When the Moon Heals (Sequel #...

By Maria_CarCat

3.5M 158K 96.6K

This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadon... More

When the Moon Heals
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter

Chapter 42

48.1K 2.6K 1.6K
By Maria_CarCat

Resign





Gustong kong maging masaya dahil sa narinig ko. Pero hindi ko din alam kung bakit hindi ko magawang maramdaman iyon. Marahil siguro ay natakot nanaman ako, na baka kung makaramdam ako ng saya ngayon ay lungkot naman ang susunod.

"Hintayin mo si Tatay, Alihilani..." sabi niya sa akin.

Bumalik ang lahat ng sakit nang marinig ko ulit ang mga katagang iyon. Ipinagsawalang bahala ko na lang at marahang tumango habang mariing nakapikit.

"Sino yan?" matigas na tanong ni Kuya Simeon.

"S-si Tatay po...Kuya," alanganing sagot ko sa kanya dahil kanina pa hindi maganda ang kanyang timpla. Naiintindihan ko naman iyon pero ayoko lang na lumalala pa.

"Kakausapin ko," matigas na sabi niya at naglahad pa ng kamay.

Bumaba muna ang tingin ko sa nakalahad niyang kamay bago ko narinig ang sinabi ni Tatay sa kabilang linya.

"Ang Kuya Simeon mo ba iyan? Sige at ibigay mo," utos niya sa akin kaya naman iyon ang ginawa ko.

Matapos kong ibigay kay Kuya Simeone ang phone ay muli kong hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Nanay. Ilang beses ko iyong hinalikan, panay pa din ang tingin ko sa dibdib niya, sinisigurado kong nagtataas-baba iyon.

"Anong balak mo!?" gulat pero may diing tanong ni Kuya kay Tatay.

"Kasalanan mong lahat ito!."

Nailagay ko na lamang ang kamay ni Nanay sa aking noo at mas lalong napapikit. Mabigat ang pakiramdam ko simula ng dumating ako dito pero hindi ko din halos maramdaman pa dahil wala akong panahong ramdamin siya.

Sa huli ay dahan dahan ding kumalma si Kuya habang nakikipag-usap kay Nanay.

"Wag mong gawing kabit mo ang nanay ko! Hindi siya ganoon," galit na sabi ni Kuya pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang boses.

Napatingin ako sa kanya, tinapunan niya lang din ako ng sandaling tingin bago niya ako tinalikuran.

"Pag medyo maayos na ang lagay ni Nanay...ihahatid ko siya sa address na ibibigay ng Tatay mo. Pumayag lang ako dahil hindi ako mapapanatag sa ibang bansa kung iiwan ko kayo dito na ganito lang," paliwanag ni Kuya.

"S-salamat, Kuya..."

"Hindi pwedeng sabay kayong mawala ni Nanay. Dapat ay magpaalam ka na muna sa trabaho at mga kaibigan mo para naman hindi masyadong maging maingay ang pag-alis niyo na parang bigla lang kayong nawala," dugtong pa niya na mabilis kong tinanguan.

Naisip ko din ang mga maiiwan namin dito. Ang bahay, ang trabaho ko, ang mga kaibigan ko...mabigat para sa akin na mapalayo sa kanila dahil itinuring ko na din silang parte ng pamilya ko.

Mabigat sa dibdib habng iniisip kong hindi na ako papasok sa factory kung nasaan ang mga kaibigan ko. Si Junie na sasalubungin ako ng maingay niyang bunganga sa umaga, si Ericka na parang kapatid ko na din, at si Eroz na kahit hindi maganda ang ipinakita ko kay Gertie nung unang pagkikita namin ay naging mabuti pa din sa akin.

Ganoon din ang magpinsang Montero. Si Gertie at ang kadaldalan niya, isama mo pa ang anak niyang nagmana sa kaingayan niya, si Vera na kahit suplada ay naging mabuti sa akin at malapit ko pang kaibigan. Sa isang iglap...kailangan ko silang iwang lahat.

Madaling araw ng magising si Nanay kaya naman umiyak ulit ako habang nakayakap sa kanya.

"Ayos na si Nanay, Alihilani...ayokong nakitang umiiyak ka," marahang suway niya sa akin.

Kahit naka-swero ang isang kamay ay nagawa pa niyang pahiran ang luha sa aking mga mata.

