Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 44

24.7K 694 167
By IyaLee04

(LC) Chapter 44






Pagkarating ko marami nang tao sa labas ng registration room kung saan ang starting line. Halos lahat yata'y narito na. Nakasilong sa malaking puno ang grupo ng ate ni Peter. Sa kabilang puno ay ang mga bisita ni Levi noong kaarawan niya. Pati 'yung mga nag-away sa dining nandoon. Medyo nabahala tuloy ako na baka dalhin nila ang gulo nila rito kahit mukha silang mga nagkaayos na.

Hindi ko na muna sila nilapitan dahil maraming tao. May mga matatanda na puti na ang buhok. Mayroong kaedad nila nanay at tatay. May mga foreigner pa na turista sa mga kalapit na resort. Maraming bata na ginagabayan ng kani-kanilang mga magulang. Hindi mawawala ang mga estudyante rito sa school at mga kabilang school. Namataan ko rin sina Jayden at mga kasama nito noon. Niyaya siguro ni Coach Roiland at naihabol sa listahan ni Harry.

Nakahiwalay ang grupo ng mga guro. Naroon si Miss Abadiano. Naka-sports bra ito na mayroon sexy'ng disenyo at high waist cycling shorts. Hawak niya ang tshirt na isusuot niya pero hindi sinusuot. Palinga linga ito at kahit hindi ko itanong alam kong si Jax ang hinahanap.

Kung makikita kaya ito ni Jax, anong magiging reaction niya? Kahit binibigyan niya ako ng assurance at pinaparamdam niya na ako lang, hindi ko pa rin mapigilang isipin na minsang may namagitan sa kanila ng magandang guro na ito. Si Maya, matagal nang hindi pumapasok kaya hindi ko naiisip. Si Miss Abadiano, ngayon na lang din lumitaw.

"Clementine!"

Sa mga kasama ko ako unang lumapit kaya madali akong nakita ni Irene. Kahit ilang hakbang na lang ang layo ko kinawayan niya pa ako na akala mo'y mahihirapan akong hanapin sila sa distansya namin. Kumpleto na sila. Ako ang huling dumating sa mga student body. Sa ibang araw ako ang nauuna o kaya naman ay kasabay ko si Harry. May usapan kami ni Jax kaya't nagpahuli ako ng kaonti.

"Bakit ngayon ka lang?"

Sinalubong ako ni Irene na nakasuot na ng tshirt para sa event na gaganapin maya maya lamang. Kumpleto ang kasuotan niya at nakasuot na rin ng helmet pang-bike.

"Nahuli ako ng gising. Hindi ako nagising sa alarm," sabi ko kahit hindi naman talaga ako nag-a-alarm. Nasanay na lang ang katawan ko na maagang gumising.

"Nasaan ang bike mo?"

Ginala niya ang mata niya para hanapin iyon sa magkabilang tabi at likod ko. Nilingon ko rin ang likod ko kahit na alam kong wala naman akong dala. Nang wala siyang mahanap nagtataka niya akong tiningnan. Hinarap ko siya at maliit na nginitian. Medyo kabado ako. Bakit ba kasi kailangan pang pareho kami ng tshirt at bike? Ang dami niyang pakulo! Ako naman itong si uto uto na napapayag niya ng ganun ganon lang!

"Lilinisin ko sana kagabi para magamit ngayon. Huli ko nang nalaman na sira pala ang kadena," pagsisinungaling ko ulit. Ito kasi ang sinabi ni Jax na idahilan ko!

Tumaas ang kilay niya at bumalong ang pag aalala sa mata. Pinasadahan niya rin ng tingin ang damit ko. Naka-itim na knee length cotton leggings ako at itim na workout crop top. Sa paa ay nakasuot ako ng simpleng itim na gym shoes. Nakapusod pataas ang mahaba kong buhok kaya't umiihip sa batok ko ang malamig na pang-umagang hangin ng probinsiya. Wala akong kahit anong kulorete sa mukha. Nagising ako, naligo, nagbihis, at nagtungo rito. Ngunit si Irene at ibang mga babae nakapostura pa. Hindi ba nila naisip na pagpapawisan din naman sila mamaya?

"Wala kang gagamitin na bike? Wala ka na ring tshirt na isusuot! Paano iyan?"

"Bakit? Nagkulang ang mga tshirt?" Kunwaring tanong ko kahit may ideya na ako sa ginawa ni Jax.

Wala siyang sinabi na gagawin niya pero sinabi niyang siya na ang bahala. Sigurado akong siya ang may pakana nito ngayon.

