Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.4M 60.1K 16.8K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78
Lascivious Casanova 79
Lascivious Casanova 80
Lascivious Casanova 81
Lascivious Casanova 82
Lascivious Casanova 83
A NOTE FROM MISS IYA

Lascivious Casanova 58

22.6K 691 357
By IyaLee04

(LC) Chapter 58

Sorry na agad sa foul words guys. Hindi naman ako nagkulang sa paalala about MATURE CONTENT.

Jax:

Good morning, wife.

Jax:

I am here in Manila. I need to personally pick up some papers for our wedding. I don't think I can come home to you today. Can we just talk to your parents tomorrow?

Jax:

I miss you already. I love you.

I seemed to hear his gloomy sigh in his last message. All his messages have hearts and kisses emoticon but it surprisingly didn't make my heart skip a beat. I just replied a bland okay. Sa unang beses na gamitin niya ito sa after party, halos tumalon palabas ang puso ko at dambahin siya. My heart beats faster then but now my heart just feels blank. I can't afford to recognize any emotions at this moment. I couldn't even cry.

I wonder how I suddenly stop my feelings? How I suddenly can't express anything? Or maybe, it's just that, I'm emotionally numb? Maybe this is my defense mechanism? Sa halip na damahin ang sakit, pagmamanhidin ko na lang ang aking sarili nang sa ganoon ay hindi makaramdam. Siguro ganito ako. Ganito akong masaktan.

"Miss Clementine Alvarina! Are you listening to me?"

Naputol ang pagiging tulala ko dahil kay Mrs. Montemayor. Ginilid ko ang aking mata. Hindi ko na kinailangan lingunin ang lalaking katabi ko. Kaonting gilid lang sa aking mata'y naaninag ko na ang paninitig niya.

"Jace Alcantara? Right?" Tanong ng matanda habang hawak ang gilid ng salamin na madalas nitong gawin.

"Yes, Madam." Magalang ngunit malalim ang boses ng lalaki. Hindi Valiente ang gamit nito kundi Alcantara na pangalan ng Senyora. Kung hindi ako nagkakamali'y kapatid ng Senyora ang Lolo niya kaya't maituturing na rin siyang apo ng Senyora.

Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Nakay Mrs. Montemayor ang mga mata niya ngunit hindi ako sigurado kung alam niyang pinagmamasdan ko siya. Hindi ko mapigilan. May pagkakahawig kasi sila ni Jax. Pareho ang hugis ng mga mata ngunit iba ang kulay. Ang buhok nito ay kulay itim hindi katulad ni Jax na may pagka-kulay brown. Wala siyang dimple hindi katulad ni Jax. Magkahugis ang panga at parehong mapula ang mga labi. Kanina ko pa siya katabi pero hindi ko siya nililingon. Nagbuntong hininga ako. Ang daming gumugulo sa akin. Sa sobrang dami parang ayoko na lang isipin ang kahit ano.

Binalik ko ang aking mga mata sa matanda para isipin niyang nakikinig ako kahit hindi. Napangiti ito at mukhang natuwa sa tawag sa kanya ng katabi ko. Kanina, si Irene ang nagbitbit ng bag ko. Dahil sa naging reaksyon ko nalaman na ni Harry at Cathy ang relasyon namin ni Jax. Hindi na nagulat si Harry. Si Cathy may pag-aalala sa mata. Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon. Ang sabi ni Jax gumagamit siya ng condom sa lahat ng naging mga babae niya. Posible ba na makabuntis kahit may ganoon?

"That's imposible! Ang sabi mo babaero si Jax? Ang mga babaero sanay iyan! Hindi mga magpapabaya iyan dahil takot makabuntis!" Si Irene.

Galit na galit siya. Nasa kamay ko na nakapatong lang sa lamesa ang aking mga mata. Nag-uusap sila samantalang hindi ako nagsasalita. Tatlo lang kaming narito at si Harry ay pinabayaan kaming mag-usap na mga babae dahil hindi raw siya makakatulong sa ganitong sitwasyon.

"Hindi imposible iyon. Maraming playboy na puro panganay ang anak-"

"Hindi si Jax! Ang sabi nga 'di ba gumagamit ng condom!"

"Paano mo ipapaliwanag si Maya? Siya ang patunay na maaaring makabuntis si Jax. He may use a condom but that is not one hundred percent effective. May posibilidad pa rin. Paano kung nabutas? Hindi maayos at hindi tama ang pagkakagamit? Natanggal at napunta ang kaonting sperm ni Jax sa loob ni Maya?"

Pumikit ako ng mariin ngunit dumilat ulit. Kahit sabihin na may tiwala ako kay Jax hindi ko magawang lubusan na alisin ang selos sa mga babae na nagalaw niya. Maya is his past sexual partner. May iba pa bukod sa kanya. Marami sila. At gusto ni Jax na kalimutan namin iyon kaya't ayaw niyang binabanggit ko. Pero kahit ilang beses niya pang talikuran ang nakaraan, susunod at susunod iyon sa kanya na parang anino. Nakadikit na iyon sa kanya. Hindi iyon hihiwalay. Hindi niya na iyon basta bastang mabubura.

