The Opposite of Hate (Upper C...

By dstndbydstny

531K 18.9K 6.1K

Laviña Clarene won't run out of reasons why she hates Aristotle. She hates how her life is always entangled w... More

The Opposite of Hate
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Wakas

Chapter 7

8.6K 392 104
By dstndbydstny

Chapter 7
"Failed"

Pakiramdam ko nawala ang mabigat na bagay na nakasampay sa likod ko pagkatapos ng exam. Nakatulong din that our family went on a trip to the beach kahit na maikling panahon lang. Nakahinga na rin si Mama nang maluwag na hindi na panay reviewers at books ang hawak ko, at hindi na lang parati sa kwarto at library. I don't know why she worries so much. Sa tingin ko naman I am blessed that my parents doesn't put me inside a box, na kung saan pag-aaral lang dapat ang inaatupag. May pagka-istrikto man but I don't really feel caged or deprived of freedom. Hindi sila nagkulang sa suporta sa aming magkakapatid, we are four at that. I don't know if they still have plans to have another child.

Lumabas ang result and it completely sealed my worry. I felt relaxed and at peace. Kaya naging maganda naman ang December ko. We spent the holidays sa grandparents ko. Aris only joined us on Christmas. Nasa kanila siya no'ng New Year.

Classes resumed. Graduating students became busy with the left and right admission tests, 'yong mga hindi naka-pasa ng SAT at hindi nag-take. Kung hindi ka sigurado sa standing mo, maninigurado ka talagang makapag-take ng entrance exams in different universities and colleges.

Even after passing the SAT, I am still taking the entrance exams in top universities in the country. But this time I am not pressured. Mas magaan na. Nilalakad na rin ang documents and other necessary things for my future admission to Oxford. I can't wait to finally step there and be part of it.

My eyes lazily roamed within the school quadrangle. Nakatayo na lahat ng booths. Abala ang mga estudyanteng in charge sa mga huling touches at iba pang need i-prepare. The students are hyped because tomorrow is February 14... except me, who doesn't really care. Valentine's day is overrated... for me.

Mahinang siniko ni Arth ang kaliwang braso ko kaya napabaling ako sa kanya.

"It's fun day tomorrow, hindi ka papasok?"

Humalukipkip ako. Walang klase bukas pero may pasok. Part kasi ito ng School Calendar of Activities na pasimuno ang SSC. They will check the attendance at may fines kung hindi pupunta. But I don't really mind paying.

"I'll think about it."

"Pumunta ka." Ngumisi si Arth. "Try the activities... How about blind date?"

I exaggeratedly rolled my eyes at him.

"Masyado ka kasing perfect, intimidated ang mga lalake kaya takot manligaw sa'yo."

"If they don't have the balls, then they're not worth my attention. I won't adjust for them, Arth. Not that I want to pick a boyfriend anytime now."

Tumawa siya. "Tama ka naman."

"Right."

"Ikaw, nililigawan mo raw si Hency?" I looked at him skepticaly. Hindi nagsasabi ang isang 'to. Narinig ko lang mula sa mga taga HUMSS na nakasalubong noong isang araw.

He shrugged his shoulders.

"Ang maldita kaya no'n," I noted. She's a queen bee. May mga alipores pa nga, which I find cringed. Sunod-sunuran kasi sa kanya. Akala mo mga alagad.

"Well, she's cool."

"And you court her because of that?"

Umiling siya at ngumisi ulit. "There's more to what you see, Laviña."

Hindi na lang ako nagkomento. He is old enough. At hindi niya ako magulang para makialam. If they hit it off and work out, then good. I just hope he won't end up messing up his studies just for a girl and a relationship.

A soccer ball rolled in my direction, I instinctively stopped it with my foot and make a move to kick it. Nasalo naman ito ni Liam, kasama siya sa Soccer team. He smirked nang makalapit sa akin.

"Pwede ka bang ka-date bukas?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sungit talaga," aniya.

"Fuck off."

He laughed. "Subok lang, e. Wala pa akong planong ma-kick out." Nilagpasan niya na kami.

