To Forget (Destined Series #1)

By shanays23

1.1K 159 1

[DESTINED SERIES 1] [ONGOING] "After all this years. . . it's still you. It never change, it's always been yo... More

TO FORGET
PROLOGUE
I
II
III
IV
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XXXX
EPILOGUE

V

24 6 0
By shanays23

CHAPTER FIVE

Anthurium. It is the section were I am now. First section in our level, grade 8.

Sa section na 'to, sinasabing lahat daw ng matatalino nandito na. Para kami 'yong sinara mula sa iba't-ibang section noon tapos heto kami, 'yong natira dahil sinasabing may nakakaangat kami sa kanila.

The pressure is on us, they said. Kami nga kasi 'yong first section kaya dapat hindi kami nagpapahuli.

Akala ko magiging mahirap ang buhay ko rito. Napapalibutan ka kasi ng matatalino, sinong 'di ma-pre-pressure dun.

But just a one and more day of being with them, I already feel comfortable. Na hanggang ngayon hindi mo mararamdaman 'yong pressure. Walang competition sa loob. Walang angatan. Kalma lang. Sama-sama kami. Na kung nahihirapan ang isa, tutulong naman 'yong iba. Walang apakan pero may asaran. Nakakatawa kasi minsan may umiiyak na dahil naasar na masyado pero imbes na maawa, tatawa pa kami at tatawa din siya. Parang ganun. Na kahit gaano pa namin inaasar at inichismis, ayos lang. Iiyak 'yan pero bukas ng umaga, ayos na ulit. Asaran ulit. Laro at walang katapusan 'yon.

Ang saya. Na kahit marami na ang quizzes at reporting, ayos lang. Nandito naman sila, tutulong. You won't feel any insecurities. It's purely fun. . . happiness.

Isang buwan pa lang pero 'yong saya. . . sobra na.

"Okay! From the top!"

"Na naman? Del, kapagod na!" reklamo 'yon ni Rowie. Parang pagod na pagod na pero ang totoo, isang practice pa lang naman ang ginawa namin.

"Hiyang hiya naman kami sa 'yo, Rowie. Mukhang pagod ka na, ah? Nakakapagod bang umupo?" Rochelle tsked.

"Hoy! Nakakapagod kaya! Lalo na habang tinitingnan ko kayong hindi magkamayaw sa sayaw. Jusko! Ang sakit sa mata!" sabi ni Rowie tapos umirap pa.

"Hiyang hiya kami sa 'yo, 'di ba? Ang galing mo namang sumayaw," sapaw ni Mimi, sarkastiko ang boses.

Lumabas na din si Sandy mula sa linya. Nakapameywang na ngayon. "Hala uy, baka nakakalimutan mo, hija, kasali ka dito. 'Wag kang ano."

Tumawa ako. Napailing sa ginagawa nilang kabaliwan. Napagkakaisahan nila ngayon si Rowilyn. Pasaway kasi.

Pano ba naman. Vacant namin ngayon. Hindi dahil wala 'yong teacher o absent siya kundi kami mismo ang nagpilit n vacant muna. Ang galing, noh?

Nagpra-practice kasi kami ngayon. Para 'yon sa sasayawin naming intermission number bukas. Claps snap yata 'yong title. Hindi lang ako sigurado. Acquaintance party kasi.

Whole class kami kaya medyo magulo. Ah, hindi lang pala medyo, magulo talaga.

"Del, sige na please. Spare us," pagmamakaawa ni Rowilyn.

Tingnan mo talaga 'tong isang 'to. Akala mo naman pagod na pero ni isang butil ng pawis wala ka pang nakikita sa kaniya.

Napahugot na lang ako ng hininga saka umiling. Wala rin namang nagawa 'yong leader namin kaya in the end, pumayag na lang kaya ayan, nakasalampak na sila ng upo.

Lumapit ako kay Basi na nakaupo sa upuan niya pero nakaharap sa grupo, hindi lumalapit. Ngumiti siya nung makita ako.

"Basi, painom," wika ko. Agad naman niyang binigay sa akin ang tumbler niya. Hindi naman ako masyadong mahilig sa tubig kaya kunti lang 'yong bawas sa tubig niya.

Binalik ko sa kaniya iyon.

"Lapitan mo na kasi," natatawa kong asar sa kaniya. Ayaw niya talagang lumapit kina Rowilyn. Pano, nandun kasi si Justin, 'yong inaasar sa kaniya.

Ang cute lang. Biglaan kasing ganun. Ewan ko ba sa mga 'to. Napansin kasi nila noon na masyadong close si Basi at Justin kaya ayan, naasar sila. Ang resulta, hindi na sila nagpapansinan dahil sa hiya. Wala, eh.

Nanlaki ang mata niya. "Luh? Grabe ka naman, Basi. Ang harsh, ah." Sumimangot siya. Natawa ulit ako.