"Paano kung desperada lang siya at gustong ipaako ang anak niya kay Jax? Ang sabi ni Clem huling kita niya kay Maya ay umiiyak ito at nagmamakaawa!"

"I don't think she can do that. Mahigpit ang mga magulang ni Maya at takot siya sa mga ito. Ni hindi mo makikitang mayroon kausap na lalaki sa school-"

"Si Jax? Hindi ba siya lalaki? Kung naitago niya ang sa kanila ni Jax ibig sabihin maaari niya rin mailihim na nakikipagtagpo siya sa ibang lalaki!"

"Nasaan ang pruweba mo? Ang kay Jax si Clementine na mismo ang nagsabi sa atin. Hindi maaaring pagbintangan si Maya na nakikipagkita sa iba dahil lang ginawa niya iyon ng isang beses-"

"Kanino ka ba kampi? Dapat nga galit tayo kay Maya!"

"Wala akong kinakampihan! Hindi ako galit kay Maya! Lalong hindi kay Clementine! Sino ba ang nagsimula nito? Hindi ba't si Jax? Sigurado ako na kung hindi niya unang nilapitan si Maya walang mangyayari sa kanila! It was Jax who started it! Not Maya or Clementine!"

Nag-usap pa sila at nagtalo tungkol doon. Ang sabi ni Cathy may mga cases daw na kahit naka-condom ay nakakabuntis. Na posibleng nabuntis nga ni Jax si Maya. Paano kung hindi totoo na palaging naka-condom si Jax? Paano kung gumamit nga si Jax pero hindi namin alam kung saan niya iyon itinatapon pagkatapos gamitin? Paano kung kinuha iyon at ginamit ni Maya para mabuntis? Kaya bang gawin ng matinong babae iyon? Ang dami nilang teorya. Nagsasalubong sila at nagsasalungatan. Naguguluhan akong lalo.

"Do you understand, Miss Alvarina?"

"Opo," sagot ko kahit hindi ko naintindihan ang lahat ng sinabi niya dahil naiwan sa usapan nina Cathy at Irene ang isip ko.

Basta ang alam ko gusto niyang i-tour ko ang lalaki na ito sa buong school. Gusto kong tumanggi dahil gusto kong umuwi. Kaya lang parang pati sa pagtanggi nawalan na ako ng gana. Kanina iyon ang plano ko, ang umuwi. Pero hindi ako makapaglakad ng mag-isa. Kung hindi ako hawak ng mga kaibigan ko hindi ako aalis sa kinatatayuan ko. Nang paupuin nila ako sa malapit at walang tao na bench saka pa lang ako nakakilos ngunit hindi pa rin lubusan na humuhupa ang pagkatulala.

Hindi ko kayang makasalubong si Maya. Hindi ko kayang maisip na nasa isang paaralan kami. Hindi ko kayang magpanggap na hindi ako apektado. Sa tuwing naiisip ko noon na may nangyari sa kanila, naninikip na ang dibdib ko. Ngayon, maisip ko lang na nakabuntis ng ibang babae ang boyfriend ko nakakamanhid na ng pakiramdam.

Oo, hindi niya ako niloko. Hindi niya iyon ginawa habang kami. Pero nakabuntis pa rin siya. Habang buhay na silang magiging konektado. His child will be his lifetime priority. Maybe there have time that they have to spend time together as family, for the sake of their child. Iiwan niya ako pansamantala para lumipat sa isa niya pang pamilya. Makakaya ko ba iyon kung sakali na pakakasalan ko siya at magkaroon kami ng sariling pamilya?

"Anong building iyon?"

Tila may pumitik sa aking harapan at mula sa kawalan ay naibalik ako sa kasalukuyan. Natingala ko ang lalaki na nagsalita sa aking kaliwang gilid. Nakaabang na ito sa paglingon ko at mukhang kanina pa ako pinagmamasdan. Naglalakad kami para i-tour ko siya pero simula nang umalis kami sa office ni Mrs. Montemayor, hindi pa ako nagsasalita. Nag-iikot lang kami pero hindi ko siya ni minsan kinausap. Nilukob ako ng hiya. Alam ko na may problema ako pero hindi ko dapat dinadamay doon ang iba at lalo na ang pag-aaral ko. Pwede kong damdamin kung mag-isa at nasa bahay ngunit kung ganitong nasa paaralan at naatasan ng gawain ay dapat umayos ako.

Napasuklay ako ng daliri sa aking buhok. Binasa ko ng aking dila ang labi kong natuyo na. "I'm sorry... uh..."

