When the Moon Heals (Sequel #...

Par Maria_CarCat

3.5M 158K 96.6K

This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadon... Plus

When the Moon Heals
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter

Chapter 45

51.4K 2.6K 1.4K
Par Maria_CarCat

Back





Kita ko ang saya at excitement sa mukha ni Chelsea dahil sa sinabi ko sa kanya. Tipid akong ngumiti, masaya din naman ako at excited pero hindi pa din maalis sa akin ang kaba at takot na baka may mali nanaman akong magawang desisyon.

Hindi din kung bastang lugar lang ang Manila na gusto kong balikan. Nandoon lahat ng mapapait na ala-ala ko kasama si Hob. Pero kung hindi ko haharapin ang sarili kong takot...habang buhay kong dadalhin ang bigat at mahihirapan akong makabangon pa.

"Unang kita ko pa lang talaga ng mga designs mo," nakangiting sabi ni Chelsea sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.

Isa pang tanong ko ay kung saan niya nakita ang portfolio ko gayong wala naman akong ma-alala na binigay ko iyon sa kanya.

"P-pero hindi naman ako nagpasa ng portfolio sayo..."

Nag-taas siya ng kilay. Kumunot sandali ang kanyang noo bago siya napanguso at parang may naalala pa.

"Binigay ni Hob sa akin ang portfolio mo noong nasa Manila pa kayo. Proud na proud nga ang loko..." naka-ngising kwento ni Chelsea kaya naman natahimik ako.

Ramdam at kita ko naman noon kung gaano ako sinuportahan ni Hob sa paggawa ko ng mga damit at pananahi. Hindi naman siya kailanman nagsabi ng hindi maganda sa gusto kong gawin.

"Takot sigurong gawin kitang model kaya pinasa kaagad sa akin ang portfolio mo," dugtong pa niya kaya naman nanatili akong nakayuko.

Hinawakan ko ang ring finger kung saan nakalagay dati ang singsing na ibinigay niya sa akin. Itinago ko iyon kasama ang ilang gamit na galing sa kanya.

Pakiramdam ko ay iyon ang tamang gawin lalo na't wala na kaming dalawa. Panigurado nga akong itinapon na niya ang mga gamit kong naiwan sa kanila pra lang hindi na ako ma-alala.

Gustuhin ko mang itapon ang mga gamit na nagpapaalala sa akin sa kanya ay hindi ko magawa. Totoong minahal ko si Hob kaya naman hindi magiging madali iyon para sa akin. Kahit gaano ka kagalit sa isang tao kung totoo naman talagang minahal mo siya ay gugustuhin mo pa din siyang ma-alala dahil naging parte pa din naman siya ng buhay ko.

"Kaya nga hindi ko lubos ma-isip na maghihiwalay pa kayo. Sa tuwing ikinikwento ka nga non sa amin...parang baliw," kwento pa ni Chelsea sa akin.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Hindi ko din naman maitatangging kasalanan ko kung bakit kami naghiwalay ni Hob. Naglihim ako sa kanya at nakita niya kami ni Hunter sa iisang kama. Hindi ko man ginusto ang lahat ng iyon ay nangyari na. Nasaktan ko na si Hob kaya naman wala na siya sa akin ngayon.

"Aayusin ko kaagad ang transfer paper mo. Next week siguro ay makakakuha na tayo ng sagot mula sa main office," sabi ni Chelsea sa akin.

"S-salamat..." nahihiyang sabi ko sa kanya.

Ngumuso siya at nginisian ako. Hinawakan niya ang kamay kong nasa taas ng lamesa.

"Wala iyon, Alihilani. Magkaibigan tayo," paninigurado niya sa akin.

Mas gusto ko ding talagang dumaan sa tamang proseso ang paglipat ko sa main office nila. Ayoko naman na isipin ng iba na ginagamit ko ang pagiging magkaibigan namin ni Chelsea sa trabaho. Kung sakaling hindi nila nagustuhan ang portfolio ko ay hindi din naman ako mamimilit na magtrabaho sa main office nila sa Manila.

