I'm Crazy In Love With A Runa...

By Mischievous12ose

4.6K 253 2

North Korea series1|COMPLETED| Meet Bellina Celestina Barcelona, a new G-12 of STII. Belle forced to transfer... More

I'm Crazy In Love With a Runaway Badboy Prince
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
chapter 3
Chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
Chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
chapter 25
chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue

Chapter 12

59 7 0
By Mischievous12ose

Everyone enjoyed making bonfire. Habang ako ay nagmumukmok sa loob ng tent. Akala ko ito ang kauna-unahang departmental week na magsasaya talaga ako, hindi pala. Pinagsisihan ko na sumama pa ako.

Bumalik si Soo-joon sa tent ko na may dalang mineral water. Ang akala ko ibibigay lamang niya ang dala at iwan na niya ako pero hindi. Pumasok siya sa loob ng tent ko at humiga sa aking gilid. Kunot-noo ko siyang tiningnan habang tinitungga ang mineral bottle na bigay niya. Bakit ba to humihiga diyan sa higaan ko?

Soo-joon closed his eyes. "I'm tired," he murmured.

Nilapag ko ang mineral water sa gilid at marahan na tinulak si Soo-joon upang pagbuksan niya ako ng mga mata. Umarangkadang umupo siya habang hindi maipinta ang mukha.

"Bakit ba?" Iritado niyang tanong. "You know... I'm tired finding you." Sa boses niya, para itong nanunumbat.

"Edi sana hindi mo nalang ako hinanap!" Iritado ko ring sagot.

Napaisip ako sa sariling sagot ko. Paano kaya kung hindi ako hinanap ni Soo-joon? Ano na kaya ang nangyayari sa akin, ngayon? Siguro ginawa na akong hapunan ng monster na iyon.

Hindi nagsalita si Soo-joon. Muli siyang humiga at muling ipinikit ang mga mata. Hindi ko nalang rin siya enestorbo. I was just staring at him, admiring his handsome face. Napaka-gwapo niya habang nakapikit ang kanyang mga mata. His totally perfect.

"Don't stare at me." Bigla niyang sabi. "Baka matunaw ako."

Dali kong inilayo ang paningin kay Soo-joon. Pero nang marinig ang hagikhik niya muli ko siyang tiningnan, egsakto rin ang pagbukas ng kanyang mga mata. Ngumuso ako sa kanya upang itago ang kilig na nararamdaman nang bigla niyang hinila ang laylayan no suot kong sanina kaya nasubsob ang katawan ko sa kanya. Kung kailan gusto kong mag-move-on saka siya gumagalaw ng ganito. Ano ba talaga Soo-joon?

Napangiti ako nang pumulupot sa akin ang mga bisig ni Soo-joon. Bumuntonghininga siya bago muling ipinikit ang mga mata. Humiga ako ng maayos sa tabi niya habang ginagawang unan ang kanyang dibdib. I embraced him then slowly closed my eyes with smile.

Hours passed. Nagising akong wala na si Soo-joon sa aking gilid. Dali akong umupo at nang lalabas na sana ako sa tent nang dumating siya. Pumasok siya doon. Inayos ko nalang ang aking pag-upo at tumikhim nang bumalik siya sa paghinga sa pwesto niya kanina habang abalang-abala sa cellphone na hawak. Tumingin ako sa maingay na labas, halatang may kasiyahan na nangyayari. Hindi nga ako nagkakamali. They're playing a game, hindi ko lang alam kung anong laro ito.

"You want to go outside then join with them?" Biglang tanong ni Soo-joon sa 'kin.

"No. Nakakapagod ang ginagawa nila," sagot ko.

Siguro kung kasama ko si Soo-joon sa labas baka mapilitan akong lumabas. Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako naririto. Siya lamang ang nag-iisang rason ko. At worth it naman na sumama ako. Kung nandito lamang si Lizzie - wait, nasaan na kaya sila ni Dollane?

"Don't worry about your friend, Lizzie," entro ni Soo-joon. "She is with Dollane in his tent."

Bumalik sa aking alimpatakan ang nakita namin kanina. I was still confused. I have lots of questions for Lizzie. Siguro tatanungin ko nalang siya bukas.

Tumingin ako kay Soo-joon. "Really... Thanks god!"

I was happy to hear the good news. Hindi ko napigilan na mapangiti nang malaki dahil dito. Masaya ako dahil ligtas sila. Tumayo ako para puntahan si Lizzie sa tent ni Dollane. Siguro akong nandoon siya dahil wala naman siyang ibang pupuntahan.

I was almost outside of the tent when Soo-joon asked. "Saan ka pupunta? "

"I'll check Lizzie," I replied to him.

