Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.6K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 61

17.8K 617 118
By IyaLee04

(LC) Chapter 61


Nakalabas ng hospital si Maya kinabukasan. Hindi na muna ako pumasok. Gusto kong magpahinga kahit isang araw kasi alam kong katulad nang mga nakaraan na araw ay ganoon naman din ulit ang mangyayari. Sa ngayon, siguro ay pumasok si Maya at kasama si Jax.

Ilang linggo lang iyon. Kahit hindi ako kumportable na isipin iyon alam ko na mas mabuti na ito kaysa sa ilang buwan na paghihintay hanggang sa manganak si Maya. Noong una pa lang ito rin naman ang sinabi ko kay Maya noon. Hindi ko kayang ipamigay ni Jax. Hindi ko rin siya gustong ipahiram pero ito lang ang nakikita naming tamang gawin sa ngayon.

Habang nag-iisip naramdaman ko ang pag-vibrate ng telepono sa suot ko, sa bulsa ng damit ko na nasa harapan. Dinukot ko iyon.

Unknown number:

Hi. This is Jace. I got your phone number to Irene. You are absent today and I don't know where you live.

Natigil ako sa pagpapakain sa manok. Kaysa isipin na magkasama sina Jax at Maya ay dito na lang ako nagtambay sa likod bahay at ito na lang ang ginawa ko. Humakbang ako sa maliit na kanal at ang kalabaw naman ang pinakain. Nang masiguro na nakakain na ang lahat ng mga alaga ay sumandal ako sa harang ng bakuran na mga pinagkabit kabit na nakahigang bamboo at saka nagtipa ng reply para kay Jace. Sa paraan kasi ng mensahe niya'y parang may kailangan siya sa akin. Hindi niya kukunin ang number ko kay Irene kung wala.

Me:

Malapit lang ang bahay ko sa school. Kung baguhan lang. Malalayuan ka kung lalakarin mo. May kailangan ka ba?

Pinatay ko ang screen ng phone. Umikot ako. Humarap ako sa tahimik na maliit na taniman dito. Mayroon mga puno sa harapan ng bahay at mayroon din dito sa likuran. Madamo na ang ibang lugar rito pagkatapos ng mga tanim namin na gulay. Umihip ang hangin sa aking mukha. Hinangin din ang buhok ko na nasa aking balikat papunta sa aking likuran. Ang mga braso ko ay ipinatong ko sa hanggang dibdib ko na bamboo habang naghihintay sa reply ni Jace.

Unknown number:

Yayayain sana kita sa manggahan. Naipasa ko na ang proposal ng project at aprubado na kaya pwede na nating simulan.

Isinampa ko ang isang paa at inapak iyon sa isa sa mga nakahigang bamboo. Binago ko muna ang pangalan niya sa phonebook bago muling nagtipa.

Me:

Ngayong araw? Anong oras ba? Sabihin mo na lang kung saan sa mga manggahan ng Valiente para ako na lang ang pupunta.

Pagkareply niya kung saan, sinagot ko siya na papunta na ako. Pumasok ako sa bahay at nagbihis ng tamang damit para magtrabaho sa manggahan. Nagpula akong long sleeve checkered polo na stripe at itim na leggings. I folded the polo sleeve up to half of my forearms. Ang paa ay sinapinan ko lang ng maayos at kumportable na sandalias. Hiniram ko ang sumbrero ni nanay at saka lumabas.

Hindi na ako nag-abala na maghintay ng tricycle. Maging ang mga driver kasi ay may ibang tingin sa akin at hindi ko gusto iyon. Hindi na ako nabibigla na may galit sila sa akin lalo at ang karamihan sa kanila ang mga ipinapasada na tricycle ay pag-aari ng pamilya ni Maya.

Pumasok ako sa malaki at mataas na gate. Nakabukas ito at maraming tauhan ang napalinga sa akin nang pumasok ako. Amoy na amoy ang mabangong amoy ng mga hinog na mangga. Natapatan pa yata namin ang araw ng harvest. Malalaking basket ang dala ng mga tauhan ng Senyora. Pagkatapos lagpasan ang ilang puno ay natanaw ko si Jace na kausap ang ilan sa mga tauhan. Nagsisimula na siya at tumutulong na samantalang ako'y kararating pa lang.

"Hi," nahihiya na bati ko pagkalapit.