Bumalik ako sa may production area para ipagpatuloy ang trabaho ko. Hangga't wala pa akong pinipirmahang bagong kontrata sa bagong trabaho ay may responsibilidad pa din ako dito.

"Kaya naman pala mabilis nakapasok...at pinayagan kahit pa buntis," rinig kong usap-usapan ng grupo nina Michelle.

Imbes na nagfo-focus sila sa pananahi ay nagawa pa nilang magkumpulan at pag-usapan nanaman ako. Hindi ko din alam kung anong nagawa ko sa kanila at ang init ng dugo nila sa akin.

"May kapit naman pala sa may ari..." dugtong pa ng isa.

Ramdam ko ang mapanuyang tingin nila sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Para sa baby ko kaya ako nagta-trabaho. Para sa kanya kaya kailangan kong mag-ipon.

"Ilang beses ka ng nagpasa ng portfolio kay Ma'm Chelsea pero wala ni isang na-approve. Tapos itong bago ay walang kahirap hirap," rinig kong sabi pa nila.

"Kapit talaga ang labanan dito," inis na sabi ni Michelle.

Napabuntong hininga ako at marahang napailing. Ipinagpatuloy ko na lang ang pananahi ko, hindi ko kailangang makipag-away sa kanila o ilaban ang alam kong tama dahil sigurado naman akong hindi nila iyon tatanggapin.

"Anong iniiling-iling mo diyan?" inis na tanong niya sa akin.

Nag-angat ako ng tingin at nakitang dahan dahan siyang naglakad palapit sa akin.

"Wala. Ayoko ng away," sagot ko sa kanya.

Napaiktad ako sa gulat ng hampasin niya ang makina sa aking harapan.

"Ang yabang mo! Akala mo kung sino ka na...bago ka lang dito," asik niya sa akin.

Ramdam ko yung galit at inis niya sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Sa pagkaka-alala ko ay wala naman akong ibang ginawa sa inyo para magalit kayo sa akin ng ganyan," sabi ko sa kanila.

Tumawa ang mga kaibigan ni Michelle na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.

"Unang kita ko pa lang talaga sayo kumukulo na ang dugo ko," gigil na sabi niya sa akin.

Nag-taas ako ng kilay sa kanya. Kung kanina ay ayokong labanan ang inis niya sa akin, ngayon naman ay handa na akong makipagsagutan sa kanya. Hindi ko na din ma-control ang emosyon ko nitong mga nakaraang araw. Ang bilis niyang magbago.

"Hindi ko naman kasalanan kung puno ng inggit yang katawan mo," sabi ko sa kanya.

Nanlaki ang mata niya na para bang nagulat siya dahil natumbok ko kung ano talaga ang problema sa kanya. Iyon din kasi ang napansin ko sa trato niya sa ibang ka-trabaho lalo na sa mga bagong kagaya ko.

"Ang kapal ng mukha mo," gigil na sabi niya sa akin.

Nagpapadyak siya sa harapan ko na para bang gigil na gigil siyang saktan o sampalin ako pero hindi naman talaga niya kaya.

"Kung ako sa inyo, babalik na lang ako sa trabaho. Wag niyong sayangin ang oras niyo sa akin..." swestyon ko sa kanila.

"Hindi pa tayo tapos, Alice," banta niya sa akin na hindi ko na lang pinansin.

Sa lahat nang ginawang pagbabanta ni Tita Atheena sa akin at sa buhay ng pamilya ko ay sa tingin ba niya matatakot pa ako sa banta niyang ganyan? Sa dami ng pinagdaan ko sa buhay ay parang wala na ata akong kinatatakutan ngayon...hanggang sa dumating ang baby ko. Bigla akong natakot para sa kaligtasan niya.

Pagkatapos ng trabaho sa factory ay lumabas na kaagad ako. Nagulat lang ako na imbes na si Manong na tricycle driver ang naghihintay sa akin ay si Hunter ang nandoon.

Agaw pansin ang magara niyang sasakyan sa labas ng factory. Kaya naman ng sabihin niya sa aking sumakay na ay sumakay na kaagad ako para naman hindi na kami magtagal pa sa harapan. Siguradong bukas ay ako nanaman ang gagawin nilang pang himagas sa tanghalian.

