Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 54

22.7K 521 72
By IyaLee04

(LC) Chapter 54

CHAPTER 54, 55, AND 56
PUBLISHED NOW

I felt sore the next morning. We did it again after the first. Nakahiga na ako sa pangalawa. Our lower bodies were just covered with blankets. There's no soft mattress in their tent so my back hurt. Sa una ako ang may control pero sa pangalawa siya na. Naging mas matagal din iyon kaysa sa una kaya sa tent na ni Jax ako nakatulog. Hindi na ako nakapag-paliwanag. Pagkatapos ng nangyari hindi niya na raw kailangan.

"Nakabihis ka na?"

Sumilip si Jax. Maliit lang ang ibinaba niyang zipper para makita ako. Hindi na ako sumagot. Ako na ang nagtuloy sa pagbaba ng zipper para makalabas ako. Mahamog pa at tulog pa lahat. Kaming dalawa pa lang ang gising. Niyaya niya akong maligo sa batis para mabawasan ang sakit ng katawan ko.

Nagsando lang ako at short. Tumigil ako sa unang hakbang palabas. Itinaas ko ang aking dalawang kamay upang mag-unat kasabay ng paghikab. Ginalaw galaw ko at pinalagutok ko ang aking mga braso. Habang ginagawa ko iyon, nakatingin lang ang nakapamulsang si Jax sa aking harapan. Bahagyang nakakiling ang ulo niya't pinagmamasdan ako ng mabuti.

"Tara na? Iyan na ang isusuot mo?" Tanong ko pagkababa sa aking kamay.

Nagpamewang ako. Niyuko niya ang damit niyang pinasadahan ko ng tingin. Nakasando rin siya at boxer short lang. Pagbalik sa akin, tumango siya. Nauna na akong maglakad. Nilagpasan ko siya. Dumiretso ako sa batis.

"Gosh!" Impit na tili ko na sinundan ng hagikgik nang makiliti ang talampakan ko sa tubig.

Maligamgam ang tubig. Tamang tama sa malamig na paligid. Hindi ko pa tuluyang naibaba ang isang paa'y nagising na ang lahat ng dugo ko sa aking buong katawan. Lumusong ako at lumapit sa bato. Hanggang tuhod ko lang ang tubig nang nakatayo. Nang umupo ako, umabot lang iyon sa dibdib ko. Nag-eenjoy na ako sa tubig nang magawi ang tingin ko kay Jax. Nakatayo siya kung saan ko siya iniwan at pinapanuod lang akong maglaro ng tubig.

"Anong ginagawa mo diyan? Halika na!"

Kinawayan ko siya't pinapalapit. Napangiti siya't napabuntong hininga sa tawag ko. Mabilis siyang nakalapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko. Sumandal siya sa bato at hinila ako sa braso upang ipuwesto ako patalikod sa pagitan ng mga hita niya.

Pareho kaming nakaupo. Nakayakap siya sa akin mula sa likuran. I think he has a fetish to hug me from behind. Kahit sa pagtulog nakayakap siya sa likod ko. Ano bang mayroon sa likod ko at gustong gusto niya ang puwesto na ganoon?

Inipon ko ang aking buhok sa isang balikat at pinaglaruan sa aking mga kamay ang tubig. Ang isang kamay ni Jax ay sinasalok ang malinaw na tubig ng batis at ibinubuhos sa nakalitaw kong batok at balikat. Pagkatapos patakan ng tubig ay papatakan niya iyon ng halik. Minamasahe niya rin ako sa aking likod, pababa sa aking braso, bewang, at hita. Agarang nawala ang sakit ng katawan ko.

"Wala ka nang balak na bumalik sa Ireland?" Pagkaraa'y tanong ko.

I remember what Jayden said at the after party. He said Jax was a drug user. Totoo nga iyon dahil si Jax na ang umamin. Pero sa mga sinabi ni Jayden iyon lang ang paniniwalaan ko. Jax is not a murderer and he has no girlfriend in Ireland. Kung sino man ang napagtanungan niya, malamang na nagkamali rin iyon at naipasa sa kanya ang maling balita.

Napatingin ako sa kamay ni Jax. Natigil iyon sa pagsalok ng tubig at pagbuhos sa akin. Naramdaman ko na kumilos siya sa likuran ko upang silipin ako. Hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy ako sa paglalaro ng tubig.

