Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 65

16.4K 523 70
By IyaLee04

(LC) Chapter 65

LASCIVIOUS CASANOVA
CHAPTER 65 AND 66
PUBLISHED NOW

-----Miss IYA-----





"Nandito pa rin ito?"

Niyaya ko siya na makausap. Ayaw niya sa loob ng bahay. Ayoko naman sa mansion nila. Kung sa labas kami ng bahay maaaring may makakita sa amin. He said he knew a place so we rode his bike. Dito pala sa pinagdalhan niya sa akin noon na private beach ang tinutukoy niya. Narito pa ang tent. Wala na ang lamesa na gamit namin noon.

"Dito ako natutulog," simpleng sagot niya.

Pinatayo niya ang kanyang bisikleta. Sinulyapan niya ako at ang aking kamay. Tila gusto niyang hawakan ang kamay ko subalit hindi niya ginawa at nanguna na lang. My eyes followed his muscled back. Nakatingin ako sa likod niya. Naglalakad siya patungo sa tent. Kaya pala hindi ko nalaman na naroon siya. Nakatago siya sa dilim at bisikleta lang ang dala. Hapon siya dumating at naghintay hanggang gabi. Sinadya ko pang hindi basahin ang messages niya. I was still shocked by how he cried. Umiiyak din naman ako pero para sa akin normal sa babae iyon ngunit hindi sa lalaki na katulad ni Jax.

The edge of his eyes was still red and it looked like it was the first time he had cried. Mukha siyang hiyang hiya pagkatapos niyang umiyak. Hindi niya iyon inasahan at parang nabigla rin na naiyak siya. Nakita ko na siyang mangilid ang luha noong makausap niya sa telepono ang Mama niya. Pero ito ang unang beses na makita at marinig ko siyang umiyak. May tunog iyon bukod sa naramdaman kong basang basa ang aking leeg. I didn't expect him to cry like he's madly in love with me. It was like he could cross and break anything just to be with me without considering himself but only me. Hindi ko alam kung magandang senyales ba iyon. Na kaya niyang gawin ang lahat. Wala akong makitang boundaries sa kilos at mga mata niya. Masarap iyon sa pakiramdam at nakakaganda pero para sa akin hindi tama ang sobrang pagkahumaling. Nakakalason kapag sumobra.

Nagbuntong hininga ako. Nagsimula akong maglakad at sumunod sa kanya. Tumigil ako sa harapan ng tent. Sa gilid at likuran ng tent ay may harang na maninipis na puting kurtina gaya nang huli ko itong makita. Sa harapan ay nakahawi sa magkabilang gilid ang kurtina kaya't kita ang loob. Naroon siya sa loob at inaayos ang mga naroon. Tinupi niya ang makapal na puting kumot. Pinagpag niya ang malaking pabilog na bean bag at inayos ang mga unan. Naupo siya sa dulo niyon.

"Upo ka..." Tiningnan niya ako at tinapik ang pwesto sa tabi niya. "Dito na lang tayo mag-usap..."

Lumapit ako. Mayroon nakapatong na maliit na cordless lamp sa side table na nasa gilid ng bean bag. Binuksan niya iyon kanina. Sa ibaba ng side table na katabi ng bean bag ay traveling bag. Mayroon sapatos, uniporme, at bag na gamit ni Jax sa school. Lubog ang gitnang parte ng bean bag at tila ba mayroon natutulog doon. Pinunta ko ang mata sa kanya nang may matanto. Mabilis kaming nagkatinginan dahil sa akin lang siya nakatingin habang iginagala ko ang aking paningin sa loob.

"Dito ka natutulog?" Tanong ko nang maalala ang sinabi niya kanina.

"Oo," umusog siya at ibinigay sa akin ang mas malaking espasyo. "May bathroom malapit dito. Doon ako naliligo."

"Kailan pa?" Tanong ko ulit habang unti unting umuupo sa tabi niya.

"Pagkarating ni Mama," nag-iwas siya ng tingin. Nanatili sa kanya ang mata ko.