Nagkatinginan kami ni Arth. Napailing na lang siya. Naglakad-lakad na kami at tumingin-tingin kung may bago.

Ang mga booth ay ganoon pa rin naman sa last year. Nagpalit-palit lang yata. Naningkit ang mga mata ko nang mapasadahan ng tingin ang isa sa mga booth. Pulang-pula ito at may mga hearts na ilaw.

"Really, a kissing booth?" I uttered. "Bawal yan, ah."

"Sa pisngi lang, Laviña," si Arth ang sumagot.

Well, for sure may gusto rin niyan. Hindi naman siguro sila magpapagod ng ganyan kung walang papasok besides this is a competition. Ang may pinakamaraming kita ay mananalo maliban sa best dressed booth.

"Arth, ha, pumayag ka na," sabi no'ng nakatirintas ang buhok na abala sa pag-aayos ng karatula.

I turned to Arth, surprised. Tumango siya sa babae. I looked at him with a ridiculed face.

"What the?"

"I've decided to have fun, Laviña. This will be our last year so..."

"Malulugi sila sa'yo, 'no. Hindi ka tatangkilikin. You're boring kaya. Mas gusto nila the athletic kung hindi man, 'iyong nagbabanda," tudyo ko.

"What a hater."

He grabbed my neck at inipit ako sa kilikili niya. Pinaghahampas ko siya.

"My uniform!" tili ko.

"Uwian naman na."

"I hate you, Arth!"

Ginulo niya pa ang buhok ko lalo. Kakasuklay ko lang kanina kasi mahangin!

"Mas hate mo pa rin si Aris." He chuckled.

Tinigilan niya lang ako nang makasalubong namin si Hency at mga alipores niyang bitbit ang gamit niya.

Masama ang tingin sa akin ni Hency. Wala naman akong pakealam. Abala ako sa pag-aayos ng blouse kong nalukot at sa buhok kong nagulo.

What? She's jealous of me?

Umayos si Arth at tinitingan pabalik ang nakataas na ang kilay na si Hency. Umirap siya bago umikot, pabalik sa dinaanan nila. Gano'n din ang ginawa ng mga alipores niya.

"Hindi mo susundan?" sabi ko kay Arth nang pinanuod niya lang ito. Nagawa pang ilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pants niya.

"Let her."

Naguguluhan naman ako. Ano bang klaseng manliligaw ang isang 'to?

"Why?" Arth shifted his gaze to me.

"Babastedin ka no'n!"

He shook his head. How confident! Naningkit ang mga mata ko. May namumuo tuloy na theory sa utak ko. There must be really going on deeper with these two!

Siniko ko si Arth. Napadaing siya.

"How long have you been flirting with her?"

Umangat ang sulok ng labi niya. Hinampas ko ang tiyan niya. Dumaing ulit siya. I don't know if I hit hard or he is just trying to be dramatic.

"No'ng summer pa," he said coolly.

"You didn't tell me!" I felt so betrayed. Betrayal is really only applicable to those who are close to you.

"Did you ask?"

I groaned in frustration. "I am your bestfriend!"

"Yes, you are... since we're young."

Hinampas ko ulit siya at iniwan. Madalas kaming mag-usap no'ng summer tapos wala man lang siyang nabanggit! Naiinis ako. Nilihim niya!

Nawala rin naman mayamaya ang inis ko sa kanya. Right, why would he tell me when I am not into someone? Baka rin ayaw niya lang talagang ipaalam. Konklusyon ko lang naman 'yon.

Buong gabi tuloy akong napapaisip. I didn't know Arth is into that type of girl. Akala ko mga gaya rin niya, the silent and reserved one. Mukha naman siyang seryoso. He isn't the playing type.

Kinaumagahan, naghihikab pa lang ako may kumakatok na. Before I can give my permission, bumukas na ang pinto. Pumasok si Lavigne. Dala-dala ang libro niya.

"Ate! I forgot to do my assignment. Help me, please?"

"Kailan 'to binigay as homework?"

"Last week?" she said, not sure.

"And what did you do during the last days?" I squinted my eyes.

Ngumuso siya at naging malikot ang tingin.

