Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.4M 60.1K 16.8K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78
Lascivious Casanova 79
Lascivious Casanova 80
Lascivious Casanova 81
Lascivious Casanova 82
Lascivious Casanova 83
A NOTE FROM MISS IYA

Lascivious Casanova 40

31.7K 709 278
By IyaLee04

(LC) Chapter 40






"Oo gwapo siya!"

Naramdaman ko sa aking magkabilang gilid ang paninigas ng dati na niyang matitigas na braso. Nagawa ko siyang matitigan sa kanyang mga mata kahit pa nagsisimula na naman bumalot ang dilim doon. Pinigilan niyang hindi magalit pero kahit anong tago niya lumabas pa rin. Nahuli ko ang pagkiskisan ng ngipin niya bago niya ikiniling ang kanyang ulo pagilid.

"Ikaw ba hindi ka nagagandahan sa ibang babae? Alam natin kung ano ang maganda sa hindi pero hindi ibig sabihin na nagwapuhan ako gusto ko na! Kapag nagwapuhan ako sa lahat ng lalaki na nakasalubong ko ibig sabihin ba niyon gusto ko na silang lahat?!"

Nanatiling tikom ang bibig niya. Mas pinipili niya na lang yata na panatilihing sarado ang bibig kaysa makipagtalo kung kaya't tahimik. Huminga siya ng malalim saka ibinaba ang mga kamay. Dumistansya siya na para bang hindi niya kayang nasa malapit sa akin gayong kaaamin ko lang na nagagwapuhan ako sa ibang lalaki. Nakatayo lang siya't tahimik na nagpamulsa sa harapan ko. Salubong na ang kilay. Nasa gilid pa rin ang tingin. Mariing nakasara ang bibig niya at 'di na nag-abalang sumagot.

"A stranger would look my way and you would suddenly accuse me of flirting?! Tama ba iyon?! Sinabi mo na noon na seloso ka pero hindi ibig sabihin no'n na itotolerate ko na ang ganyang asta mo! Paano iyon? Sa tuwing may lalapit sa akin magseselos ka? Baka makasira ka pa sa konsentrasyon ko sa pag aaral!"

Sinundan ko ng tingin ang pag alon ng lalamunan niya sa ginawang magkakasunod na paglunok. May nasagi yata ako sa kanya at tila alam niyang iyon ang pinaka hindi ko gustong mangyari. Ang maapektuhan ang pag aaral ko dahil sa relasyon namin o dahil sa pagiging seloso niya. Tinapunan niya ako ng sulyap. Pumirmi ang titig niya sa akin. Seryoso ang mga mata niya. Umawang ang labi niyang mariin na nakasara kanina. May sasabihin yata pero sa huli isinara niya ulit iyon at umiwas na lamang ng tingin. May balak sigurong ipagtanggol ang sarili ngunit nagbago ang isip.

Hindi naalis ang pagsalubong ng kilay niya subalit walang binibitawan na salita. Para bang nagagalit siya sa sinasabi ko ngunit dahil gusto niyang maging okay na kami pagbalik sa cottage, hinahayaan niya na lang at hindi na pinapalaki. Imbis na matuwa sa pananahimik niya lalo akong nakaramdam ng irita. Pumayag siyang mag usap kami pero ngayong kinakausap ko siya ayaw niyang magsalita!

"Oh? Bakit ikaw naman ang tumahimik?! Mahilig ka rin naman sa magaganda, hindi ba?! Lahat ng naging babae mo at lahat ng naging ex mo magaganda!"

Marahan niyang iginalaw ang ulo niya para sa isang iling. Nakuha ko ang atensyon niya. Hinarap niya ako. Nagkatinginan kami. Nakatiim-bagang siya ngunit nang magsalita'y may pagtitimpi sa paos na boses.

"I already told you I don't have ex-"

"Walang ex girlfriend pero maraming ex fuck buddies! Ex friends with benefits! Gusto mo ba isa isahin ko pa sila?!"

Napapikit siya ng mariin. Pagdilat niya, nagtagpo ang mga mata namin. Problemado siyang humugot ng malalim na hininga. Nasa itsura niyang ayaw niya ng pinag-uusapan namin at gusto nang lumabas kami rito. Hindi nga lang niya ako mahila palabas dahil alam niyang mas ikakagalit ko iyon.

