Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 47

23.5K 648 123
By IyaLee04

(LC) Chapter 47






Sa field ginanap ang after party. Halos lahat ng mga umattend sa event kanina ay narito. Kumain lang ang mga matatanda at middle age na mga bikers, pagkatapos niyon ay nagsi-alisan na sila.

Wala na rin ang mga bata na nagtatakbuhan. Ang mga guro ay ilan na lang ang natira. Si Mrs. Caduada ay nagpaalam na rin nang antukin ang anak nito. Ang naiwan na lamang sa field ay ang mga estudyante at ilang mga turista.

"Cutting people away from you is painful. Subukan mong hiwain ang sarili mo, masakit 'di ba? Pero mas masakit kapag pinutol mo ang relasyon niyo."

Nakapam-babaeng dekwatro si Cathy. May hawak siyang platito na mayroon lamang fish and chips. Kasama namin ang mga babae ngunit may kanya-kanya silang mga pinag-uusapan. Wala nang nakasuot ng tshirt na ginamit sa fundraising. Kaya nang dumating ako na nakasuot na ng puting dress, wala naman pumuna.

Mayroon lamesa sa gitna namin at maraming upuan. Hindi kalayuan ay ang nakabukas na field lights. Sa bawat sulok ng field ay mayroon light stand na kinabitan ng mga disco lights. Maliwanag sa pwesto ng mga babae dahil malapit kami sa pagkain pero sa kabilang parte na may mga nagkakasiyaha'y sinadya nang patayan ng ilaw kaya't medyo madilim na.

"Ano ngang gagawin ko? Makikipaghiwalay ba ako? Hindi ko alam kung paano sisimulan. Ayokong masaktan siya kapag nalaman niya na gusto ko nang tapusin ang namamagitan sa aming dalawa."

Bumuga si Irene ng hangin at diretsong tinungga ang hawak na baso. Kung 'yung ibang tao'y problemado dahil walang boyfriend. Siya nama'y problemado kung paano makikipaghiwalay.

"Mukha kang hirap makipaghiwalay pero hindi ka mukhang nasasaktan. Mahal mo ba kaya mo sinagot?"

"Mahal ko naman-"

"If you don't get hurt after breaking up with him, you may not love him. Kung mahal mo, maisip mo pa lang na magkakahiwalay kayo, masasaktan ka na. At sa nakikita ko sayo ngayon, hindi mo siya mahal. Mahal mo lang siguro ang atensyon na ibinibigay niya sayo. Gusto mo yung effort niya na kahit busy ang course niya at nag-aaral sa ibang school, nagagawa niya pa rin makipagkita sayo. Do you know what that means? That means you are not in love with him. You just love the attention he gives you. You just love the thrill of the chase. You are just committed with the attention he's giving you but not with him."

Napahaplos ako sa suot kong kwintas bago inabot ang basong mayroon lamang alak na nasa lamesa. Pagdating namin ni Jax, nagsisimula na ang party. Maraming tao kaya walang nakapansin na sabay kami ni Jax na dumating.

Kanina pa nag-uusap sina Cathy at Irene. Nagdedebate na naman sila. Wala akong alam kung gaano katagal siyang niligawan ni Dhustin. Nakarating na lang sa amin na sila na. Hindi pa man umaabot ng isang buwan, nagbabalak na siyang makipaghiwalay. Gusto na niyang makipaghiwalay pero ayaw niyang masaktan 'yung lalaki dahil mabait daw kaya pinagpapaliban niya.

Is ending a relationship really that hard? Is breaking up really the most difficult thing to do? Kahit saglit lang? Kahit hindi kayo nagtagal? Kahit linggo pa lang o buwan? Hindi ba parang ang ikli naman yata ng panahon na iyon para masabi niyang ayaw na niya? I wonder if after splitting up, are there any stages on how to move on? How can a person survive a break up if it has caused them too much pain? Nalungkot ba sila? Nadepress? Nagalit? O naghiganti?

"Hindi ba't pareho lang iyon? It's the same thing, Cathy! Kung mahal mo, gusto mo ang atensyon na ibibigay niya! Kung mahal mo, bibigyan mo rin ng atensyon! Salitan lang!"

"What if you just mistaken love for loneliness? There's a big difference between lonely and love. Siya ang nakapansin sayo at nagbigay sayo ng attention na gusto mo. Kung marami ang biglang magbigay sayo ng atensyon, hindi na siya magiging special. Magiging pang-karaniwan na lang ang nararamdaman mo sa kanya. True and real love isn't common. Hindi mo pwedeng maramdaman iyon sa lahat. Kung nagustuhan mo lang siya dahil sa atensyon na ibinibigay niya sayo, dadating ang panahon na magsasawa ka. Makikipaghiwalay ka katulad niyang gusto mong mangyari ngayon."

