Escape Trilogy #1: Absconded...

By TheAmorist

5.8K 253 28

What if he's not done loving his past girl? More

Absconded with the Waves
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Rise

Chapter 29

111 7 0
By TheAmorist

"Ikaw? Akin ka ba?" Tinaasan ko siya ng kilay at nilabananang nakakapanghina niyang titig.

"I am yours. Sayo ako." Mariing saad nito at mas hinila ang muka ko palapit sa muka niya.

"You don't have a choice but to accept that I am yours."

"And you. Are. Mine." Sabi niya habang pinapatakan ng halik ang labi ko sa bawat salita.

"Demanding yarn?" Tukso ko at ngumisi.

"I'm not. I'm just informing you." He smirked back.

"Gutom na ako, kapre!" Tinulak ko ang muka niya palayo kaya nabitawan niya ang panga ko.

"Anong gusto kainin?" Tanong niya at hinapit ang bewang ko habang nag lalakad kami pabalik sa opisina.

"Gusto ko ng cake na may ketchup." Wala sa sarili kong sagot.

Nang lumabas yun sa bibig ko, nanubig ang bibig ko.

"Cake na may ketchup? What the fuck?!" Nandidiring utal ni Zion.

I pouted, "Mag tatanong ka kung ano gusto kong kainin tapos mumurahin mo ako." I said using my small voice.

"N-No, it's just that.. It's weird. You hate ketchup, and you'll partner it with cake? Ano nalang lasa non?" Sagot nito at binuksan ang pintuan ng opisina.

"Gusto ko yung Black Forest Gateau tapos may Heinz ketchup." Iniisip ko palang ay nag lalaway na talaga ako. Paano nalang kaya pag natikman ko na!

"Okay?" Sagot niya. Bumaling ako sakanya at nakitang kunot ang noo. Lumipat ang tingin ko kay Heaven na sinisipsip ang hinlalaki at nakatingin sa daddy niya.

Dumaan kami sa pinakamalapit na grocery at bumili ng ketchup. Pagkatapos ay pumunta kami sa isang restaurant na merong tindang Black Forest cake.

"Are you sure you'll eat that?" Curious na tanong ni Zion habang tinitignan akong lagyan ng ketchup ang cake.

"I'm sure!" Masayang sagot ko.

"Hindi kaya sumakit ang tyan mo dahil dyan?" Tanong niya pa.

"Hindi yan!" Sagot ko muli at sumubo.

Halos mapapikit ako sa sarap na nanuot sa bibig nang isubo ko ang cake. Sunod-sunod ang naging subo ko.

"Babe, slow down, please." Pakiusap ni Zion.

Umangat ang tingin ko sakanya at nakitang titig na titig ito saakin at hindi pa nagagalaw ang pagkain.

Pinulot niya ang tissue sa gilid at seryoso ang muka na pinunasan ang gilid ng labi ko.

"Thanks..." bulong ko at pinag patuloy ang pagkain.

"Three days from now is Heaven's 4th birthday." Aniya habang nginunguya ang karne.

Gulat akong tumingin sakanya, "Naalala mo?" Tanong ko.

"I-I.. no, I'm sorry."

"But, uhm, it's in my phone calendar. And the plan is in my notes. The 'No amnesia' Zion prepared everything actually."

"Ahh." Tumango ako nag nagpatuloy sa pagkain.

"Winter?"

"Oh?" Inangat ko ang kilay ko at sinalubong ang mata niya.

"Can I ask your help?" Nahihiyang tanong nito.

"With?"

"Can I ask you to be patient with me? Help me remember?"

"I promise you that I'm trying. I'm trying really hard" his eyes screams unreadable emotions.

"O-Of course..." sagot ko.

"Thank you." He breathe a sigh of relief and smiled.

Nag stay si Zion sa clinic hanggang matapos ang trabaho ko. Sabay kaming umuwi pero umalis ito nang masecure na niya kami sa bahay.

"Where are you going?" Tanong ko nang makahakbang sa hagdan.

"Please go to sleep. Pupunta lang ako sa ospital, I'll get my treatment." Lumapit ito saakin at pinatakan ng halik ang noo ko at noo ni Heaven.

Hinayaan ko siyang umalis. Nakatulog ako sa kahihintay sakanya kaya naman hindi ko na namalayan ang pagdating niya.

Nakatagilid akong natutulog nang maramdaman kong may sumisiksik sa pagitan ng hita ko.

I gasped and almost hit the person. Buti nalang naalimpungatan ako at nakitang si Zion lang.