"Natakot po ako, Nay..." sumbong ko sa kanya.

"Natakot din ako..." pag-amin niya sa akin kaya naman mas lalong nanlabo ang aking mga mata.

"Gusto ko pang makasama ang Alihilani ko," sabi niya sa akin.

Mas nasaktan ako dahil sa narinig. Mas nasaktan ako ng malaman kong takot din si Nanay na iwan kami kaya naman gagawin ko ang lahat para gumaling siya.

Tinawag ko kaagad ang Doctor pagkagising niya. Mabuti naman ang lahat kay Nanay sabi nito at kailangan lang talaga ng pahinga. May inabot din siya sa aking reseta ng mga gamot na kailangang bilhin.

"Sandali lang po ako, Nay."

Bago pa man ako tuluyang makaalis ay hinawakan niya na ang aking kamay para pigilan ako.

"Mahal dito? Bakit hindi na lang ward ang kinuha natin?" tanong niya ng mapansing niyang kami lang ang tao sa kwarto dahil bakante pa ang isang kama sa kanyang tabi.

"Wag niyo na pong isipin ang gastos, Nay. Ayos na po ang lahat..." paninigurado ko sa kanya.

Tipid siyang tumango kahit kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya ng muli niyang pinasadahan ng tingin ang buong paligid.

Lumabas ako sandali para pumunta sa Pharmacy, matapos ibigay ang mga nakalistang gamot sa akin ay pinalipat naman ako sa accounting para doon iyon bayaran.

Pina-inom ko kaagad si Nanay ng gamot matapos niyang kumain ng tinapay. Ramdam ko ang panunuod at tingin niya sa akin habang may ginagawa ako.

"Kamusta ang Maynila? May mga litrato ka ba?" tanong niya sa akin.

Sandali akong napahinto at tumingin sa kanya. Hindi ito ang tamang panahon para malaman ni Nanay ang nangyari sa amin ni Hob. Wala din naman sa plano ko na sabihin sa kanya ang buong detalye.

"M-mayroon po, Nay..."

Lumapit ako sa kanya para ipakita ang ilang litrato na nasa aking cellphone. Kaunti lang ang nandoon dahil halos lahat ng litrato ko at naming dalawa ni Hob ay nasa phone niya. Sayang lang ang mga iyon, sigurado akong binura niya na.

"Bagay ka sa Maynila..." sabi ni Nanay sa akin.

Tipid lang akong tumango habang pinapanuod siyang tingnan ang mga litrato ko. Hindi nawala ang ngiti sa labi niya habang ginagawa niya iyon.

"Ang gwapo ni Hob dito..." turo niya sa isang litrato ni Hob na ako ang kumuha na hindi niya alam.

Kahit ayoko munang alalahanin ang Manila ay napilitan akong magkwento tungkol doon para kay Nanay.

"Kasama mo ba si Hob nang umuwi ka dito? Kailan siya babalik? Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya," si Nanay.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na hindi na babalik si Hob dahil sa nangyari. Ni hindi ko nga din iyon masabi mismo sa akin dahil hindi ko din alam kung paano tatanggapin ang katotohanang iyon.

"May hindi ka sinasabi sa akin?" tanong niya. Kaunting salita na lang ay mukhang bibigay na talaga ang mga luha ko kay Nanay.

"Uhm...Nasampal ko po si Vera. Mabigat po sa dibdib dahil alam kong hindi tama na manakit ng tao lalo na ng kaibigan kahit galit ka pa..." pag-amin ko kay Nanay.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Walang kasalanan si Vera sa nangyari sa akin. Simula ng malaman niyang naka-uwi na ako sa atin...araw araw siyang pumupunta doon para samahan ako. Inalok pa nga niya akong doon muna sa kanila habang wala ka..." kwento ni Nanay kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng guilt dahil sa nagawa ko.

"Pero naiintindihan ko din kung bakit mo nagawa iyon. Hindi tama ang manakit kaya naman sigurado akong mapapatawad ka niya kung kakausapin mo siya at hihingi ng tawad," pangaral sa akin ni Nanay.

May kakaiba sa tingin niya sa akin. Para bang ramdam niyang may problema pa ako bukod sa mga sinabi ko pero nanatili siyang tahamik, hinihintay niya lang na ako mismo ang mag-kwento sa kanya.