"'Coz this is hard! I don't want to do it." Bumigay din siya. I know her. Sasadyang huli na ibigay para ako na ang gagawa at hindi na siya maturuan pa. Hindi ko naman kasi sila sinasanay na ako ang gagawa.

"Sorry. Just do this one, please? Sige na, please?"

I sighed. "Fine."

"O-kay! You're the smartest and prettiest sister ever!" pambubola niya pa.

Sinagutan ko na lang. Wais din 'to. Saakin nagpasaklolo dahil alam niyang hindi siya tutulungan ni Laverne kahit maglupasay pa siya. Takot din kasi siya do'n. Laverne kinda disciplines her. If I have an attitude, mas si Laverne. I sometimes feel intimidated with her even if she's way younger than me. Mas matalino rin siya. That girl barely studies but still gets high marks. And I haven't seen her asked Mama or Papa's help in her school works. Others think she's a weirdo but she's not. She's an introvert with a vast mind.

"Here." I closed the book. Binigay ko na sa kanya.

"Thank you! Happy hearts day!" nagsisigaw niyang sabi bago kumaripas ng takbo palabas ng room ko.

I shook my head. She is too energetic and carefree. Kaya nga madalas umuwing may galos.

I am going to school today. Matingnan nga 'tong pinagagawa ni Arth. Kissing booth my ass. Tapos nand'yan pa si Hency. Nagkagalit malamang sila. He's crazy!

Si Aris, papasok ba siya? Naiisip ko na agad ang sangkatutak na bulaklak at chocolates. Because of that thought, lumapit ako sa drawer kung saan naka-store ang mga letters niya. There's a pile. Pinulot ko at inayos. Time to go to the mass grave.

Sinama ko na sa mga lumang sulat. I put back the cover at tumayo na. Maliligo na ako.

Pagdating sa school, may mga paikot-ikot na nangbebenta ng roses, chocolate, cookies at kung anu-ano nang offer. I came late. Wala naman akong pakealam sa attendance at program.

"Secret letter, Miss. High quality paper ang gamit at highly confidential. Free delivery," sabi ng nag-aalok na taga HUMSS. Hindi yata ako kilala nito.

"No," I said. Nilagpasan ko na siya.

I don't really know what to do here. Hindi naman kasi ako pumasok last year. During Junior High ay may ganito rin pero may klase.

I brought out my phone to text Arth.

Ako:

Where are you?

Umabot na ng limang minuto, nakarating na ako sa classroom wala pa rin siyang reply.

May iilang nakatunganga lang. May mga kaklase naman akong abala sa mga regalo nila, of course, those who are in relation or may nililigawan. Nabagot ako pagkalipas ng ilang saglit. Wala pa ring reply si Arth. Mapuntahan nga ang kissing booth na 'yan. Baka naman busy na siya sa pakikipaghalikan. Kumusta naman ang pisngi niya after?

"Binagyan nga ni Aris si Polka ng flowers!" Ang lakas ng boses ng nagsalita. Parang desperadong kombensihing maniwala ang mga kausap.

Nasa ground na ako. I frowned and was immediately attentive.

"Ang ganda nga, e!"

"You are bluffing, Cindy."

"Hindi nga! Nakita ko!"

"Weh?"

"I was about to take a photo, pero nahuli na ako. Medyo na shock pa kasi ako."

"Does it mean, he's courting that probinsyana transferee?" nalalaki ang mata no'ng may rebonded na buhok.

"Obviously! Ngayon lang may binigyan si Aris ng bulaklak ever!"

Ang lakas ng boses no'ng Cindy. So I am not to be blamed if I know their conversation. They're too loud.

Aris—what—gave Polka flowers? Then I remembered when Aris carried that girl no'ng mahulog daw sa puno. Now, I am starting to formulate hypothesis. Mukha namang nagsasabi ng totoo iyong Cindy.

Nakalapit na ako sa kissing booth pero wala na do'n o kay Arth ng isip ko. Tiningnan ko ang posters nila. It's the guys and girls na willing magpahalik. Parang cinema lang na naka-paskel ang posters ng showing, ah.

"Where's Arth?" I asked sa nagbabantay.