"Nawawala 'yung isang kahon na tshirt na pinasobra ni Harry para sa ating nag-organize ng event na ito! Ang iba kasi may mga pangalan at naibigay na sa kanila iyon lahat! Wala nang natira sayo!"

Problemadong problemado siya na wala akong susuotin. Sinubukan ko tuloy na mahawa sa kanya. Bagsak balikat ko siyang tiningnan. Hindi ko magawang magulat. Kung mananalamin ako ngayon mababakas ang pagkawalang pakialam sa emosyon ko. Pero kahit nagkaganoon, nakumbinsi ko si Irene na nalungkot ako.

"Tutulong na lang ako sa medic. Hindi na lang ako sasali-"

"Gamitin mo na lang itong sa akin, Clementine. Ako na lang ang hindi sasali," si Harry iyon.

Nalipat sa kanya ang tingin ko. Inaabot nito sa akin ang medyo maluwag sa akin na tshirt. Sandali akong natigilan. Nawala ako bigla sa pag-arte. Tinitigan ko lang ang inaalok niya at hindi ko kinuha. Naisip ko na kung tatanggapin ko ito masisira ang plano ni Jax. Masasayang din ang pag iwan ko sa bike ko. Kung hindi ko naman tatanggapin, tiyak na magtataka sila.

"Pero mas kailangan ka roon, Harry."

"Kayo na ang mauna. Susunod na lang ako. Baka kung saan lang nailagay 'yung mga nawawalang tshirt. Hahanapin ko muna."

Napalunok ako. Inikot ko ang tingin sa mapunong paligid. Malamig ang pang-umagang hangin. Tamang tama ang oras na ito para sa pag-eehersisyo. Pero nasaan na ba kasi 'yung unggoy na iyon? Dapat tinutulungan na niya ako ngayon ditong lumusot! Naitago niya ang ibang tshirt na ang ibig sabihin lang ay nandito na siya pero hindi naman magawang magpakita sa akin!

"Hindi na, Harry. Okay lang ako-"

"Okay lang din ako. Kunin mo na," sabay pilit sa akin ng damit.

Nilapit niya sa akin iyon na itinulak ko naman pabalik sa kanya. Umiling ako at pilit siyang nginitian. Kapag palpak itong si Jax at hindi talaga nakasama ang isa sa amin ni Harry, isang buwan siyang hindi makakatikim talaga!

"Sayo na iyan, Harry. Wala rin akong bike na gagamitin-"

"Gamitin mo ang bike ko. Magpapadala na lang ako ng panibago para makahabol ako. Si Cathy na lang muna ang paghahawakin ko sa camera."

Nagtiim bagang ako. Sa inis ko kay Jax, inabot ko ang tshirt. Pinupog ko siya ng mura sa isip ko. Sana'y inagahan ko na lang at dinala ko ang bike ko! Sa susunod hindi na ako magpapauto sa gago na iyon! Kung gusto niya nang may kaparehong damit, mag-couple shirt sila ni Peter!

Nahawakan ko na ang dulo ng damit ni Harry nang may tumakip sa mukha ko. Nabitiwan ko ulit ang tshirt. Pag-angat ko ng kamay at pagkapa ko sa nakatabon sa ulo ko, naramdaman ko ang malambot na tela.

Umirap ako sa ilalim ng tshirt na pagmamay-ari ni Jax. Hindi ko pa siya nakikita dahil nahaharangan ng tela ang mata ko pero dahil sa kabisadong kabisado kong amoy niya alam ko kaagad na kay Jax ito.

"I heard you two talking. I have a spare shirt and bike here. You can use it..." Kunwaring malamig ang boses niya.

Inalis ko ang tshirt na nasa mukha ko. Kulay light pink ang tshirt na kamukha ng sa kanya. Tinalikuran niya kami pagkatapos niyang padarag na iabot sa akin ang bike na may kaparehong disenyo sa kanya.

Sinundan ko ng tingin ang malapad niyang likod. Ang suot niyang tshirt ay mayroong nakasulat na apelyido niyang Dawson sa likuran. Padaan siya sa harapan ng mga guro. Pagkakita niya kay Miss Abadiano na nag aabang, lumihis siya. Hinabol siya ng tingin ng guro. Nakagat ko ng mahina ang ibabang labi ko nang matantong wala siyang pakialam sa suot nito.

Pasimple kong inangat ang tshirt na nasa akin at nakitang may nakasulat din na Dawson sa likuran nito. Sa ibaba ng Dawson ay ang numerong seven, araw kung kailan naging kami. Sa harapan naman ay nakaprinta ang 'HELP by BIKE' at logo ng eskwelahan at ng mga Valiente.

