Escape Trilogy #1: Absconded...

By TheAmorist

5.8K 253 28

What if he's not done loving his past girl? More

Absconded with the Waves
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Rise

Chapter 20

159 6 5
By TheAmorist

I closed my eyes shot before knocking. Medyo natagalan pa ang pag bubukas ng pintuan.

"Sandali!" Sigaw ng tao sa loob ng bahay.

"Sino sil—" nabitin sa ere ang tanong ni mama nang buksan niya ang pinto at nakita ako.

Nakita kong agad na nangilid ang mga luha ni mama. Agad itong lumapit saakin at mahigpit akong yinakap.

"Diyos ko! Ang anak ko! Panginoon!" Hinawakan nito ang muka ko bago muli akong mahigpit na niyakap.

"Mama," I whispered and sobbed. I hugged her back.

"Bakit ka hindi nag papakita at umalis nang walang paalam, Diyos ko anak naman!" Pangangaral ni mama.

"Ate?" May nag salita sa likod ko kaya nilingon ko ito at nakita si Cherith, panganay na anak ni mama sa bago niyang asawa.

"Ate!" Tumakbo ito palapit saakin at niyakap ako nang mahigpit.

"Kumusta?" Tanong ko sakanya habang nakangiti at hinahaplos ang likod niya.

"Ayos lang kami ate. Ikaw po? Kumusta na? Namiss ka po namin."

"Namiss ko rin kayo."

"Pumasok na muna tayo," yaya ni mama. Malaking mata ko siya tinignan. Wow! First time yun, ah!

"Sigurado ka?" Tanong ko kay mama.

"A-Ahh, kung gusto mo lang naman anak. Medyo maliit nga lang." Alanganing pagyaya ni mama.

"Sige po pero may gusto sana akong ipakilala sainyo."

"Sino? Si Zion? Kilala na namin siya, Winter." At medyo tumawa pa siya.

"Hindi po. Anak po namin ni Zion ang ipapakilala ko sainyo." Saad ko at halos lumuwa ang mata nila at nalaglag ang panga.

"A-Anak? Anak niyo?" Utal na tanong ni mama.

"Opo," sagot ko at tinakuran sila at nilpitan ang sasakyan ni Zion.

I opened the drivers seat and was welcome with Zion's warm smile and Heaven sleeping inside his arm.

"Are you okay?" Tanong niya.

I smiled, "Yes!" Kinuha ko si Heaven at pinasunod na siya. Nasa gilid ko si Zion habang nag lalakad kami palapit kila mama na mukang gulat padin. Bitbit ni Zion ang mga meryenda na binili namin, well binili actually ni Zion kasi siya nag bayad.

"Lola kana ma," saad ko nang makalapit na kami sakanila. Nilapit ko si Heaven kay mama para makita niya.

"Totoo ba ito? D-Diyosmiyo Amara Winter!" Nangangaral na sabi niya at kalaunan kinuha niya si Heaven mula sa kamay ko. Nagising si Heaven at tinitigan si mama pero agad din nag sara ang mata niya upang magpatuloy sa pagtulog.

"Napaka gandang bata," bulong ni mama.

Pumasok kami sa loob at binaba ni Zion ang pagkain sa coffee table. Lumapit ito kay mama at nag mano pero pagkatapos niya mag mano, hinampas ni mama ang ulo ni Zion. Lumaki ang mata ko at nagulat.

"Aray!" Daing ni Zion at hinimas ang ulo.

"Ikaw na lalaki ka! Gago ka binuntis mo pala ang anak ko!" Singhal ni mama.

"Pasensya na po, hindi ko rin po alam." Saad ni Zion. Medyo nalungkot ako sa sagot niya.

"Abat! Malamang may nangyari sainyo ano pa expect mo?!" Galit na sabi ni mama.

"Pasensya na po talaga, hindi ko po alam na sharpshooter ako— Aray!" Muli siyang sinapok ni mama.

"Yung anak ko!" Natatawa kong suway sakanila. Muka silang tanga.