"Kapag may nakasalubong kang magandang babae hindi ka ba magagandahan?!"

Sa tanong na iyon, bigla akong naging kuryoso sa isasagot niya. Mas naging gutom tuloy ako na sumagot siya para malaman ko kung nagagandahan ba siya sa iba kahit ako na ang girlfriend niya. Kitang kita ko ang pag ahon ng pagkadismaya sa madidilim na mata niya. Umiling siya ng sunod sunod.

"Anong klaseng tanong iyan? Kung ito ang pag uusapan natin mamaya na lang tayo mag usap-"

Tinulak ko siya sa dibdib dahil balak niyang abutin ang door knob sa gilid ko. Napaatras siya. Nagulat siya sa ginawa ko. Nailabas niya sa bulsa ang mga kamay niya dahil sa pagkabigla. Nakaramdam ako ng inis dahil ayaw niya akong sagutin. Bakit? Dahil ayaw niyang aminin na nagagandahan siya sa ibang babae kahit may girlfriend na siya?! How about Miss Abadiano? How about Maya? Magagandahan pa rin ba siya sa mga iyon kapag nakasalubong niya sa isa sa mga corridor?!

"Kanina tuloy tuloy ang pagsasalita mo! Bakit hindi ka makasagot ngayon?!"

"Because you are my girlfriend and you want us to talk about other girls! Alam mong hindi maganda ang nakaraan ko sa mga babae kaya bakit kailangan mo pa itong i-open?"

"Ganoon ka rin naman kanina! Gusto mong pag usapan natin si Jayden! Gusto mong pag usapan natin ang ibang lalaki!"

"Because I was jealous! Wala naman kinalaman ang ibang babae rito!"

"Ngayon meron na!"

Galit akong humakbang palapit. Tinulak ko siya ulit. Salitan siyang napatingin sa aking mukha at sa kamay kong tumutulak sa dibdib niya. Umigting ang panga niya sa muli kong pagtulak hanggang sa mapasandal siya sa pinto ng isa sa mga shower cubicle.

"Walang lalabas dito hangga't hindi ka sumasagot!" Sigaw ko at mas malakas siyang itinulak ngayon. Hindi siya lumalaban kaya kahit malaki siyang tao, nakakaya ko siya.

Walang tao sa loob ng shower cubicle na nasa likod niya at papasok sa loob ang pagbukas niyon kaya nang mapasandal siya'y bumukas ang pinto. Napahakbang siya paatras. Napasok siya sa loob at muntik nang matumba nang mawalan ng balanse sa huling malakas kong tulak. Gumawa rin ng ingay ang pinto ng cubicle dahil humampas ito sa dingding na tiles nang kapitan niya. Tiningnan niya ako. Gulantang at medyo galit na ulit ang mga mata niya pero hindi tulad ng kanina. Kanina, galit iyon dahil sa selos. Ngayon, dahil muntik na siyang matumba.

Nagtaas baba ang balikat niya sanhi ng mabilis na paghinga. Nasa loob na siya habang nasa labas pa ako ng cubicle. Napatingin siya sa mga braso ko nang masungit akong humalukipkip. Nasa mukha niyang hindi siya makapaniwala na sa dakong huli'y ako pa itong galit ngayon at pinagtututulak siya.

"Bakit sa akin nagagawa mo ito? Kaninang tinutukso kayo hindi ka makapagsalita? Bakit ang bait bait mo sa iba samantalang ang dali dali sayong tarayan ako?"

"Huwag ka nga mag inarte riyan! Sagutin mo na lang ang tanong ko!"

Kumuyom ang kamao niya. Tumayo siya ng maayos at binato ako ng masamang tingin. Dalawang beses siyang malaking humakbang palabas sa cubicle at tumigil sa harapan ko. Napaatras ako pero hindi ko inalis ang paghalukipkip ng braso ko upang magtapang tapangan sa harapan niya. Nasa gitna na kami ng banyo at malapit na ulit sa pinto na sinasandalan ko kanina. Nakaramdam ako ng kaba nang lumapit siya. Hindi ko nga lang iyon pinahalata. Nakatingala ako habang niyuyuko niya ako.

