Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 59

16.3K 492 126
By IyaLee04

(LC) Chapter 59

IMPORTANT NOTE!
PLEASE READ!

Tatlo pa lang muna ito guys. Hindi ko pa dapat ito ia-update. Isasabay ko sana sa iba pagkatapos ko. Kaya lang kailangan ko kasi mag-note dahil nagtagal na ang update ko at ang iba rito ay hindi nakafollow sa socmed ko kaya hindi sila updated kung bakit hindi ako makapagsulat. Sa mga hindi nakafollow sa akin sa socmed. Fyi po, nag-asikaso po ako ng 120 hard copies ng Failed Seduction kaya po naging sobrang busy at naisantabi ko si Jax. After pa po mai-deliver at saka ko pa lang po mababalikan ang LC. In-update ko na ang 59 60 61. Sa ngayon Chapter 62 and 63 ang isinusulat ko. Matagal na po ulit ang update nito. Sabay sabay ko silang ia-update kapag natapos ko na ang gusto kong abutin na scene. More or less five Chapters pa siguro ang tatapusin ko bago ko i-update. Sa mga nagtatanong, hindi ko rin alam kung ilang Chapter ang aabutin nito since hindi ko pa ito tapos. Pero marami pang mangyayari after ng plot twist sa gitna. Salamat!❤

-----Miss IYA-----







Maaga pa lang nasa labas na ng bahay sina Irene, Harry, at kahit mas malapit sa school ang bahay ni Cathy at hindi naman kasamang magsundo sa akin nang dalawa noon ay narito rin siya ngayon. Nakabantay sila sa galaw ko habang isinasara ko ang pinto at habang naglalakad ako palapit sa gate. Hindi katulad noon na naglalakad, sumakay kami ng trycycle ngayon. Katulad nila, naisip ko na kung maglalakad kami, pagtitinginan lang ako ng mga tao sa daan.

"Nasa waiting shed si Jax," kalabit sa akin ni Irene pagkababa namin sa trycycle.

Siniko ni Cathy si Irene. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at pinangunahan silang maglakad. Sumunod sila sa akin at sinabayan na maglakad. Pagkarating sa waiting shed, naaninag ko ang pagsunod ni Jax. Nilingon ako ni Irene upang sabihin ng mga mata na nasa likuran si Jax. Ang bawat makakasalubong namin ay napapatingin sa akin, pagkatapos akong tingnan ay titingin sila sa aking likuran.

Kahit nasa amin ang mga mata ng lahat ng madaraana'y nagpatuloy ako hanggang sa makapasok sa unang klase. Pagka-upo ko, naroon si Jax sa pinto. Hindi ko siya nililingon ngunit sa gilid ng mata ko kitang kita ko ang kabisado kong pigura niya. Lahat ng mga kaklase ko katulad ng mga nakasalubong ko kanina sa labas. Titingnan ako at pagkatapos ay babalingan si Jax na nasa labas.

May kaya ang pamilya nila Maya. Nakakatulong sila sa ibang tao kaya't marami ang may utang na loob sa kanila. Kung pipili ang tao ng kakampihan sa aming dalawa, walang matitira sa akin kundi mga totoo ko lang na kaibigan. Lahat ng mga mata sa akin nakatutok. My comfort zone here completely vanished.

Ito ang ayaw kong mangyari noon. Ito ang iniiwasan ko kaya ko inilihim ang relasyon namin ni Jax. Nagdesisyon lang ako na ipakilala siya nang alam ko nang magiging maayos na ang lahat. Akala ko pagbalik namin magiging maayos na ngunit mas gumulo pala.

Ayokong masira ang pangalan ko dahil alam ko na kahit isang beses lang na magkaroon ng ganitong balita tungkol sa akin hindi na ito makakalimutan ng lahat. Sa lahat ng mabuting nagawa ko 'yong isang masamang nagawa ko na lang ang makikita nila. Magmamantiya na ito sa pagkatao at pangalan ko.

"Good morning, Ma'am!"

Kasama akong tumayo nang lahat. Pagkaupo ko nasa akin agad ang mata ng guro. Tumigil siya sa likuran ng lamesa at ipinatong doon ang mga dalang gamit. Binati muna nito ang lahat bago ako hinarap.

"Mrs. Montemayor is waiting for you, Miss Alvarina," she stretched out her arm. Inilahad nito ang pinto sa akin.

