My Lost Husband (Cousinhood S...

By HanjMie

603 5 1

Cousinhood Series 4: My Lost Husband Written by: Ji Mie Han (HanjMie) Ashley Cortez has everything in life. S... More

Chapter Spoiler
Questions
CHAPTER SPOILER TWO
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
MLH THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
SPECIAL CHAPTER: LOST MEMORIES

CHAPTER THIRTY

11 0 0
By HanjMie

🌷🌷🌷

IBINAGSAK NI Ashley ang katawan sa kama. Katatapos lang ng kasal ni Alex at Anna. Nasa hotel na siya. Pero kahit na abala siya sa kasal ng pinsan ay hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nangyari kanina. Ginugulo ng lalaking iyon ang kanyang isipan.

Sino ang lalaking iyon? Bakit kamukhang-kamukha niya si Lorenzo?’

Bumangon siya at kinapa ang kanyang phone na nasa bag. May nais siyang malaman at alam niya kung sino ang makakasagot sa kanya pero natigilan siya ng maalala na hindi niya pala alam kung anong pangalan ng lalaking nakabangga sa kanila. Muling napahiga si Ashley.

She can’t sleep after this. Her curiosity is kicking her. Tumayo siya at hinubad lahat ng suot. She needs to wash out what she thinking at the moment. She tokes a shower and head out. Gusto niyang alisin sa kanyang isipan ang lalaking iyon. Nais niyang kalimutan kahit saglit ang mukha ng kanyang asawa. Hindi kasi mapalagay ang kanyang puso sa tuwing nakikita niya isipan ang mukha nito. He is not her husband. Matagal ng patay si Lorenzo.

Pumunta sa dalampasigan si Ashley. Tumatama ang malakas na hangin sa kanyang mukha. Malamig iyon at nanunuot sa kanyang balat. She loves the breeze of the air. It makes her calm. Naglakad-lakad lang siya habang tinitingnan ang karagatan. Maliwanag naman ng mga sandaling iyon dahil sa mga ilaw na galing sa hotel at resort.

Nang magsawa ay umupo si Ashley.

‘How long you going to be like this?’ tanong niya sa sarili.

She is already at her late twenties. Tinutulak na siya ng ama na mag-asawang muli ngunit hindi pa siya handa. Kaya nga nais ng kanyang ama noon na ipakasal siya kay Alter dahil sa pag-aakalang malungkot pa rin siya sa pagkawala ng asawa. Tanggap na niya na wala na si Lorenzo at hindi na ito babalik pa pero may mga sandali na hinihiling niyang sana ay kapiling pa rin niya ito.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Ashley. Suddenly she feels so empty. Mula ng mawala ang asawa ay ganoon na yata ang puso niya. Something is missing. Na may butas sa puso niya at kahit anong gawin niya ay hindi mawala. Hihiga na sana si Ashley ng may narinig siyang naglalakad. Mabilis siyang napalingon. Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino iyon. Ilang beses siyang napakurap.

“Ahmm.. Miss, it’s not safe here. Maari kang magkasakit kung hihiga ka sa buhangin,” wika ng lalaki.

Hindi nakapagsalita si Ashley. Parang hinila ang dila niya at hindi niya magamit. Nakatitig lang siya dito. His face that makes her heart beat faster. It’s making her crazy. Nais niyang tumayo at ihakbang ang mga palapit dito. She wanted to run and hug him. Telling him how much she misses him. This man standing in front of him is look like her husband. The man she ever loves.

“Miss…” Ikinaway ng lalaki ang kamay sa mukha niya.

Ilang beses na napakurap si Ashley. Nakapantay na pala sa mukha niya ang lalaki. May pag-aalala sa mga mata nito. Agad na umiwas ng tingin ang dalaga. She can’t show her emotion to a stranger like him. Tumikhim si Ashley. Naririnig niya kasi ang lakad ng tibok ng kanyang puso. At kapag ganoon ay nais na magpanic ng kanyang isipan.

“Thank you for reminding me.” Tumayo siya. Hindi niya ibinabalik ang tingin sa lalaki.

“You’re welcome. Are you okay? You look pale.”

“I’m fine. Malamig lang kasi ang hangin. I’m going back to my hotel now.” Naglakad na siya para iwasan ang lalaki.

It’s not good. Her heart is not in good condition. Kailangan niya munang pakalmahin ang kanyang puso at sarili. Ayaw niyang gumawa ng kakaiba sa lalaking ito dahil ang tanging tumatakbo lang sa isipan niya ng mga sandaling iyon ay ang yakapin ito.

