F.L.A.W Series Book 3: RUBY

By mimzee23

17.4K 1.4K 325

Warning: SPG / R-18 /Mature Content Female League of Assassins and Weapons F.L.A.W Series Book 3: RUBY "I am... More

Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Final Chapter
Special Chapter
Bonus Chapter (Book 4-Preview)

Chapter Eleven

388 30 10
By mimzee23

"You have to behave yourself, do you understand?" Tanong ni Vix kay Persephone habang binibihisan ito. "Don't leave Uncle Thadd's side and don't wander off by yourself, okay?"

"Yes, mommy." Nakangiting sagot ng bata.

"There's a towel and some extra shirt here inside your backpack." Na ipinakita pa sa anak ang bag. "I'll put wet wipes too, and your water bottle."

"Okay po." Matamis na ngiti dahil excited sa pag-alis.

Napabuntong-hininga si Vix at lumingon kay Percy na karga-karga si Poseidon at nakatingin sa kanila.

"Do you really think that it would be okay if we let her go with Thadd?" Nag-aalangang tanong niya. "I know that he's with Val but I'm not comfortable letting our daughter go alone without me."

"Hey, it's gonna be fine." At saka lumapit at umupo sa tabi niya sa gilid ng kama. "Thadd and Val will look after her. Hindi nila pababayaan ang anak natin."

Hindi pa rin nawawala ang pag-aalangan niya bilang isang ina. Nangako kasi noon ang bayaw niya kay Sephy na pupunta ang dalawa sa Six
Flags na isang amusement park sa Amerika. Ngunit nang dahil sa pagtakbo nito sa Senado ay hindi na nakakaalis ng bansa kung kaya't sa Enchanted Kingdom na lang nito inaya ang pamangkin.

Kasama naman nito ang fiancee nitong si Valeria na narito na galing US ngunit nangangamba pa rin siya para sa anak. Alam niyang pakulo lang ni Thadd iyon para sa publiko upang ipakita sa mga tao na matino siyang lalaki at gustong magkapamilya balang araw. May lumalabas kasing balita na may karelasyon daw itong isang lingerie model sa Amerika na itinanggi naman ng binata. Wala daw itong ibang karelasyon kundi si Val.

"I'm just worried for her safety especially that your brother is a politician. Maraming kaaway at nakakabangga at kamuntik na ngang maambush dati diba?"

"Marami naman silang bodyguard na kasama. And nagpresinta pa nga si Morpheus na sasama para daw dagdag bodyguard nila eh."

"Ha? Si Morph sasama din?" Gulat niyang tanong. "That's new."

"Yeah. Nakakapanibago nga dahil imbes na pambababae ang inaatupag nun ay bigla-biglang sasama sa kanila. Kababalik lang din nun galing Europa mula sa mahabang bakasyon at mukhang badtrip. Baka nabasted o di kaya baka kamuntik nang mapikot." Tatawa-tawa pa na halatang ikinatutuwa ang nangyayari sa kapatid.

Binalingan na lang ulit ni Vix ang anak na isinusuot na ang backpack.

"Be a good girl, baby, okay? Huwag maging pasaway ha." At hinaplos ang ulo ng anak.

"Yes po. I am always good naman po." Nakangusong sagot nito.

"I know." And she kissed her cheeks. "Remember, never talk to strangers and-"

"Shout for help if needed." Putol ng anak sa kanya.

Napangiti na lang siya at muling hinalikan si Seph.

"Come on, let's go down coz Uncle is waiting for you." Ani Percy na ipinasa na sakanya si Sedi upang kargahin naman ang prinsesa nito.

Pagkababa nila sa baba ay naroon na sina Val at Thadd.

"Are you ready, Hun?" Tanong ni Thadd na sinalubong si Percy at kinuha si Sephy mula rito.

"I am!" Masiglang tugon ng anak. "Hello, Aunt Valeria." Bati ng anak sa babae.

"Hun, it's Aunt Valerie. She doesn't want the Spanish version."

"But that's her real name, right? And isn't she a Spanish?"

Matalino talaga ang anak niya at bibo.

"Yeah she is, but she-"

"It's okay." Si Val na ang pumutol. "Aunt Valeria sounds nice." Nakangiting sabi ng dalaga na lumapit nang malapitan kay Seph. "Are you excited?"