Napalingon sa akin si Jace. Binaba niya ang puno ng mga mangga na basket. Nagpagpag siya ng kamay habang tumatayo at tinitingnan ako. Nakaawang ang labi niya na taas babang tiningnan ang aking suot. Tumigil iyon sa aking suot na sumbrero bago bumaba sa aking mata. Ngumiti ako at mas lumapit upang makatulong.

"Pasensya na naglakad lang kasi ako," inunahan ko na ng dahilan.

Yumuko ako at tumulong maglipat ng mga mangga sa kabilang basket. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko ngunit nakigaya lang ako sa iba. Sa pangatlong mangga ay hinawakan niya ang pulso ko. Natigilan ako at naigilid ang mukha. Katabi ko na siya. Nakangiti siya at tila gusto akong tuksuhin.

"Hindi iyan diyan," mahina siyang natawa. Pinamulahan ako.

Wala yata akong maitutulong at mukhang mas makakaabala pa ako sa halip na may maitulong sa kanila. Nahihiya kong kinagat ang ibabang labi ko at binitiwan ang hawak na mangga. Pagbalik ko ng tingin sa kanya. Nasa aking labi ang kanyang mata. Nang humarap ako saka lang muling umakyat sa mata ko iyon. Salitan niyang tiningnan ang mata ko. Nasundan ko ng tingin ang gumalaw na lalamunan niya at pagbasa niya sa kanyang mga labi. Inalis niya sa akin ang kanyang mata at itinuon sa mga mangga.

"Hindi pa ito mga hinog kaya dito sila," hinawakan niya ang gilid ng basket ng pinakialaman ko kanina. Kumuha siya roon ng isa. "Tingnan mo ito. Kulay green pa ang balat. Kapag ganito hindi pa ito matamis."

Inabot niya sa akin ang isang mangga. Kahit humahalimuyak ang amoy ng mangga hindi nakatakas sa ilong ko ang pabango niya. Mas matapang ang kay Jax ngunit masarap din sa ilong ang kanya.

"Gusto mong tikman? Para malaman mo ang pagkakaiba ng lasa nila?"

Napatango na lang ako. Hindi ako mahilig sa mangga kahit maraming tanim dito. Hindi rin naman ako nagagawi sa mga taniman ng mangga. Tumayo siya at lumapit sa isa pang basket. Sobrang dilaw ng mga naroon. Pinagmasdan ko siyang pumili ng isa. Naka-itim siya na round neck tshirt. Nakapantalon na maong at sapatos. Nagbaba ako ng tingin sa damit ko. Para lang akong mamamasyal dito. Nakalabi ako nang lumapit siya. Sinulyapan niya ang labi ko bago itinaas ang kanyang kamay upang ipakita sa akin ang hinog na mangga.

"Matamis ito," nakangiting sabi niya at tinalupan ito gamit ang kanyang kamay.

Nang mabalatan niya ang kalahati nito'y inilapit niya ito sa bibig ko. Nahiya akong kumagat ngunit ginawa ko na lang dahil inaabangan niya akong kumagat. Nakatingin ako sa kanya nang buksan ko ang aking bibig. Pagkatama ng dila ko sa mangga matamis kaagad ang nalasahan ko. Hinawakan ko ang braso niya upang ilayo ang mangga sa aking bibig at mahila ang kinagat ko na parte.

"Matamis? Masarap?" Nakangiti siya.

Tumango ako. Tiningnan ko ang malaki kong kagat sa mangga. Ngumiti siya. Tumalikod siya para kumuha ng isa pang mangga na hindi pa masiyadong dilaw. Ngunit bago iyon ay nakita ko siyang kumagat sa parte na kinagatan ko sa mangga. Dalawang beses siyang kumagat ng malaki saka inipit ang buto nito sa ngipin niya dahil parehong may ginagawa ang kanyang kamay.

Nakatingin ako sa kanya habang pumipili siya ng mangga sa kabilang basket. Pagkatayo niya ay muli siyang lumapit sa akin. Pinag-initan ako ng mukha. Nasa bibig niya ang mata ko kung saan naroon ang mangga. May laway ko na iyon pero sa palagay ko hindi naman malaking bagay sa kanya iyon kaya hinayaan ko na at hindi na binanggit.

