F.L.A.W Series Book 3: RUBY

נכתב על ידי mimzee23

17.4K 1.4K 325

Warning: SPG / R-18 /Mature Content Female League of Assassins and Weapons F.L.A.W Series Book 3: RUBY "I am... עוד

Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Final Chapter
Special Chapter
Bonus Chapter (Book 4-Preview)

Chapter Nineteen

441 38 13
נכתב על ידי mimzee23

Slowly, things went back to normal. Vixyn is still trying to fix herself so she can go back to the way she was before- innocent and soft. But she's struggling because the truth is she's far from being innocent anymore. Even though she still can't remember fully about the past, it's enough for her to think that she's irredeemable.

Subalit sinusubukan pa rin niyang pakisamahan ang lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya gaya ng pamilya ng asawa niya at lalo na ang mga Zaldana. Katulong kasi ng mga Montenegero ito sa pangangampanya para kay Thaddeus. Mas lalong lumalakas kasi ang pwersa at mahihirapan na ang mga kalaban ng bayaw niya na tanggalin ito bilang nangunguna sa Pol sa pagtakbo sa Senado.

"Do we really need to bring the kids to this campaign parade?" Tanong ni Ruby sa asawa habang binibihisan si Poseidon.

Naroon kasi sila sa isang hotel sa Cebu dahil simula na ng pangangampanya ng bayaw niya.  Required silang sumuporta kaya't sumama ang buong pamilya nila roon.

"Ayoko sanang gamitin ang mga bata sa politika kaso kinausap ako ni Thadd at hindi ko mahindian ang kapatid ko. I owe him many times and one of those was when he gave you a job in his office before." Paliwanag nito na kaagad naman niyang naintindihan.

"Naintindihan ko naman na kailangan nating suportahan siya bilang isang pamilya ngunit nag-aalala lang ako para sa mga bata. Exposing them to politics at this early age might affect them. Alam mo naman ang mundo ng pulitika, marumi at lahat ng sikreto, kakalkalin." Mas lalo lang siyang nag-alangan. "What if the media will try to dig up our family's dirt? I will be number one on the list because Vixyn Isolene Torrejon doesn't exist!"

"Hey, calm down." at hinimas ang braso niya para pakalmahin siya. "I will not let that happen, you hear me?" dahan dahan siyang tumango. "The media won't give any interest in us, they will be focusing on Thadd and his fiancee only."

"Isa pa yan." at bumaling muli sa anak. "Mas lalong magiging laman ng media ang pamilya natin dahil sa nangyaring pag-aaway ng mga kapatid mo noong nakaraang linggo."

"It's not our problem, Vix, it's theirs. Hindi naman tayo madadamay dun sa gulong pinasok nila. Gago lang talaga yang si Morph dahil sa dami ng babaeng papatusin, si Val pa! Alam naman niya na matagal nang engaged si Val kay Thadd. He broke our code." Iiling-iling na sabi nito.

"Screw your code!" inis niyang sagot. "None of you have even asked Val whom she would want to marry. Arranged marriage is just a game of pretension and no one can win in the end. Sakit sa ulo lang ang dulot niyan."

"I don't give a damn about their personal problem. It's their choice but one thing I know for sure, Morpheus isn't serious with Val, he's just looking for a thrill. And now that he's done with her, he'll move on to his next target."

"You sure about that?" Tila nanghahamon na tanong niya.

"I am. We all know Morpheus, commitment and relationships aren't his things. It's not in his vocabulary."

"He respected your code and if he broke it then it must have meant something, right?" doon napaisip ang mister. "Maybe Val is his exception, unfortunately, she belongs to one of his brothers." Sabay kibit-balikat bago binuhat ang anak at iniwan ang asawa na napapaisip.

Wala na ngang nagawa si Vix kundi isama ang mga anak sa pangangampanya ng bayaw. Bukod tanging si Morpheus lang ang wala roon dahil nga sa naging alitan ng magkapatid. Si Amadeus ay umuwi din galing Amerika at isinama din nito si Agent Viper kaya't may dagdag proteksyon ang pamilya nila.

Kasama sila sa pagbibigay ng mga flyers at panay ang ngiti nila sa harap ng mga camera at sa mga taong nakakasalamuha nila roon. Mukhang nasisiyahan din ang mga bata dahil bibong-bibo ang mga ito na makipag-usap sa mga tao. Tama nga si Percy dahil pulos tungkol sa relasyon nina Thad, Val at Morph ang mga itinatanong ng media at hangga't maaari ay iniiwasan naman na sagutin iyon upang hindi na lumaki pa ang isyu.

