Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 45

26.2K 776 123
By IyaLee04

(LC) Chapter 45






"Don't go with them. Meet me behind them."

Kanina pa siya padaan daan sa gilid at likod ko iyon pala ang gusto niyang sabihin. Tumitiyempo siguro na walang makakarinig sa bulong niya.

Magkatama ang mga mata namin. Umawang ang labi ko para sumagot. Nabitin lang nang tabihan ako ni Cathy kasama sina Jarlene at Merlinda, mga kagrupo niya sa thesis na nahatak para paghawakin ng camera. Kanina pa naka-on ang camera nila at naka-live mula nang magsimula ang speech.

Sa unahan sila, samantalang kami nina Irene at Harry'y mahuhuli. Si Harry lang ang may dalang camera sa amin hindi katulad nila Cathy na lahat sila. Sasabihin ko sana kay Jax na kasama ako nina Harry at sa hulihan kami. Kaya lang nagsipwestuhan na sila sa starting line dahil magsisimula na.

Hindi na ako makaalis. Napalayo na ako kay Jax dahil sa kabilang dulo na lane sila. Magkabilang dulo kami ng lane. Nakatanaw lang siya sa akin at 'di na makalapit. Relax na relax siya, asang asa na pwede kaming magsama sa huli.

"Nagpaalam ka ba para sa party mamaya?"

From Jax, my eyes went to Irene. She's eyeing me while raising her eyebrow. Tumango ako.

"Oo. Pinayagan naman ako..."

"Hanggang anong oras? Baka mamaya niyan umuwi ka na naman! Party iyon Clementine kaya hanggang madaling araw iyon!"

"Hanggang madaling araw nga ang paalam ko. Hindi ako pauuwiin," sagot ko ngunit may pagdududa pa rin siya.

"Siguraduhin mo lang!" Niliitan niya ang kanyang mata na para akong mikrobyo na sinusuri niya sa microscope.

Diniretso ko na ang tingin ko at sa kalsada tumingin. Naghihintay na lang kami ng hudyat para magsimula. Nagpaalam ako talaga. Sinabi ko rin na aabutin ang party ng madaling araw. Hindi naman sa ayoko pero nagugulat ako na pumapayag sila kahit anong ipagpaalam ko. Parang gusto nilang wala ako sa bahay para nakakapag usap sila.

Nabawasan naman ang madalas kong marinig na pabulong na pagtatalo nila pero ramdam ko ang lamig ni nanay. Sa kabila niyon, dumoble naman ang lambing ni tatay. Hindi ko alam kung ano at tungkol saan ang pinagtalunan nila. Pero maayos naman sila kaya sa palagay ko okay lang.

Sumampa ako sa bike. Bago pumadyak ginawi ko ang mata kay Jax, nakatingin din ito sa akin. May ibig sabihin ang tingin niya. Pinaparating sa akin na paunahin ko ang lahat at magkita kami sa hulihan.

Hindi nagtagal, habang nagbabike, naramdaman ko siya sa tabi ko. Sinasabayan niya ako. Sinubukan ko siyang sulyapan. Pabaling baling siya sa akin at sa daan. Siguro kasi nagtataka siya kung bakit hindi ko binabagalan.

"Slow down, Clementine!" Hindi nakatiis na sigaw niya pagkalagpas sa welcome arch sign na hindi bumagal ang padyak ko.

Nanlaki ang mata ko. Mula sa harapan ay napalinga si Harry nang marinig ang boses ni Jax. Nasa helmet niya ang camera. Natutok sa amin ni Jax iyon at hindi ko na mabubura kung anong makunan niya roon. Salitan niya kaming tiningnan ni Jax bago bumalik sa harapan.

"Ano ba iyon?!" Nabibwisit na tanong ko.

Binagalan ko ang pagpedal para mapalayo kay Harry at hindi niya marinig ang pag uusapan namin ni Jax. Sinabayan niya ang mabagal kong pagpedal. Halos mga pamilya na may mga kasamang bata na lang ang kasabay namin.

"I told you not to go with them!" Iritado siya.