Nagkatinginan kami. Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ko ba siya dapat tawagin. Nakita ko na siya sa mansyon noon pero hindi naman kami nakapag-usap. Kay Jax ko lang din narinig ang pangalan niya. Tila nahulaan niya na hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya.

"Jace na lang." Ngumiti siya. "Your name is Clementine, right?"

Sinubukan kong ngumiti. Hindi ko alam kung paano niya ako nakilala. Naalala ko nga lang na ilang beses tinawag ni Mrs. Montemayor ang pangalan ko. O sa mansyon noon? Narinig niya sa Senyora? Kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa sarili ko dahil hindi ako nagngangangawa kahit maaaring ikasira namin ito ni Jax. Nang marinig ko na si Jax ang nakabuntis kay Maya hindi ako umiyak at sa halip ay malalim lang akong nag-isip. Hindi pa yata nags-sync in sa akin kaya parang manhid pa ako at paunti paunti pa lang ang pagkabasag ng loob.

"Oo. Pasensya na. Marami lang akong iniisip."

"I see..." Ngumiti ulit siya. "That's why you're spacing out... I guess... you're not feeling well, huh? If you don't feel well I won't mind if you want us to do it next time?"

Mabilis ko iyong inilingan. Marami akong kailangan gawin. Kung ipagpapaliban ko ito, hindi ko alam kung kailan kami matutuloy. Subalit bago pa ako muling makabuo ng salita, may nauna nang lumapit sa akin. Noong una akala ko'y isa lang sa mga estudyante rito na dadaan. Nang malingunan ko si Maya, gusto ko na lang hilahin si Jace at magtago kaming dalawa.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Bumukas-sara ang labi ko. Sandali lang nanlaki ang mata ko ngunit mabilis din na nakabawi. Bumilis ang paghinga ko at pintig ng puso. Ayoko. Ayoko siyang makausap. Mapasulyap lang ako sa katawan niya, iba na ang tumatakbo sa isipan ko. Bumabalik sa akin 'yong araw na nahuli ko sila na ginagawa iyon ni Jax. Na hindi iyon unang beses. Bago ko sila mahuli, maraming beses na nila 'yong nagawa at nagbunga pa.

"May... may ginagawa pa ako. Napag-utusan kasi ako ni Mrs. Montemayor. Kailangan kong-"

"Uh... I'm fine, Clementine, it's okay. Like what I said, maybe we can schedule it again tomorrow?"

Inosente at nahihiyang sumingit si Jace. Napatitig ako sa kanya. Gusto ko siyang pigilan. Gusto ko siyang pagalitan. Sasagot pa sana ako sa kanya at ipipilit na ngayong araw na namin gawin. Natigil lang nang muli kong marinig si Maya.

"Alam mo kung bakit kita gustong makausap. Huwag mo akong iwasan. Pakiusap..."

Napabaling ako sa mahina at mababang boses ni Maya. Tunog nagmamakaawa at nakikiusap siya. Hindi pa kami nag-uusap namumula na ang mga mata niya. Salitan kaming tiningnan ni Jace bago siya tumalikod at umalis. Nag-iwas ako ng tingin. Sa halip na kay Maya ay likod ni Jace ang tiningnan ko. Nasa kani-kanilang mga kwarto ang mga estudyante. Kami lang ni Jace kanina ang narito dahil pinatawag ako at pinaliban sa klase ni Mrs. Montemayor para rito. Alam ko naman na hindi ko siya maiiwasan lalo at nasa iisang eskwelahan kami. Kaya lang, hindi ko inasahan na ngayon na. Na agad agad hindi pa man ako nakakapag-isip ng tama.

"Gusto kitang makausap dahil alam ko na boyfriend mo si Jax..."

Suminghap ako ngunit hindi ko siya nilingon. Nanatili sa dinaanan ni Jace ang mata ko. Hindi iyon ang pakay niya pero nainsulto ako ngayon na nanggaling sa kanya na ako ang girlfriend ni Jax. Na singsing lang ang meron ako, kanya anak.

"Hindi ako pumapasok dahil gusto kong itago... nahihiya akong pumasok at malaman ng lahat na buntis ako... pero... napanuod ko kayo... gusto kong maging ikaw... gusto kong pumalit sa pwesto mo..."

Nagtiim bagang ako. Nang igalaw ko ang ulo upang harapin siya, umiiyak na siya. Gusto kong magalit sa kanya. Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong sabihin na ginusto niya iyan kaya magdusa siya. Pero sa huli, naisip ko na inosente rin siya. Jax was her first. Jax devirginized her. It was Jax who took her purity. It was Jax who got her pregnant. Si Jax ang nagsamantala sa pagiging inosente ni Maya. Tahimik ito at hindi makikitang malapit sa mga lalaki noon. Bago dumating si Jax, pag-aaral lang ang kanyang inaatupag. Maraming nawala sa kanya. Kay Jax, wala.