Kasama rin nila ang buong pamilya Zaldana na siyang kinaiinisan ni Vix. Alam naman niya na tumutulong din ang mga ito sa kampanya ng bayaw ngunit hindi niya alam bakit kailangan pang sumama pati si Lovely. They are acting as if they are part of the Montenegro Family. Panay ang ngiti sa harap ng camera at madalas pang lumapit sa asawa niya para makipag-usap.

Vixyn knew what she is trying to do just like what Piedro had told her. She is still hoping for a chance to be with Percy but Vix will crush that hope.

"Mommy, I'm tired na and I'm super thirsty." Reklamo ni Sephy pagkatapos nilang mag-abot ng flyers sa mga tao.

Sinadya talaga nilang puntahan ang mga bawat bayan roon sa Cebu upang mamahagi ng kaunting tulong para na rin sa ikalalakas ng boto ng bayaw. May mga ilang bayan nga lang na hindi kayang daanan ng sasakyan kung kaya't nilakad nila kahit mahirap. At dahil roon ay napagod na nang husto ang mga anak.

Nilingon saglit ni Vixyn ang asawa na busy sa pakikipagusap sa ilang mga constituents ni Thadd at ganoon din ang buong pamilya nito. Hindi pa tapos ang pangangampanya dahil may ilang bayan pang natitira at sa pinakahuling bayan ay may programang inihanda para sa kanila. Sumenyas siya sa mister kaya naman agad itong nagpaalam sa kausap upang lapitan sila.

"Pagod na si Seph at baka gising  na din si Sedi sa sasakyan at hinahanap na ako. Alam mo naman na simula nung bumalik tayo mula Amerika ay ayaw nang humiwalay sakin ng bunso natin. He has separation anxiety so we must address that carefully." Aniya habang pinapunasan ang ilang butil ng pawis sa noo ng asawa.

"Sige, mauna na kayong bumalik ni Sephy sa hotel para makapagpahinga. Ako na ang bahalang magsasabi kina Mama." At saka siya binigyan ng halik sa noo. "Hintayin niyo na lang ako doon." Sa anak naman bumaling. "Wait for Daddy, okay? We'll have dinner later at the hotel's rooftop."

Nakabungisngis na tumango naman ang bata.

"Ilang oras din ang biyahe magmula rito hanggang sa siyudad, kung doon ka pa manggagaling sa pinakadulong bayan, baka abutin ka na ng dilim mamaya." Sinusubukan ni Vix na isama na ang asawa.

"Don't worry, I promise, I'll be with you  on dinner tonight." He even raises his right hand, swearing in front of his daughter.

"Don't make promises you cannot keep." Seryoso niyang sabi.

"You should keep your promise, Daddy." Dugtong pa ni Sephy.

"I will." He chuckled and kissed his little girl.

"Promises are made to be broken." Patuloy ni Vix dahil ayaw talagang sumama pa ng asawa sa kanila at hahayaan lang silang bumiyahe pabalik ng siyudad nang sila lamang na mag-iina.

"Not all." At siya naman ang hinalikan sa pisngi. "May mga ilang kapulisan akong ipapasama sa inyo para masigurong makakabalik kayo ng hotel na ligtas.

"Why? Do you think someone is after us?" Bigla siyang naalarma doon.

"We're just taking precautions here. Simula na ng pangangampanya kaya't magsisimula na rin ang mga kalaban ni Thadd na gumawa ng hakbang para paatrasin siya." 

"Did he receive any death threats?" Bulong ni Vix upang hindi marinig ng mga tao roon lalo na ng anak.

"Nothing serious. Mga negative publicity lang naman, paninira ng kabilang panig. Pero kailangan pa din nating mag-ingat at huwag magpakasiguro. Ikaw na mismo ang nagsabi na magulo at madumi ang mundong ginagalawan ng pamilya ko. Politics, business, law? They are all the same. They can all put us in danger so we must be as vigilant as possible"

"I know." Pagsang-ayon niya dahil kahit siya ay galing sa isang mundo na puro karahasan din kaya't alam niyang kailangan talaga nilang mag-ingat.

"Sige na, bumiyahe na kayo at nang makapagpahinga na ang mga bata." Tulak na ng asawa sa kanya.

"See you later." And kissed him before pulling Persephone away.

Nasa loob sila ng covered court at palabas na nang may mapansin siyang dalawang lalaki na panay ang lingon sa paligid. Kahina-hinala ang kilos para kay Ruby at may kutob siya na hindi maganda.