"Naiiwan na tayo!" Mas iritang sigaw ko sa kanya.

Kami na ang nasa hulihan. Kahit mga matatanda at bata, nalagpasan na kami. Kinawayan pa ako ni Xhian nang madaanan niya ako. Kumaway ako pabalik. Kinunutan ako ng noo ni Jax nang makita iyon.

"I know! Because that's the plan! We are not following them! We are going somewhere!"

Gumewang ang bike na sinasakyan ko dahilan ng pabalang na paglingon ko sa kanya. Nagulat ako na may gusto pala siyang puntahan. Buong akala ko gusto niya lang akong sabayan kaya sinabi niyang sa hulihan kami. Wala siyang sinabi sa akin kagabi habang nasa kwarto niya kami na aalis kami at hihiwalay sa mga sumali sa event.

Binaba ko ang aking mga paa matapos magpreno. Napatigil din siya. Magkatabi ang mga bike namin. Pareho kaming nakasakay ngunit nakababa na ang mga paa.

Mapuno at mahangin sa tinigilan namin. Sa gilid ay may mga nakabilad na palay at mais. Hindi kalayuan ay palayan. Mayroon doon maliit na kubong gawa sa dayami ang bubong. Sa labas ng kubo ay ang mga nanginginain na hayop. Baka, kalabaw, at kambing.

Hindi pa ako hinihingal dahil kasisimula lang namin at wala pa sa kalahati ng ruta ang tinatakbo. Tinanaw ko ang mga kabataan na nalagpasan na kami. Nang masigurong nalagpasan na kami ng lahat, salubong ang kilay na tiningala ko siya.

"Saan? Maraming camera at naka-live sina Harry, Jax! Baka makita nilang wala tayo roon! Kami ang nag-organisa nito 'tapos wala ako?"

Pinanuod ko siyang hubarin ang helmet niya. Sinuklay niya pataas ng mga daliri ang maikli niyang buhok. Ang helmet na hinubad ay isinabit niya sa manibela ng bike. Hinarap niya ako.

"I assigned my team to do that. Kasama sila nila Cathy sa unahan na mag-live dahil magaling sila sa paghingi ng mga donasyon. They will also do bike tricks to raise more donations."

Napanganga ako. Lalo akong nalito. Bakit niya uutusan ng ganoon ang mga kateam niya? Naisangguni ba nila ito kay Harry?

"Bike tricks? Mas kailangan nila ako roon kung may gagawin ang mga kagrupo mo! Paano kung makagulo pa sila?"

Kumunot ang noo niya. Hindi nagustuhan ang sinabi ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang bumakas ang sama ng loob sa mukha niya. Minsan talaga para akong si Irene na nabibigkas na lang basta basta ang naiisip.

"Kahit isang beses hindi kami nanggulo sa loob ng school. Kahit tarantado kami sa loob at labas ng school wala kaming intensyon na ipahiya ang eskwelahan."

Napaiwas ako. Tiningnan ko ang gloves na nasa kamay ko dahil totoo ang sinabi niya. Alam ko naman na hindi sila gagawa ng gulo. Pero hindi naman kasi pinaghandaan ang bike tricks na iyan. Hindi namin pinagmeetingan iyon.

Paano kung hindi umayon sa kanila ang inutos ni Jax? Paano kung may masaktan? Hindi naman maiiwasan iyon kaya may mga medic na nakaantabay. Pero makakasira iyon lalo at baka delikadong mga bike tricks ang gawin nila.

May mga bata pa naman doon. Paano kung gayahin sila? Pero nandoon naman ang mga magulang nila na pwede silang gabayan. Isa pa, kung hilig ng mga bata ang bike, mas matutuwa sila. Kinakausap ko na sa isip ang sarili ko nang muli kong marinig ang boses niya. Napatitig ako sa kanya.

"All I need is your time. Lend me yourself as my girl for the whole day today. I'd like to take you out but we're both busy. Ito lang ang araw na pwede kitang ma-solo buong araw..."

"Anong kwenta nitong couple bike at couple shirt na pinagawa mo?"

