UNA ROSA

dirkyleo tarafından

8.9K 1.3K 67

A rose is still a rose. Or is it? When Isabella, the owner of Una Rosa, received an order for a thousand Dam... Daha Fazla

Chapter 1-Ang Nagambalang Pagtulog
Chapter 2-Good Samaritan
Chapter 3-Damask Roses
Chapter 4-Ang Pagbabalik
Chapter 5-Ang Huling Alas
Chapter 6-Calling All Angels
Chapter 7-Ang Hardin
Chapter 8-The Call
Chapter 9-The Ghost Comes Back
Chapter 10-Ang Pag-amin
Chapter 11-Tag-Araw Ng Dalamhati
Chapter 12-Praying For A Miracle
Chapter 13-Ang Pagdalaw
Chapter 15-Confessions Over Breakfast Part 2
Chapter 16-Ang Alok
Chapter 17-The Muddled Mind & The Surprise Phone Call
Chapter 18-Ang Magandang Balita
Chapter 19-Sisters
Chapter 20-Ang Walang Hanggang Paalam
Chapter 21-The Call Of Doom
Chapter 22-Ang Mahiwagang Karamdaman
Chapter 23-The Invasion Of Privacy
Chapter 24-Twist Of Fate
Chapter 25-Ang Pagtatapat Ng Pag-Ibig
Chapter 26-The Date
Chapter 27-Ang Mapagbirong Tadhana
Chapter 28-Bagong Mukha
Chapter 29-A Rock & A Hard Place
Chapter 30-Kaibigan
Chapter 31-Ang Panibagong Yugto
Chapter 32-Ang Usapin Tungkol Sa Pag-aasawa
Chapter 33-Eskapo
Chapter 34-Unang Halik
Chapter 35-Ang Tanong Na Walang Sagot
Chapter 36-Ang Hindi Inaasahang Panauhin
Chapter 37-Crowded House
Chapter 38-Una Promesa Rota
Chapter 39-Unburdened
Chapter 40-Llama Vieja
Chapter 41-Last Minute Wishes
Chapter 42-The Letter
Chapter 43-The Unusual Mail Delivery
Chapter 44-The Best-Kept Secret
Chapter 45-Aurora & Isabella
Chapter 46-The Future Is Female
Chapter 47-The Words Of The Dead
Chapter 48-The Hard Decision
Chapter 49-United We Stand
Chapter 50-Una Rosa
Epilogue

Chapter 14-Confessions Over Breakfast

174 23 0
dirkyleo tarafından




Ang rose farm ay di hamak na doble ang laki kumpara sa pag-aari namin.

Nakita ko ito kinabukasan pagkatapos namin mag-almusal.

Bago kami pumunta doon ay nakausap ko ang mama ni Nat.

Doon ko nakita ang pagkakaiba ng relationship nila kumpara sa amin ni Mommy.

Hindi kami masyado nagkausap pagdating namin.

Kailangan niya ng magpahinga dahil maga-alas diyes na ng gabi.

Biniro ako ng mama ni Nat na kinabukasan na niya ako kikilatisin.

I found them in the kitchen when I woke up the next morning.

Malaki pero luma na ang kusina.

Dark brown at gawa sa old wood ang mga cabinet pero ang mga appliances tulad ng stove at refrigerator ay puti.

Puti din ang tiles ng lababo.

Sa gilid nito ay may refillable water dispenser.

Sa dingding ay may nakasabit na Last Supper at sa tapat ng lamesa ay may nakasabit na napakalaking kutsara at tinidor na yari sa kahoy.

Nakahanda sa bilugang lamesa ang almusal.

Nakapatong sa Lazy Susan ang umuusok pa na sinangag at muli rito ay humahalimuyak ang ginisang bawang.

Naghanda din sila ng piniritong danggit, hotdog, over medium sunny side-up eggs at sawsawan na cane vinegar with thinly sliced siling labuyo.

My mouth watered at the sight and smell of the delicious food.

Kumalam ang sikmura ko dahil hindi ako masyadong nabusog sa kinain namin nang nakaraang gabi.

Her mom, who insisted I call her Tita Marissa, was a tall and big lady with the biggest smile and the warmest personality.

She had curly light brown hair and wore bright red lipstick.

Tita wore a loose pink sundress.

In her arms were multiple green bead bracelets that made a dull beating sound when she shakes her arms.

She invited me to sit beside Nat then took the chair across from her.

"Ikaw pala ang nang-ghost sa anak ko?" Tanong niya agad pagkaupo ko.