Binalatan niya ang isang mangga at inabot sa akin iyon. Wala sa sariling kumagat ako roon. Napapikit ako at muntik na iyon mailuwa. Malakas siyang humalakhak na umagaw sa atensyon ng lahat. Napunta sa amin ang mata ng mga trabahador nila.

"Hindi na kita tatanungin kung ano ang pinagkaiba. Kitang kita na sa mukha mo." Humalakhak siya at ginaya ang mukha ko na nangasim. Sumimangot ako.

Nagsimula na kaming magtrabaho. Ang mga hindi niya alam ay itinatanong niya sa mga tauhan. Mayroon akong dalang ballpen at papel. Nagno-note down ako. Samantalang si Jace ay isang sabi lang sa kanya tanda niya na agad. Kasundo niya kaagad ang mga tao. Minsan natutulala ako at napapatitig sa kanya. Inoobserbahan ko siya. Matalino ang kilos niya. Kada galaw ay pinapagana ang utak. Nakakamangha. Kada hakbang alam niya ang ginagawa niya o siguro dahil gusto niya ang ginagawa niya kaya ganyan. Nakita siguro ito ng Senyora sa kanya kaya balak na ipamahala sa kanya ang ilang bahagi ng lupain na pagmamay-ari nito.

"Matagal na kayo ni Jax?" Biglaang tanong niya nang magtagal.

Tumulong na rin ako sa pagbubuhat. Sinaway niya ako dahil mabigat na tinawanan ko. Kaya nga ako narito para tumulong at magtrabaho hindi para tumunganga. Sa tuwing maraming laman ang binubuhat ko nakatakbo siya sa akin para tulungan ako. Ang ginawa na lang tuloy namin ay kada magbubuhat tuwang kaming dalawa at nasa magkabilang dulo ng basket.

"Bago pa lang..." sagot ko.

"Hmm..." Tumango-tango siya. "Wala pa siyang isang taon dito, hindi ba? Ilang buwan na kayo?"

"Isang buwan."

Ngumiti ako. Hindi niya ibinalik ang ngiti ko bagkus ay bumuhat ulit ng panibagong basket. Lumapit ako at tumulong sa kanya. Tahimik siya sandali bago nagtanong ulit.

"Wala kang balak na hiwalayan siya?" Abala siya habang nagtatanong. Pagkababa sa basket, nilingon niya ako.

"Huh?" Tiningnan ko siya sa mata.

"I mean... nakabuntis siya ng iba at..."

Tumigil siya. Nag-iwas siya. Umiling siya at tinalikuran ako dala ang isang basket. Nagbuhat ako ng mas maliit na basket at sumabay sa kanya.

"Hindi pa naman sigurado iyon."

Sinagot ko ang sinabi niya dahil naintindihan ko ang ibig niyang sabihin kahit hindi niya itinuloy. Nilingon niya ako. He may be curious about my relationship with Jax. Pagkarating niya pa lang kasi sinalubong na siya ng tungkol sa amin ng pinsan niya. Hindi pa iyon magagandang balita.

"Paano kung anak niya nga?"

Nagkibit balikat ako. Hinintay niya ang sagot ko.

"Tatanggapin ko. Nakabuntis naman siya na hindi pa kaming dalawa kaya hindi niya ako niloko. Kung ginawa niya iyon sa loob ng relasyon namin, hindi ako sigurado kung matatanggap ko. Siguro hindi? Kasi sa tuwing makikita ko ang bata ang maaalala ko ay ang panloloko ni Jax sa akin."

Nag-isip ako sandali. Kung ganoon ang mangyari hindi naman kasalanan ng bata. Kaya lang bunga iyon ng panloloko niya. Siguro sa una mahihirapan akong tanggapin pero sa huli kung mahal ko si Jax at mangako siya na hindi na uulitin at makikita ko na nagbago siya ay matatanggap ko rin? Hindi ko na binawi ang sinabi ko kay Jace. Nakakahiyang aminin pero kung mangyayari man. Siguro magiging martir akong asawa? Kung ginawa niya nang una at naulit sa palagay ko roon pa lang ako matatauhan at hindi na makakapagpatawad.

Pawisan na kaming pareho ni Jace nang may mga dumating na tauhan at tinawag ang mga kasama, kasaman na rin kami. May mga box silang dala. Nang buksan, natanto ko na mga pagkain iyon na pagsasalu-saluhan.