"Yes!" Na itinaas pa ang mga kamay.

Nagkatawanan silang lahat dahil tuwang-tuwa sa reaksyon ng bata.

"Huwag kang lalayo sa kanila ha." Muling bilin niya. "Huwag maging pasaway at makinig ka sakanila."

"Yes po, Mommy."

Kay Thaddeus naman bumaling si Vix.

"Please don't let her out of your sight." Aniya.

"I will. Besides, we have bodyguards too to watch over us." Sabay turo sa tatlong lalaki na nasa labas.

Simpleng ngiti lang ang ibinalik niya sa bayaw dahil alam niya ang tunay na dahilan nito sa lakad na iyon.

"Don't worry, I'll keep an eye on her too." Biglang singit ni Morpheus na kadadating lang.

"You're really serious about coming huh?" Si Thadd na gulat sa presensiya ng isa pang kapatid.

"Ofcourse, I wouldn't miss it." May kakaibang ngiti roon na hindi nila mawari.

"I'll just wait in the car." Paalam ni Val na nagmadali na sa paglabas.

"Sigurado kang sasama ka, Morph?" Si Percy. "Lakad nila Thadd at Val to."

"Lakad nga nila kaya saling pusa lang tong si Kuting." Na tinuro pa si Seph. "Kaya sasama na din ako para magbantay."

"Sino ang babantayan mo?" Si Vix na nakangiti.

Ilang beses munang kumurap si Morph sa kanya bago sumagot.

"Your daughter, ofcourse. May iba pa bang dapat bantayan?" Tanong nito habang nakataas ang isang kilay.

"I don't know, your brother- his fiancee?" Sabay kibit-balikat.

She saw his jaw tighten and she just smiled at him. Ewan niya pero tila ba may kakaiba sa pagitan nina Val at Morph. Hindi niya alam kung siya lang ba ang nakakapansin niyon or kung alam din ba iyon ni Thadd. Ngunit labas na siya sa kung anuman ang mayroon sa tatlo, hindi dapat siya nakikialam.

"Why would I need to watch them?" He scoffed. "They have their own bodyguards." At saka bumaling kay Sephy. "Let's go na, Kuting."

Kinuha na nito ang anak mula kay Thadd. Ang bayaw na si Morph lang ang tumatawag ng Kuting sa bata bilang palayaw nito o 'term of endearment' nito bilang tiyuhin.

"Uncle M, let's ride the carousel ha." Si Seph habang buhat ni Morpheus.

"We will ride all of it." Mayabang na sagot nito.

"Hey, don't let her get on to rides that aren't suitable for her age." Paalala ni Perseus.

"Yeah, I know." At nagsimula nang naglakad palabas. "We'll go ahead."

Sumunod na din sila palabas. Nag 'bye-bye' pa si Sedi sa ate nito. Isang sasakyan lang ang gagamitin at kumaway na din silang mag-asawa habang paalis na sila.

"Don't think about it too much." Sabay akbay ni Percy sa asawa. "They'll be fine. She'll be alright." Tumango-tango na lang siya. "Come on, we also have to prepare for Deus' awarding party."

They are invited to attend the awarding party for successful people who have international businesses and Amadeus is one of the receivers of the said award. Naroon na ang binata sa hotel kung saan gaganapin ang party dahil doon na ito nagcheck in kagabi pagkarating nito mula sa isang business meeting sa Canada.

"Thadd and Morph should also attend too. Bakit kasi ngayon pa nila isinabay ang lakad nila?" Ani Vix nang papasok na sila ulit sa loob ng bahay.

"Coz it's weekend." Kibit balikat na sagot ng mister. "Ayos lang naman kay Deus na wala ang dalawa dahil nariyan sina Mama at Papa at tayo." Sabay hila na sakanya paakyat sa hagdan. "Halika na para makapag-ayos na tayo."

Vixyn checked her closet and looked for something appropriate to wear. Naalala niyang may ibinigay nga pala ang biyenan sa kanya na gown noong nanggaling ito sa France. Kaya naman iyon na ang isinuot niya.

She always opted for simple dresses or attire to match her status. She's married and she thought she shouldn't wear too appealing clothes. But things are different now, threats are right in front of her so she must do something about it.

