F.L.A.W Series Book 3: RUBY

By mimzee23

17.4K 1.4K 325

Warning: SPG / R-18 /Mature Content Female League of Assassins and Weapons F.L.A.W Series Book 3: RUBY "I am... More

Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Final Chapter
Special Chapter
Bonus Chapter (Book 4-Preview)

Chapter Eight

436 34 4
By mimzee23

"Ruby"

It echoed inside her head.

Lumalala na ang mga panaginip niya at mas lalong nagiging magulo. Mas lalong nadadagdagan ang mga katanungan niya sa isip na hindi mabigyang linaw.

The little girl in her dreams has grown but it's still hazy and vague. It doesn't make any sense and she can't see the face clearly. Simula noong nakaraang linggo ay dalawang beses na niyang napanaginipan ang batang babae na naging dalaga na at ang pangalang Twenty Six ay naging 'Ruby' na.

Ruby.

What does that mean? Who is she? Why is she having that dream?

Ganoon pa din ang mga tanong niya, nadadagdan lang kada Linggo at ni isa, walang sagot siyang nakukuha.

Nakatulala lang si Vixyn sa may kitchen counter habang nagbabalat ng mansanas na ima-mash niya para ipakain kay Sedi. Kahit lumilipad ang isip niya ay nagagawa pa din niyang magbalat gamit ang kutsilyo nang hindi siya nasusugatan.

Nagulat siya sa ingay na narinig at mabilis na itinutok ang hawak na kutsilyo.

"Ay Mam!!!" Sigaw ng kasambahay nila dahil sa leeg nito nakatutok ang kutsilyo. "Wag po, Mam, parang awa niyo na." Umiiyak na sambit nito.

Sakto naman na dumating si Percy mula sa paglalakad sa labas kasama si Sephy kaya't naabutan ang ganoong eksena.

"Mommy?" Tanong ng anak dahil sa pagtataka.

Natauhan naman si Vix ngunit hindi pa rin ibinababa ang kutsilyo. Nilingon niya ang bunso na kanina pa pala umiiyak.

"Vixyn, put the knife down!" Utos ng lalaki sa kanya.

"Sir tulong po!" Pagmamakaawa ng Yaya. "Papatayin ako ni Mam."

"Vix, put the knife down. You're scaring the kids." Anito kaya't pareho niyang tiningnan ang dalawang anak. Umiiyak si Sedi at si Sephy naman ay nakatago sa gilid ng ama habang nakatingin sa kanya. "Look, Sedi keeps on crying!"

Seryoso niyang tiningnan si Percy bago binalingan ang kasambahay.

"It's her fault that's why he's crying. Nagulat ang bata dahil binagsak niya ang plato at nabasag!" Madiin niyang sabi. "It was just my reflex, I thought someone is going to hurt me."

"No one is going to hurt you m here so please put down the knife!" May pinalidad na sa boses nito.

Dahan-dahang binaba ni Vix ang kutsilyo at inilapag sa may lababo. Masama niyang tiningnan ang katulong na umiiyak at masama ring nakatingin sa kanya.

"Magreresign na po ako at magrereklamo ako sa barangay dahil dito sa ginawa niyo!" Malakas nitong sabi.

"You don't have to do this," si Percy. "Nabigla lang ang Mam mo kaya niya-"

"Go on, do it!" Tulak pa ni Vix. Wala siyang nararamdamang takot sa mga oras na iyon. "Tingnan natin kung sino ang makukulong sa atin. May mga ebidensiya ako na pinagnanakawan mo kami dito."

"Ho? A-anong? H-Hindi po t-totoo yan!" Nauutal nitong sabi.

"Akala mo siguro hindi ko alam na sa tuwing maglilinis ka sa kwarto namin ay kumukuha ka ng pera sa wallet ko?."
Tumaas ang isang kilay niya. "I was too kind that's why you didn't see me as a threat. Hinayaan kita dahil minsan naikwento mo sa akin na kailangan mong magpadala ng pambili ng gamot ng anak mo. Hindi ka humingi pero nagnakaw ka. I let it pass because, yeah, I was too kind. But enough is enough. I need to attack first before anyone can bite me." Hindi naman na nagsalita ang katulong at mas lalong natakot lang. "You're fired!" Aniya at saka tiningnan ang asawa.

