HIDDEN SEVEN

By Arthreens

4.5K 1.8K 1.2K

∆∆∆ !UNDER EDITING! ∆∆∆ ∆∆ MAJOR CHANGES ALERT! ∆∆ ∆∆∆ !HIATUS! ∆∆∆ Some pa... More

PLEASE READ!
AUTHOR's NOTE
PROLOGUE
TB Chapter 1: CLUB
TB Chapter 2: VARIANT
TB Chapter 3: ENCOUNTER
TB Chapter 4: Introduce Yourself
TB Chapter 5: Bato-bato Pik!
TB Chapter 6: He's Back!
TB Chapter 7: Couple?!
TB Chapter 8: General Cleaning
TB Chapter 9: Pares/Mami
TB Chapter 10: Stupid Girl
Author's Note
TB Chapter 11: Caisy
TB Chapter 12: Friend
TB Chapter 13: Tsismosa
TB Chapter 14: Awkward
TB Chapter 15: Absent
TB Chapter 16: Josh
TB Chapter 17: His Family
TB Chapter 18: Encourage
TB Chapter 19: Plan
TB Chapter 20: Muntik na!
Covers 💕
TB Chapter 21: Neo
TB Chapter 22: Opening!
TB Chapter 24: Penalty
TB Chapter 25: Party
TB Chapter 26: Allan
TB Chapter 27: Payt
TB Chapter 28: Again
TB Chapter 29: Talk to Talk
TB Chapter 30: Agreement
TB Chapter 31: Preparation
TB Chapter 32: Gathering

TB Chapter 23: Perya

26 13 1
By Arthreens

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!









Chapter 23

Phia's PoV

Pasukan na naman at panibagong kalokohan na naman ang nag-aantay sa'kin sa eskwelahan. Mas maganda pala kung good mood ka kahit walang dahilan.

Kasalukuyan akong naglalakad habang todo ang ngiti kahit na may mga tsismosa na nakapaligid sa'kin, iniisip ko na lang na mga ligaw na hayop lang sila.

Napatingin ako kay Kiara nang sumabay ito sa akin sa paglalakad. "Oh, bakit nakasibangot ka?" tanong ko nang mapansin kong matamlay ang itsura niya.

"Nakakainis kase eh!" biglang angal niya at inis na napakagat labi. Napatingin naman samin ang ibang estudyante dahil sa sigaw niya.

Hindi naman namin 'yon pinansin at pinagpatuloy niya ang pagsasalita. "Gusto kase nila Dad na i-arrange marriage ako sa anak ng business partner nila at syempre umangal ako noh!" pagkekwento niya. "Alam ko namang barumbado ako pero gusto kong ikasal ako sa taong gusto ko at mahal ko, hindi yung sa batugan at walang kwentang anak nung business partner nila!" dagdag niya pa at mahahalata sa itsura niya ang inis.

Matagal na rin kaming magkaibigan ni Kiara at minsan lang siya nagke-kwento sa'kin ng tungkol sa nangyayari sa loob ng pamilya nila. Ayon sa mga naikwento niya sa'kin noon, kung gaano sila kayaman ay ganoon kagulo ang pamilya nila.

May ganon pala......

"Anong sabi ni Tito nung hindi ka pumayag?" tanong ko naman at lalo namang sumimangot ang mukha niya.

"Eh ano pa ba? Syempre, sinermonan niya na naman ako.....kung ano-ano na naman pinagsusumbat." inis na sabi niya naman. Sa totoo lang, hindi ko masyadong kilala ang mga magulang ni Kiara.

Lagi ko silang nakikita noon sa tuwing pinapatawag ang mga magulang namin dahil sa mga kalokohang ginawa namin nung highschool pero ni minsan ay hindi ko sila nakausap.

Binabase ko na lang sa mga kwento niya ang ugali ng mga magulang niya. Siguro, hindi ko na gugustuhing makilala sila.

Natigil ang usapan namin nang biglang sumulpot si Lucas sa harap namin. "Bakit parang gulat kayo nang makita ako? May problema ba?" tanong niya at napansin kong inirapan siya ni Kiara tyaka tuloy-tuloy na naglakad paalis.

May nangyari ba? Parang ako lang ata ang walang alam....

"Anyare don?" curious kong tanong kay Lucas at nagkibit-balikat naman siya.

-----

Natapos ang klase at dali-dali akong lumabas ng classroom, nakasalubong ko naman si Kiara.

Nakasimangot pa rin ang mukha niya kagaya kanina. Ayaw niya talaga siguro ng walang kwentang kasal na 'yon. Oo, para sakin walang kwenta 'yon kahit ako maiinis kung pipilitin akong ipakasal nang dahil lang sa business plus sa taong hindi ko naman gusto o mahal. Tyaka bilang kaibigan niya, syempre mas gugustuhin kong ikasal siya sa taong mahal niya at higit sa lahat sa taong alam kong magpapasaya sa kanya.

Suportado ko siya, kung ano man ang magiging desisyon niya.....

Pero syempre yung sa tingin ko ay tamang desisyon niya....