She put on light makeup to enhance her beauty. Noong nakaraang araw ay nagpunta siya sa Salon para magpakulay ng buhok. From Chestnut brown to bright auburn. And she also had her nails done as well.

Kaya naman ng pagmasdan niya ang kabuuan sa salamin ay napangiti siya. The black and gold body-hugging sultry dress looks perfect on her. Mababa ang neckline kaya kitang-kita ang cleavage niya. Hinayaan lang niyang nakalugay ang alon-alon na buhok upang kahit papaano ay matakpan ang kanyang likod. Bukod kasi sa mga peklat ay mayroon siyang tatoo sa batok na hindi niya alam kung anong klaseng simbolo iyon.

Lastly, she puts on bloody red lipstick to finish her look.

"Are you done-" tanong ng asawa na napahinto pa sa may pintuan. "Wow!" Bulalas nito na hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "You look-" hindi nito matuloy-tuloy ang sasabihin dahil napapatula. "Huwag na lang kaya tayong pumunta sa awarding? I'll just call Deus and tell him that we are not going. Dito na lang tayo sa kwarto."

Umikot ang mga mata niya sa ere habang umiiling-iling.

"Naku, tumigil ka nga dyan Perseus!" Saway niya sa mister. "I'm already finished preparing myself. Hindi ako nag-ayos para lang magkulong sa kwarto."

"It was only a suggestion." Na muli na naman siyang hinagod ng tingin. "Damn, you look delectable."

"Uhuh." Iyon lang ang ibinalik niya sa lalaki habang isinusuot ang black, open stiletto niya.

"Kaya mo bang magsuot ng ganyan? Baka sumakit ang paa mo."

Sinamaan naman agad niya ng tingin ang asawa kahit na alam niyang concern lang ito sakanya.

"I can manage this. Hindi lang naman si Lovely ang may kayang magsuot ng ganito.

"I know, It's just that I don't want you to feel uncomfortable, that's all." At lumuhod pa para tulungan siyang magsuot.

"Thanks. I'll be okay." Aniya na nginitian lang ang lalaki.

Sa La Fortalejo Hotel sila nagpunta dahil doon gaganapin ang awarding. Umakyat sila sa Penthouse lobby at naabutan na din nila roon sina Don Mateus at Doña Adelina na nanggaling pa sa opisina.

"Where's Morpheus? He should be here by now." Wika ng Don.

"He's with Thadd." Si Percy habang buhat si Poseidon sa isang braso.

"What? Ano naman ang ginagawa niya doon?" Iritado na ang ama.

"He said he'd watch over Sephy."

"He doesn't need to do that. May mga kasama namang bodyguards sina Thadd. He was supposed to be here, supporting his brother instead of babysitting. Hindi naman siya kailangan doon dahil marami namang nagbabantay sa apo ko. Tsk!" Palatak ng matanda.

"Hayaan mo na ang anak mo. Maybe he wants to bond with his niece. Percy is here with his family and both of us too, that's enough to represent our whole family." Si Doña Adelina.

"Whatever!" Suko ng matanda ngunit bakas pa din ang inis. "You spoil all these boys that's why they behave like that."

"Hey, what's with the long faces?" Biglang singit ni Amadeus. "Do we have a family discussion that I didn't know?"

"Your brother Morpheus isn't here. He joins Thaddeus' trip to babysit Sephy. Imbes na narito siya para suportahan ka, mas pinili pa niyang-"

"Yeah, I know." Putol ng panganay ng mga Montenegro. "He was here last night. He told me when we were drinking at the bar." Kibit balikat pa. "He said he wanted to spend time with Seph rather than waste his time cheering for me."

"And you agreed?" Gulat na tanong ng ama.

"Yeah. Kung nagkapalit kami ng posisyon, ganoon din ang gagawin ko. This is boring." At saka tumawa.

Umiling na lang sa inis ang ama dahil talo na ito sa pakikipagdebate sa lahat.

"We should get inside the ballroom." Ang ina na ang pumagitna at inaya ang lahat.