"Ano nanaman bang kailangan mo sa akin?" inis na tanong ko sa kanya.

Alam ko naman na kahit sabihin ko sa kanyang lumayo sa akin ay hindi niya gagawin. Alam kong nasa paligid pa din ang mga bantay niya. Pero ang ayoko lang ay yung ganitong ipinapakita niya sa akin ang pagmumukha niya dahil naiinis ako.

"Masama bang kamustahin ang pamangkin ko?" tanong niya sa akin kaya naman napa-irap ako sa kawalan.

"Bored na bored ka nanaman ba sa buhay mo at ginugulo mo nanaman ako?" asik ko sa kanya.

Mula sa tingin niya sa kalsada ay lumipat ang tingin ni Hunter sa akin. Hindi ako nakagalaw ng makita kong mula sa aking mukha ay bumaba ang tingin niya sa aking katawan at sa bandang tiyan.

"Kamusta ang naging check up mo? Kamusta daw ang pamangkin ko?" patuloy na tanong ni Hunter kahit ipinapakita ko sa kanyang inis ako sa kanya.

Sa huli ay sumuko na lang ako at sinagot ang mga tanong niya sa akin. Nagdesisyon na akong itago ito sa Kuya niya at pamilya nila. Ito na lang ang magagawa ko para sa kanila.

"Maayos naman siya. Binigyan ako ng mga vitamins ni Doc para sa akin at sa baby ko," sagot ko.

Marahang tumango si Hunter. "Kumain na muna tayo bago kita ihatid pauwi," sabi niya sa akin na ikinalaki ng mata ko.

Gustuhin ko man sanang tumanggi ay hindi ko na nagawa pa dahil malaya na niya akong nadala sa kung saan niya gusto. Huminto kami sa isang restaurant.

Pinagbuksan ko ang sarili ko ng pintuan kaya naman tumikhim si Hunter ng subukan niyang habulin iyon pero huli na dahil nakalabas na ako.

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Nag-taas pa ako ng kilay sa kanya pero umirap lang din siya sa akin.

"Kaya kong pag buksan ng pinto ang sarili ko," laban ko sa kanya.

Muli siyang tumikhim sa akin kaya naman umirap na lang din ako sa kawalan. Pumasok kami sa loob at iginaya kami ng waiter sa pang-apatan na upuan. Binigyan niya kaagad kami ng menu kaya naman pumili na din ako dahil iyon naman ang kaagad na ginawa din ni Hunter.

"Orderin mo lahat ng gusto mo," sabi niya sa akin.

Bayolente akong napalunok habang nakatingin sa litrato sa may menu. Mukhang masasarap ang lahat ng nandoon ang kaso ay medyo mahal nga lang talaga.

"I-ikaw na ang bahala..." sabi ko sa kanya.

Nag-taas siya ng kilay sa akin bago niya muling ibinalik ang atensyon sa pagpili. Hinayaan ko siya hanggang sa kausapin niya ang waiter para sa order namin.

Marahan akong uminom ng tubig matapos kong tikman ang binigay na appetizer daw. Ramdam ko ang tingin ni Hunter pero hindi ko na lang pinansin.

"Kailan ang balik mo sa clinic?"

"Uhm...hindi ko pa sigurado pero babalik talaga ako para magpa-check up ulit," sagot ko sa kanya.

Kailangan kong itanong kung safe ba para sa baby ko ang pagbyahe kung sakaling matuloy ang pagluwas ko ng Manila.

Sandaling natahimik si Hunter. "May gusto ka bang sabihin sa akin?" seryosong tanong niya na ikinagulat ko.

"W-wala naman. Ano namang sasabihin ko sayo?" tanong ko sa kanya. Tunog medyo inis pa kahit ang totoo ay kinakabahan ako kahit hindi naman dapat.

Umigting ang panga niya bago siya umayos ng upo para maharap ako ng mabuti.

"Balita ko ay luluwas ka ng Manila para maging isang fashion designer," sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

"P-paano..." naguguluhang sambit ko.