Nabalik ako sa reyalidad nang may tumapik sa'kin at nakita kong si Kiara pala 'yon. "Huy, nandito na tayo pumasok ka na." sabi niya at napansin kong nasa harap na pala ako ng pinto ng club at siya nama'y nasa loob na.

Dali-dali naman akong pumasok at sinara ang pinto. Naabutan ko naman ang mga kupal na kumpleto rito sa loob kahit na sa ibang club talaga sila.

Naririnig ko ang usapan nila habang naglalakad papunta sa sofa. Saktong pagkaupo ko ay narinig ko si Allan na may parang binibidang kung ano. "Bro, may bagong bukas na perya don sa dating tinatambayan ko.....punta tayo mamaya." pagbibida niya kay Josh.

"Talaga? Sige ba. Matagal na rin akong hindi nakakapunta ng perya eh." sagot niya naman.

"Kayo? Gusto niyong sumama? Masaya don, pramis!" pag-aaya niya naman sa mga kasama niya. Nagsitango naman ang mga ito lalo na si Neo na nagtaas pa ng kamay.

"Ako! Sama akoo!" masiglang sabi niya na para bang hindi papaawat kung may pipigil man sa kanya. "Hindi ko akalaing may perya rin sa ganitong lugar, laking probinsya ako kaya akala ko sa probinsya lang mayroon non!" hangang sabi niya.

Napansin ko naman ang pagkunot ng noo ng mga kasama niya. "Huh? Laking probinsya ka??" takang tanong sa kanya ni Allan.

Bigla naman siyang napakagat labi at parang kinakabahang sagutin ang tanong nito. Napansin ko rin na parang hindi siya komportable na sabihin sa kanila ang totoo.

"Saan kayo pupunta? Sama kami!" pag-iiba ko ng topic para matuon ang atensyon nila sa akin at naglakad hanggang sa redline dahil nga may patakaran kami rito.

"Sa bagong Perya malapit lang dito sa school." sagot ni Allan at napatango-tango naman ako. Naalala ko nung bata ako, pumunta na rin kami nila Dad ng perya para i-celebrate ang birthday ko. Masaya ako nung araw na 'yon pero hindi namin inaasahan na ang mismong araw na 'yon ang huling beses na magiging kumpleto ang pamilya namin.

Nabalik ako sa reyalidad nang may maramdaman akong palad sa balikat ko. "Sigurado ka bang ayos lang sa'yo na pumunta tayo roon?" alalang tanong ni Kiara habang nakatingin sa'kin.

Naikwento ko kase sa kanya na ang mismong kaarawan ko ay may nangyaring hindi namin inaasahan at alam niyang iyon ang dahilan kung bakit pinaka-ayaw ko ang pumunta sa perya.

Pakiramdam ko kase noon, kapag pupunta ako sa isang lugar na alam kong magiging masaya ako....pakiramdam ko magkakaroon ito ng kapalit na hindi mo inaasahan o higit sa lahat, kamalasan.

Pero, kung tatanungin ko ngayon ang sarili ko....sa tingin ko, ito na ang oras para harapin ko ang mga bagay o lugar na kina-aayawan ko at ma-ibaon lahat ng mga masasamang ala-ala na mayroon ako sa lugar na 'yon.

Ang lugar kung saan nagbago ang lahat.....

At ang lugar kung saan ko nakilala ang batang iyon.....

"Ayos lang, wag ka mag-alala...." nakangiting sagot ko kay Kiara at halata pa rin ang pag-aalala sa itsura niya. "Sasama kami mamaya! Magdala kayo ng pera niyo ah, bawal libre!" sabi ko naman sa mga kupal.

-----

Kasalukuyan na kaming naglalakad papuntang parking lot at sa di inaasahan ay nakasalubong pa namin si Caisy sa paglalakad.

Naalala ko tuloy yung bracelet.....

Next time ko na lang ibabalik, nakalimutan kong dalin eh. Hihi.

"Oh? Hi! Nice to meet you all, again!" bati niya habang nakangiti. Nginitian naman namin siya pabalik.

"May pupuntahan kayo?" nagtatakang tanong niya at sumagot naman ang bulinggit na bida-bida.

"Pupunta kami sa bagong bukas na perya malapit lang dito sa school, gusto mo sumama?" pag-aaya niya kay Caisy at pare-pareho naman kaming naalarma.

Hindi namin inaasahan na sasabihin niya 'yon.....

"Ahm......what is that place?" takang tanong naman ni Caisy.

"Maganda don, ate Cai! Maraming rides tyaka pwede ka maglaro sa iba't-ibang stalls!" masayang pagpapaliwanag naman ng batang kumag habang winawasiwas sa ere ang mga kamay.

"I think, it's like an amusement park? Right?" paninigurado niya at mabilis namang napatango ang bulinggit.

Mukang mapapapayag niya si Caisy na sumama.....

"Okay, I'm in." nakangiting sagot ni Caisy at tuwang-tuwa naman ang bulinggit at tumabi pa rito habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

Naramdaman kong may tumabi naman sa'kin. "Ayos lang ba kay Caisy na sumama?" curious na tanong ni Allan sa'kin.