Hindi ko hinintay na magsalita ulit si Soo-joon. Iniwan ko siya para hanapin kung saan nakatayo ang tent ni Dollane. Egsakto rin naman, nakita ko ang kaibigan ko sa hindi kalayuan, kasalukuyang papasok sa isang tent. Lumapit ako dito at tinawag siya mula sa labas. Lumabas rin agad ang bruha, suot niya ang damit ni Dollane.

Tumayo si Lizzie sa harapan ko. "Belle, what are doing here?" Tanong niya sa akin.

"Hinahanap ka... May masama ba?" Balik tanong ko dito. " Kumusta ka pala? Bakit ka nandito? Bakit ka hindi bumalik sa tent natin?"

Si Lizzie ang tinatanong ko pero si Dollane ang sumagot na kakalabas mula sa loob ng tent niya. "Because of Soo-joon, doon daw siya matutulog."

Lumingon si Lizzie kay Dollane. Ngumiti sila sa isat-isa. Naguguluhan akong nagpasalin-salin ang paningin ko sa mga ito. himala yata hindi nag-aaway itong dalawang ito. Bumalik na naman sa aking alimpatakan ang eksena kanina sa gubat. Gusto ko silang tanungin tungkol doon pero nahihiya ako. Baka ano pang iisipin nila kaya way na lamang. Kakalimutan ko nalang iyon.

"So...nagkita kayo?" tanong ko sa dalawa.

"Pumunta siya dito kanina, hindi ba niya sinabi sayo?" ani Lizzie.

"Hindi eh, " mahinahon kong sagot.

Napagdesisyonan kong bumalik sa tent ko. Iniwan ko ang dalawa nang walang paalam. Pagkarating ko doon wala si Soo-jooon, ang cellphone niyang tumutunog ang naabutan kong nakalapag sa unan na gamit niya kanina. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi ito Philippine number. I answered the call then put the phone in my ear. Bago pa ako nakapagsalita nagbuga na ng mga salita ang nasa kabilang linya.

"wang seng ja!" sabi ng nasa kabilang linya. "Crown prince, you have to go back here in North Korea... you're omma is in danger."

"Sinong kausap mo sa cellphone ko?" biglang tanong ni Soo-joon na kakapasok lamang. Hindi ko siya namalayan.

Sa bigla...nabitawan ko ang cellphone niya kaya nalaglag ito. Dinampot ito ni Soo-joon at tiningnan kung sino ang tumatawag bago pinatay saka tumingin sa akin, galit. Yumuko na lang rin ako. Bakit ba kasi ako nakikialam sa gamit ng may gamit? Anong isasagot ko kung tatanungin niya ako kung anong narinig ko...? Do I have to tell him what I heard? Do I have to ask him about what I heard?

"Anong narinig mo?" malamig niyang tanong. "I'm sure may narinig ka."

Think, Bellina!

Tumikhim ako. " A-ano, ahmn...k-kasi..." utal-utal kong pagsasalita, hindi alam kung anong sasabihin. "I clearly heard... someone is in danger."

"Wala ka nang ibang narinig?" muling tanong ni Soo-joon. "like-basta! Just say it kung may narinig ka pa."

"Wala na nga," galit-galitan kong sabi.

Lumabas ako sa tent saka nagtungo sa hindi kalayuan sa camp site kung saan medyo tahimik. Gusto kong mapag-isa para pag-isipan kung ang nalaman ko. Pakiramdam ko hindi pa ngayon ang tamang oras para tanungin siya tungkol doon.

Umupo ako sa mga damo kung saan kitang-kita ang mga nagkikislapang mga bituin sa langit. Tumingala ako roon habang iniisip si Soo-joon at ang tungkol sa nalaman ko na tunay na pagkatao niya. Kung tama ang narinig ko kanina, sigurado ako na hindi ordinaryong tao ang lalaking aking minamahal. He is a prince!

"Ano bang ginagawa mo dito?"

"Oh god! Prinsepe- palakang prinsepe!" nasabi ko sa pagkabigla nang magsalita si Soo-joon mula sa aking likuran. Pinakalma ko ang aking sarili bago tumayo at humarap sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" balik tanong ko sa kanya.

"I'm the one asking first, " he sat beside me. "So... Answer me first bago kita sagutin."

"Gusto kong mapag-isa," agad na sagot ko. "Ikaw?"

"Sinundan ka," bumuntong-hininga siya at tumingin sa mga nagkikislapang mga butuin bago muling nagsalita. "Bago ako nakarating sa Pilipinas...my life, parang bilangguan. Lahat ng gagawin ko dapat ay ayon sa gusto ng pamilya ko. Kahit ang tumingin sa mga bituin dapat ay may approval mula sa kanila. Ang tunay na ako... tinakasan ko para mabuhay sa buhay na pinapangarap ko."