Hindi din kumibo si Percy para kontrahin ang desisyon niya. Akamng lalapitan niya ang bunsong anak para kargahin nang harangin siya ng asawa.

"Ako na ang bahala sa mga bata." Wika ng lalaki.

Kumunot ang noo ni Vix sa pagtataka.

"He's crying, he needs his mother." At lalagpasan na sana ang asawa para kunin ang bata nang harangin ulit siya para pigilan. "What are you doing?"

"I said I got this." Tila ayaw nitong lumapit siya sa anak. "Magbibihis ka pa diba dahil pupunta tayo kay Dra. Salcedo? You have a doctor's appointment, right?"

Saka lang niya naalala na may lakad nga pala sila.

"Oh, right." Aniya na parang natauhan bigla at saka nilingon ang kasambahay na tahimik na umiiyak sa gilid. "Pasensiya na, nabigla lang ako." At tiningnan ang sahig. "Paki-linis na lang ang kalat bago pa madisgrasya ang mga bata." At kay Percy ulit bumaling. "I'm going to change." Paalam niya at saka umakyat.

Napapikit si Vix pagkasarado niya ng kwarto nila. She had another outburst and it almost ended up bloody. She really needed help, professional help to fix her.

Iniwan na muna nila ang mga bata sa biyenan bago sila nagtungo sa clinic. Kinakabahan siya at naiilang ngunit kailangan niyang gawin iyon upang hindi na lumala pa ang kalagayan niya.

"You must be Vixyn." Wika ng isang maganda at batang doktor habang nakalahad ang kanang kamay. "I'm Doctor Celestine Salcedo. Doña Adelina Montenegro has informed me about your condition and I will do my best to help you."

"Thank you." Aniya pagkatapos tanggapin ang pakikipagkamay.

"For this to work, you have to trust me, you have to tell me everything." Wika ng Doktora.

"She doesn't remember anything from her past." Si Percy.

"I know, but she can tell me about her dreams and her feelings. Anything that runs inside her head." Sa kanya nakatingin. "Are you ready to do that?"

"Y-yeah."

Ready na siya ngunit hindi siya handa na isiwalat iyon nang nariyan ang asawa niya. Napansin naman ng doktora ang pagkailang niya at tila ba nakuha nito ang nais niyang iparating.

"We will do it inside my private office." Turo sa isang kwarto na nasa kanan nito at saka bumaling si Celeste kay Percy. "Just the two of us."

"Wait, what?" Kunot-noong tanong ng lalaki. "I'm her husband. I should be with her too in this session."

"Yes, you are her husband but there are some details that she needs to discuss alone with me. This should be a private matter between me and my patient."

"Hindi ako ibang tao, Doc, asawa niya ako. And she needs me, she needs me there." Pagpipilit pa din. "She can't do this alone-"

"It's okay, Pers." Vix stepped up and reached for his hand. "I can do this. Let me do this alone."

"You don't have to, I'm here. I told you we'll do this together, right? I'll help you-"

"You are helping me." Putol niya sa mister. "But Dr. Salcedo is right, I need to do this alone with her. Please, let me."

Kita niya sa mga mata ni Percy na hindi nito gusto ang hinihiling niya ngunit wala na itong magawa kundi ang magbuntong hininga na lang. He wanted to help her go through this journey but if she insists on doing this alone without him, then he must give it to her.

"Fine. I'll wait for you here." Pagsuko nito. "But if ever you need me, you can call out on me, okay? If you're not comfortable anymore, we can stop this anytime."

Napangiti siya sa malasakit ng asawa kaya't hinaplos niya ang mukha nito bago tumango bilang pagsang-ayon. Iginaya na siya ng doktor sa loob ng maliit na opisina at saka siya umupo sa isang komportableng sofa.

"Thank you, Doc." Pasalamat niya dahil na-gets agad nito ang gusto niyang mangyari.

"You're welcome. I'm a psychologist so I can easily understand my patient's behavior and movement." Nakangiting sagot. "Now, tell me about your feelings today. Answer all my questions with utmost honesty."