"Siguro....hindi naman ata siya papayag kung hindi ayos sa kanya diba? Tyaka magaling mag-endorse ang batang kumag." sabi ko naman at natawa naman siya.

"Phia, pakiramdam ko makakalibre na naman tayo..." pabulong na sabi naman ni Josh at ngingiti-ngiting parang tanga.

Siya nga dapat manlibre dahil siya ang may business pero siya pa 'tong buraot....

"Oo nga, nayss Neo..." pagsang-ayon naman sa kanya ni Allan.

Buraot talaga 'tong mga 'to.....

Este, ako rin pala hehe.....

Nakarating na kami sa parking lot at nagsisakay sa kanya-kanya naming mga sasakyan. Gamit ko nga pala ulit ang motor ko.

Nangunguna ang sports car ni Allan at kami nama'y nasa likuran niya upang sundan siya.

Wala pang ilang minuto ay natatanaw na namin ang ferris wheel sa di kalayuan. Sabay-sabay naman kaming napahanga dahil sa ganda at laki nito.

Pinark muna namin sa parking lot ang mga sasakyan saka dumiretso ng entrance at bumili ng ticket.

Kung sinuswerte nga namann, ride all you can lahat ng rides dahil sa soft opening at isa pang swerte, nagprisinta si Caisy na ilibre kaming lahat.

Tuwang-tuwa naman kami at napansin ko si Levor sa malayo na papalapit sa pwesto namin habang may dala-dalang mga pagkain.

Ano kaya yung mga dala niya??

Nabalik ako sa reyalidad nang mag-aya na silang pumasok sa loob ngunit parang may nagtutulak sa'kin na 'wag tumuloy.

"Ayos ka lang?" tanong sa'kin ni Kiara at napatingin naman ako sa kanya. "Kung hindi mo pa kaya, pwede pa tayong umatras." dagdag pa niya at mabilis naman akong napailing.

"Hindi. Nandito na ako kaya wala ng atrasan." pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko at tuloy-tuloy na pumasok sa perya.

Tyaka sayang yung libre ni Caisy noh!

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa mga nakikita ko nang makapasok ako sa loob. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang saya na naramdaman ko noong kasama ko si Mama at Papa nang pumunta kami sa ganitong lugar....para akong nabunutan ng tinik.

Napalingon ako sa gilid ko nang makita mula sa di kalayuan sina Neo na kumakaway sa'kin at niyayaya akong lumapit sa kanila.

Wala naman sa sariling napangiti ako at tuwang-tuwa na naglakad palapit sa kanila. "Saan tayo unang sasakay?" tanong ko nang makalapit.

-----

Maraming rides na ang nasakyan namin at papunta na sana kami sa susunod na rides ngunit napatigil kami sa mga stalls na may mga palaro. Na-engganyo naman ang mga kupal dahil magaganda ang prizes kapag nanalo sa mga larong ito.

Lumapit kami sa stall kung saan kasalukuyang naglalaro si Josh. Mayroon siyang hawak na tatlong bilog na may malaking butas sa gitna, inihahagis niya ito papunta sa tatlong stick na nakatayo at kailangan niyang ma-shoot ang mga hawak niya roon.

Pangalawang hagis niya na ay hindi pa rin niya ito ma-ishoot kaya naman ay hindi niya magawang tumigil at sige lang ang bayad kay Kuya para makapaglaro siya ulit.

Nakakabored namann....

Napatingin ako sa kabila nang mapansin kong maraming nagkukumpulan mga tao roon na para bang may kakaibang nangyayari. At dahil tsismosa ako, syempre pumunta ako roon para makichismis.

Nang makalapit ako roon, nakita ko si Allan na may hawak na maliit na bola at pumorma ito na para bang isang pitcher ng baseball. Binato niya ang bola at tumama ito sa tatlong lata na nakatayo, walang ano-ano ay bumagsak lahat ito.

Ang galingg!

Naghiyawan naman ang mga manonood dahilan para mapatakip kami ni Caisy ng tainga. Napansin kong pinapapili na si Allan ng Kuya sa mga stuff toys na nakasabit at pinili niya ang malaking stuff toy na panda.

"Galing mo don ah! Epekto ba 'yan ng pagiging atleta?" pabirong sabi ko nang makalapit kami sa kanya.

"Psh, ako pa ba? Para saan pa yung pagiging atleta ko kung hindi ko makakayang kapulin lahat 'yon?" mayabang na sabi niya naman at napangiwi na lang ako.

Sana pala hindi ko na lang pinuri.....

Narinig ko naman na may tumatawag sa'kin mula sa malayo at nakita ang batang kumag na tuwang tuwa habang may dala-dalang dalawang malaking stuff toy.

Naghabol muna siya ng hininga bago magsalita. "Ate Phibbs, para sa'yo toh oh." sabi niya at iniabot naman sa'kin ang isang stuff toy na dala niya.

Si Winnie the Pooh!

Kinuha ko naman ito. "Salamat, kumag." sambit ko dahilan para mapakunot ang noo niya. "Este.....Neo hehe." pagbabago ko sa sinabi ko.

