The Wayward Son in Aklan

By LenaBuncaras

451K 20.6K 8.2K

Raising a kid is a difficult task for Sandro, especially if the child is not his own. When adoption is the on... More

The Wayward Son in Aklan
Bukang-Liwayway 1998
Kabanata 1: Ang Bitter
Kabanata 2: Ang Best Friend
Kabanata 3: Ang Buntis
Kabanata 4: Ang Kapal
Kabanata 5: Ang Demanding
Kabanata 6: Ang Anak
Kabanata 7: Ang Aksidente
Kabanata 8: Ang Ulila
Wayward Son, 1998
Kabanata 9: Ang Dalawang Tita
Kabanata 10: Ang Girl Crush
Kabanata 11: Ang Sakit sa Ulo
Kabanata 12: Ang Ka-Buddy
Kabanata 13: Ang Pagbangon
Kabanata 14: Ang Instant Mommy
Kabanata 15: Ang Celebration
Kabanata 16. Ang Birthday
Kabanata 17: Ang Demonyo
Kabanata 18: Ang Init
Kabanata 19: Ang Pag-alis
Kabanata 20: Ang Surprise
Kabanata 21: Ang Kababata
Kabanata 22. Ang Mahal
Kabanata 23. Ang Anghel
Kabanata 24. Ang In Denial
Kabanata 25. Ang Honest Naman
Kabanata 26: Ang Nega
Kabanata 27. Ang Lasing
Kabanata 28: Ang Stress
Kabanata 29: Ang Karapatan
Kabanata 30: Ang Takot
Kabanata 31. Ang Dalawang Ama
Kabanata 32. Ang Parents
Kabanata 33. Ang Malas Talaga
Kabanata 34. Ang Blessing
Kabanata 35. Ang Ending (lol)
Special Chapter: Alyna (First Part)
Special Chapter: Alyna (Second Part)
Special Chapter: Alyna (Last Part)

PROLOGUE

20.6K 701 173
By LenaBuncaras

NOTE: Magiging content din ito ng TDS Aklan physical book, pero tingin ko, ia-upload ko na lang din dito sa Wattpad since hindi naman lahat makakabili ng book. Iiwan ko na lang sa book yung mga special chapter. If ever na makita ninyong may mga ina-update akong chapter dito every once in a while, ibig sabihin, may mga binago akong content doon. Possible na yung ibang chapter, mauurong kasi nga madadagdagan. Ayun luuungs. Enjoy reading or enjoy re-reading hehehe 



"Babi, isasakay na ako sa erpleyn?"

"Opo, aalis kami ni Mimi, sasakay kaming airplane ngayon."

"Yehey!"

Dumeretso agad kami ni Chamee sa bilihan ng tubig sa may terminal ng bus sa Novastop pagbaba na pagbaba namin ng jeep. Maaga pa, pasado alas-sais pa lang ng umaga. Kapag ganitong araw ng Sabado, ganitong oras, wala masyadong traffic.

Ang dami nang mga nakakalat na pulang puso saka mga Cupid design sa kung saan-saan. Si Chamee, nanghihingi ng mga ganoon, sabi ko gagawan ko na lang siya. Natigil lang noong tinakot kong hindi kami sasakay sa airplane kapag nagkulit siya.

"Ate, pabili po ng mineral water na hindi malamig."

May baon naman kaming tubig, pero ibinigay ko na lang para kay Chamee lahat habang nasa biyahe. Baka kasi kulangin kung iinuman ko pa.

"Babi, may palawer, o!"

Nagtuturo na naman 'to. Pagtingin ko, tinuturo yung nagtitinda ng sampaguita sa katabing Burger Machine.

Hindi kami puwedeng bumili ng sampaguita, wala naman akong paggagamitan n'on.

"Mimi, huwag ikaw maglilikot," utos ko pa habang nagbabayad para sa tubig. "Magkano po rito sa Magic Flakes?"

"Limang piso lang."

"Pabili po dalawa."