Nang medyo nangalay na si mama kakakarga kay Heaven, pinahiga niya ito sa kwarto ni Cherith at binantayan ni Zion. Umalis na rin kalaunan si Cherith dahil may klase pa. Umuwi lang siya dito sa bahay para kumain ng lunch.

Nang kaming dalawa nalang ni mama sa salas medyo naging ilang ako dahil ang tagal din mula nang magsama kami na kaming dalawa lang.

"A-Ah," tumikhim siya, "A-Ano.. death anniversary ng papa mo next month..." pilit niyang may mapag usapan kami.

"Yeah," at tumango ko bago uminom sa baso.

"Gusto mo bang sabay natin siyang bisitahin?" Alanganing tanong niya at halos hindi makatingin sa mata ko.

I didn't say a word and just stare at her. Buti naalala niya si papa. Matagal na katahimikan ang bumalot saamin at isang tanong lang ang pumasok sa utak ko.

"Bakit mo ako iniwan?" Diretsyang tanong ko habang nakatitig sa mata niya. Muka siyang nagulat sa tanong ko at hindi ito inaasahan. Napainom siya at klinaro ang lalamunan.

"Kasi.. Kasi kailangan." Bulong niya at nilabanan ang titig ko.

"Sa anong paraan?" Muli kong tanong. Matagal ko itong kinimkim at ilang ulit na tinanong sa hangin pero ngayon palang masasagot.

Natagalan siya bago nakasagot.

"Second year nursing student ako noon sa Saint Louis University at senior cadet naman ang papa mo noong una naming pagkikita. Bakasyon namin nung mga panahong iyon, kaibigan siya ng kaibigan ko. Nag ka yayaan ang lahat na mag bar and things happened. You're a unexpected child with unexpected love that bind me and your dad. Nirereto na pala ako ng kaibigan ko sa papa mo noong pang junior cadet palang siya." She chuckled with tears streaming down her face as she reminisce the past.

Hindi ko alam na unexpected child pala ako.

"Hindi ko mahal ang papa mo nung may nangyari saamin at hanggang sa malaman ko na buntis ako. Sobrang saya ni papa mo noon pero hindi niya ako nakalimutang tanungin kung gusto ko bang ipag patuloy ang pag bubuntis ko noon. Mahilig kasi siya sa bata," at tumawa siya. Mas lalong tumulo ang luha ko dahil sa nga impormasyong sinasabi ni mama tungkol kay papa.

"Ang daming cadet sa loob ng P.M.A. ang may gusto sa papa mo noon, meron pang nanligaw sakanya kahit alam nilang mahigpit na pinagbabawal yun sa P.M.A. dahil pag nahuli sila ay hindi sila mag tatapos."

"Pag nasa loob si papa mo, ang lola mo ang nag aalaga saakin at walang araw na hindi dadalaw ang lola mo saakin na walang bitbit na chocolate at bulaklak na si papa mo mismo ang pumili at inutos nalang sa lola mo."

"Nililigawan ako ng papa mo habang nasa loob siya ng P.M.A."

"Alam mo bang pinanganak kita sa mismong graduation day ng papa mo?" Tanong niya.

"H-Hindi po," sagot ko.

"Umaga palang humihilab na ang tyan ko kaya hindi ako nakapunta sa ceremony pati ang lola mo hindi nakadalo dahil kasama ko na siya sa ospital. Hindi pa namin pinasabi sa papa mo noon na nasa ospital ako at alam mo ba dahil sa katarantahan ni papa mo nang sabihin na ni lola mo sa papa mo, ang dami niyang kapalpakan sa ceremony dahil nag aalala na siya, napektusan pa siya ng squad leader nila at iba niyang mga teacher at pinag gigilan din siya ng mga mistah niya dahil syempre ang tagal nilang prinactice yun tapos pumalpak si papa mo.Kung alam mo lang kung ano mga itsura ng mga tao sa ospital nang makita siyang natatarantang hanapin ang kwarto ko suot pa ang blue at white na uniform nila sa graduation. Para siyang tanga." She chuckled and wiped her face.

