UNA ROSA

By dirkyleo

8.9K 1.3K 67

A rose is still a rose. Or is it? When Isabella, the owner of Una Rosa, received an order for a thousand Dam... More

Chapter 1-Ang Nagambalang Pagtulog
Chapter 2-Good Samaritan
Chapter 3-Damask Roses
Chapter 4-Ang Pagbabalik
Chapter 5-Ang Huling Alas
Chapter 6-Calling All Angels
Chapter 7-Ang Hardin
Chapter 8-The Call
Chapter 9-The Ghost Comes Back
Chapter 10-Ang Pag-amin
Chapter 11-Tag-Araw Ng Dalamhati
Chapter 12-Praying For A Miracle
Chapter 13-Ang Pagdalaw
Chapter 14-Confessions Over Breakfast
Chapter 15-Confessions Over Breakfast Part 2
Chapter 17-The Muddled Mind & The Surprise Phone Call
Chapter 18-Ang Magandang Balita
Chapter 19-Sisters
Chapter 20-Ang Walang Hanggang Paalam
Chapter 21-The Call Of Doom
Chapter 22-Ang Mahiwagang Karamdaman
Chapter 23-The Invasion Of Privacy
Chapter 24-Twist Of Fate
Chapter 25-Ang Pagtatapat Ng Pag-Ibig
Chapter 26-The Date
Chapter 27-Ang Mapagbirong Tadhana
Chapter 28-Bagong Mukha
Chapter 29-A Rock & A Hard Place
Chapter 30-Kaibigan
Chapter 31-Ang Panibagong Yugto
Chapter 32-Ang Usapin Tungkol Sa Pag-aasawa
Chapter 33-Eskapo
Chapter 34-Unang Halik
Chapter 35-Ang Tanong Na Walang Sagot
Chapter 36-Ang Hindi Inaasahang Panauhin
Chapter 37-Crowded House
Chapter 38-Una Promesa Rota
Chapter 39-Unburdened
Chapter 40-Llama Vieja
Chapter 41-Last Minute Wishes
Chapter 42-The Letter
Chapter 43-The Unusual Mail Delivery
Chapter 44-The Best-Kept Secret
Chapter 45-Aurora & Isabella
Chapter 46-The Future Is Female
Chapter 47-The Words Of The Dead
Chapter 48-The Hard Decision
Chapter 49-United We Stand
Chapter 50-Una Rosa
Epilogue

Chapter 16-Ang Alok

145 26 0
By dirkyleo




Sa araw ng pagbalik ni Gabriela sa kumbento ay binigyan ko siya ng isang bungkos ng mga rosas.

Hiningi ko ito kay Doña Alba para ibigay sa Mama ni Stella.

Kahit hindi niya ako kilala ay gusto kong ipaghatid sa kanya na may isa pang taong nagdadalahamti sa pagkawala ng kanyang anak.

Mahaba ang biyahe kaya nilagay ko ang mga rosas sa isang garapon na may lamang tubig.

Sinigurado ko na ang mga tangkay ay nakababad para hindi maluoy ang mga bulaklak bago ito makarating sa destinasyon.

Tuwang-tuwa si Gabriela ng ibigay ko sa kanya ang mga rosas.

Ihahatid niya muna ito sa bahay nina Stella bago siya tumuloy sa kumbento.

"Siguradong matutuwa si Doña Patricia sa bigay mo." Nangilid na naman ang luha niya.

Pinaalalahanan ko siya na mag-ingat.

"Susulat ako kay Mama. Ipapaalam ko sa'yo kung ano ang sabi ni Doña Patricia."

Nagyakap kami at naiwan ako na nakatingin sa gilid ng kalsada habang papalayo siya.

Kahit mabigat sa kalooban ko na pumunta sa hardin ay hindi ko puwedeng pabayaan ang mga rosas.

Noong unang araw na tuluyan na akong gumaling ay mabigat ang bawat hakbang ko.

Ang hardin ay bahagi ng mga ala-ala ko kay Stella.

Kapag nagtatagpo kami sa gabi ay magkadikit ang mga balikat namin habang nakaupo sa bangko.

Dito siya unang nakakita ng bulalakaw.

Inudyukan ko siya na gumawa ng hiling.

Ang sabi ng matatanda ay magkakatotoo ito.

Ngunit nang tanungin ko kung ano ang hiniling niya ay ayaw niyang sabihin.

Sa kanya na lang daw iyon.

Baka kasi pagtawanan ko siya kapag nalaman ko kung ano ang hiling niya.

Kahit nangako na hindi ako tatawa ay wala siyang sinabi.

Hindi ko na talaga malalaman ang bagay na iyon.