"Can I really trust you?" May pag-aalangan siya.

"You can. Anything you tell me here will be just between the two of us. Nothing will come outside these four corners of the room. Your secrets will stay private, I will keep it safe."

Vixyn felt she could trust someone like her and so she lets out everything that's bothering and worrying her these past weeks.

"I feel like I'm starting to change like I've become a different person. Most of the time I feel scared, afraid of what might happen next. But sometimes, that feeling will disappear as if I didn't care anymore, as if I am void of any emotions here." Sabay hawak sa dibdib. "I literally don't feel anything."

Matamang nakikinig lang sakanya ang babae, pinoproseso sa utak nito ang mga sinasabi niya.

"And this happened after the incident?" Tukoy nito sa pagkaka-hostage sa kanya.

"Yes. My nightmares started right after that. I felt different, something has changed in me when I saw his body on the floor."

"What did you feel when you saw your taker's dead body lying on the floor beside you?" Patuloy ni Celeste.

"Nothing. I felt nothing." Sagot niya habang napapatulala sa may mesa sa gitna nila. "It doesn't bother me at all. Seeing his blood gushing out of him, seeing how life slowly left his body, I didn't care, as if it was normal to see images like that." At saka lumipat ang tingin sa mga mata ng babae. "Was that normal?"

"In any near death situation, nothing is normal. We all have different ways to cope up with trauma and I think that was your way of coping up during that time. Your mind reacted, it shut down all your feelings to defend yourself. Your body just responded to your brain and so is your heart. You felt nothing to protect yourself but it's coming back to haunt you in your nightmares. It's targeting you when you're vulnerable when you're unable to defend yourself."

Pakiramdam ni Vix ay natumbok nito ang pinoproblema niya. Magaling nga ang babae sa trabaho nito.

"Now, tell me about your dreams." Patuloy nito. "All of it." Nang makitang may pag-aalala ma naman mula sa kanya ay pinayapa siyang muli. "It's alright, you can tell me anything, I am not here judge. I'm here to help."

Lumunok muna siya at huminga nang malalim bago nagsimula.

"I always dream about this little girl on a weird island." Panimula niya. "At first, I couldn't see her face properly, all the faces in my dreams were blurry. They're doing some brutal tasks, some-" saglit siyang huminto. "-some inhumane acts based from what the scary woman's wants. She was ordering those kids to- t-to torture animals, to fight with each other, to be brave and not to become weak."

"And in those dreams, that little girl, do you see her as if you're in front of her, watching her do those things? Or were you that little girl, you're the one who's doing all those inhumane acts?"

Saglit siyang hindi nakasagot. Tila ba may bumara sa lalamunan niya. Hindi niya alam kung saan patungo ang ginagawa nila ngunit kailangan niyang magtiwala sa babae.

"I was the little girl." Halos pabulong ang sagot niya. "When I turned to look at the mirror, I saw my daughter's face. I thought she was the one I was seeing in my dreams. Then it dawned on me that maybe she isn't, that maybe it was me all along. I was the kid and maybe that was my face I'm seeing. My face when I was still a child but I don't know because I don't remember anything and I don't have any picture with me when I was a kid." Napakuyom ang mga kamao niya habang mahigpit na nakahawak sa laylayan ng kanyang bestida. "Was the dream part of my past?"

Iyon ang bagay na paulit ulit niyang tinatanong sa isip tuwing magigising siya mula sa masamang panaginip. At natatakot siya sa maaaring maging kasagutan niyon.

"Dreams usually are a pile of images, it's a mere reflection of how we view ourselves and others, our problems and conflicts, or even the world in general. Kahit hindi natin iniisip palagi, nasa subconscious mind lang iyon kaya't sa panaginip lang natin lumalabas." Paliwanag nito. "Or sometimes, dreams are fragments of our pasts, a fraction of our repressed or suppressed memories."

"So it's possible that what I've been dreaming is part of my memory?"

"It is possible." Sagot sa kanya ng doktora. "But our dreams do not only replay memory fragments, but it also creates brand new memories, like we're creating our own story in mind."

"You mean to say that my mind makes it all up?" There's a slight hint of anger in there.