“Hey! Wait! Let me take you.” Hinarapangan ng lalaki ang daan niya.

Walang nagawa si Ashley kung hindi mapatingin dito. He is really handsome. Ngayon niya na sabi na talagang napakagwapo ng lalaki. Sobrang lapit kasi ang mukha nito sa kanya. He is more handsome that she thinks. Hindi lang iyon ang napansin niya. This guy in front of her is more matured than her husband. Napakurap siya at inilayo ang sarili. Upon thinking of her husband, she reminds herself not to be close on this guy.

“I can walk by myself. Thank you,” aniya at nilampasan ito.

But the man is persistent. Hindi na nga ito lumapit pero sinabayan siya nito sa paglalakad. Binaliwala na lang ni Ashley kahit ramdam na ramdam niya ang tingin ng lalaki sa kanyang likuran. Nang makarating siya ng kanyang tinutuluyang hotel ay lumingon siya sa lalaki para sana sabihin na tigilan na siya dahil nasa kanyang destinasyon na siya ngunit nakita niyang naglalakad na ito palayo.

Nakadama ng lungkot sa kanyang puso si Ashley. He really just walks her in front of her hotel. Sinugurado lang talaga nito na safe siyang makakabalik sa hotel na tinutuluyan niya.

‘Maybe I should thank him.’

Umiling si Ashley. Hindi na sila muling magkikita pa ng lalaking iyon dahil iyon ang magiging huling punta niya sa lugar na iyon. Magiging abala na kasi siya sa trabaho. Maaring kapag nagyaya ang pinsan at si Anna pero malabong doon siya tutuloy. Malaki naman kasi ang tahanan na pinagawa ni Alex  doon.

Naglakad na siya papunta sa kanyang hotel room. Nais iwaglit ni Ashley sa kanyang isipan ang lalaking iyon. It’s not worth it. Malapit na siya sa hotel room niya ng makita ang lalaking nakatayo sa may pinto.

“Peter…” tawag niya sa pinsan.

Napalingon sa kanya ang pinsan. “Hey! Saan ka galing?” May pag-aalalang tanong nito.

“Lumabas ako saglit at nagpahangin,” aniya.

Tumuyan na siyang nakalapit sa pinsan. Binuksan niya ang kanyang hotel room gamit ang susi. Nang pumasok siya ay sumunod sa kanya ang pinsan.

“May kailangan ka ba?” tanong niya dito.

“I just want to check if you are okay.”

Napalingon siya sa pinsan. Umupo ito sa single sofa na nandoon. Ngumiti siya sa pinsan. Umupo siya sa kama niya. Alam niya kung anong tinutukoy nitong pag-aalala niya. Dahil iyon sa nakita nila kanina. Nakita na kasi ni Peter sa larawan ang dati niyang asawa. Kaya sigurado akong nakilala agad nito ang lalaki kanina. Ngayon niya napagtanto kung bakit ganoon ang galaw ng pinsan. He is worried that it will affect her.

“I’m fine. Alam ko naman kasi na kamukha lang siya ng asawa ko.” Ngumiti siya sa pinsan.

“Hindi mo ba na-isip na maari siya ang asawa mo? Kamukhang-kamukha niya si Lorenzo.”

“Inisip ko din. They have the same face, body and voice. Nahihiwagahan ako sa lalaking iyon pero alam kung wala na ang asawa ko. Makita ko siyang inilibing, Peter. At saka, pitong taon na din ang lumipas. Kung siya si Lorenzo, dapat noon pa siya bumalik sa tabi ko.” Hindi niya ma-iwasan na malungkot.

Isang malalim na hininga ang ginawa ni Peter. “I know, you are confused right now. Kung may nais kang malaman sa kanya ay handa akong sumoporta sa desisyon mo, Ash.”

Tumayo si Peter at lumapit sa kanya. May ibinigay itong isang maliit na papel.

“Alam kong hindi ka mapapalagay kahit pa na iniisip mong nagkataon lang na kamukha siya ng asawa mo. Ito ang business card na binigay niya. You can use that to investigate him.”

Tinanggap niya ito at binasa. ‘Enzo Cruz. Hotel Manager. Pearl Marine Hotel and Resort.’

Kung ganoon ay Enzo ang pangalan ng lalaki. At isa itong hotel manager. Kung pagbabasehan ang mukha at tindig ng lalaki ay nasisigurado niyang ka-edad ito ng asawa. Napatingin siya kay Peter. She also needs to know whose Enzo is. Tama ang pinsan, hindi siya mapapalagay kung hindi niya malalaman ang totoo.