Nagkibit balikat si Hunter na para bang hindi din niya alam kung anong isasagot sa akin.

"Ano naman ngayon sayo?" masungit na tanong ko na lang sa kanya. Ayokong makita o mapansin niyang takot ako sa kanya.

"Dapat ay sinasabi mo sa akin ang mga plano mo para alam ko kung paano kayo po-protektahan," seryosong sabi niya.

Doon ko lang na-realize na tama si Hunter. Humingi din ako ng tulong sa kanya para sa proteksyon ng mga magulang ko pagkatapos ngayon ay naglilihim ako sa kanya.

"Pasencya ka na..." paumanhin ko.

Marahan siyang sumimsim sa iniinom. "Walang kaso sa akin, Alihilani. Kahit saan kayo magpunta ng pamangkin ko ay hindi ko naman kayo pababayaan," seryosong sabi niya.

Dahil sa mga salitang binitiwan ni Hunter ay mas lalo kong naramdaman na safe kami maging ang mga magulang ko.

Sinabi ko na din sa kanya ang tungkol sa pagtawag ni Atheena sa akin at ang sinabi nitong hindi niya kami mahanap dahil daw sa nagpo-protekta sa amin.

"May isa pang grupong nandito bukod sa amin..." sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

Umayos ng upo si Hunter at preskong sumandal. "May iba pang nagbabantay sayo at sa pamilya mo bukod sa amin. Pero hindi kagaya ng mga tauhan ko...nasa malayo lang sila," sabi pa niya.

Sinabi ni Hunter sa akin ang lahat tungkol sa sinasabi niyang isa pang-grupo. Iyon naman daw talaga ang dapat, ang wala kaming isikreto sa isa't isa para walang mapahamak.

"Si Frank Del Prado ang dating may-ari ng security agency na iyon. Pero mukhang may connection pa din naman siya sa bagong may-ari ng companya," kwento niya sa akin.

"Frank Del Prado?" naka-kunot noong tanong ko.

Pamilyar sa akin ang pangalan niya na para bang narinig ko na noon pero hindi ko lang ma-alala kung saan.

Matapos ang sandaling pag-iisip ay napangisi na lang bigla si Hunter.

"Mukhang kilala ko na kung sino," sabi niya.

"Sino?" tanong ko kaagad. Mukhang nahihilig na din ako sa chismis nitong mga nakaraang araw.

"Malalaman mo din. Kukumpirmahin ko muna," sabi niya sa akin kaya naman hindi an ako nagpumilit pa at hinayaan na lang.

Matapos iyon ay inihatid na din niya ako pauwi sa amin. Ngayon naman ay naramdaman ko ang kaba. Kailangan ko na ding sabihin kina Nanay at Tatay ang plano ko.

"Mas magiging delikado iyon para sayo at sa apo namin, Alihilani."

Kita ko ang pagdisgusto ni Nanay sa desisyon ko. Tahimik lang si Tatay na nakikinig sa amin.

"Iniisip ko po kasi na kung habang buhay tayong matatakot at magtatago kay Atheena...hinding hindi niya tayo titigilan," pag-uumpisa ko.

Natahimik si Nanay lalo na ng magumpisa nanaman akong maging emosyonal.

"Pagod na po akong matakot sa kanya. Pagod na po akong maging sunod sunuran lang sa mga gusto niya dahil kinaya-kaya niya lang tayo," sabi ko sa kanila.

"Gusto ko na pong lumaban, Nay. Hindi lang po para sa inyo kundi para na din sa Baby ko. Ayoko pong lumaki siyang may kinakatakutan ako...ayoko pong may gawin sila sa baby ko dahil alam nilang mahina tayo..." sabi ko pa sa kanila.

Napasinghap si Nanay na nag-umpisa na ding maging emosyonal. Tahimik lang na nakayuko si Tatay.

"Pagod na po akong maging mahina. Ayoko na pong matakot..." sumbong ko pa kay Nanay.

Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Kaagad niya akong nilapitan at niyakap.