Natahimik si Irene at napaisip. Nakikinig lang ako sa kanila at nakatingin, partikular kay Cathy na nagsasalita.

"Kung in love ka, hindi ka basta-bastang bibitiw kahit wala nang kilig at wala nang thrill. Hindi ka naman niya sinasaktan ng pisikal. Bigla na lang paggising mo ayaw mo na ng walang dahilan. Kung totoo ang pagmamahal mo, hindi mangyayari iyon. Hindi mo mararamdaman iyon. Hindi mo maiisip iyon. Dahil ang pag ibig hindi lang puro kilig. Hindi lang puro saya. Kung mahal mo mags-stay ka at susubukan kung magwowork pa dahil gusto mo na siya na ang makasama mo sa hirap at ginhawa. If you don't see your future with him and if you can't stay with him for better or worse, that's not love."

"Ang dami mong sinabi! Sige na! Hindi ko siya mahal pero gusto ko siya!"

"Huhulaan ko, gusto mo siya pero sa tuwing kausap mo siya sinasabihan mo siya ng i love you?"

"Anong masama roon? Boyfriend ko naman siya!"

"Iyon ang masama. Nakasanayan mo na iyan sabihin pero hindi mo alam ang ibig sabihin. Ligawan ka lang, sasabihin mo na mahal mo na. Maka-chat mo lang ng tatlong araw, may I love you na. Minay-day ka at pinost sa social media, in love ka na. Hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo pero sinasabi mo na sa isang tao na mahal mo siya."

Natulala ako ng ilang segundo kay Cathy. Hindi pa namin nasabi ni Jax ang salita na iyon. Kailan ba iyon dapat sabihin? Kailan ba masasabi na mahal mo na ang isang tao? Paano ba malalaman kung totoo ang nararamdaman mo? Kailangan ba talagang sabihin iyon?

Hinawi ni Irene ang buhok niya at tumungga ulit nang alak. Sabay-sabay kaming napatingin sa phone niya nang umilaw iyon sa lamesa. Tumatawag si Dhustin at hindi niya sinasagot. Iniiwasan niya siguro.

"Sagutin mo na iyan at makipaghiwalay ka ng maayos. Kung patatagalin mo iyan lalo mo lang siyang masasaktan. Don't underestimate the rage of broken hearted people. Kapag nasasaktan ang tao, mas tumatapang. Kahit anong pagsasabi mo ng totoo, hindi ka na muling paniniwalaan. They become more sharp and resilient after a fall."

Iniikot ikot ko lang ang baso at pinapagulong sa gilid ang laman. Nakatingin ako kay Cathy. Minsan para siyang manghuhula at bolang cystal na lang ang kailangan. Kapag may magkasintahan kaming nakita alam niya na kaagad kung ano ang nararamdaman ng mga ito. Nahuhulaan niya kung mayroon ibang babae ang lalaki o kung magtatagal ba ang relasyon ng mga ito. Kadalasa'y tumutugma ang hula niya. Mahilig siyang magbasa ng mga galaw ng tao. Kaya mas ingat na ingat ako kapag kasama siya.

"Bakit ganyan ka magsalita? May mga naging secret boyfriend ka ba na hindi namin alam ni Clementine? Kung magpayo ka parang ang dami mo nang karanasan!"

"I don’t need to have many boyfriends to know that. Common sense at libro lang ang kailangan mo, Irene. Hindi iyon alam ng mga tamad magbasa na katulad mo."

"Sinong tamad?!"

"Sino ba ang kausap ko ngayon?"

I shook my head and pouted. Here we comes. Magsisimula na ang away nila. Na-anticipate ko na naman na parating ito. Sanay na ako't hindi na nagugulat na kasunod ng pag-uusap nila ay away.

Humarap ako sa lamesa. Tinungga ko ang baso na natunaw na ang yelo. Habang umiinom ako, nagtama ang mata namin ni Jax. Nasa bleachers sila at wala sa mga lamesa. Nakataas ang isang paa niya. Ang isa niyang braso ay nakapatong sa kanyang tuhod.

May hawak siyang papel na baso katulad ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Salitan sa basong nasa labi ko at sa aking mata ang tingin niya. Pinapababa sa akin iyon at binabawalan akong uminom.