NASA ISANG CAFÉ IS Ashley at hinihintay ang agent na kinuha ni Patrick para alamin kung sino ba si Enzo Cruz. Pinaki-usapan niya si Patrick na alamin kung sino ang lalaki at wag sabihin ang mga pinsan. Nais niyang gumalaw ng maayos at saka siya gagawa ng hakbang kapag nakuha na ang resulta ng imbestigasyon. Ayaw niya din kasing mangi-alam ang mga pinsan sa kinakaharap niya ngayon.

“Hey, are you Ashley Cortez?”

Napatingin si Ashley sa kaliwa niya ng marinig ang tanong na iyon. Isang matangkad na babae ang nasa harap niya ngayon. Nagtagpo ang kanyang mga kilay. Pamilyar ang babae sa kanya. Parang minsan na niya itong nakita. Hindi niya lang maalala kung saan.

“Yes. May maitutulong ba ako sa iyo?” tanong niya.

Umupo sa isang upuan ang babae bago inilahad ang kamay. “I’m Mary Ann Cruz. Ako ang kinuha ni Sir Patrick na mag-imbestiga kay Enzo Cruz.”

Ibinaba ng babae ang isang brown envelope. Kinuha niya iyon. Kung ganoon ay isang agent ang babae. Tumingin siya sa babae bago niya binasa ang report nito.

Enzo Cruz is the only son of Mr. Ferdinand at Herena Cruz. May-ari ang mag-asawa ng Pearl Marine Hotel and Resort. Enzo is already in his late thirties and the hotel manager. May sariling bahay ang binata malapit sa hotel at may-ari ng Toyota Hilux.

Nagtagpo ang kilay niya ng walang makitang school information ng lalaki. Nagtaas ng tingin si Ashley.

“He doesn’t have an educational back ground?” Nagtatakang tanong niya.

“Yes! Because he is adapted. Ayon sa nalaman ko, walong taon na din mula ng makita ng mag-asawa ang lalaki ng hindi sinasadya sa isang daan. Walang maalala ang lalaki. Dahil walang nakaka-alam sa lugar nila kung sino siya, inampon at binigyan na lang ng pangalan ng mag-asawa. Everyone near them knows the story. Wala naman na-ilathala sa pahayagan na may nawawalang tao na kamukha ni Enzo Cruz.”

Nanginig ang kamay ni Ashley. Binunundol bigla ng kakaibang kaba ang puso niya. Hindi kaya? Hindi kaya si Enzo si Lorenzo? Pero inilibing niya ang asawa noon.

“Do you think he is Tito Lorenzo?”

Nagtaas siya ng tingin. Magbago na ang ekpresyon sa mukha ng babae. May pag-aalala iyon.

“How did you know about Lorenzo?”

Huminga ng malalim ang babae. “If you don’t remember me, let me introduce myself again. I’m Maria Silina Annie Dela Costa-Madrigal. I’m legally adapted daughter of Sofia Fe Cathylyn and Dennis Lorenzo Madrigal.”

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Bigla niyang naalala ang araw ng libing ng asawa. May isang babae sa isang sulok na nakamasid lang sa kanila. Kung ganoon ay ito ang babae iyon. Ampon na anak ito ng dati niyang kaibigan.

“Anak ka ni Dennis?” Hindi makapaniwalang tanong niya.

“Yes. Ako ang panganay nila. May dalawa na akong kapatid. Kambal sila.” Sagot nito.

“How’s Dennis? Is he doing, okay?” Binalot ng lungkot ang puso niya.

Hindi na sila nagkaka-usap ng binata. Kahit na sabihin ni Dennis na hindi magbabago ang tingin nito sa kanya ay nagkaroon pa rin ng lamat ang pagkakaibigan nila. They stay away from each other. To forget the pain, she decided to stay away from him. Nang ikasal ito kay Sofia ay nakatanggap siya ng invitation ngunit hindi siya pumunta. Ayaw niya din kasing makita ang ama ng binata. Baka kapag pumunta siya ay magkagulo ang lahat dahil galit pa rin sa kanya ang ama nito.

“My dad is doing good,” wika nito.

“That’s good to hear.” Yumuko siya.

“Do you want me to conduct a DNA test for that guy? Sa tingin mo ba siya ang Tito Lorenzo ko.”

“Hindi ko alam pero iba ang kutob ko ngayong nalaman ko ang lahat ng ito.” Nagtaas siya ng tingin. “Can we do that? Can we conduct a DNA test?”