Maaga akong nagising kinaumagahan kahit pa halos madaling araw na kami nakatulog ni Nanay.

"Kamusta si Tita Cleo?" tanong ni Eroz sa akin.

Magkasama sila ni Julio na pinuntahan ako para magdala ng mga pagkain at prutad, at almusal na din.

Sinabi ko sa kanila kung anong sinabi ng Doctor, matapos iyon ay hinarap ko na si Eroz at ang tahimik na si Julio sa kanyang tabi.

"Babalik ako sa susunod na araw sa factory para magpasa ng resignation letter," sabi ko sa kanya.

Kita ko ang gulay sa mukha nilang dalawa pero pinilit nilang maging kalmado.

"Lilipat kami ni Nanay pansamantala habang nagpapagaling siya..." dugtong ko.

Mas lalong gusto kong maiyak ng makita ko ang lungkot sa mukha nilang dalawa. Ngumiti ako para bawasan ang emosyon.

"Palagi naman akong babalik dito. Wag kayong mag-alala, hindi ko tatakbuhan ang mga inaanak ko sa pasko." biro ko pa sa kanila.

Mahigpit akong niyakap ni Julio. Naging emosyonal ako dahil doon dahil kahit kailan ay hindi naman niya kami iniwan ni Nanay. Kahit kaaway namin ang Tita niya ay hindi naging ganoon ang tingin niya sa amin, hindi naging masama ang trato niya sa amin.

"Sasabihin ko ito kay Gertie," sabi ni Eroz kaya naman natawa ako.

"Baka umiyak pa sa harapan ko ang maingay na yon," pang-aasar ko sa kanya kaya naman napangisi siya dahil aminadong maingay ang asawa.

Bigla ko ding naisip si Yaya Esme at si Gianneri. Mamimiss ko talaga silang lahat.

Maliwanag na sa labas ng umalis sina Eroz at Julio. Bumalik na din sina Kuya kaya naman hinayaan nilang umuwi muna ako para maka-ligo at makapagpalit na din ng damit. Kailangan ko ding kumuha ng mga gamit ko dahil naiwan ko kila Hob ang mga dinala ko.

Kakatapos ko lang maligo at abala ako sa pagpili ng mga dadalhin sa hospital ng tumunog ang phone ko para sa isang tawag. Hindi pa ako makapaniwala nung una ng makita kong si Hob iyon.

Nagdalawang isip akong sagutin iyon pero sa huli ay iyon ang ginawa ko.

Tahimik ang kabilang linya pero ramdam kong nandoon siya at nakikinig lang din sa akin.

"Hob..." tawag ko sa kanya at muntik pang pumiyok dahil sa emosyon.

Mas lalong bumigat ang bawat paghinga niya hanggang sa marinig ko ang mahina niyang pag-ngisi.

"I miss you, Miss..." sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

Hindi lang iyon dahil ramdam ko ding may kakaiba sa boses niya kaya naman muli kong tiningnan ang orasan.

"Hob, lasing ka? Masyado pang maaga para..."

"Galit ako sayo pero...gusto kong marinig yung boses mo," sabi niya sa akin. Ramdam ko din ang pagiging garalgal ng boses niya. Alam kong emosyonal din siya sa kabilang linya.

Tumulo ang luha sa aking mga mata. Masakit ang mga nagdaang araw sa pagitan naming dalawa pero mayroong kung ano talaga sa presencya niya na pakiramdam ko ay ligtas ako.

"Sana hindi na lang nangyari..." natawang sabi pa niya.

"Hindi ko ginusto yung nangyari," pag-uulit ko pero hindi naman niya iyon pinansin.

"Galit ako sayo, Alihilani..." pag-uulit niya sa akin.

Marahan akong napatango habang pinakikinggan ko ang mga hinaing niya sa kabilang linya. Mukhang mas mahinahon na siya ngayon pero nandoon pa din yung sakit.

Bigla lang namatay ang tawag ng wala siyang pasabi kaya naman halos gusto ko na lang yakapin ang phone. Pwede kong tawagan si Hob ulit ngayon kung gugustuhin ko pero hindi ko ginawa. Si Nanay ang importante ngayon, ang pamilya ko ang importante ngayon.