"Nang makita ko kayong dalawa na masaya... natakot ako... natakot ako na walang kilalaning ama ang anak ko... noong una ang sabi ko ayos lang kahit ayaw na sa akin ni Jax... ayos lang kahit anak lang ang maiwan niya sa akin kaya hindi ko ipinaalam sa kanya... pero nang makita ko kayo... naisip ko na kailangan ko siya... kailangan namin siya ng anak namin..."

Habang nagsasalita siya, dinudurog ako. Bumuka ang labi ko. Suminghap ako. Pag-iwas ko ng tingin sa kanya, nangilid ang luha ko. Nagtiim bagang ako at pinilit kong ibalik iyon. I breathes rapidly. My heart is pinching and hurting erratically. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, nasasaktan na ako. Parang gusto nitong kumawala at hayaan akong mawalan ng buhay. Hindi ako himihikbi katulad niya pero ang sakit na nadarama ko sa aking loob walang hinto. Ang daming pangako ni Jax. Ang dami niyang plano at handa na sana akong tuparin ang mga plano niya. Tinigasan ko ang loob ko. Matagumpay kong napabalik ang luha ko. Ikinuyom ko ng mariin ang aking kamao.

"Hindi ako si Jax. Kung gusto mong panagutan ka niya. Siya ang kausapin mo."

Walang puso kong tinalikuran ang luhaan niyang anyo. Hindi ko na siya binalikan ng tingin kahit malinaw kong naririnig ang malakas na iyak niya. Hindi ako nagpapigil sa paghakbang paalis. Naramdaman ko siya na sumunod ng ilang hakbang bago siya tumigil at muling nagsalita.

"Kung... kung hindi ako pananagutan ni Jax... ipapalaglag ko ang bata..."

Iyon ang agarang nagpahinto sa akin. Nanlaki ang nanlalabong mga mata ko. Marahas akong umikot upang muling harapin siya. Kagat niya ang nanginginig niyang ibabang labi. Basang basa ang pisngi niya hindi katulad ko na pabagsak pa lang ang luha. Kahit siya lang ang umiiyak ay pareho kaming nasasaktan dahil sa iisang lalaki.

Tumindi ang pagtaas-baba ng balikat ko sa hindi maawat na mabilis na paghinga. Gamit ang mabibigat na mga paa ay humakbang ako palapit sa kanya. Tumigil ako sa kanyang harapan. Inangat ko ang aking isang kamay at pinalipad ang aking palad sa pisngi niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Ngunit hindi siya gumanti at lalo lamang umiyak.

"How dare you use that child to get what you want! Walang kasalanan ang bata! Wala kang karapatan na maging ina kung ngayon pa lang iniisip mo nang patayin siya!"

"Mahal ko si Jax! Gusto kong mahalin ako ni Jax!" Nagtakip siya ng mga kamay sa kanyang mukha at doon humagulgol.

Nakaramdam ako ng pag-aalala sa dinadala niya dahil baka maka-apekto ang kanyang pag-iyak. Kaya lang, hindi dahil dinadala niya ang anak ni Jax ay ipipilit niya nang siya ang mahalin nito. Hindi isang pagkain si Jax na maaari niyang bilhin sa tindahan at angkinin niya. Lalo niya lang sisirain ang buhay niya kung pipilitin niyang kunin ang hindi para sa kanya.

"Kakausapin ko siya. Habang buntis ka paaalalayan kita sa kanya. Hahayaan kitang makasama siya tuwing kailangan mo siya hanggang sa manganak ka. Iyon lang ang kaya ko. Hanggang doon lang ang magagawa ko para sayo."

Tinalikuran ko siya at tuluyang iniwan bago ko pa bawiin ang sinabi ko at makapagbitaw ng masasakit na salita na maaaring ikapahamak ng anak niya. Hindi na ako pumasok. Pagkalayo ko kay Maya, tulala kong nilakad ang distansya ng paaralan at bahay.

Nagkulong ako sa kwarto. Nakadapa ako at nag-iisip. Nakauwi na ako ngunit ginagambala pa rin ako ng mga sinabi niya. Kaya niya ba talagang gawin iyon sa sarili niyang anak? I wonder how Maya said that. Maybe she's still confused and shocked?

Hindi biro ang pinagdaraanan niya. She needs a partner who can take care of her. Hindi pa siya handa at hindi rin mahal ng ama ng anak niya. Sinusubukan kong ilagay sa sapatos niya ang mga paa ko para mas maintindihan ko siya. Ngunit kalaunan hindi ko magawa dahil isa rin ako sa pinaka-apektado sa pangyayaring ito.

"Hi?"

Nakatitig ako sa ballpen at pinaglalaruan ito sa sumunod na umaga. Jax texted that he could come home in the afternoon. I didn't replied. Wala pang nagsasabi sa kanya. Siguro'y katulad ko hindi rin nila alam kung paano sasabihin sa kanya. Na hinihintay nila na dumating ito para sarili na niya ang makaalam.