While Soo-joon telling his life before I was just staring at him. Sa tuno ng boses niya habang nagkukwento ay tiyak kong alam niya na alam ko kung anong tunay niyang pagkatao. Lumingon si Soo-joon sa akin, napayuko naman ako. Hindi ko kayang makipagtinginan sa kanya, mata sa mata. Bakit pa kasi ako nagsinungaling kanina... ?

"Alam ko na may nalaman ka tungkol sa akin," he said, calmly. "Bellina, look at me..."

Tumingin ako sa kanya tulad ng kanyang gusto. Napakagat-labi ako nang nagkatitigan kami mata sa mata habang seryosong-seryoso siya. Siguro kahit na gumulong-gulong pa ako para patawanin siya, Hindi ko parin mapalitan ng kasayahan ang kanyang kaseryosohan.

"Kalimutan mo na ang nalaman mo tungkol sa akin." Bumuga siya ng mahinng hininga. "Dahil manganganib ang buhay mo kapag nalaman nilang kilala mo ako."

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"Pagnalaman nilang kilala mo ako baka anong gawin nila sayo... " Pananakot niya. O baka totoo.

"O-okay... kakalimutan k-ko na," utal na utal kong sagot.

"Good..." He smiled. "Let's go, balik na tayo sa tent. Gabing-gabi na at parang natutulog na ang mga kasamahan natin."

Tumayo si Soo-joon bago nilahad ang kanyang kamay sa akin para alalayan akong tumayo. Hindi ako nag-aalangan na ibinigay ang kamay ko sa kanya. Sabay kaming nagbalik sa tent namin na magkahawak ang kamay.

Kinabukasan, pagkagising ko wala na si Soo-joon sa aking tabi. Yes, magkatabi kaming kagabi. Tulog lang naman ginawa namin. Lumabas ako at unang sumalubong sa aking mga mata ay ang mga kapwa ko estudyante na naglalaro. Nag-e-enjoy sila habang ako hindi alam kung saan hahagilapin si Soo-joon.

Nakita ko si Beautyfil na nakipag-uusap sa department officers. Nilapitan ko siya upang magtanong kung nakita niya si Soo-joon pero hindi niya ako pinansin. Alam ko naman na hindi niya ako sasagutin pero sinubukan ko parin. Kaya ito napahiya tuloy ako. Nagtungo ako kay Lizzie, nagbabakasakali na alam niya kung nasaan ang aking hinahanap.

Naabutan ko sina Lizzie at Dollane sa labas ng tent nila. Ang sweet ng dalawa habang kumakain parang sweetheart lang. Nakakapagtataka na talaga ang dalawang ito. Parang bagong mag-asawa lang.

"Lizzie, " tawag ko sa kaibigan. Tumayo rin agad siya.

"Belle, what are you doing here?" Lizzie asked me.

Tumingin muna ako kay Dollane na milagrong hindi ako kinukulit bago sinagot si Lizzie ng isa ring tanong. "Nakita mo ba si Soo-joon?"

"No. Pero ang sabi-sabi umuna na itong bumaba," sagot nito.

Dahil ba ito sa narinig ko kagabi? Sigurado akong dahil iyon doon. Paano kung uuwi na siya?

"Lizzie, tulungan mo ako... Gusto ko siyang sundan baka hindi ko na siya makita ulit."

"Belle, malabo 'yang gusto mo. Hindi ka papayagan ni Prof. Pascal na bumabang mag-isa." si Lizzie.

"I can help her, Liz," si Dollane. Unang pagkakataon na narinig ko siyang tinawag niyang Liz ang kapatid niya. "Ako na bahala kay Prof. Pascal then samahan ko na rin si belle na bababa."

Bago namin iniwan si Lizzie humalik muna si Dollane sa kanyang pisngi. Kitang-kita ko ang paninigas ng kaibigan ko sa ginawa ng kapatid niya sa kanya. Ngumiti na lamang ako sa kanila. This two is really have a secret!

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

928K 18.2K 49
Nang dahil hindi tinanggap ng ibang kapamilya ang trono ng susunod na leader ng Hayes-McCain Organization napilitan si Travis na akuin ang responsibi...
144K 2.5K 35
"I've always been in control of my life. But when it comes to you, I always lose it... ..Being with you, makes me crazy..." --Arjhun This is the f...
817K 15K 50
"You can run but always remember you can't ever hide" Highest rank: #2 in Vampire Category
9K 396 76
COMPLETED ‼️ This is an Epistolary. She discovered an app called "Online Diary." That app caught her interest and attention nang dahil sa pangalan ka...