Boyfriend ko siya pero wala akong kamalay malay na sa ganitong lugar siya natutulog. Hindi ba malamig dito? Naagaw ng kumot ang mata ko. Makapal iyon. Hindi siya lalamigin. Pero hindi ba malamok? Napunta naman ngayon ang mata ko sa lampara na tingin ko'y de-baterya. Maliit lang ito at hindi ganoon kaliwanag pero sapat na para masakop ng liwanag nito ang buong tent. Inikot ko ang aking nagmamasid na mga mata sa buong paligid ng tent. Open ang lugar na ito at hinahangin ang mga maninipis na kurtina. Sinasayaw ito ng preskong hangin na nagmumula sa malawak na karagatan. Ang bubong ay gawa sa matigas na kahoy. Lagpas iyon sa buong tent kaya kahit umulan hindi naman papasok ang tubig. Kahit bukas na bukas at walang pinto, wala naman akong nakita ni isang anino ng lumilipad na lamok.

"I thought Tito Gary came home? Wala siya nang magpunta ako sa inyo para hanapin ka. Walang tao sa inyo. Hindi pa ba sila nagkakaayos?"

Umiling ako na nasa ibang bagay pa rin ang tingin. Nang hindi ako magsalita, nagtuloy tuloy siya at para bang ayaw maputol kahit sandali ang pag-uusap namin.

"Sa tatlong araw na hindi mo ako kinakausap, wala kang kasama sa bahay?" Pataas ang tono niya at mukhang hindi gusto ang ideya na nag-iisa ako.

"Kay Irene ako natulog. Sa sumunod na gabi sa bahay natulog sina Irene at Cathy," umangat ang kamay ko. Napahaplos ako sa batok ko dahil sa paghipan doon ng malamig na hangin.

"You are not with Cathy and Irene tonight. Wala kang kasama ngayong gabi?"

"Wala," sabi ko na sinabayan ng iling. "Pagkauwi sana matutulog na ako."

"Hindi pwedeng palaging wala kang kasama. I can stay at your house so you have someone with you. Hanggang sa...sala lang ako..."

Unti unti ang pagbagal niya sa pagsasalita dahilan ng paglingon ko. Nakatitig siya sa akin nang una. Nang ako naman ang tumingin ngayon sa kanya, umiwas siya. I don't think he was comfortable showing me that his eyes were red and swollen. Hindi niya masalubong ang aking mga mata sa kaalaman na nasaksihan ko siya na umiiyak at nasa estado na mahina siya. Mas matagal ang naging pag-iyak niya kaysa sa akin. Halos hindi halata sa akin na umiyak ako. Siya, namumula pa ang mga mata, magkabilang pisngi, at dulo ng ilong. Mas matagal na humupa ang emosyon niya kaysa sa akin na panandalian lang.

"Umalis ulit si tatay at hindi na uuwi," sabi ko.

Iniiwas niya ang kanyang mata sa akin. Ngunit dahil nagtaka siya sa sinabi ko, hindi siya nagdalawang isip na harapin ako. Padarag siyang napabaling sa akin.

"Hindi na uuwi?" Kumunot ang noo niya.
"Anong napag-usapan ninyo nang umuwi siya? Hindi na kayo rito titira? Saan na? Nandoon ba sila ngayon? Pagkatapos mong mag-aral dito pauuwiin ka roon?" Sa klase ng pagtatanong niya parang gusto niyang sumama kung aalis man kami.

Hinuli ko ang dulo ng aking buhok.  Inilagay ko iyon sa isa kong balikat. Binasa ko ng dila ang aking mga labi na natuyo na ng hangin. Awang ang labi niya at may sasabihin pa. Atat siyang malaman kung ano ang desisyon ng mga magulang ko. Hindi siya umuuwi at maaaring wala pa siyang ideya na wala na sa kanila ang Mama niya. Nag-uusap na rin lang kami, pumasok na rin sa isip ko na banggitin sa kanya ang tungkol doon pero pinutol ko na siya bago pa mapunta roon dahil mas may una kaming kailangan na pag-usapan.

"Walang nangyari sa amin ni Jace..."

Hindi ko hinayaan na maghiwalay ang mga mata namin habang nagsasalita ako. He also didn't look away and let me stare into his still puffy eyes. Wala akong nakitang gulat sa kanya. Na tila ba bago niya pa marinig, narealize na niya iyon. Nakatitig siya kaya't nagpatuloy ako.

"Nadaanan niya lang ako. Nakita niya ako na basang basa sa ulan kaya niyaya niya ako sa bahay niya. Ihahatid niya ako kay Irene pagkatapos ko magpalit ng damit pero hindi kami natuloy dahil mas lalong lumakas ang ulan. Nakatulog ako sa kama niya habang naghihintay na humina ang ulan. Sa sofa siya natulog at lumapit lang sa akin nang marinig ka namin na galit na kumakatok."

