F.L.A.W Series Book 3: RUBY

By mimzee23

17.4K 1.4K 325

Warning: SPG / R-18 /Mature Content Female League of Assassins and Weapons F.L.A.W Series Book 3: RUBY "I am... More

Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Final Chapter
Special Chapter
Bonus Chapter (Book 4-Preview)

Chapter Seven

455 32 0
By mimzee23

Warning: There is violence and some disturbing scenes and languages that may not be suitable for you. Please read at your own risks.

"Let's hold hands." Bulong ng batang babaeng katabi niya.

Her eyes are blindfolded while she kept on crying. She doesn't know where are they taking her but she knew that she's not safe at all.

Rinig niya ang ingay mula sa elisi ng helicopter at alam niyang lumilipad sila dahil ramdam niya ang kakaibang pagkalula. Ilang saglit pa ay lumapag na sila sa lupa kaya't humigpit ang hawak niya sa katabi. Nang lumakas ang pag-iyak nito ay napasabay na din siya dahil sa takot.

"Stop crying!" Sita sa kanila ng isang babae na kasama nila sa loob. "If you don't stop, I will punish you and you won't like it."

Chills run through her spine. She wanted to scream but she chose not to. She's too scared to even make another sound.

Napatili siya nang pagkabukas ng pinto ay may bumuhat sa kanya. Nagpapalag siya, sumisipa sa ere ngunit balewala lang dahil sa liit ng katawan niya.

Nang inilapag siya sa lupa ay hindi siya gumalaw at pinakiramdaman lang ang paligid habang tahimik na umiiyak. Ilang saglit lang ay tinanggal na ang piring niya sa mata. Hindi niya kaagad maimulat dahil sa sobrang liwanag ng sikat ng araw.

When her eyes adjusted to the light, she saw that several armed men are surrounding them. Then she saw a woman in front of her, she's beautiful but she looks so scary because she isn't smiling at all.

"Now listen to me very carefully, you two." Sabi ng babae kaya't napatingin siya sa katabi. Halatang magkasing-edad lang sila ng batang babae. "I know that you are still unable to understand what is happening here, but you will be enlightened as the day goes by." At saka humakbang palapit sa kanila. "You are among the chosen ones. You both are special and you have a higher purpose that you need to do when you grow up." Ngumiti ito at saka parehong hinaplos ang kanilang mukha. "In this facility, we will train you on how to become the best among the rest. You will not be just ordinary girls, you will be my precious gems." Pagkatapos ay tumingin sa mga armadong lalaki at saka tinanguan ang mga ito. "It's time for them to meet the others."

Marami siyang nakita na mga ibang batang babae na halos hindi naglalayo sa kanyang edad. They are all scared too just like her.

"I want to go home! I want my mommy!" Iyak niya.

"Ssshhhh! Stop crying!" Sita sa kanya ng isa sa mga bata roon. "Or we will be punished!"

Naguguluhan siya sa nangyayari at tila ba wala nang katapusan ang mga tanong niya sa isip. Ni hindi niya matandaan ang sariling pangalan at kung papaano siya napunta sa lugar na iyon.

"Let me out!! Please let me out of here!" Malakas niyang sigaw habang nagwawala nang biglang nagbago ang paligid. Inubos niya ang lakas sa kakakatok sa pintuan, kinakalampag niya  para pagbuksan siya. "I don't want to be in here! I'm scared, please, let me out!"

She is locked in a dark room and she felt suffocated. She can't see a thing and she can only hear the sound of her own breathing and some indescribable noises. She just kept on crying, screaming her lungs out as if someone would help her out. But no one came to aid her, instead, she was given a punishment.

"Put this in mind, 'Twenty-Six', there's no room for weak people here. Only those who are brave enough can survive on this island, so if you don't want to end up dead, you better catch up to your sisters." Wika nung babaeng kinatatakutan niya.

She put her head down to suppress her emotion, trying to hide what she feel. She's just a helpless child and it is not easy for her not to be afraid. When she lifted her head she was surprised when she's in another room again.

"Find your place!" Biglang may sumigaw kaya't nagsitakbuhan ang mga kasamahan niyang bata sa kanya-kanyang pwesto.