Alam niya kung paano ako malasing. I even dragged him into the bathroom. I kissed him and invited him to fvck me when I was drunk. Lumabi ako at kinuha ang cellphone. Sinamantala kong abala sa pag aaway ang dalawa para patago akong makapagpadala ng mensahe sa kanya.

Me:

Kaonti lang. Umiinom ka rin naman.

Nang tingnan ko siya sa bleachers. Nakita ko siyang nagta-type gamit ang dalawang kamay. Ang hawak niyang baso kanina'y nakalapag na sa gilid niya. Nang ibaba niya ang phone niya, iyon namang pag-vibrate ng akin. Binasa ko iyon.

Jax:

I'm drinking soda while you're drinking alcohol. Tatlong baso lang ang inumin mo. Babantayan kita.

Napatingin ako sa basong nasa lamesa, sa harapan ko. Pangalawa ko na ito. Ibig sabihin isang baso na lang hindi na ako pwedeng uminom? Nagustuhan ko pa naman ang lasa. Napa-angat ako kay Jax. Tila nabasa niya sa mga mata ko na gusto ko lumagpas sa tatlo. Gumalaw ang ulo niya pakaliwa at kanan. Marahan siyang umiling at binabantaan ako ng mata. Yumuko ako at sumagot.

Me:

Five, please?

I looked up to see Jax's reaction. Nakatitig siya sa cellphone niya. Ang braso niyang nakapatong sa kanyang tuhod ay itinaas niya at dinala sa kanyang ibabang labi. Pinaglaruan niya iyon at pinindot pindot niya. Saglit siyang nag isip bago ko siya nakitang nag-type. Hindi pa dumarating sa aki'y inabangan ko na ang pagpasok ng message niya. Nang mag-vibrate iyon, mabilis kong binuksan.

Jax:

No, baby, I will only allow you to drink three glasses. Baka malasing ka kung lalagpas.

Nagtatampo akong ngumuso. Bahagya kong itinaas ang aking mukha. Nagkatinginan kami. Inilingan niya ako. Tinago ko sa ilalim ng lamesa ang kamay at muling nag-type.

Me:

Please?

Jax:

Even if you're cute, still no.

Unlike kanina, mas mabilis ang reply niya ngayon dahil maikli lang at firm na firm ang sagot niya. Nanatili ako sa conversation namin pero hindi muna ako nag-type. Nag iisip ako ng tamang sabihin para mapapayag siya. I couldn't think of anything until I remembered that he was addicted to my lips.

Me:

If you'll let me drink five glasses, I'll kiss you for straight one hour after the party. Is that enough to make you say yes, baby?

Sinamahan ko iyon ng maraming kiss emoticon at naka-heart ang mata na emoticon. Bumalik ang mata ko sa bleachers. Naka-pout na ang labi niya at halatang nagpipigil ng ngiti. Nag-type siya. Mabilis lang iyon at natanggap ko agad.

Jax:

Fine.

Natawa ako dahil may kasama rin iyon na emoticon. Dalawa. Naka-kiss ang isa. Ang isa naman ay naka-heart ang mata katulad ng pinadala ko. Napangiti ako. Hindi ko na siya tiningnan kasi baka magkangitian pa kaming dalawa at may makapansin. Sakto rin kasi sa pagbasa ko sa huli niyang reply ang pagtatapos ng away ng dalawa. Dali dali kong tinago ang telepono sa bag ko na nasa aking tabi.

"Hindi kita nakita magdamag sa fundraising. Kasunod ka lang namin ni Harry, paglingon ko bigla kang nawala. Saan ka ba nagpunta?"

Nalipat sa akin ang usapan nang matapos ang away nila. Nasa bag sa kabilang tabi ang mata ko. Hindi ko pa hinaharap si Irene, nag iisip na ako ng dahilan. Nagkunwari pa akong may inayos sa loob ng bag, pampatagal lang.

"Umuwi kasi ako," sagot ko na hindi siya nililingon.

Pumikit ako ng mariin. Hindi gumagana ang malaking parte ng utak ko. May hang over pa ako sa mga ginawa namin ni Jax ngayong araw at sa naging pag uusap namin.

"Kaya pala hindi kita makita hanggang sa matapos ang fundraising! Nagtanong pa ako kay Harry, ang sagot hindi niya raw alam! Bakit ka nga pala umuwi?"

"Nasiraan ako ng bike," muntik akong mautal nang pagharap ko'y pareho silang nakatingin. Mas natakot ako sa mata ni Cathy kaysa kay Irene.

