Chapter 46-The Future Is Female

128 25 2
                                    










Hawak pa din ni Lola Aurora ang sulat ni Lola Francesca.

Hindi pa din niya ito binubuksan.

"Bakit hindi niyo po basahin ang sulat?" Tinuro ko ang sobre na kanina pa niya hawak.

"May saysay pa ba? Wala na si Francesca. Ako na lang ang nandito."

"Para po malaman ninyo ang sagot sa mga tanong niyo."

Inalis ni Lola Aurora ang sobre sa loob ng sando bag.

Nanginginig ang kamay na inangat niya ang flap at buong pag-iingat na hinila ang nakatuping papel sa loob nito.

Pinagmasdan ko ang mga mata niya na gumalaw mula kanan hanggang kaliwa.

Nang tumulo ang luha niya ay nag-alala ako.

Pero tahimik siyang umiyak habang patuloy na nagbabasa.

Hindi ako nagtanong kung ano ang nakalagay sa sulat.

Kung anuman ang nakasulat doon ay para lang sa kanya.

Pagbalik ni Cecilia ay nag-aalalang tinanong niya si Lola Aurora kung okay lang ito.

"I'm alright, hija. Hindi ko akalain na darating ang panahon na masasagot ang mga tanong ko."

"Who are you again?" Hinarap ako ni Cecilia.

"I'm Isabella. I delivered the flowers."

"You're quite the troublemaker. You couldn't just go to the front gate like everyone else?" Nakangiti siya at nabawasan ang kaba ko.

Hindi katulad ni Lexie na parang mangangain ng buhay, maamo ang mga mata ni Cecilia.

"Security is tight. They made us sign an NDA and took our phones."

"Seriously?"

"Yeah."

"Pagpasensiyahan mo na si Lexie. She has trust issues."

Kahit ngayon ko lang nakilala si Cecilia ay magaan ang loob ko sa kanya.

Maganda din siya tulad ng kapatid.

She has a small face, mestiza, matangos ang ilong at kutis porcelana.

But unlike Lexie whose eyes were dark and fierce, Cecilia's light brown eyes were warm and friendly.

"So, what's the fiasco about the letter?"

Binalik niya ang tingin kay Lola Aurora who clutched the letter with wrinkled hands.

"Naalala mo ba iyong time na sinabi mo sa akin na you think you're attracted to both boys and girls?"

"Opo, Lola."

"Francesca was my girlfriend."

Nagulat ako.

Kung si Lola ay hindi alam kung ano ang label na gagamitin sa relationship nila, here was Lola Aurora boldly revealing na girlfriend siya nito.

"You had a girlfriend?" Gulat pero nakangiting tanong ni Cecilia.

"Oo, hija. A long, long time ago. Dalawa nga sila eh."

"Oh my God!" Cecilia covered her mouth.

"Dang, Lola. You've got game."

Natigil ang pag-uusap namin nang bumukas ang pinto at pumasok si Lexie.

"Here," Hinagis niya sa akin ang robe.

I caught it by the sleeves.

Cecilia raised an eyebrow at her sister.

UNA ROSAWhere stories live. Discover now