"Sasama ka ba sa akin kung babalik ako?"

Kamay ko naman ang natigil ngayon sa tanong niya. Hindi ko na napigilan na lingunin siya. Nagsitakbuhan ang kung anong namamahay sa puso ko sa kaisipan na gusto niya akong isama sa Ireland kung babalik man siya. Ngayon ko napatunayan na tama talaga ako. Kung mayroon siyang napatay at kung may girlfriend siya sa Ireland hindi niya ako tatanungin kung sasama ako roon.

"Siyempre, hindi. Hindi naman ako roon nakatira-"

"Don't you remember what I told you? Ang sabi ko kung nasaan ka, naroon din ako."

Lumabi ako. Kahit hindi siya sumagot ng oo o hindi, sapat na iyon na sagot. Kung nasaan ako, naroon siya. Hindi ako aalis dito kaya dito lang siya. Tinitigan ko siya. Sa ngayon oo nga, kung nasaan ako nakasunod siya. Hanggang kailan kaya niya iyan mapapanindigan?

"Narinig ko sa pag-uusap niyo na uuwi sa Mindoro ang Mama mo..." Umiwas ako. Nilaro ko ulit ang tubig. Nanikip ang dibdib ko sa parating na tanong. "Kapag umuwi siya. Paano kung isama ka niya sa Ireland dahil naglaro ka ng soccer? Sasama ka?"

"Hindi," mabilis at walang gatol na sagot niya. Para bang kahit paulit ulit ko 'yung tanungin iisa lang ang magiging sagot niya.

Habang naglalaro ng tubig lumayo ang isipan ko. Kung sakali na magkaganoon, lalong magagalit ang mama niya sa kanya. Sinaway niya ito at naglaro. Pagkatapos ay hindi siya sasama kung sakali na pauwiin siya. Sa boses pa lang ng mama niya, ramdam ko kung gaano ito kalupit na ina sa kanya. Na hindi ito sanay hindian ni Jax. Na sanay itong sinusunod siya palagi ng anak niya.

Inulit niya ang pagbuhos ng tubig sa akin. Ilang minuto kaming tahimik bago napaangat ng tingin nang may maalala. Tumigil ulit ang kamay niya. Tinitigan niya ako at hinintay kung anong sasabihin ko kung bakit ako lumingon.

"Kasama mo dapat si Peter sa tent hindi ba? Wala siya paggising natin. Saan pala siya natulog?"

Parang ngayon niya lang din naalala iyon. Nilingon niya ang mga tent. Sinipat niya iyon isa isa. Malamang ay iniisip kung saan nga kaya natulog si Peter. Kumibit ang balikat niya at tiningnan ako.

"Nandiyan lang iyon. Baka nakitulog sa ibang tent ng kasama namin."

Nakalabi akong tumango. Nakakahiya. Naagawan ko pa siya ng higaan. Kakasya naman kaming tatlo sa tent nila kung doon siya natulog. Nasa kabilang side naman ako nang magising. Pwede niyang tabihan si Jax pero mukhang sa ibang tent nga yata siya natulog at hindi na sumalo sa amin.

"Anong ginawa mo sa akin?!"

Mula sa tent ay pabalik na ang mata ko sa tubig, nabalik lang sa tent dahil sa matinis na boses ni Irene. Napaayos ako sa pagkakaupo. Naisipan ko pang lumayo kay Jax pero sa huli natanto ko na mali ang ginagawa ko kay Jax. Alam naman na ni Irene na boyfriend ko si Jax kaya bakit pa ako iiwas?

"Wala akong ginawa!"

Nalipat kay Peter ang mata ko. Sinuntok ito ni Irene sa likod. Huli ko nang natanto na sa iisang tent lumabas si Irene at Peter. Hawak ni Peter ang tshirt niya at nagmamadaling magbihis. Nasa mga mata at buhok nila na kagigising lang pareho. Umayos ako ng upo. Sumandal ako sa dibdib ni Jax at sabay namin na pinanuod ang dalawa.

"Huwag kang sinungaling! Kung wala kang ginawa bakit magkayakap tayo?!"