She looked around to see what is going on and she saw different numbers on top of each table. Then she remembered that the woman called her Twenty-Six and so she went straight to the table in front with that number.

Lumingon siya sa mga kasamahan dahil kinakabahan siya at nakasalubong ng mga mata niya ang mga mata ng batang babae na nakasabay niya sa pagpunta roon, si 'Twenty-Five."

Still, she doesn't know what is happening around her, it's like she's dreaming. The only thing that is real is the fear that she has inside her and nothing else.

"Okay girls, grab your bunnies and hold them tight so they won't jump off." Utos ng babae na kanila namang sinunod. She picked the cutest one. "So, how do you find your new pet?" Tanong nito.

"He's cute and chubby!" Sagot niya habang napapahagikgik pa nang yakapin niya ang hayop. "Hi, Mr. Bunny!" Bulong niya dahil iyon ang naisip niyang ipangalan sa bago niyang alaga.

"I'm glad that you liked them." Nakangiting wika ng ginang na bigla ring naglaho. "Now, I want to see how are you going to torture them slowly, until they ran out of breath."

Napaawang ang bibig niya sa gulat at mabilis niyakap ang kuneho na para bang poprotektahan niya ito sa kung ano man ang susunod na mangyayari doon.

"No!" Mariin niyang sigaw. "I don't want to hurt Mr. Bunny." At saka nagsimulang umiyak. "I want to keep it as pet. Please, Madame." Pagmamakaawa niya.

"Oh darling, you can keep it if you like- but only after you do what I asked you to do." Then stepped closer to her that made her hug the animal tighter. "Coz if you don't, then I'm the one who's gonna torture you and I swear to you that you won't take the pain." Pananakot nito.

Napahikbi na lang siya habang patuloy sa pagyakap sa alaga niya. Nagulat silang lahat nang hampasin ng babae ang ibabaw ng mesa niya para sabihing magsimula na sila.

She didn't move at all, still holding the bunny while sobbing. Gusto niyang takpan ang dalawang tenga dahil naririnig niya ang mga iyak ng kuneho sa paligid niya dahil sinunod na ng iba niyang kasamahan ang utos sa kanila. Hindi niya maatim na pumatay ng walang kalaban-laban na hayop at hindi rin niya alam kung bakit nila kailangang gawin iyon.

Nanatili siyang ganoon hanggang sa nilingon niya ang batang nakasama na si Twenty-Five. Natapos nito ang pinapagawa habang hawak pa din nito ang kutsilyong ginamit sa pagpatay sa alaga nito. Sinenyasan siya nito na kumilos na ngunit iling lang ang isinagot niya. Pinipilit siya nito at alam niya kung bakit, mapaparusahan ang sino mang hindi susunod.

Labag sa kalooban niya ang sumunod ngunit wala siyang ibang pagpipilian. Buhay rin niya ang nakataya roon kaya't kailangan niyang kumilos na. It's either the bunny's life or hers, she just needs to choose between the two. And being just a kid, she knew that her body will not take the pain of torture.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang hayop sa mesa niya. Hindi naman din ito gumalaw at nakatingin lang din sa kanya.

"I'm sorry, Mr. Bunny." Bulong niya habang ang dalawang kamay ay unti-unting napupunta sa may leeg nito.

She tried to squeeze its neck, choking it but she's having a hard time. Kapag nakikita niya na kumakawag ang alaga ay niluluwagan ulit niya ang pagkakasakal rito. Ganoon ang nangyayari kung kaya't hindi niya matapos tapos ang ipinapagawa.

"If that bunny gets off that table, you won't be able to catch it again." Bulong sa kanya ng isang mas matandang bata sa kanya. Maamo ang mukha nito. "Don't try to look at your target while doing it. It will be less hard for you if you focus yourself somewhere else. Do it before time runs out. You're the only one left."

Naitindihan niya ang ibig nitong sabihin at alam niyang nasa kanya na ang atensyon ng lahat lalo na ng matandang babaeng kinatatakutan niya. Kaya naman ay muli niyang sinikipan ang pagkakahawak sa leeg ng kuneho niya at dahan-dahan na niyang sinakal. Pumikit na lamang siya habang ginagawa iyon. Ramdam niya ang pagkakawag nito at pamimilipit sa sakit. Hindi na ito makahinga at nangingisay na sa higpit ng pagkakasakal niya. Unti-unting humihina ang paglilikot nito na para bang nanghihina na.