"Na naman? Nasira? Paano? Bago 'yung bike na pinahiram sayo ni Jax, ah? Dalawang beses kang nasiraan! Ang malas mo naman!"

"Pinahiram siya ni Jax ng bike?" Singit ni Cathy. Hinarap siya ni Irene. Biglang gusto kong mag-excuse nang makisali siya.

"Oo! Nasira kasi ang kadena ng bike niya! Naubusan pa siya ng tshirt kaya tshirt ni Jax ang gamit niya! Sana pala ako na lang ang nawalan! Naranasan ko sanang makapagsuot ng damit ni Jax!"

Nakatukod ang siko ni Cathy sa lamesa. Naroon na rin ang hawak niyang platito na may pagkain. Kumukuha siya roon ng chips habang kausap si Irene. Nang marinig ang huling sinabi ni Irene, hindi nakatakas sa mata ko ang pagkakatigil ng kamay niya sa pagdampot ng pagkain. Lalo akong nakaramdam ng kaba. Nagulat pa ako nang ako ulit ang tanungin ni Irene.

"Ano nga? Paano nasira?"

Nakidampot ako sa kinakain niya. Sumubo ako ng chips sa kaisipan na mas maayos akong makakasagot kung sakali na ngumunguya ako.

"Nakasagasa kasi ako ng matulis. Nabutas 'yung gulong."

"Gaano ba katulis ang nadaanan mo para mabutas ang mamahalin na bike ni Jax?"

"Malaki kasi... Sobrang tulis din at saka... mahaba..." putol putol na sagot ko at hindi na rin sigurado kung ano ba ang tinutukoy ko na nasagasaan ko.

Hindi na ako makatingin kay Cathy. Tumango si Irene at naniwala. Nagkomento pa siya na mabuti at hindi raw siya ang nakasagasa. Kung hindi mapapagalitan daw siya dahil hiniram niya lang ang bike na gamit niya.

"Alam ba ni Jax? Hindi nagalit sayo?"

"Hindi naman..." mahina na mabagal at wala sa sarili na sagot ko.

Inabot ko ang baso at sumimsim doon. Nang magawi ang tingin ko kay Cathy, mariin ang paninitig nito sa akin. Nailayo ko ang baso sa aking bibig. Nagtaas ako ng kilay. Pinilit kong magmukhang inosente at lito kung bakit niya ako tinitingnan. After a few seconds of staring, she averted her gaze.

Tumama ang mata niya sa harapan, sinundan ko iyon. Pinagmamasdan niya nang mabuti si Jax. Kinabahan ako nang maisip kung saan siya nakatingin. Nakahinga lang ako ulit nang makitang nakikipag biruan ng suntukan si Jax sa mga kagrupo niya at wala sa akin ang tingin. Nang makita iyon ni Cathy, nagpatuloy siya sa pagkain.

Napasandal ako sa sandalan ng upuan. Hindi kami pwedeng palaging ganito. Nagtatago. Tinitigan ko si Jax. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang bola pero naglalaro na sila ngayon. Hindi nga lang seryoso at pinagpapasa pasahan lang nila ang bola.

As I watched him laugh as he played the ball, my heart ached for him. Jax doesn’t deserve this kind of relationship. He does not deserve the treatment I give him. He put me first. I put him last. He doesn’t deserve a girlfriend who can’t afford to give him time.

I let out a small sigh and touched the necklace he gave me. Lumitaw sa alaala ko ang mga sinabi niya kanina sa dalampasigan. Naalala ko rin ang ginawa kong pag iyak sa dibdib niya. I cried because he's putting in all the effort. Pinagkakasya niya kung ano lang ang kaya kong ibigay. Samantalang ibinubuhos niya ang lahat ng kanya kahit wala akong ibalik.

Habang nakatulala, napag-isip isip ko. Pagkatapos ng laro, ipapakilala ko na siya kina nanay at tatay na boyfriend ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila ngunit susubukan ko. Kapag naamin ko na sa mga magulang ko, pwede ko na siyang ipakilala sa lahat na kasintahan ko.

Pwede niya na akong ihatid sundo sa klase. Mapupuntahan ko na siya sa locker room nila kahit maraming makakita. Maipapakilala na niya ako bilang girlfriend niya. Pwede na lahat. Malaya na niya akong malalapitan. Hindi ko na iisipin ang iisipin ng iba. Ang mahalaga, maibigay ko kay Jax ang deserve niya.