Parte si Hob ng pamilya ko. Importante din siya para sa akin pero sa mga nangyari? Mas mabuti na lang talaga na maghiwalay kami. Mas mabuti na itong malayo siya sa akin...malayo kami sa isa't isa.

"Alice!" tawag ni Gertie sa akin ng makita niya ako.

Nasa frontdoor na siya at mukhang may pupuntahan. Sakto ang dating ko kaya naman doon na kami nagpang-abot.

Mahigpit niya ako niyakap na kaagad ko namang ginantihan.

"I wish na Tita Cleo is ok na. We are worried talaga when we heard na she's in the hospital," sabi niya sa akin.

"Ayos na siya ngayon," paninigurado ko sa kanya.

Matapos kay Gertie ay sinubukan kong pumasok sa kanila ng yayain niya ako ng biglang lumabas ang isa sa mga kasambahay nila.

"Utos po ni Senyorita Vera na wag papapasukin si Ms. Alice," sabi nito sa amin.

"Ate Vera is joking lang for sure!" alanganing sabi ni Gertie sa akin.

"Senyorita, hindi po nagbibiro...galit po talaga," nakangiwing sabi ng kasambahay kaya naman nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Gertie.

"Ayos lang, sa ibang araw na lang siguro..." sabi ko sa kanya kaya naman humaba ang nguso niya.

"Baka she's badmood lang. Minsan nga inaway niya din ako," sabi niya sa akin para pagaanin ang loob ko.

"Ayos lang, naiintindihan ko naman ang Ate Vera mo," suway ko sa kanya.

Mas lalong tumulis ang nguso niya at parang maiiyak pa.

"She needs to know also na youll leave Sta. Maria na with Tita Cleo. Mami-miss ka namin, Alice!" emosyonal na sabi ni Gertie at muling yumakap sa akin.

Nanlabo ang mga mata ko dahil sa yakap niya sa akin.

"Magkaaway tayo kaya wag mo akong ma-miss!" natatawang sabi ko sa kanya pero umiling siya sa akin at humigpit pa lalo ang yakap.

"Love ka naming lahat kahit you're always nang-iirap," sabi pa niya sa akin kaya naman mas lalo akong natawa.

Napabitaw ng yakap si Gertie sa akin ng lumabas si Vera sa may frontdoor. Nakahalukipkip at nakataas pa ang kilay sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong niya sa akin.

"Ate Vera..." si Gertie.

"I already told everyone here na hindi pwedeng papasukin ang babaeng yan," sabi niya sa amin.

"Ate!" tawag ni Gertie sa kanya at kulang na lang ay magmaktol sa harapan naming dalawa.

"Pumunta ako dito para mag-sorry sa pagsampal ko sayo. Mali iyon, nadala lang ako ng takot dahil sa nangyari kay Nanay..." sabi ko sa kanya. Maiintindihan ko kung hindi niya tatanggapin.

"Sampal? Sampal na yon?" nakangising tanong niya sa akin.

"I understand...you should really save yourself sa akin dahil lahat naman talaga ng nilalapitan ko ay napapahamak..." masungit na sabi niya kaya naman bumagsak ang balikat ko.

Naging insensitive ako sa mga salitang binitawan ko sa kanya. Alam kong masyadong mabigat iyon para sa kanay dahil na din sa mga naranasan ni Vera.

"Umalis ka na," sabi niya sa akin at tangkang tatalikuran kami ng pigilan siya ng Gertie.

"They will leave Sta. Maria na. Alice will resign na nga din sa factory...hindi na natin siya palaging makikita here, Ate Vera."

Sandaling napahinto si Vera kahit nakatalikod siya sa amin, sandali niya lang akong nilingon. Nakita ko kaagad ang pamumula ng mata niya bago siya nag-iwas ng tingin.

"I don't care," sabi niya bago tuluyang pumasok sa kanila.

"What's happening?" malungkot na tanong ni Gertie sa akin. Para siyang batang inagawan ng candy habang naiiyak sa harapan ko.

"Magiging ayos din kami ng Ate Vera mo...kung hindi pa din ay papa-inomin ko na iyan ng ihi ng paniki," sabi ko sa kanya kaya naman natawa siya.

"Baka sumakit ang tiyan ng Ate Vera ko," inosenteng sabi niya sa akin kaya naman ako na lang ang napasapo sa aking noo.