“Yes, but we need that guy hair sample. Or even a saliva. Pwede akong makakuha noon pero hindi ko alam kung kailan. Hindi ako pwedeng bumalik ng Pangasinan ngayon. Hindi kasi alam ni Daddy na tumatanggap pa rin ako ng trabaho sa agency ni Sir Patrick.”

Bigla siyang nag-aalala. Kung ganoon ay matatagal bago nila malaman ang totoo.

“I can ask for other agent but I can’t promise you na hindi malalaman ni Daddy ang gagawin natin. Ganoon din sa mga pinsan mo.” Dagdag ni Mary Ann.

Hindi siya nakapagsalita. Nag-iisip siya ng paraan.

“Let me handle that. Wag mo munang sabihin kay Patrick itong nalaman mo hanggang hindi tayo nakakapag-DNA test. Maari kasi niyang sabihin sa Daddy mo at sa mga pinsan ko din. Can we work this alone? Akong bahala na kumuha ng hair sample niya.” Nakiki-usap niyang wika kay Mary Ann.

“Okay. Let’s work on this. Pero… okay lang ba sa iyo na lumapit sa kanya?” May pag-aalalang tanong ni Mary Ann.

Tumungo siya. “Yes. At saka, may nais din akong malaman.”

INALIS NI ASHLEY ANG SUOT na sunglasses. Nasa harap siya ngayon ng hotel kung saan pagmamay-ari ng mga Cruz. May isang linggo siya para magawa ang misyon niya doon. Mary Ann said that she just needs to get the hair sample of Enzo. Iyon lang ang kailangan niyang kunin. Ito naman daw ang bahala sa hair sample ng ama nito.

Nangako sa kanya si Mary Ann na walang sasabihin kay Dennis hanggang hindi nil ana-kokomperma na si Enzo ang Tito Lorenzo nito. May tiwala siyang hindi lalabag sa usapan nila si Mary Ann. Dela Costa ito at alam niyang may prinsipyo ang isang katulad nito.

“Ma’am, your room will be in the left side of this resort. Here’s the key for your room.” Inilapag nito ang isang susi.

Kinuha niya iyon at nakangiting nagpasalamat. Hinila na niya ang kanyang luggage at tinahak ang magiging kwarto niya. Hindi niya alam kung makikita ba niya agad si Enzo pero umaasa siya. Isang linggo lang ang sinabi niya sa pinsan. Ang alam ng mga ito ay sa Subic siya magbabakasyon. Walang tanong-tanong na pumayag ang mga ito. Pinagsabihan niya din ang body guard niya na wag sasabihin kay Tita Ivy ang tungkol sa ginagawa niyang hakbang.

Nang maayos na niya ang gamit ay lumabas siya ng kwarto niya. Nagugutom na niya ng mga sandaling iyon. Ang alam niya ay may restaurant ang resort na iyon ngunit di niya alam kung masarap. Napakasimple lang kasi ng hotel at resort na iyon. Narating ni Ashley ang distinasyon. Mayroon nga kaso self-service.

Walang nagawa si Ashley kung hindi ang kumuha ng pagkain. More on Pilipino dish. Kaya naman pinili niya ang pamilyar sa kanya. Kagaya ng adobo, lumpia, at pansit. Kumuha din siya ng leche plan. She misses eating sweet food. Inilapag ni Ashley ang pagkain sa mesa. Pinili niya ang mesang tanaw ang dagat. Wala siyang kasama kaya naman walang paki-alam na kumain si Ashley. Nakalimutan niyang kumain na kagaya ng ginagawa niya sa ibang lugar. She just wanted to eat like there’s no tomorrow.

“Hi. Can I share a table with you?”

Nagtaas ng tingin si Ashley ng marinig ang tanong na iyon. Isang matangkad na lalaki ang ngayon ay nakatayo sa harap niya. May hawak itong isang plato ng pagkain at baso ng orange juice. Tumaas ang kilay niya. Tumingin siya sa paligid at napansin niyang maraming tao na ngayong kumakain sa lugar na iyon. At halos lahat ng mesa ay may naka-upo. She have no choice but to share her table.

“Do as you want,” aniya.

“Thank you.” Inilapag ng lalaki ang plato nito.

Hindi naman pinansin ni Ashley ang lalaki at muling kumain na lang. Nang matapos siya ay tumayo siya para kumuha ng kape. She wants to drink a coffee while waiting for someone. Umaasa siyang makikita ang lalaki sa restaurant na iyon. Bumalik siya sa dating kina-uupuan. Nandoon pa rin ang lalaki at kumakain pa rin ito.