Napatingin ako kay Jax. Tumango siya. Hindi pa ako nagsasalita alam na niya. Pareho kami ng naisip. Kaya pala hindi sa tent ni Jax natulog si Peter dahil doon siya kay Irene tumabi. Lasing si Irene kaya siguro hindi nagising at walang kamalay malay na tinabihan siya ni Peter.

"Wala nga akong ginawa! Ikaw ang nakayakap sa akin! Baka ikaw ang may ginawa sa akin?!"

Sinuntok siya ulit ni Irene. Dahil sa sigawan nila, nagising ang mga nasa kabilang tent. Isa isang bumukas iyon at niluwa ang mga kasama namin. Wala pang nakakapansin sa amin ni Jax. Nakay Peter at Irene ang mga mata nila dahil sabay sabay nilang hinanap kung saan nanggaling ang ingay. Nilapitan sila ni coach. Kinausap at pinatigil.

Tapos na kaming maligo ni Jax nang lumusong ang iba sa batis. I sat in the purple camping chair. Jax was standing near the tent. Mayroon itong kausap sa telepono. Nakapamewang ang kanyang isang kamay at pasulyap sulyap sa akin habang nagsasalita.

Binaba niya ang kanyang telepono pagkatapos makipag-usap sa katawagan. Nagtama ang mata namin. Hinintay ko siyang makaupo sa asul na camping chair na nasa aking tabi. Hindi niya kasi ako nilubayan ng mata at kahit sa tingin lang nahulaan kong may sasabihin siya.

"Mason called," panimula niya.

"Hmm..." Tumango ako. "Kaibigan mo? Iyan ba yung sinasabi mo na imi-meet mo sa Manila dahil may pag-uusapan kayong business?"

Ilang beses niya na itong nabanggit kaya pamilyar sa akin ang pangalan kahit hindi ko pa nakikita. Sa tatlong kaibigan niya ito lang ang hindi ko nakita. Nakasama ko na si Levi. Si Enzo naman ay naka-video call namin. Itong Mason ang hindi ko pa nakita. Tumango siya.

"Yup, and he's in Manila now."

Nagtagal ang titig ko sa kanya. Hindi ako kaagad nakapag-react. Nag-isip muna ako bago naalala na kapag dumating ito sa Manila ay isasama niya ako para makipagkita rito. I stared at him and realized that he intended for us to meet Mason. Paano? Malayo na kami sa Manila at pabalik na kami sa Mindoro.

"Jax! Pauwi na tayo mamaya!"

Medyo napasigaw ako. Kasi hindi na kami pwedeng bumalik sa Manila katulad ng nababasa ko sa mga mata niya na gusto niyang gawin. Kung babalik kami hindi na kami aabot sa pier at wala kaming tutuluyan.

"I know, but this is the only chance we can meet him. Palipat lipat iyon sa ibang bansa at hindi natitigil dito sa Pilipinas."

"Paano iyan?"

"We can extend our stay here-"

Agad ko iyong inilingan.

"Kailangan kasama natin ang grupo sa pag-uwi, Jax. Games lang ang naipagpaalam ko. Hindi ko pa ito naipagpaalam kina nanay. Hahanapin ako kapag umuwi sila at hindi ako kasama."

Ni hindi ko pa alam kung napanuod ba kami sa Mindoro. Sa palagay ko hindi naman. Mahina madalas ang signal doon at narinig ko pa'y umulan. Ang mga kasama namin, hindi ito mga magsasalita. Kahit galit sa akin si Irene alam kong ako ang hahayaan niyang maunang magsabi kila nanay ng tungkol sa amin ni Jax.

"I'll talk to coach. Isasama natin sila sa Manila. I will book them a hotel while we stay in my condo."

"Condo? Wala kang bahay sa Manila? Pwede sigurong sama sama na lang tayo?"

"Bahay iyon ng parents ko, Clementine. Hindi ako bumibili ng sariling bahay sa Manila dahil wala naman akong iuuwi. But now I plan to buy one. Kapag nasa Manila tayo doon tayo uuwi."