And right when she opened her eyes, she saw how life slowly fades in its eyes and it shook her entire being. She has killed Mr. Bunny.

"Good job, everyone! You all passed this test." Anunsiyo ng babae na halos hindi na niya naririnig dahil sa pagkakatulala niya.

Dahan-dahan niyang tinatanggal ang mga kamay mula sa leeg ng alaga at tinititigan niya ang panginginig niyon. Her hands are small but it's already the hands of a killer.

And when she turned around she screamed when she saw her face in the mirror, she's covered with blood all over. She looks like a monster, a young monster.

Napabalikwas ng bangon si Vixyn habang habol habol niya ang hininga. Napatili siya at saka tiningnan ang dalawang kamay pati na ang mga braso at buong katawan kung mayroong dugo roon.

"Hey, Baby, calm down. You're alright." Sigaw ni Percy habang kinakalma siya sa tabi niya. "Hey, hey, look at me, look at me, Baby, look at my face." Utos nito at sinunod naman niya. "It's just a dream." Sabi nito habang nakakulong sa mga palad nito ang mukha niya. "It's not real, okay? You're just having a bad dream."

Unti-unting pumapayapa na ang paghinga niya at kumakalma na din ang katawan niya. Napapikit siya saglit at saka huminga nang malalim ng ilang beses.

"That's right, Baby, take a deep breath to calm yourself." Na hinahagod pa ang likuran niya. "Come here." At saka siya niyakap patagilid. "Don't be afraid anymore, I'm here."

Napayakap na din siya sa asawa upang mas makaramdam ng kaginhawaan.

"Magpapaalam ako sa trabaho para makapag-leave ako sa susunod na linggo. We need to see a doctor. Sasamahan kita. Your traumatic experience last two weeks ago is worsening your condition." Naramdamdan niya ang paghalik nito sa ulunan niya. "You're having nightmares almost every night and it's not a good sign."

Alam niyang nag-aalala ang asawa niya para sa kanya at hindi niya maaalis iyon. Magmula kasi nang mangyari ang panghohostage sa kanya ay may nag-iba na sa kanya. Bukod sa mga kakaibang panaganip niya ay nag-iiba na din ang pakiramdam niya. Paminsan-minsan ay nagkakaroon siya ng panic attack kaya't sumasakit ang ulo niya at kung minsan naman ay napapatulala na lang daw siya na para bang napupunta sa malayong lugar ang isipan.

Ayaw na rin sana niyang isipin at gusto niyang kalimutan na lamang ang nangyari ngunit sa tuwing sasagi sa isip niya ang itsura ng bangkay ay napapahinto siya. It's like it is already pictured in her mind and it doesn't bother her at all. It doesn't creep her anymore like it's now normal for her.

"Okay." Tanging sagot niya habang nakasandal patagilid sa balikat ng asawa.

"What was your nightmare all about? Same scenario?" Tanong nito sa kanya.

Her body stiffened when she remembered her dream. Isang beses lang niya napanaginipan ang masamang nangyari sa kanya dahil ang sumunod ay iba na. Halos paulit-ulit na napapanaginipan niya ang batang babae at padagdag nang padagdag lang ang mga eksena. Dati hanggang sa pagbaba lang ng helicopter tapos nadagdagan na nung nabigyan ng pangalan na numero na base sa kung pang-ilan ang bata na nakarating sa lugar na iyon.

Her dreams are still vague and sometimes a little blurry. Ni hindi niya makita nang malinaw ang mukha ng mga tao sa panaginip niya. Hindi niya kilala kung sino-sino ang mga iyon lalo na ang batang babae na si Twenty-Six.

"Yeah, still the same." Pagsisinungaling niya dahil hindi niya sinasabi sa lalaki ang mga napapanaginipan niya.