Bagong ligo ito at amoy na amoy ang panglalaking amoy. Naka jersey shorts at walang saplot pangitaas.

"What are you doing?" I softly asked.

Paano ba naman kasi, sinisiksik niya ang ulo niya sa gitna ng hita ko. Humiga siya doon kaya naman pinipilit kong wag maipit ang ulo sa sa hita ko.

"Can I sleep here? I'm sorry but its lonely sleeping alone." Saad nito at mas siniksik ang ulo sa hita ko. Ang likod ng ulo niya ay nasa pagkababae ko na.

"Dito ka matutulog at balak mong sa gitna talaga ng hita ko mahiga?" I said and grab a chunk of his hair.

Naka panty shorts at sleeveless lang ako.

"I like your thighs." He snuggled himself more.

"Maiipit ka dyan pag dyan ka matutulog. Baka hindi ko mapansin." Sabi ko.

"Then squish my face with your delectable thighs." He looked up to see me and smirked.

"Dami mong alam," I chuckled.

Kinabukasan, nabulabog ang buong bahay dahil sa sunod sunod na ring ng doorbell.

Kailangan ko pang sipain si Zion para gulaw dahil ayaw na bumangon mula sa pagkakahiga sa pagitan ng hita ko.

"Okay. Okay, I'll get it." Inaantok na tumayo si Zion. Kinusot kinusot niya ang mata niya at inabot ang t-shirt niyang nakapatong sa upuan.

Sumunod ako sakanya pababa at nakitang si Autumn pala ang sumira ng umaga ko.

"Tanghali na! Aba't wala na kayong ginawa sa buhay niyo!" Malakas na sabi ni Autumn habang pumapasok ng bahay.

"Dude! Shut up!" Iritang utal ni Zion at sinara ang pinto.

At home na at home na umupo si Autumn sa upuan at nakangising tinignan kami.

"Napagod kayo kagabi 'no?" At nag taas baba ito ng kilay.

"I'll call Law." Inaantok na sabi ni Zion at nag lalad palayo.

"Ito! Hindi ka mabiro beh?!" Ani Autumn.

Tumawa ako at lumapit sakanya.

"Ano kailangan mo at nangbubulabog ka sa ganito kagandang araw?" Tanong ko at umupo sa tabi.

"Grabe ha! Nautusan lang ako ng mag-asawa na sabihin sainyo na mag babakasyon tayo sa Ilocos."

"Hindi daw sila tatanggap ng, No." agap nito.

"Okay." I puffed out air and leaned on the sofa.

"After Heaven's 4th month celebration, please." Saad ni Zion na kalalabas ng kusina at may dalang dalwang tasa ng kape.

Nilapag niya yun sa coffee table at agad namang kinuha ni Autumn ang isa.

"Salamat pre!" Autumn.

"Babe?" Inabot saakin ni Zion ang isa kaya agad ko itong kinuha.

"Thank you." And smiled.

"How's your brain Engineer?" Tanong ni Autumn habang sumisimsim ng kape.

"Little more push." He sat on the opposite sofa and placed his left foot above his right knee.

"How about you Doktora, pinapahirapan kaba nitong kalahi ng mga kapre?"

I chuckled and I heard made a tsking sound.

"Ayos naman." I answered.

"Ikaw! Kumusta ang buhay?" Tanong ko at ngumisi.

"May bagong peste sa buhay ko. Ang sarap tirisin!" Nanggigil nitong saad.

"Kagwapo namang peste non." I chuckled.

"Sino gwapo?" Biglang apila ni Zion.

"Dami, pre! Niretuhan ko nga ito model eh! Tall, dark and handsome." Tukso ni Autumn kay Zion.

"Lumayas ka sa pamamahay ko!" Tumayo si Zion mula sa pagkakaupo. Malakas naman natawa si Autumn at ganon din ako sa gilid.

"Ito na, lalayas na po." Tumatawang lumabas si Autumn.

Malakas na sinara ni Zion ang pinto at madilim ang muka na humarap saakin.

"Sino yang tall, dark, and handsome na sinasabi niya?" Seryosong tanong niyo.

Kumunot ang noo ko at pinigilang ang tawa. Pumamewang ito at kunot noo'ng tinitigan ako.

"Anong nakakatawa?" Madilim na tanong nito.

Lumapit ako sakanya at hinimas ang dibdib niya bago pinatakan ng masuyong halik ang gilid ng labi niya. Tinagilid nito ang ulo niya para maabot ng labi niya ang labi ko ngunit lumayo na ako.