"Labor ko nandyan siya at inaalo ako dahil sobra sobra na ang sakit. Sinagot ko ang papa mo noong nasa delivery room kami matapos kita iire palabas, wala eh, nahumaling ako sa matamis na ngiti ng papa mo." She smiled at me. Ngiti ni papa na namana ko.

"Agad na inaya ako ng papa mo noon na magpakasal. Gulat na gulat mga mistah niya at mga teacher niya dahil wala pang tatlong buwan mula nang igraduate sila ay ikakasal na si Second Lieutenant Amor."

"Mahal na mahal na mahal ko ang papa mo, Winter. Walang papantay sa pag mamahal ko sakanya at ramdam ko rin ang pag mamahal saakin ng papa mo. Kahit madistino siya sa mapanganib na lugar alam ko sa sarili kong uuwi siya saatin dahil mahal na mahal niya tayo." She started to tear up again and so was I.

"Ilang buwan ko pinakain ng kasinungalingan ang sarili ko dahil hindi ko matanggap na patay na siya. Patay na ang papa mo, patay na ang pinakamamahal ko, patay na ang pamilya ko." She cried.

"Tuwing umaga kinukumbinsi ko ang sarili ko na nadistino lang siya sa malayong lugar at kalaunan uuwi rin saatin, sana nga ganon pero hindi eh, nilibing ko na siya, nakita ko na ang malamig niyang bangkay."

"Ang lagi ko lang namang hiling noon ay bumalik siya nang buhay at nakangiti saatin. Sobrang hirap Winter, hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang mawala pero ganon talaga, ano paba expect ko eh nag asawa ako ng militar na ang buhay ang inaalay."

"Asawa ako ng militar na araw araw hinihiling na babalik ng buhay ang mahal ko." Nag baba siya ng tingin at humagulgul. Umiiyak akong lumapit sakanya at inalo siya.

"Ang hiling ko lang naman ay umuwi siya saakin na buhay ,hindi malamig na makasilid sa kabaong."

"Wasak na wasak ako noong Winter at hindi na kita kayang buhayin dahil mahina ako. May ipon kami ng papa mo na sapat para sa gusto mong kunin na kurso at sa kinabukasan mo. Mayaman ang pamilya ng papa mo pero ayaw kong humingi sakanila dahil ma pride ako at makasarili. Lahat ng ipon namin ni papa mo ay nakapangalan sayo, pati na rin ang ibang ariarian na pinamana ng mga Amor sa papa mo. Hindi ko ginalaw yun dahil alam kong para sayo ang mga yun at para sa magandang kinabukasan na pinangarap namin ng papa mo para sayo."

"Umalis ako at iniwan kita hindi dahil sa pera dahil maraming nakapangalan sayo, umalis ako dahil sira ako anak. Makasarili, oo, pero kailangan ko yun para sa sarili ko. Maganda ba yun rason, hindi. Ayaw kong nakikita mo akong minuminutong umiiyak at halos hindi makakain. Wala akong lakas kaya paano kita bubuhayin if I myself is barely living. Pinuntahan ko lahat ng paburitong lugar namin ni papa mo hanggang sa mabuo muli ako dahil sa isang tao."

"Gustong gusto kitang kunin pero pakiramdam ko hindi tama dahil hindi kita mabibigyan ng magandang buhay na pinangarap namin ni papa mo sayo."

"Alam mo ba kung gaano kasakit na mawalay sayo? Alam mo ba kung gaano kasakit na hindi ako ang takbuhan mo tuwing may problema ka? Alam mo ba kung gaano kasakit na wala ako sa tabi mo nang una mong makuha ang unang dalaw mo? Alam mo ba kung gaano kasakit na hindi nanggaling saakin ang pinaka una mong telepono? Alam mo ba kung gaano kasakit na hindi ako na magulang mo ang nag martya sayo sa graduation mo? Alam mo ba kung gaano kasakit kung paano maging bigong magulang? Hindi! Kasi alam kong lumaki kang tama at magiging isang mabuti kang ina sa anak mo."