"Sayaw na iyan sa inyo? Para lang kayong sinasapian! Clementine! Halika nga!"

Nagtago ako sa likuran ni Cathy. Ginawa ko siyang pananggalang kay Irene dahil ipinagkakanulo ako nito sa mga babaeng kasama namin. Nagpatugtog sila ng malakas at nagsayawan. Naghahamon pa sa mga estudyante rito ng showdown.

Ang mga kasama ni Ynah hindi ko maintindihan ang ginagawang step. Sa tuwing may gigitna sa kabilang grupo, susugod din ng sayaw ang kabila. Walang sumasayaw sa amin na mga estudyante rito, kaya itinutulak ako ng mga kasama ko para gumitna at makipag-showdown. Huwag ko raw silang ipahiya dahil teritoryo namin itong eskwelahan.

"Hindi ako marunong sumayaw!" Natatawang sigaw ko.

Panay iling ko at hila ko kay Cathy para hindi ako maabot ni Irene. Mga lasing na kaya kahit maraming lalaki hindi sila nahihiyang mga magmukhang tanga. Nagheheadbang pa si Mavie. Si Jeralyn tuma-tumbling na.

"Are you still sober? I saw you drink your fifth glass. Tama na iyan."

Habang nagtatago, nakarinig ako ng pabulong na boses sa aking likuran. Pabaling pa lang ako sa kanya, naramdaman ko na ang isang kamay niyang magaan na humawak sa aking bewang.

Tiningnan ko si Cathy. Nang makita na natatawa ito sa mga nagsasayaw, ipinatong ko ang aking kamay sa ibabaw ng kamay ni Jax na nasa bewang ko. Hindi naman iyon kita ng iba dahil madilim na at nakaharang si Peter na napapangiti sa mga nagsasayaw.

"Opo. Hindi na ako iinom..."

Magaan akong ngumiti. Sariwa pa rin sa akin ang mga sinabi niya ngayong araw. Wala na yatang makakasira pa ng araw ko ngayon. Sumilip ako sa likod niya. Naroon ang mga kateam niya na abalang mga mag-usap. Pagbalik ko ng tingin sa kanya, tiningala ko siya. Nakatitig siya sa akin.

"Kanina ka pa diyan sa likuran ko?"

Umiling siya.

"Ngayon lang... Magpapaalam ako kaya ako lumapit. May meeting kami sandali."

"Meeting?"

"Sa locker room. Kasama ang buong team. Babalik ako kaagad. Huwag ka na uminom ha? Huwag ka rin sasayaw. Hintayin mo muna ako."

Nakalabi akong tumango. Bumitaw siya sa akin. Tinitigan niya ako sandali bago nagawang tumalikod. Nakapamulsa siyang lumapit kay Coach Roiland. Pagkakita sa kanya ng mga kasama, diretso na silang naglakad palabas ng field. Sa ibang araw dito sila nagmi-meeting. Mayroon mga tao kaya siguro sa locker room ngayon.

Itong linggo na ang araw ng laro. Ngunit ilang araw bago iyon dapat ay nasa paggaganapan na kami. Simula bukas triple na ang practice nila. Ako tuloy ang napapagod sa tuwing nanunuod ako ng practice. Ni walang oras magpunas ng pawis si Jax. Minsan gusto ko na nga lumapit para abutan siya ng pamunas at inumin, pinipigilan ko lang.

Bumuga ako ng hangin. Natutuwa akong nakikita siyang maglaro pero naaawa naman ako sa tuwing nakikitang pagod na pagod siya. Alam ko na isa ako sa mga dahilan kaya siya sumali sa laro. Sa tuwing ganoon tuloy pakiramdam ko kasalanan ko kaya siya napapagod.

Sa kabila ng abalang araw niya, hindi siya nawawalan ng oras sa akin. Isama pa na nag-aaral din siya ngayon ng mabuti. Alam na niya ang kahalagahan ng time management. Samantalang noon laklak dito, yosi roon, sa pakikipag away, at sa masasamang bisyo nauubos ang oras niya.

"Hindi na ako iinom, Irene-"

"Last na nga ito!"

"Pang ilang last mo na iyan, e. Mapapagalitan na ako..."

Inabot ko ang baso. Last na talaga ito. Mapapagalitan ako ni Jax kapag naabutan akong hindi matanggihan ang binibigay ni Irene.

"Sinong magagalit? Tatay mo?"

Tumango ako sa pagitan ng pagtingala habang iniinom ang laman ng baso. Muntik ko na siyang mabugahan. Mabuti't nalunok ko agad iyon.