Pinigilan kong lumabi dahil nasa harapan ko pa sina Harry at Irene. Ito pala ang plano niya. Masiyado siyang ma-effort para sa lalaking first time magka-girlfriend. Nawala ng parang bula ang inis ko kanina. Napalitan iyon ng nagliliparang paru paro sa aking tiyan.

Kabisado ko na ang size ng kanyang katawan sa dalas kong suotin ang damit niya. Nang iangat ko, napansin kong mas maliit ang size nito kumpara sa kanya. Ngunit kaonting maluwag sa akin para siguro hindi mahalata. Kung sukat na sukat ito sa akin, mapapaisip sila kung bakit pambabae ang size ng sobra niyang damit.

"Hala! Palit na lang tayo!" Si Irene na nakisilip pala sa nakasulat sa likod ng damit. Malungkot siya kanina nang wala akong maisusuot. Ngayong meron na, nanlulumo pa rin ang itsura niya.

Hindi ko siya pinansin. Bago pa niya ipilit, sinuot ko na iyon. Itinali ko ang laylayan sa gilid. Medyo lumabas ang balat ko sa tiyan subalit hindi naman kabastos bastos tingnan. Hinarap ko si Harry at nginitian. Mataman ang titig nito salitan sa suot kong tshirt at hawak na bike.

"Ito na lang ang susuotin ko, Harry. Salamat na lang. Mabuti na lang at may dalang sobra si Jax."

Nalipat sa mata ko ang tingin niya. Kinabahan ako sa naninimbang na titig niya. Parang meron siyang gustong itanong pero ikinikibit balikat niya na lang. Lalaki siya. Hindi kaya napapansin niya ang mga ginagawa ni Jax? Pero hindi naman kami lantad na nag-uusap at nagdidikit.

Niyuko ko ang tshirt na suot ko at bike na nasa tabi ko. Dapat ba tinanggihan ko muna ito? Ngayon ko natanto na hindi ako pumalag nang ialok ito ni Jax. Kung sa ibang pagkakataon makikipag away pa ako sa kanya. Hindi naman iyon kaso kay Irene. Hindi niya napansin. Nakasimangot lang ito at nanghihinayang sa tshirt na suot ko na gusto niyang mapasakanya.

Si Harry hindi ko alam. Nang tumalikod siya halos mapabuntong hininga ako. Kinuha ko ito at 'di na nakipagtalo kay Jax dahil wala akong susuotin at gagamitin. Iyon lang siguro ang rason na naiisip niya? Wala naman siguro siyang nahalata?

"Halika doon tayo!"

Hinawakan ako ni Irene sa braso. Nagpahila ako sa kanya ngunit naagaw ko ang braso ko nang matantong sa direksyon nila Jayden kami papunta. Hinanap ko si Jax. Kasama niya ang mga ka-team niya. Nakasandal siya sa katawan ng puno na kinaroroonan nila. Nakapink siyang damit pero ang manly niyang tingnan. Nakabantay sa akin ang mga mata nito. Dinala niya ang mga mata kay Jayden bago ibinalik sa akin. Alam niya kung saan ako papunta.

"Mauna ka na roon. May itatanong lang ako kay Harry." Nagkibit balikat si Irene.

Pinanuod ko siyang humalo sa mga kasama ni Jayden. Sakto sa pagbalik ko ng tingin kay Jax, lumapit sa kanya ang mga babae. Itinuro niya ako. Sabay sabay ang paglingon ng mga babae sa akin. Sila 'yong mga bisita ni Levi na nakasama ko. Nagdalawang isip pa akong lumapit dahil hindi alam ng mga nandito na kakilala ko ang mga ito. Lalo at mga sosyal ang ayos at wala naman akong kaibigan na mayayaman.

Sinulyapan ko si Irene. Abala na siyang makipag usap sa dalawang babae na kasama nila Jayden. Ang ibang kagrupo ni Jax nandoon din kasama ni Coach. Apat lang sa kagrupo ni Jax ang kasama niya sa puno. Naroon na rin ang ate ni Peter at mga kasama nito. Nagtaas ng kamay ang isa sa mga babae kaya lumapit na ako bago pa nito isigaw ang pangalan ko.

"Faye," bati ko pagkalapit. Siya ang kumaway sa akin. Ang iba nakatingin lang at tumataas ang kilay sa suot ko. Lahat sila nakadark pink. Kami lang ni Jax ang naka-light.