Sunod naman ay humarap siya kay Caisy at iniabot ang isa pang stuff toy na matabang pusa.....hindi si Garfield ah basta mataba.

"Para sa inyo po ito, hihihi." nahihiyang sabi ni Neo. Napansin kong parang may hinahanap si Caisy kaya naman hindi niya ata napapansin si Neo na may iniaabot ito sa kanya.

"Ahm.....Caisy?" tawag ko sa kanya at agad naman siyang napalingon sa'kin.

"W-why?" utal na sabi niya at tinuro ko naman si Neo na nasa harap niya.

"Oh? Thank you!" sambit niya nang makita ang iniaabot sa kanya ni Neo at tinanggap ito tyaka muling lumingon sa kung saan. Ano kaya yung hinahanap niya? O di kaya, sino?

"Syempre, meron din ako." nagsalita muli si Neo at may dinukot sa likuran niya na maliit na stuff toy. Si Stitch!

Nawawala niyang kapatid chariz...

"Sakay tayo rito!" sigaw ni Josh mula sa malayo at sabay-sabay naman kaming napatingin sa kanya. Nakita namin na nasa tapat siya ng pilahan para sa mga sasakay sa ferris wheel.

Agad naman na nagliwanag ang mga mukha namin at tuwang-tuwa na lumapit sa pwesto ni Josh.

"Caisy, tara na." aya ko at hinawakan pa ang braso niya habang tumatakbo kami.

Pumila kami sa pilahan at habang nag-aantay ay kumakain kami ng corndogs. Bagong bili lang ulit ito ni Levor, naubos na namin yung dala niya kanina eh.

Akala ko ba, bawal libre? Hehe

Nang turn na namin, apat kaming babae na nagsama-sama sa isang cable car. Ako, Kiara, Caisy at si Grace. Yung mga kupal naman ay ganoon din tutal sumama rin samin si Dave at Lucas.

Kumpleto kami!

Tahimik lang kami habang umaangat ang sinasakyan namin at nananatiling nakatingin sa bintana dahil sa kaakit-akit na view nito.

Sa wakas, nakalaya na rin ako sa takot na nararamdaman ko sa lugar na ito at sana naman, wala ng mangyaring masama sa mga taong mahalaga sa'kin pagkatapos ng masayang araw na ito.

Agad na nabaling ang atensyon ko kay Kiara nang marinig ang malalim niyang buntong-hininga. "Lalim ah." sambit ko.

Napansin ko lang na kanina pa siya tahimik at hindi man lang umiimik kahit na sinakyan na namin yung mga matataas na rides.

Ni hindi nga sumigaw eh.....

Napasandal siya sa inuupuan niya ng dahil sa inis. "Hey, what's wrong?" tanong naman ni Caisy dahil napansin rin nito ang pagbuntong-hininga ni Kiara.

Narinig muli namin ang buntong-hininga niya at nagsimula naman siyang magsalita. "What if? Lumayas na lang ako sa bahay?" biglang tanong niya at sabay-sabay naman kumunot ang mga noo namin.

"Hey! Don't say that! Tell me, what's the problem?" pagkontra ni Caisy at napatingin naman sa kanya si Kiara na parang maiiyak na.

"Ayoko ng pisteng arrange marriage!" angal niya na parang bata. "Gusto nila akong ipakasal sa tukmol at batugang anak nung business partner nila. Kapag di ako pumayag kung ano-ano na naman pinagsasasabi nila sa'kin. Mas maganda sigurong lumayas na lang ako sa bahay!" pagkekwento niya at gaya nga ng hinala ko, iyon ang iniisip niya kanina pa.

"What?! Are they.....?" singhal ni Caisy at napatigil saglit. "No offense but......Are they crazy? What kind of parents are they?" pagpapatuloy niya at parang may bakas talaga ng inis sa itsura niya.

Bakit kaya siya nainis? Pero sabagay, kahit ako maiinis kung ipapakasal ako ng dahil lang sa business.

Napansin kong seryosong nakatingin lang samin si Kiara kaya naman napalingon ako sa bintana para umiwas ngunit wala pang isang minuto, bigla naman siyang tumawa ng malakas.

"Alam mo? Gusto ko yung sinabi mo! HAHA!" sabi niya habang natatawa. Nagtinginan naman kami ni Caisy at nagkibit-balikat sa isa't-isa.

Yung totoo?

May saltik talaga 'tong babaeng 'to......

Napatigil naman siya sa pagtawa ng mapansing seryoso na kaming dalawa.

"So, anong balak mong gawin?" tanong ko naman.

"She wanted to get out of their house." seryosong sabi naman ni Caisy habang nananatiling nakatingin kay Kiara.

"Kausapin mo na lang kaya sila Tita?" suggest ko at agad naman siyang sumagot.