"Po?" Nagulat ako sa kaprangkahan niya.

Uminit ang pisngi ko dahil sa pagkapahiya.

Pinipilit ni Nat na huwag tumawa pero hindi niya mapigil ang humagikhik.

"Alam mo, Isa, close kami ng anak ko." Sabi niya habang inaabot kay Nat ang mangkok na puno ng sinangag.

"Sinasabi niya sa akin ang lahat or at least that's what she told me."

"It's true, Ma. Kaya nga nalaman niyo na ghinost ako ni Isa di ba?"

Tiningnan ko sila.

Kahit uncomfortable ako ay halata naman na inaalaska nila ako.

Hindi naman kasi mukhang galit si Tita.

Si Nat naman ay tawa lang nang tawa.

Maybe this was a rite of passage? Or a baptism of fire?

Whatever it was they were doing, they looked like they're enjoying themselves at my expense.

Inabot ko ang baso na puno ng orange juice para uminom.

"Ibig bang sabihin nito ay kayo na ulit?"

I was just about to swallow the juice just in time for Tita to ask that question.

Hindi ko nalunok.

Sumala sa lalamunan at nabilaukan ako.

I coughed so bad that spit came out of my mouth.

Nat gently tapped my back and it took a while before the coughing seized.

"Ma, huwag niyo naman binibigla si Isa. Baka mamaya maging MIA na naman iyan?"

"Bakit nga ba bigla ka na lang hindi nagparamdam sa anak ko?"

Tiningnan ko muna si Nat bago sumagot.

Tinantiya kung ano ang sasabihin and how truthful I want to be lalo na at nanay niya ang nagtatanong.

I like Nat and enjoyed being with her.

But it was awkward because we reconnected less than 24-hours ago and here I am having breakfast with her and her mother.

If I want her to know me better, I have to start opening up.

"Ano po kasi, before I met Nat, I was with someone for seven years."

"First love mo?" Inabot sa akin ni Tita ang plato na may lamang itlog.

"Opo. We were together since high school."

"Anong nangyari?"

"Gusto niya po magfocus sa studies niya. She was in med school then."

"Ginugulo mo ba siya sa pag-aaral?" Sumandok si Tita ng sinangag at halos mapuno ang plato niya.

"Hindi po. At least I don't think I am. But she seemed to think differently so she broke up with me."

Tita let out a very long exhale.

"Kung iisipin, hindi naman natin masisi ang ex mo kung gusto niya talagang magfocus sa pag-aaral. Mahirap nga naman ang pagdodoktor. Ang masaklap nga lang ay pinili niya ang pag-aaral kesa sa'yo. Kaso hindi ko pa din maintindihan kung bakit ghinost mo si Nat?"

Nilingon ko ang anak niya na kain lang nang kain habang ginigisa ako ng mama niya.

"Hindi po kasi ako sure kung ready na ba ako ulit na makipagdate. Hindi ko din po magawang diretsahin si Nat kasi I don't want to hurt her feelings. Kaya po imbes na kausapin siya, I thought it would be better if I didn't return her texts. Baka if I ignore her, magets niya na I don't want to see her anymore."

"But that's just rude. I hate to think na ganito na ang mga kabataan ngayon. Ang daling mangdedma kahit you have your phones, your emails and social media."

"Kaya nga po nag-apologize ako sa kanya. She didn't deserve that."

"At pinatawad ka naman ng anak ko dahil magkasama kayo ulit?"

I turned and look at Nat who was just about to bite into the hotdog.

"Did you forgive me?"

"Kahapon pa di ba? Kung hindi eh sana wala ka dito."

Pagharap ko ay nakangiti sa akin si Tita.

"Alam mo, hindi iyan nagtatanim ng sama ng loob. Kaya nga iyong huling girlfriend niya na buti naman ay hindi niya na kinakausap," Bahagyang tumaas ang kilay niya, "kahit ilang ulit na siyang sinaktan, lagi niyang pinapatawad. Mabuti na lang at nauntog na siya sa wakas."

"Ma naman. Pati ba naman iyan dinaldal niyo pa?" Sumimangot si Nat.

Naintriga ako.

I have no idea about this ex of hers.

"Si Kit, five years din sila ni Nat. On and off. Pati ako napagod na sa walang tigil nilang drama. Daig pa nila ang mga teleserye at K-drama na pinapanood ko. Parang linggo-linggo, may bagong episode." Sumubo si Tita ng hotdog.

Ako naman, uminom ng kape habang si Nat ay double time sa pagnguya ng malutong na danggit.