Pagkapasok nila ay iginala ni Vix ang mga mata sa paligid. Maraming tao ang dumalo at halatang may mga sinabi sa buhay. Mabuti na lang at nag-ayos siya upang makasabay sa lahat ng naroon.

"You look lovely, Hija." Bulong sa kanya ng biyenan. "I knew it, that gown will look good on you." Puri nito.

Nag-uusap usap ang tatlong mag-aama sa likuran nila kaya't hinayaan na lang nila.

"Thanks, Ma. You really have an eye when it comes to fashion." Puri niya pabalik.

"I know." Sabay nagkatawanan.

"Tita Adel."

Hindi pa man lumilingon si Vix ay kilala na niya kung kaninong boses iyon. Tumaas ang isang kilay niya at dahan-dahang nilingon si Lovely habang may mapaglarong ngiti sa labi.

"Oh Lovely, Hija." At nakipagbeso-beso ang ginang sa dalaga. "Kanina pa ba kayo? Where's Marita and Piedro?"

"They are talking to one of the possible investors for our new project." Na itinuro kung nasaan ang mga magulang. "Hinahanap nga nila kayo ni Tito Mat."

"Ganoon ba? Okay, I'll say hi to them." At saka tinawag ang asawa. "Mateus, Marita and Piedro are here."

Nakuha naman ng Don ang ibig sabihin kaya't sumunod na rin. She and Lovely exchanged looks. Taas noo niyang tinitigan ang babae habang hinahagod siya nito ng mapanuring tingin.

"Finally, you look-" ibinitin pa ang sasabihin. "Presentable." Humakbang pa nang kaunti upang mas marinig niya ang sasabihin nito. "Atleast, hindi na mapapahiya si Percy kapag ipinakilala ka niya bilang asawa." Sabay irap at nilagpasan na siya para lapitan ang asawa niya. "Hey, handsome." Bati nito na may kasamang kakaibang hagod ng kamay sa braso ng lalaki.

"Lovely!" Medyo gulat at naiilang na reaksyon ang ibinigay ni Perseus.

He even cleared his throat as if he's having a hard time speaking.

"Why are you so tensed?" Na sinabayan pa ng malanding ngiti. "Relax." At muling hinaplos ang braso nito. "Pati anak mo tuloy nararamdaman ang kaba mo." Sabay kurot nang magaan sa pisngi ni Sedi.

Vixyn gritted her teeth in anger. She wanted to pull the woman's hair and drag her out of the place. But she doesn't want to create a scene in there so she composed herself first before stepping closer next to her husband.

"Oh, baby, let's wipe your face before any virus or bacteria gets you." Na naglabas pa ng panyo upang punasan ang pisngi ng anak kung saan ito kinurot ni Lovely.

"Are you calling me a virus?" Anas ng babae na nairita sa sinabi niya.

"Did I?" Balik niya habang may mapang-asar na ngiti. "I don't think I did. Pinunasan ko lang ang anak ko dahil mahirap na, baka mahawaan ng sakit. Alam mo naman ang mga virus ngayon, mahilig dumikit kahit saan, kahit kanino, kahit sa mga hindi na dapat dinidikitan. Ganyan talaga ang mga virus eh, salot!"

Kita niya ang pagtitimpi sa babae kahit na halatang napipikon na.

"Hindi naman sana nadidikitan ng virus kung naaalagaan nang mabuti." Sagot ng dalaga na ayaw patalo. "Ang mga nahahawaan naman ay yung mga napapabayaan diba." Umangat ang isang sulok ng labi nito kasabay ang pagtaas ng isang kilay bago bumaling sa asawa niya. "Right, Percy?." Malandi ang tono na parang nang-aakit. "I had a great night last time." Lumapit pa nang kaunti upang ayusin ang kuwelyo ng lalaki. "I enjoyed it a lot." Sabay haplos saglit sa pisngi na iniwas naman agad ni Percy. "Hope we can do it again." Malanding sabi nito at tumingin pa sa kanya para bigyan siya ng isang nakakalokong ngiti. "You wouldn't mind, right?"

Talagang harapang hinahamon na siya ng babae at pikang-pika na siya.

"Lovely!" Saway ni Perseus.

"What? I'm just kidding." Sabay halakhak nito. "You all look so serious." Patuloy pa din sa pagtawa ng maarte. "See you around, Pers." na kinindatan pa ang lalaki bago tumalikod para umalis.