"'Wag ka na kasing mahiya. Si Justin lang naman 'yan, eh."

Ngumiwi siya. "Lakas mang trip, ah? Nahahawaan ka na nila. Delikado 'yan. Masama 'yan sa kalusugan."

Tumawa ako ng mas malakas saka tumabi sa kaniya ng upo. Nakatingin kami ngayon sa mga kaibigan naming walang tigil na nag-aasaran.

"Hoy! Kayong dalawa! Ba't nandiyan lang kayo?" tanong ni Rowie, nakataas ang kilay.

Tinaasan ko din siya ng kilay saka tumawa. "Bakit? Hindi pa pwedeng dito lang kami?"

"Ay, basag," sabi 'yan ng mga kaibigan ko, sabay-sabay pa. Si Basi naman, nagpipigil ng tawa sa tabi ko. Ikinasimangot 'yon ni Rowie.

"Labas mo 'yan, Sha. Baka sa pwet mo pa lumabas kapag pinigilan mo."

At ayon na nga. Malakas na tumawa si Basi. Nakahawak sa tiyan at maluhaluha pa. Mas sumimangot dun si Rowie.

"Justin!" biglaang igaw ni Rowie, nakangisi ngayon. Alam niyang tatahimik si Basi at tama nga. Bigla siyang tumahimik. Si Rowilyn naman ngayon ang malakas na tumawa.

Pambihira. May mga saltik yata 'tong mga kaibigan ko.

Ilang minuto lang ang naging pahinga namin. Nagpractice kami ulit dahil pumunta si ma'am si room. Ayun, sinita kami kaya kahit tamad ang lahat, practice pa rin.

Pumunta kami sa kaniya kaniya naming pwesto. At dahil medyo pinagpala tayo sa height, nasa likod ako.

"Hoy, Henrick! Akala mo kung sino ka. Tumayo ka diyan. Sumali ka dito."

Natigil ako. Tumingin ako sa pwesto ni Henrick. Nakita ko siyang nakaupo dun sa may broom stand naming nakahiga at busy sa cellphone. Kasama niya ang kaibigan. May nilalaro yata sila.

"Oo nga. Isa pa 'tong si Justin. Akala mo kong sino nahihiya kay Shanice."

Nag-angat ng tingin ang lalaki. Nagtagpo ang mata namin kaya ngumiti ako. Bahagyang tango lang ang isinukli niya tapos balik ulit sa ginagawa. Ang sungit.

"Aba't. . .?! Hoy! Anong karapatan mong hindi ako pansinin, ha?" Lumapit ma mismo si Rowilyn sa pwesto niya.

Sumandal ako sa may blackboard na green naman saka sila pinanood.

"Ang sabi whole class. Huwag kang tanga. Hindi tayo magiging whole class kung hindi kayo kasali," sabi niya pa sabay hatak kay Henrick.

Nagsalubong ang kilay ng lalaki. "Rowilyn, ano ba? Kita mong naglalaro 'yong tao, eh."

"Laro laro my face. Itigil mo na kasi 'yan. Practice nga tayo, 'di ba?"

"Kaya niyo naman kasi 'yan. Ang dami niyo na nga, eh. Hindi niyo na kami kailangan." Mukhang naiinis na ang lalaki.

"Hoy! Anong hindi kailangan? Ha?"

Napailing na ako. Alam kong matatagalan kami kung hindi pa papayag ang isa kaya nagsalita na ako.

"Henrick Yu. Sumali na kayo rito. Bukas na ang activity. Nasasayang ang oras natin," sabi ko ng nakatitig sa kaniya.

Mukhang hindi yata niya inaasahan ang pagsalita ko kaya nagulat siya. Napatingin pa sa akin. Nakasimangot.

"Kita mo 'to. Kung hindi pa si Basi 'yong nagsasalita, hindi pa tatayo. Napaghahalataan, eh?" sabi ni Rowie kay Henrick sabay palo sa balikat nito. Mukhang napalakas yata kaya hindi maiwasang um-aray ang lalaki.

The practice continued. Kumpleto kami kahit na iyong iba wala namang talent sa pagsasayaw. Medyo magulo din kasi nga madami pero masaya. Hindi nga namin matapos-tapos iyong kanta kasi puro asaran lang sila. Hindi ko alam ang magiging kalabasan kaya pinagdadasal ko na lang na maging maayos. Pero siyempre masaya pa rin.

Pagkatapos namin magpractice, kung practice pa rin matatawag, sabay-sabay kaming kumain. Dahil nilagay namin lahat sa gilid iyong mga silya, sa gitna na mismo kami kumain. Nakaupo sa sahig nang nakapabilog.

"Hoy, Yu! Dami niyong arte. Dito na kayo."

"Ayoko nga. Madumi diyan sa sahig, eh," sagot ng lalaki.