"Oo! Mas marami nga ang mas maganda sayo!" Tiim bagang na bumaba ang mata niya sa aking katawan. Mula sa katawan ko'y umangat ang tingin niya. Ang ngungulay berde niyang mga mata ay madilim na tinapatan ang masusungit na mata ko. "I've seen many women who are sexier than you! I've seen many women who have better curve than you! Mas malaki ang balakang! Mas malaki ang boobs! Mas mataas ang height! Mas mahaba ang mga hita! Mas makinis! Mas mayaman!"

Nabigla ako sa tuloy tuloy at may diin na sagot niya. Unti unting naghiwalay ang mga labi ko. Napanganga ako habang nakatingala sa kanya. Isang beses ulit ako na napaatras. Hindi ganito ang gusto kong marinig sa kanya! Para niya na akong ininsulto!

Tiningnan ko siya ng masama. Maganda naman ang katawan ko! Hindi rin ako panget! Mas matangkad siya sa akin pero tama lang naman ang height ko! Hindi ako kaputian pero makinis naman! Kahit hindi ako mayaman masaya naman ako sa pamumuhay namin! Pero sa dami ng mga babaeng nakilala niya alam kong ako ang pinaka simple sa lahat at nagsasabi siya ng totoo!

Dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya natanto ko na ganoon din siya. Parang... ngayon ko naintindihan ang pinanggalingan ng galit niya at maaaring nararamdaman niya simula pa kanina. Na may mga insecurities siya lalo kapag tungkol sa akin ang pinag uusapan. Kagaya na lang na nakaramdam ako ng insecure dahil sa binanggit niyang katangian ng ibang mga babae ngayon. Bago pa lang kami at hindi pa ganon katatag. Naisip niya siguro na madali pa kaming mapaghiwalay lalo kung nasa harapan ko ang mga katangian ng lalaking gusto ko.

Sinasabi niya pa lang ito napipikon na ako. Kami ni Jayden kanina nakita niya pa na tinutukso. Kung nagkabaligtad siguro hindi ko napigilan ang sarili ko at baka nasabi ko na boyfriend ko siya. Tumaas ang kilay niya nang mapansin na halos umusok ang ilong ko.

"Oh? Ayaw mong marinig na nagagandahan ako sa iba? Totoo iyon! Maraming magandang babae pero hindi ko sila tinitingnan! Ikaw tinitigan mo pa! Namumula ka pa sa harapan niya! Nagpapahawak ka pa! Kung ako iyon at may titigan at hawakan akong ibang babae, anong mararamdaman mo? Hindi ka magseselos? Hindi ka magagalit? Hindi ka masasaktan?" Mabilis siyang nag iwas ng tingin pagkabigkas sa huli niyang sinabi. Na para bang ayaw niya sanang aminin iyon pero nasabi na niya.

Masama pa ang tingin na iginawad ko sa kanya nang una. Noong matanto ko na sinabi niya lang iyon para maiparamdam sa akin ang naramdaman niya at hindi para insultuhin ako'y nakagat ko na lang ang loob ng pisngi ko. Naubusan na ako ng katwiran. Bigla na lang ay naintindihan ko na siya. Lumuwag ang paghalukipkip ng mga braso ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa nagawa ko.

Kanina, tumabi sa kanya 'yong mga babae na kasama nila Jayden. Mga naka-two piece iyon at halos maghubad na. Napansin ko rin ang madalas nilang pagtabi kay Jax. Nagpapapansin sila pero hindi sila nilingon ni Jax kahit noong kumain kami at tumabi ang mga ito sa kanya.

Nagseselos siya sa amin ni Jayden kanina. Kung tutuusin pwede siyang gumanti sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga babae na iyon. Pero katulad ng sinabi ko, inisip niya ang mararamdaman ko. Tuluyan na akong tinakasan ng tapang. Naibaba ko ang mga kamay ko sa aking magkabilang gilid. Lumambot ang anyo ko. Ganoon pala kapag may karelasyon na at committed na, patago man o hindi dapat marunong umiwas at ikonsidera ang mararamdaman ng kapareha. Naisip niya iyon. Samantalang ako, hindi.

Hindi ko na siya kailangan itulak, kusa na siyang umatras palayo sa akin. Matamlay siyang humakbang patalikod upang makasandal sa kaninang sinasandalan niyang hamba ng cubicle. Nanatili ako sa gitna at hindi nakagalaw. Magkaharap kami. Nag angat siya ng mukha at tinitigan ako sa mata. Nagpamulsa siya. Yumuko siya at bumuntong hininga. Nang muli siyang magsalita, mahina na ang boses niya. Kung lumayo pa ako ng kaonti hindi ko na iyon maririnig pa.

