sabay na kaming nagsilabas ng infirmary at tumungo sa guidance office.

Naku, ngayon ko lang naalala.

Baka malaman ni Kuya yung nangyari kanina!

Lagot na!

Nabalik ako sa reyalidad nang makarating na kami sa guidance office. Napansin kong nakaupo na pala silang lahat at ako na lang ang hindi.

Lutang moments ka na naman.....

Agad naman ako umupo at ngayon ko lang napagtanto na ako lang pala ang pumunta para sa panig ni Allan.

Season 2 ng pagpapabarangay sa'kin.....

Napansin kong magsisimula na ang pag-uusap kaya naman tinuon ko na ang aking atensyon sa kanila.

Minuto lang ang lumipas ay biglang bumukas ang pintuan ng opisina at iniluwa nito si Kuya.

Nagkasalubong kami kaagad ng tingin pagkapasok niya at napaiwas naman ako dahil ayokong salubungin ang matatalim niyang tingin.

Sabi nga nila.....

Kung nakakamatay lang ang tingin, matagal na siguro akong pinaglalamayan....

May pinag-usapan sila ng guidance teacher na kung ano at hindi ko naman marinig dahil mahina lang sila mag-usap.

Sayang, di ko marinig ang tsismis.....

Maya-maya lang ay humarap sa pwesto ko si Kuya at inaya na akong lumabas ng opisina. "Saglit lang, diba kakausapin pa----?" napatigil ako sa pagsasalita nang sumabat siya.

"There's no need. Come on." sambit niya at parang kinabahan ako ng kaunti.

Parang banta kase eh.....

Sumunod na lang ako at hindi na kumibo pa. Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway at agad naman siyang napatigil sa paglalakad kaya naman huminto rin ako ngunit isang metro ang layo ko sa kanya.

Para medyo safe tayo.....

"B-bakit ka huminto?" kinakabahang tanong ko ngunit hindi naman siya sumasagot at nananatili pa ring nakatalikod.

Narinig ko pa ang malakas niyang buntong hininga bago magsalita. "I've told you hundreds of times that you need to stay away from them." sabi niya naman at hindi naman ako kumikibo.

Isang beses mo nga lang sinabi 'yon eh.....

Hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit gustong-gusto niyang layuan ko ang mga kupal. Ni hindi niya nga ako binibigyan ng dahilan kung bakit ko kailangang gawin 'yon.

Ang labo niya.....

"Phia, please...." singhal niya pa. "Please behave. I know you were hurt because of what happened to Uncle but this...." pagtigil niya at muling napabuntong hininga. "It won't help you to alleviate the pain you feel at all." dagdag niya pa.

So, anong pinaparating niya?

Napasinghal naman ako dahil sa sinabi niya. "Sa tingin mo ba ginawa ko 'to dahil don? Iyon ba ang iniisip mo? Alam mo ba ang buong istorya? Iniisip mo na kasalanan ko 'to?" inis na sambit ko.

"Ipapatawag ka ba kung wala kang kasalanan?" tanong niya naman na lalong nakapagpa-inis sa akin.

"Ganoon rin ba ang tingin mo sa akin, katulad ng ibang tao? Wala ka bang tiwala sa'kin na nagbago na ako?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Hindi porket nasangkot ako sa gulong 'to, ako na agad ang may kasalanan?

Alam ko naman noon na pasaway talaga ako at totoong isa sa mga dahilan ko ay ang pagkawala ni Dad pero noon 'yon. Matagal ko ng tinapon ang dating ako at kinalimutan ko na lahat ng iyon.

Nagbago na ako.....

Hindi naman siya nakapagsalita sa huli kong sinabi. Sa pinapakita niya ngayon, ibig sabihin wala talaga siyang tiwala sa'kin.

Katulad din siya ng ibang tao.....

Hindi ako naniniwalang pinsan ko talaga siya.....

Umalis ako nang walang sinasabi at tuloy tuloy na naglakad. Tinahak ko ang daan papuntang infirmary at kaagad naman akong nakarating doon.

Sinalubong naman nila ako pagkarating, napansin kong nadoon na silang lahat kasama sina Xandra.

"Oh? Phia, anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo? Ayos ka lang?" sunod-sunod na tanong ni Kiara. "Siguro, inaway ka nung mga kolokoy na 'yon noh? Tara, upakan natin!" dagdag niya pa at pinigilan ko naman siya.

