To Forget (Destined Series #1)

By shanays23

1.1K 159 1

[DESTINED SERIES 1] [ONGOING] "After all this years. . . it's still you. It never change, it's always been yo... More

TO FORGET
PROLOGUE
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XXXX
EPILOGUE

IX

21 5 0
By shanays23

CHAPTER NINE

Wink

"Tara sa court!"

'Yan ang agad na narinig kong sinabi ng mga kaibigan ko pagkalabas namin ng gate ng school. Dala-dala namin ang kaniya kaniyang mga bag at parang mga lantang gulay dahil sa pagod.

Ganun pala 'yon, noh? Kahit may apat na choices na nga ang binigay sa amin para pagpilian, ang hirap pa rin. Parang mas humirap siya kumpara sa walang choices na exam- char! Mas mabuti na pala 'yon, 'yong at least nagbigay ng choices kada-item kesa wala.

Pambihira kasing exam 'yon, nakakawala ng katinuan. Ang hirap! Ibang klase.

"Grebe, akala ko ba mag-i-ice cream tayo?" parang nagmamaktol na sabi ni Sandy. Napatayo pa mula sa kanina niyang tahimik na pagkakaupo.

Umismid sa kaniya ang katabi niyang si Rowie. "Hiindi naman kasi sinabing hindi tayo mag-i-ice cream, 'di ba? Ang sabi pupunta lang tayo ng court. Pwede naman tayong bumili dun, eh," parang nagpapaliwag na ewan si Rowilyn, nakangiwi na ngayon. "Aguy, Sandy Jane. Ewan ko na lang."

Naglakad ako papalapit kay Chazel nung nakitang nasa isang tabi siya at nakaupo.

"Share tayo, Basi," aniya nang nakangiti.

Umupo ako sa tabi niya at komportableng hinilig ang ulo sa kaniyang balikat. Chazel and I became close unexpectedly. Naging malapit kami sa isa't-isa nang hindi man lang namin namamalayan. We started at the smiling stage wherein we only used to smile into each other everytime we met but now, even when we just leave each other for a moment, when we come back, a hug will always be there.

Parang nakasanayan ko na kaya ayan, hinahanap-hanap ko.

Ngayon na matatapos na kami sa grade 8, parang natakot ako bigla. Natatakot ako na baka lahat ng meron ako ngayon ay mawala sa susunod. Like, pa'no kung hindi ko na maging kaklase ang mga kaibigan ko, ang mangyayari? Hindi ba na nila ako papansinin dahil may bago na silang kaibigan? Pa'no kung nahihirapan ako, sinong tutulong sa 'kin? Masaya ba sa grade 9?

Iyong mga ganung tanong ang palaging nagpapabalik-balik sa isipan ko. Hindi ko naman mahanapan ng sagot dahil wala pa ako sa sitwasyon. Siguro kapag nandun na malalaman ko na lahat. Pero sa ngayon, parang ayaw ko pa. Gusto ko pa ang mga nangyayari sa akin kaya natatakot ako na harapin ang susunod.

"Kita mo 'yan, Sandy, pati best friend mo hindi ka maintindahan. Isang malaking sampal 'yon."

Nag-angat ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Akala ko ba masakit ang tiyan niya?

"Putangina mo ka, Henrick Yu," gigil na sabi ng kaibigan ko.

When everybody laugh, that's the moment I felt my phone from the pocket of my jeans vibrated. Kunot noo ko itong kinuha at nagtataka kung sinong ingkanto ang nag-text sa akin.

Umayos ako ng upo nang makita kung kanino galing ang text.

"Sino?" tanong ni Chazel sa akin, tunong nang-aasar. "Kay Henrick, noh?"

Tumawa lang ako sa kaniya. "Shh, 'wag kang maingay."

"Ibang klase," narinig ko pang bulong niya habang umiiling-iling pa. Tumayo siya at umwayos ang sarili. Hindi na siya nagpaalam at naglakad na papunta sa mga kaibigan naming nagbabardagulan na ngayon.

