UNA ROSA

By dirkyleo

9.5K 1.3K 69

A rose is still a rose. Or is it? When Isabella, the owner of Una Rosa, received an order for a thousand Dam... More

Chapter 1-Ang Nagambalang Pagtulog
Chapter 2-Good Samaritan
Chapter 3-Damask Roses
Chapter 4-Ang Pagbabalik
Chapter 5-Ang Huling Alas
Chapter 6-Calling All Angels
Chapter 7-Ang Hardin
Chapter 8-The Call
Chapter 9-The Ghost Comes Back
Chapter 10-Ang Pag-amin
Chapter 11-Tag-Araw Ng Dalamhati
Chapter 12-Praying For A Miracle
Chapter 13-Ang Pagdalaw
Chapter 14-Confessions Over Breakfast
Chapter 15-Confessions Over Breakfast Part 2
Chapter 16-Ang Alok
Chapter 17-The Muddled Mind & The Surprise Phone Call
Chapter 18-Ang Magandang Balita
Chapter 19-Sisters
Chapter 20-Ang Walang Hanggang Paalam
Chapter 21-The Call Of Doom
Chapter 22-Ang Mahiwagang Karamdaman
Chapter 23-The Invasion Of Privacy
Chapter 24-Twist Of Fate
Chapter 25-Ang Pagtatapat Ng Pag-Ibig
Chapter 26-The Date
Chapter 27-Ang Mapagbirong Tadhana
Chapter 28-Bagong Mukha
Chapter 29-A Rock & A Hard Place
Chapter 30-Kaibigan
Chapter 31-Ang Panibagong Yugto
Chapter 32-Ang Usapin Tungkol Sa Pag-aasawa
Chapter 33-Eskapo
Chapter 34-Unang Halik
Chapter 35-Ang Tanong Na Walang Sagot
Chapter 36-Ang Hindi Inaasahang Panauhin
Chapter 37-Crowded House
Chapter 38-Una Promesa Rota
Chapter 39-Unburdened
Chapter 40-Llama Vieja
Chapter 41-Last Minute Wishes
Chapter 42-The Letter
Chapter 43-The Unusual Mail Delivery
Chapter 44-The Best-Kept Secret
Chapter 45-Aurora & Isabella
Chapter 46-The Future Is Female
Chapter 47-The Words Of The Dead
Chapter 48-The Hard Decision
Chapter 50-Una Rosa
Epilogue

Chapter 49-United We Stand

161 24 2
By dirkyleo







Habang nasa biyahe ay parang bata si Ate na nakatingin sa labas ng bintana.

Namiss niya daw ang sariwang hangin pati na ang mga matatayog na puno ng niyog na nadaanan namin.

"Don't get me wrong. New York is great but there's no place like home." Nilingon niya ako at ngumiti.

Nang pumasok kami sa makipot na iskinita papunta sa bahay namin ay nagreminisce si Ate.

Noong mga bata pa kami ay lagi kaming maglaro ng taguan sa taniman ng mais.

Malimit kami napapagalitan ni Mommy kasi uuwi kami na may mga gasgas sa braso at binti mula sa matatalas na dahon o di kaya dahil may nadapa habang naghahabulan kami.

Pero kahit ilang beses niya kami pagalitan ay hindi naman kami nasasaway.

Tawa lang ng tawa si Daddy sa mga kalokohan namin.

Ang lagi niyang sinasabi kay Mommy ay hayaan lang kami na mag-enjoy sa labas ng bahay kesa nakatutok ang atensyon namin sa cellphone o di kaya tablets.

Tumigil lang kami ng may nakasalubong kaming ahas na tumatawid habang naghahabulan kaming tatlo.

Hindi kami nakakilos sa takot.

Buti na lang at hindi kami natuklaw dahil gumapang papasok sa masukal na maisan ang ahas.

Nalaman ni Mommy ang nangyari dahil nagkuwento ang kasambahay namin.

Napingot kaming tatlo at hindi pinalabas ng bahay sa loob ng isang linggo.

"When I was in New York, I would think of those moments. Back when Basti wasn't such an asshole and he was just like us—carefree and fun."

"Lahat naman tayo nagbago, Ate."

"Right. Look at you now, you're a confident gay woman." She took her eyes away from the narrow road to look at me.