Maganda ang suot na pulang damit ni Lovely, may slit din iyon kagaya ng sakanya sa harapan kaya't naka-expose ang legs. Mahaba ang likuran ng gown na nakasayad na sa sahig, kaya naman hindi na nagdalawang isip si Vix at ginawa na lamang ang unang pumasok sa isipan.

Kunwari'y humakbang siya paharap kay Percy upang halikan ito ngunit sinadya niya munang tapakan ang dulo ng gown ni Lovely kaya't bahagyang napunit iyon at nadapa pa ang babae.

"Arghhh!" Impit na sigaw ni Lovely pagkatayo nito mula sa pagkakadapa. "You, bitch!" Na dinuro pa si Vix ngunit hindi napansin dahil naghahalikan pa din silang mag-asawa.

"Oh, I'm sorry." Ani Vixyn nang humiwalay na ang labi sa asawa at nilingon ang babae. "Were you saying something? Were you talking to me? I was busy and preoccupied." Habang humahalakhak at pinupunasan ang gilid ng labi. "Your gown-" sabay turo niya kunwari sa damit nito. "I think it's made from cheap material. Napunit kaagad eh." Nginisihan pa niya. "It's cheap, just like you."

Hindi na niya napigilan ang sariling bibig. Malakas naman ang musika at may kanya-kanyang diskusyon ang mga tao roon kung kaya't hindi naman sila nakakaagaw ng atensyon. Gigil na gigil ang mukha ni Lovely dahil roon kaya mas lalong lumapad ang ngiti niya. Nakipagpalitan siya ng matatalas na tingin at sa huli ay ang babae ang natalo at nagwalk-out na roon.

"Vixyn-" si Percy na mukhang hindi nagustuhan ang ginawa niya.

Natatawa lang sa gilid nila si Deus na sumenyas na aalis na muna at mag-iikot ikot.

"What?" Madiin na tanong niya.

"You shouldn't have done that to her. You should've just let it go."

Naningkit ang mga mata niya sa inis.

"Let it go?" Ulit niya sa sarkastikong tono. "Hinayaan ko na lang dapat kahit binabastos na niya ako ng harapan? Hinayaan ko na lang kahit na walang hiyang nilalandi ka sa harap ko? Should have I just pretended that it was all okay? that it doen't bother me at all?! Huh?" Mahina ngunit madiin ang bawat salita niya.

"That's not what I meant." Anito na hahawakan siya.

"Yes it is!" Na pumiksi. "Dapat ba nagsa-walang kibo na lang ako tungkol sa mga pinagsasasabi niyang ginawa ninyo noong gabing magkasama kayo?!"

"No!" Sabay iling nang marahas. "Nothing happened!" At sinubukan ulit siyang hawakan ngunit pasimple siyang umiwas. "I swear, nothing." Pagkatapos ay lumunok. "She tried to kiss me before she went out of my truck-"

"What?!" Putol niya agad. "She tried to kiss you or she did kiss you?"

"S-she- she kissed me but I pushed her." May pag-aalala na sa boses nito. "I rejected her. That's it."

"I asked you that night but you didn't tell me anything." She's on the verge of bursting out.

"I'm sorry. I just don't want you to feel bad and be angry about it. Ayoko nang dagdagan yung mga nararamdaman mo dahil hindi iyon nakakatulong sa iyo. You're changing, you're becoming a little different-"

"Changing?" Ulit niya. "I'm not becoming different- I am different!" Tumaas nang bahagya ang boses niya. "From the moment you met me, I was different. I was never been normal, Perseus."

Naputol lang sila sa pagtatalo nang umiyak si Sedi at dahil doon ay may mga bumaling na sa kanilang mga bisita. Kinuha naman ni Vix ang anak para patahanin.

"We'll talk later." Bulong ng asawa sa kaniya.

"Yeah, we will!" She sarcastically said back.

Vixyn faked a smile to people whenever she is being introduced by the Montenegros. She is still pissed but she managed to hide it well.