"Bakit ka pagagalitan? Alam naman nila na nasa party ka! Kung lasing kang uuwi siguro naman maiintindihan nila!"

"Kahit na. Ayokong umabuso..."

Binalik ko sa kanya ang baso. Nakakaramdam na ako ng hilo kanina pa. Lumala nga lang iyon nang tumingala ako para lagukin ang panibago niyang inabot. Pagkauwi ko niyan, tulog na sila nanay at tatay. Kung lasing ako hindi na nila iyon malalaman. Si Jax ang iniisip ko. Pinagbawalan niya ako bago siya tumungo sa meeting nila pero uminom pa rin ako. Hindi ako makakatakas lalo't siya ang maghahatid sa akin pauwi.

"Last na talaga ito! Isa na lang!" Mapilit talaga si Irene. Lahat nilalasing niya.

Hindi ko alam kung pang ilang last na ito sa inabot ni Irene. Namalayan ko na lang, nasa gitna na ako at nakikisali na sa sayawan. Lasing na ang lahat. Pati si Irene at lahat ng babae. Sina Cathy at Harry nauna na. Sinasabay na ako ni Harry pauwi na agaran kong tinanggihan dahil si Jax ang gusto kong kasabay. Hindi ko maalala kung nasabi ko ba sa kanya na si Jax ang maghahatid sa akin. Dahil sa kalasingan hindi ko na mapreno ang mga sinasabi ko.

Nakataas ang mga kamay ko at ginagalaw ang balakang. Wala na ang mga nagshoshowdown. Lahat ay nasa gitna na at mga nagtatatalon. Marami pang tao dahil sa mga estudyante. Ang grupo nila Jayden namataan ko rin na humalo sa mga nagsasayaw. Malalim na ang gabi at kung walang tugtog sobrang tahimik sa parte ng paaralan na ito.

I smiled as I felt two arms wrap around my waists. I giggled and tried to move my hips seductively to tease him. Ginalaw ko ang bewang ko at ibinunggo ang aking pang upo sa kanyang harapan. Humigpit ang pagkapulupot ng braso niya na dumaan sa aking bewang papunta sa aking tiyan. Nasa likuran ko siya. Nasa gitna kami. Mula rito'y walang makakakita sa amin lalo at nag iingay ang lahat bukod sa madilim kung nasaan kami.

"Tapos na ang meeting niyo?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot.

"Jax..." tawag ko sa pangalan niya.

Nang idikit ko ang aking likod sa kanyang dibdib, natigilan ako dahil ibang amoy ng pabango ang naamoy ko. Niyuko ko ang braso na nasa aking tiyan. Biglaan ang panlalaki ng namumungay kong mga mata. Malaki ang braso nito ngunit hindi ganoon katigas katulad ng braso ni Jax. Mabilis ko 'yung kinalas sa pagkakayakap sa akin. Inikot ko ang aking katawan upang alamin kung sino ang lalaki.

"Clementine, I need to talk to you-"

"Jayden?" Gulat na tawag ko sa pangalan niya.

Alam kong narito siya. Madalas ko siyang mahuli na nakatingin sa akin. Pero hindi ko inasahan na lalapitan niya ako. Lalo namang hindi ko inasahan na yayakapin niya ako.

Nasa itsura nito na nakainom. Napaatras ako nang sinubukan niya akong lapitan. Hinawakan niya ako sa braso subalit bago pa niya ako mailapit sa kanya'y pumalag na ako. Nabitawan niya ako. Pinilit kong makalabas sa gitna. Nang magawa ko, tumakbo ako palabas sa field.

Napahawak ako sa aking ulo dahilan nang pagkirot nito. Marami akong nainom. Hindi ko nabilang kung ilang baso. Pagkatapos ng dalawa pang hakbang ay tumigil ako sa puno. Sumandal ako roon para magpahinga at alisin ang naramdaman na pagkahilo.

Umupo ako at balak na dito na hintayin si Jax. Napatayo lang ako ulit ng maayos nang makita ang paglabas ni Jayden sa field. Sinundan niya ako. Hinanap niya ako sandali bago tumigil sa akin ang mga mata niya.

Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kaba nang humakbang siya palapit. Binalikan ko ng tingin ang mga nasa loob. Saka ko naisip na mali yatang lumabas ako. Abala ang mga naroon sa field. Kung may mangyari rito sa labas walang makakapansin.