No one seems to notice, not even the police escorts of their family, that something is off about those men. Hinanap agad ng mga mata niya si Percy ngunit bumalik na ito sa pakikipagusap sa mga tao.

Nang mapansin niya na nagpalitan ng tingin ang dalawang lalaki at sabay na naglakad na papunta sa harapan ay kaagad niyang kinausap ang anak.

"Sephy, you stay beside Mr. Officer, okay? No matter what happens, just stay with him." Tukoy niya sa pulis na kasama nila. "Pakilabas na ho ang anak ko at pakibantayan. Mukhang may gulo na mangyayari." Aniya sa pulis.

"Ho? Ano pong sinasabi niyo-"

"There's no time!" Putol niya sa lalaki. "Just get her out of here and I'll be the one to tell my husband about this. Just go!" Tulak niya bago binalingan ang mga kahina-hinalang lalaki.

Papalapit na ang dalawa sa harapan kung nasaan ang buong pamilya niya. Kaagad siyang tumakbo at nang mapansin ang hawak na baril ng isa sa mga kalalakihan ay mabilis niyang sinunggaban iyon.

They tussle as she tries to grab the gun from the man. Hindi basta simpleng tauhan iyon dahil marunong din makipaglaban. Sinubukan ding manutok ng baril ang isa pa ngunit kaagad niyang nasipa kaya't pumutok iyon pataas na naging dahilan ng kaguluhan roon. Nagsitakbuhan na palabas ang mga tao at sumaklolo naman sakanya si Agent Viper.

The two of them are now fighting one on one with those men. They both disarmed and subdue them in no time and with the help of the other police officers together with Percy and his brothers, they arrested the goons.

"Are you alright?" Tanong kay Ruby ng asawa. "Why did you have to join Viper in stopping these men? You could've just waited for me, for us-" Sabay turo sa mga kapatid. "-or the police officers here to handle the situation. You could've put yourself in danger!"

Masama niyang tiningnan ang asawa. Hindi niya nagustuhan ang reaksyon nito. Siya na nga ang tumulong, siya pa ang mali.

"Hija, ayos ka lang ba?" Tanong ni Doña Adelina  sakanya. "Ang mga bata nasaan na?"

"They are safe. Pinasamahan ko sa pulis palabas si Seph at nasa sasakyan naman si Sedi kasama si Manang Fe."

"Mabuti naman kung ganoon. That was close!" Bulalas nito habang sapo ang dibdib. "Kamuntik nang may mapahamak sa atin. Thankfully, those men got subdued on time."

"Thankfully, Deus' bodyguard is here." Ani Thadd na tinuro pa si Aphrodite na palapit sa kinaroroonan nila kasama si Amadeus. "You're fast, you saved us all." Anito kay Viper nang makalapit na.

"Thank you, Miss." Si Val na halatang natakot din sa nangyari. "If you weren't here, someone could've gotten hurt."

"Thank you for protecting my family." Ang matandang donya naman ang sumunod. "Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung wala ka kanina, baka kung ano na ang nangyari sa pamilya ko. I can't lose any of them." 

"Agent Viper is one of the top agents in their agency. She costs a lot of money so she has to be that skilled when it comes to this kind of situation." Si Deus na ikinasimangot lang ni Viper. "Sayang naman ang bayad sakanya kung wala siyang kwenta sa pakikipaglaban diba?" Sabay tingin sa dalaga na halatang nang-aasar.

Lumapit na din si Don Matheus at si Piedro kasama ang mag-ina nito.

"We owe you, Agent." Wika ng Don kay Viper. "Thank you for keeping us safe."

Hilaw na ngiti ang ibinigay ng dalaga sa lahat.

"As much as I want to take all the credits here, I can't." At saka tumingin si Viper kay Ruby. "I wasn't the first one to respond, it was Vixyn. She was the one who stopped them first."

Lahat ng mata ay kay Ruby na bumaling.

"I saw you aiding Agent Viper here but I didn't know you were the first one to stop those men." Si Doña Adelina na lumapit at hinawakan ang mga kamay niya. "Thank you, Hija." Sabay yakap ng mahigpit. "You're a savior!"

"You saw those men first?" Si Don Matheus.

"Yes." Sagot niya habang tumatango at humiwalay na sa yakap ng biyenan. "I saw that something was off about them and the first thing that comes to my mind was to stop them. As soon as Sephy went out, I had no time to warn everyone anymore so I did what I had to do. I attacked them."