"Pasensya na anak nabigo kita. Sorry! sorry!" Hinawakan niya ang kamay ko dinikit sa pisngi niya.

"Gusto gusto na kitang kunin noon pero ayaw kana ibigay saakin ng lola mo dahil ayaw ka niyang madamay sa miserable kong buhay, sabi niya ay kunin daw kita pag naayos kona ang buhay ko pero hanggang ngayon hindi ko parin yun nagagawa. Nahihiya ako sa lola mo, sa papa mo, at lalo na sayo. Maayos at may narating ka sa buhay habang ako.. eto, wasak parin."

"Mapatawad mo sana ako anak. Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang simbolo ng pagmamahalan namin ng papa mo." Umiyak siya.

"Naiintindihan ko po," at yinakap ko siya.

"Pero ang daya-daya mo Mama. Akala ko tatay lang ang nawala sakin, pati pala ikaw. Ang daya mo. Habang inaayos mo ang buhay mo, nasisira naman ang akin. Pag may sakit ako, ikaw ang gusto kong kasama ko pero wala ka."

"Wala ka parati." Tuloy ko.

"Tuwing uuwi ako galing ieskwelahan, lagi kong hinihiling na nasa bahay ka at naghihintay sakin. Pero wala. Nabigo lang ako. Niloko ko lang ang sarili ko." Humikbi ako at nag iwas ng tingin.

"Alam ko anak. Alam ko. Pasensya n—"

"Hindi mo alam at wala kang alam dahil wala ka." Putol ko sakanya. Humikbi siya at nagtakip ng labi. Naka sara ang kanyang mata at pigil na pinapatahan ang sarili.

"S-Sorry anak..."

"Pero kahit na hindi ka nagpaka nanay sakin pinapatawad parin kita. Hindi lang para sa ikakatahimik ng pagkatao ko ngunit para rin sa anak ko. Para sa pamilyang binubuo ko." Saad ko at marahang pinunas ang luha saaking pisngi.

Biglang hinawakan ni mama ang balikat ko at hinila ako para sa mahigpit na yakap.

Ang tensyong nakapatong sa balikat ko ay onti-onting nawala. Mistulang gumaan ang lahat. Nawala ang tinik sa lalamunan.

"Mahal na mahal na mahal kita Amara Winter ko. Habang buhay kong pagsisisihan ang lahat ng kasalanang nagawa ko sayo. Habang buhay." Humikbing bulong neto habang nakayapos sakin. Napapikit ang mata ko at niyakap siya pabalik.

"Anak? Wag ka sana mag aasawa ng militar. Mahirap. Sobra. Hindi mo alam kung babalik siya sayong nakangiti o naka higa sa kabaong." Bilin ni mama kaya bahagya akong natawa.

"Hayaan mo ma, racer tipo ko," at binigyan siya ng matamis na ngiti. Ngumiwi siya at inikutan ako ng mata.

"Loko!" Bulong niya.

"Winter?!" Lumingon ako sa gilid nang tawagin ako ni Zion na kababa lang muna sa second floor at bitbit si Heaven na gising sa bisig niya.

Agad siyang lumapit saakin at hinawakan ang luhaang pisngi.

"Bakit ka umiiyak? What happened?" Tanong niya. Nginitian ko siya bago hinawi ang kamay at kinuha si Heaven.

"Baby ko," hinalikan ko ang pisngi ni Heaven at mahina siyang tumawa.

"Aysus ang ganda talaga ng apo ko." Sabi ni mama sa gilid ko at pinisil ang pisngi ni Heaven. Humagikgik si Heaven at mas lalong natuwa si mama kaya kinuha niya mula saakin ang bata.

"Ang haba ng pilikmata mo apo." Saad ni mama at kiniliti kiliti si Heaven kaya tuwang tuwa.

Bumaling ako kay Zion at nakitang nakatitig ito saakin.