"Ayokong isipin mo na girlfriend pa lang kita sinasakal na kita. Hindi gano'n..." Tumigil siya at pinunta ang mata sa akin. "Hindi kita pagbabawalan na tumingin sa ibang lalaki kung pwede mo na akong ipakilala. Kahit sinong lalaki ayos lang na tingnan mo kasi hindi naman sila makakaporma kung alam nila na boyfriend mo ako. Hindi ko iyon pwedeng gawin ngayon dahil ayaw mong ipaalam kaya ikaw na lang sana ang dumistansya at nilimitahan mo ang sarili mo sa paglapit sa kanila... kasi ganoon ang ginagawa ko..."

Ako naman ang nagbaba ng tingin. Hindi ko siya matingnan direkta sa mga mata dahil alam kong tama siya. Ako nga ang mali. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa pag-amin ko niyon sa aking sarili. Dapat inaalam namin ang mararamdaman ng isa't isa. Dapat nag-uusap kami dahil mas mahirap ang sitwasyon namin kumpara sa iba. Wala pang pundasyon ang relasyon namin maliban sa sex at aminan na naganap na gusto namin ang isa't isa. Kung kulang kami sa komunikasyon madali kaming masisira.

"Hindi ako gumagawa ng ikakaselos mo. Ang gusto ko lang naman gano'n ka rin. Kapag nagselos ako hindi ko napipigilan iyon dahil iyon ang nararamdaman ko. Selos na selos na ako sa inyo at gusto kong manakit dahil ganon ako. Sanay akong lahat dinadaan sa init ng ulo at pakikipag away..."

Narinig ko siyang humugot ng malalim na hininga. Mas dumiin ang kagat ko sa aking labi nang dugtungan niya iyon.

"Pinigilan ko lang ngayon dahil kung makikipag-away ako magagalit ka. Nagawa ko ngayon pero sa susunod hindi ko alam kung mapipigilan ko pa. Gusto kong magbago. Ayoko nang maging bayolente para kapag pinakilala mo ako sa mga magulang mo maayos na ako at maaari na akong sumapat sa anak nila... sumapat sayo..."

Tumingin ako sa kanya. Sandali lang nagtama ang tingin namin dahil kaagad din akong nag iwas. Sa sandaling iyon halos pangapusan ako ng hininga sa biglaang pagtahip ng dibdib ko nang matanaw na titig na titig siya sa akin. Uminit ang magkabilang gilid ng mga mata ko. Kung magbibilangan ng yaman, hindi ko siya maaabot. Pero heto siya't ibinababa ang sarili niya, iniisip na may kulang sa kanya at hindi pa sapat. Pakiramdam ko tuloy hindi ako kung sinu sino lang at mataas ang tingin niya sa akin. Triple na ang diin ng kagat ko sa aking labi. Pinigilan kong maiyak. Ngayon, sigurado na akong hindi lang pang uuto at laro ito para sa kanya. Kasalanan ko talaga. Maganda naman ang intensyon niya pero wala akong ginawa kundi masamain ang bawat kilos niya.

"Hindi ba nangako ako na magbabago ako para maging deserving na boyfriend mo? Hindi ko kaya ng mabilisan pero uunti untiin ko. Para walang masabi ang iba. Para hindi mo ako ikahiya kapag nalaman nila. Pero paano ko gagawin iyon kung hindi ka marunong umiwas at palagi mo akong pagseselosin?"

Gumaan bigla ang pakiramdam ko sa paliwanag niya. Tanggap ko na ang mali ko. Siguro nga marami pa akong dapat na matutunan sa relasyon na ito. Napayuko ako. Nang bitawan ng ngipin ko ang labi ko'y halos magsugat na iyon.

"Pasensya na kung lumakas ang boses ko. Hindi kita gustong sigawan. Hindi rin kita minumura. Simula ngayon susubukan ko ring bawasan ang pagiging seloso ko at hindi na magiging mainitin ang ulo kung ito pa ang magiging dahilan para mag away tayo at magulo ko ang pag aaral mo."