Kung magsabi siya na bibili siya ng bahay akala mo ice tubig lang ang bibilhin niya. Maraming iniwan ang Don na sa pagkakaalam ko ay kay Jax ipinamana. Pati ang buong lupain nila sa Mindoro sa tingin ko sa kanya na rin nakapangalan lahat. Kahit hindi sila maayos ng mga magulang niya malaya rin siyang gastusin ang pera ng mga ito. Hindi na kataka taka na kasing dami ng buhangin ang perang nahahawakan niya.

"Papayag ba sila sa hotel? Wala naman silang gagawin doon. Mapapagastos pa sila-"

"I'll pay for everything and give them itinerary. Magbibigay ako ng pocket money. Papayag 'yang mga iyan. Ako na ang bahala. Dito ka lang," sabay tayo at lapit kung nasaan si coach.

Pinanuod ko siyang kausapin si Coach Roiland. Nakaupo siya sa harap nito na camping chair. Nakatukod ang siko niya sa kanyang tuhod at masinsinan na nakikipag-negotiate kay coach. Mayroon pang pagalaw-galaw ng kamay at may isinesenyas. Mapilit talaga siya. Kung ano ang maisipan gagawin niya. Palibhasa madaling makuha ang gusto dahil may pera.

Pabalik na kami sa Manila. Nag-iingay sila at mas natuwa yata sa plano ni Jax. Tumawag pa sila sa kanya kanya nilang mga magulang at nagpaalam na extend ng tatlong araw ang celebration. Hindi nga sila mga nakapanuod. Hinihintay pa ang pagdating namin dahil mayroon copy kay coach ng buong laro at iyon ang panunuorin nila.

Hindi na ako nagpaalam. Wala naman akong eksaktong araw na ipinaalam kaya pwede akong mag-stay. Hindi rin ako nag-aalala na makarating sa kanila ang halikan namin ni Jax na nakuhanan ng camera dahil hindi naman pala sila mga nanuod. Hindi nga lang pwedeng mauna ang mga kasama namin na wala ako. Kung sila lang ang uuwi nasisiguro ko na kaagad ang paghahanap at pag-aalala sa akin ng mga magulang ko.

"Ikaw lang mag-isa rito?"

Hinubad ko ang suot na backpack at ipinatong sa island counter. Wala sa kanya ang tingin ko at iniikot ang mga mata sa buong condo niya. Salamin na buo ang second floor. May blinds lang. Ang tatlong kwarto sa itaas ay kita ang sa living room kung nakataas ang blinds. Bar counter. Island counter. Kitchen. Dining. Simple lang pero ang class tingnan. Unang tingin masasabi kaagad na mayamang binata ang nakatira.

"Uh-huh," tumango siya at ginaya ako. "This is a two hundred square meter loft unit. May swimming pool ito sa labas. Kung gusto mo pwede tayong maligo roon."

Kinuha niya ang backpack ko at hinawakan ako sa kamay. Hinila niya ako papunta sa hagdan paakyat sa mga kwarto sa itaas. Binitiwan niya ako pagkapasok sa isa sa mga kwarto roon. Binuksan niya ang blinds at inayos ang mga gamit namin.

I sat on the edge of the bed. Mula rito'y pinanuod ko siya. Pabalik balik siya sa bag upang kunin doon ang mga damit namin at ilagay sa built in cabinet. Nasasanay na ako na siya ang kumikilos sa mga ganito. Bata pa lang naturuan na akong mag ayos ng mga gamit at tumulong sa mga gawaing bahay. Sa kanya ko lang naranasan na mapagsilbihan. Tipong kulang na lang hindi na niya ako pakilusin at siya na lahat.

"What's this? Is this a medicine?"

Sa likod niya ako nakatingin. Huli na nang matanto ko na nasa loob ng backpack ko ang pills na iniinom ko. Nasa kamay niya iyon at kunot noong binasa kung anong klaseng gamot iyon. Sandaling sandali niya lang iyon na binasa at mabilis narealize na ito ang gamot na sinabi niyang huwag kong kunin sa drug store. Unti unting bumuka ang labi ko.

"You bought this?" His forehead was furrowed and his eyes were dark when he turned to me.

Binuhat ko ang sarili patayo sa kama. Lumapit ako sa kanya at inagaw sa kamay niya ang gamot. Sobrang dilim ng mata niya nang tingalain ko. Wala akong balak na ipaalam sa kanya ang pag-inom ko nito. Nahuli niya ako kaya wala na akong ibang pwedeng gawin kundi umamin at magpaliwanag sa kanya.