Walang sinabi ang guro ngunit alam ko na ang dahilan nang pagpapatawag sa akin. Nagbitaw ako ng malalim na paghinga. Tumayo ako at walang nilingon ni isa habang humahakbang palabas. Sobrang tahimik ng lahat, tila pinapanuod maging ang aking paghinga. Naroon pa rin si Jax sa labas kaya't nang lumabas ako'y sumunod na naman siya. Alam ko na gusto niya akong makausap subalit hanggang sa makarating sa office ni Mrs. Montemayor, hindi siya nagsasalita. Mabuti na rin iyon dahil wala akong gusto ngayon kung hindi katahimikan.

"We need to talk to your parents but... we heard what happened. Hindi ko na itatanong ang dahilan subalit nakarating sa akin na umalis ang mga magulang mo..."

Kapuputok pa lang ng araw kumalat na ang balita tungkol sa amin nina Maya, Jax, at nang babae na nakaaway ko. Maging ang pag-alis at pag-aaway ng mga magulang ko'y hindi nakatakas sa kanila kaya't ganoon kung makatingin ang lahat sa akin. Marahil ay pinagtatawanan ako ng marami pagkalagpas ko.

Kahapon nag-away ang mga magulang ko subalit hanggang ngayon hindi pa rin sila bumabalik. Hindi ko alam kung nasaan sila. Ang kinakapitan ko na lang ngayon na maayos sila ay ang isang mensahe ni tatay na iuuwi niya si nanay at ibabalik sa bahay. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na wala sila dahil hindi nila malalaman ang gulong nagawa ko. Pero kahit hindi ngayon alam ko na pagkabalik nila'y hindi ko ito maitatago mula sa kanila. May problema na nga sila dadagdag pa ako roon.

"Kung sakali na umuwi sila... hindi ko gusto na salubungin sila ng problema sa paaralan subalit utos ng nakakataas na kausapin kahit isa sa mga magulang mo..."

Katatapak ko pa lang sa unang klase, pinatawag na ako. Ayoko itong harapin pero ayoko ring huminto sa pag-aaral dahil dito. Nakatungo lang ako at nasa mga kamay kong nasa kandungan ang tingin. Si Mrs. Montemayor ay mahinahon ang boses ngayon kumpara sa madalas nitong tono. Hindi siya mariringgan ng kahit kaonting pagsusungit. Nagbuntong hininga siya bago nagpatuloy.

"We checked the cctvs. Sila ang lumapit pero ikaw ang naunang sumugod. Alam mo ang patakaran ng school. Kung mayroon man silang sinabi sana una mo itong ipinaalam sa amin upang magawan namin ng aksyon. Hindi namin pwedeng palampasin ang nangyari. Kung hindi ay sisilipin ito ng ibang mga magulang at estudyante. You are better than this, Clementine. Sa halip na daanin sa pisikalan ay idinadaan mo sa tamang pamamaraan."

Nag-init ang mga mata ko. Kinagat ko ang likod ng aking ibabang labi upang pigilan ang bumarang emosyon sa bikig ng lalamunan ko. Kung kakawala iyon ay baka kumawala rin ang luha ko at tuluyan nang maiyak sa harapan ng matanda. Hindi ako nagsalita at mas lalong yumuko. Alam kong mali ang aking nagawa. Taga-patupad kami upang maging maayos ang paaralan ngunit ako pa ang lumapastangan no'n.

"Maayos ang grades mo ngunit hindi ibig sabihin niyon ay hindi ka na maaaring bumagsak. Ayokong mawalan ng saysay ang pagsisikap mong magkaroon ng matataas na grades. Huwag mong hayaan na kung kailan huling taon na at pa-graduate ka na at saka ka pa magkakaproblema sa grado. Sayang kung hindi ka masasabitan ng medalya..."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Mas ibinaba ko ang aking ulo upang maitago ang mukha sa kanya. Hindi nagtagal, nabasa ang kamay ko. Nauna ko pang maramdaman iyon na tumulo sa mga kamay ko bago ko natanto na umiiyak na ako. Bukod sa lugar na ito at sa pamilya ko, pag-aaral ko ang pinaka mahalaga para sa akin. Matagal kong iningatan at binuo ito ngunit sa isang iglap lang ay nakikita ko na ang unti unting pagkasira. Narinig ko ang nahihirapan nitong buntong hininga. Sa gilid ng nanlalabong mata'y nakita ko ang pagkilos niya. Pinagsalikop nito ang kanyang mga kamay na nasa ibabaw ng lamesa.