Mukha pa siyang nagulat. Akala yata gusto kong makahalikan ang matalik kong kaibigan.

"I am looking for him, gusto ko siyang makausap," paglilinaw ko.

Nakabawi naman siya at bumalik na sa normal na sukat ang mga mata.

"Sold out na po siya."

"What?" Napakunot pa ang noo ko.

"Binili na po lahat ni Miss Hency ang slots for Arthur."

I nodded while still digesting what she said. Gago 'yon, ah! So he knew Hency would bail him out.

Naglakad ako palayo do'n sa both. I looked around to see saan may tindang pagkain aside sa chocolates and other sweet treats.

Muli kong tiningnan ang phone para makita kung nag-reply na si Arth. Wala pa rin. Nasaan kaya 'yon?

"It's true. Polka received flowers from Aris this morning."

Napalingon ako nang makarinig nang parehong usapan. Taga STEM ang mga 'to.

"Hindi sana ako maniniwala kaso nakita ko may bitbit siyang bulaklak."

"Sila na ba?"

"Akala ko ba si Ham ang gusto no'n?"

"I dunno."

Tuloy-tuloy sila sa pag-uusap hanggang sa makalayo at hindi ko na sila marinig.

What the effing hell?"

Mabilis na kumalat ang tungkol do'n. Bukang-bibig na ng marami. At hindi ko pa nakikita nasaan ang Aris na 'yon. Magkasama ba silang dalawa? I thought there's something going on with that girl and Ham?

"Binigyan din ni Millard si Polka ng flowers!" said, another student.

Nakapila ako para sa lemonade. I got thirsty. Nasa likuran ko naman ang nag-uusap.

"Hala, e di, magkaaway na niyan si Aris at Millard?"

"Teka lang, akala ko ba si Ham ang gusto?"

"E, ayaw. So do'n na lang kay Aris? He helped her last time, remember?"

Pigil ko ang mapa-irap. Tinanggap ko ang inumin.

"Keep the change," sabi ko at umalis na sa pila.

Hindi ko na alam saan ako pupunta. I should have stayed at home. Damn it! Arth hasn't replied yet. Iritado na ako. Must because of the hot weather. Umulan sana!

Inubos ko ang lemonade. Tinapon ko sa basurahang malapit ang lalagyan. I decided to just go to the laboratory. Mas tahimik do'n at malamig. Kung bakit kasi maliit na bag ang dala ko. Hindi kasya ang payong kaya hindi ko na dinala.

Napahinto ako nang makarinig nang malakas na pito. Iritado akong bumaling.

"You're under arrest," sabi ng estudyanteng naka costume pa ng pang pulis.

He quickly grabbed my wrist. Kinabitan niya ng posas.

"You stepped on the x mark." Nginuso niya ang sahig.

Napatingin din ako. May ekis nga.

"What are you going to do?" pigil ko ang sumabog.

"Ikukulong ka namin sa jail booth."

I don't know if my face still looks blank, 'coz honestly, I am far beyond pissed. Hindi ko na alam kung dahil ba sa init ng araw or because of this fucking lame jail booth.

They removed my cuffs pagkapasok ko sa ginawa nilang selda kuno. Hinilot ko ang palapulsuhan. Namula agad ito.

"What do I have to do to get out of here?" malamig kong sabi sa taga bantay.

"Someone should bail you out."

"Magkano?"

"Fifty pesos."

"I'll pay."

"Ay, hindi po pwedeng pyansahan ang sarili, e."

"Then paano ako makakalabas dito kung walang magbabayad sa akin?"

"Stay ka muna ng kalahating oras. Mabilis lang 'yon."

Huminga ako ng malalim after hearing those. They want me to stay here for thirty minutes?!

Nilabas ko ang phone ko. I dialed Arth number. Mahaba ang pasensya ko, but in times like, this I hate fucking waiting.

Hindi sumasagot!

Sinubukan ko ulit. Habang naghihintay na sagutin, ginala ko ang paningin. Pito kami rito. Nakakalat.