Dinala niya sa hukay ang kanyang hiling.

Kapag nililinis ko ang hardin ay tumutulong din si Stella.

Minsan siyang napatalon nang pagbungkal niya ng lupa ay may lumabas na bulate.

Lalo ko pa siyang inasar dahil dinampot ko ang bulate.

Kumakawag ang malambot nitong katawan at animo'y nagpupumiglas sa pagkakahawak ko.

Tumakbo palayo si Stella.

Huwag na huwag daw akong lalapit dahil kung hindi ay sisigaw siya.

Nang makita na mangiyak-ngiyak na siya sa takot ay dahan-dahan kong binalik ang bulate sa lupa.

Nilapitan ko si Stella at inalo.

Humingi ako ng tawad.

Binalaan niya ako na huwag ko ng uulitin ang ginawa ko.

Hindi niya na ako kakausapin.

Gumawa din kami ng korona at nagkunwari na mga diwata sa mahiwagang mundo ng Tierra Rosa.

Si Stella ang nagbigay ng pangalan sa kaharian.

Kami daw ang nagbabantay ng mga bulaklak na nagbibigay buhay sa kaharian laban sa mga Langosta.

Ito daw ang mga insekto na naghahasik ng lagim sa Tierra Rosa.

Napalitan ang papel ko bilang namumuno sa mga Langosta para maging makatotohanan ang pagsasadula namin.

Hinabol ko silang dalawa.

Kapag nahuli ko ang isa ay pilit kong inaagaw ang korona na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan.

Tawa ng tawa si Stella kapag nahuhuli ko.

Malakas kasi ang kiliti niya sa tagiliran.

Pinapagalitan siya ni Gabriela kasi hindi dapat matawa kapag nahuhuli ng kalaban.

Baka isipin ng Langosta na gustong-gusto niya maging bihag.

Lalo lang inaatake ng pagtawa si Stella kaya nauuwi sa kilitian ang laro namin.

Paano ko siya makakalimutan kung ang isang tag-araw sa buhay ko ay puno ng kanyang ala-ala?

Dapat pa ba akong matuwa na alam ko na mahal niya din ako?

Ano pa ang saysay ng pagmamahal na iyon ngayong wala na ang taong dapat kong pag-alayan nito?

Minsan narinig ko na nag-uusap ang aking mga magulang.

May isa kaming kapitbahay na onse anyos pa lang ay umiibig na daw sa isang magsasaka na bente anyos ang tanda sa kanya.

"Pag-ibig ba na matatawag iyon? Ang bata pa niya? Ano ba ang alam niya tungkol sa mga bagay na iyan?" Halata kay Tatay ang pagkairita.

"Bakit tayo? Dose anyos lang ako nang magkagusto sa'yo?"

"Pero hindi naman ganoon kalayo ang agwat ng edad natin. Dose ka at kinse naman ako."

"Kahit na. Bata pa din naman tayo. Ano ang pinagkaiba sa kanya?"

"Ang pinagkaiba ay sobrang laki ng agwat ng edad nila. Puwede niya ng maging tatay ang lalake. Kung ako ang magulang niya ay babantayan ko siyang maigi para hindi siya mapagsamantalahan. Mahirap na."

Natigil ang usapan nila dahil sumulpot galing sa likuran ng kubo.

Bumalik sa ala-ala ko ang usapan nila.

Bata pa din naman ako.

Pareho kami ni Stella.

Ngunit alam ko na noong una ko siyang makita ay may nagbago sa akin.

Hindi ko ito maipaliwanag.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang sagot.

Ngunit batid ko na kapag kasama ko siya ay walang pagsidlan ang ligayang nararamdaman ko.

Isang linggo pagkabalik ni Gabriela sa Maynila ay nilapitan ako ni Doña Alba.

Hapon noon at dinidiligan ko ang mga bulaklak.

Napalingon ako ng marinig ang mga yabag niya.

May hawak siyang puting sobre at niyaya niya akong maupo sa bangko.

Babasahin niya ang sulat ni Gabriela.

Nasasabik na binitawan ko ang pandilig at tumabi ako sa kanya.

May mga bahagi ng liham na nilaktawan niya.

Kung anu-ano daw kasi ang hinihingi ni Gabriela na ipadala sa kanya sa kumbento.

Binanggit niya ang sinabi ni Doña Patricia tungkol sa mga rosas na binigay ko.

Ayon sa sulat ay nagandahan siya sa mga rosas bukod sa mabango at malambot ang mga talulot.

Kahit hindi niya ako kilala ay dama niya ang pag-aalagang ginawa ko sa mga rosas.

Masaya si Doña Patricia dahil hindi niya inaasahan na may naging kaibigan si Stella nang magbakasyon sa hacienda.