"Kilala kitang mabuting bata at matalino. Palagi mong kalkulado at alam mo ang ginagawa mo. Pinag-iisipan mo ng mabuti bago mo gawin. Hindi ka nagpapadalus dalos. Pero nitong mga nagdaan na araw mukhang nakalimutan mo..."

Mas lumapit siya sa lamesa at mas bumigat ang buntong hininga. Minsanan ang pagtaas ng isang kamay ko para magpunas ng luha. Hindi ko na siya kailangan balingan para malaman ko ang malungkot na paninitig nito.

"Napatawan na rin ng parusa ang mga kasangkot sa gulo... But I'm sorry to tell you this... you broke school rules... so I have been instructed to tell you that you have been removed from the student body... and you are no longer part of cheerleader..."

Napahagulgol ako. Kailanman hindi ko naisip na isang araw ay kakausapin ako ng guro para sabihin sa akin ito. Tahimik at simple ang buhay ko bago mangyari ang mga ito. Maayos na nakaayos ang buhay ko. Nakaplano na. Hindi man marangya ang plano ko'y simple naman at mapayapa kasama ang mga magulang ko. Hindi ko inasahan at hindi ko napaghandaan na isang araw dahil sa isang tao at pangyayari ay magbabago ang lahat ng iyon.

Pagkatapos akong kausapin ni Mrs. Montemayor, nasa labas pa rin si Jax. May sugat sa gilid ng labi niya na ako ang may gawa. Napangunahan ako ng galit at hindi nakapag-isip kahapon nang saktan ko siya. Tanging pananakit ang nasa isipan ko ng mga oras na iyon. May kasalanan siya pero hindi sa kanya lahat. Hindi niya ako pinilit na halikan sa stadium noon at iyon ang napanuod nila para magkaroon ng dahilan na bastusin ako. Wala rin siyang alam na nabuntis niya si Maya.

Nagkatinginan kami kaya alam ko na napansin niya kung gaano ka-maga ang mga mata ko pagkalabas. Halata rin ang naging pag-iyak ko sa mapula kong ilong. Umigting ang panga siya bago umiwas ng tingin. Umatras siya ng kaonti. Nang maglakad ako pabalik sa klase, sumunod ulit siya. Habang nagpapatuloy ang klase, nakatayo lang siya sa labas ng kwarto. Napapatingin sa kanya sa labas ang mga kaklase ko na sinasaway ng guro. Tahimik lang ako, kahit ang mga kaibigan ko hindi ko hinayaan na kausapin ako.

"Tayo na lang?"

Si Jace iyon na nasa tabi ko. Wala siya sa unang klase niya. Sa pangalawang klase niya na magkaklase rin kami'y wala na ang mga kaibigan ko kaya siya na ang katabi ko.

"Ikaw lang ang kakilala ko. Ikaw na lang ang partner ko?"

Binalingan ko siya sa pangalawang ulit na sabihin niya iyon. Pinilit kong maliit na ngumiti sa kanya at tumango. Kung wala siya rito walang pipili na maging partner ako sa magiging huling project ngayong taon. Narinig ko kanina na may gustong makipag-partner sa kanya pero tinanggihan niya iyon. Sa akin walang nag-alok, siya lang. Hindi katulad noon na nag-uunahang lumapit sa akin.

Katulad sa mga naunang subject ay nasa labas si Jax. Kasama niya na ngayon doon ang ilan sa mga kagrupo niya, kasama si Peter. Napatingin siya sa pinto ng classroom nang lumabas ako. Tumayo siya ng maayos mula sa pagkakasandal sa railing. Mula sa akin, lumipat ang mata niya sa katabi ko, kay Jace. Nang bumalik sa akin ang mga mata niya, salubong na ang kilay niya. Paggalaw ng kanyang panga, humakbang na ako papunta sa canteen kung saan naghihintay ang mga kaibigan ko.

"Boyfriend mo si Jax?"

Hindi ako sumagot kay Jace. Nasa akin ang mata niya. Katabi ko siya samantalang nasa malayong likuran namin si Jax. Sasama siya sa canteen ngayon. Sasabay siya sa amin para mapag-usapan na rin namin ang gagawin. Hindi ko alam kung may alam siya. Pero base sa itsura niya, mukhang hindi siya mahilig makisawsaw sa mga tsismisan.