Napangiti ako. Simula nung nalaman niyang nag-te-text at chat kami ni Henrick, inaasar niya 'ko. Sabi niya, sana all daw may nag-te-text, pero kahit ganun, kapag nalalaman niyang nag-te-text ang lalaki, kusa siyang aalis para daw bigyan ako ng privacy.

Ewan ko sa kaniya. Hindi naman kailangan, eh. Wala namang malisya ang ginagawa namin ni Henrick. Parang normal lang. Isa pa, hindi naman palagi, eh. Hindi araw-araw. Kapag may oras lang saka naaalala.

Katulad ngayon, ito ang una niyang text simula nung nakaraang linggo pa. Habang sa chat naman, kanina lang nung nagsabi siya ng 'Goodluck sa exam'. 'Yon lang. Nag-reply ako tapos, ayun na. Tapos na ang pag-uusap.

Binuksan ko ang text niya saka binasa.

From: Henrick Yu

Ayos ka lang?

Nagtagpo ang kilay ko sa nabasa. Nag-angat ako ng tingin. Nagkatinginan pa kami sandali pero agad din siyang nag-iwas nung binatukan siya bigla ni Sandy.

Iiling-iling akong nagtipa ng reply.

To: Henrick Yu

Ha?

Wala pang halos isang minuto, nakatanggap agad ako ng reply mula sa kaniya.

From: Henrick Yu

Ha? Hatdog. Sabi ko, ayos ka lang ba? Para ka kasing nanghihina, eh

Kumunot ang noo ko at mariing kinagat ang ibabang labi. Magkasalubong ang kilay na nagtipa ako ng reply.

To: Henrick Yu

Ayos lang ako. Antok lang toh.

Hindi na nasundan pa ang text namin dun. Hindi na siya nag-reply pa lalo na't nagkayayaan nang pumunta sa basketball court. Pinasok ko na sa bag ang cellphone saka tumayo. Pinagpag ko pa ang sarili bago tumakbo papunta sa mga kaibigan.

"Uy, sana, noh, maging mag-kaklase pa rin tayong lahat," biglang sabi ni Sandy na parang wala sa sarili.

May kaniya kaniyang singhap naman ang iba na siyang kinatawa ko.

"Langya, bebs, kahit 'wag na. Nakakaumay na ang pagmumukha niyo."

Nanlilisik ang matang nilingon ni Sandy si Rochelle na siyang nagsalita. "Grabe, Chelle, parang hindi kaibigan, ah? Umay na rin naman ako sa mukha niyo pero ba't parang gusto ko pa rin kayong kasama? Ang sama nga nito pero hindi ako nagrereklamo."

"Ako din, umay na pero wala akong magagawa, ganun talaga," singit ni Henrick sa usapan. Umismid lang sa kaniya ang mag ito at inirapan pa. Dun ako pasekretong tumawa.

"Kawawa naman 'yang papi mo, Basi. Pinagkakaisahan," nang-aasar na bulong ni Chazel sa tenga ko.

Tinawanan ko lang siya saka pinagpatuloy ang paglalakad.

"Pero seryuso, gusto ko pa rin talaga kayong maging classmates. Ewan ko lang kung bakit. Basta, parang ang sarap sa feelings kapag kayo ang kasama."

Nagbuga ako ng malalim na hininga. "Oo nga, eh. Sana walang magbago sa atin kahit grade 9 na tayo."

Iyon ang sabi ko na sinang-ayunan ng lahat.

Alas dos pa lang ng hapon kaya ramdam na ramdam pa sa balat ang init ng araw. Grabe kasing lakad 'to, hindi man lang ako hinayaang makapaghanda. Ayan tuloy, naglalakad akong wala man lang dalang payong.

Pagkarating namin sa court, wala kaming naabutang tao. Normal naman siguro 'yon lalo na't tanghali pa lang. Ang taas ng sikat ng araw kaya magtataka ka talaga sa sinumang maglalaro ng basketball ng ganitong oras. Ewan ko na lang talaga kung hindi ka mahimatay.