"Subconsciously, yes." Mahinahon pa din ang babae. "We're not doing it on purpose, it's just that our subconscious mind is very playful and can make us believe that dreams are real." Umayos ito ng upo. "I think, what happened to you during that hostage-taking situation has triggered something inside you. I don't know if it's just repressed or suppressed memories from your childhood or just simply a work of your subconscious. Either of the two, it's affecting you and your relationship with others, am I right?"

Hindi siya nakasagot kaagad kaya't napatango na lang siya.

"I'm scared that I am changing to someone I don't want to be."

"Have you talked to anyone about this? Did you tell your husband about your worries?"

"No." Mabilis niyang iling. "I don't want him to know. I don't want to burden him more about these dreams. Ayokong mas lalong maging pabigat sa kanya. He loved me despite not knowing who I was before. And I'm scared that if we find out who or what I was before this, can he still look at me the way he used to? Or will he change? That's all I'm worried about." Hindi na mapakali ang mga kamay niya dahil sa kaba.

"Do you still want to remember your past?" She couldn't answer her right away. "Or do you want to just forget about it and just continue your life right now?"

Ano nga ba ang mas gusto niya? Hindi rin niya alam ang sagot roon. Kung noon ay mas gusto niyang maalala ang nakaraan niya, ang maibalik sa kanya ang nawawalang alaala, ngayon ay nagdadalawang isip na siya. Dahil nga sa takot niya na baka maging ibang tao siya o baka magbago ang paningin ng lahat sa kanya ay nagbago na ang gusto niya- gusto na lang niyang ibaon sa limot ang nakaraan. Mabubuhay na lamang siya na ang kasalukuyang alaala na lang ang dadalhin niya sa pagtanda.

"I just want to stop my nightmares. I want to have a peaceful life with my family and just go back to being who I am in the present." Iyon na ang desisyon niya.

"So you want to lock your memories? If those dreams were really fragments of some repressed or suppressed memories of your past, are you sure you never want to open them?"

"No. I want it buried." Pinal na sagot ni Vix.

Celestine nodded at her. They came down to her final decision.

"In that case, we need to do a hypnotherapy on you." Suhestiyon ni doktora. "I will try to lock away your memories again. I will bury it deep but I can't promise that it won't resurface again. If something will trigger it again then you won't be able to stop it. It will pour right in front of you whether you like it or not."

Vixyn knew that there will be consequences but for now, she just want to be normal again.

"I understand. I'll just think of what do then when it happens but for now, help me stop this nightmares."

"Okay. Let's start then."

They did start with hypnotherapy and it lasted for an hour. Her session is twice a week and she has done with twelve sessions already. She's getting better with every session and she doesn't have any bad dreams anymore.

Nagsimula na siya sa kanyang home-baked business at talagang nauubos ang oras niya sa trabaho at sa kanyang pamilya kaya't wala nang oras ang utak niya sa ibang bagay. Maayos na ulit ang akto niya at wala na siyang kakaibang pakiramdam.

"Manag Fe, nakahanda na ho ba lahat ng dadalhin natin?" Tanong niya sa may edad na kasambahay habang karga karga si Sedi. Ang biyenan na niya ang nagbigay sa kanila ng bagong makakasama sa bahay at wala siyang mairereklamo dahil masipag at mabait ang matanda.

"Nailagay ko na sa sasakyan. Kumpleto na lahat iyon, yung mga gamit na lang ng mga bata ang kukunin ko sa itaas para ilagay na din."

"Sige salamat ho. Paki-check na lang ho si Sephy sa itaas kung tapos na siya." At saka bumaling sa asawa at sa bayaw niyang nag-uusap sa may sala. "Ayaw mo ba talagang sumama sa amin Mayor?" Pabirong tanong niya habang palapit sa dalawa.

"Nope. I still have so many things to do here in Manila. Alam mo naman na busy na ako ngayon kahit hindi ko pa pormal na inaanunsyo ang pagtakbo ko sa Senado." Na hinilot pa ang sentido na parang problemado. "May mga kalaban na agad ako kahit hindi pa nagsisimula sa kampanya."