"Senyorito! Nagpadala po si Senyora! Kumain daw po muna tayo!"

Nagkatinginan kami ni Jace. May buhat na kaming pareho at papunta na sa labas para ikarga sa sasakyan ang mga mangga. Ngumisi siya sa akin. Ibinaba niya ang dala niya at inagaw sa akin ang dala ko. Binaba niya rin iyon. Tumayo siya ng maayos.

"Narinig ka yata ni Lola?" Tinaasan niya ako ng kilay. Napatawa ako. Karereklamo ko lang kasi na nagugutom na ako. Balak ko na nga sana bumawas sa mga binubuhat naming mangga.

Pagkalapit sa pagkain, napaiwas ako at napalayo ng kaonti kay Jace nang maghubad siya ng tshirt. Sinabit niya ang basa niya na ng pawis na tshirt sa isa niyang balikat. Kumuha siya ng pinggan at inisa isa ang mga pagkain. Normal naman ang galaw niya pero ang ibang mga babae patago nang napapatitig sa katawan niya. Mas gusto pa yata siyang kainin ng mga ito kaysa sa mga pagkain na nasa mesang kahoy. Tumikhim ako. Lumapit ako sa kanya nang makabawi sa paghuhubad niya. Paabot ako ng papel na pinggan nang ilapag niya ang pinggan na puno ng pagkain sa kamay ko.

"Sayo ito. Kumain ka na," aniya at kumuha ng panibagong pinggan upang lagyan ng kanya.

Napatitig ako sa pinggan. Puno iyon ng lahat ng pagkain na narito. Masiyado itong marami. Umawang ang labi ko. Sinundan ko ng tingin ang kamay niya habang kumukuha siya ng pagkain niya.

"Ah... Salamat..." Hindi na ako nakatanggi. Ipinatong na niya sa kamay ko, e. Kung makikipagtulakan pa ako baka makatapon pa kami ng pagkain.

Umupo ako sa pahabang upuang kahoy sa ilalim ng puno ng mangga na pahingahan doon. Dito ako kumain. Nasa likod ko ang mga basket. Nang matapos si Jace sa pagkuha ng sariling pagkain, gumalaw ang ulo niya para hanapin ako. Nagtama ang mga mata namin. Ngumiti siya't tumabi sa akin.

"Ang dami ng kinuha mo," natatawang reklamo ko. Nakailang subo na ako ngunit ganoon pa rin ang dami. Hindi nababawasan.

"Ubusin mo iyan. Ang sabi mo gutom ka," inabutan niya ako ng nakaboteng tubig.

Kinuha ko iyon at itinayo sa gitna namin. We ate quietly. Mahangin at ang pawis ko sa mukha'y natuyo na. Magana akong kumain. Sa tagal kong ginutom ang sarili ko ngayon lang ulit ako nakakain ng marami. Madalas wala akong gana lalo sa bahay kapag mag isa. Ngayon kasi marami kami at pagod ako at gutom kaya sa kasusubo ko hindi ko na namalayan na naubos ko na ang pagkain. Sa tuwing napapatingin ako kay Jace, natatawa siya sa akin.

"Bakit?" Walang alam na tanong.

Nailing siya at natawa lalo. He looked down at my plate, when he looked me in the eye, he grinned. Nagbaba ulit siya ng tingin sa pinggan ko at muli akong tiningnan sa mata. Ngumisi siya. Tatlong beses niyang ginawa iyon bago ko siya nahampas sa braso.

"Bakit?" Natatawa ko nang tanong.

"Naubos mo lahat iyon?" Tukoy niya sa pinggan ko na ilang subo na lang ang natira.

"Sayang kasi kung magtitira ako! Ikaw ang naglagay niyon kaya bakit ngingisi ngisi ka diyan!"

"Dinamihan ko pero hindi ko akalain na mauubos mo iyon. Kaya nga kaunti lang ang kinuha ko sa akin para kakainin ko na lang sana kung may matira ka at hindi masayang-"

"Hindi ko rin ibibigay sayo kahit may matira ako! May laway ko na ito! Kanina 'yong mangga na kinagatan ko may laway ko na pero kinain mo pa!"

Natawa siya ng malakas.

"Masarap naman. Matamis..."