Naisara niya ang bibig niyang naiwan sa pagkaka-awang habang nagpapaliwanag ako. Gumalaw ang lalamunan niya nang marahas siyang lumunok. Sa harapan siya tumingin pagkatapos ng mahabang litanya ko. Ngunit bago siya mag-iwas ng mata may nakita na akong sumilip na pagsisisi roon. Umayos siya sa kanyang pagkaka-upo. Lalo niyang pinaghiwalay ang kanyang mga binti. Gumalaw ang bean bag na inuupuan namin. Sa tuwing gagalaw ang isa sa amin, gagalaw din iyon.

"I know..." Huminga siya ng malalim. Diretso at malayo ang tingin niya.

Marahan akong napakurap. Hinintay ko ang pagbaling niya, at nang gawin niya'y nagkatinginan kaming dalawa. Natahimik ako. The dim light coming from the lamp is enough for me to read in his languid eyes that in the three days I was not with him, he had missed me so much. Malamlam ang mga iyon. Kasing lamlam ng ilaw. Nagkatitigan kami. Bumaba ang mata ko sa labi niya dahil gumalaw iyon nang magpatuloy siya sa pagsasalita.

"I don't need your words to believe you. I told you I realized I was wrong the moment I stepped foot outside. I've always been like this. Mabilis akong magalit at minsan hindi ko napipigilan ang nagagawa ko. Sa huli ko na napagsisisihan. I want to punch myself and be punished because the words I said were wrong. Mali ang mga nasabi at nagawa ko. I want to talk to you. I wanted to go back inside but I was scared."

Hindi ko mapigilan at kusang nanulis ang mga labi ko. His eyes lit up at the sight of my pouty lips. Habang nakatingin sa labi ko'y nagaya niya ako. Bahagyang napanguso ang labi niya. Ang pagkamangha ay nakaguhit sa mga mata niya. He pouted more. Or maybe he's holding back a smile because I was pouting. Nagtataka lang ako. Maging sina Irene kasi'y nagsasabi na nakakatakot ako.

"Ano naman ang nakakatakot sa akin?"

Mahina siyang natawa sa tanong ko. Hindi ako natawa. I don't get it. Marami ang naririnig ko noon na maraming gustong sumubok manligaw pero hindi naman itinuloy. Kahit sa mga kabilang school katulad na nga ng narinig ko sa mga ka-schoolmate ni Jayden noon. Nakangisi akong tinitigan ni Jax. Pinadaanan niya ako ng titig sa aking buong mukha at tumigil iyon sa aking mga mata.

"Alam mo ba na mahirap kang basahin, Clementine? Kapag tumingin ka, nakakatakot. Kaya maraming lalaki ang takot tumingin at lumapit sayo. Nagbabalak pa lang silang lumapit, naintimida mo na sila gamit ang mga mata mo."

Nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi ko alam kung paano naging intimidating sa iba ang mata ko. Para sa akin normal na tingin lang iyon. Normal ang kilos ko. I could maintain eye contact even with strangers and high profile people. Kung magtatrabaho ako magiging mabisa akong ipaharap sa mga kliyente dahil kaya kong makiharap nang walang kakaba-kaba. Iyon ba ang ibig niyang sabihin? I confusely tilted my head and move forward to him slightly. I squinted my eyes. Kahit tumingin ako sa salamin hindi ko iyon nakikita sa sarili ko. Bahagya siyang napaatras sa paninitig at paglapit ko. Umawang ang labi niya at kalaunan ay muling sumugat sa labi ang ngisi. He's playful now. As if we had not avoided each other in three days.

"That look... You got me in those burning in confidence almond shape eyes of yours..." Tinuro niya ng salitan ang mga mata ko. "Hindi pa man sila nagsisimulang manligaw na-reject na sila sa paraan lamang ng pagtingin mo. Kaya hindi na rin ako sumubok na pumorma sayo noon kahit ikaw ang unang babae na nakakuha ng interes ko."