Ayaw niyang mas lalong mag-alala ito para sa kalagayan niya. Ayaw niyang maging pabigat sa asawa at mas ayaw niyang pag-isipan siya nito na nababaliw na. May pagka-brutal na kasi ang nagiging panaginip niya at hindi niya iyon gusto.

"Come on, let's get you to sleep. I'll hold you while sleeping until you wake up so you won't have nightmares again." At inihiga na siya sa kama habang akap-akap nito.

Nagpatianod na lang siya at hinayaan sa gusto nito. Ngunit alam niya na hindi na siya dadalawin ng antok dahil sa naging panaginip niya. Dahil nadagdagan na naman iyon ng panibagong eksena na ikinababahala niya. Hindi ang duguang itsura ng batang babae ang ikinakilabot niya kundi nang humarap ito sa salamin ay nakita niya kung sino iyon, at walang iba kundi ang anak niyang si Persephone.

Vixyn is wondering why on earth would she dream about her daughter in that way? Sa tuwing mananaginip siya ay tila ba siya yung batang babae. Akala nga niya ay mga alaala niya iyon noong bata pa siya ngunit masyadong kakaiba para maging totoo. Imposible namang siya iyon dahil brutal ang mga ipinapagawa sa mga bata kung kaya't iniisip niya na produkto lamang iyon ng kanyang isipan dahil sa nangyari sa kanya.

Yes, she is traumatized and it's haunting her, but why all of sudden did she see her daughter in her dreams? She's covered in blood while screaming in front of a mirror? It's still a puzzle to her but she must not tell Percy about this or he'll think that she's starting to lose her mind.

"Big mouth!" Aniya kay Sedi habang pinapakain ng mashed veggies. "Good boy naman ang baby boy namin." Puri niya sa bunso. "Are you done eating your breakfast, Ate?" Untag naman niya sa panganay.

"Yes, Mommy." Sagot nito habang pinupunasan ang bibig ng table napkin.  Talagang tinuturuan ito ng biyenan niya ng table manners. "I'm going to feed Whisker." Paalam nito bago tumayo mula sa kinauupuan.

Tinanguan lang niya at hinayaan na anak na pakainin ang alaga nitong pusa. Naniniwala kasi silang mag-asawa na iba kapag bata palang ay matuto nang mag-alaga ng hayop ang mga anak nila para lumaking responsable.

"Whisker, Whisker." Tawag ni Sephy sa pusa. "Where are you, kitty? Come here. Swswswswsws" patuloy lang sa pagtawag habang bitbit nito ang kainan na may lamang pagkain. "Mommy, I can' find him."

Nilingon niya ang anak na nasa may sala na, nakasimangot na ang mukha.

"Maybe he's just hiding somewhere. Check him outside, just don't go out of the gate, okay? Use that plastic bag and create noise to lure him out." Sabay turo sa plastic dahil paborito ni Whisker laruin ang plastic bag.

Ginawa naman ni Sephy ang sinabi niya kaya't ibinalik niya ang atensyon sa bunso na nakaupo sa high chair habang pinapakain niya. Ilang saglit lang ay marahas siyang napalingon dahil sa malakas na tili ng anak.

"Mommy!!! Mommy!!" Sigaw nito at paglapit niya ay kaagad itong yumapos sa balakang niya habang umiiyak.

"What happened, Sweety?" Tanong niya habang inaalo ang anak. "You're trembling, why?"

Nakatago ang mukha nito sa kanyang bestida at patuloy lang sa pag-iyak. Nang umangat ang ulo nito ay saka siya yumuko para kausapin ito nang maayos.

"What's wrong, Seph?"

"He's not moving." Mahinang bulong nito ngunit malinaw niyang narinig iyon. "When I touched him, he's a little hard. He's not like that, he's always so fluffy and soft." Patuloy sa paghikbi.

Umayos siya ng tayo at lumabas siya patungo sa kung saan nanggaling ang anak. Pagsilip niya sa likod ng mga paso sa harapan ng bahay nila ay doon tumambad sa kaniya ang bangkay ng alagang pusa. Nakalabas na ang dila nito habang dilat na dilat ang mga mata.