"Wala lang 'to. Ayos lang ako. Pagod lang." pagpapalusot ko at pabagsak na naupo sa upuan.

-----

Malapit ng magala-sais ng gabi nang magising si Allan ngunit nakauwi na ang iba bago pa mangyari 'yon. Baka kase may mga iba pa silang gagawin at makasagabal pa kami.

Kami nila Josh, Charles, at Xandra na lang ang naiwan para mag-asikaso kay Allan. "Ilang oras akong nakatulog?" tanong ni Allan habang hinahawak-hawakan ang mga sugat at pasa niya sa mukha.

"Isang taon." loko-lokong sagot naman ni Josh dahilan para magulat si Allan.

"Isang taon?! A-ang tagal naman----!" singhal niya at napatigil nang makaramdam ng sakit bago napahawak sa mukhang may pasa. Natawa naman kami sa reaksyon niya.

Uto-uto ang loko.....

"Niloloko ka lang ni Josh." pagpapatahan ni Charles sa kanya. "Halos 4 hours ka lang nakatulog." tapat na sagot naman nito at lumabas ng infirmary.

"Kaya mo na bang tumayo? Ihahatid ka na namin sa inyo." sabi ko naman habang inaalalayan siyang tumayo.

"Bakit parang ang bait mo ata ngayon?" takang tanong naman niya at napairap na lang ako.

"Wag ka ng magtanong, tumayo ka na. Anong oras na oh?" inis na sabi ko naman at hindi naman na siya umapila pa.

"Nandito na si Sir Fred para sunduin kayo, tara na." sambit naman ni Charles pagkapasok ng infirmary.

Sabay-sabay na kaming nagsilabas at dumiretso ng parking lot. Habang naglalakad ay napapansin kong parang ang tahimik ata ni Xandra ngayon?

Tiningnan ko naman siya at nananatili lang itong nakatungo habang naglalakad. Matagal din siyang umiyak kanina habang nasa infirmary kami, siguro nakaramdam na rin ng pagod.

------

Nakarating na kami sa parking lot at nadatnan si Sir Fred na hinihintay ang aming pagdating.

Isinakay na namin kaagad si Allan at Xandra. Aalis na sana ako ngunit may biglang humawak sa kamay ko at nakita kong si Xandra pala iyon.

"Bakit?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Can you come with us?" tanong niya at nagdalawang-isip naman ako kung sasama ba ako. "Please?" dagdag pa nito at wala akong choice kundi ang pumayag.

Sumakay ako sa may harapan na katabi ng driver at sinimulan ng buhayin ni Sir Fred ang makina. Nagpaalam muna kami kina Josh at Charles bago paandarin ni Sir Fred ang sasakyan paalis.

Agad naman kaming nakarating sa mansion at kasalukuyan kaming bumababa ng sasakyan. Dumiretso kami papunta sa loob ng bahay at pagkabukas pa lamang ng pinto ay kaagad na bumungad sa amin ang mga magulang nila na may nakakatakot na aura.

Shems.....

Napansin kong may kausap sa telepono ang Dad nila at nagpaalam pa ito bago ibaba. Nabaling naman ang atensyon nito sa amin. "Here you are. What did you two have done?" sambit nito at alam ko na kung ano ang ipinaparating niya.

Lumapit siya sa dalawa niyang anak at sinermonan ang mga ito. Napansin kong mukang hindi niya ako nakikita kaya naman kinuha ko na itong pagkakataon para makaalis.

Baka madamay pa ako sa sermon.....

Dahan-dahan akong naglalakad patalikod at nang maramdaman ko na ang pinto sa likuran ko ay lalabas na sana ako ngunit napatigil nang tawagin ako ng kung sino.

"Where do you think you're going after what you've done to my son?" napatigil ako dahil sa mala-boses matronang sabi ng Mom nina Allan.

Deserve niya po 'yon.....




See you next update! 💕
_______________________________________

Sorry for the wrong grammars and typos!

Don't forget to vote, comment and share! Love Lots!

===Unedited===

Continue Reading

You'll Also Like

20.2K 96 17
naughty girl with naughty professor. story is kind of new and interesting. read it to enjoy it!
190K 9.4K 55
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
338K 8.9K 37
(SEQUEL TO HATING GRAYSON) In the second instalment of The Hating Series, Dallas and Grayson's love story continues as they both start off at college.
13.1M 434K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...