Pinagmasdan ko si Jayden. Hindi siya mukhang masamang tao. Pero hindi ko parin masasabi lalo at may alak sa katawan niya. Ang sabi niya'y gusto niya akong makausap. Sinubukan kong tatagan ang loob at hinintay siyang lumapit. Hindi ko pa alam ang pakay niya ngunit nag-iisip na ako kung saan sa katawan niya ang patatamaan ko kung sakaling may gawin siya sa aking masama.

Pinanatili kong walang ekspresyon ang aking mukha. Kung magpapanic ako, baka mas maging agresibo siya. Kung kalmado ako, hindi niya maiisipan na papalag ako. Sa ganoon, magkakaroon ako ng pagkakataon na makatakas dahil hindi niya mapaghahandaan ang gagawin kong kilos. Huminga ako nang malalim. Biglang nawala ang pagkalasing ko.

"I'm sorry to scare you. Don't worry, wala akong gagawin sayo. I just want to talk to you, Clementine."

Tumigil siya tatlong hakbang mula sa akin. Nabawasan ang pangamba ko na may gagawin siyang masama. Kahit na ganoon, hindi nawala ang pagiging alerto ko. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya.

"Gusto mo akong makausap? Bakit hindi mo kaagad sinabi at kailangan mo pa akong yakapin?"

"Because you're avoiding me. Niyakap kita para sana hindi ka makalayo. I'm sorry, mali ang pag-approach ko."

Binitiwan ko ang pigil pigil kong hininga. Bumanda sa akin ang hiya nang maalala na sinayawan ko siya. Binigkas ko ang pangalan ni Jax kanina pero walang gulat na bumakas sa kanya. Umatras ako ng isang beses at sumandal muli sa puno. Nakatingin ako kay Jayden. Nagtataka ako kung ano ba ang maaaring sabihin niya para lapitan pa ako at makausap. Nabasa niya sa mata ko ang pagtataka kaya hindi na siya naghintay ng matagal. Agad na siyang nagsalita.

"Jax is your boyfriend..."

Umawang ang labi ko. Walang pagtatanong sa boses niya. Naisip ko na na maaaring may alam siya pero...

"Paano mo..."

Paano niya nalaman? Wala nang dahilan para itanggi ko pa. Hindi ko inalis ang mga mata sa kanya. Lumunok siya bago nagsalita.

"I heard you... and him..."

Iyon lang ang tanging sinabi niya pero may ideya na ako kung saan niya kami narinig. Dalawang beses ko pa lang siyang nakita. Sa resort noon at dito. Hindi kami nag uusap ni Jax gaano rito. Ni hindi kami nagtatabi. Sa resort noon ang tagal namin nag usap at...

Pinangapalan ako ng pisngi. Kaya ba ganoon siya makatingin pagkabalik ko sa cottage? Tumikhim ako. Gusto ko sanang itanong kung hanggang saan ang narinig niya pero mas pinili ko na lang na hindi na magsalita. Siya lang naman ang may gusto na kumausap sa akin kaya hahayaan ko na siya na lang ang magsalita.

Yumuko ako at iniiwasan na mapatingin sa mata niya. Pakiramdam ko kung magkakatinginan kami, mai-imagine niya ang ginagawa namin ni Jax sa loob ng banyo noon. Pribadong bagay iyon para sa akin. Pero ginawa kasi namin iyon sa publikong lugar. Aral na rin ito. Kahit anong init ng katawan namin, pipigilan ko na kung wala kami sa tamang lugar.

"Hindi mo pa kilala kung sino ang boyfriend mo, Clementine. Kung ako ikaw, ngayon pa lang makikipaghiwalay na ako."

Nawala ang hiya ko. Mula sa lupa, dali dali akong napa-angat ng tingin sa kanya. Nagawa kong salubungin ang mata niya kahit na alam kong nasaksihan niya ang gawain namin ni Jax. Napalitan ang hiya na naramdaman ko. Napalitan iyon ng irita dahil sa sinabi niya. Bakit niya kami pakikialaman? Bakit niya ako uutusan na makipag-hiwalay ako kay Jax?

"Anong sinasabi mo? Hiwalayan ko siya?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"I'm just worried for you. He is not a good example for you. He's a bad person. He's a drug user. His parents sent him here and he left his girlfriend in Ireland-"

"Wala siyang girlfriend! Ako lang!"

Pwede pa akong maniwala sa ibang sasabihin niya pero ito hindi. Kung hindi niya sinabi na may naiwang girlfriend si Jax sa Ireland baka maniwala pa ako sa lahat ng sasabihin niya ngayon. Pero ngayon hindi na. Kahit anong sabihin niya hindi ko paniniwalaan. Nagsisinungaling siya.