"Gay, yes. Confident, I'm not sure."

"Isa," Pinatong niya ang kamay sa braso ko.

"Learn to embrace what you have. Kung hindi ka confident, I don't think you'd pull off managing a business."

"Tingnan mo naman ang nangyari. I'm about to shut it down."

"Don't blame yourself. Maraming factors that led you to this point."

"I know I said I'm doing it for Mommy pero nalulungkot pa din ako."

"Of course. Bukod sa pamana siya sa'yo ni Lola, a big part of your life was devoted to the flower shop. Kung babae ang Una Rosa, siya sana ang life partner mo."

"That's one way to look at it."

Natanaw na namin ang bahay.

Ate texted Mommy para pabuksan ang gate.

Pinasok ko ang truck at pinarada sa tabi ng silver family van ni Kuya.

Habang umaakyat ay dinig namin ang tawanan lalo na ang matinis na boses ng mga pamangkin namin na sina Seb at Leila.

Noong maayos pa ang takbo ng negosyo, may panahon pa ako para dalawin sila.

Kahit hindi kami masyado magkasundo ni Kuya ay naa-appreciate niya naman na dinadalaw ko ang mga bata.

But as the business suffered, so did my social life.

"Tita." Patakbong lumapit sa amin si Seb.

May hawak siyang tablet.

Sa screen ay kita ko ang mukha ni Super Mario.

Nakatingin naman sa kanya si Leila na nakaupo sa sahig at nilalaro ang Peppa Pig doll.

Nakaupo din sa sahig ang kasama nilang yaya.

Seven years old si Seb at dalawang taon ang tanda kay Leila.

Tumayo si Mommy para salubungin kami.

Nagmano kami ni Ate Jocelyn.

"Buti at nandito na kayo. Puwede na tayo kumain."
Nauna siyang lumakad papunta sa dining area.

Kinumusta kami ni Kelly, ang asawa ni Kuya Basti.

Inabot sa kanya ni Ate Jocelyn ang paper bag na pasalubong niya para sa mga pamangkin namin.

"Thank you, Ate. Nag-abala ka pa." Sinilip niya ang laman ng paper bag.

Magkaiba sina Kuya Basti at Kelly hindi lang sa itsura kundi pati sa ugali.

Kung si Kuya ay malaki ang pangangatawan at matangkad, si Kelly naman ay payat at maliit.

Morena siya at may balat na maliit na mapa sa may sintido.

Nang una namin siyang makilala ay nagtaka kami kung ano ang nakita niya sa kapatid namin.

Masayahin kasi si Kelly samantalang seryoso si Kuya.

Totoo nga siguro ang kasabihan na opposites attract dahil ten years na din silang kasal.

Pagpasok sa dining area ay nandoon na si Yaya Choleng.

May hawak siyang fly swatter at winawasiwas sa ibabaw ng nakahandang pagkain para hindi dapuan ng mga langaw.

Amoy lemon din sa hapag kainan dahil nakasindi ang kandila na deterrent din sa langaw.

Umupo kami sa dati naming mga puwesto.

Nasa kanan ni Mommy si Kuya at katabi niya si Kelly.

Si Ate naman ay umupo sa kaliwa ko.

Nagdasal muna kami bago nagsimula kumain.

Pagkatapos ay kanya-kanya na kami sa pagkuha ng pagkain.

"Jocelyn," Tiningnan ni Mommy si Ate na naglalagay ng sabaw sa mangkok.

"Pinalinis ko ang kuwarto mo kay Yaya. Kung maisipan mong mag-stay dito, magsabi ka lang."

Napatingin sa akin si Ate.

Nagulat sa sinabi ni Mommy.

"Ewan ko kung paano niyo pinagkakasya ang sarili ninyo sa kama ni Isabella. Ang liit-liit ng higaan. Hindi ba sumasakit ang mga katawan ninyo?"

"Hindi naman po, Mommy." Sagot ni Ate Jocelyn.

Tumingin siya sa akin bilang hudyat na huwag akong kumontra.

Malikot kasi siya matulog.

Nagigising ako dahil para siyang relo na paikot-ikot sa higaan bukod siya ino-occupy niya ang halos three-fourth ng kama.

"May nahanap ka na ban a trabaho?"