Nasa likuran niya ang anak habang nagtatago at panaka-nakang sumisilip. Patuloy pa din ito sa pag-iyak ngunit siya ay walang maramdaman na kahit ano. Sinubukan niyang kapain ang sariling damdamin dahil alam niyang mababaw ang emosyon niya. Madali siyang maiyak lalo na't malapit din siya sa alaga ng anak.

Pero iba na ngayon. Doon pa lang ay alam na niyang may nagbago na talaga sa kanya. She doesn't feel anything at all, not even sadness or disgust at the sight of a dead animal. She just simply staring at it like she's used to seeing that kind of sight every day.

"Mommy, what's wrong with him? Why he isn't moving? Can you check him?" Untag sa kanya ni Seph pero hindi siya kumikibo dahil nakatulala na lang siya. "Mommy, Mommy." Pangungulit sa kanya kaya't hinarap niya ang bata nang walang kahit anong emosyon sa mukha.

"He's dead!" Madiin niyang sagot na ikinasira lalo ng magandang mukha nito. Pumalaw ito ng iyak at hindi iyon nagustuhan ng tenga niya. "Stop crying!" Bulyaw niya kaya't nagulat ang anak at napahinto sa pag-iyak. "He's dead and there's nothing we can do!"

"Can we bring him to the vet? Maybe they can-"

"I said he's dead!" Putol niya. "He's been sick, right? We brought him to the vet last two weeks ago and they said he's sick. He didn't recover so he died. Everyone in this world can die, even you! No one is exempted." Seryoso at dire-direcho niyang salita.

Lalo naman pumalahaw ng iyak ang anak niya at napakuyom siya ng kamao dahil sa ingay. Natauhan lang siya nang marinig ang paglapit ng yaya.

"Anong nangyari?" Tanong nito sa kanya. "Ay ang pusa!" Gulat na sambit nito nang makita rin ang bangkay.

"Nasaan ka ba kasi? Ano ba ang ginagawa mo at hindi mo man lang nakita na patay na ang pusa? Naninigas na ang katawan ibig sabihin ilang oras na yan nandyan. Baka nga kagabi pa yan namatay!" Bulyaw niya sa katulong.

Nagulat ito sa biglaang pagtaas ng boses niya. Ni minsan kasi ay hindi siya nagtataas ng boses at palaging malumanay. Kaya nga naaabuso na siya dahil sa sobrang kabaitan niya. Hindi niya pinapagalitan ito o pinagsasabihan kahit pa tamad sa trabaho. Palaging nakahawak sa cellphone o nanonood ng tv at walang kusa sa trabaho. Siya pa palagi ang kumikilos at hinahayaan lang niya.

Ngunit tila nasagad na siya kaya't nagbago na ang timpla niya.

"N-Nasa kwarto po ako, ano po kasi-" nauutal na nagpapaliwanag sa kanya ang kasambahay.

"Ano? Nakatambay ka na naman doon at puro cellphone ang inaatupag?! Hindi ka namin binabayaran rito para lang magtamad-tamaran ka! Palibhasa, hindi lang kita sinasaway kaya umaabuso ka naman!" Wala nang preno ang bibig niya.

"Sorry po, Mam. Pasensya na po." Naiiyak nitong sabi.

Biglang ring umiyak sa loob ng bahay si
Sedi kaya naman nagsabay-sabay na ang ingay sa bahay. She tried to control herself and she pushed her mind so she can snap out of her unusual behavior.

"Sige na Yaya, paki-balot na si Whisker at ilagay mo sa box. We'll bury him later." Mahinahon na ang salita niya.

Mabilis naman siyang sinunod ng kasambahay kaya't si Persephone naman ang binalingan niya.

"I'm sorry, Sweetheart." Aniya at saka hinalikan ang ulo. "Let's get inside." Aya niya dahil nagwawala na rin kasi si Sedi.

Binuhat niya ang bunso at pareho niyang pinapatahan ang dalawang bata.

"What's happening, why my babies are crying?" Biglang sulpot ni Doña Adelina.

"Ma." Bati niya at humalik sa pisngi nito. "Sephy's pet is dead." Pagbabalita niya.

"Oh, I'm sorry to hear that." At saka niyuko ang apo. "Come to Mamita, darling."

Umakap naman ang bata sa lola at doon ay muling umiyak.