Bumalik ako sa hospital pagkatapos sa mga Montero. Gising na si Nanay at kausap ang ilang bisita na mukhang kaibigan niya mula pa sa ibang bayan. Nakikita ko lang sila pag may espesyal na okasyon noon.

"Pupunta po muna ako sa bangko, may kailangan ng bayaran dito sa hospital," paalam ko kina Kuya. Hindi ko ma-istorbo si Nanay at ang mga kausap niya kaya naman nilingon ko lang siya bago ako tuluyang umalis.

Isa isa kong tiningnan ang mga nakalista sa ibinigay na papel ng nurse sa akin para tingnan kung tama nga iyon. Balak kong kuhanin na din ang lahat ng ipon ko para hindi na mag-pabalik balik pa.

Naghihintay ako sa pagbukas ng elevator, nagulat na lang ako ng makita ko si Hunter at ang masungit na si Piero na nasa loob non.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila.

Hindi pa man ako nakakapag-react kaagad ay nahila na nila ako papasok sa elevator. Bumaba na ang mga kasabay nila kaya naiwan kaming tatlo sa loob.

"Anong ginagawa niyo dito?" pag-uulit ko.

Masama ang tingin ni Piero Herrer sa akin kaya naman nag-iwas ako ng tingin. Nanataling seryoso si Hunter.

"Kailngan mong sumama sa amin," sabi niya.

"Hindi ako sasama..." madiing sabi ko. Tumayo ako sa gitna ng elevator para ihanda ang sarili ko sa paglabas sa oras na bumukas ang pinto sa may ground floor.

"Wag ng matigas ang ulo, Alihilani. Kailangan mo itong malaman..." sabi ni Hunter sa akin kaya naman nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Wala akong kailangang malaman bukod sa kailangan kong lumayo sayo at sa...pamilya mo," sabi ko at mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Hindi naman pala kailangan gn tulong...aalis na ako," matigas na sabi ni Piero pero hindi ko nagawang lingonin siya.

"Piero," tawag na suway ni Hunter sa kanya.

"Sinaktan niyo ang paborito kong pinsan...hindi ako pabor sa ganon," seryosong sabi niya.

Hindi kami naka-imik ni Hunter. Hindi na ako nagmatigas pa sa kanila at sumama na. Galit si Piero Herrer sa akin at naiintindihan ko naman iyon.

Sumakay kami sa isang itim na suv na minaneho ni Piero, sa passenger seat naman ay si Hunter at ako lang mag-isa sa likod.

Tahimik lang kaming tatlo hanggang sa pumasok ang sasakyan sa isang lumang gusali. Bigla akong nakaramdam ng takot kahit pa kilala ko naman sila at pinsan sila ng kaibigan kong si Eroz.

Napansin ata iyon ni Hunter ng lingonin niya ako.

"Wag kang matakot..." suway niya sa akin at umirap pa.

Ngumisi ang katabi niyang si Piero.

"Mukha ka daw kasing kidnapper," pang-aasar niya dito.

"Gago," asik ni Hunter sa kanya at binatukan pa siya.

"Amputa!" malutong na asik ni Piero sa pinsan.

Gusto kong suwayin silang dalawa dahil kahit nakakatakot ang lugar ay parang wala lang sa kanila ay nagawa pa talaga nilang mag-usap at magbiruan.

Nuna silang bumaba pagkahinto ng sasakyan. Nasa gawi ako ng driver seat kaya naman si Piero ang nagbukas ng pintuan ko. Masama ang tingin niya sa akin kaya naman masama ko din siyang tiningnan.

"Amputa, ang sungit nito! Nagustuhan to ni Hob!?" tanong niya kay Hunter kaya naman mas lalo ko siyang sinimangutan.

Tahimik lang akong nakasunod sa kanilang dalawa papasok sa lumang gusali hanggang sa mapahinto ako ng makita ko ang pamilyar na lalaki sa gitna. Nakatali siya sa may upuan at may mga sugat sa mukha.

Nilingon ako ni Hunter. "Umamin siya na walang nangyari sa pagitan nating dalawa. Set up ang lahat..." sabi nito sa akin kaya naman uminit ang magkabilang gilid gn aking mga mata.