"Bakit?" I asked softly.

"Bakit ka umiiyak?" Mahinahong tanong niya.

"Nag usap lang kami ni mama tapos naalala ko si papa." Sagot ko

"Gusto mo pumunta sa papa mo?"

"Madumi pa doon panigurado. Ipapalinis ko muna para maisama natin si Heaven." Sagot ko at nakita ko siyang nabalisa.

"Ano... kasi—" hinimas himas niya ang batok niya at umiwas ng tingin. Kumunot ang noo ko sa inaakto niya.

"Kasi?" Tanong ko.

"Pwede natin puntahan ngayon ang puntod niya." Sagot niya.

"Huh? Ipapalinis ko pa nga, Zion." Sabi ko sakanya

"Lininis kona kasi babe hehe" bulong niya.

"Anong pinag sasabi mo?"

"Tinanong ko kay Autumn kung saan nakalibing ang papa mo kaya simula nang umalis ka linggo linggo kong pinupuntahan si papa mo at nililinis ang mausoleo niya." He explained. Malaking mata ko siyang tinitigan at bahagyang nakaawang ang bunganga.

"Sabi mo kasi dati, mahalaga sayo ang papa mo kaya lahat ng mahalaga sayo ay pinahalagahan ko na rin." Alanganing sabi niya habang alanganing nakangiti.

"Are you angry? Sorry pinakialaman ko." At nag kamot siya ng batok.

"No... I," huminga ako ng malalim," I'm not angry," I whispered.

"Really?" Masayang tanong niya kaya tumango ako at nag iwas ng tingin.

Napaisip ako kung bakit pa siya mag aaksaya ng oras para gawin ang bagay na yun. Hindi na kailangan. Mahal niya ba ako? Gusto kong itanong pero baka umasa nanaman ako at ako nanaman ang mag mukang tanga sa dulo. Tama na ang pagiging martyr at pag papakatanga para sa pagibig. Sapat na ang anak ko.

Guilty lang siguro siya. Meron na siyang Trixie at nandito lang siya ngayon saamin dahil gusto niya makasama ang anak niya. Wag na tayo umasa at baka tayo nanaman ang kawawa sa huli.

Binuksan ni Zion ang pintuan ng mausoleo ni papa. Pumasok kaming lahat at nakita ko agad ang malaking picture ni papa na nakadikit sa dingding at nacocoveran ng glass. Suot niya ang uniporme niya at seryosong naka tingin sa kamera. Thick dark brows. Dark blazing eyes. Heart shape lips. Pointy nose. Broad shoulders. Mascular build. Tatay ko yan.

Below the picture is his whole name that is painted with gold paint.

Alejandro Felixio R. Amor

Napalingon ako kay mama nang lapitan niya ang litrato ni papa at nanginginig ang kamay na hinawakan ang muka ni papa.

"M-Mahal," she whispered and her voice cracked.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya napunta roon ang mata ko. Tatlong beses na pinisil iyon ni Zion kaya kunot noo akong nag angat ng tingin at nasalubong ang titig niya.

Hinayaan ko lang siya at muling bumaling kay mama na ngayon ay tinititigan padin ang litrato ni papa.

Binitawan ko ang kamay ni Zion at lumapit kay mama.

"Ayos ka lang po?" Tanong ko at hinimas ang likod niya.

"Ang gwapo talaga ng papa mo." Sabi ni mama at bahagyang tumawa kahit lumuluha.

"Sobrang bait pa... kaya siguro maaga rin siyang kinuha dahil hindi siya bagay manirahan sa mundong puno ng sakim at kasamaan."

"Mabuting tao ang papa mo." Sabi niya pa. Naupo kami sa naka sementong puntod ni papa na kaharap ng litrato.

"Tuwing uuwi siya, lagi siyang nag papabarya sa bangko dahil lahat ng makikita niyang namamalimos ay binibigyan niya ng pera." My mom chuckled.