"Wala pa nga po. Alam niyo naman siguro na at my age, I'm considered old sa modeling world."

"Anong gagawin mo ngayon? Alangan naman magtindera ka sa flower shop?"

"Nakausap ko na po ang dati kong manager. May mga opportunities like coaching para sa mga contenders sa beauty pageant or magturo ng master classes about etiquette or modeling."

"May kumuha na ba sa'yo?"

"Wala po." Nagbaba ng tingin si Ate.

Halatang nahihiya.

"Kung nakinig ka lang sa akin dati at tinapos mo ang course mo na HRM eh di sana meron kang babalikan."

"Mommy, it's too late for that now. Isa pa, naging successful naman ako sa career na napili ko."

"Nandoon na ako. Pero ikaw na nga mismo ang nagsabi na sa edad mo ay hindi ka na ganoon ka-in demand."

"Concern lang naman ako sa'yo. Ang hirap ng katayuan mo. Wala kang trabaho tapos diborsiyada ka pa. Pero mas okay na ang ganito kesa magtiyaga ka doon kay hambog."

"Blair ang pangalan niya, Mommy."

"Basta. Hambog ang tawag ko sa kanya."

Pagkatapos ni Ate ay ako naman ang hinarap ni Mommy.

"Bakit nga ba bigla kang nagpatawag ng family meeting? May sakit ka ba?"

"Wala po."

"Eh ano nga ang dahilan?"

"Puwedeng tapusin muna natin ang pananghalian?"

"Sabihin mo na, Isa." Nagsalita si Kuya.

"Mula ng tumawag ka ay hindi na mapakali si Mommy."

Binitawan ko ang hawak na kutsara.

"Ano po kasi," Tiningnan ko muna silang lahat, "I'm planning to close Una Rosa."

"Ha? Bakit?" Hindi natuloy si Mommy sa paghigop ng sabaw.

"Alam na ba ni Kuya ang sinabi niyo sa akin the last time na nandito ako?"

"Oo. Sinabi ko na sa kanya."

"Galit ka pa din ba sa mga Damasco?" Hinarap ko si Kuya na tahimik na kumakain.

"Madaming dapat i-process tungkol sa nangyari lalo na at matagal na panahon na rin ang lumipas. Hindi pa rin ako makapaniwala na iyon pala ang dahilan kung bakit miserable si Lola at Lolo. Hindi ako agree na nangaliwa si Lola pero hindi din ako sang-ayon sa ginawa ni Lolo na gamiting vengeance ang nangyaring rejection sa kanya."

"Hindi lahat ng gusto mo ay magkakagusto din sa'yo." Dugtong ni Kuya.

"May kinalaman ba ang revelation ko kaya isasara mo ang Una Rosa?"

"Yes. I want you to be happy, Mommy. Ayoko po na tuwing nakikita ninyo ang tindahan, it brings back painful memories. The only way to do that was to sell it and close it for good."

"Isabella," Hinawakan ni Mommy ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"Jocelyn, Sebastian," Isa-isa niya kaming tiningnan.

"Sa loob nang maraming taon ay dinala ko ang sakit sa puso ko. Pati ang flower shop na pinagkakautangan namin ng daddy mo ng utang na loob dahil sa tulong nito sa pagpapalaki sa inyo, napagdiskitahan ko. Pero pagkatapos natin mag-usap nang oras na iyon, sinabi ko sa sarili ko na panahon na para magmove on."

Ako naman ang nagulat sa sinabi niya.

"Dapat ko ng palayain ang mga hinanakit sa puso ko dahil bukod sa wala na si Mama at Papa, maikli lang ang buhay. Sana nga ay nananahimik sila kung saan man sila nakarating."

"Ang Una Rosa ay mas maraming naitulong sa amin kesa sa mga masasamang ala-ala. Nang tinayo ito ni Mama, doon ko siya nakitang masaya. Mula ng maliit pa ako, hindi ko siya nakita na tunay na naging maligaya. Paano nga naman mangyayari iyon kung kinamumuhian mo ang tao na dapat ay katuwang mo sa buhay? Idagdag pa na lima kaming magkakapatid na nangangailangan din ng atensiyon." Huminga siya ng malalim.