Gusto kong maawa sa kalagayan niya ngayon pero mas nanaig ang galit at pagkamuhi ko sa kanya. Mabilis ko siyang nilapitan at pinagsasampal. Hinubaran nila ako at itinabi sa isa pang lalaki na hindi ko naman nobyo. Ginawa nila iyon sa akin at kumukulo talaga ang dugo ko habang iniisip ang lahat ng iyon.

"Walang hiya ka! Napaka-walang hiya mo!" asik ko sa kanya bago ko siya pinagsasampal.

Bumuhos ang aking mga luha habang ginagawa ko iyon sa kanya. Hindi nagtagal ay lumapit na din si Hunter sa akin para pigilan ako.

"Tama na iyan...magbabayad siya at ang gumawa nito," paninigurado niya sa akin.

"S-sino!?" Asik ko.

"Sinong nag-utos sayo!?" sigaw ko sa pagmumukha niya.

Hindi siya makapagsalita. Hindi niya din daw alam dahil ang kasama niya sa trabaho ang nag-alok nito sa kanya. Iyon ang pinaghahanap ng mga tauhan ni Piero ngayon.

"Wala na palang kwenta ang isang ito...tapusin na natin," pananakot ni Piero dito bago siya naglabas ng bala sa kanyang likuran.

"Wag po! Napag-utusan lang ako. Kailangan ko lang talaga ng pera para sa pag-aaral ng anak ko!" pagmamakaawa ng lalaki.

Galit ako sa kanya. Pero mas galit ako dahil naaawa ako sa kanya sa kabila ng mga ginawa niya sa akin. Dahil sa kanya ay nagkagulo ang lahat. Nagulo ang lahat.

"Pero hindi ko gagawin. Masyadong madali ito para sa kagaguhang ginawa mo sa pinsan ko," giit ni Piero.

Sumama ang tingin ni Hunter sa kanya. Tumingin pabalik si Piero at nagkibit balikat.

"Nandito ako para ipaghiganti si Hobbes," pag-amin niya.

"Kung magdadagdag ka ng complaint, tutulungan ka namin. Mas bibigat ang parusa sa kanya," sabi ni Hunter sa akin.

Matalim ang tingin ko sa lalaki, walang kapatawaran ang ginawa niya dahil hindi niya na maibabalik ang mga pangyayaring iyon. Bugbog sarado ang kanyang mukha at umiiyak siya ngayon sa harapan namin para mag-makaawa.

Hindi ako sa kanya naaawa kundi sa sinasabi niyang anak na gusto niyang pag-aralin gamit ang perang nakuha niya dahil sa masamang gawain.

"Magsasampa din ako ng kaso," pinal na sabi ko kay Hunter.

Naging abala din si Piero habang kausap niya ang mga tauhan para sa isa pang kasabwat na hinahanap nila.

Nakatulala lamang ako sa isang tabi habang hindi pa din mag-sink in sa akin ang lahat.

"Ipaalam na natin ito kay Kuya..." paglapit ni Hunter sa akin.

Iyon ang una kong gustong gawin ng malaman ko ang totoo. Pero ng makapag-isip isip na ako ay biglang nagbago ang desisyon ko.

"Kailangan ako ng pamilya ko ngayon..." sabi ko sa kanya ng hindi man lang siya tinitingnan.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya sa akin.

"Mas maayos na muna itong malayo si Hob sa akin. Hindi ko din naman siya mabibigyan ng oras..." sabi ko pa, kahit ang totoo ay mabigat ang dibdib ko.

"Sasamahan kitang kausapin siya," panghihikayat niya sa akin.

"Mahal ko ang Kuya mo, pero yung mga sinabi niya sa akin...yung mga nangyari. Ayoko na muna, Hunter..." sabi ko sa kanya kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

Hindi siya naka-imik hanggang sa lumapit si Piero sa amin. Kung nakasimangot siya kanina ay mas naka-simangot siya ngayon.

Ipinakita niya sa amin ang kung ano sa phone niya.

"Aalis si Hobbes?" tanong niya kay Hunter.

Napaayos ako ng tayo.

"May offer na project sa kanya sa Dubai," sagot ni Hunter sa kanya.

"Aalis nga? Nang walang pasabi? Bastos na bata!" masungit na sabi ni Piero bago siya may dinial na kung ano sa phone at lumayo sa amin para makipag-usap.