Ngumiti ako kina Ynah at mga kasama nito. Nasa tabi niya si Peter na katabi si Jax. Nahuli ko si Jax na nakatitig sa suot ko. Nang babain ko ng tingin ang tinitingnan niya, na-realize kong sa litaw na tiyan at pusod ko nakadirekta ang mga mata niya. Nang mag-angat siya, nagtama ang tingin namin bago siya umiwas. Gumalaw ang lalamunan niya. Sumulyap siya ulit sa akin. Nang maabutang nakatingin ako, nag-iwas ulit siya. Kinausap niya si Peter.

"We'll leave Mindoro tomorrow night. May after party, 'di ba? Inuman tayo!"

Bumaling ako sa gilid ko. Hindi ko alam kung sino kina Rosy at Roselyn ang nagsalita. Dahil kambal, magkahawig sila at medyo magkatunog ang boses. Ang isang kakambal nila'y nasa kabilang grupo pa rin. Nang lingunin ko saka ko lang nakitang ako ang kausap nila. Nagsisang-ayunan silang lahat at pinalibutan ako.

"Kumusta kayo ni Jax?" Si Mitch iyon na humawak pa sa bike ko at lumiyad palapit para makabulong.

"Akala ko ba hindi kayo? Bakit parehas kayo ng damit at bike?" Mula kay Mitch, lumipat ang tingin ko kay Rheya.

"Hindi kayo nag uusap sa school?" Si Sarah iyon. Nasa tabi nito sina Graycee, Badette, Jolly, at Genevieve. Mga kapwa sila nakapalibot sa akin.

"Ang landi niyo sa bahay ah! Hindi pala kayo close sa school?" Walang prenong singit ni Ynah. Bahagya niya pang itinulak si Jeralyn na nagreretouch ng mukha.

"Fuck!" Mura nito at akmang susugurin si Ynah dahil lumagpas ang wing ng eyeliner niya.

Hindi lang natuloy dahil tila mga sigang humarang sina Melody, Judy, at Mavie. Gusto ko sana silang bawalin na gumawa ng gulo rito. Kaya lang, nawala sila sa paningin ko nang magsiksikan ang mga narito.

"Nakapunta na sila sa inyo?"

"Oo! Nagkulong sila sa banyo!"

"Nagkulong sila? Anong ginawa nila sa loob?"

"Hindi ko na narinig! Pinalabas ako ni Peter nang makita akong nakikinig sa pinto, e!"

"Baka naman nagkakapaan sila ni Jax ng paper clip sa loob?!"

"Anong paper clip?" Litong tanong ni Ynah dahil wala siya roon.

"Noong birthday ni Levi! May video ako!"

Nagtawanan sila. Nahihilo ako dahil nandito silang lahat. Hindi ko na alam kung saan ako titingin dahil ang dami nilang sunod sunod na nagtanong at nagsasalita. Pinamulahan ako. Ni hindi nila ako binibigyan ng panahon na makasingit at magsalita. May pinanuod sila at pagkaraa'y pinag-uusapan nila kami ni Jax na parang wala ako rito. Halos pisain na nila ako sa gitna nila para lang makapagchikahan sila ng maayos.

"Huwag kayong maingay!" Mariin na saway ko sa kanilang lahat nang matanaw si Harry'ng palapit kung nasaan ako.

Magkakasabay silang natahimik. Lahat ng pares na matang nasa akin, dumako kay Harry dahil sa pagsaway ko sa kanilang huwag mag ingay. Kahit nakatingin ang lahat ng babae kay Harry hindi ko man lang ito nakitaan ng pagkailang. Lumapit siya sa akin at tumigil sa harapan ko.

"The teachers and director are waiting for our speech," sabi niya at pinadaanan ng sulyap ang mga narito bago tumigil sa akin. "Let's go. Baka tanghaliin tayo."

Tumango ako. Wala akong pinagpaalamanan sa mga babaeng naroon at nagmamadali lang na sumunod kay Harry. Habang naglalakad kami palayo sa kanila, binalikan niya ng tingin ang mga babae. Nagkatinginan kami pagkatapos.

"Kilala mo 'yung mga iyon?" May pagtatakang tanong niya.

"Oo! Ngayon lang! Nadaanan ko lang habang papunta ako sayo kaya nakausap ko!"

Hindi ko alam kung over react ba ang kinalabasan ng boses ko. Parang luluwa ang puso ko sa pag aalalang nakakahalata na siya kanina pa.

"Kilala lahat ni Jax iyon." Mataman akong tinitigan nito. Parang hinihintay niya ang magiging reaksyon ko at doon ako huhulihin.