"Alihilani..." tawag niya habang mahigpit ang yakap niya sa akin.

Lumapit si Tatay sa amin at niyakap din kaming pareho.

"Lalabanan natin si Atheena. Tama ang anak natin, Cleo. Hindi pwedeng habang buhay tayong takot...lalaban na tayo ngayon," paninigurado ni Tatay sa amin.

Hindi pa ako binibigyan ng sagot ni Nanay tungkol sa tinaggap kong trabaho sa Manila. Naiintindihan ko naman iyon dahil hindi naman talaga magiging madali. Bukod sa kaligtasan ko ay iniisip din nila ang baby ko.

Hindi kaagad ako dinalaw ng antok ng gabing iyon kaya naman naisipan kong lumabas muna. Yakap ko ang aking sarili habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan. Mas lalong tumingkad ang kinang ng mga bintuan at ang liwanag ng bilog na buwan.

Mas lalo kong naramdaman na malapit siya sa akin dahil na din pakiramdam ko ay kumpleto na ako ngayong kasama ko na sina Nanay at Tatay.

Muli kong pinagmasdan ang buwan na may ngiti sa aking labi hanggang sa unti unting bumigat ang dibdib ko ng maramdaman kong may kulang pa din.

Mahigpit kong niyakap ang sarili ko habang nakatingala dito. Pakiramdam ko ay kinakausap niya ako. Pakiramdam ko ay may sinasabi siya sa akin...may gusto siyang sabihin sa akin.

"Hob..." tawag ko sa kanya.

Marahan kong hinawakan ang sinapupunan ko habang nakatingin pa din dito. Ang alam ko lang ay kung nasaan man si Hob ngayon, kung sino man ang kasama niya...kahit gaano kalayo sa akin ay iisang buwan pa din ang nakikita namin.

"Masama sa buntis ang magpuyat."

Mabilis kong pinahiran ang luha sa aking mga mata ng marinig ko ang pagdating ni Tatay.

"Tay..."

Tipid niya akong nginitian, marahan niyang hinaplos ang likuran ko. Nakita niyang umiiyak ako at gusto niyang ipaalam sa akin na ayos lang at naiintindihan niya kung bakit ako emosyonal.

"Ang ganda niya..." puna ni Tatay tukoy sa buwan.

Marahan akong ngumiti at tumango.

Hinawakan ni Tatay ang kamay ko. "Susuportahan kita kahit anong maging desisyon mo. Wag mo ding isipin ang kaligtasan ng Nanay mo at hinding hindi ko siya pababayaan. Hindi na ulit...hindi na ulit ako tatakbo at lalayo sa inyong dalawa," paninigurado niya sa akin.

"Handa akong ibigay kahit ano...kahit ang buhay ko para lang protektahan kayo," giit niya kaya naman kaagad akong yumakap ng mahigpit kay Tatay na mabilis niyang ginantihan.

Mas lalo kong napatunayan na baka tama nga ang desisyon kong tanggapin ang alok na trabaho ni Chelsea ng pumayag na din si Nanay sa desisyon.

"Susunod kami doon. Aayusin lang namin ang mga kailangang ayusin dito...hahanap kami ng matitirhan malapit sayo," sabi pa ni Tatay sa akin kaya naman parehong gumaan ang loob namin ni Nanay.

Mahigpit ko silang niyakap na dalawa. Hindi lang ito para sa akin, para din ito sa kanilang dalawa at sa Baby ko. Para itong lahat sa kanila.

Nakakuha na din ang ng go signal kay Doc tungkol sa pagbyahe ko at biglaang paglipat sa Manila. Pinaalalahan niya lang ako na wag masyadong magpa-stressed para na din hindi ma-apektuhan si Baby.

"Ready ka na?" tanong ni Chelsea sa akin ng sunduin niya ako sa amin.

Siya na din ang nagpaalam para sa akin sa factory. Mas mabuti na din iyon dahil ayokong magkita pa kami ng grupo nina Michelle.

Hindi ko gustong iwanan sina Nanay at Tatay lalo na't ngayon lang ulit kami nagkasama-sama na tatlo. Pero kailangan ko itong gawin para masigurado kong hindi na talaga kami maghihiwalay pa.