‘Ang bagal niya yatang kumain?’ natanong ni Ashley sa sarili.

“Masarap ba?” tanong ng lalaki.

Napatingin siyad ito. Nakatingin ito sa kape niyang hawak. Tumaas pa lalo ang kilay niya. “Yes. If you want some, there’s a coffee at that side.”

Ininguso niya kung saan niya kinuha ang kapeng iniinum.

“I know.” Ngumiti ang lalaki at muling kumain.

Tumaas lang ang kilay at pinagpatuloy ang pag-inum. Iniikot niya ang tingin sa paligid ng mahagip ng kanyang mga mata ang isang lalaki. Agad na bumilis ang tibok ng kanyang puso. Enzo Cruz is walking inside that restaurant. Simpleng putting polo shirt at short maong ang suot ng lalaki. May ilang tauhan ng restaurant ang bumati dito.

She can’t help it but to admires this man. Kung gwapo ang asawa niya mas masasabi niyang mas gwapo at maappel si Enzo. Mas matured kasi ang mukha nito kaysa sa namatay niyang asawa. Hindi lang iyon, mas malaki ang katawan nito. This man is well build. Parang batak ito sa buhat.

“Are you interest at him?”

Napakurap si Ashley ng marinig ang tanong ng lalaking kasama sa mesang iyon. Mataman itong nakatingin sa kanya. Tinaasan lang niya ito ng kilay.

“It’s none of your business.” Mataray niyang sagot.

“I just want to know. Napatulala ka kasi ng pumasok ang lalaking iyon.” May naglalarong ngiti sa labi ng lalaki.

“He is handsome. That’s all.” Muli niyang iniinum ang kape.

She doesn’t want to talk to this man but she doesn’t want him to know that she has a thing for Enzo. Ayaw niyang gumawa ng eksena doon. Napansin niyang itinaas ng lalaki ang isa nitong kamay. Hindi na lang niya pinsan ito.

“What are you doing here?”

Nanigas sa kina-upuan nito si Ashley ng marinig ang boses ni Enzo. Is it really Enzo? Kinaka-usap nito ang lalaking kasama niya sa mesang iyon.

“I’m so bored at my parents house. I just want to unwild.” Sagot ng lalaki.

“I just tell your sister that you are here, Shake.”

“Oh! Wag mong sasabihin kay Ate Shy na nandito ako. Siguradong papagalitan ako noon.”

“Papagalitan? Umalis ka na naman ba ng mansyon niyo ng hindi nagpapaalam?” May himig ng galit na tanong ni Enzo.

Wala siyang narinig na sagot mula sa lalaki.

“Are you here to date?” tanong ni Enzo pagkalipas ng ilang minutong katahimikan.

Bigla tuloy napatingin dito si Ashley dahil naramdaman niya ang tingin ni Enzo. At tama nga ang hinala niya dahil sa kanya nakatingin ang binata.

“She is not my date. Naki-upo lang ako dahil walang bakanteng mesa kanina. I don’t even know her name.” Tumaas ang isang sulok ng labi ng lalaki.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Enzo. “You are missing around again. Sasabihin ko talaga kay Shy itong pinanggagawa mo.”

“Anong sasabihin mo sa akin tungkol sa kapatid ko, Hon?”

Isang malambing na boses ang narinig niya. At mula sa likuran ay may isang babaeng biglang lumitaw. Mabilis na pinalupot ng babae ang braso nito sa braso ni Enzo.

“May kinukulit na naman na bisita ng hotel itong magaling mong kapatid, my lovely princess.”

Natabig ni Ashley ang kapeng ini-inum ng marinig ang sinabing iyon ni Enzo. Para siyang tinamaan ng kidlat ng mga sandaling iyon. Bakit ganoon ang tawag ni Enzo sa babaeng katabi nito at nakayakap sa braso nito?

🌷🌷🌷

HanjMie

Continue Reading

You'll Also Like

343 63 16
Long time crush ni Melissa si Joseph, at kahit na kilalang playboy ng campus ay nagawa namang tumino ni Joseph nuong mapaibig sya ni Melissa. - Nagin...
1.3K 251 31
Isang Kwento ng pagkakaibigan, pagkakaibigan na lumalim dahil sa musika.
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
2.5K 202 29
A collaboration with Raven Sanz and c U'around D'corner Book 4 of Mantovani Maids Series Will be available in August in a physical book set; stalk my...