Nang magsimula na ang awarding ay natuon na ang atensyon ng lahat sa stage. Isa-isa nang tinawag ang pararangalan. Isa na roon ang sikat na event stylist na si Bridgette Larson. At nang tawagin ang bayaw na si Amadeus ay masaganang palakpak ang ibinigay nila. The man gave a short speech and ended it with gratitude towards his family.

They were all smiling, congratulating Deus for his achievements but something came up when Percy received a call from Thadd.

"We need to go home." Ani Persesus sa buong pamilya. "Something happened."

Dumagundong ang dibdib ni Vix sa narinig kaya't bumangon na ang kaba.

"Persephone?"

Nang dahan-dahang tumango ang mister ay mas lalo siyang kinabahan. Nagmadali na sila sa paglabas ng ballroom. Pasakay na sila ng elevator at dahil nga sa pag-aalala ay binalewala na lang ni Vix ang boses na naririnig sa paligid.

Someone is calling out the name 'Ruby'.

She isn't sure if it is just her imagination that she's hearing things or if there's someone really calling out for that name. Either of those two, she didn't give a care, she chose to just ignore it.

Habang nasa biyahe na sila pauwi ay hindi niya mapakalma ang sarili. Kung maaari lang siyang magteleport ay baka ginawa na niya upang mapuntahan na ang anak.

"Is she okay?" Tanong niya sa mister. "What happened?"

"I don't have the exact details but they are on their way back."

"This is killing me." Aniya na ang tinutukoy ay ang pag-aalala para sa anak.

Pagkauwi nila ay hindi pa nakakarating ang mga bayaw. Vixyn is walking back and forth while waiting in the living room. Kay Manang Fe na muna niya ipinabantay si Sedi.

"Mommy, Daddy!" Sigaw ni Sephy pagkapasok habang may yakap na stuffed toy.

"Persephone!" Bulalas niya at tumakbo palapit. Lumuhod siya at saka niyakap nang mahigpit ang anak. "Are you alright? What are you feeling?" Na sinipat pa ang anak kung mayroong galos o sugat sa katawan. "Ano ba talaga ang nangyari?"

Pareho silang mag-asawa na binalingan sina Thaddeus, Morpheus at Valeria.

"What exactly happened?" Si Percy.

"We were having fun and everything seemed okay. Val excused herself and went to the ladies room and then Morph went to get something while I was left to watch Sephy." Panimula ni Thadd. "She's riding the carousel but when the ride was about to end, there were people who approached me- paparazzi, so I took my eyes off of her for just a few sec." Seryosong paliwanag nito. "Dinumog kasi ako kaya nagsilapitan ang mga bodyguard para ilayo sila. And when I glanced back to where she was, she wasn't there anymore. She was gone."

Nanlaki ang mga mata nila at muling napabaling sa bata.

"What happened, Sephy? Where did you go?" Tanong ni Vix.

"Why didn't you go after your Uncle when the ride has stopped?" Percy added.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng bata sa lahat.

"I saw a stray cat after exiting the carousel." Sagot nito habang ngumunguso. "It reminded me of Whisker so I followed it. I patted its head and when I turned to look, I couldn't find any of them. I got lost because there are lots of people and I can't find my way back so I cried."

"Oh, Sephy, you got us all worried! What did I tell you this morning?" Na hinawakan pa ang magkabilang balikat. "I told you to never leave their side and not to wander off by yourself!"
Pagalit niya sa anak.

"Huwag niyo nang pagalitan ang bata." Si Don Mateus. "Ang mahalaga ay ligtas siya at walang masamang nangyari."

"How are you, Dear?" Si Doña Adelina
na lumapit pa sa apo. "Thankfully, your uncles found you again."

Ngumiti naman ang bata.

"No, someone helped me." Anito kaya naman nakuha muli ang atensyon nila. "She told me to stop crying."

"She?" Ulit ni Vix. "A woman helped you?"

"Opo." Tumatango-tangong sagot nito.
"She wiped my tears and pacified me. She told me that she will help me find Uncle Thadd and Uncle M." Na tinuro pa ang dalawang lalaki. "She took my hand and she brought me back." Ngiting-ngiti ang pagkaka-kwento nito.

"Have you met the woman?" Tanong ni Percy sa mga kapatid.

"No." Sabay iling ni Morph. "The woman left when Kuting run towards us."

"We never got the chance to thank her." Segunda naman ni Thadd.