Wala na yung dating excitement ko sa tuwing malalaman kong papasok na kami ng Manila. Mas nalungkot pa nga ako ng makita kong palabas na kami ng Bulacan. Pupunta ako doon para magtrabaho at mag bagong buhay. Pero hindi pa din nawawala sa akin ang simpleng buhay lang sana na gusto ko kasama ang pamilya ko at mga kaibigan.

"Minsan lang ako dito. Sa condo ni Thomas kasi ako palagi. Pero dahil nandito ka na...palagi na din akong nandito," naka-ngiting sabi ni Chelsea sa akin ng dumating kami sa condo niya.

Malaki din iyon at kumpleto ang lahat ng gamit. May dalawang kwarto at ipapagamit niya sa akin ang isa.

"Magbabayad ako ng renta pag may sahod na ako," sabi ko sa kanya. Parang hindi ko naman ata kaya na titira lang ako dito at libre ang lahat sa akin.

"Wag mo ng alalahanin iyon. Masaya nga ako at may makakasama na ako dito," sabi pa niya sa akin.

Hindi na lang ako umimik pero buo ang loob ko na sa oras na magka-pera ay magbibigay talaga ako ng share ko sa kanya.

Sobrang lambot din ng kama sa kwarto ko, mas sarili na ding banyo kaya naman hindi ko na kailangan pang lumabas sa madaling araw para magbanyo. Pansin ko din kasi na nakakailang balik ako sa pag-ihi lalo na sa gabi.

Nakatulog ako ng maayos sa unang gabi ko doon kahit naninibago pa ako dahil na din sa pagod. Maaga akong nagising kinaumagahan kaya naman naisipan kong magluto ng almusal para sa amin ni Chelsea, mukhang tulog pa siya din siya.

Kausap ko si Nanay sa phone habang ginagawa ko iyon. Sinabi ko sa kanyang walang siyang kailangang ipag-alala dahil maayos naman ako dito.

"Magandang umaga..." mabati ko kay Chelsea ng makita ko siyang papasok sa may kitchen.

Antok na antok pa ito at panay ang pagkusot ng mata niya. Marahan niya lang na sinuklay ang buhok gamit ang kanyang daliri.

"Ang aga mong nagising," puna niya sa akin kaya naman matamis akong ngumiti.

"Sanay na akong maagang gumising."

Mas lalong humubog ang ganda ng katawan ni Chelsea sa suot na night dress. Magana siyang kumain ng mga iniluto ko.

"Magaling ka pala talagang magluto!" puna niya sa akin.

"Salamat," sabi ko.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng maalala ko ang ginawa kong lunchbox para sa kanya. Maliit na bagay lang ito kesa sa tulong na ibinigay niya sa akin.

"Hindi mo ako kailangang pagsilbihan, Alihilani. Bisita kita dito at magiging ka-trabaho dito," sabi niya sa akin.

"Maliit na bagay lang iyan sa tulong na ibinigay mo sa akin," sabi ko pa sa kanya.

Nasabi din ni Chelsea sa akin na hindi pa alam ni Thomas na dito na ako titira sa kanya. Sigurado daw kasi pag nalaman niya iyon ay baka makarating kaagad kay Hob kaya naman humahanap pa siya ng pagkakataon na maka-usap muna ito.

"Maraming salamat talaga..."

Ngayong araw sana kami pupunta sa companya nila para maka-usap si Angelina tungkol sa portfolio ko.

"Magpahinga ka na lang ngayong buong araw. Bukas na tayo pumasok sa trabaho at tinatamad pa ako..." nakangising sabi niya sa akin.

Naipasa na din daw niya sa email ang portfolio ko kahit nakita na nila iyon ni Angelina noon.

Umalis si Chelsea para umattend ng meeting para daw sa pinsan niyang si Cara. Natuwa naman ako ng makita kong dala niya ang lunchbox na ginawa ko para sa kanya.

Inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng gamit ko sa cabinet sa loob ng aking kwarto. Puno ang refrigirator ni Chelsea sa condo kaya naman nakapagluto ako ng pwede kong kainin. Sinabi naman niyang pwede kong galawin iyon at pwedeng magluto.

Padilim pa lang sa labas ng magulat ako ng humahangos siyang pumasok at hinanap kaagad ako.

"Parating si Thomas...parating sila," pamomorblema niya.

"Huh?" naguguluhang tanong ko.

"Ang gagang Angelina, nagpa-party dito sa condo ko," sabi niya sa akin.

"Uhm...may kailangan ka ba? May maitutulong ba ako?" tanong ko sa kanya.

Napanguso siya habang nakatingin sa phone niya. "Kailangan ko ng mga pagkain," problemadong sagot niya sa akin.

"Magluluto ako para sa inyo," sabi ko kay Chelsea.

Hindi na siya tumanggi pa sa alok ko at tinulungan pa ako. Kaming dalawa ang nagtulong sa paghahanda hanggang sa matapos kami at nagpaalam na ako na magkukulong na sa kwarto.

"Maraming salamat talaga! Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka," sabi niya sa akin at yumakap pa.

Pinagdala na din niya ako ng pagkain sakaling magutom ako. Nag-lock kaagad ako ng kwarto at inabala ang sarili ko sa pagbuburda ng mga ginawang lampin ni Nanay.

Hindi nagtanggal ay naramdaman ko na ang unti unting pagdami ng bisita sa labas. Nagsimula na din ang ingay ng mga party music. Tumayo ako mula sa kamay at lumapit sa may pintuan para idikit ang aking tenga at pakinggan sila.

"Ikaw ang nagluto ng lahat ng ito?" tanong ng mga kaibigan kay Chelsea. Napagusapan naming sa oras na itanong iyon sa kanya ay sabihin niyang siya.

Wala pang nakaka-alam na may iba siyang kasama dito sa condo niya kahit pa ang boyfriend na si Thomas. Nagulat na lang ako ng may sumubok magbukas ng door knob ng aking kwarto.

"Chelsea bakit naka-lock tong spare room mo?" tanong ng isa sa mga bisita niya.

Naramdaman ko ang pagtakbo ni Chelsea para pigilan ang sumusubok na magbukas.

"May restroom sa may kitchen," sabi niya sa kakilala.

Hindi nagtagal ay narinig ko na din ang pamilyar na boses ni Thomas.

"Anong tinatago mo diyan?" tanong niya sa girlfriend.

"Wala...pwede ba," inis na sabi ni Chelsea dito pero ramdam ko din ang kaba niya.

"Baby..." marahang tawag ni Thomas dito.

"Tangina, Thomas wag mo akong nilalandi ha...hindi ako bibigay!" asik niya sa boyfriend kaya naman narinig ko na lang ang tawa ni Thomas.

"May parating pa akong mga kaibigan," huling rinig kong sabi niya bago unti unting lumayo ang boses nilang dalawa at tuluyang naghari ang party music mula sa labas.

Muli akong bumalik sa kama at ipinagpatuloy ang ginagawa kong pagbuburda. Kailangan ko ding ihanda ang sarili ko dahil hindi din naman ako maitatago ni Chelsea sa tao ng matagal lalo na sa boyfriend niya. Ayoko din naman na maglihim siya dito para lang sa akin.

Tumunog ang phone ko dahil sa isang mensahe. Kumunot ang noo ko ng makita kong galing kay Hunter iyon. Hindi pa naka-save ang number niya pero pamilyar na sa akin kaya naman alam ko kaagad na sa kanya galing iyon.

Para akong binuhusan ng tubig ng mabasa ko ang mensahe.

Nandito na sa Manila si Kuya Hobbes. 

-Hunter





(Maria_CarCat)

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

989K 34K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
86.3K 1.3K 23
๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—›๐—˜๐—— ๐—จ๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ ๐—ฃ๐—œ๐—ฃ PURSUING MY DREAMS (SINGLE LADIES SERIES #5) Shelley Elana Olivares has so many dreams in life. She study hard t...
92.2K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
406K 6K 24
Dice and Madisson