Chapter 50-Una Rosa

206 25 1
                                    




Lola Francesca believed in second chances.

After reading the letter and learning of the struggles she went through, the belief had an even deeper meaning.

This was on my mind the day I unveiled the Una Rosa website.

In keeping with the theme, pink and white was our motif.

We followed Mommy's advice and made Ate Jocelyn the face of the online business.

Tinawagan ni Ate ang kaibigan niya na photographer.

Dahil professional ang pagkakakuha ng mga pictures ay glossy at pulido ang kinalabasan.

Ate's smiling face was included in the banner.

During the planning stage, we agreed that the site should project a fun and fresh look.

When we were searching for the shots that would complement the look, we chose the one with Ate Jocelyn wearing light make up, a pink cotton crew neck long sleeve shirt and one where she looked as if she was genuinely happy to be holding a white rose in one hand.

May kumpare si Kuya na IT at hindi na ito nagpabayad sa pagdedesign ng website.

Nag-inuman na lang sila at binigyan ko ng paborito niyang Jack Daniel's Whiskey pati din bouquet of red roses para sa asawa niya.

Labor of love ang nangyari.

Ang pinakagusto ko ay lahat kami nagcontribute hindi lang para sa mga ideas para sa website kundi pati mismo sa tindahan.

Nakilala ng family ko si Nat dahil tumulong siya sa pagrerepaint sa tindahan.

Kupas na ang pintura sa façade.

Imbes na magbayad kami ng magpipintura ay nagtulong kami ni Nat na gawin ito.

Tinanong ko kung okay lang sa kanya na makilala siya ng buong pamilya.

Ang una niyang tanong ay kung masungit si Mommy.

Oo ang sagot ko.

Ang sumunod na tanong ay ano ang hilig niya?

Dumating siya sa shop na may pasalubong na isang malaking box ng Lindt milk chocolates pati ang latest editions ng mga celebrity magazines.

Natuwa si Mommy at hinila pa si Nat sa isang sulok ng flower shop para magtsismisan sila.

Mahilig din pala si Nat sa mga trashy magazines.

Habang papalayo silang naglalakad ay nagtanong si Mommy kung mabait ba ako kay Nat?

Inisip ko na lang na magandang senyales na concern si Mommy sa approval ng girlfriend ko.

Sa kabila ng mga paghahanda ay may isang importanteng bagay pa ako na kailangan gawin.

Isang tao na malaking bahagi sa kasaysayan ng Una Rosa.

Gusto kong masaksihan niya ang pagbabagong anyo ng flower shop.

Pero ayokong masira ang nasimulan na magandang pagsasama ng aking pamilya.

Nahalata ni Mommy na parang balisa ako.

Siya na mismo ang nagtanong kung ano ang iniisip ko.

Sinabi ko sa kanya ang dahilan.

Kahit natatakot sa magiging reaksiyon niya ay gusto kong maging honest sa kanya lalo na at nakasalalay sa kanya ang tagumpay ng gusto kong gawin.

"Malaking bagay ang hinihingi mo sa akin."

"Alam ko po, Mommy. Kung ayaw po ninyo, I understand."

"Pag-iisipan ko. Okay lang ba sa'yo?"

UNA ROSAWhere stories live. Discover now