"We're really sorry for what happened. We should've been more responsible."

It was Valeria. Nakayuko ang dalaga na halatang naguilty sa nangyari.

"It's okay. Tama si Papa na magpasalamat na lang tayo at walang nangyaring masama sa bata." Si Percy na lumapit din sa kanila at hinaplos ang ulo ng anak.

"Never do that again, Seph, okay?" Si Vix. "Buti na lang at may nagmagandang-loob na tulungan ka."

"I'm sorry, Mommy." Wika ng bata na yumakap sa inang nakaluhod pa rin.

Niyakap naman pabalik ni Vixyn ang anak at saka pinisil ang ilong nang maghiwalay.

"What's this?" Tanong niya sa yakap-yakap nitong stuff toy.

"The woman gave me this." Sabay pakita sa tinutukoy.

Vixyn froze suddenly when she takes a good look at her daughter's toy. It's a colored white and pink bunny stuffed toy.

"S-she gave you this?" At saka hinawakan ang laruan.

Napapikit siya nang biglang sumulpot sa isipan niya ang isa sa madalas na mapanaginipan niya.

Now, I want to see how are you gonna torture it slowly until it ran out of breath.

Tila ba nag-echo iyon sa pandinig niya.

"She told me to name it- Mr. Bunny."

Doon na siya napatayo nang mabilis habang nakatitig pa rin sa laruang hayop.

Please, I don't want to hurt Mr. Bunny, I want to keep it as a pet.

Patuloy sa pag-echo sa tenga niya ngunit iwinawaksi niya.

"Do you remember that woman's face, Sephy?" Napapikit siya dahil unti-unti nang sumasakit ang ulo niya.

"Not much but I can recognize her if I see her again." Sagot ng bata. "What's wrong, Mommy?"

"How old do you think she is?" Patuloy pa din niyang tanong. "Does she looks as if she has the same age as Mommy or not? Or is she older or younger?"

"Why are you asking that, Hija? Do you know the woman?" Si Doña Adelina.

Hindi naman sinagot ni Vix ang biyenan at sa anak pa din nakatingin.

"Answer the question, Seph." Medyo mataas na ang tono niya.

"Hey, you're scaring her." Sita ni Perseus ngunit hindi na nakahirit pa nang itinaas ni Vix ang palad para patahimikin ang lalaki.

"I need an answer." Mababa ngunit iba na ang tono niya sa anak.

"She's older." May takot nang maririnig sa boses ng bata. "And she said that you will like to see this, you will love Mr. Bunny." At itinaas pa ang laruan para mas maipakita sa kanya. "Do you like it, Mommy? Do you love Mr. Bunny? Do you?"

Vixyn stepped back when Persephone raised the toy to give it to her. She suddenly felt an excruciating pain in her head same time as the scenes of her dreams flashes inside. She began screaming while holding her head.

"Talk to me, baby, what's happening." Percy asked but she couldn't answer it, she couldn't explain the agonizing pain she's experiencing.

"Aghhhhh! Make it stop!" She screamed as she squeezed her head, pulling her hair just to make the pain stop.

Everyone is panicking around her.
Her daughter is crying while watching her screaming. Her husband is trying to calm her down and the others are calling for help. She couldn't stop it, she couldn't stop her mind that a series of scenes from her nightmares or parts of her memories continuously poured inside like an open faucet. Her brain couldn't take it anymore that it feels like it's gonna explode at any moment.

And then everything went black.

Continue Reading

You'll Also Like

99K 2.3K 46
Secret should remains secret. But not for Lancaster. He can see someones aura, he can see if you are good or bad. But when Andrea came, he started to...
24.4M 713K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
1.7M 49.2K 47
Barkada Babies Series #5 PUBLISHED UNDER PHR ❣ Price: 199php -- Lahat na ata ng klase ng pagmu-move on ay ginawa na ni Michelle. Umakyat sa bundok, n...
1M 12.1K 24
πŸ“ŒWARNING: PREVIEW ONLY! YOU CAN READ THE FULL STORY EXCLUSIVELY ON DREAME/YUGTO APP. JUST SEARCH THE TITLE OR MY USERNAME, velenexia_06πŸ“Œ "I will ge...