Ako naman ngayon ang umawang ang bibig. Umayos ako ng upo at napalayo. Pinag-iinitan ako ng pisngi sa mga sinasabi niya. Siya lang yata ang nakakaisip nito at iba sa ibang mga lalaki. Siya lang ang nakakaisip na nakakaintimida ako at maraming lalaki ang nais magkaroon ng tsansa sa akin. Pero paano ko ipapaliwanag ang mga naririnig ko. May mga nagpapadala ng mensahe at ang isa pa nga'y nasagot ni Jax ang tawag noon. Sa muling pagbuka ng labi niya'y natuon ang tingin ko sa mga pebbles kung saan nakalatag ang malaking bean bag. Kaya kong makipagtitigan sa kahit kanino pero hindi ko siya kayang tingnan ngayon na pinupuri niya ako. Na para bang ang ganda ko. Na para bang marami ang nagkakagusto sa akin. As if I was too stupid to be aware of how men felt for me.

"You're curious. You're beautiful. You're stong. You're smart. You're independent. You're confident. Kung tumingin ka para mong kinakausap ang mga lalaki na hindi mo kailangan ng lalaki sa buhay mo. Kaya takot ako sayo. You are scary because I know you can happily continue your life even without me. I'm more emotional and sentimental than you. I'm more territorial. I can be with Maya and that's fine with you. While I can't stand to see you put that damn band aid on Jace's face..."

Pareho kaming naging tahimik. I want to disagree with what he said that I could be happy without him. Ang totoo, tinatatagan ko lang ang sarili ko pero hindi ko na makita ang sarili ko na hindi siya kasama. Pero naisip ko rin na baka nga tama siya. Habang hindi kami magkasama, pumasok sa isip ko na hindi kami happy ending at isa kami sa mga istorya na walang magandang pagtatapos. Kung naisip ko iyon, baka nga tama siya na kaya ko na wala siya. Hindi ko pa masasagot iyon kasi nasa tabi ko pa naman siya.

Pinaglaruan ng sapatos kong may mababang takong ang mga pebbles. Naka-uniform pa ako samantalang siya'y naka-tshirt at maong lang. Nakatali pataas ang buhok ko ngunit may iilan na takas na buhok. Sa tuwing hinahangin ay kumikiliti iyon sa aking noo at pisngi. Ang skirt ko ay nakaayos sa aking hita. Ang coat ko ay nakasabit sa isa kong braso. Hinubad ko ito habang naglilipat kami sa bodega. Ang tanging suot ko na lang ay ang puti kong blouse uniform na panloob, ang tie, at ang suot ko na I.D. Nasa akin ang tingin niya. Mataman at may intensidad akong pinapanuod. Humaba pa ang katahimikan. Hangin at tunog ng paghalik lamang ng dagat sa dalampasigan ang bumabasag sa tahimik na pagitan naming dalawa.

"May pinuntahan kami na shop para kumuha ng mga gagamitin sa graduation..." Huminga ako ng malalim.

Nakita niya kaming magkasama ni Jace kaya nasisiguro ko na marami siyang tanong at ayaw lang isatinig dahil baka pagsimulan na naman ng pagtatalo namin. Hindi ko naman ipinagkakait sa kanya ang pagtatanong. Mas gusto ko iyon kaysa sa bigla siyang nambubugbog. Sa palagay ko, may natutunan siya kahit paano. Dahil kahit nakita niya kami ni Jace, hindi siya gumawa ng gulo.

Hindi ko siya agad kinausap noong una. Hindi ako nagpaliwanag dahil gusto ko na may matutunan siya sa sarili niya. Hindi siya matututo kung sa bawat gagawin niyang mali ay may tao na magtatama sa kanya. Kung ganoon, dedepende siya sa akin at kung wala ako, hindi niya kakayanin na mag-isa. I want him to learn how to be patience. I want him to know that settling things using his hands is not good. Violence is not always the answer. You don't beat someone just because you want and you can beat them. Kapag galit at kasalukuyan na kinakain ng emosyon, dapat ay nag-iisip siya muna upang hindi makasakit. I experienced it firsthand at wala iyon magandang pinatunguhan.

"Kasama namin sina Harry, Irene, at Cathy. Ginabi kami dahil sa paghahakot. Nagpresinta siya na tumulong at maghatid sa amin kaya kasama namin siya," dagdag ko.

Pagbaling ko sa kanya nasa dagat na ang tingin niya. Hinahangin ang buhok niya. Nakagilid ang kanyang mukha sa akin. Kitang kita kung gaano kahaba at kakapal ang mga pilikmata niya. It was as if he was wearing mascara on his lashes but I knew it was naturally long and thick. Mas mahaba't mas makapal iyon kaysa sa akin. Mas nadedepina ang tangos ng kanyang ilong kapag ganitong nakatagilid.