"Mommy said that he's dead and there's nothing we can do about it." Humihikbing pagkukuwento ng bata. "And she also said that everyone can die, even me. Is that true, Mamita? Are we all gonna die too?"

Napanganga ang Donya sa narinig at saglit siyang tiningnan. Umiwas na lang siya ng tingin dahil nahiya siya sa nagawa. Hindi niya alam kung bakit siya biglang pumitik nang ganoon at sa harapan pa mismo ng kanyang anak.

"Whisker is dead and he's in heaven now. He's been sick lately, right? You told me that you don't want to see him suffering in pain. So now, he's free from pain, no more suffering. We should be happy for him. I'm probably sure that he's enjoying running around in heaven."

Unti-unti namang umaliwalas ang mukha ng anak.

"Does he have friends up there?" Tanong nito.

"I'm sure he does. They are all playing together up there." Na itinuro pa ng ginang ang langit.

Nakangiti namang nilingon si Vixyn ng anak.

"Mommy, Whisker is happy in heaven." Anito.

"He is, Baby. He's playing a lot of plastic bags there." Dagdag pa niya para mas lalong gumaan na ang pakiramdam ng anak.

Tumawa naman ito habang pinupunasan ang mga mukha na basang-basa sa luha.

"Let me wipe your face." Pagpresenta ng lola. "Pati sipon nagkalat na. You doesn't look graceful na." Habang pinupunasan ang mukha ng apo.

Umiyak na naman si Poseidon sa bisig niya at sinusbukan niyang patahanin. Saka lang niya napansin na nag 'poop' pala ito sa diaper at marahil ay naiirita na at gusto nang malinisan.

"Okay, we'll clean you up." Pagod niyang sabi.

"Let me do it, Hija." Alok ng biyenan niya. "Why don't you take a rest on your room. Ako na ang bahala sa mga bata. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo ngayon."

Hindi naman na siya tumanggi pa at iniabot na ang bunso rito bago siya umakyat sa taas. Medyo sumasakit na din ang ulo niya at kailangan na niya iyong ihiga. Gusto niyang matulog ngunit natatakot siya sa kung ano na naman ang mapanaginipan.

Naka-idlip lang siya at nagpa-akyat na lang siya ng pagkain sa kwarto bandang alas dos ng hapon dahil wala siyang ganang bumangon. Pagod na pagod ang katawan niya dahil ilang araw na siyang napupuyat. Sa tuwing mananaginip kasi siya ay hindi na siya nakakabalik ng tulog ulit.

Marahil dahil sa pagod ay muli siyang dinalaw ng antok at hindi na niya napigilang makatulog. Nagising na naman siyang habol-habol ang hininga. Ganoon na naman ang laman ng panaginip niya kaya't lalo siyang nababahala. Mukha talaga ng anak niya ang nakikita niya sa panaginip na puno ng dugo.

Ngunit naisip niya na papaano kung hindi si Sephy iyon? Paano pala kung siya nga ang batang iyon dahil magkamukha silang mag-ina? Does that mean she killed a life before?

Puno ng katanungan ang isipan niya kaya't napahawak siya sa ulo na kumikirot at sa ganoong posisyon siya naabutan ng asawa.

"Hey." At mabilis siyang dinaluhan. "Are you okay? Masakit ba ang ulo mo? Do you want to go to the hospital?-"

"No need."sagot niya kaagad. "Nasobrahan lang siguro sa tulog." At saka tinuro ang orasan na nakapatong sa mesa na nasa gilid ng kama. Lagpas alas siete na pala ng gabi.

"There's no such thing as 'masakit ang ulo dahil sobra sa tulog. Pwedeng dahil kulang sa tulog pero kung sobra, dapat nga mas magaan ang pakiramdam mo."
Hindi na lamang siya nakipagtalo sa lalaki.

"Ang mga bata?" Tanong niya. "Sorry, hindi na ako nakapaghanda ng hapunan niyo."

"It's alright. Si Mama na ang nag-asikaso sa baba. Nakakain na kaming lahat. Inakyat kita rito para icheck kung gising ka na at kung gusto mo na bang kumain."