Bakit? Dahil may gusto siya sa akin ngunit dahil boyfriend ko na si Jax ay hindi na siya makakapanligaw? Kahit hindi ko boyfriend si Jax hindi naman ako magpapaligaw sa kanya. Kung hindi si Jax, hindi na lang din ako magb-boyfriend. Si Jax lang ang gusto at magugustuhan ko at hindi ang kahit sinong lalaki.

"Listen to me, Clementine... He's not the Jax you think... Your boyfriend is a criminal... Marami siyang ginawa na labag sa batas sa Ireland. He should be in jail right now. Natatakasan niya lang dahil sa pera. He killed-"

"Bakit mo siya sinisiraan?! Kung may gusto ka sa akin Jayden lumaban ka ng patas! Hindi 'yung sisiraan mo sa akin si Jax dahil wala ka nang pag asa!"

"Hindi ko siya sinisiraan... Kilala siya sa Ireland... May napagtanungan ako-"

"At 'yang napagtanungan mo nagsasabi ng totoo?!"

"Lahat ng nakakakilala sa kanya alam iyon. Subukan mong tanungin 'yung mga babae na kilala siya. Kung gusto mong malaman kung nagsasabi ba ako ng totoo, bakit hindi mo tanungin si Jax?"

"Kung itatanong ko para ko na ring sinabi na naniniwala ako sayo! Hindi ko kailangan ng mapagtatanungan dahil may tiwala ako sa boyfriend ko!" Dismayado ko siyang inilingan. "Tama na itong pag uusap na ito! Aalis na ako!"

Lumayo ako sa puno at naglakad paalis. Pinigilan niya ako sa braso. Mahigpit ang hawak niya at nasa matang determinado na masabi sa akin ang lahat ng alam niya. Nagtiim bagang ako. Kahit anong sabihin niya hindi ako maniniwala. May tiwala ako kay Jax at hindi iyon masisira kahit nino, kahit si Jayden pa!

"Clementine! He's a murderer-"

Naputol ang sasabihin niya. Nabitiwan niya ako. Sa isang kurap mata'y nakahiga na siya sa lupa at sinusuntok ni Jax. Pinaghiwalay sila ni Coach Roiland at Peter. Umupo si Jayden at unti unting tumayo. Salitan niya kaming tiningnan ni Jax. May dugo sa gilid ng labi niya.

"What the fvck are you doing to my girlfriend?!"

Napasinghap ako. Nang lingunin ko si Jax, mabilis ang paghinga nito. Nakakuyom ng mariin ang mga kamay. Mayroon dugo roon na galing sa labi ni Jayden. Hawak siya sa magkabilang braso ni Peter at Coach Roiland.

Nakatingin ang huli sa akin at gulat. Napakurap ako dahil dinig na dinig ni Coach ang isinigaw ni Jax na girlfriend niya ako. Binitiwan ni Coach si Jax. Lumapit ito kay Jayden at pilit nilayo kung nasaan kami. Nasa kanila ang tingin ko, nalipat lang kay Jax nang hawakan niya ako sa braso. Sinuri niya iyon at ang buo kong katawan. Nang wala siyang makitang galos, tiningnan niya ako sa mata.

"Where did he hurt you?" Malamig ngunit mahinahon niyang tanong.

Punong puno ng pag aalala ang boses at anyo niya. Hinaplos niya ang magkabilang braso ko, pinapaginhawa ang pakiramdam ko. Mahina akong umiling. Malamig ang gabi ngunit ngayon na hawak niya ako, napapawi niya ang lamig.

"H-hindi ako nasaktan, Jax... Ayos lang ako..."

Nakahinga siya ng maluwag. Sinundan niya ng tingin ang daan kung saan nawala sina Jayden at Coach Roiland. Nakaigting ang panga niya at nandoon pa rin ang galit sa mga mata. Pagharap niya sa akin, kinabig niya ako payakap sa kanya. Napapikit ako. Yumakap ako pabalik at isiniksik ang aking mukha sa kanyang dibdib. Malambing niyang hinaplos ang buhok ko at hinalikan ako sa ibabaw ng aking ulo.

"I'm sorry. Natagalan ako sa meeting. Hindi dapat kita iniwan."

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 79.1K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
1.7M 47.4K 73
Si Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa...
62.6K 4.1K 12
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
37.6K 1.8K 22
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...