Hinila ko ang damit banda sa aking dibdib para ipakita sa kanya. Nagkibit balikat siya. Pagkaraa'y umiling.

"Nothing... Gusto ko lang parehas tayo. Ito rin naman ang isusuot natin sa date at hindi na natin kailangan na magbihis. It's not like I'm going to undress you, you know? I just want to be with you and I have no plans to lay with you naked. Well, at least not for today?"

Matalim ang tingin ko sa kanya. Bakit niya kasi ako binibigla? Magkasama lang kami kahapon pero wala siyang sinabi. Eh 'di sana naplano ko ito at napag-isipan ko ang gagawin bago matulog!

"Mayroong event, Jax! Hindi pwedeng basta basta ko na lang silang iwan!"

He looked at me with a serious face, shaking his head and licking my lips. He looked overwhelmed and stressed. Hindi niya yata inasahan na hindi ako papayag.

"Oh, come on, baby, they don't need you!Marami sila roon! Don't tell me you're going to decline me? I donated million for this-"

Laglag panga akong natigil sa pag iisip sa maaaring kalabasan ng event dahil sa bike tricks ng mga kasama niya at kung anong idadahilan ko kila Harry kung mawala ako na parang bula.

Nanlalaki ang mga mata ko. Kitang kita ang sobrang pagkagulat ko sa sinabi niya na nagpahinto rin sa kanya sa pagsasalita. Bahagyang lumaki ang mata niya. Nagulat din siya. Halatang wala siyang balak na ipaalam sa akin ito at nadulas lang.

"Nag donate ka?! Isang milyon Jax?!"

Hindi siya nagsalita. Parang nagdalawang isip kung sasagot o hindi. Pero dahil nabuking ko na, wala na siyang pagpipilian kundi ang ikanta ang ginawa niya. Nagbuntong hininga siya at umiling.

"Hindi isa... Dalawa..."

"Dalawang milyon?!" Mas lalo akong nagulat. Muntik nang lumuwa ang mata ko.

Tumango siya. Hindi na makatingin ng diretso. Palipat lipat sa bike at sa mukha ko ang mata niya. Nagkamot siya ng ulo at tila nabuking na bata na nagdahilan.

"Oo. Dalawang milyon lang naman-"

"Lang?!" Halos murahin ko siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Iniwas ko ang mata sa kanya. Napapaypay ako ng mga kamay sa aking mukha. Naiwang nakabuka ang bibig ko. Hindi ko na maibalik ang panga ko sa pagkalaglag. Nagbaba ako ng tingin sa bike na sinasakyan namin. Bago ang mga ito at nasa tatak na mamahalin. Padarag at nagngangalit akong nag-angat ng mukha sa kanya.

"Huwag kang magsisinungaling," banta ko sa kanya bago itanong ang gusto kong malaman. "Magkano ang lahat ng nagastos mo ngayon? Magkano itong bike? At sino ang nakatanggap ng donasyon mo?"

Tinitigan niya ang bike. Mukhang hindi rin siya sigurado kung magkano. Nagkatinginan kami.

"Wala pa naman itong isang milyon-"

"Wala pang isang milyon?! Itong bike lang Jax?! Ibig sabihin nasa isang daang libo ito? Dalawa? Tatlo? Apat? Limang daang libo?!"

Napalunok siya.

"Kanino mo binigay ang dalawang milyon?"

Kinilabutan ako nang isatinig ko kung magkano ang idinonate niyang pera. Hindi ko siya tinantanan ng masamang tingin habang hindi siya sumasagot.

"Kay harry ko ibinigay dahil hindi mo tinatanggap. Naisip ko na sapat na siguro iyon para hiramin kita ngayong araw sa kanila. Besides, the purpose of this event is for donation, right? So I donated to help and to get some of your time."

Pilit kong pinakalma ang sarili kahit nakakahimatay ang perang inilalabas niya. At sa normal na pagsasalita niya para bang wala lang iyong halaga sa kanya.

"Ano pang mga binigay mo?" Binabaan ko ang boses ko. Hangga't maaari ayoko sanang nag aaway kami.