"Nahuli na ba yung Mayor sa isang bayan sa Cotabato? Ikaw ang naglabas ng ebidensiya na sangkot yun sa smuggling diba?" Umupo siya sa armchair ng inuupuan ng asawa habang kandong ang bunso.

"Yup. I gave it all to Percy boy and he did the rest." Sabay turo sa kapatid.

"Ginawa ko lang din ang trabaho ko. We have enough evidences to tie Mayor  Manasan down so there's nothing he can do about it." Sabay pulupot ng kamay nito sa kanyang baywang.

Alam ni Vixyn na magaling ang asawa niya lalo na sa paghuli ng masasama. Walang nakakaligtas rito at todo imbestiga ito upang mas madiin ang suspek para wala nang kawala sa batas.

"But he still has the guts to threaten us, to threaten our whole family, huh!" Si Thadd.

"He can threaten us all he wants but he should never touch anyone among us. Pagsisisihan niya iyon kapag ginawa niya!" Si Percy.

"Daddy!" Tawag ni Sephy habang pagbaba sa hagdan. Independent na ang panganay nila dahil sinusubukan na nitong magbihis na mag-isa. "Are we not leaving yet?" Tanong nito at nang makita ang bisita nila ay patakbong lumapit agad. "Uncle Thadd!"

Kaagad namang kinarga ng tiyuhin ang pamangkin at saka kinandong.

"Hello, Kiddo! How are you?"

"I'm growing beautifully like my Mommy." Bumaling pa sa ina at ngumiti.

"Yes you are. Buti na lang si Mommy mo ang naging kamukha mo kasi kung si Daddy mo-"

"What?!" Asik naman ni Percy sa kapatid.

"Eh di nagmukha siyang lalaki." Biro ni Thadd na bumenta naman sa bata.

"Aren't you coming with us, Uncle?"

"I'm sorry, Hun, but Uncle is a little busy right now. You do understand my work, right?" He is slowly patting Sephy's head.

"Yes po. You're like Daddy, you're helping people too." Sagot ng bata ngunit halatang nalulungkot.

"Don't worry, pag nagkaron ng time si Uncle, lalabas tayo. We'll go to the amusement park how you've always wanted. Promise!" Nakataas pa ang palad nito para magmukhang nangangako.

"Six flags?" Paboritong amusement park nito sa Amerika.

"Six flags it is."

"Yehey!" At saka bumaba mula sa pagkakakandong at nagtatatalon.

"Sweety, go with Manang Fe. Check your things if it is all packed."

"Okay, Mommy." At saka bumaling sa tiyuhin at hinalikan sa pisngi. "Bye Uncle Thadd, keep your promise, okay?"

"I will, Sweetheart." At pinagmasdan na lamang ang bata habang masayang tumatakbo paalis.

Prinsesa talaga ang turing ng buong pamilya Montenegro kay Persephone dahil ito ang unang apo at nag-iisang babae pa. Pulos lalaki kasi ang mga magkakapatid kaya't nang dumating ang bata sa buhay nila ay mas napalapit ang mag-anak sa isa't isa. At iyon nga ang dahilan kung bakit spoiled ito sa abuelo't abuela at pati na din sa tatlong tiyuhin.

"Don't make promises to my daughter that you cannot keep, Thadd." Si Percy. "I don't want to see her get hurt."

"You know I would never do that. I'm her favorite Uncle." Mayabang na saad nito.

"Says who?"

"I said." Sabay tayo nito mula sa kinauupuan. "She's my favorite niece as well."

"Natural, siya lang naman ang nag-iisang pamangkin mong babae eh! Tss!" Inis na umiiling si Percy.

"Malay mo may anak na pala si Morph nang hindi natin alam dahil sa kalandian niya." Sabay nagkatawanan ang magkapatid. "I'll go ahead. Binalita ko lang naman sayo yung mga natatanggap kong banta sa pamilya natin kaya't mag-iingat kayo." At saka bumaling kay Vixyn at kay Sedi. "Goodbye, Munchkin." Na kinurot kurot pa ang pisngi ng pamangkin.

"Mag-iingat ka Mayor." Si Vixyn.

"I will. Soon, you're not going to call me that anymore."