Ramdam ko ang tingin ni Hunter sa akin. Nag-dalawang isip pa akong kuhanin ang phone ko hanggang sa hindi ko na kinaya at kinuha ko na din. Umaasa akong may message mula sa kanya o kahit ano matapos ang tawag niya sa akin pero wala.

Napatitig ako sa phone ko hanggang sa muling lumapit si Piero sa amin at tapos na sa katawagan niya.

"My kasama daw na babae...Engineeer din," sabi niya sa amin pero ang tingin niya ay nasa akin.

"Gusto mong malaman pangalan?" tanong niya sa akin.

"H-hindi na. Wala naman na kami ni Hob kaya...a-ayos lang," sabi ko at kaagad silang iniwan na dalawa doon.

Matagal ko ding ipinagisipan ang desisyong ito noon. Na kung sa oras na papiliin ako sa pagitan ng nina Nanay at Tatay laban kay Hob...Ang mga magulang ko ang pipiliin ko.

Sila ang pipiliin ko hindi dahil hindi ko mahal si Hob kundi dahil gusto kong mas mahalin siya kung magiging buo ako. Kung gagaling ako sa sugat ng nakaraan dahil sa nangyari kina Nanay at Tatay...mas magagawa kong mahalin si Hob sa paraang alam kong deserve niya.

Matapos ang ilang araw ay nakalabas na din si Nanay sa hospital. Tinulungan kami nina Kuya Simeone at Kuya Santi na madala siya sa address na ibinigay ni Tatay. Hindi sana pabor si Nanay na maiiwan akong mag-isa sa bahay, pero kailangan naming gawin ang plano, kailangan naming mag-ingat.

Hindi niya din alam na magkikita sila ni Tatay doon. Ang alam niya lang ay lilipat muna kami habang nagpapagaling siya. Hindi na din muna namin pinag-usapan ang tungkol sa nangyari sa party. May tamang oras para sa lahat ng bagay.

Nag-aayos ako ng mga gamit na dadalhin ko sa lilipatan namin. Hindi naman namin dadalhin ang lahat dahil ito pa din naman ang bahay namin. Kailangan lang naming lumayo pansamantala.

"Ayos na ba ang mga karton na ito?" tanong ni Ericka sa akin.

Pumunta siya para tulungan akong mag-ayos ng gamit. Pagkatapos nito ay pupunta ako sa factory para mag-paalam sa kanila at sa mga Montero din para subukang kausapin ulit si Vera.

"Nag-iinarte pa din si Junie?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Alam mo naman ang isang iyon...mahal na mahal ka non," sabi ni Ericka sa akin kaya naman naging emosyonal din ako.

Bata pa lang ay magkaibigan na kami ni Junie kaya naman kahit wala kaming ginawang dalawa kundi ang mag-asaran ay kapatid na din talaga ang turing ko sa kanya. Ito ang unang beses na aalis ako dito sa Sta. Maria at magkakalayo kami.

"Gumawa nga pala kami ng bistek tagalog," sabi ni Ericka sa akin at binuksan pa ang tupperware sa mismong harapan ko.

Parang may kung anong umikot sa sikmura ko kaya naman kaagad akong naduwal at tumakbo papunta sa may lababo.

"Hala sorry, Alice. Ok pa naman ito..." sabi niya sa akin habang hinahaplos ang likuran ko.

Walang lumabas na kahit ano bukod sa naiyak ako dahil sa pagkakaduwal.

"Sa puyat lang din siguro kaya medyo mabigat ang pakiramdam ko. Masakit kasi sa ulo pag hindi ko nagugustuhan yung amoy," sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo ni Ericka habang nakatingin sa akin. "Ganyan din ako noon, nung pinagbubuntis ko si...Jacobus," sabi niya sa akin kaya naman bigla akong kinabahan.

"P-puyat at pagod lang ito..." giit ko at kaagad siyang tinalikuran.





(Maria_CarCat) 

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 176K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
86.3K 1.3K 23
𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗦𝗛𝗘𝗗 𝗨𝗡𝗗𝗘𝗥 𝗣𝗜𝗣 PURSUING MY DREAMS (SINGLE LADIES SERIES #5) Shelley Elana Olivares has so many dreams in life. She study hard t...