"Uh..."

Magkaharap kami. Hindi ko alam kung anong paliwanag ang gagawin. Pati ba ito pag-aawayan namin? Malamang, kasi naglihim ako. His jaw tightened as his eyes went to the medicine. Dalawang tableta na lang ang nandoon. Ubos na iyon at kailangan ko nang bumili ng bago pag-uwi namin. Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"I told you to cancel the pills. Binili mo pa rin? Nagsinungaling ka?"

Ito na naman. Pero sa pagkakataon na ito alam kong tama ang ginawa ko. Hindi niya rin naman kasi tinupad ang sinabi niya na magc-condom kami kaya niya pinapa-cancel noon. Sinubukan kong gaanan ang tingin sa kanya. Ako ang magpapaliwanag kaya hindi dapat ako magmatapang. Bumalik ako sa kama at naupo sa kaninang pwesto ko. Pagtingin ko sa kanya'y nakahalukipkip na siya't salubong ang mga kilay.

"We're not using protection," nagsimula ako. "Ang sabi mo gagamit tayo pero hanggang ngayon hindi ka naman gumagamit."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Sa tuwing may nangyayari sa atin umiinom ka niyan?"

"Kung sinabi ko pipigilan mo ako. Ayaw mong gumamit ng condom at ayaw mong uminom ako ng pills. Araw araw natin iyon ginagawa kaya araw araw din ang pag-inom ko. Kung hindi ako umiinom nito baka nabuntis mo na ako ngayon, Jax."

Mataman niya akong tinitigan. Walang naging pagbabago sa reaksyon niya. Kung may nagbago man, lalong nagsalubong ang kilay niya.

"Bakit ba kasi hindi ka gumagamit ng condom kahit marami ka naman no'n? Bakit noon naman..."

Hindi ko pinagpatuloy ang sasabihin nang panliitan niya ako ng mata. Ayaw niyang pinag-uusapan namin ang nakaraan niya at mga naging babae niya. Lumabi ako at sinubukan na ibahin ang pag-uusapan para maiwala siya sa gamot.

"Ang sabi mo nagustuhan mo ako sa unang araw na makita mo? Kung totoo iyon, bakit may mga babae ka at-"

"What do you expect me to do? Pull you and fuck you because I always get a boner because of you? I could get and fuck all women but I don't allow myself to have you. For me, you are out of bounds. You are off limits. Hanggang tingin lang ako. Kung hindi ka pa naging curious sa ganoong bagay hindi ako magkakalakas ng loob na yayain ka."

Lalo akong napanguso. Nag-init ang pisngi ko. Ibig ba niyang sabihin ay naiimahe niyang ginagawa niya sa akin iyon noon pa man? Sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin at nakangisi sa akin iba na ang nasa isip niya? Paano yung mga oras na nakatitig siya sa hita at puwetan ko? Lahat iyon may kabastusan siyang naiisip?

"Every time you sweat because of your practice, I can also imagine you moaning and sweating under me as I aggressively thrusting mine inside you. You have no idea how I've been addicted to you since day one until now, Clementine."

Napasinghap ako at naghabol ng hangin. Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Inalis niya ang mga braso niya sa pagkahalukipkip. Binaba niya ang mukha niya at ipinatong ang mga palad sa kama para maikulong ako. Napaatras ako ng kaonti. Nasa kanya ang mga mata ko. Hindi ko agad naramdaman ang pag-agaw niya ng pills sa kamay ko. Tumayo siya ng maayos nang makuha sa akin iyon at iritadong tiningnan ang dalawang tabletang gamot na naroon.

"Tsk! Sayang... umiinom ka pala nito..." Pumalatak siya at napailing.

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Ang alam ko lang ay may panghihinayang sa kanya. Ano naman ang nakakahinayang doon? Mabuti nga at naisipan ko iyon dahil palagi siyang nakakalimot. Tinalikuran niya ako at ibinalik ang pills sa backpack ko. Naging abala siya sa ginagawa kaya nagpresinta na akong magluto sa kusina niya para may magawa.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 299K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
173K 6.4K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...