"Hindi 'yon makikinig sa'kin. Kapag sinabi nila, kailangan kong sundin tutal magulang ko raw sila.....kalokohan. Tyaka kaya lang naman nila ako tinatanggap bilang anak nila para hindi masira ang business nila. Binibigay nila lahat ng gusto ko, basta 'wag ko lang daw dudumihan ang pangalan nila. Perfect family, diba?" inis na pagkekwento niya. "Okay naman sana lumayas ako don kaso nga lang......mawawalan ako ng mana tyaka wala rin akong pera." dismayadong sabi niya pa.

"How old are you?" biglang tanong ni Caisy sa kanya.

"18. Bakit?" sagot ni Kiara.

"As far as I know, you are an adult now and you have the freedom to leave your house even without your parents permission. As for the inheritance, you don't have to worry. Let me take care of it." pagpapaliwanag naman ni Caisy at nagliwanag naman ang mga mukha namin.

"Ahm....excuse me?" sabi ng kung sino at napatingin naman kaming tatlo kay Grace. "Ahm....i think I can help you with your problem. My uncle is......a lawyer." dagdag na sabi niya at ngumiti.

"Talaga? Salamaaat!" sabi naman ni Kiara at niyakap pa si Grace.

Bumalik na siya sa pagkaka-upo at humarap sa kanilang dalawa. "Sure ba kayo na kaya niyo akong tulungan? Pero nag-aalinlangan kase ako baka hindi natin makayanan labanan yung mga magulang ko. Alam niyo na? Connections?" paninigurado ni Kiara at hinawakan naman siya ni Caisy sa balikat.

"Don't worry, if they will use their connections. I'll use mine too." sabi naman ni Caisy at matapang na napatango naman si Kiara.

Bakit parang feeling ko, ako lang ang walang ambag dito?

Mental support na lang siguro.....

Sakto namang nagkakatuwaan sila ay tumigil ang sinasakyan namin at binuksan na namin ang pintuan.

"We can share each others account. We'll text there for some informations." pahabol na sabi ni Caisy at lumabas na kami ng cable car.

Sinalubong naman kami ng mga kupals na pare-parehong nakasimangot ang mga muka.

"Oh? Ba't ganyan mga mukha niyo?" nagtatakang sabi ni Kiara.

Masigla na siya ngayornn......

Sumagot naman ang batang kumag. "Ang tagal niyo bumaba sa ferris wheel, pinaghintay niyo kami." matamlay na sabi naman nito habang naka-pout ang bibig.

"Alam niyo bang 2 beses kayong umikot??" sarkastikong sabi naman ni Allan at pare-pareho naman kaming nagtaka.

Joke ba 'yon?

Sarcastic yung pagkakasabi niya, diba?

Tyaka ang laki naman ng ferris wheel, mabagal pa umikot kaya bakit nakadalawa kami ng ikot? Ganon ba kami katagal na nag-usap sa loob?

Parang hindi naman.....

"Guyss, tara na. May nahanap na akong kainan sa banda roon." nabaling ang atensyon namin kay Levor na galing sa kung saan.

Maaasahan talaga 'to si Levor!

Agad naman kaming nagsitango dahil mga gutom na ulit kami at sumunod sa kanya papunta sa kainan.

Naupo kami sa upuan at nagsimulang mag-order ng kakainin. Napansin ko naman si Caisy na parang balisa kaya naman kinausap ko siya.

"Caisy, may problema ba? Ayaw mo ba ng pagkain dito? Kung gusto mo, lipat na lang tayo--!" napatigil ako sa katatanong nang bigla siyang sumagot at napailing.

"N-no. It's okay. I'm fine." sagot niya naman at ngumiti. Sana naman ayos lang talaga siya.

Agad naman dumating ang mga inorder namin at nagsimula na kaming kumain. Ilang minuto lang ang lumipas ay napatingin ako kay Caisy nang magsalita siya.

"I'm really impressed." biglang sabi niya at nagtaka naman ako.

"Bakit naman?" tanong ko at pansin ko ang hangang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Because even though you are all in different clubs, you can still get along with each other." sambit niya habang nakatingin sa mga kupal na nagkukulitan.

Natawa naman ako ng mahina. "Syempre naman. Para sa'kin, hindi naman sila mahirap pakisamahan tyaka habang tumatagal mas lalo naming nakikilala ang bawat isa kaya hindi na problema kahit magkakaiba kami ng club o grade. Ang mahalaga, nagtuturingan kami bilang mga totoong kaibigan at may tiwala kami sa isa't-isa." mahabang sabi ko naman at napansin kong nalungkot ang kaninang masaya niyang itsura.

Kanina ko pa siya nakikitang ganyan....

Ipinatong ko sa balikat niya ang palad ko at tinapik-tapik ito ng mahina. "Caisy, kung may problema ka....wag kang mahihiyang magsabi sa'min o sa'kin. Tutulungan ka namin sa abot ng aming makakaya, magsabi ka lang." pagkokompronta ko sa kanya at ngumiti, sinuklian niya naman ako ng matamis na ngiti.

"Thank you." nakangiting sabi niya at bumalik na ulit sa kinakain.

-----

Natapos kaming kumain at nagkayayaan naman kaming magsi-uwi. Ngayon lang namin naramdaman ang pagodd!

Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng perya nang may madaanan na naman kaming photobooth.