Nang hindi pa rin siya sumasagot si Aris na ang tinawagan ko. Fuck this! Labag 'yon sa loob ko. Nanggigil pa ako habang tinitipa ang numero. Nagsisi akong hindi naka save ang number niya.

Shit! He didn't pick up.

I paused. Kinalma ko ang sarili ng matantong sobrang init na ng ulo ko. I might suddenly yell at who the hell this idea was.

Ham is my last card. I dialed his number. Grabe pa ang bulong ko na sana sagutin niya. Hindi pa naman basta-bastang sumasagot ng tawag 'yon.

Sumagot siya!

"Ham, bail me out?"

"What?" he said dispassionately.

"I got caught in this stupid jail. Please, puntahan mo ako. I'll pay you after."

"Fine," aniya at binaba na ang tawag.

Thank goodness! I thought he will be too lazy to come and fucking help me.

Ham paid and then they finally let me out. I scanned for my wallet. Nang makuha, I picked one hundred pesos bill at inabot kay Ham.

"Tss..." He snobbishly ignored my payment.

Hindi ko na lang pinilit.

Sabay kaming naglakad. Some were eyeing us. I don't if it's the usual stare or may laman. Tuluyan na rin akong kumalma. I'll text driver. Uuwi na ako. It's all nonsense here.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

Nagkibit siya ng balikat.

"I'm going home."

"Where's Aris?" bigla niyang tanong.

"I-I don't know."

His jaw clenched. Hindi ako sigurado kong iritasyon ba ang nakikita ko sa mga mata niya or maybe anger? Bumalik din kasi siya sa pagiging malamig.

"Thanks for the help," sabi ko. I am about to turn to the other direction para do'n na lang maghintay ng sundo.

I was surprised when Ham suddenly pulled me by the wrist. He swiftly snatched from the roaming guard ng jail booth ang hawak nitong posas. Mabilis niyang naikabit ito sa aking palapulsuhan at sa kanya rin. Gulat akong napatingin sa kanya.

He smirked at me.

"I need to get even. Please cooperate," he said.

He crouched. His right hand reached for my left ear. Natulala na lang ako.

"Close your eyes."

"Huh?" anas ko. Napapikit na rin ako dahil sa lapit ng mukha niya.

I swallowed hard. Binuksan ko ang mga mata. Nakalayo na ang mukha niya. Pagkatapos, he languidly turned his head.

"Do you have fifty, Aris?" Nakangisi niyang sabi kay Aris na nasa harapan pala namin.

Nasalubong ko ang madilim na mga mata ni Aris. His jaw was cleanched. He looks mad pero nagawa niya pang bumunot ng pitaka. Marahas siyang kumuha ng dalawang libo.

"Tanggalin mo," mariin niyang sabi sa guard.

"H-ha?" mukhang wala pa sa sarili ito.

"Remove the fucking cuffs."

"Ah, oo." Nagmadali itong hagilapin ang susi sa bulsa. Hinawakan niya ang posas namin ni Ham at halos hindi pa magawa ng tama ang pagtatanggal.

Aris watched impatiently. Parang gusto na nga niyang agawin ang susi at siya na ang magtatangal.

"Sandali, wala akong change," confused na sabi ng guard.

Wala namang nakikinig sa kanya.

Hinimas ni Ham ang napusas na wrist, then he put that hand on his pocket. He turned to me and have this annoying smile.

"I had fun, Lav," he said in a whisper but I am certain Aris heard it.

I don't know how or if it's acceptable to say that my heart failed to beat in one quick second when Aris eyed me like he wants to hurt me... or Ham? I was stunned at the anger in his eyes.

And I felt stupid, realizing too late what Ham did. Screw the boys!

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 153 15
"I will live for you and die for you in every universe and beyond." Carlyle Ross Yitianco aka Cross is not your typical chinito boy. He's close to pe...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
827 78 26
SWEETEST FALL SERIES #2 Kung may gusto kang isang tao pero hindi ka niya gusto, gugustuhin mo pa rin ba siya? Paano kung napagtanto mong hindi pala s...
577K 20K 43
Can you dance in the burning sand until the fire embrace you totally? Can you still hear the good melody of your heartbeat despite the consequence th...