Bumili na rin ako ng meryenda kasi malamang, maghahanap ng pagkain ito si Chamee habang nasa biyahe.

Pupunta kasi kaming Pasay. May flight kami ngayong araw pa-Aklan. Excited na excited 'tong gumala, ilang linggo nang hinihiling mag-airplane.

"Ang kyut-kyut mo naman, Bibi."

Pagtingin ko roon sa nagsalita, yung nagtitinda pala ng sampaguita ang lumapit. Matandang lalaki na may beltbag na suot at nakasombrero.

"Madami po ikaw palawer, Lolo?" tanong agad ni Chamee.

"Sa iyo na ito, o." Inabutan agad ng matanda si Chamee ng isang pitas ng sampaguita, yung halos matanggal na sa pagkakatali sa buong hanay.

"Tenchu po, Lolo!" tili ni Chamee bago ako tiningala. "Babi, bibigay si Lolong palawer sa akin, o!"

Pinalapit ko nang kaunti si Chamee sa akin para itago. Pagtingin ko sa matanda, nakangiti lang siya sa amin ni Chamee.

"Kyut-kyut naman ng anak mo, 'toy."

"Salamat ho," sabi ko na lang.

Pinanood ko siyang maglakad papunta roon sa mga driver na bibili rin sa kanya ng sampaguita para sa bus.

"Mimi, sasakay na tayo sa bus, ha? Huwag lilikot."

"Opo, Babi!"

Nakalagay naman sa ticket na halos isang oras lang ang biyahe pa-Aklan galing Manila, pero hindi rin ako kumbinsido kasi may delay-delay pa naman sa ganito.

Pag-akyat namin sa bus, marami-rami na rin ang pasaherong iniipon na lang ng driver bago umalis. May oras yata ng pasadang susundin ang pila sa sinakyan namin. Mas okay na para hindi namin kailangang maghintay ng punuan.

Tumutugtog sa radyo ang acoustic version ng Take on Me ng a-ha. Parang ang sarap matulog pag-upo sa naka-air con na bus. Hindi pa naman ako nakatulog kagabi para dito sa biyahe namin.

May nakaupo sa dalawang upuan sa harapan kaya dumoon kami sa pangatlong hilera na pandalawahang upuan.

Kakandungin ko na lang si Chamee at babayaran ko ang maletang katabi ko sa pag-upo. Isinukbit ko ang backpack sa harapan kong sandalan din ng upuan saka ko kinandong si Chamee.

Pag-akyat ng driver, mukhang aalis na rin kami.

Maganda ang araw, maaliwalas ang paligid, paglabas na paglabas sa terminal ng bus, gumapang agad sa amin ang sikat ng araw na papataas pa lang.

Napatingin ako sa harap kasi yung nakaupo palang malusog na babae roon sa harapan, iyon pala ang konduktora. Pagtayo niya, kadarampot lang niya ng mga ticket at inisa-isa kami ng tingin.

"Babi, isasakay na tayo sa erpleyn?"

Sinilip ko agad ang mukha ni Chamee na tutok na tutok sa hawak niya. Hinalikan ko lang siya sa sentido saka ulit siya tinitigan.

"Gusto mo na sumakay sa airplane, 'nak?"

"Opo, isasakay na ako sa erpleyn isasama si Mima!"

"Gusto mo na makita si Mima? Pupunta na tayo ngayon kay Mima."

Saka lang niya ako tiningnan para ngitian. "Mi-miss ko na si Mima, Babi!"

"Ako rin, miss ko na si Mima."

Hinayaan ko na lang siyang maglaro ng hawak niya para hindi maghanap ng phone. Malamang na mangungulit na naman 'to kapag nalingat ang atensiyon.

"Saan kayo?" tanong ng konduktora.

"Sa MOA ho. Dalawa. Bayaran ko na 'tong isang upuan."

Binuksan ko agad ang maliit na bulsa ng malaking bag na nasa harapan ko nakasabit para kunin ang pambayad namin.

"Babi! Babi, tingin ikaw dito, Babi!"