Parang may pumipiga sa puso ko sa kaalaman na handa siyang magkompromiso sa mga bagay na makakabuti sa amin. Sa akin. Marahan akong tumango dahil iyon din ang balak ko. Hindi ko na siya bibigyan ng dahilan para magselos. Narinig ko ang magaan na buntong hininga niya at mukhang nasulyapan ang tahimik na pagtango ko.

"Sorry din tinulak kita... Hindi ko na uulitin... Hindi na kita tatarayan... Hindi na kita aawayin..." Mahinang bulong ko na hindi makatingin sa kanya. Nakaramdam ako ng kahihiyan sa inugali ko. Madalas ko siyang sigawan ng bobo, gunggong, at tanga pero mas may laman pa ang mga salita niya ngayon.

Ngumuso ako nang hindi siya kumibo. Gumalaw ang mata niya para sulyapan ako sakto rin iyon sa paggalaw ng mata ko at pagsulyap ko rin sa kanya. Nag iwas siya nang magtama ang tingin namin. Napanguso ako. Hindi ko siya nilubayan ng tingin.

"Galit ka pa?" Tanong ko.

Wala akong natanggap na sagot. Nakagat ko ulit ang ibabang labi ko. Kahit tahimik siya, napangiti ako ng maliit. Kasi alam ko na kahit wala siyang imik, ayos na kami. Sabi nga niya, hindi niya kayang magalit ng matagal sa akin. Matagal ko siyang tinitigan. Tahimik lang siya. Nakasilid sa bulsa ang mga kamay niya. Nakayuko siya. Hindi nagulo ang buhok niya dahil hindi naman siya naligo. Feeling ko tuloy kasalanan ko dahil hindi man lang siya nag-enjoy sa outing kahit para sa kanya ang outing na ito.

"Ako na nga ang masama ang loob ikaw pa ang galit..." aniya maya maya pagkatapos ng sandaling katahimikan.

Dinilaan niya ang kanyang labi at lalong nagbaba ng tingin nang maaninag niya ang mariin na paninitig ko sa kanya. Itinatago niya ang mukha niya sa akin.

"Naguguluhan tuloy ako ngayon kung gusto mo ba talaga ako... Napilitan ka lang siguro na sagutin ako dahil may nangyari sa atin..."

Mas lalo siyang yumuko matapos sabihin iyon. Hindi ko na makita ang ekspresyon ng mukha niya. Kahit ganon, parang nararamdaman ko ang nararamdaman niya mula sa kinatatayuan ko. I realized he's sensitive. When he's angry, he gone like a bomb. He's temperamental because he don't know how to control his emotions. Nagawa niyang maging kalmado ngayon at sa palagay ko'y kakayanin niya ring hindi daanin sa init ng ulo sa mga susunod pa.

Lumabi ako habang pinagmamasdan siya. Naalala ko na naman na ni minsan hindi siya kinumusta ng pamilya niya. Nandiyan ang lola niya pero sa tingin ko mas gusto niyang makuha ang atensyon ng mga magulang niya. Wala siyang naikwento ngunit sa mga araw na nakasama ko siya parang kilalang kilala ko na siya. Yes, he's a bomb. He'll explode when he's angry but he's fragile and delicate too.

Napapaisip tuloy ako kung masaya ba siya sa masamang bagay na nakagawian niya? O ginagawa niya lang iyon para malibang at hindi malungkot? Na gusto niya may pumansin sa kanya? Kaya ba minsan sa tuwing nagagalit ako sa kanya at pinapansin ang mga ginagawa niya'y natutuwa siya at mas pinag-iigihan pa ang pang iinis sa akin? He behave in a way that will attract his parents attention, pero atensyon ko ang nakuha niya. Kaya siguro sa tuwing nagtatama ang tingin namin noon, nakaabang na ang ngisi niya. Kasi alam niya napansin ko siya.

"Jax..." Tinawag ko siya ngunit di niya ako nilingon. Sa halip, mas lalo pa niyang itinago ang mukha niya. Kulang na lang takpan niya na ng mga palad niya ang kanyang mukha.