"You should apologize to your cousin Jax. Wala kaming ginawa na labag sayo. He's just helping me. That's it..."

Huminga siya ng malalim. Tinukod niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran. Bahagya siyang tumingala at tumitig sa bilugang buwan. Napunta ang repleksyon ng maliwanag na buwan sa kanyang mga mata. Nakatiim ang kanyang panga at maiging nakatikom ang kanyang bibig. May dilim na nakapaloob sa mga mata niya kaya't nahulaan ko kaagad na masama ang loob niya sa naabutang pag-uusap namin ni Jace sa tapat ng bahay.

"Kanina... naunang umuwi si Irene. Si Harry may binalikan sa shop. Kaming dalawa ni Cathy ang hinatid niya. Ako ang huli..." sambit ko sa pag-aasam na mawala ang dilim doon.

Wala siyang imik na nakatitig sa buwan. Tila ba inaalala ang nakita niya kanina at wala siyang balak na humingi ng dispensa sa ginawa niya sa pinsan niya. Dalawang beses siyang kumurap. Aniya'y nakakaintimida ang mga mata ko. Anong tawag sa malalalim niyang mga mata kung ganoon? Kung tumitig siya sa akin noon may pagka-arogante. Kinakayan kayanan niya ako ngunit sa loob loob pala niya'y naiintimida na siya. Gumilid ang kanyang mukha paharap sa akin. Muntik pa akong magulat nang magkasalubong ang mga mata namin. Medyo nakatingala pa rin siya nang harapin ako kaya ang mga mata niya'y nagmukhang papikit na at inaantok.

"He likes you..."

"Hindi-" Pailing na ako at handang pabulaanan iyon nang sumingit siya.

"He likes you. Gusto ka ng pinsan ko. Alam ko at hindi mo alam. Kapag mayroong nagkakagusto sayong lalaki, ako ang mas unang nakakapansin kaysa ikaw. Nagkagusto nga sayo si Harry nang hindi mo alam-"

"Lahat na lang?" Medyo irita na nasambit ko. Kasi kay Jace medyo fifty fifty ako pero kay Harry?

"Why don't you ask him?" Hamon niya. "Nagkagusto sayo iyan. Baka nga huminto lang ang pagkagusto sayo niyan nang maging tayo?"

"Hindi ako naniniwala kung si Harry-"

"How about my cousin? Naniniwala ka na na mayroong gusto sayo si Jace?"

Hindi ako nakaimik. Itong araw ko lang din kasi iyon medyo napansin. Tinataboy ko sa isip ko dahil ayokong mag-isip ng ganoon lalo na't sinsero naman ang lahat ng kilos niya. Hindi ako naniwala kay Irene. Ngayon na si Jax ang nagsasabi, naniniwala na ako.

"Do you like him?" His jaw tightened.

Napanganga ako. Nanlaki ang mata ko at parang nahuli akong gumagawa ng masama kahit wala naman talaga akong gusto sa pinsan niya. He saw us laughing outside the house so maybe I felt guilty. Ika nga niya'y kaya kong makipagtawanan samantalang siya'y kahit peke na ngiti'y hindi niya magawa.

"Wala, Jax! Hindi ko siya gusto!"

"Iba ang sinabi mo kanina sa labas ng locker room," hindi nawala ang igting ng panga niya habang tinititigan ako.

"Alam mo kung bakit ko sinabi iyon! Nakukulitan na ako sayo! Pilit ka ng pilit na gusto ko si Jace, e, ikaw ang gusto ko!" Inirapan ko siya.

Napangisi siya. "Gusto lang? Hindi mo ako mahal?"

I glared at him. Mabilis nagkatinta ng pula ang magkabilang pisngi ko. Parang uusok ang buong katawan ko sa pag-iinit kaya't nag-iwas na ako ng tingin. Tumawa siya. Sa naging takbo ng pag-uusap namin, kahit walang opisyal na pag-aayos, alam ko na okay na kami. Walang nangahas na nagsalita sa amin sa naunang minuto na nagdaan. Ngunit ang paninitig niya'y nanunuot at tumatagos sa akin. Nakaharap ako sa dagat, siya'y sa akin.

"Paano ka niya nahanap? Why are you soaking wet in the rain? Saan ka nanggaling no'n? You should have answered my call. Kung sinagot mo ang tawag ko sana napuntahan kita. Sana hindi ka nakatulog sa bahay niya."