Hindi rin naman siya nagtatagal sa school dahil pagkatapos ng dalawang subject umaalis na siya. Mayroon lang kailangan gawin ngayon kaya't magtatagal siya ng kaunti. Hindi ko siya sinagot hanggang sa makarating kami sa canteen. Hindi naman iyon tungkol sa school kaya hindi ko na kailangan sagutin iyon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa magawang kausapin si Jax. Siguro dahil magulo pa ang isipan ko at hindi ko pa alam kung ano ba ang dapat gawin at unang solusyunan.

Sa katabing lamesa ng mga kaibigan ko ako naupo. Hindi na sila nagtaka dahil nakita nila na kasama ko si Jace na may dalang libro. Pagkakuha ko ng librong kakailanganin ko sa aking bag, may naglapag ng pagkain sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin para lang makita si Ate Amor. Bahagyang nakalabi ito at malungkot ang mukha. Pagkatingin ko sa kanya, nginuso niya kung nasaang lamesa si Jax. Tuwid itong nakaupo at nasa akin ang tingin. Yumuko ako at hindi na kumibo. Binalikan ko na lang ang mga kailangan gawin habang inuunti unti ang pagkain na alam kong inutos ni Jax kay Ate Amor na dalhin sa akin.

"It will be our experiment as well. We should have to submit a clear planned prososal before we start this project."

Sumang ayon ako sa kanya. Kailangan namin magtanong tanong at kumilos upang malaman kung ano ang matatapos namin na trabaho sa loob ng ilang oras o ilang araw na ilalagay namin sa project. Kailangan namin bumisita sa ilang taniman at magtrabaho roon ng ilang oras upang bunuin iyon. Para makumpleto at mai-submit na natapos namin ang project. Kahit papaano nadistract ako habang nag-uusap kami.

"Lola has a huge plantations. We can visit one of her mango and coconut plantations here. Tamang tama iyon dahil ako rin naman ang magpapatuloy ng mga iyon."

"Kailan ba? Bukas?"

Nakatukod ang isang siko niya sa lamesa. Salu salo ng kamay niya ang ulo niya. Nakatitig siya sa akin. Tumango siya.

"Unahin natin ang bukuhan. Kaya mo bang magtrabaho sa ganoon? Mabigat na trabaho iyon. Ang liit pa naman ng katawan mo. Kahit isa isang buko na lang ang buhatin mo," sinabayan niya iyon ng tawa.

Napangiti ako sa halip na mainsulto. Hindi ko mapigilan na taasan siya ng kilay. Nakalimutan ko ang ilang pinoproblema ko dahil feeling close siya at palabiro. Inilingan ko siya habang nakangiti lang siyang nakatingin sa akin.

"Kaya kong buhatin kahit isang basket pa iyan ng buko! Kung gusto mo magpaligsahan pa tayo sa pag-akyat ng puno!" Medyo mayabang na biro ko na sineryoso niya.

Humalakhak siya at tinaasan ako ng kilay. Nasa mukha na papatulan ang hamon ko. Pinanliitan niya ako ng mata. Marunong akong umakyat ng puno pero hindi sa puno ng buko. Sa puno ng mangga siguro pwede pa. Pareho kaming nakangiti nang magawi ang mata ko kay Jax. Galing sa akin ang mata nito ngunit nang makitang palingon ako'y nag-iwas siya at sa hawak na can juice tumingin. Inuga niya ang laman nito at tinitigan ang lata. Nakatikom ng mariin ang kanyang bibig. Wala na siyang kasama. Nag-iisa siya sa lamesa. Nanumbalik sa akin ang problema ko pagkakita ko sa kanya. Natunaw ang ngiti ko. Bumuntong hininga ako at sinabi kay Jace na patapos na ang break at kailangan ko nang bumalik sa susunod na klase ko.

"Naghahanda sila nanay sa pag-uwi ng Mama ni Jax! Napaaga raw ang pag-uwi!"

