Epilogue

409 36 18
                                    

ANG WALANG HANGGANG TAG-ARAW


Sa tulad ko na matagal nang nabubuhay, ang mga araw ay pare-pareho na lang.

Ngunit naging makabuluhan ang paglipas ng bawat oras mula ng makilala ko si Isabella at ang kanyang pamilya.

Malugod na tinanggap nila ako sa kanilang buhay.

Nang inimbitahan ako ni Isa para dumalo sa launching ng online store ay hindi ako nagdalawang-isip na pumayag.

Matanda na ako at nabibilang na ang mga araw.

Kung hindi ko susunggaban ang pagkakataon ay maaaring mawala ang pag-asa na makilala ko ang anak ni Francesca at personal na humingi sa kanya ng kapatawaran.

Ngunit hindi na pala iyon kailangan.

Nang magkakilala kami ay nakita ko sa mga kanyang mga mata ang sinseridad.

Walang bahid ng pagkukunwari sa mukha niya.

Hindi niya ako sinisi o sinumbatan dahil sa nangyari sa kanilang pamilya.

Nang yayain niya ako na sumama sa family picture nila ay napagtanto ko na ang mga taon na puno ng sakit at pagdurusa ay dapat ng kalimutan.

Maikli lang ang buhay para sayangin sa galit at mamuhay sa sakit.

Regular na nagdadala sa akin ng mga rosas si Isabella.

Siya mismo ang nagdedeliver nito sa bahay.

Kung hindi siya abala ay nagkikuwentuhan kami sa likod bahay kung saan may hardin.

Namumukadkad ang mga rosas doon at pinapalibutan ng halimuyak ang paligid.

Kapag nasa bahay si Lexie o si Cecilia ay nagtatagal lalo ang kuwentuhan.

Natutuwa akong makita na kahit masungit si Lexie kay Isabella ay hindi naman apektado ang apo ni Francesca.

Kaya niyang sanggain ang mga pasaring ng aking apo.

Natural sa kanila ang mag-asaran ngunit nakikita ko na lihim na natutuwa si Lexie sa kanilang mga alaskahan.

Magkasundo naman agad si Cecilia at Isabella.

Maaaring dahil sa magka-edad silang dalawa at galing sa parehong henerasyon.

Inamin nila na kahit noong una silang magkakilala ay magaan na agad ang loob nila sa isa't-isa.

Tuwing Linggo pagkatapos magsimba ay diretso ako sa mausoleo upang dalawin ang mga namayapa.

Mula sa mga dalang rosas ni Isa ay lagi akong may bitbit para sa kanila.

Pink para kay Stella at dilaw naman para kay Francesca.

Ito ang kulay ng mga bulaklak na binigay ko sa kanila noong bago pa lang kami magkakilala.

Bukod sa bulaklak ay bitbit ko din ang journal na palihim na isinulat ni Francesca noong nasa California siya.

Regalo niya ito kay Isa ngunit minarapat niya na ibahagi sa akin dahil ang karamihan sa mga nakasulat doon ay tungkol sa akin.

Para kaming nagbabasa ng mga nobela dahil makulay ang mga kuwento.

May drama, comedy pati na rin action.

Maraming beses akong umiyak lalo na kapag nababasa ang mga masasakit na pinagdaanan ni Francesca sa kamay ni Pedro.

Hindi ko maiwasan na maalala ang mga pambubugbog ni Diego.

Isang malaking himala na nakaya ng mga katawan namin ang mga latay ng kamay at matitigas ng suntok ng aming mga asawa.

Dahil nakamit ko na ang kapatawaran na matagal ko nang hinihiling sa Diyos ay naging magaan ang aking pakiramdam.

UNA ROSADär berättelser lever. Upptäck nu