Chapter 32-Ang Usapin Tungkol Sa Pag-aasawa

124 22 0
                                    




Tatlong linggo mula ng huli kaming magkita ni Francesca ay bumalik siya sa tindahan.

Hindi ko siya agad napansin dahil karaniwan na pagkatapos ng misa ay maraming bumibili.

Nang makaalis na ang mga tao ay saka ko lang napansin ang isang babae na nakatalikod at pinagmamasdan ang hilera ng mga pulang rosas sa paso.

Nilapitan ko siya.

Si Francesca pala.

Isang linggo na pala siya sa Cavite.

Hindi siya agad nakapunta sa tindahan dahil sumama ang pakiramdammn niya at kailangan niyang magpahinga.

Mahigpit ang pagbabantay na ginawa ni Pedro dahil nag-aalala ito na baka bigla na lang siyang tumakas.

"Hindi ako sanay na nakahiga lang maghapon."

"Dahil lagalag ka?"

Natawa siya.

"Natandaan mo pala ang sinabi ko?"

"Oo naman."

Lumabas si Celeste mula sa maliit na silid kung saan nakatambak ang mga bulaklak.

Pinakilala ko siya kay Francesca.

Ngumiti ang kapatid ko ngunit nang may dumating na babae ay iniwan niyakami kaagad upang asikasuhin ang bagong dating.

"Pauwi ka na ba?"

"Sana. Bakit?"

"Nagugutom kasi ako. Ikaw?"

"Medyo. Ang haba kasi ng sermon ng pari. Muntik na ako makatulog." Pigil ang pagngiti niya.

Halatang nahihiya sa sinabi.

"Samahan mo ako. May lugawan malapit sa simbahan. Kumakain ka ba noon?"

"Oo naman. Ano bang akala mo?"

"Baka kasi pihikan ka sa pagkain."

"Hindi ano? Ang sabi nga ni Lola, hindi ako magugutom dahil hindi ako mapili."

"Sige. Kain tayo. Magpaalam lang ako kay Celeste."

Pinuntahan ko ang kapatid ko.

Naghabilin din siya na dalhan ko ng lugaw at nilagang mais pagbalik ko.

Bago umalis ay kumaway si Francesca kay Celeste.

Ang pagkikitang iyon ay nasundan pa ng maraming beses.

Naging madalas ang pagpunta niya sa tindahan pagkatapos sumimba.

Kahit hindi siya nagsasabi na darating ay naging ugali ko na lingunin ang pintuan.

Natuto akong umasa at magbakasakali.

Naaaliw ako sa piling niya at saglit na nakakalimutan ang pagod.

Noong una ay natakot ako dahil nanaig sa akin ang pananabik.

Pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Stella.

Matagal na siyang namayapa ngunit nakokosensiya ako na ibaling ang atensiyon sa iba.

Pilit kong sinasabi sa sarili na kaibigan lang ang turing sa akin ni Francesca.

Subalit habang lalong lumalalim ang pagkakakilala namin ay nahalata ko na malambing siya.

Malimit niyang hawakan ang kamay ko lalo na kapag nakikita niya na may mga mumunting sugat sa palad at daliri ko.

Nang bumalik siya sa tindahan ay may binigay siya sa akin.

Hand cream ang tawag.

Bilog at asul ang manipis na lata.

UNA ROSAWhere stories live. Discover now