"And when I saw her fighting, I came to rescue." Segunda naman ni Aphrodite sa kanya.

"You have a brave woman, Perseus." Si Piedro Zaldana. "She jumped off to catch the bullet that's meant for who knows who." Puri nito.

"Damn, Vix, didn't know you were a bad ass." Si Thadd. "Thanks though, for saving us all. Bagay talaga kayo ni Percy boy."

Iilan lang ang tumawa sa biro ng bayaw niya at isa na sa hindi tumawa ay si Lovely na bigla na lamang umiyak.

"We almost got hurt and you can still joke around?!" She snapped at the Mayor. "I can't breathe properly because-... because..-"

"Calm down, Darling." Ani Marita. "Oh, you're shaking!"

"Lovely, calm down, Hija." Si Piedro na lumapit na sa anak. "It's over, we're fine now. You don't need to be scared anymore."

Sinusubukang pakalmahin ng mag-asawang Zaldana ang anak ngunit hindi magawa. Mas lalong nahihirapan huminga ang dalaga at nanginginig na ang buong katawan.

"Breathe, Lovely." Perseus stepped up and held the woman close.

Ikinagulat ni Vix ang ginawang iyon ng asawa. Alam naman niyang nagmamalasakit lang ito sa babae ngunit hindi niya maiwasan ang mainis dahil sa selos.

"You're having a panic attack and if you don't calm yourself down, your breathing won't get back to normal." Paliwanag nito. "Now breathe with me. Come on."

He's helping his ex-fiancee and there is nothing wrong about it but Ruby felt uncomfortable. Sanay kasi siya na sakanya lang ginagawa iyon ng asawa sa tuwing inaatake siya dati ng panic attack. Kaya't ngayong nakikita niya na ginagawa nito iyon sa ibang babae lalo na sa babaeng kamuntik na nitong pakasalan noon ay nasasaktan siya.

"Now that everyone is fine, I'll go now. I still have to check with the kids." Ani Vixyn ngunit hindi siya narinig ng asawa dahil patuloy ito sa pagpapakalma kay Lovely. "Mauna na kami sa inyo. I'll see you all at the hotel." Iyon lang at dali-dali na siyang tumalikod palabas.

She can't stand the scene in there so she must leave before she can burst out again.

Sinalubong naman agad siya ni Sephy paglabas na tahimik lang sa tabi ng pulis na pinakiusapan niya.

"Mommy!" Mahigpit itong yumakap sa kanya pagkabuhat niya rito. "I got scared a little when the people started to run. They went out so fast and I couldn't see any familiar faces." Nakangusong sabi nito. "But I shook it off, I controlled my fear. I'm not a pussy anymore."

Niyakap naman niya ulit ang anak.

"No, you're not. You're my brave little girl." Bulong niya. "And I am so proud of you!" Sabay halik sa pisngi. "Now, let's go back to the hotel and rest, okay?"

"Aren't we going to wait for Daddy? The campaign is over, right?"

Ruby started at her daughter and faked a smile.

"Daddy is busy helping others who are still in shock because of what happened. They need him here so we must go ahead first." Paliwanag niya sa anak.

"I hope he can still keep his promise." Muling ngumuso ito.

"He will." She said but her mind is thinking the opposite.

I hope so too.

Iyon ang sigaw din ng isip niya.

Habang bumabiyahe na sila pabalik ng siyudad ay di maiwasan ni Vixyn na balikan sa isip ang mga naganap. She's trying to control her emotions so she would not push herself to have sudden outbursts later that might result in risking her kids' life.

Nakatulog ang mga bata pagkarating nila sa hotel at siya naman ay
nagbabad sa bathtub. Kailangan niyang kalmahin ang sarili lalo na ang kanyang utak para wala nang masasamang isipin ang pumasok roon. Ngunit hindi niya maiwasan dahil hanggang sa mga oras na iyon ay ni hindi man lang siya nagawang tawagan ng asawa para tanungin kung nakarating na ba sila sa hotel.

Mag-alas singko na ng hapon nang gumising ang mga anak niya at hinayaan niya munang maglaro ito sa pool area ng hotel. Habang panaka-naka niyang tinatanaw ang dalawa mula sa isa sa mga sun lounger doon ay sinisilip niya ang kanyang telepono. Trending sa social media ngayon ang nangyari kanina sa kampanya ng bayaw at maraming balita ang lumalabas sa online.