"Seloso.." bulong ko at mahinang tumatawa. Nag lakad ako pataas ng hagdan at pumasok sa kwarto ni Heaven.

"Hi baby!" Naabutan ko itong gising na at sinisipsip ang hinlalaki.

Binuhat ko siya at agad niya hinilig ang kanyang ulo sa aking balikat, nakaharap ang muka niya sa leeg ko at patuloy parin sa pag sipsip.

Humarap ako sa pinto at naabutang nakahalukipkip si Zion at naka pamewang.

I silently chuckled and walk near him.

"Smile Mr. Axton, niloloko ka lang ni Autumn. Chill." At mahina akong tumawa.

"Well, Mrs. Axton... I just want to remind you that you're—"

"I'm yours." Putol ko sakanya.

"I know that. Now come on, ipag luto mo ako ng pancakes." I pat his chest.

Nag luto si Zion ng pancake at nang ilapag niya sa harap ko ang pagkain ko ay nilagyan ko ulot ito ng ketchup.

"Ketchup again?" Kunot ang noo na tanong ni Zion.

"Babe, we have chocolate and maple syrup. Those will taste better with pancakes." Aniya at nilapit saakin ang dalawang bote.

"Ayaw ko niyan. Ito gusto ko." At sinimulan ko na ang pag kain.

Since it's Sunday, we both don't have work. Ginugol namin ang araw para sa preperasyon ng 4th month birthday ni Heaven. Ngayong araw at bukas ang natitira naming oras para mag prepare.

Ayos naman na ang lahat dahil matagal na pala nacontact ni Zion ang mga organizers at ang venue.

Nang puntahan namin ang lugar, para namang kasal ang gaganapin dahil sa garbo nito.

Magaganap ito sa isang hardin, outdoor celebration. Ang naging theme ay violet, navy blue, and gold.

Mrs. Lilac Laurier Rose Azalée - Moncada. A famous Florist was the one who arranged the floral arrangements. Matagal ko na siyang kilala dahil dati na kaming nagkita because of a common friend. Hindi na ako nagtaka kanina nang magpakilala siya at hindi niya gamit ang apilyedo ng asawa niya. Hindi raw kasi bagay sa pangalan niya.

Napag alaman kong sobrang dami pala ang dadalo dahil uuwi ang angkan ng Axton mula Russia at ang Royal Family ng Ermesinda mula sa Spain. Idagdag mo pa na pupunta rin lahat ng Amor at sila mama.

"Axton's and Ermesinda's are flying tonight." Bilin ni Zion matapos nitong makausap ang ama.

"Parang natatakot ako." Ngumiwi ako at pilit na ngumiti.

"You don't have to. On my mom's side, they are quite chill. While on my dad's side, you might find them intimidating but they're fun." Hawak nito ang bewang ko habang nag lalakad kami palabas ng venue.

"Kevin called last night, he said that the whole family is staying in your family's ancestral house in Nueva Ecija." Sabi nito.

"Close na kayo non, ah! Akala ko pa naman si kuya Brayden ang magiging kaclose mo."

He chuckled, "Bakit naman?"

"Wala lang, may parang similarities kayo, eh." Bumaling ako sakanya at nakitang nakangiti ito at nasa sahig ang mata.

"Hmm? And what is that?" He glanced at me.

I shrugged, "Basketball player rin siya since elementary to college. He's also a tattoo guy. And same field kayo ng natapos na kurso."

"I can't remember them but I know your cousins are great people." He smiled softly.

"They are." I smiled back.

Sa araw ng celebration, sobrang kaba ko dahil buong pamilya na ni Zion ang makakaharap ko.

Naka white linen polo shirt at cream pants si Zion. Pinaresan niya ng Jordan 1 R.O.T.Y shoes ang damit niya at naka ayos ang itim niyang buhok palikod.

Naka suot naman ako ng sweetheart white puff sleeve dress na napapalibutan ng maliliit na Sunflower. Naka half-up, half-down ang itim kong buhok.

Habang si Heaven naman ay nakasuot ng violet dress na napapalibutan ng butterfly na disenyo. Ang skirt niyo ay maraming layers kaya lumolobo. Naka suot rin siya ng hair band na may mga maliliit na paruparo.

Ang mga kaibigan namin at sina mama at mga kapatid ko ang unang dumating. Maya maya ay unti unti na napupuno ang lugar.

Nagung smooth ang naging takbo ng event. Pinakilala ako ni Zion sa buong pamilya niya. Zion's dad's side of the family was indeed intimidating. Puro kasi lalaki, wala siyang pinsan na babae. Mga tita niya lang.