Normal lang ang pagtatanong niya. Hindi siya galit at hindi malamig pero nabigla ako. Hindi ko inasahan ang pagbabago ng tanong niya kaya grabe ang lakas ng tibok ng puso ko. Nag-init ang mukha ko at ramdam kong namutla ako. Saka ko lang naalala ang tungkol doon. Na isa ito sa mga problema namin at kailangan din namin pag-usapan. Si tatay ang lalaki na dahilan kung bakit hindi siya tanggap ng mama niya. Magagalit ba siya sa amin ni tatay? Kung malalaman niya, iiwan niya ako rito para umuwi sa kanila? Hahanapin niya ang mama niya at masasaktan siya kapag napatunayan niyang wala roon ang mama niya?

"How much do you love your mother, Jax?" Binalik ko ng tanong ang tanong niya.

Seryoso na akong nakatingin sa kanya ngayon. Hindi na ako nag-iinit, pinanlalamigan na ako. Nasa kandungan ko ang aking mga kamay. Kabado, na pagkatapos namin magkaayos, magkakasira na naman. Nagsalubong ang kilay niya. Kasi ang sagot ko, malayong malayo sa tanong niya.

"Hmm? Why?"

"Just answer me..."

"So much?" He sat up straight. May pagtataka pero sinagot niya pa rin.

Seryoso ko siyang tiningnan. Diretso sa mga mata niya. Nakalimutan ko siya. Nakalimutan ko na sa sobrang pagmamahal niya sa mama niya'y kaya niyang magalit sa akin. Ito ang unang babae na minahal niya at wala akong laban kung ang usapan ay ang mama niya. He wants her attention so much. Minsan ding pumasok sa akin na baka kaya niya ako minahal dahil ako ang nagbigay ng atensyon na gusto niyang manggaling sa mama niya.

"What if I tell you now that I hate your mother, Jax?" Nanunubok na tanong ko.

"What?" Tuluyan na niya akong hinarap. Halatang halata sa kanyang mga mata na hindi niya ako maintindihan.

"Kung papipiliin kita? Sino sa aming dalawa ang pipiliin mo?"

He was stunned by my question. Hindi siya nakapagsalita at tila mahirap na tanong para sa kanya ang tanong ko. Nasaktan ako. Kahit na alam ko na mas mahal niya ang mama niya higit kanino. May kaonti sa akin na umasa na agad niyang sasagutin iyon at pipiliin niya ako. Hindi kami pinili ni tatay. Pati pala siya, mama niya rin. Lalo akong nagalit sa mama niya. I have my reason. I have all the reason to hate her. I have all the reason to be hurt. Sumungaw sa magkabilang gilid ng aking mata ang luha ko nang maalalang sumama sa kanya si tatay. Masakit ang hindi piliin. Not being chosen hurts. Especially when you are not chosen by someone you loved or someone special to you.

"Mahirap sagutin?" Suminghap ako upang punuin ng hangin ang naninikip na dibdib ko. "Kaya hindi ko sinagot ang tawag mo. Kung sinagot ko iyon baka pinapili kita at hilingin ko sayo na magalit ka sa mama mo... You can't hate your mother Jax. You love her so much..." Parang may pumisil sa puso ko pagkasambit ko no'n. Nakaramdam ako ng selos na hindi naman dapat.

Salitan sa kaliwa't kanan ang pagbaling ng ulo niya. Marahan ang kanyang pag-iling. Naguguluhan siya. Maaaring hindi ito ang inaasahan niyang paroroonan ng pag-uusap naming dalawa. Ang gusto niya lang malaman ay kung bakit ako nasa ulanan. Hindi niya alam na tungkol pa rin sa amin at pamilya namin kung bakit ako naroon at nagpapakabasa.

"Why are you suddenly asking me this? I... really don't understand..." His eyebrows furrowed. He tilted his head quizzically. He look puzzled.

"Bago ako makita ni Jace sa mansion ako nanggaling. Nakita ko si tatay at ang mama mo. Si tatay... ang first love ng mama mo. Si tatay ang dahilan kung bakit galit sayo ang mama mo. I saw them kissing! I saw your mom begging! They were both crying! Nasaksihan ko kung paano siya niyakap at pinili ni tatay! Nag-away sila ni nanay dahil sa mama mo! Umalis si nanay dahil sa mama mo! Nagawang sirain ni tatay ang pamilya namin para sa mama mo! Galit ako sa kanya! Galit ako sa mama mo!"