Pano, ayaw nilang makiupo sa amin. Dun lang siya kasama ng kaibigan sa may upuan.

"Gago. Daming alam."

Bumaling ako sa lalaki at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Nagkibit-balikat lang.

It was good lunch. Kasama silang lahat. Walang dull moment kasi puro kwentuhan at asaran ang namutawi sa amin. Isinasama nga namin iyong adviser naming single. Walang asawa kaya ayan, istrikta. Pero ayaw kaming samahan ni ma'am. Umalis, eh. Iniwan kami.

"Nga pala, 'yong mga pupunta sa palengke mamaya, sabihin niyo sa akin para maibigay ko 'yong pera." President namin slash Mr. Top One.

"Anong oras ba pwedeng lumabas, Del?" tanong ni Rochelle.

"Sabi ni ma'am, mga alas dos y medya pwede na daw. 'Di ko sigurado."

Habang kumakain. Pinag-uusapan namin ang magiging ganap bukas. Kaninang umaga kasi, nag-assign na kami sa kung ano-anong pagkain ang ihahanda namin tapos kung sino ang naka-assign na magluto nun. At plano nila, mamayang hapon pagkatapos ulit namin magpractice, may pupunta sa palengke para mamili. Ang iba hindi sasama para may mag-ayos ng room. Chaka naman kasi kung wala man lang ka-design design ang room namin lalo na at party tapos iyong iba, may pa-balloons balloons pa.

Hindi naman ako inggit. Ginagaya ko lang ang sinabi nila kanina.

Our adviser also is assign to bring something. Assign talaga kasi kami mismo nag-decide. Walang kawala si ma'am. Napabuntong hininga lang. Walang nagawa.

"Basi, hindi ka sasama sa canteen?" one of my friend ask.

Tumingin ako sa kaniya saka umiling. "Hindi na. Tinatamad ako. Isa pa walang naiiwan dito sa room," sagot ko tapos ngumiti.

Nagkibit-balikat lang ito saka tumaas ang isang sulok ng labi. "Okay. Sige."

Sabay-sabay na umalis ang mga kaibigan ko. Ang sabi pupunta sa canteen para bumili pero alam ko na rin hindi agad makakabalik ang mga iyon. Alam kong maglalaro pa sila kaya nagpaiwan na ako. Wala ako sa mood maglaro, eh. Isa pa, totoo namang walang maiiwan dito sa room kapag sumama pa ako kaya huwag na lang.

I heaved a sigh before massaging my forehead. Naisip kong linisin ang sahig ng room kaya iyon ang ginawa ko. Hindi ko na ibinalik sa dating ayos ang ang mga silya dahil ganun ang iyon hanggang bukas.

Pagkatapos kong maglinis, pumasok ako sa cr para maghugas ng kamay. I think that being alone in our room wasn't bad idea at all. Tahimik, eh.

Halos pikit mata akong lumabas ng cr. Nagulat pa nang bumungad sa akin ang isang mukhang hindi ko inaasahang makita.

Huminga ako ng malalim. Pinusan ang kamay. Narinig niya siguro ang pagbukas pintuan kaya nag-angat siya ng tingin sa akin. His eyes widen. Shocked was visible on his eyes.

"Nandito ka pala," basag ko sa katahimikan. Umupo ako sa tabi niya. May kunting space pa sa gitna namin.

"Ah. . . Oo. Akala rin walang tao dito sa room. Nandito ka pala."

Tumango ako kay Henrick at ngumiti. Sumandal ako sa may pader.

"Kanina ka pa dito?" he asked.

"Oo. Nagpaiwan lang. Nandun sila sa labas lahat, eh."

"Oh. . ." he trailed off, "Kaya pala."

Pumikit ako. Isang mahabang katahimikan para sa amin. Mula sa pwesto ko, rinig na rinig ko ang pagpapakawala niya ng sunod-sunod na hininga. Naririnig ko din ang pagtikhim niya.

May sakit ba 'to?

Hindi ako makatiis. "Ayos ka lang ba, Rick?" pikit mata kong tanong.

Malay ko ba kung may sakit na 'to. Parang balisa, eh.

Hindi ko siya narinig na nagsalita. Naghintay ako ng ilang minuto pero imbes na boses niya ang marinig, mga yabag niya paalis ang narinig ko. I was confused so I open my eyes.

Tama nga ako. Naglakad siya paalis. Papunta sa upuan niya saka may kung anong kinalikot sa bag. Pagbalik niya, may kung ano na siyang supot na dala.

Pinikit ko ulit ang mata. Minasahe ko ang noo nung biglang sumakit iyon. Napabuga pa ako ng hangin.

"Ikaw ang ayos lang ba?" tanong niya pagkatapos ay naramdaman ko ang paglapat ng kamay niya sa noo ko. "Hindi ka naman mainit. Ibigsabihin wala kang lagnat pero namumutla ka. Anong masakit sa 'yo?"