"Pero dahil sa Una Rosa, nagkaroon siya ng purpose at nanumbalik ang sigla. Parang nahanap niya ulit ang sarili sa piling ng mga bulaklak."

"Kaso, Mommy, financially nahihirapan na din po ako. Kahit may natanggap na konting pera galing doon sa last order, hindi pa din iyon sapat sa pang-araw-araw na operations."

"Bakit hindi mo i-consider ang online business?" Mungkahi ni Kuya.

Napatingin kami lahat sa kanya.

"Nowadays, most people order that way. Mas madali para sa kanila and since you're technologically savvy and you have good people skills, kayang-kaya mong i-navigate ang online selling."

"Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko? I don't have the money."

"Eh di magcontribute tayo?" Nagsalita si Mommy.

Nilingon namin siya.

"Imbes na isara ang flower shop, bakit hindi natin itaguyod ang sinimulan ni Mama? This time," Tiningnan niya ako, "hindi lang ikaw mag-isa ang magpapatakbo nito. Kung kailangan mo ng tulong ko, magsabi ka lang. Makabubuti din sa akin ang may gawin dahil wala na din naman ang daddy ninyo na inaasikaso ko."

"Sigurado po kayo na gusto ninyong mag-invest sa Una Rosa?"

"May naipon naman ako kahit papaano. Isa pa, ang flower shop ay hindi lang negosyo. Buhay natin ito."

Hindi ko napigil ang maluha.

Kinuha ko ang cloth napkin at pinunasan ang gilid ng mga mata.

"I also have a little bit saved up from the divorce." Offer ni Ate.

"And since I have no idea if my services are going to be needed sa modeling industry, puwede kitang tulungan. Marami akong kakilala. I could use my network para i-boost ang sales ng Una Rosa."

"Okay lang sa'yo, Ate? Hindi glamorous ang trabaho sa flower shop."

"Oo naman. Tsaka kilala niyo naman ako. Di naman ako maarte sa tunay na buhay. At sa sitwasyon ko ngayon, magiging choosy pa ba ako?"

"Puwedeng maging model si Jocelyn nang Una Rosa." Sabi ni Mommy.

"Why not?" Sang-ayon naman ni Ate.

"Kung iyan ba ang magiging competitive edge natin, payag ako."

"At ibibigay ko sa'yo ang rose farm." Sabi ni Kuya.

"Akala ko ba you will fight me in court?"

"I was being stupid. Isa pa, ngayong madadagdagan na ang family namin, mas mabuti kung tulungan ko si Kelly sa pag-aalaga sa mga bata."

Natuwa kaming lahat sa balita niya.

Pati pala si Mommy ay walang alam tungkol dito.

Thirteen weeks pregnant na pala si Kelly.

Kinongratulate namin silang mag-asawa.

"Is this really happening?" Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

"Ang alin?" Tanong ni Mommy.

"This. Tutulungan niyo ako with Una Rosa?"

"Anak, alam ko na mahalaga ito sa'yo. Ayokong makita kang nasasaktan kung mawala ang flower shop. Ang laki na din ng sinakripisyo mo."

Tuluyan na akong umiyak dahil sa naramdaman ko and sincerity sa sinabi ni Mommy.

"Tumahan ka na diyan." Hinimas niya ang likod ko.

"Hinanda ni Choleng ang paborito mong buco pandan. Huwag ka ng umiyak."

Pinagpatuloy namin ang pananghalian.

Habang nakikinig sa detalye ng pagbubuntis ni Kelly ay nabuong mula ang pag-asa sa puso ko.

Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ko nitong mga nagdaang araw, naniniwala ako na patuloy na nakabantay sa akin si Lola Francesca.

Continue Reading

You'll Also Like

147K 5.4K 25
Alison Tuesca---Isang manloloko, manggagamit, at kulang sa pansing feelingera. Yan ang pagkakakilala ni Raven sa ex niyang iniwan siya matapos ng ila...
261K 4.7K 93
Forbidden Love Bitter meets Heart-breaker Teacher -Student Bad girl fall in-love to Good girl Confuse Love Curious Unexpected Lo...
1.3M 18.3K 40
Dice and Madisson
10K 760 16
Nagkaroon ng trauma si Louise Averille dahil sa kanyang nakaraan. Pinatay ang kanyang buong pamilya ng mga taong walang puso at gusto niyang maghigan...