"Wait lang, alis muna kami. May kukunin lang."

Hindi man lang kami hinayaang makapagsalita ni Henrick at agad itong umalis kasama si Justin. Wala akong ideya sa kung ano ang kukunin niya kaya hindi ko na rin inisip iyon. Nagpahinga na lang ako at pinakalma ang ang sarili.

Hindi lang rin nagtagal ay nag-aya ang mga kaibigan ko na maglaro kami ng basketball. Nang-agaw pa sila ng bola dun sa isang bata na kararating lang na sa tingin ko ay maglalaro din.

We started playing even though we don't know how. Para kaming tanga. Puro tawa lang ang nagawa namin. Pa'no, panay subok namin sa pag-shoot pero kahit ni isa walang pumasok. Pambihira. Tagaktak na ang pawis ko at halos maghabol na ako ng hininga. Sinubukan ko ulit na mag-shoit pero kahit isa man lang sa lahat ng subok ko, wala talaga.

"Langya 'to, ayoko na," hingal na hingal na sabi ni Rowie.

Tumakbo ako pabalik sa upuan kanina. Paulit-ulit ang ginawa kong paghinga para maikalma ang sarili. Kinapa ko pa sa bulsa ng jeans ang panyo ko pero nadismaya lang rin dahil wala iyon dun.

I took a deep and long breath before wiping my sweat using my hand. Pinikit ko pa ang mata saka sumandal. Narinig ko ang boses nila Henrick, senyales na nakabalik na sila. Hindi ko iyon pinansin at hinayaan na lang. Nakapikit pa rin ang mata ko.

"Uy, ano 'yan? Pahingi."

'Yan Ang narinig kong sabi ng mga kaibigan. I was curious about that but I'm too tired to open my eyes.

Mung medyo kumalma na ako, dun ko lang naisipang huksan ulit ang mata. And I was surprised to see Henrick infront of me, looking directly into my eyes. Hindi siya nagulat dun samantalang ako, gulat na gulat.

"Grabe, uso mang gulat," kunot noo kong sabi.

Ayan, bumalik tuloy ang lakas ng tubik ng puso ko. Pambihira.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. He comfortably settle himself beside me, not minding the teasing eyes that our friend were giving. Ibang klase.

"Ayos ka na?" he suddenly asked.

Gulat akong lumingon sa likod at sa magkabilang gilid. Wala akong nakitang tao dun.

"Ako ba ang tinatanong mo?"

Nagsalubong ang kilay niya. Hindi nakaligtas sa akin ang bahagya niyang pagngiwi.

"Normal, oo. Ikaw lang naman 'di ba ang kaharap ko dito ngayon."

Napangiwi na rin ako. Aba'y malay ko bang hindi ako 'yon tapos mapahiya pa ako sa harapan mo. 'Wag na, dude. Ayos na ako.

"Ah, okay. . ." simple kong sabi at tumango.

Nag-iwas ako ng tingin at napabaling Ang atensyon ko sa mga kaibigan na ngayon ay nagkukulitan. May mga kaniya kaniya silang ice water at biscuit. Ikinataka ko kung saan iyon galing kaya tatayo na sana ako para makahingi sa kanila nung naramdaman kong may kamay na pumupigil sa akin. Nilingon ko ito nagulat nang makita hawak ako sa kamay ni Henrick. Nakakunot Ang noo niya.

Pambihira!

"At saan ka pupunta? Hindi mo pa nga nasasagot ang tanong ko, lalayasan mo na ako," wika niya, parang inis ang boses.

"Ha?" Wala akong masabi!

"Anong mero sa 'ha' at mahilig ka diyan?"

"Ha?" Wala na. Finish na. Wala talaga akong masabi.

Huminga siya ng malalim. "Sabi ko, sa'n ka pupunta? Hindi mo pa din nasasagot ang kanina kong tanong."