Sinabi rin ni coach na hindi niya pa pinapanuod sa iba ang video ng buong laro. Si jax na raw ang pagdedesisyunin niya kung ilalabas ba iyon pagkatapos kumalat ang balita tungkol kay Maya at kay Jax. Kung mapapanuod ng iba iyon magtataka sila. Na bakit ako ang kahalikan gayong si Maya ang nabuntis ni Jax.

"Hello? Are you fine now?"

Biglaan ang paghinto ng kamay ko. Napabaling ako sa aking katabi. Nagkatitigan ang pareho naming itim na mata. Nalimutan kong katabi ko ang pinsan ni Jax. Magkaklase kami sa dalawang subject niya. Mula sa kanya'y napunta ang mata ko sa mga kaklase na nagtatayuan at naglalabasan na. Natapos ang klase na wala akong naintindihan. Kahapon kami nag-usap ni Maya ngunit hanggang ngayon hindi ko pa rin mahagilap ang sarili ko.

"Maybe you want us to do it now? The tour?"

My eyes returned to Jace. He really looks like Jax. but even so, I can't feel for him the way I feel for Jax. Magkaibang tao sila kaya ganoon. Biglaan na lang akong napatango. Kailangan ko ng distraction hanggang sa makauwi si Jax. Kahit nanggaling kay Maya na buntis siya, gusto ko pa rin makuha ang opinyon ni Jax. Gusto ko siyang makausap kahit ngayon pa lang nagdadalawang isip na akong magpakasal. Hindi ko rin alam kung gugustuhin pa bang ituloy iyon ni Jax pagkatapos niyang malaman na nakabuntis siya ng ibang babae.

"Libraries... cafeterias... locker rooms..."

Wala siyang reklamo kahit walang gana ang bawat turo ko sa mga building at hindi maipaliwanag ng maayos kung anong mayroon doon. Kahit na gusto kong ma-distract, lumilipad pa rin ang isip ko sa ibang bagay. Is it still fine for me to marry him? What if after years his child doesn't accept me? What if I might not be able to accept his kid in the long run? I will never be Jax priority and I might be his last.

Handa ba akong makipagsapalaran para roon? Kung ngayon pa lang hindi ko na siya kayang makitang may anak sa ibang babae hindi ba't dapat hindi ko na siya pakasalan? If I marry him it should be a package deal. Kung tatanggapin ko siya dapat ay kasama ang anak niya. Ang mga magulang ko? Matatanggap ba nila si Jax?

Natapos kami na wala akong ibang sinabi kung hindi ang mga pangalan ng building dito. Pagkatapos niyon ay nauna siyang umuwi dahil dalawang subject lang naman ang pinapasukan niya. Nag-aayos ako ng gamit na nakakalat sa batong lamesa malapit sa pathway. Nauna na ang mga kasama ko na magtungo sa next subject nila. Ako, katatapos lang mag-break. Huling libro na ang dadamputin ko nang muli kong mabitiwan ang mga iyon nang may tumulak sa akin mula sa likuran. Tumama ang tiyan ko sa batong lamesa na ikinangiwi ko. Paglingon ko, maraming estudyanteng mga babae at lalaki ang naroon.

"Ang ganda ng laro nila Jax, ah?" Nakangising ani ng isa sa mga lalaki. Hindi ako sigurado kung may kahulugan ang malagkit nito na tingin sa akin.

Kahit may pagtataka, hindi ko sila pinansin. Inayos ko ulit ang mga gamit ko. Masiyadong unusual na lalapitan na lang nila akong basta rito. Hindi ako gaanong pala-kaibigan. Madalas napapansin ko ang pag-ayaw sa akin ng mga babae sa ibang department o 'di kaya naman ay nahihiya lumapit. Ang mga lalaki nama'y hindi makaporma. Samantalang ngayon halos lampas pa sa sampo silang sabay sabay na lumapit sa akin. Natigil ako nang matanto ang sinabi ng lalaki. Hindi iyon inilabas ni coach kaya paano nila napanuod? Kung napanuod nila ibig sabihin...

"Kaya pala panay iyak ni Maya kasi nasulot ang tatay ng anak niya."

Nasagot ang nasa isip ko nang magsalita ang isa pa sa mga lalaki. Napanuod nila? Sino ang naglabas? Si Maya ba? Tapos nagpaawa siya? Na pinalabas niyang ako ang dahilan kaya naghiwalay sila kahit hindi naman talaga naging sila! Marahas akong napalingon sa kanila. Halos mabingi na ako sa tibok ng sarili kong puso. Nasalubong ko ang mata ng isang lalaki.

"Ang sarap ng halikan niyo ni Jax doon, ah?"

Tumingin ang pangatlong lalaki sa labi ko. Isa ito sa sumubok na ligawan ako noon. Hindi niya sinabi pero nagparamdam kaya pinaramdam ko rin agad na babastedin ko siya kung sakali na manliligaw siya kaya hindi na tumuloy.