"Guys, tara! Papicture tayo ditoo! Pang-remembrance lang!" yaya naman sa'min ni Josh.

"Sge sge!" sang-ayon sa kanya ni Neo. Psh, nagprisinta pa, hindi naman siya yung magbabayad.

Kinausap ni Levor yung manong na kumukuha ng litrato at nang matapos ay lumapit siya sa amin.

"Guys, pwesto na raw tayo don." sabi niya at tinuro ang pwesto na may nakasabit na kurtina at may isang kahon kung saan nakalagay ang mga props sa booth.

Pumwesto na kami sa gitna at napansin din ng mga kupal ang kahon na nakita ko kanina. Pinagkukukuha naman nila ang mga laman non.

Tuwang tuwa ang batang kumag sa nakuha niyang windmill na laruan at iniihipan pa ito. Ang nakuha naman ng iba ay mga maskara at emoji/s, syempre kumuha na rin ako ng akin at ang nakuha ko ay isang maskara na may nakadikit na stick sa gilid nito kung saan ko ito dapat hawakan.

Nagkanya-kanya na kaming pose at tuloy lang ang pag-click ni manong sa camera. Magpopose pa sana ako nang makita kong nagtutulakan sa harapan sina Neo at Josh kaya naman sinaway ko sila ngunit hindi nila ako pinapansin.

Tuloy pa rin ako sa pagsaway at napatigil nang may liwanag na nagflash at nanggaling iyon sa camera ni manong. Napatawa pa si manong matapos makakuha ng huling shot.

Pota, feeling ko epic yung muka ko sa last shot ah!

Nagsi-alisan na kami sa booth at pumunta sa waiting area para hintayin ang mga litrato na kinuha namin kanina.

Hindi nagtagal ay lumapit sa amin ang isang binata at iniabot ang isang supot na may lamang mga litrato.

Iniabot ni Levor ang bayad at kinuha naman ni bida bidang Neo ang litrato. Tatlong litrato ang ibinigay sa amin at sa tingin ko ay pwedeng pwede itong i-frame.

"Uyy! Pogi ko dyan oh!"

"Patingin!"

"Hala! Bakit ang gwapo ko dito?!"

"Uyy tignan niyo yung muka ni Phia oh!"

Napatingin kaming lahat sa litrato nang sabihin yon ni Allan at pare-pareho naman silang natawa.

Mga siraulo kayo.....

Nanatili naman akong poker face habang nakatingin sa mga depunggol. Siraulo 'tong mga toh, pagtawanan ba naman ako??

Akala niyo ah, kukuha rin ako ng epic niyo....

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Caisy. "Can I take one photo?" napatingin kaming lahat sa kanya at ngumiti naman siya ng matamis dahilan para matunaw ang mga kupal.

"Sure, sure." agad na sabi ni Josh at agad na iniabot ang tatlong litrato kay Caisy. "Pili ka na lang kung anong gusto mo dyan." dagdag niya pa.

"Thank you!" sagot naman ni Caisy at tinignan isa-isa ang mga litrato. Napangiti siya nang tumigil ang kanyang tingin sa panghuling litrato.

"I love this." sambit niya at kinuha ang litrato. Nandoon ata yung epic ang pagmumuka ko eh!

Binalik na niya ang mga litrato at napagpasyahan naman namin na i-display na lang sa club ang isa at sa resto naman ni Josh ang natira.

Kasalukuyan na kaming naglalakad papuntang parking lot at napatigil ako dahil sa nakita kong halaman na mukang pamilyar sa akin habang sila ay diretso lang sa paglalakad.

Nagpa-iwan ako saglit at nilapitan ang bilihan ng mga halaman. Hinawakan ko naman ang halaman na pamilyar sa'kin at medyo nagulat pa ako nang biglang nagsalita ang may-ari ng tindahan.

"Nice choice, iha." sabi ng matandang tindera at nagtaka naman ako. "Alam mo ba kung anong uri ng halaman iyan?" dagdag niya pa.

"H-hindi ko po alam pero pamilyar po sa'kin yung halaman." sabi ko naman at nananatiling nakatingin sa halaman.

Nakita ko na talaga toh dati eh, di ko lang talaga matandaan.....

"Pwede po ba akong pumasok sa loob?" tanong ko sa tindera at tumango naman siya. Napansin ko kaseng may iba pang mga halaman sa loob kaya gusto kong pumasok.

Kasalukuyan akong nagtitingin ng mga halaman at nagulat pa nang may dumaang daga sa harapan ko. Napaatras at nabangga ko ang isang cabinet na nasa likuran ko at puno ito ng mga halaman na nakalagay sa maliliit na paso.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang mawala na ang daga at naramdamang umuuga ang cabinet na nasa likod ko. Wala pang isang minuto ay may biglang humila sa'kin paalis sa pwesto ko at nakita kong may nahulog na paso mula sa itaas ng cabinet.

Phew, muntik na 'yon!

Tinignan ko naman ang lalaking nasa harapan ko at nakabalot pa ang kanyang mga bisig sa akin. Napansin ko namang balot na balot siya, nakasuot kase siya ng mask at jacket na hoodie.