Tinawanan ko lang nang mahina si Chamee saka ako tumango habang pilit na kinukuha ang pera sa bulsa ng bag.

"Babi, tinginin mo 'to ikaw!" Hinawakan niya ako sa pisngi para ipatingin sa tinuturo niya.

Nakuha ko na rin ang itinabi kong pamasahe namin sa bag at saglit na sumulyap doon para makita kung pera nga ba talaga ang nakuha ko at hindi ilang basura lang.

"Babi!"

"Oo, 'nak. Saglit lang." Iniabot ko na agad ang bayad sa kundoktora saka siya pumilas ng ilang mga ticket sa hawak niya.

"Papasyal kayo?" nakangiting tanong ng kundoktora nang inguso si Chamee.

Ngumiti lang din ako pabalik. "Oho. Ipapakilala ko lang sa pamilya ng mama niya."

"Aw." Tumango naman siya nang matipid habang nakatutok sa mga ticket. "Ilang taon na 'yan?"

"Tatlo ho."

Ibinigay na rin niya sa 'kin ang mga ticket na inipon niya para sa akin saka kay Chamee. "Kyot-kyot mo naman, nining." Saglit niyang pinisil ang pisngi ni Chamee saka lumipat sa likurang upuan.

Patuloy lang sa pagtugtog ang radyo ng bus. Patay pa ang TV. Nakakalayo na kami sa terminal at papaliko na ang bus sa may Bagong Pag-asa.

"Babi, tingin mo ito, o!" Itinapat ni Chamee sa akin yung sampaguitang pinaglalaruan niya. Nanilaw na iyon kapipisil. Hindi maganda ang amoy kapag hinalo sa amoy ng air con na green apple.

"'Nak, hugas ka ng kamay." Binuksan ko nang bahagya ang zipper sa malaking lalagyan ng bag para kunin ang hand sanitizer doon.

"Babi, babango ing palawer, o!" Inamoy-amoy pa niya ang daliri kaya inawat ko agad ang kamay niya para hindi na magkalat pa. Malagkit pa naman.

"'Nak, akin na 'tong flower mo, ha?" Marahan kong kinuha ang napirat nang sampaguita sa kanya at isiniksik sa net ng kaharap naming upuan. "Akin na kamay."

Inilahad ko ang kaliwang palad at pinalo niya 'yon saka ko hinuli ang kamay niya. Hinawakan ko 'yon nang magaan at nag-spray ng sanitizer sa palad niya.

"Si Mimi, maglalagay ng hand sanitizer sa hands para clean ang hands."

Tumango naman siya habang pinapalakpak ang kamay na kunwaring naghuhugas.

"Si Mimi, lalagay ing hamitiser!" Saglit siyang tumili na sinundan ng malakas na hagikgik.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga katabi naming pasahero. Paglingon ko sa kanang gilid, nakatingin sa 'min yung lalaking doble siguro ng edad ko ang tanda sa akin. Nakasuot siya ng asul na damit na bulaklakin at cargo shorts. Malaki rin ang tiyan at nakasombrero.

"Ang sarap naman ng tawa niyan sa umaga," natatawang sabi nito. "Anak mo?"

Tumipid ang ngiti ko sa tanong n'on. Gusto ko sanang sumagot ng "hindi ho, anak ng best friend ko" kaso sa isip pa lang, binawi ko na.

"Oho." Dinampian ko ng magaang halik sa noo si Chamee saka tiningnang mabuti. "Anak ko ho."



♥♥♥



Continue Reading

You'll Also Like

13.1K 544 28
Season Series #4 Olivia Shane Salves, an accounting student is a fun to be with girl and a palaban filipina. His brother is living and studying abroa...
152K 3.1K 43
I love them both. • 2016
8.2K 347 63
|| second installment of "habit series" || Solari Dominguez has a habit of biting her fingernails, especially at the times that she's nervous or guil...
3.7M 73.6K 67
|| Published under PSICOM || Tamara didn't want her husband to know that the day he married her was also the same day she was diagnosed with cancer. ...