Bumalik ako sa pag-aayos ng gamit. Nang matapos, lalagpasan ko sana sila kung hindi nito hinuli ang braso ko. Napapitlag ako at naagaw ang braso ko. Kinuyom ko iyon. Kung sasampalin ko siya lalo akong magtatagal rito at iyon ang pinakahuling gusto kong mangyari.

"Kaya ayaw mo magpaligaw kasi gusto mo maging kabit? Kabit ka ni Jax?"

"Hindi ako kabit! Boyfriend ko si Jax!"

May tumawang babae. Lumipat dito ang mga mata ko. Una siyang nagsalita na sinundan ng iba pang babae.

"Boyfriend mo siya ngayon dahil inagaw mo kay Maya! Tatahi-tahimik ka pero pokpok ka pala! Kunwari ka pa na galit kay Jax pero ang totoo gusto mo lang pa lang magpakantot sa kanya!"

"Kunwaring masungit pero malandi! Nakita niyo ba sa video? Nakasaklalay siya! Sanay na sanay magpabuhat kay Jax!"

Nagtawanan sila at ang isang lalaki ay ginaya pa ang paraan ng pagbuhat sa akin ni Jax habang gumagalaw ang balakang niya upang ipakita na ganoon ang ginagawa sa akin ni Jax. Nasa bingit na ang luha ko. Sobrang pambabastos na ang ginagawa nila.

"Dati pa lang naaamoy ko nang nasa loob ang kulo niyan!"

"Ilang beses na kayang nadali ni Jax iyan? Pagsasawaan niya iyan ilang buwan lang!"

Ikinangisi iyon ng lalaking nagparamdam ng pagkakagusto sa akin noon. Taas baba niyang tinitigan ang katawan ko.

"Pwede na ba akong pumila pagkatapos ni Jax? Siguro naman hindi ka na magsusungit at hindi na choosy kasi maluwag ka na?"

Natawa sila. Lumapit sa akin ang naunang nagsalita na babae. Nang-iinsulto ako nitong nginitian. Ngayong lumapit siya saka ko naalala na isa ito sa mga nabalitang may gusto kay Jax.

"Pokpok iyan! Siyempre mana sa nanay! Ang sabi ni mama nabuntis lang ang nanay niyan kaya pinakasalan ng tatay niya! Hindi mahal pero dahil pokpok at pakantot din kaya nalibugan ang tatay niya-"

Hindi ko na siya hinayaan na dagdagan ang sinabi niya. Malakas kong hinablot ang kanyang buhok. Isang hila pa lang nasubsob na siya sa lupa. Dinaganan ko siya at tiim bagang na pinagsasampal ang mukha niya. Kahit nakaramdam ako ng mga babae na sumasabunot sa akin hindi ko siya binitiwan. Walang emosyon ang mukha ko. Hindi ako iiyak kahit masakit ang paraan ng paghila nila sa aking buhok at pagkalmot sa aking balikat hindi ako iiyak! Hindi sa harapan nila!

Natitiis ko habang binabastos nila ako pero nagdilim ang paningin ko nang idamay niya si nanay. Hindi totoo ang sinabi niya! Wala akong alam sa kwento ng mga magulang ko pero alam ko na mahal ni tatay si nanay! Hindi malandi ang nanay ko! Alam ko iyon dahil nakasama ko sila buong buhay ko! Hindi ako papayag na dungisan nila ang pangalan ng nanay ko sa pamamagitan ko! Hindi kami pokpok!

"Clementine!"

Narinig ko ang boses niya. Ang pinagsimulan ng lahat ng ito. Naramdaman kong nawala ang lahat ng nakahawak sa buhok ko. May humawak sa bewang ko subalit kinalmot ko siya. Hindi niya ako binitiwan. Nagpatuloy ako sa pagsabunot at pagsampal sa babaeng nasa ilalim ko. Pagkakita kong may dugo na sa mukha ang babae saka pa lang ako natauhan at tumigil. May mga brasong yumakap sa akin mula sa aking likuran. Ang mga kagrupo namin ay itinatayo ang umiiyak na babaeng nasaktan ko.

"I'm home now... I'm sorry..." Paos ang boses niya at nanginig.

Nang marinig ko ang nanghihinang boses ni Jax at paghingi niya ng pasensya'y muling bumalong ang galit ko. Tumalim ang aking mata. Nagtama ng mariin ang mga ngipin ko. Nagsunod sunod ang mabilis na paghinga ko. Para saan iyon? Para sa pagbuntis niya kay Maya? Para sa pambabastos sa akin? Para sa pananakit sa akin ng mga babae? Para sa gulong siya ang gumawa?