Sa kalagitnaan ng pagsasalita ko'y bumuhos ang emosyon ko kasama ang luha ko. Naging sigaw at madiin ang boses ko. Gustong gusto kong iparating sa kanya na galit ako sa mama niya. Bakit kailangan niyang bumalik at manira ng pamilya? Siya ang nang-iwan kay tatay. Oo at hindi niya ginusto pero siya pa rin ang umalis! Umalis siya kaya sana nanahimik na lang siya kung saan siya naroon! Pero sa huli, bumanda ang sisi ko kay tatay. Ganoon ba kahirap mahalin si nanay at hindi niya ito nagawang mahalin sa loob ng maraming taon?! Ni hindi ko na alam kung sino ang sisisihin at kanino ako magagalit.

"I hate her! You love your mother while I hate her so much! I didn't answer your call because I know you'll hate me for hating her! You'll hate me for cursing her in my mind! You'll hate me for blaming her! You'll hate me because I want you to hate her!"

Suminghot ako at paulit ulit na suminghap. Kung paano ako umiyak nang maabutan ko ang tagpo nila tatay, ganoon din ako umiyak ngayon. Tapos ko na iyong makita pero kahit sa alaala ang sakit pa rin. Mas masakit kasi hindi umuwi si tatay. Kasi talagang sumama siya. Kasi hindi na siya babalik. Hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag kay nanay. Kaya sa halip na unahing hanapin at makausap siya mas pinili ko na abalahin ang sarili ko sa pag-aaral.

Pinanuod niya ang pag-agos ng luha ko. Ang salubong na kilay niya ay napalitan ng paglamlam ng mata. Hinintay ko na umalis siya at iwan ako para alamin kung totoo bang wala na ang mama niya. Humikbi ako. Pumikit ako ng mariin at pinalabas ang malalaking butil ng luha.

I expected him to leave. I'm sure he's leaving to find his mother. I waited for him to leave, but that did not happen. Pagdilat ko, nalanghap ko ang pabango niya. Nasa dibdib na niya ang aking mukha. Sa halip na iwan ako, niyakap niya ako at ikinulong sa mainit na bisig niya.

"Bakit sa tuwing may nangyayari sa buhay mo hindi mo ipinapaalam sa akin? Mas nauuna pang malaman ng iba kaysa sa akin na boyfriend mo..." aniyang may kalakip na sama ng loob.

Nabigla ako at natigil sa pag-iyak. Iba ang inasahan ko na magiging reaksyon niya. Habang nakababad ako sa ulan may kaonting parte sa akin ang nagalit at nagdalawang isip sa relasyon naming dalawa. Hindi ako dumating sa punto na gusto ko siyang hiwalayan. Pero kung nakausap ko si nanay at magalit siya at hilingin na hiwalayan ko si Jax. Papunta na ako roon. Handa akong iwan siya. Pero siya...

"H-hindi ka galit sa akin? I just said I hate your mother Jax! Galit na galit ako sa kanya! Hindi ko siya mapapatawad!" Nanginig ang boses ko at ang natigil na iyak ay muling nagpatuloy.

Hindi ba siya aalis at magbabakasakali na mapigilan pa sa pag-alis ang mama niya kahit ilang araw na nang huling makita ko sila ni tatay? Bakit ganito siya? He cried and now... this? He can't fake it, right? People can't fake cries unless they're good actors. Hindi kayang pekein ng isang galit na tao na hindi siya galit. People can't fake emotions. They're able to be look normal pero kahit papaano makikita iyon sa mga mata nila.

Parang napakaimposible na hindi niya kayang magalit sa akin. Mas kaya ko pang paniwalaan na magalit siya sa akin dahil galit ako sa mama niya. Akala ko talaga magagalit siya. Kasi ganoon ang naramdaman ko. Nagalit ako sa kanya nang malaman ko na mama niya ang dahilan ng paglalayas ni nanay. Akala ko magagalit din siya kahit kaonti at panandalian na galit. Pero sa tono ng boses niya, kahit isang kurot na galit, wala.

"I love her and I respect her as my mother. But I will never hate you just because you hate her. Kahit anong gawin mo ngayon at sa mga susunod hindi ko magagawang magalit sayo."

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
175K 5.7K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
172K 6.4K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...