Naging malapit din ang pamilya ko sa pamilya niya. Avô and Avó are even planning a business with Zion's uncle, pinaka matandang kapatid ng daddy ni Zion.

The Ermesinda's were fun. I expected them to be the type of prim and proper and mighty high because they are Royalties but I was wrong. They're all greeted me and Heaven with wide smile. Ang kinatakutan ko ay ang lolo ni Zion sa side ng mama niya dahil tahimik at strikto ang muka. Patay na ang lolo't lola ni Zion sa side ng papa niya.

"Simula sa lolo ng lolo namin, wala pang naipapanganak na babaeng Axton kaya ganyan sila kasaya." Kwento bigla ni Zion sa tabi ko habang pinapanood namin ang pamilya niyang laruin at buhatin si Heaven.

"Our family called it, The Axton Curse." Kwento niya.

Bumaling ako sakanya, "Why?"

"Why Axton Curse?" Tanong niya at humarap saakin.

"Yeah," sagot ko.

"Yung lolo ng lolo ng lolo namin ay nangbabae. He cheated on his wife with a married woman."

"His wife was deeply hurt so she did everything to destroy everything he had."

"Pinabagsak niya ang kumpanya ng asawa niya at pinangalan sakanya ang lahat ng ari-arian nito. She was Family Lawyer. Pinakulong niya ang asawa niya at ang kalaguyo nito."

"Buntis noon ang asawa ng Great Great Great Grandfather namin pero nalaglag dahil sa sobrang stress."

"Babae ang dinadala niya at simula nung nalaglag ang bata, hindi na nasundan ng babae angkan namin."

"El Fuentes ang apilyedo namin ngayon kung tinuloy lang ng Great Great Great Grandmother namin ang pag papalit apilyedo ng kaisa isa nilang anak na tatay ng lolo namin."

"Hindi niya tinuloy dahil gusto niyang ang anak niya ang Axton na mag mamana ng lahat."

"Gulat na gulat nga silang lahat nung sinabi kong babae ang anak natin." He huskily chuckled.

"Zakhar, bakit ngayon lang ito pinaalam sa pamilya?" Matigas na tono na tanong ng tito ni Zion sa daddy ni Zion.

Matigas ang pananagalog ng mga Axton pero magaling sila sa lenggwahe. Ang panganay, Dmitriy Axton, ay nakapag asawa ng Pilipina at naninirahan na ngayon sa Russia. Ang pangalawa, Zakhar Axton, tatay ni Zion, ay nakapangasawa ng Espanyol. Ang bunso, Aleksander Axton, ay nakapangasawa ng Armenian woman at naninirahan na rin sa Russia. Ang pamilya lang ni Zion ang nandito sa Pilipinas.

"Better ask Zion kuya." Sagot ng tatay ni Zion.

"Why was this hidden? Did you cheat?" Kunot noo'ng tanong ng pinakamatandang Axton.

"I—" Binuksan ni Zion ang bibig niya.

"He didn't tito." Sagot ko. Hindi maalala ni Zion ang nangyari bago namin nakuha si Heaven. And he didn't really cheat because we were not a thing back then.

"He did kuya." Biglang saad ng tatay ni Zion.

Kumunot ang noo ni Zion at nag baba ako ng ulo.

"Hmm?" Bumaling ang matandang Axton kay Zion.

"Who? Who cheated? You Zion?" Tanong pa ng isang tito ni Zion. Kunot ang noo niya at seryoso ang muka. Pati ang mga tita niya ay nakakunot na ang noo at mukang galit. His cousins are all looking so serious. Nakapamewang ang dalawa niyang pinsan at seryosong nakamasid saaming gawi.

"He made the woman confused and insecure to another woman after treating her special. I consider that cheating." Sabat ng papa ni Zion.

"I know you can't remember as of the moment but I expect you to see me when your memories comes back, Zionel." Matigas at seryosong sabi nito kay Zion.

Takot na tumango si Zion sa tito niya. Bumaling ito saakin at ginawaran ako ng ngiti, ngumiti ako pabalik at pinisil ang kamay niya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
417K 11.6K 24
Isla Azul Series #1 (COMPLETED) A loving family is like a dream come true for Savine, but after spending all her life wanting the validation of her p...
31.2K 605 55
Shailyne Silvera grew up in pain and hatred. Lumaking magulo ang buhay at lumaking isang magaling na manunulat. Her family was broken because of the...