"Hindi pa ako nagugutom." At saka may naalala. "Oo nga pala, si Whisker-"

"Yeah, Sephy told me." Putol nito sakanya. "She also told me about what you said to her earlier, that everyone can die including her. Naikwento rin niya na pinagalitan mo daw si Yaya kanina at nasigawan pa."

Napapikit siya nang mariin dahil nga sa kamaliang nagawa kanina.

"Yeah, I'm sorry. I didn't know what has gotten into me to burst out like that." Napasabunot pa siya sa sariling buhok. "How is Sephy?"

"She's okay. She said she got a little scared but she's fine now. Hindi na rin siya gaanong malungkot sa pagkawala ni Whisker." Hinaplos nito ang kanyang ulo. "Is there something bothering you? If there is, you know you can tell me, right?"

Alam niyang concerned lang si Percy  sa kanya ngunit mas gusto niyang sarilinin na lamang ang mga bagay na nagpapagulo sa isip niya dahil ayaw niyang mandamay pa.

"I know. I'm just a little tired because of the trauma." Totoo naman iyon. Iyon din naman ang pinaniniwalaan niya. Na baka produkto lang ng isipan niya ang mga napapanaginipan niya dahil sa trauma mula sa nangyari sa kanya.

"We'll visit a doctor soon to help you with that. I promise you'll be fine again." At saka siya binigyan ng isang halik sa noo.

Naputol lang ang usapan nila nang may kumatok at pumasok roon si Doña Adelina.

"I brought you warm milk and some cookies. Para malamanan yang tiyan mo." Ani ng biyenan na inilapag ang dala-dala sa may bedside table. "Nahihirapan ka pa din bang makatulog, Hija? Here, drink this." Inabutan siya ng bote ng sleeping pills.
"Take one tablet one hour before you sleep. Para yan antukin ka at magdire-direcho ang tulog mo."

"Thank you po." Saka tipid na ngumiti.

"I feel guilty, you know. Kung hindi kita pinilit na magpa-taste test ay hindi ka lalabas noong araw na iyon para mamili ng kakailanganin mo. It's my fault why you went out. Hindi ko lubos maisip ang pinagdaanan mo bilang hostage." Naiiyak na sabi nito. "I'm sorry, Vixyn."

Ilang beses nang nagsorry sa kanya ang ina ni Percy kahit na hindi naman niya sinisisi ito sa nangyari. Wala itong kasalanan.

"Wala po kayong kasalanan, Ma." At inabot niya ang kamay nito.

"Basta, kung kailangan mo ng tulog sa pagbabantay sa mga apo ko ay sabihan mo lang ako. Kung hindi man ako pwede ay ipapadala ko lahat ng mga maids ko sa bahay para may mautusan ka rito at nang hindi ka maistress sa tamad mong katulong!"

Napangiti siya roon. Ilang beses na kasi siyang sinabihan nito na pagsabihan niya ang yaya nina Sephy dahil obvious nga ang pagiging tamad.

"Sige ho, Ma." Pagsang-ayon na lang niya.

"O siya sige na, I'll go ahead. Andyan na ang driver ko sa labas. Balitaan niyo na lang ako kapag nakapunta na kayo kay Dra. Salcedo. She's a psychiatrist and maybe she can help with your condition, Hija. I'll see you soon." At nakipagbeso na sakanya bago lumabas.

"Ihahatid ko lang si Mama sa labas." Paalam sa kanya ni Percy. "We will bury Whisker too. Wag ka nang bumaba, ako na ang bahala sa mga bata. Just rest, okay?" Saka muli na naman siyang hinalikan sa ulo bago sinundan ang ina palabas.

Vixyn let out a deep sigh as soon as she's left alone in the room. Everyone is worried about her condition and the outburst she did earlier is just one of the signs that she's getting worse.

She took one pill just like what her mother-in-law said. They didn't know the truth, she doesn't have any trouble sleeping. She is just afraid of falling asleep. Because she knows that once her nightmares appear again, she will slowly lose herself. She will lose something inside her again, the goodness in her, her sanity, and most importantly, she will lose whatever is left of her- of being human.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
860K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
5.3M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
77.6K 3.4K 38
WARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious Beast Nam...