"I know. Senator." Binigyan diin pa niya ang huling salita kaya't humalakhak lang ang binata.

Pagkaalis ni Thaddeus ay saka sila umalis at binaybay ang kahabaan ng SLEX. May private property kasi ang pamilya Montenegro sa may San Juan, Batangas at beach front iyon. It is secluded, private, and a gated area so it's safe.

Isang matandang lalaki ang sumalubong sa kanila pagkarating nila roon. Ito ang katiwala roon na siyang nag-aalaga at nagbabantay sa lugar.

"Kamusta ho Mang Ed." Bati ni Perseus pagkababa ng sasakyan.

"Ayos naman ako, Senyorito Percy. Kayo ho kamusta na? Ang tagal niyo na rin ho hindi nakakapunta rito."

"Oo nga ho. Eto bumalik ako at isinama ko na ang pamilya ko." Sabay turo sa gawi nila Vixyn.

"Dalawa na pala ang mga anak niyo." At saka naglahad ng kamay kay Vix."
Magandang araw ho Senyorita, ako ho si Mang Ed ang katiwala rito."

"Hello po, I'm Vixyn. Huwag niyo na ho akong tawaging Senyorita, Vix na lang ho."

"Kung iyan ho ang gusto ninyo." At saka nginitian ang mga bata. "Halika na ho at tutulungan ko na kayong ipasok ang mga gamit ninyo." Aya ng matanda kaya't nagsi-pasok na sila sa loob ng bahay bakasyunan.

Malaki ang lugar, maganda at tahimik. Higit sa lahat ay solo nila ang dagat kung kaya't masayang masaya ang mga anak nilang mag-asawa.

"Careful, Sephy." Sigaw niya ni Vix sa panganay na gumagawa ng sand castle. "Don't go swimming alone, okay?"

"Okay, Mommy."

Napangiti siya dahil mabait at masunurin ang anak. Kay Sedi naman siya bumaling na nasa buhangin at naglalaro kasama si Manang Fe. Nasa may balkonahe kasi siya ng kanilang kwarto.

"So, what do you think, huh?" Untag ni Percy na niyakap siya mula sa likuran. "We needed this vacation, right?"

"Yup. It's nice to be far away from city noise." Na niyakap din ang mga bisig ng asawa na nakapulupot sa katawan niya. "Look at our kids, they're having fun."

"Yeah, it's nice." And she felt him kiss her head. "I love you." Bulong nito sakanya kaya't napapikit siya.

"I love you too." Sagot ni Vixyn at mas hinigpitan pa niya ang pagyapos sa mga bisig ng asawa. "Thank you for always making us your number one priority. I know how busy you are, how toxic your job can be, but you always find a way to make time for your family."

"Of course, baby." At saka siya pinaharap. "You and the kids are my life. Everything I do, it's all for you. I always want to see you happy- Ikaw at ang mga bata." Sabay bigay ng magaang halik sa labi. "Baka masundan pa natin dito si Sedi ha."

Mabilis na hinampas ni Vix si Pers dahil sa pagbibiro nito na tinawanan lang ng huli.

"No, Sedi is still too young. Ang hirap kayang magbantay ng bata kapag buntis ka."

"I know." Patuloy pa din sa paghalakhak. "But we can still do it without you getting pregnant, right?"

Umiling-iling lang si Vix dahil sa paglalambing ng asawa.

"I started taking pills last week since I stopped breastfeeding Sedi." Pag-amin.

Napasuntok pa sa ere si Percy na para bang nanalo sa kung saan.

"Then better get ready for tonight." Na kinindatan pa siya.

At iyon nga ang nangyari kinagabihan. They made love under the moon as if there's no tomorrow. They did skinny dipping and they spent their days as if they are on their honeymoon trip but with the kids.

Ikatlong gabi na nila doon nang biglang  may pagsabog sa may gitna ng karagatan. Pinapatulog na ni Vix ang mga bata nang marinig nila ang malakas na ingay na iyon kaya't lumabas sila ng kwartong mag-asawa.

"Ano ho ang nangyari Mang Ed?" Si Percy nang umakyat ang matanda sa bahay.