"Ah... Oo nga! Nabanggit nga nila!" Iyon lang ang nasagot ko.

Mahina akong tumawa dahil hindi niya agad inalis ang tingin sa akin. Na pinagsisihan ko kalaunan dahil mas nagmukha yata akong guilty at may ginawang masama sa naiilang na tawa ko. Wala na siyang dagdag na tanong at komento. Nag-iwas lang siya at kinuha ang mikropono na inabot ni Cathy sa kanya.

"Good morning po, Mrs. Caduada," bati ko sa school director nang tumabi ito sa akin.

Ngumiti siya sa akin. Nahiya pa akong tumabi sa kanya nang una. Kahit kasi may edad na, maganda pa rin ang pangangatawan nito.

"Hi!"

Napayuko ako. May kumaway sa akin na bata. Batang lalaki iyon. Maliit pa lang kitang kita na agad na magandang lalaki ito paglaki. Nakasuot rin siya ng helmet at mayroon mababang bike sa tabi.

"Miss Alvarina... This is my son, Xhian."

"Oh..."

Tumango ako kay Mrs. Caduada. Napangiti ako. Kasama niya pala ang buong pamilya niya. Tinukod ko ang mga kamay ko sa aking tuhod upang pantayan ang mukha ng kanyang anak.

"Hello, Xhian!" Ngiti ko.

Bumitiw ito sa nanay niya at lumapit sa akin. Nagulat ako nang itaas nito ang maliit niyang kamay at haplusin ang aking pisngi. Subalit nakabawi rin ako at agad na napangiti. Sa tantiya ko, nasa limang taon pa lamang siya. Titig na titig ito sa akin.

"Your face is so beautiful... I think I want you to be my girlfriend..."

Nakarinig ako ng malakas na halakhak sa tabi ko. Nang lingunin ko'y naroon na ang mag-asawang Caduada. Lumapit ang tatay ni Xhian at kinalong siya. Tumayo ako ng maayos. Magkamukha sila. Lalong lumaki ang aking ngiti.

"You can court her when you grow up, Big boy!" Pagbibiro rito ng tatay niya sabay lingon sa akin. "But you can only do that if she doesn't have a boyfriend..."

"Does she?" Inosenteng tanong nito sa ama. Sabay silang bumaling sa akin.

Pinamulahan ako. Nakatingin kasi sa akin ang pamilya nila at nag-aabang sa sagot ko. Habang ginigisa ako ng pamilyang Caduada, napatingin ako kay Jax na lumapit sa hilera namin. Tinaasan ako nito ng kilay bago nalipat ang masamang tingin sa bata.

"But it would not have been possible without our school director..." boses iyon ni Harry galing sa mikropono.

Doon natuon ang atensyon ng mga nasa harapan ko. Lumabi ako at nakahinga ng maluwag dahil hindi na nila nahintay ang sagot ko nang matapos ang speech ni Harry at tinawag ang buong pamilya nila para sa huling speech bago magsimula ang event. Pagkatalikod nila, pasimpleng tumabi sa akin si Jax. Pinagala niya ang mata sa ayos ko. Tumigil iyon sa aking mukha. Mahina siyang umiling.

"Bakit ang ganda mo? Pati bata magiging kaagaw ko sayo."

Halos bumaliktad ang labi ko dahilan ng pagsimangot ko sa kanya. Hindi ko malaman kung nang-aasar lang ang isang ito dahil alam niyang ayoko ng masiyadong pinupuri ako.

"Tigilan mo ako Jax..."

"Bakit kasi nakabuhol iyan? Nakalabas na nga iyang binti mo pati iyang tiyan at pusod mo inilalabas mo pa..." wala sa akin ang tingin niya, inaayos niya ang pads niya na nasa siko niya at tuhod.

"Malaki kasi kaya binuhol ko..."

Inalis ko ang tingin sa kanya. Nang tingnan ko ang bike na ibinigay niya, mayroon nakasabit na safety gear doon na katerno rin ng safety gear niya.

"Ibaba mo na. Kanina ka pa pinagtitinginan ng mga lalaki. Pati bata tuloy naaakit sayo."

Pairap ko siyang binalingan. Nahuli ko ang pagsulyap niya kay Jayden. Nang bumalik ang mata niya sa akin, tinaasan ko siya ng kilay. Kahit nag usap na kami tungkol dito, threaten pa rin siya sa presensya nito. Umirap ulit ako at inalis ang pagkakabuhol ng suot kong tshirt. Kulang na lang tawagin ko siyang Tatay Jax sa sobrang higpit niya.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 299K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
138K 4.9K 18
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...