Hinampas ko ulit siya na natatawa. Nagtawanan kami. Nilapag ko ang pinggan sa gitna namin sa tabi ng tubig. Kinuha ko ang tubig at binuksan. Uminom ako. Nasa mga dahon ng puno ang tingin ko. Hindi na gaanong mainit ang araw. Hapon na.

"Senyorito, kain po kayo."

Nakatingala ako at umiinom nang marinig ko iyon. Naibaba ko ang bote ng tubig. Nilingon ko ang nagsalita. Nagtaka lang ako kung sinong kausap niya gayong nandito sa tabi ko si Jace at kumakain. Nasagot iyon nang marinig ko ang sumagot sa likuran.

"Busog ako," walang gana at walang kasing lamig ang boses nito.

Naibaba ko ang bote ng tubig sa upuan. Nilingon ko ang aking likuran kung saan nanggaling ang boses. Naroon si Jax at wala na ring suot na tshirt. Nagkatinginan kami. Walang emosyon at walang kahirap hirap niyang binuhat ang malaking basket na punong puno ng mga mangga. Parang hindi niya ako kilala at sa halip ay masungit lang siyang tumalikod kahit nakita niyang nakatingin ako at nakita siya.

Nasa balikat niya ang basket. Ang mga kamay niya ay nakataas at alalay iyon. Nakatingin ako sa kanyang likuran habang mabibigat ang mga paa niyang naglalakad palayo. Naglalabasan ang mga muscle at mga ugat niya sa braso at likod. Hindi ko alam kung kanina pa ba siya nagbubuhat pero may naririnig kasi akong galabog kanina sa likuran na hindi ko pinapansin at akala'y mga tauhan lang. Niyuko ko ang mga basket. Marami pa iyon bago kami kumain ni Jace. Kakaonti na lang iyon ngayon.

Tumayo ako at sinundan si Jax. Tinanong ni Jace kung saan ako pupunta pero hindi ko na siya sinagot. Naabutan ko si Jax sa pick up. Nasa tabi ng sasakyan ang maraming basket. Inipon niya yata rito bago niya iakyat.

"Kanina ka pa?" Mahinang tanong ko. Nasa likod niya ako.

Hindi niya ako nilingon. Siguro hindi niya alam na sumunod ako dahil masiyado siyang naka-focus sa mga binubuhat na mangga. Mahina rin ang boses ko. Lumapit ako sa gilid ng pick up. Kahit maaari na akong makita ng mata niya hindi niya ako sinulyapan.

"Kanina ka pa?" Mas malakas na ulit ko dahil baka hindi niya narinig ang una.

Tuloy tuloy siya sa pagbuhat. Walang ekspresyon sa mukha. Lumapit ako sa pinto ng pick up sa likuran para mas mapalapit sa kanya at makita na niya. Halos nasa harapan na niya ako. Ito siguro naman makikita na niya ako.

"Kanina ka pa, Jax?" Pangatlong ulit ko.

Binuhat niya ang dalawa pang basket. Nang wala na siyang bubuhatin saka niya pa lang ako nakita. Napatayo ako nang tuwid nang gumawi sa akin ang mata niya. Mabilis ang paghinga niya dahil sa pagbubuhat o dahil sa ibang dahilan? Kasi nakuha ko nga ang atensyon niya at narinig na ako pero matalim naman niya akong tiningnan.

"Bakit? Hindi mo alam? Hindi mo alam na kanina pa ako sa likuran mo? Sa sobrang saya mo hindi mo na ako naalala?"

Tinaas ko ang kamay ko. Napasuklay ako sa buhok ko na malapit sa aking tenga. Paulit ulit akong napakurap. Kanina pa siya? Narinig niya ang pag-uusap namin ni Jace? Walang laman ang tawa niya nang hindi ako makapagsalita. Nakangisi siya't masama at puno ng hinanakit ang tingin sa akin.

"Paano mo nga naman ako maaalala kung kasama mo si Jace? Are you so happy while with him that you haven't even been able to check my messages?"

Tumatagos sa kaluluwa ko ang mga mapait at galit na salita niya. Kinagat ko muna ang ibabang labi ko bago nagsalita.

"Jax, hindi ko nadala ang cellphone ko... Nag... nagbihis kasi ako kanina... Naiwanan ko sa kwarto-"

Napapikit ako at napatalon sa gulat sa sobrang lakas ng pagtulak niya pasara sa pinto ng pick up sa likuran. Kung naroon ang kamay ko sigurado na ang pagkaputol ng mga daliri ko. Nanatili sa akin ang nakakasugat na mata niya. Umigting ang panga niya. Naghihilahan ang mga kilay at nanliliit ang mga mata niya sa galit.