"I donated ten bikes for prizes too..."

Sabi ko na nga ba! Walang nagdodonate ng gano'n last year at nang mga nakaraang fundraising. Ngayon lang kung kailan narito si Jax. Napapikit ako ng mariin at napahilamos sa aking mukha. Pagkaalis ng palad ko sa aking mukha, masama na naman ang tingin ko sa kanya.

"Gosh! Bakit hindi ito pinarating sa akin ni Harry?!"

"Don't blame him. I told him not to tell you..."

"You told him? What reason did you tell him? Anong dahilan ang sinabi mo para sundin ka niya na hindi ito sabihin sa akin?"

"I told him that you declined my donation because you hate me. He believed. Dahil iyon naman ang pagkakaalam nila."

Pinanliitan ko siya ng mata. Pero ang nasa isip ko ay si Harry. Kaya pala ganoon siyang tumingin. Sigurado na ako ngayon na may alam na siya at naghihinala na sa kung anong meron sa amin ni Jax. Idagdag pa na naroon siya noong magkasama kami ni Jax nang mapaaway siya sa anak ng Mayor.

Nanatili ang masamang tingin ko sa kanya. Samantalang lumamlam naman ang tingin niya sa akin dahil alam niyang may nagawa siyang hindi ko nagustuhan. Tinanggihan ko na nga nang una, ipinilit pa niya!

Alam kong nakukulangan siya sa dalawa o tatlong oras na magkasama kami sa isang araw. Tuwing sabado at linggo wala akong maidahilan para lumabas kaya sa gabi nagpupunta siya sa labas ng gate namin para kitain ako sandali. Sandaling sandali lang iyon dahil hindi ako pwedeng magtagal sa labas. Hahalikan niya lang ako sa dilim. Kaonting usap at papasok na ako sa loob.

"Kung gumastos ka para ka lang pumipitas ng dahon sa puno, ah!"

He pouted but he didn't look guilty for overspending.

"Can't we just forget it? I'm trying my best here to have time with you. I even woke up early to prepare for this, Clem. Masasayang ang hinanda ko kung hindi ka sasama..."

Ngumuso siya. Gumalaw ang kilay niya at pinagmukhang kaawa awa ang sarili niya. Pumikit ako ng mariin. Pagdilat ko ibinalik ko sa kanya ang tingin.

Nag-donate siya pero hindi naman para sa fundraising kundi para mapapayag akong sumama sa kanya ngayon. Bukal man sa loob o hindi ang pagdonate na ginawa niya, at least magagamit naman iyon sa magandang bagay. Kaya hahayaan ko na.

Palalampasin ko ito ngayon kahit hindi ko nagugustuhan ang paggastos niya ng malaking halaga sa akin. Kahit pa sabihing barya lang ang mga iyon sa kanya, sobrang laking pera para sa akin niyon dahil hindi ko naman napupulot ang pera sa kung saan saan lang lalo naman ang dalawang milyon.

"Sige na!" Sumusuko akong nagbuga ng hangin habang nakukunsuming nakatitig sa kanya.

Para siyang sutil na batang mahirap sawayin at mahirap din tanggihan. Magkaugali sila ng lola niya. Kitang kita ang pagliwanag ng kanyang mukha dahilan ng pagpayag ko. Hindi ko pa nadudugtungan nakangisi na siya.

"Saan ba? Kailangan nasa after party ako, Jax! Hindi na ako pwedeng mawala roon!"

"Sure. We will go back to school after sunset," ngiting ngiti siya kahit nakasimangot ako.

Sumakay siya ulit sa bike at hindi ako binigyan ng pagkakataon na baguhin ang isip ko. Hindi na niya isinuot ang helmet niya. Umirap ako nang tila batang nginisian niya ako bago umandar. Nagbuga ulit ako ng hangin at sinundan siya. Wala na akong magagawa. Kung hindi ako sasama masasayang ang effort niya.

Habang nakasakay sa bike at sinusundan siya'y naisip kong kaya na iyon nina Harry. Kung mapansin niyang wala kami ni Jax, alam na niya siguro kung bakit. Kakausapin ko na lang siya isa sa mga araw na ito.