"Pareho kayong guwapo. Pareho din kayong konyo." Natawa si Tita.

"Maikli ang buhok niya pero ahit ang gilid ng ulo at mahaba ang bangs. Maputi siya, singkit pero di tulad mo na mapungay ang mga mata at kakaiba ang kulay." Tumigil siya saglit at tinitigan ako.

"Totoo ba ang mata mo o contact lens iyan?"

"Ito po talaga ang mga mata ko. Namana ko po sa kapatid ni Lolo."

"Nakakabighani nga ang mga mata mo, Isa. Siguro ang daming nagkakagusto sa'yo dahil pansinin eh?"

"Hindi naman po." Uminit na naman ang mukha ko.

"Hindi daw." Sabat ni Nat.

Kinuwento niya ang babae sa elevator.

Natawa si Tita pagkatapos marinig ang nangyari.

"Pero balik tayo kay Kit. Maporma iyon. Ang mga damit, branded at mamahalin. Lagi ding mabango. Nang unang pinakilala sa akin ni Nat, naamoy ko hindi lang ang cologne kundi pati na din ang pagiging chickboy. Pero tulad ng laging sinasabi sa akin ni Nat, huwag daw akong judgmental. Kilalanin ko daw muna kasi mabait naman si Kit. Hindi naman daw lahat nang tomboy..."

"Lesbian, Ma." Pangwawasto ni Nat.

"Tomboy, lesbian, tibo, T-bird, pare-pareho lang iyan."

Sumimangot si Nat at tinusok ng tinidor ang hotdog.

"Noong una, very devoted sa anak ko. Kapag dumadalaw laging may dalang flowers para sa kanya. May pasalubong din sa akin kapag sinasama niya dito. Magalang din makipag-usap. Laging namomopo. Hindi ko narinig na kumontra iyon sa sinabi ko kaya nagduda ako kung sang-ayon ba talaga siya sa sinasabi ko o wala siyang sariling opinyon."

"Grabe ka naman, Ma."

"Huwag mo ng ipagtanggol dahil nakamove on ka na di ba?"

Pinigil ko ang tumawa.

Seryoso kasi si Tita.

"Kalaunan, hayan na. Lumabas na din ang tunay na ugali. Malimit silang mag-away kasi kapag kasama nito ang mga barkada, hindi maawat sa pag-inom at pagsusugal. Minsan hindi nakakapasok sa trabaho sa call centre kasi masakit ang ulo at katawan dahil magdamagan kung uminom. Buti nga at hindi nasisisante. Si Nat, maganda ang work ethic niyan kasi noong buhay pa ang ama niya, lagi siyang pinapangaralan na matutong magpahalaga sa trabaho. Kasi mahirap nga naman ang buhay di ba? Hindi naman kami mayaman. Nagkataon lang na masinop at marunong sa pera ang nasira kong asawa. Ako lang ang gastadora." Tumawa siya ng malakas.

"Ang pagiging pasaway ni Kit at pagiging sugarol ang ugat ng hindi nila pagkakaunawaan. Ang hindi ko nagustuhan ay nang pagbuhatan niya si Nat ng kamay."

"Talaga po? Palaban siya di ba?"

"Iyon na nga. Pinalaki namin siya na marunong magtanggol sa sarili. Na huwag pumayag na kinakaya-kaya ng kahit sino. Kaya nang makita ko ang pasa sa braso niya, naku. Muntik ko nang sugurin si Kit. Kung hindi lang ako pinigilan ni Nat eh nagulpi ko iyon." Naghahabol hininga si Tita pagkatapos magkuwento.

"Ikaw ba, Isa?"

"Ano po?"

"Baka nananakit ka din ha? Ngayon pa lang ay magsabi ka na. Ayokong mag-aksaya ng panahon ang anak ko sa'yo kung sasaktan mo lang siya."

"Hindi po. Mabilis nga po ako tumakbo kasi dati sa school, binubully ako ng mga higher year. Grupo sila ng mga babae at lalake. Kung hindi nila ako kinocorner sa CR, sa corridor naman kapag uwian na. I ran to get away from them."

Sabay sila nagbaba ng hawak na kutsara at tinidor?

"You were bullied?" Asked Nat.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

3.2K 105 13
Fearing that everyone might leave her too, Kome Lanuevo tried to live alone without depending on others. She cut the connection between her mother, s...
16.6K 420 61
Choosing LOVE over your PAINFUL PAST. Note: This story contains disturbing contents. If it might be a trigger on your part please DON'T READ IT.
71.6K 1.5K 42
HAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na sanang makita?