She clicked one of those news feeds and watched it. Tumaas ang isang kilay niya habang pinapanood ang interview ng asawa na katabi ang umiiyak na si Lovely. Her husband's statement about the incident was brief. Mas matagal pa ang ginawang pagyakap nito kay Lovely na sinusubukang kuhaan din ng statement ngunit pinipigilan ng lalaki.

Ang mas lalong kinainisan niya ay ang caption sa isa sa mga videos online.

'Hipag ni Senatorial candidate Thaddeus Montenegro na-trauma sa nangyaring kaguluhan sa pangangampanya.'

May mga komento pa ang mga netizens na dumadagdag sa nag-aalab na apoy sa  kanyang dibdib.

'Kakatakot yung nangyari, kahit ako ma-trauma. Buti na lang andyan asawa niya para pakalmahin siya.'

'Ay ang gwapo naman nung asawa niya. Swerte naman, sana ol may ganyang hubby.'

'Lahat ng magkakapatid na Montenegro gwapo kaya ang swerte ni ate girl. Kainggit!"

'Grabe ang sweet naman nung lalaki! Kakakilig kasi todo akap siya sa asawa."

Halos ibato na ni Ruby ang cellphone niya dahil doon. Ni wala man lang nareport na tungkol sa kanya at sa mga anak nila. Na siya ang totoong asawa at hindi si Lovely, na nagmalasakit lang ang asawa niya na pakalmahin ang babae dahil sa panic attack nito.

Ngunit alam din naman niya sa sarili na siya rin ang may ayaw na mabalita sila. Hangga't maaari ay ayaw niyang lumabas sa media ang mga mukha nilang mag-iina dahil ayaw niyang idamay ang mga anak sa gulo ng politika.

"Mommy!" Sigaw ni Seph na umagaw sa atensyon niya. "Come and play with us!"

Inalis na lamang ni Vix ang mga iniisip niya at lahat ng bumabagabag sa kanyang loob at ibinuhos ang oras at atensyon sa mga anak. Pagsapit ng alas siyete ay sinubukan niyang tawagan ang asawa ngunit patay ang cellphone nito. Tinawagan din niya ang bayaw na si Thadd at Amadeus ngunit parehong nagsabi na hindi nila alam kung nasaan na si Percy dahil naghiwa-hiwalay na sila pagkatapos ng campaign. Nauna raw itong umalis sa kanila kasama si Lovely.

Ayaw niyang bigyan ng malisya ngunit hindi niya maiwasang mag-isip nang hindi maganda. At dahil hindi naman niya pwedeng paghintayin ng matagal ang mga anak ay nauna na silang umakyat sa rooftop para kumain sa reataurant doon.

"Why aren't you eating, Seph? Don't you like the food?" Tanong niya sa anak nang mapansing nilalaro na lang nito ang pagkain gamit ang kubyertos. "We can order something else if you want. What do you want, baby?"

"Daddy didn' keep his promise." Anito na may namumuo nang luha sa gilid ng mata. "You're right, Mommy, promises are made to be broken."

Niyakap naman niya ang anak at pinatahan. Ayos lang na siya ang masaktan, huwag lang ang mga anak niya kaya't dahil doon ay may galit na namang bumalot sa kanyang puso.

"Don't worry, Baby, Mommy is here naman. We'll enjoy and we'll eat everything tonight." She's trying to console her. "Sige na smile na ang baby ko."

Ngumiti lang ng bahagya ang bata ngunit sapat na iyon sa kanya.

"What do you like? Pasta? Burger?"

"Ahmmm..." Nag-iisip pa kunwari. "Can I eat fries, Mommy?"

Ngumiti naman siya at tumango kaya't lumapad na ang ngiti nito.

"You want pizza as well?"

"Yes po!" Masaya na ang tono nito.

Tumili rin si Sedi kaya't nagkatawanan na sila roon sa mesa.

"Nakikisali na rin ang baby boy namin noh?!" At kiniliti ang anak.

"Tama yan, Vix." Si Manang Fe. "Magkulang man ang ama ay ang ina naman ang magpupuno."

Tinanguan niya ang matanda dahil alam niya ang ibig nitong sabihin.

"I'll give what I have for them, Manang. Kahit wala nang matira sa akin ay ayos lang. Para sa mga anak ko, lahat gagawin ko." Aniya na inisang lagok ang wine na nasa baso.

The kids enjoyed their dinner somehow. The beautiful view from the top has made them extra satisfied even without their father's presence.