Hindi ako galit sa kanya bago ito mangyari. Binibigyan ko siya ng pagkakataon at kinokonsidera ko na tanggapin siya nakabuntis man siya o hindi dahil mahal ko siya. Pero ngayon ko naisip na katulad ng ginawa niya kay Maya ay siya rin ang unang lumapit sa akin. Siya ang nauna pero kaming dalawa ni Maya ang nagdusa sa huli. Pareho kami ni Maya na nawalan at nasira ang pangalan samantalang siya ganoon pa rin. Pinapantasya ng mga kababaihan at kinaiinggitan ng mga kalalakihan. He's nothing but a flawed predator who loves to prey on weak women! He is nothing but a selfish broken man! Sarili niya lang ang mahal niya at wala siyang pakialam kahit sino pa ang madamay sa magulong buhay niya!

"I'm sorry... Please, listen to me-"

Nagtatagis ang mga ngipin kong kinalas ang kanyang kamay na nakayakap sa akin. Hinarap ko siya at bago pa niya ako matingnan sa mata'y nasampal ko na siya. Paulit ulit kong pinadapo ang mga palad ko sa kanya hanggang sa magdugo ang mga labi niya at ako na lang ang kusang tumigil at napagod. Hindi siya makatingin sa akin at hinayaan ako sa pananakit sa kanya. Malamlam at mapula ang mga mata. Nasa kamay ko ang mata niya at tila naghihintay kung kailan ulit iyon tatama sa kanya. Suminghap ako. Malakas ko siyang tinulak sa dibdib. Hindi ko alam kung malakas ang tulak ko o nanghihina lang siya ngunit naging dahilan ang pagtulak ko upang bumagsak siya sa lupa. Tinitigan ko siya. Nakayuko siya at nakabagsak ang balikat. Ang mga kagrupo namin ay nandito. Ang mga kasama nang babae na sinaktan ko ay iniwan na siya't mga nagtakbuhan na.

"Clementine!" Dinig kong sigaw niya nang makita na umatras ako at tumalikod palayo.

Kahit hindi ko lingunin alam kong tumayo siya upang habulin ako. Para ano? Para sabihin ulit na mahal niya ako? Anong magagawa ng pagmamahal na iyon? Magagawa ba no'ng burahin ang mga ginawa at nagawa niya? Mabubura ba no'n ang nakaraan niya na hinahabol kami ngayon? Hindi na sapat ang pagmamahal niya! Hindi ko na rin alam kung maniniwala pa ba ako. Ang dami niyang tinatago na baka nga maging ang lahat ng sinabi ni Jayden noon ay totoo.

"Please stop, Clementine! If you are angry you can hurt me physically while you are listening to me, Please!"

Muling umalingawngaw ang sigaw niya ngunit bago pa siya makalapit ay malayo na ang trycycle na nasakyan ko. Titigilan dapat nito si Jax ngunit sinabihan ko na magpatuloy. Habang umaandar, pinanuod ko siya sa side mirror. Magulo ang kanyang buhok. Nakaputi siya ngunit nadumihan na iyon ng lupa. Binilisan niya ang pagtakbo kahit na alam niyang hindi niya ako mahahabol. Patuloy siya hanggang sa mawala siya sa aking paningin nang lumiko ang sinasakyan ko.

Nagmamadali akong magbayad at bumaba pagkarating sa tapat ng bahay. Ang malayong daan ay tinanaw ko. Hindi ko naman makikita roon si Jax dahil sigurado na walang mukhang ihaharap iyon sa magulang ko kung pupuntahan niya ako rito. Inayos ko ang sarili ko. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri at ipinatong sa isa kong balikat ang maraming hibla niyon upang maitago ang mahabang kalmot ng kuko na nagdurugo na roon. Huminga ako ng malalim. Mahal ko si Jax kaya sobrang sakit kaya hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang umiyak. Humugot ako ng hangin. Binuksan ko ang gate. Hindi pa ako nakakatatlong hakbang papasok sa bahay ay nakarinig na ako ng sigawan mula sa loob.

"Bakit ka nagkakaganito?!"

"Ano ba sa tingin mo kung bakit ako nagkakaganito ngayon, Gary?! Dahil dati mo siyang kasintahan! Siya ang una mong minahal bago ako! O ako na ba talaga?!"

Pagod na pagod na ako ngunit nagawa kong bilisan ang paghakbang upang alamin ang nangyayari sa loob. Pagpasok ko, mas naging masakit sa tenga ang sigawan nila.

"Ikaw ang mahal ko-"

"Kung totoo ang sinasabi mo bakit ko kayo nahuling magkausap sa telepono, Gary?! Ha?! Nagkumustahan lang kayo?! Ano?! Nagsabihan na mahal niyo pa ang isa't isa?!"

Narinig ko ang hikbi ni nanay.