"Ang sabi pa dito ay gusto ni Doña Patricia na igawa mo siya ng tatlong bungkos ng mga rosas. Ibibigay niya ito sa mga kaibigan na nakiramay noong libing ni Stella. Babayaran ka niya."

"Po?"

Bakit kailangan niya magbayad?

Pinaliwanag sa akin ni Doña Alba kung bakit.

"Bihira lang kasi ang may ganitong klaseng rosas. Isa pa, sa Maynila, nagbabayad ang mga tao kapag gusto nila ng magandang bulaklak tulad nang binigay mo sa mama ni Stella."

"Ganoon po ba? Hindi puwedeng bigay lang?"

"Puwede naman." Tumawas siya.

"Pero alam ni Doña Patricia na pinagpaguran mo ang binigay mong bulaklak. Inayos mo ang mga rosas tapos sinigurado mo na may sapat itong tubig para manatiling sariwa."

Pinatong niya ang isang kamay sa balikat ko.

"May angking talento ka pagdating sa mga rosas at paghahalaman, Aurora."

"Ngunit paano ko po maibibigay sa kanya ang mga bulaklak? Hindi naman po sa akin ang mga rosas? Kayo po ang may-ari nito at hindi ko puwedeng ibenta kung hindi kayo papayag."

"Hindi mo pa naman ako tinatanong kung payag ako o hindi."

"Payag po ba kayo? Ibibigay ko po sa inyo ang bayad niya. Isa pa, hindi ko po alam kung magkano ang isisingil ko sa kanya. Hanggang dalawampu lang ang kaya kong bilangin."

"Marunong ka ng bumilang?" Nagulat siya sa tinuran ko.

"Opo. Tinuruan po ako ni Stella. Dapat nga po ituturo niya sa akin ang iba pero..." Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko.

May bumara sa dibdib ko.

"Kung gusto niya talaga bumili ng mga rosas, tutulungan kita."

"Sa inyo na lang po ang bayad kasi kayo naman po ang may-ari ng mga bulaklak." Nilibot ko ng tingin ang malawak na hardin.

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa'yo noong una kong makita na binuhay mo ang hardin?"

Tiningnan ko lang siya.

Hindi ko na kasi matandaan.

"Hindi ka yayaman kung libre ang serbisyo mo."

Gusto ko yumaman pero bago niya binasa ang sulat ay hindi ko naisip na may taong magbibigay sa akin ng pera kapalit ang mga bulaklak na ako mismo ang nag-alaga.

"Alam ko na bata ka pa pero nakikita ko sa'yo ang sipag at tiyaga. Kakausapin ko ang mga magulang mo."

"Bakit po?" Kinabahan ako bigla.

"Pag-aaralin kita."

"Ano po?"
"Hindi ko alam na marunong ka ng bumilang. Marunong ka din sumulat?"

"Konti po. Tinuruan din po ako ni Stella."

"Alam mo ang Abecedario?"

"Ano po iyon?"

"Ang alpabeto."

"Kaunti lang po. Di ko po masyado maalala kasi hindi ko naman masyado ginagamit. Binigyan po ako ni Stella ng kopya."

"Walang problema."

"Paano po ang hardin kapag nag-aral na ako?"

"Huwag mo silang alalahanin. Puwede mo pa din silang alagaan pagkatapos ng klase. Ang mahalaga ay unahin mo ang mga leksiyon."

"Paano po kung hindi pumayag si Tatay?"

"Ako ang bahala sa kanya. Ang tanong, gusto mo ba mag-aral?"

Masinsinan ang tingin na ginawad niya sa akin.

Kahit hindi ko alam kung papayag si Tatay, alam ko kung ano ang sagot ko.

"Opo."

Pag-alis ni Doña Alba ay hindi ako makapaniwala sa nangyari.

Nanatili akong nakaupo at tumingala sa kalangitan.

Sa isip ay kinausap ko si Stella.

"Isa kang malaking biyaya sa buhay ko."

Continue Reading

You'll Also Like

372K 14.4K 54
This is my fourth GxG story. Harley thinks that she is very unlucky in all things such us freedom, likes, decision and most especially love. Buong b...
152K 4.2K 52
Weiss Sandoval. A rich, powerful, bisexual, and such a gorgeous young lady. A seductive heiress of Mr. Van Sandoval a multi-billionaire businessman i...
246K 1.7K 5
She's strict . She's hot . She's my Professor and I secretly love her . _Farra Anica Feroso
CAPTIVATED By heaven

General Fiction

200K 6.1K 43
This is an LGBT themed story. ----- EMPIRE SERIES #1 Janine Yoona Dela Cruz Kimberly Carlos