Sinubukan ko na ring magtiwala sa ka-team ni Jax. Tama naman siya. Kahit mga batang hamog sila sa school, harmless naman sila at laking takot lang nila kay Jax kung manggugulo sila. Importanteng event iyon. Sa palagay ko alam na nila kung ano ang dapat at hindi nila dapat gawin.

After almost five minutes, we got to where he said he would take me. Sabay ang pagbaba namin sa bisikleta. Malaki ang ngiti niya nang harapin ako. He was looking at me but my eyes were fixed on the table near the sea. Mayroon roong mga bamboo torch na nakahilera paikot. Wala pang sindi iyon. Marahil ay dahil maliwanag pa ngayon.

Sa gitna ng mga torch ay ang nakaayos na lamesa, nasasapinan iyon ng puti at mayroon malaking bungkos ng bulaklak sa gitna. Dalawa ang upuan na sa palagay ko ay para sa aming dalawa. Ang sa ibaba ng lamesa at bahaging ikinukulong ng sulo ay puno ng iba't ibang kulay na mga talulot ng bulaklak.

Hindi nalalayo roon ay isang tent na gawa sa kahoy at puting kurtina. Sa loob nito ay mga bag bean na kulay puti at pula. Nanatili ang mata ko roon habang itinatayo ko ang bisikleta. Pagkalapit ni Jax sa akin hinawakan niya ako sa bewang. Nabawi ko roon ang tingin at napunta sa kanya.

Pigil ang ngisi niya. Nasa labi ko ang mata niya na hindi ko namalayang umawang na. Pag-akyat ng mga mata niya, nagkatinginan kaming dalawa. Napatulala na lang ako sa kanya. Ang ganda ng pagkakaayos ng buong lugar. Walang katao tao rito kundi kaming dalawa lang. Mga bundok at ibon lang ang abot ng tingin mula rito. It could be one of their private properties.

"Ikaw ang naghanda nito?"

Nakangiti siyang tumango.

"I get my ass off early for this. I prepare our brunch here. Mamaya may pupuntahan tayo..."

Lumayo siya sa akin at lumapit sa sasakyan niyang hindi ko napansin na naroon. Pickup na itim ang dala niya. Marahil ay dito siya nanggaling bago tumungo sa school at sa likod ng pickup niya isinakay ang bike.

"Saan?" Tanong ko pagkalapit niya ulit. Mayroon na siyang hawak na dalawang pares ng tsinelas sa kamay. "Akala ko ito na ang pupuntahan natin? Meron pa?"

"Mamaya na ang tanong. Kumain muna tayo. You don't eat breakfast, right? Ngayon kakain ka."

Umupo siya at hinawakan ang sapatos ko. Napatukod ako ng kamay sa balikat niya nang hinubad niya sa aking paa iyon at isinuot sa akin ang tsinelas. Sinunod niya ang kanya. Itinabi niya ang mga sapatos namin bago hinuli ang kamay ko. As my feet touch the ground, I realized, the sand on this beach is not a pure white sand. The ground were full of smooth white pebbles that tickles the side of my feet with my every step.

Pagkalapit sa lamesa, nag-alangan pa akong apakan ang mga petals ng bulaklak doon. Kung hindi niya ako hila, hindi ako papasok sa pabilog na torch. Kinuha niya ang malaking bungkos ng bulaklak at inabot sa akin.

"Thank you, Jax." Nahihiya kong kinuha iyon na ikinangiti niya.

Hindi ito ang unang beses na makakatanggap ako ng bulaklak. Pero ito ang una na ganito kalaki, at ang ikinatutuwa ko pa ay galing ito sa boyfriend ko hindi lang sa mga kung sinu sinong nag iiwan ng bulaklak sa table ko tuwing Pebrero.

Pinaupo niya ako at nagpaalam na magluluto ng pagkain namin sandali. Hindi ko nakita ang pahabang lamesa roon at lutuan dahil natabingan ito ng tent. Ngayon, doon siya nagluluto.

Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Nakasuot pa siya ng itim na apron. Sa bawat baliktad niya sa niluluto'y nadedepina ang katigasan ng kanyang braso. Huminga ako ng malalim at nilubayan siya. Galing sa kanya ay dinala ko ang mga mata sa payapang dagat. Mahina ang alon nito at ang lakas ng hangin ay tama lang. Puting puti ang ulap at asul ang kalangitan. Masarap sa balat ang araw at hindi nakakapaso. Tila ba nakikiayon ngayon ang kalikasan sa plano ni Jax.

"Sorry if I can only cook steak..." Si Jax kasabay ng paglapag niya ng dalawang plato sa lamesa.

I tore my eyes from the pebbles along the shore kissed by the torquoise water and stared at the food he had prepared. Mamahaling karne iyon. Sa isang tabi ay mga gulay at side dishes nito na mashed potatoes, mushroom, roasted broccolini, at hindi ko mga kilalang gulay. Katabi ng pinggan ay ang sauce.

"Ayos lang... Mukha naman masarap..."

Ngayon lang ako makakakain nito. Kahit gaano ito kamahal, pagkain pa rin naman ito na isusubo at ngunguyain. And it doesn't matter what food he prepares, what matters is that he eats with me.

Pinanuod ko siyang ayusin ang mga kubyertos na gagamitin namin. Nagbukas din siya ng wine at sinalinan ako sa baso. Sanay na sanay siya sa ginagawa. Sa bawat galaw niya'y halatang katulad ng pagkain na inihain niya'y mamahalin din siya. He's expensive and a gentleman of leisure.

"Ikaw kasi ayaw mo akong turuan..."

Kauupo niya lang sa upuan na nasa harapan ko. Inabot niya ang pinggan ko at siya na rin ang naghiwa ng pagkain ko. Nagpapaturo siya sa akin magluto ng ginataang puso ng saging na mayroong sahog na hipon. Dahil sa lahat ng niluto ko'y ito ang pinaka nagustuhan niya. Hindi ko siya tinuruan.

"Kung tuturuan kita Jax. Wala tayong maluluto sa kusina," sagot ko pagkabalik niya sa harapan ko ng aking pinggan.

Maganda ang pagkakahiwa niya sa steak, tutusukin at isusubo ko na lang. Kaya ko naman gawin sa sarili ko iyon pero nagpresinta siya. Hindi mawala wala ang ngisi niya. Kahit naman ako, kanina pa napapangiti. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik kami at kada subo'y nagkakatinginan.

Akala ko noon masaya na ako. Na kuntento na ako at kumpleto na ako bago ko siya makilala. May mga magulang ako. Maganda ang mga grado ko. Mayroong mga kaibigan. May natitirhan kami ng maayos. Nasa maberdeng lugar ako at payapa. Ngayon na maraming pinaparanas si Jax sa akin saka ko napaghimay himay na marami pang kulang at gusto ko 'yung makuha lahat kasama siya.

He looks forward to our future. He include me in his plans. Kahit buo na ang plano ko noon na magtatrabaho ako pagkatapos mag-aral, hindi ko maiwasang mapaisip kung anong pakiramdam na maging asawa niya.

I don't know if I still like him at this point or... if I'm already in love with him... Kasi hindi ko maiisip ito kung hindi ko siya mahal. With the thought of that, I got scared. Mas malalim, mas nakakatakot.

I have seen some people fall deeply in love make their heart hurt. Love sometimes gives anxiety and depression. To others it may be toxic. When we don't get the love we want, we get upset. Ang ilan pa ay halos mabaliw at nakakapanakit na ng ibang tao. Siguro hindi nila ginusto iyon pero dahil sa sobrang pagmamahal nagagawa nila.

Love will lead us into darkness and wrong track, but it also inspires us to be humane and walk the better path. Kung nakakasama, nakakabuti rin naman sa iba. Love makes your life sweeter, healthier, and happier. Love surprisingly can heal you and make your lives more exciting and meaningful. You suddenly want to live a hundred years or a thousand more if possible.

