Chapter 12-Praying For A Miracle

162 25 0
                                    




Dinner was from a drive-thru--cheeseburgers, chicken nuggets, fries and Coke.

Nat was impressed that I was all dressed up for dinner.

But she was only bluffing.

She didn't realize I would take her seriously.

The truth was, she thought I was not going to show up.

Sinabi ko naman na if she had been forthright when I called, eh di sana hindi na ako naligo.

Natawa siya at nagpasalamat dahil baka daw hindi niya matagalan kung mag-amoy anghit sa loob nang truck.

"Paanong hindi ako sisipot?" Tanong ko pagkatapos niya ako subuan ng fries.

"Hindi mo na napakinggan ang voicemail ko?"

"Napakinggan. Tawa nga ako ng tawa."

Sinimangutan ko siya.

"Pero thank you talaga ay hindi mo ako tinikis." Inalis ko ang tingin sa kalsada para ngitian siya.

"Naisip kong gawin iyan. Pero hindi naman ako vindictive. Isa pa, gusto kong marinig ang paliwanag mo dahil nabother din ako ng bigla ka na lang hindi nagparamdam."

"Sorry kung naduwag ako."

"Okay ka na ba ngayon? Ready ng makipagsapalaran ang puso mo sa larangan ng pag-ibig?" Nanunukso ang ngiti niya.

"Kung bibigyan mo ako ng chance bakit hindi?"

"Sure ka na ba diyan? Baka naman pagkatapos nito eh bigla ka na naman magdisappearing act dahil nakuha mo na ang gusto mo sa akin."

"Nat," Inalis ko ang kanang kamay sa steering wheel at pinatong sa hita niya.

"Di ba sinabi ko na I enjoyed the time I spent with you?"

"Oo pero may mabigat na dahilan kung bakit mo ako tinawagan di ba?"

"Meron. Pero aaminin ko na nang pumayag ka na magkita tayo, I got excited."

"Bakit naman?"

Nagmenor ako dahil bumagal ang patakbo ng jeep na nasa unahan ko.

"I miss you." Sincere na sagot ko.

"Namiss mo pala ako pero hindi ka man lang nagtext?"

"Naunahan na kasi ako ng hiya. Tsaka di ka din naman nagmessage sa akin. Malay ko kung may iba ka ng ka-date?"

"Alam mo naman siguro na limited ang dating pool ng mga tulad natin di ba?"

"Tumango ako."
"Noong lumalabas tayo, I felt a connection with you. Kaya nga sobrang nanghinayang ako ng bigla ka na lang nawala sa ere."

"I felt the same way, Nat."

Hindi na siya nangulit.

Sinubuan niya ako ng natitirang French Fries habang nagnanavigate.

Ayaw niya gamitin ang GPS sa phone dahil kabisado niya ang lugar.

Pupuntahan namin ang rose farm ng kaibigan niya.

Gusto niya na makita ko mismo ang lugar kung saan galing ang mga bulaklak na pang-international ang quality.

Kinontak niya ang isa sa malaking suppliers nila ng flowers sa events management company kung saan siya nagwowork.

High school friend niya ito kaya it was easy for her to ask for a favor.

Si Nat din kasi ang naging matchmaker ng friend niya at ang napangasawa nito.

UNA ROSAWhere stories live. Discover now