Napalabi ako at kalauna'y napangiti. I never think I'd be in a relationship like the one I'm in now. I'm more on man qualities and attitude. I want kind and smart guy. I want a man with high IQ. A decent. A practical man when it comes to money. Hindi ako tumitingin sa panlabas na anyo at ayoko sa lalaki na sobrang yaman. Gusto ko masipag at marunong maghanap buhay. Ayoko sa lalaking araw araw may band aid sa mukha. Ayoko sa lalaking mayabang ngumisi. Ayoko sa lalaking marami nang nagalaw na babae. Ang tingin ko sa kanya noon maruming lalaki. Nakakadiri. Nakakasuka. Na hinding hindi ko siya magugustuhan kahit sa panaginip lang.

Pero kanino ba ako nahulog? Sa taong pinaka-ayoko at kinaiinisan ko pa. Lahat ng ayoko nasa kanya at lahat din ng gusto ko wala. Kaya siguro nagka-clash kaming dalawa dahil iba siya sa dapat na magustuhan ko. Ni hindi ko alam kung kami ba talaga hanggang huli. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya ganito. Pero sa mga oras na ito mas importante sa akin 'yung kami ngayon kaysa 'yung kami sa hinaharap at nakaraan.

Hindi na ako nag isip. Kinain ko ang pagitan namin at yumakap sa bewang niya. Pagsilip ko sa itinatago niyang mukha, malamlam ang mga mata niya. Talaga nga yatang iniisip niyang hindi ko siya gusto. Huling huli ko ang gulat na rumehistro sa kanya bago tumigas at pinilit magmukhang galit. Bahagyang nakaparte ang mga paa niya kaya nakatayo ako sa pagitan ng mga hita niya.

Hanggang leeg niya lang ako. Tumingala ako para hulihin ang mata niya ngunit umiwas siya. Hindi niya ikiniling ang kanyang ulo. Mata niya lang ang umiwas para hindi kami magkatinginan. Nakaharap sa akin ang mukha niya pero nasa gilid ang kanyang mata. Malamig pa rin ang anyo. O siguro pinipilit niya lang na ipakita na galit siya para suyuin ko siya?

"Jax..." malumanay na tawag ko at tumingkayad.

Bahagya kong pinagdikit ang mga labi namin. Umabot sa pandinig ko ang marahas na paglunok niya pero hindi niya pa rin ako hinarap.

"Papayag ba akong may mangyari sa atin kung hindi kita gusto? Hindi ko gusto iyon. Wala akong gustong iba at wala akong magugustuhan bukod sayo..." Mas itinaas ko ang sarili ko para lang mas maabot siya.

Nakadilat ako at nanunuya siya ulit na hinalikan. Mababaw lang ang halik ko at naghihintay ng tugon. Nangangawit na ako sa ginagawang pagtingkayad, hindi pa rin siya gumaganti. Pinaulanan ko siya ng mumunting halik sa kanyang malambot na labi, makinis na pisngi, at matigas na panga bago ako tumigil upang pagmasdan siya.

"Huwag ka na magselos... Ikaw lang ang gusto ko...Ikaw lang ang gwapo sa paningin ko..." Malambing akong ngumiti. Lumambitin ako sa kanyang leeg. Hinila ko siya pababa. Binuka ko ang mga labi ko at mas malalim siya ngayon na hinalikan.

Pumikit ako. Tinagilid ko ang ulo ko at sinubukan na ipasok ang aking dila sa loob ng kanyang bibig. Nagulat ako nang umawang ang labi niya upang padaanin ang kumatok kong dila. Napasinghap ako at nagbunyi sa aking loob nang umangat ang isang kamay niya at lumapat sa aking likod.

Slowly, he started kissing me. We share each other's tongues and explore each other's mouth. Kinilabutan ako. Nang tumigil ako at lumayo, hinabol niya ang labi ko. Mabilis na gumalaw ang labi niya at siya na ngayon ang umatake sa akin. Dumilat ako habang hinahalikan niya. Nakapikit na siya.

Umalis ako sa pagtingkayad dahilan upang maglayo ang labi namin. Hahabulin niya pa sana ang labi ko. Nang matanto nga lang na sinadya kong bumitaw sa halik, dumilat siya. Nagtama ang tingin namin. Namumungay na siya at tila nalasing. Bumalik siya sa pagsandal at umiwas ulit ng tingin. Tila ba panandalian niyang nalimutan na dapat galit siya at ngayon lang naalala.