Parang pamilyar siya??

"Are you okay?" tanong niya sa'kin na may pagka-husky ang boses niya. Tumango naman ako at magpapasalamat pa lang sana nang dumating yung matandang may-ari ng tindahan. Napabitaw naman kami mula sa pagkakayakap.

"Anong nangyari rito, iha?" tanong niya at nagpaliwanag naman ako. Humingi na rin ako ng pasensya at nag-abot ng kaunting bayad para sa mga nasira ko.

"Pasensya na po talaga, nakaabala pa po ako sa inyo. Pasensya na ho." paghingi ko ng tawad at nahihiyang nakayuko habang nakaharap sa kanya.

"Ayos lang, iha. Ikaw ang mag-ingat." sabi naman niya at medyo nagtaka ako. Hindi ko naman na iyon pinansin at akmang aalis na nang maalala ko yung lalaking nagligtas sa akin kanina.

Asan na kaya yun? Hindi ko man lang napansin na umalis siya.

Nabalik ako sa reyalidad nang may tumawag sa akin mula sa malayo at nakita ko si Kiara na tumatakbo palapit sa'kin.

"Hoyy, nandito ka lang pala! Hinanap ka pa namin sa kung saan-saan!" hingal na sabi niya pero nagawa niya pa ring sumigaw.

"Bakit?" tanong ko at napakunot naman siya ng noo.

"Anong bakit? Halika na, uuwi na tayo. Nauna na nga yung iba dahil may mga gagawin pa sila at kami na lang ang naghanap sayo!" sabi niya naman at hinawakan ako sa braso, akmang hihilahin niya ako nang biglang magsalita ang matanda na may-ari ng tindahan sa tapat ng kinatatayuan namin.

"Saglit lang, iha. Nalimutan kong ibigay ito sa'yo." sabi niya at iniabot sa akin ang nakabalot na halaman na nakakuha ng interes ko kanina.

Yung pamilyar na halaman.....

"Ahm....bakit niyo po binibigay ito sa akin?" curious kong tanong at natawa naman siya.

Nakakatawa don?

"Hindi ako ang nagbigay niyan, iha. Binili 'yan nung binata kanina at sabi niya ay iabot ko raw ito sa babaeng nagka-interes sa halamang ito at sa tingin ko ay ikaw ang tinutukoy niya." nakangiting sabi naman nung matanda.

Para sa'kin?? Sino naman kaya ang maglalakas loob na magbigay sa akin nito??

Ni hindi ko nga naranasan na mabigyan ng ganito eh.....

Naramdaman kong may sumiko sa tagiliran ko at inuudyok ako ng babaita na kunin ang iniaabot sa akin. Tinanggap ko naman 'yon at nagpasalamat.

Kesa naman masayang noh.....

Umalis na kami sa lugar na iyon at pumunta ng parking lot, nadatnan naman namin sina Levor, Neo, Josh at yung iba pang mga kupal.

Akala ko ba umuwi na sila??

Napansin ko namang si Caisy lang ang wala kaya sa tingin ko ay umuwi na siya.

Siguro, pagod na rin siya tyaka nakakahiya naman kung pati siya ay hinanap ako.

Haysss, kung saan-saan kase pumupunta eh.....

"Oh? Ano iyang dala mo?" tanong ni Allan. Yung dala ko kaagad ang una nilang napansin.

"Ano bang nakikita mo?" sarkastikong sabi naman ni Kiara.

"Manahimik ka, bunganga." inis na sabi naman ni Allan sa kanya at inirapan lang siya ng babaita.

"Saan mo 'yan binili?" tanong naman ni Josh at tinuro ko yung tindahan nung matanda.

"Actually, hindi niya 'yan binili. May nagbigay sa kanya!" bida bidang sabi naman ni Kiara. Punyemass talaga 'tong babaeng toh, ang daldal!

Agad namang nag-iba ang awra ng paligid nang marinig nila ang sinabi ni Kiara. Bakit parang ayaw nilang may magbigay sa'kin ng ganito?

Ang harsh naman nila sa'kin kung ganon.....

Baka naman gusto rin nila ng halaman, di ko knows na mga plantito pala sila. Kapag nagkapera ako ulit, bilhan ko sila ng tig-iisang halaman hihi.

Nabalik ako sa reyalidad nang mapansin kong nagsasakayan na sila sa mga sasakyan nila.

"Hoy! Hintayin niyo ko!" sigaw ko at dali-daling sumakay sa motor ko. Nilagay ko muna sa harapan ko yung halaman para hindi mahulog bago paandarin ang motor.

------

Nakarating ako sa bahay at sinalubong pa ako ni Mama. Napansin kong mukang good mood si Mama dahil hindi man lang ako pinagalitan kahit na gabi na ako umuwi.

"Ano iyang dala mo, Phia?" tanong niya at kinuha pa sa akin ang halaman. Sinipot-sipot niya pa ito at ipinatong sa may lamesa sa kusina. Yung parang island kitchen.

"Mas bagay siya rito ilagay." sambit ni Mama at inayos-ayos pa ang paso.