Dumating na ang pamilya Montenegro ngunit hindi pa din kasama si Percy. Kasama daw ito ng mga Zaldana sa bahay nito roon sa Cebu dahil ang lalaki lang ang nakakapagpakalma kay Lovely.

"Pasensya ka na, Hija, alam kong hindi mo gusto ang nangyayari ngayon." Anas ng biyenan habang naroon sila sa kawarto ng mga bata. "Lovely got traumatized and she only listens to Percy so Piedro and Marita asked for his help."

"Don't you think she just acting?" Sagot niya habang hinahaplos ang natutulog na si Sedi. Magkatabi sa kama ang magkapatid at parehong nakatulog na sa kahihintay sa ama. "I mean, maybe she's just using this opportunity to-" hindi niya matuloy.

"I know what you're thinking." Sabay abot nito sa kamay niya at saka pinisil iyon. "Kung ganoon man ang motibo niya, magtiwala ka lang sa asawa mo. I know my son, he will never hurt you. He loves you and nothing is more important to him than you and these precious kids." At saka bumaling sa apong si Sephy at hinaplos ang pisngi.

"I trust him, it's Lovely that I don't trust. You know men, they are easy to, uhh- to seduce."

"Not all, Hija, not all." Sabay tapik sa kanya. "I'm going back to my room now to rest. Ikaw din, magpahinga ka na, maya-maya darating na din ang asawa mo." At saka siya iniwan na roon.

Another hour have passed before Ruby heard the suite's door open. She's on the balcony, staring at the moon that shines and kisses the dark ocean.

"I'm sorry." Iyon kaagad ang ibinungad ng asawa sa kanya. Hindi niya nilingon at nanatili lang siyang tahimik. "My phone died." Patuloy pa niyo. "I couldn't leave her like that, Vix. She's traumatized just like you did when you were held as a hostage." Tukoy nito kay Lovely.

"My incident was traumatizing indeed, but earlier? She wasn't even near those men to be scared like that!" Hindi na niya napigilan ang sumagot. "Hindi siya tinutukan sa ulo ng baril gaya ko."

"It's different for her, she's not used to violence and brutality so she can't adapt that easily-"

"And I do, is that it?" Putol niya sa asawa. "Because I was exposed to violence at an early age, raised in brutality, and grew up in cruelty so it's easier for me to adapt, right?"

"Ang sinasabi ko lang, magkaiba kayo kaya hindi mo pwedeng sabihin na hindi dapat siya natakot sa nangyari kanina."

"Wala naman ako sinabi na hindi dapat siya natakot, ang akin lang, naging OA naman ata yung pagka-trauma niya. She doesn't want to listen to anyone except you, you of all people. Does that not make you wonder? She's just acting up to get close to you! She's using that opportunity to get you-"

"Stop it, Vix." Putol nito sakanya sa pagod na tono. "She's not acting, okay. Please don't make this an issue, this day has been so stressful. I am so fucking tired and I need to take a shower. I don't want to argue with you anymore, okay? I just want to rest."

Ruby just sarcastically smiled as she's slowly shaking her head. Perseus is a good husband but sometimes, he's can also be a huge jerk.

"Yeah, it has been stressful. I literally saved us all and almost got myself hurt as you've said, but in the end, you chose to be on her side. You gave us your word but you didn't keep your promise. You made your kids wait, you made me wait and now you're here, yet, you're still taking her side."

She then walked passed at him and went straight to the kid's bedroom door and opened it. And before closing it, with her back facing him, she gave him an additional sentiment that she needs to let go.

"You're not the only one who needs a fucking rest, Percy. I need to rest my mind too, it's been working non-stop. But you know what I want the most right now? -my husband. But I guess, I still need to wait for him because you're too damn tired to act like one."

המשך קריאה

You'll Also Like

1.7M 49.2K 47
Barkada Babies Series #5 PUBLISHED UNDER PHR ❣ Price: 199php -- Lahat na ata ng klase ng pagmu-move on ay ginawa na ni Michelle. Umakyat sa bundok, n...
18.2K 304 42
COMPLETED Book 2 of 3 of Pleasure Trilogy Everything has an end. So as the hidden things of every person that's around you. Will you let those things...
232K 4.3K 46
Numb. That was the proper word to describe Nicholas Blackwood after killing his fiancé because of her infidelity, his friends try to bring the old N...
49.8K 1.1K 19
She was beautiful and sexy..... and a rich man's bedmate. Palibhasa mayaman at macho, palaging nakukuha ni Dane Niel Villafuerte ang lahat ng gustuhi...