"Kasama ko sa school si Maya! Masama ang loob ko habang kasama siya! Samantalang ikaw dito nakikipagtawanan pa!"

Hindi na ako nakaimik dahil tumataas na ang boses niya. Sumikip ang dibdib ko. Binalikan ko ang buong araw na magkasama kami ni Jace. Nalibang ako roon at gumaan ang loob. Gusto ko lang naman maiwasan na maisip na magkasama sila ni Maya. Ayokong magbago ang isip ko dahil alam ko na para sa amin ang ginagawa niya kaya kailangan niyang siguraduhin ang kaligtasan ng dinadala ni Maya.

"Okay lang sa akin na masaya ka! Mas gusto ko iyon! Pero sana man lang naalala mo ako, Clementine! Hindi 'yung kapag masaya ka nakakalimutan mo ako! Pagod na pagod na ako sa pag-iisip pagkatapos malalaman ko nagkakainan kayo ng mangga?! Siya pa ang kumuha ng pagkain mo?! Ano ka niya? Girlfriend?!"

"Jax-"

Umiling siya sa tangka kong paglapit at pagpaliwanag. Pinadaanan niya ng dila ang labi niya at umiling ulit. Pinamulsa niya ang nakakuyom niyang mga kamay at bagsak ang balika't na nakatayo.

"Let's not talk today. I'm at my limit now. I don't want to shout at you."

Dismayado siyang umiling. Namula ang mata niya at gumalaw ang panga. Naglakad siya papunta sa driver seat at nilagpasan ako. Napalayo ako sa pick up nang i-start niya ang sasakyan. Malungkot ko siyang tiningnan sa salamin. Nagtama ang mga mata namin sa side mirror. Galit siyang nag-iwas at pinaharurot ang sasakyan paalis.

Hindi na ako bumalik sa loob. Ang ballpen at notes ko hindi ko na nadala nang umuwi ako. Nagsabi na lang ako kay Jace. Aniya'y dinala niya ang ballpen at notes ko at ibibigay na lang bukas. Naglinis ako ng katawan. Pagkadapa sa kama'y binuksan ko ang cellphone ni Jax. Sa kamamadali'y hindi ko naalalang isipin ito. Papel at ballpen lang ang nadala ko. Wala kasi akong dalang bag at walang bulsa sa damit. Marami siyang messages at missed calls. Pinatay ko ang screen. Pinatay ko ang ilaw. Pinilit kong matulog dahil pagkatapos gumaan ng loob ko kanina'y bumigat na naman ngayon.

Nasa gitna ako ng panaginip nang magising sa walang humpay na pag-vibrate ng cellphone. Nasa panaginip pa ang kalahati nang utak ko nang kapain ko ang telepono. Hindi ko tiningnan ang caller ng sagutin ko iyon. Hindi ako nagsalita. Tahimik ang nasa kabilang linya kaya muntik na ulit akong makatulog at mabitiwan ang telepono kung hindi siya nagsalita.

"Clementine..." mahina at halos pahinga lang iyon na binitiwan ng nasa kabilang linya.

Nakapikit ako. Ilang segundo bago ko nabosesan ang nagsalita. Napapaos na boses ni Jax ang narinig ko. Napadilat ako at sinalubong ang aking mata ng dilim ng kwarto. Inalis ko sa aking tenga ang cellphone para makita ang oras. Nasilaw ako sa liwanag. Alas tres na ng madaling araw. Binalik ko iyon sa tenga ko.

"Anong oras na bakit gising ka pa? Hindi ka pa natutulog?" Paos at antok pa ring tanong ko.

"Hmm," he hummed a yes. "Hindi ako makatulog..." Tumigil siya at huminga ng malalim. "You were sleeping? Did my call wake you up?"

"Okay lang. Pwede naman akong matulog ulit. Matulog ka na rin. Anong oras na. Bukas na tayo mag usap-"

"Nasa labas ako ng bahay niyo... pwede ba labas ka sandali?" Mahina at tunog pakiusap ang huling tanong niya.