"Saan galing 'yan?" tanong ni Kuya nang makapasok siya sa kusina.

"Doon sa perya, may nakita kase akong tindahan don ng mga halaman." sambit ko at agad namang napatingin sa'kin si Mama.

"Sa p-perya?" di makapaniwalang sabi ni Mama. "Pumunta ka doon? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba inatake ng trauma?" alalang sabi ni Mama.

Ngumiti naman ako. "Ayos lang, Ma. Nag-enjoy ako tyaka kasama ko naman ang mga kaibigan ko. Nakauwi nga ako oh." nakangiting sabi ko at napansin kong nawala ang bakas ng pag-aalala sa muka ni Mama.

Hinawakan niya naman ako sa pisngi. "Lumalaki ka na, Phia. I'm so proud that you've finally overcome your fear." nakangiting sabi ni Mama na parang maiiyak na.

"Tita, tama na 'yan. Baka pagod na ho si Phia, kailangan niya na po magpahinga. Kayo rin ho." pagpigil ni Kuya.

Kahit kailan talaga, panira moment 'to si Kuya chariz.....

Umakyat naman ako sa taas at isinama pa ang halaman, sa kwarto ko dapat toh. Sa'kin toh binigay eh.

Naligo muna ako saglit at nagbihis pagkatapos ay nahiga na sa kama. Nahagip naman ng paningin ko ang halaman na nasa may bintana at napapa-isip pa rin ako kung sino ba talaga ang nagbigay non.

Kung aalalahanin ko ang nangyari kanina. Hinawakan nung lalaki ang braso ko at hinila ako palapit sa kanya para hindi ako mabagsakan at naramdaman ko rin ang init ng kanyang mga kamay at bisig na nakabalot sa akin. Pakiramdam ko siya talaga ang nagbigay nung halaman kase wala naman akong ibang nakitang customer na pumasok sa tindahang iyon nung oras na nandoroon ako.

Sobrang pamilyar talaga nung taong 'yon at parang hindi na iba sa akin ang presensya niya. Feeling ko nakilala ko na siya dati.....

Hindi ko lang talaga maalala.....

Napadabog ako dahil sa inis. Hayss, mababaliw na ako rito sa kakaisip kung sino ba talaga yung taong 'yon. Bakit ba kase hindi na lang siya magpakilala??

Nawala naman ang inis ko nang mabaling muli ang aking atensyon sa halaman.

Pero, hindi ko maitatanggi na natuwa ako nang malaman kong may nagbigay nito sa akin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang halamang ito ay may koneksyon sa kanya at sa akin.

Hayyss, tama na ang pag-iilusyon. Matulog na!

------

Kinabukasan, good mood na naman ako nang pumasok sa school kahit na marami pa rin talagang marites sa school namin na nakakasira ng mood.

Hindi ko makita ngayon ang babaita, siguro pumasok na siya sa klase niya.

Mabilis ang oras dahil pinabilis ko. Kasalukuyan ko ng tinatahak ang daan papunta sa clubroom at napalingon ako sa likuran ko nang makita si Kiara na tumatakbo palapit sa akin.

"Dahil kakarating mo lang, magpapaunahan tayo. Kung sino ang mahuling makarating sa clubroom, siya ang manlilibre!" bungad na sabi ko at pumorma na parang tatakbo ng track and field.

Pinagtitinginan naman kami ng mga marites habang nakaporma kami na parang tatakbo. Dedma kayo dyan!

"Ready"

"Set"

"GO!"

Kumaripas kaming dalawa ng takbo at nauna naman ang babaita sa clubroom. Dire-diretso lang ang takbo ko hanggang sa loob at hindi ko napansin ang linya na pula dahil sa pagmamadali at BOOM!

Pashneya, lagot na!








See you next update! 💕
_______________________________________

Sorry for the wrong grammars and typos!

Don't forget to vote, comment and share! Love Lots!

===Edited===

Continue Reading

You'll Also Like

94.7K 5.8K 31
It is a story of a girl and her bava 'Bava leave my hand said maha. maha releases her hand from his hold.But he again hold hand and asked ' Why did...
251K 15.8K 42
Meera has been rendered cynical after her high school boyfriend dumps her right after their board exams end. She decides to make the next phase of he...
65.9K 2.6K 26
❝ 𝐢 𝐤𝐧𝐨𝐰 𝐡𝐨𝐰 𝐢𝐭 𝐟𝐞𝐞𝐥𝐬 𝐛𝐞𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐞𝐟𝐭 𝐛𝐲 𝐲𝐨𝐮𝐫𝐬𝐞𝐥𝐟 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐫𝐚𝐢𝐧... 𝐰𝐞 𝐚𝐥𝐥 𝐧𝐞𝐞𝐝 𝐬𝐨𝐦𝐞𝐨𝐧𝐞 𝐭𝐨 𝐬𝐭�...
19.8K 1.6K 23
Asi ve Alaz, ilişkilerini gizli tutmaya karar verir. Bu durum onlar için hiç kolay olmayacaktır. +18 kısımlar mevcuttur.