Pagkalabas ko sa canteen hindi sumunod sa akin si Jax. Bago ako pumasok sa susunod na klase hinintay ko pa kung lalabas ba siya sa isa sa mga corridor. Nang lumipas ang ilang minuto na wala siya'y pumasok na ako. Sa pinakasulok ako na upuan pumwesto. Nakatakip sa akin ang pinakamakapal kong libro. Nakabukas iyon ngunit hindi ako nagbabasa kundi nagtatago. Walang nakaupo sa dati kong pwesto kaya siguro lantaran ang pag-uusap nila sa harapan dahil akala nila'y hindi ako pumasok.

"Nabalitaan siguro na nakabuntis ang anak niya? Gustong makilala si Maya kaya uuwi?"

I had overheard on the phone his conversation with his mother. Ayon rito'y sa mga susunod na linggo pa. Kung ngayon uuwi, napaaga nga. Siguro ay tama nga sila na ang rason ay ang pagbubuntis ni Maya.

"Nakita ko na magkausap si Maya at Jax! Ang sabi sabi gusto raw makausap ni Jax ang mga magulang ni Maya! Pinapapunta ni Maya si Jax sa bahay nila!"

"Kaya gustong makausap ni Jax! Mamamanhikan na iyan pagkarating ng Mama niya!"

"Tagapagmana ng mga Dawson at Valiente ang anak nila ni Maya! Talagang iingatan at pagpapakasalin ang mga iyan!"

"Kung magpapakasal sila bakit kay Clementine siya nakabuntot? Kanina pa iyang umaga! Hindi na iyan pumasok sa klase niya!"

"Hindi ba't inagaw nga raw ni Clementine? Pero ngayon na buntis si Maya magkakabalikan din iyan!"

Dumating ang guro. Nang mag-check ng attendance saka pa lamang ako napansin ng mga babaeng nag-uusap kanina. Nagbulungan sila at sabay sabay na tumahimik. Hinampas pa ang isa na mukhang nasisi dahil ito ang nagsabi na hindi ako pumasok.

Habang lulan ng tricycle, nakatulala ako sa labas. Pinagmamasdan ko ang dinaraanan. Wala akong nais tirhan noon na ibang lugar bukod dito. Ngayon hindi ko alam kung ganoon pa rin ba. Kabisado ko maging ang tunog ng mga kulisap sa lugar na ito. Sa isang iglap, tila ako nawalan ng memorya at naging estranghero ang lugar na ito para sa akin. Makakaya ko bang maglakad at kausapin ang mga tao rito na ang pang-aagaw ko kay Jax mula kay Maya ang nakikita nila sa akin? Maaaring ang iba'y maayos akong kakausapin kapag nasa aking harapan subalit tiyak na pagkatalikod nila'y pinag-uusapan ako.

Hindi sa gusto kong isisi nila ito kay Jax. Pero bakit ang unfair? Kahit dalawa kami sa relasyon alam ko na sa aming dalawa ako ang pinaka-dehado. Sa mata ng mga tao palaging babae ang marumi. Palaging babae ang unang nang-akit. Hindi nila makikita ang ginawa ng lalaki. Nakakaligtas ang mga lalaki at hindi mo maririnig na pinagbubulungan.

People validate men. Ang iba pa'y pinagmamayabang ang pagkakaroon ng maraming babae. They justify men and blame it all on other women. Kahit na alam ko na hindi ako isa sa mga babae ni Jax dahil ako ang girlfriend niya ngunit iyon ang tingin sa akin ng mga tao. Lalaki ang bumili kaya bakit babae ang kailangan magbayad? Sasabihin nila na lalaki iyan. Normal na iyon sa mga lalaki. Paano ang mga babae? Normal din ba na sa amin ang lahat ng sisi? Normal lang ba na saluhin namin ang lahat ng panghuhusga? Normal lang ba na sa amin ang lahat ng pagkakamali? Normal lang ba na hindi kami i-validate at i-justify?

Kahit wala rito ang aking mga magulang, nagpadala pa rin ako ng isang mensahe kay tatay na nakauwi na ako. Tiningnan ko ang lamesa at natanto na wala akong kain kahapon at buong araw ngayon ay ang pinabigay lang ni Jax ang kinain ko. Wala akong ganang kumain. Kahit ang pagkain kanina sa canteen, hindi ko nalasahan.

Hindi na ako nag-abala na magbukas ng ilaw sa kwarto. Binitiwan ko sa isang tabi ang dala kong bag at padapa na nahiga sa aking higaan. Habang nakapikit, napadpad ang isip ko tungkol sa pag-uusap nina Jax at Maya. Katulad ni nanay at tatay, maaari rin bang mangyari sa kanila iyon?