Hindi ko alam kung saan kami sa dalawang iyon. Hindi ibig sabihin na masaya kami ngayon ay palagi na ring ganito. But I hope for the latter. Dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang mga mangyayari kung sakaling ang una ang kahinatnan namin.

My thoughts were interrupted by the slow love song. The male and female voices in the song are quiet and pleasant to listen. Naghahalo sa pandinig ko ang tempo ng musika at tunog ng payapang alon.

Naibaba ko ang hawak na tinidor at napatingin kay Jax. Nakatayo na pala siya at siya rin ang nagpatugtog ng kanta. He's using his phone to play the song, just loud enough for us to hear. Nilapag niya iyon sa lamesa.

"I don't know how to dance but I will try," aniya habang lumalapit sa akin.

Walang paalam niyang kinuha ang kamay kong nakalapat sa lamesa at inalalayan ako patayo. Ilang hakbang mula sa lamesa ay timigil siya. Hinarap niya ako at ipinatong sa balikat niya ang aking mga kamay. Ang kanya nama'y nasa aking bewang. I looked up at him as he slightly bent down and stared at me with his languid eyes.

Ngumiti ako sa kanya at ipinatong ang aking ulo sa kanyang dibdib. Pumikit ako at pinakinggan ang tibok ng puso niya. Ibinaba ko ang isa kong kamay at nakapikit na inilapat iyon sa puso ko. My lips curved with a calm smile as I felt our heartbeat synchronize.

"Do you know that you are my first dance?" His chest vibrated as he spoke.

Ang kamay ko na nasa dibdib ko ay niyakap ko sa kanyang bewang. Hindi ako dumilat kahit nang sumagot ako.

"First time mo? Wala ka bang isinasayaw na babae sa prom niyo?"

"I never attended any formal ball. All I know at school's Debs is that it’s all boring. Ikaw? Marami ka nang nakasayaw?"

Mahina akong tumango sa dibdib niya. Nakapikit pa rin. Kung nakahiga kami, nakatulog na siguro ako. The love song he was playing and the whisper of his heart can make me fall faster into a deep slumber.

"Marami na. Hindi ko na mabilang," paos at inaantok nang sagot ko.

"Sa prom?"

"Oo-"

"They ask you to dance and you let them?"

Nagising ako sa kasalukuyan. Lumabi ako para pigilan ang ngiti. Mapait kasi ang boses niya. Bahagya ring humiwalay ang mukha niya sa leeg ko. Kung nakadilat ako at nakikita ko siya ngayon, nakakunot noo ito.

"Kung hindi ako papayag na sumayaw. Anong gagawin ko roon? Uupo magdamag?"

"Wala bang pagkain doon? Sana kumain ka na lang-"

Naputol ang sasabihin niya nang matawa ako. Nakapikit pa rin ako nang ibinaba ko ang isa ko pang kamay. Hinampas ko siya sa braso bago ko iniyakap iyon sa kanyang bewang katulad ng isa kong kamay. Pareho kaming nakayakap sa bewang ng isa't isa at umuugoy ng marahang marahan.

"Wala ka pa noon, Jax. Huwag mong sabihin na pati iyon pagseselosan mo?"

Bumuntong hininga siya at mas hinapit ako ng yakap. Binaba niya ang kanyang mukha at inilagay iyon sa aking leeg. Naramdaman ko ang kanyang pagpikit. Pareho naming dinadama ang banayad na kanta at tibok ng mga dibdib.

With him, I can let my guard down. In his arms, I feel safe coz I know he will protect me from any harm. Tahimik kami at hindi nagsasalita ngunit nagsisimulang uminit ang mga mata ko. Napatunayan ko na kahit tahimik at wala kaming ginagawa, masaya ako sa kanya at alam ko na ganoon din siya.

"You are my first girlfriend. You are my first date. You are my first dance. I kissed and fooled around with countless girls that's why you are not my first when it comes to that, but except that, I want you to be my first in everything. And If you allow, I also want you to be my last, Clementine."

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.5M 98.3K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
375K 19.6K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.