Tuluyan nang nagising ang diwa ko. Nilayasan na ako ng antok. Parang may lumalamutak sa puso ko sa bilis ng pintig. Napaupo ako. Narinig ko pang nalaglag sa sahig ang unan.

"Ha? Nasa labas ka? Saan ka sa labas? Ayaw mo pumasok?"

Natataranta akong bumaba sa kama. Nagkapatid patid ako sa pagmamadali na buksan ang bintana. Pinaliit ko ang mga mata ko at nakita siya sa dilim kung saan siya nagtatago noon sa tuwing pinupuntahan niya ako ng gabi dahil kulang sa kanya ang oras namin sa umaga. Kung hindi umilaw ang telepono niya hindi ko siya makikita.

"Hindi na. Wala ang mga magulang mo. Ayokong pag-isipan ka nila ng masama kung may makakakita na lumabas ako sa bahay niyo."

"Sige! Ako na ang lalabas! Hintayin mo ako diyan!"

Pinatay ko ang tawag. Pagkapatay, bumungad sa akin ang ilang messages niya. Tinatanong niya kung gising pa ako. Tinatanong kung nagalit ako. Napanguso ako. Ako ang may nagawa. Siya ang galit kanina kaya bakit ako ang tinatanong niya nito.

Marahan ang naging paglabas ko. Sinigurado ko na walang magigising na kapitbahay. Malabo ang ilaw ng poste at malayo rito kaya madilim. Nakapatay din ang ilaw sa labas namin. Nakapantulog akong cotton dress nang lumabas. Hindi na ako nagsuot ng bra. Pagkalabas ko ng gate umabante siya mula sa dilim para makita ko siya. Nang makitang alam ko kung nasaan siya'y bumalik siya sa dilim. Mataman ang titig niya habang lumalapit ako. Nang nasa harapan na niya ako sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. Napatingkayad ako. Bumuntong hininga siya pagkaamoy sa akin.

"I'm sorry kung nagalit ako. Iniwan kita kanina. Hindi ka ba nagalit?"

Nag-init ang mata ko. Umiling ako. Niyakap ko siya pabalik. Nasa batok niya ang mga braso ko. Ang kanya ay nasa aking bewang paikot sa likod. Ang isang kamay niya'y nakalapat sa itaas na bahagi ng likod ko para mas itulak ako padikit sa kanya. Kulong na kulong ako sa bisig niya. Kapwa nasa leeg namin ang aming mga mukha. Nakapikit ako at dinadama ang katawan niya. Ganoon din siya. Kahit malamig at madilim napapainit namin ang mga katawan dahil sa init ng mga yakap at hininga.

"Sorry... I was just worried..." Paos ang boses niya't tumatama ang hininga sa leeg ko.

Hindi ako nagsalita kahit gusto kong itanong kung anong ipinag-aalala niya. Hindi ko na rin kailangan magtanong dahil dinugtungan niya rin kaagad.

"I'm worried because you look comfortable with Jace. What if you are sad and looking for comfort? Paano kung si Jace ang nandoon dahil may malaking problema tayo? Paano kung mahulog ka sa kanya pagkatapos niyon?"

Umiling ako sa leeg niya. Hindi ko mahahanap ang comfort sa ibang lalaki. His hug is enough. Only his hug can give me a lot of comfort. Hindi ko ito mahahanap at mararamdaman sa iba o kahit kanino.

"Pagkakita ko sa inyo ang dami nang pumasok sa isipan ko. Narinig ko pa ang pinag-uusapan niyo. I was so mad and paranoid, and then I realized, I don't want to see you with another man, Clementine. If you fell with another man, I will die. It's either I will die or I will kill that man."

Hindi mangyayari iyon. Because I don't think I can feel in another man the way I feel for Jax now. Sa kanya lang ako mahuhulog ng mahuhulog. Wala nang ibang dadaan na lalaki sa buhay ko. Siya lang.

"Maramot ba ako kung sasabihin ko sayo na ayokong ngumiti at tumawa ka kapag kausap siya? I don't want to see you smile and laugh when you're with him. I don't want him to make you happy. Forgive me if I am obsessed and possessive. I just can't help being scared because I love you so much."

Continue Reading

You'll Also Like

464K 13.6K 34
Isla de Vista Series #5 Cresia, The girl of perfection, emotionless, unbothered, silent, and immovable. She is used to the life dictated to her how...
1M 34.4K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...