"Naalala kopa, dati may nadaanan kaming namamalimos kaso wala siyang barya kaya ang ibinigay niya ay isang libo." Natawa si mama. Naramdaman kong umupo si Zion sa gilid ko kaya binalingan ko ito pero agad ko ring binalik ang tingin kay mama.

"Sinita ko siya noon pero nginitian niya lang ako at sinabing, 'Mahal, hindi tayo mag hihirap dahil lang namigay tayo ng isang libo pero nakatulong tayo dahil nag bahagi tayo ng katiting ng blessings natin.' " kwento ni mama.

Nag tirik kami ng kandila at hinintay maubos bago umuwi.

Gabi na nang ihatid kaming dalawa ni Heaven sa bahay nila Autumn kaya hindi na siya pwede pumasok. Binigay ko sa kasambahay si Heaven at sinamahan muna si Zion sa labas ng bahay.

Nakapamulsa ito at nakangiti saakin.

"Salamat," ngumiti ako tinapik ang balikat niya pero hinila niya ang pulso ko at kinulong ako sa loob ng busig niya. Mahigpit niya akong yinakap at narinig ko siyang nagpakawala ng hangin.

Niyakap ko siya pabalik at hinimas ang likod niya dahilan kaya mas lalo niya akong yinakap.

"Huh?" I heard him whisper but I didn't understand it.

Binitawan niya ako at nginitian, "Nothing."

"Can I.. bring you and Heaven home tomorrow?" Seryosong tanong niya.

"Huh?" Medyo gulat kong tanong.

"Live with me,"

Nanlaki ang mata ko at kumunot ang noo. Hindi ako sumagot at tinitigan siya.

"I-I don't think that's a great idea, Zion." I said. Matagal niya ako tinigigan bago siya nag baba ng tingin.

"Kahit dalawang beses lang sa isang linggo?" Tanong niya muli nang mag angat siya ng tingin.

"Don't you have a family?"

"I do!" Sagot niya.

"Meron na pala, eh bakit mo pa kami gustong ibahay ni Heaven?" Tanong ko at nakita ko agad ang pag kunot ng noo niya.

"You and Heaven are my family! What do you mean?" Umayos siya ng tayo at humakbang palapit saakin.

"Kami? Don't you have your own family?" Tanong ko muli.

"You and Heaven are my own family, Winter!" Nawawalan ng pasensyang sabi niya.

"I mean with,. uhm.. with T-Trixie, may..be?" Alanganing tanong ko at nakita kong mas lalong napa kunot ang noo niya.

"Fuck," bulong niya, "You think I'm with Trixie?" Seryosong tanong niya.

"Y-Yeah?" Sagot ko.

Naglakad ito palapit saakin kaya nanlaki ang mata ko at unti uting humakbang patalikod upang umiwas pero hinila niya ang kamay ko kaya tumama ako sa dibdib niya, pinulupot niya ang kanyang kaliwang kamay sa bewang ko para mapirme ako sa lugar.

"I love you." He said it so serious and so sincere. I felt honesty.

Mas lalong lumaki ang mata ko at mapaawang ang bunganga dahil sa gulat. Lumipat ang tingin niya mula sa mata ko patungo sa nakaawang kong labi at nakita kong gumalaw ang kanyang gulung-gulungan.

Nang matauhan ay buong lakas ko siyang tinulak.

"You..." bulong ko at medyo hinihingal. Lumunok ako at kung saan saan tumingin upang iwasan ang titig niya.

"You don't love me." I said before turning my back and walking inside the house. Leaving him.

Continue Reading

You'll Also Like

31.2K 605 55
Shailyne Silvera grew up in pain and hatred. Lumaking magulo ang buhay at lumaking isang magaling na manunulat. Her family was broken because of the...
13.9K 218 18
For Saraia Marienna Esconte, attention is the key to love. Atensyon na animo'y baryang pilit niyang nililimos sa iba. She got everything since she's...
87.3K 2.2K 33
Luna Alcantara had a crush on Adam Consunji for years. She was just watching her longtime crush from afar until one day... fate made a way for their...
6.2K 413 49
Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?