"Isang bangka ang sumabog roon sa gitna. Pupuntahan ko at baka may mga sugatang mangingisda."

"Samahan ko na ho kayo." Pagpresenta ng lalaki.

"Sasama ka?" Si Vix na para bang hindi sang-ayon sa gusto ng asawa. "Tumawag na lang tayo ng tulong-"

"Nasa dulo tayo ng San Juan. By the time the rescuers arrive, there will be no survivors left. So we must go and try to save as much as we can while waiting for rescue." Hinawakan siya sa magkabilang balikat. "You know that this is also part of my job, right?"

Napabuntong-hininga na lamang si Vixyn dahil alam niyang hindi papaawat ang asawa niya at dahil masyado itong dedikado sa trabaho.

"Fine, just come back quickly, okay? Ayokong maiwan kami ng matagal ng mga bata rito na kami lang. I'm scared." Aniya.

"Don't be. I'll be back as soon as I can." And he kissed her on the forehead before leaving with the caretaker.

Naiwan silang mag-iina sa bahay at sinusubukan na patulugin ni Vix ang mga bata. May kalahating oras na rin na wala ang asawa kaya't hindi siya mapakali.

"Sephy, stop playing and get to sleep." Utos niya sa anak na naglalaro sa ipad nito.

"I'll wait for Daddy." Sagot nito nang hindi pa din tumitigil sa laro.

"Hmmm, how about you, baby boy, are you also waiting for Daddy?" Tanong niya sa anak na karga-karga at hinehele ngunit di rin dinadalaw ng antok.

Sedi just mumbled some words as if answering her questions. Vix kissed her baby's cheeks and his giggles surrounded the entire room before the lights went out.

"Mommy!" Takot na tawag ni Seph sa kanya at biglang bumangon para dumikit sa kanya. "I'm scared. I can't see anything."

Umiyak din si Sedi kaya't pinatahan niya.

"Use your Ipad, open the flashlight." Utos niya sa panganay.

Ganoon nga ang ginawa ni Seph.

"Nawalan ata ng kuryente." Si Manang Fe na pumasok sa kwarto nila. "Hindi ko naman alam kung saan ang main switch dito sa bahay dahil si Ed lang ang nakakaalam nun."

"Maghintay na lang ho tayo dito siguro sa kwarto, Manang."

Maya-maya pa ay nagring ang telepono niyang nakapatong sa ibabaw ng side table. Ipinasa muna niya ang anak sa kasambahay bago sinilip iyon.

It's Percy calling.

"Babe, the lights went out-" bungad niya ngunit kaagad siyang pinutol ng asawa.

"Listen to me carefully, Vixyn" anito sa seryoso ngunit may bahid ng takot at pag-aalala ang boses. "You all need to hide." Anito na hindi niya maintindihan ngunit nagpapakaba sa kanya at unti-unting binubuhay ang takot sa dibdib. "Thadd called and he said that someone tried to ambush him. Nahuli nila ang ilang suspek at umamin na pakana ni Mayor Manasan iyon. And he also told me that they are after me too. They sent someone here to lure me out of the house. I'm sorry. I should have seen it coming!"

Vixyn felt her head slowly spinning. She's feeling the same feeling she had when she was being held captive. She thought that this vacation would help her heal. But no matter how hard she tried to put a band-aid to seal her wound, it will still keep on searing, it will keep on bleeding for the world to see.

"I'm coming back as fast as I can. Hide, Vixyn. Hide yourself and the kids because there are people inside the house and they are going to hurt you."

And with that, she heard some footsteps coming towards their door. And as that sound drew closer to where they are, the fear that she felt a while ago suddenly began to disappear and the only thing that's left is the urge of hurting someone, the urge of inflicting pain to those intruders and she decided to embrace it, to let it take control.

Continue Reading

You'll Also Like

54K 2.1K 34
Dylan Sullivan | Lani Sandoval Dylan thought that after marriage, he will have a happy family, but to his disappoinment, he was wrong. He witnessed w...
5.3M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
232K 4.3K 46
Numb. That was the proper word to describe Nicholas Blackwood after killing his fiancΓ© because of her infidelity, his friends try to bring the old N...
1.4M 57.1K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...