Chapter 16-Ang Alok

141 26 0
                                    




Sa araw ng pagbalik ni Gabriela sa kumbento ay binigyan ko siya ng isang bungkos ng mga rosas.

Hiningi ko ito kay Doña Alba para ibigay sa Mama ni Stella.

Kahit hindi niya ako kilala ay gusto kong ipaghatid sa kanya na may isa pang taong nagdadalahamti sa pagkawala ng kanyang anak.

Mahaba ang biyahe kaya nilagay ko ang mga rosas sa isang garapon na may lamang tubig.

Sinigurado ko na ang mga tangkay ay nakababad para hindi maluoy ang mga bulaklak bago ito makarating sa destinasyon.

Tuwang-tuwa si Gabriela ng ibigay ko sa kanya ang mga rosas.

Ihahatid niya muna ito sa bahay nina Stella bago siya tumuloy sa kumbento.

"Siguradong matutuwa si Doña Patricia sa bigay mo." Nangilid na naman ang luha niya.

Pinaalalahanan ko siya na mag-ingat.

"Susulat ako kay Mama. Ipapaalam ko sa'yo kung ano ang sabi ni Doña Patricia."

Nagyakap kami at naiwan ako na nakatingin sa gilid ng kalsada habang papalayo siya.

Kahit mabigat sa kalooban ko na pumunta sa hardin ay hindi ko puwedeng pabayaan ang mga rosas.

Noong unang araw na tuluyan na akong gumaling ay mabigat ang bawat hakbang ko.

Ang hardin ay bahagi ng mga ala-ala ko kay Stella.

Kapag nagtatagpo kami sa gabi ay magkadikit ang mga balikat namin habang nakaupo sa bangko.

Dito siya unang nakakita ng bulalakaw.

Inudyukan ko siya na gumawa ng hiling.

Ang sabi ng matatanda ay magkakatotoo ito.

Ngunit nang tanungin ko kung ano ang hiniling niya ay ayaw niyang sabihin.

Sa kanya na lang daw iyon.

Baka kasi pagtawanan ko siya kapag nalaman ko kung ano ang hiling niya.

Kahit nangako na hindi ako tatawa ay wala siyang sinabi.

Hindi ko na talaga malalaman ang bagay na iyon.

Dinala niya sa hukay ang kanyang hiling.

Kapag nililinis ko ang hardin ay tumutulong din si Stella.

Minsan siyang napatalon nang pagbungkal niya ng lupa ay may lumabas na bulate.

Lalo ko pa siyang inasar dahil dinampot ko ang bulate.

Kumakawag ang malambot nitong katawan at animo'y nagpupumiglas sa pagkakahawak ko.

Tumakbo palayo si Stella.

Huwag na huwag daw akong lalapit dahil kung hindi ay sisigaw siya.

Nang makita na mangiyak-ngiyak na siya sa takot ay dahan-dahan kong binalik ang bulate sa lupa.

Nilapitan ko si Stella at inalo.

Humingi ako ng tawad.

Binalaan niya ako na huwag ko ng uulitin ang ginawa ko.

Hindi niya na ako kakausapin.

Gumawa din kami ng korona at nagkunwari na mga diwata sa mahiwagang mundo ng Tierra Rosa.

Si Stella ang nagbigay ng pangalan sa kaharian.

Kami daw ang nagbabantay ng mga bulaklak na nagbibigay buhay sa kaharian laban sa mga Langosta.

Ito daw ang mga insekto na naghahasik ng lagim sa Tierra Rosa.

Napalitan ang papel ko bilang namumuno sa mga Langosta para maging makatotohanan ang pagsasadula namin.

UNA ROSAWhere stories live. Discover now