Base sa pag-aaway ng mga magulang ko'y may ibang mahal si tatay noon. Natutunan lang siyang mahalin ni tatay nang ipanganak ako. Kay Jax, mangyayari rin ba iyon? Paano kung ipaglaban ko ito ngayon at sa huli ay mahalin niya rin si Maya pagkasilang ng anak nila? Paano kung ako ang piliin ngayon at sa huli ay ako rin ang iiwan?

Hindi ko namalayan na humihikbi na pala ako habang nakasubsob ang aking mukha sa malambot na unan. Pakiramdam ko buhat ko ang lahat. Wala akong katuwang at walang masumbungan ng nararamdaman kundi sarili ko lang. Bakit kahit hindi ko siya kinakausap gusto ko siyang makita? Bakit kahit siya ang nagbigay ng sakit na nararamdaman ko ngayon gusto ko rin na siya ang pumawi nito?

Biglaan ang pagkatigil ng aking hikbi nang may maramdaman na mainit na katawam na pumatong sa aking likuran. Nasa ibabaw ko siya ngunit hindi ako nabibigatan. Nang maamoy ko siya at maging pamilyar sa akin ang init ng kanyang katawan ay muli akong napahikbi. Naramdaman ko ang labi niya sa leeg ko bago niya ibinaon ang kanyang mukha roon.

"Don't leave your window open. It's dangerous. You're alone here..."

"Jax..." Kahit pangalan niya'y hirap pa akong mabuo dahil sa hindi maawat na hikbi.

"Yes... I'm here..." Humahalik at umaamoy siya sa leeg ko. "That child is not mine..." Siguradong sigurado siya.

Narinig ko siyang marahas na lumunok. Hindi ko nakikita ngunit sa gitna ng dilim ay naramdaman kong kinapa niya ang isang kamay ko. Hinawakan niya ang palasingsingan ko at nang makapa ang singsing doon ay narinig ko siyang nagbuntong hininga. Yumakap sa akin ang isang kamay niya at lalong ibinaon ang mukha sa aking leeg.

"We can have a paternity test during her pregnancy... Kakausapin ko siya at ang mga magulang niya... Don't decide and don't think of breaking up with me because of this... Please, Clementine, give me another chance to prove myself to you... Hintayin mo ako... Patutunayan ko sayo na hindi ko iyon anak..."

Humihikbi akong tumango. Dahil hindi kasama sa pagpipilian ko ang makipaghiwalay sa kanya. Natanto ko na kahit hindi niya ito sinabi, wala akong balak makipaghiwalay sa kanya. Kahit nagalit ako at nasaktan siya. Kahit sinisi ko siya, hindi pumasok sa isip ko na hiwalayan siya. Kahit nang mabasa ko ang mensahe ni Goergina para sa kanya, umiyak ako at nagising na totoo ang mga nangyayari ngunit hindi ko naisipan na iwan siya. Siguro, kahit mapatunayan na anak ni Jax ang dinadala ni Maya. Narito pa rin ako sa tabi niya. Mapapagod ako. Magagalit ako. Pero hindi ako aalis para iwan siya.

"Sorry... because you have to get involved in my messy life... kung alam ko lang na magiging akin ka... hindi ko sana ginawa ang mga masasamang bagay na ginawa ko noon..."

Mahina ang boses niya at napapaos. Dahan dahan, pinagsalikop niya ang mga kamay namin. Gumawa ng tunog ang pagbungguan ng mga singsing namin. Mahigpit niya akong hinawakan. Mabigat pa rin at nasasaktan pa rin ako ngunit mas maayos ako ngayon dahil nandito siya.

"Sleep now... I'll be with you until you fall asleep..."

Tumango ako. Kumalma ang paghinga ko at naawat ang pag-iyak. Magaan na nakasara ang mga mata ko. Tinutuyo ng mainit niyang hininga ang mga luha ko na nasa aking pisngi. Maybe this is how I love. I turned blind eye when I'm in love. This is what's love for me, that even my heart gets too heavy, even I'm in pain, and even when I'm hurt, I never leave.

Continue Reading

You'll Also Like

138K 4.9K 18
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
378K 19.8K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
177K 5.8K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
1.7M 79.1K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...