"Ahm. . . K-kasi, pupunta ako sa kanila," sabay turo sa mga kaibigan, "Makikihingi ng pagkain."

"Ba't ka hihingi sa kanila? Meron naman akong dala para sa 'yo."

Nanlaki ang mata ko at bahagya din umawang ang labi ko nung pinakita niya sa akin ang dala.

"P-para. . . para s-sa 'kin?"

Nagbuga ulit siya ng malalim na hininga. Grabe naman ang lalaking 'to, kung makaasta parang ako ang sakit ng ulo niya. Wala naman akong ginagawa, ah?

Hinatak niyan ako pabalik. Dahil sa gulat hindi na ako nakapagreklamo. Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya, seryusong nilalabas ang laman ng supot na dala.

"Ayos ka lang ba talaga?" bigla niyang tanong ulit, seryuso pa rin sa ginagawa.

Lumunok ako at napakurap. "A-ayos na ako."

Tumango ito. "Mabuti naman. 'Yong ulo mo, hindi ba masakit? Ang taas pa naman ng sikat ng araw tapos naglaro kayo."

Inaangat-angat niya ang tingin habang nagsasalita kaya wala tuloy akong nagawa kundi ang mag-iwas ng tingin sa kaniya.

"H-hindi naman. . ." sagot ko.

Tumango ulit siya. "Mabuti naman."

At tumayo siya at pumunta sa harapan ko. "'Yan na ang pagkain mo. Wala akong nabiling hilaw na mangga kaya kumuha na lang ako dun sa bahay ng ganiyan," turo niya sa nakahilirang pagkain sa tabi ko. And I was beyond shock when I saw a ripe mango there! As in, 'yong hinog na mangga na mahal ang kilo. Iyon 'yong nandito.

"Tapos chuckie tsaka combie. Nakabili ako ng mallows pero maliit lang na pack. Naubos na daw kasi 'yong malalaki, eh."

Ngumiti siya sa akin saka dinala ang dalawang kamay sa may bulsa ng slacks nito.

"'Yon lang. Umupo ka na lang diyan saka kumain." Tapos ay tumalikod na.

Hindi pa man siya nakakalimang hakbang, lumingon siya sa akin. At hindi ko maiwasang mapasinghap sa sunod niyang ginawa.

"Manuod ka. Ipapakita ko sa 'yo ang tamang paglalaro ng basketball." At kumindat.

Natulala ako. Pambihira. Totoo ba talaga 'yon? Kumindat talaga siya? Pambihira naman.

Humugot ako ng hangin. Hindi pa nga ako tuluyang nakaka-recover nung narinig ko siyang sumigaw.

"'Wag kayong malisyosa. Utang ni Jasmin sa 'kin 'yon."

At nawala bigla ang pagkamangha ko sa kaniya.

Binabawi ko na. Kalimutan niyo na lang na minsan kong sinabi na may dating siya kapag kumikindat. Kalimutan niyo na lang iyon kasi hindi talaga. Wala siyang dating at hindi siya gwapo dun.

Ibang klase. Utang na naman? Wala man lang libre?!

★ S H A N A Y S 2 3 ★

Continue Reading

You'll Also Like

22.5K 732 38
(COMPLETED) Ali Zuldiriego were born with a golden spoon. A hard headed youngest daughter of Senator Antonio Zuldiriego. She grow's up getting what s...
136K 3.6K 54
One night changed everything between Francesca and Marco. Ang isang gabing hindi nila pareho sinasadya ay naging dahilan para matali sila sa isa't-is...
149K 2.1K 34
May mga mag-ex na hindi kayang magmahal ng iba. Dahil sa nakasanayan nilang mahalin ang isa't isa. Like Tiffany and Nikko, instead of marrying someon...
962K 15.1K 54
BFF Series #1: Celestine S. Lim Bata pa lang si Celest ay alam na niya ang magiging takbo ng buhay niya. She will go to an all-girls school, she will...