Nagulat ako sa sunod-sunod niyang pagsalita kaya wala sa sariling nagmulat ako. I was shocked to noticed our close distance. Malapit siya to the point na nararamdaman ko ang pagbuga niya ng mainit na hininga.

My eyes widen. Napakurap ako ng ilang beses. Hindi pa sana ako matatauhan kung hindi ko lang ulit naramdaman ang kamay niya. Ngayon sa leeg ko naman.

Napaigtad ako. Dahil yata dun napaigtad din siya. Mukhang nagulat din.

"H-ha?" I swallowed the lamp on my throat. "Okay lang ako." Tapos ay maliit pa akong tumawa.

"Sigurado ka?" Hindi siya kumbinsido.

Ngumiti ako. Binalingan ko siya ng tingin. Magsisinungaling sana ako kung hindi ko lang nakita na nag-aalala siya.

"Okay lang ako. Medyo masakit lang ang ulo pero kaya naman," I answered with honesty.

Totoo naman kasi. Medyo masakit ang ulo ko mula pa kanina. Isa nga iyon sa rason kung bakit hindi ako sumama sa labas, eh. Gusto kong magpahinga.

Mas nakita ko ang pag-aalala sa mata niya. Pilit niya iyong tinatago pero hindi siya magaling dun kaya nakikita ko pa rin. I secretly smile on that. Napaka-visible nitong tao.

"Uminom ka na ba ng gamot? Masakit ba masyado? Kung hindi mo kaya, sasabihin ko kay ma'am para makauwi ka na. O di kaya, punta tayo sa clinic." Wala siyang tigil. "Hindi ba umiikot ang paningin mo? Kaya mo pa ba?- Jasmin! Magsalita ka naman!" Frustrated niyang ginulo ang buhok.

Napangiti ako at sumimangot din. Pero kahit ano yata ang pilit ko para hindi maipakita ang ngiti ko ay walang nangyari. Lumabas pa rin iyon.

"Gago. Pano ako makakapagsalita kung hindi mo naman ako hinahayaan?" natatawa kong saad. "Okay nga lang kasi ako. Hindi ko naman ikamamatay ang sakit ng ulo."

"Uminom ka ng gamot?"

Umiling ako. "Hindi."

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

Sungit bigla, eh?

I shrugged. "Wala si me monar."

Bumuga siya ng hangin. Ilang minuto katahimikan ulit.

"Okay ka lang ba talaga?" Mukhang hindi yata kinaya ang pananahimik.

Tumawa ako. Natahimik din bigla dahil sa pagkirot ng ulo ko. Napansin niya siguro iyon kaya nagsalubong ang kilay niya.

"'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Okay okay my ass." Bulong niya lang iyon sa sarili pero narinig ko pa rin.

"Ano 'yan?" tukoy ko sa supot na kanina pa niya dala.

Mukhang dun niya lang ulit iyon napansin.

"Ah, ito. . ." tinaas niya ang hawak, "Para sa 'yo." pagkatapos ay nilapag niya iyon sa harap ko.

Kumunot ang noo ko dahil dun. "Para sa 'kin?"

I was curious about it so I open it. And to my shock, I saw five pieces of mangoes and two sachet of marshmallows there! Hala!

Tumikhim siya. "Ahm. . . 'Di ba sabi mo sa chat favorite mo rin ang mallows? Kaya ayan, bumili rin ako. Para sa 'yo lang 'yan kaya itago mo."

Tapos nun ay tumalikod siya. Napakurap ako. Hindi pa man nakakabawi nang muli siyang magsalita.

"Hidni libre 'yan, baka akala mo. Malaki gastos ko diyan kaya kailangan ko ng bayad. Pero don't worry, hindi pa naman kita sisingilin ngayon. Sa susunod pa pero huwag mong kalimutan."

Tapos ay iniwan niya na talaga ako dun. Natulala at nakatigalgal.

Pambihira! Ang yaman yaman pero ayaw manlibre?! Hustisya!

Jusko! Ibang klase.

★ S H A N A Y S 2 3 ★

Continue Reading

You'll Also Like

149K 2.1K 34
May mga mag-ex na hindi kayang magmahal ng iba. Dahil sa nakasanayan nilang mahalin ang isa't isa. Like Tiffany and Nikko, instead of marrying someon...
106K 4.9K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
22.5K 732 38
(COMPLETED) Ali Zuldiriego were born with a golden spoon. A hard headed youngest daughter of Senator Antonio Zuldiriego. She grow's up getting what s...
962K 15.1K 54
BFF Series #1: Celestine S. Lim Bata pa lang si Celest ay alam na niya ang magiging takbo ng buhay niya. She will go to an all-girls school, she will...