"Hindi ka na galit?" Nanlalambing na tanong ko. Yumakap ulit ako sa bewang niya. Para siyang bata. Gusto niya na nilalambing siya. Gusto niya ng atensyon. Gusto niya palagi ko siyang nakikita at palagi ko siyang gusto.

Sa aming dalawa parang mas maalam pa siya kung paano ako itatrato ng tama. Hindi siya nagsimula ng gulo kanina kahit na nakita kong galit na galit siya. Nagbabago siya kaya dapat ganoon din ako. Mabilis akong magalit sa kanya noon kaya dapat baguhin ko rin iyon dahil boyfriend ko na siya at hindi kaaway. Bigla akong nagalit sa sarili ko sa pagsigaw sigaw at pagtulak tulak ko sa kanya. Itinatrato ko siyang alipin ko na luluguran ako palagi at hindi iyon tama. Dapat pantay kaming dalawa.

Nilaro ko ang tenga niya habang matamang nakatitig sa kanya. Naramdaman ko ang pagtayuan ng balahibo niya pero hindi niya ako sinaway hindi katulad sa library kanina. Hindi ko napigilang mapangiti. Lumabi ako at pinigilan iyon nang bumaling siya sa akin. Kaya lang, nahuli na niya akong nakangiti bago ko pa maitago. Mula sa labi ko'y nag-angat siya ng tingin. Nagkatinginan kami. Pairap siyang nag-iwas dahil alam niyang alam ko na tapos na siyang magalit.

"Galit ka pa?" Nanunuksong tanong ko sabay nakangiting hinuli ang mata niya. Sa pagkakataon na iyon, hindi na siya umiwas at nakipagtitigan na.

Mula sa salamin na bintana ng banyo ay tumatama sa kanyang isang mata ang sinag ng araw. Kulay kahel na iyon hudyat na lulubog na ang araw ano mang oras. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mga mata niya at mas lalo siyang gustuhin. Kahit siguro insekto pamumulahan sa kanya kapag natitigan niya. Habang nagtatagal ang titigan namin, nakakaramdam ako ng kilig sa loob loob ko. Dahil sa dami ng babae na pwede niyang magustuhan at maging girlfriend, ako pa ang napili niya.

Kung tutuusin, kung hindi niya ako inalok na maging girlfriend niya siguro fvck buddy ang lugar ko ngayon sa buhay niya dahil hindi ko siya matatanggihan. Mas madalas pa ngang ako ang nauunang nananabik sa kanya. Sa katunayan niyan, nagsisimula na nga akong mag init ngayon sa kabila ng pagtatampo niya habang magkatitigan kami at yakap ko siya.

"Ang daya mo..." Hinapit niya ako sa aking bewang at inilapit sa katawan niya. "Kapag galit ka hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ikaw, kabisadong kabisado mo kung paano mo ako mabilisang makukuha."

Lumawak ang ngiti ko. Naramdaman ko sa aking tiyan ang matigas na nakaumbok sa pagitan ng mga hita niya. He seems turn on even when we are arguing, huh?

Hindi makikitaan ng kahit anong emosyon ang mukha niya. Pero ang mga mata'y sinasalamin na ang kumakawala na ring pagnanasa sa aking mga mata. Pinaglaruan ko ang balbon sa braso niya. Nagtinginan lang kami at parehong nakikiramdam kung sino ang unang gagalaw sa amin.

"You made me jealous..." Ngumisi ako sa kakaibang haplos ng palad niya sa bewang ko.

"I know. Do you think I am a bad girlfriend now?" Natatawang tanong ko. Nakangisi siyang tumango.

"Yes... And I believe every bad girl needs a hard punishment..." Sabi niya at siya na rin ang naunang yumuko para sakupin ang labi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 40.5K 18
The sexy and gorgeous secret agent named Miranda Lucille Gozar has everything aside from her killer looks. She's gifted and possesses skills that mos...
43.5K 1K 47
Shane, A very conservative, modest and soft boy found his life changed after he got partnered with a stranger to play 7 minutes of Heaven That 7 min...
32.9K 259 4
Elodie Green has all she could want as a child. She receives all of these pleasures in return for keeping up excellent academic standing, becoming th...
2.3M 60.6K 16
SEVEN DEADLY SINS SERIES 2: 𝐋𝐔𝐒𝐓 Dr. Kaden Dark is one of the best gynecologist. The doctor who specialize in women's health, with a focus on the...