"Hindi ko alam na siya iyon! Hindi ko alam kung paano at kanino niya nakuha ang-"

"Alam mo ba na gusto kitang murahin ngayon?! Gusto kitang saktan! Iniwan ko ang pamilya ko para sayo pero siya pa rin?! Bakit mo inilihim?! Pinagmukha mo akong tanga! Kung hindi ko pa nakita ang hubad na litrato niyo hindi ko pa malalaman na siya ang sinasabi mo na mahal mo kaya hindi mo ako kayang ibigin noon! Nasa iisang bubong tayo pero nagawa niyong ilihim iyon noon!"

Mula sa pinto ng sala'y tinakbo ko ang pinto ng kwarto nila kung saan nanggagaling ang mga boses nila.

"Hindi ko sinabi kasi tapos na iyon. Hindi na importante kung sino ang nauna. Ang importante mahal kita ngayon-"

"Kaya ba hindi ka makaalis doon?! Kaya nagtatrabaho ka roon para masulyapan mo siya kapag umuwi?! Hinihintay mo siya?! Gusto mo siyang balikan?!"

"Caroline, hindi-"

Sabay ang naging pagbaling nila sa akin nang lumapit ako sa pinto. Hirap na hirap ang itsura ni tatay at si nanay ay umiiyak. Nabitiwan ni tatay ang braso ni nanay. Nakawala ito at nakalabas sa kwarto. Lumapit si nanay sa akin at hinila ako sa braso.

"Aalis tayo rito! Isasama kita!" Hinila ako ni nanay palabas sa pinto.

"Caroline!"

Nasa pinto na kami palabas nang pumalag ako at tangkang pipigilan siya. Subalit bago ko pa siya pigilan at makiusap na ayusin nila ito ni tatay ay umiiyak na si nanay na lumingon sa akin. Nasa mata niya na nasaktan dahil sa pagtanggi ko. Nagbara ang lalamunan ko. Umiling ako sa kanya. Nasaan na ba ang luha ko? Bakit ayaw nitong lumabas hanggang ngayon?

"Kung hindi ka sasama! Akong mag-isa ang aalis!"

Katulad ng ginawa ko kay Jax kanina'y tumalikod siya at tuluyan na lumabas ng bahay. Sinundan siya ni tatay. Ako nama'y hinang hina na napaupo sa upuang nasa sala. Walang lakas ko na ipinatong ang dalang bag sa lamesang maliit na nasa harapan. Ano nangyayari? Para itong masamang panaginip na mabilisang nangyayari ang lahat at sabay sabay. Isa itong panaginip at gusto kong magising. Wala bang papasok dito para saktan ako? Saktan niyo ako pakiusap. Yung sobrang sakit na maiiyak ako. Kasi baka iyon lang ang hinihintay ko. Kailangan ko lang umiyak para tuluyang magising ako.

Napapikit ako at dumilat nang marinig na tumunog ang telepono ni Jax. Nilabas ko iyon mula sa aking bag at inilapag sa maliit na lamesa. Akala ko nang una ay siya ang tumatawag. Numero iyon mula sa Ireland. Nakaupo lang ako sa upuan sa sala, hinihintay kong bumalik ang aking mga magulang at sana'y pagbalik nila'y maayos na ulit ang lahat.

Iniwas ko ang tingin sa telepono. Wala akong panahon para isipin kung sino sa mga magulang niya ang tumatawag ngayon. Tumigil iyon at pumalit ang isang mensahe. Nahagip ito ng aking mata. Kumunot ang aking noo at kahit maraming iniisip ay hindi ko napigilan ang mga daliri ko na buksan iyon.

It was from the same unknown number that was calling earlier. I swiped the phone screen and opened the message. When I read its message I knew immediately that it was not from any of his parents.

Pagkatapos basahin, bumagsak ang luha ko. Ni pilikmata ko hindi na napigilan iyon. Ito lang pala ang hinihintay ko na gigising sa akin. Bigla akong nakaramdam ng panlulumo at tuluyan nang naubos.

Unregistered number:

This is Georgina. I heard from your mother that you have women again. I know you're only doing that because you're mad at what I did. I already talked to your mother. You can go home now. I now admit it's my fault. I'm sorry. Please, call me back, babe. I'm missing you and I love you so much, Jax.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 60.6K 16
SEVEN DEADLY SINS SERIES 2: 𝐋𝐔𝐒𝐓 Dr. Kaden Dark is one of the best gynecologist. The doctor who specialize in women's health, with a focus on the...
446K 20.6K 14
SEVEN DEADLY SINS SERIES 5: 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐃 After Maiko's parent death, she decided to live on her own and not rely to her other relatives. Everything is...
2M 40.5K 18
The sexy and gorgeous secret agent named Miranda Lucille Gozar has everything aside from her killer looks. She's gifted and possesses skills that mos...
3.1M 67.4K 35
Del Russo Series #3 *** Dr. Creed Isaiah Del Russo had everything. Money, looks, and the love of his life, Dr. Jillian Klairo Esperensa. A beautiful...