F.L.A.W Series Book 3: RUBY

By mimzee23

17.4K 1.4K 325

Warning: SPG / R-18 /Mature Content Female League of Assassins and Weapons F.L.A.W Series Book 3: RUBY "I am... More

Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Final Chapter
Special Chapter
Bonus Chapter (Book 4-Preview)

Chapter Five

467 35 3
By mimzee23

Vixyn couldn't contain the happiness she's feeling inside of her. Even though her memory was lost, she felt somewhat complete.  Her husband completed her in a way and she's thankful for it.

Pansamantala nilang kinalimutan ang lahat ng mga problema sa buhay nila sa loob ng tatlong araw. Nagpakasaya lang sila at sinulit ang mga oras na silang dalawa lamang ang magkasama. Halos hindi na nga sila lumalabas ng kwarto dahil nasa honeymoon stage ika nga.

Ngunit lahat ng masasayang araw ay natatapos rin. Kailangan na nilang bumalik upang harapin ang dapat harapin. Kailangan na nilang panindigan ang mga desisyong ginawa at kailangan nilang tanggapin ang kung anu man ang kahihinatnatan ng pinili nilang daan.

Muling pinagmasdan ni Vixyn ang arko sa gate ng Villa Montenegro. Bilang asawa na ni Percy ay kabilang na siya sa pamilya nito ngunit mayroong kirot siyang nararamdaman dahil alam niyang hindi siya agad matatanggap ng mga magulang nito. She will remain a stranger to them, an outsider, an outcast in the family.

Pagkababa nang pagkababa nila ng pick-up ay kaagad bumukas ang pintuan at lumabas ang ginang.

"Where have you been, young man?!" Galit ang tonong ginamit. "We've been calling you for three days but you were out of reach! You left the party- your party without notifying any of us! For what, huh?! To follow this girl?!" Sabay turo sa kanya. "You left Lovely- your fiancee to go after her?!"

"Her name is Vixyn, Ma!"

"That's not her real name so it doesn't matter how I should address her." Malditang sagot ng ina ng lalaki.

"Well, it does matter to me!" Mariing balik ni Percy. "I don't want you to disrespect her, Ma. I don't want anyone disrespecting my wife!"

Nanlaki ang mga mata ni  Doña Adelina sa gulat.

"What did you just say?!" Pagpapaulit nito.

"Vixyn is my wife now."

"No! This is a joke, right? You're just kidding." Ayaw maniwala. "This can't be true! You're not serious, Percy. You can't marry her!"

"But I am serious, Ma. I did marry her. She is now Mrs. Perseus Montenegro." Hinawakan ni Percy ang kamay niya at mahigpit din siyang kumapit roon.

"No!!!" Marahas na sigaw ng Donya. "What have you done?!" At saka marahas na umiling at masamang tumingin kay Vixyn bago padabog na naglakad papasok ng kabahayan at nagsisisigaw roon. "Matheus! Matheus!" Tawag ng ginang sa asawa.

Napakagat-labi si Vix dahil simula na nang pakikipagdiskusyon nila sa mga magulang ng asawa.

"Don't worry." Ani Percy na humarap sa kanya. "I'm here. We'll do this together. Just hold my hand and we'll be fine." Saka siya kinintalan ng halik sa noo bago sila sumunod sa loob ng bahay.

"What is it? Why are you yelling?" Tanong ni Don Matheus na may pagtataka.

"Oh my, your son has done a terrible thing!" Sumbong nito. "He left the party to elope and he-" saglit pang huminto dahil nahihirapang ituloy ang sasabihin. "He's married." At sa dalaga na naman tumingin. "He married her."

Kapareho ng ina ay gulat din ang rumehistro sa mukha ng ama ng lalaki kayat't mas humigpit pa lalo ang hawak ni Vixyn sa kamay ng asawa.

"What?! What did you do?!" Sabay sugod sa anak at kinuwelyuhan. "What have you done, Son? Bakit ka nagpakasal sa iba?! Is this about your engagement with Piedro's daughter? You're rebelling against it so you marry someone else just to spite us?"

"I'm not a rebellious teenager, Pa. I love Vixyn that's why I married her!"

"Love?!" Sarkastikong ulit nito. "You're a fool!" At akmang susuntukin ang anak.

"Please, don't!" Awat ni Vix. "Don't hurt him." Nagsimula nang lumandas ang luha niya sa mukha.

"Tama na Matheus." Segunda naman ng ginang.

"This is all your fault!" Na dinuro pa si Vixyn. "Kung hindi ka nakilala ng anak ko ay wala sana kaming problema ngayon. You've ruined our family!" Malakas na sumbat ng Don.

"Don't blame her, Pa!" Pagtatanggol ni Percy sa kanya. "Kahit na hindi ko siya nakilala ay hindi rin naman ako magpapakasal kay Lovely. I don't love her. Kaibigan lang talaga ang nararamdaman ko para sa kanya."

"You could have learned to love her in time. There wouldn't be a problem because she loves you. You could've worked it out if it weren't for her." At muli na naman siyang dinuro.

"Why did you decide that rashly?" Si Doña Adelina "You could've told us first, you could've talked to us instead of doing things on impulse." Napahawak ito sa ulo. "What are we going to do now? How do we tell this to the Zaldanas?" Problemadong tanong nito.

Lumitaw na rin doon ang tatlong kapatid ni Percy na paniguradong narinig na ang pinag-uusapan nila.

"We can still fix this." Si Matheus ma seryoso ang mukha. "For sure, the documents weren't submitted yet to formally register their marriage. We can still get it from the church and pay them a huge amount to cover this incident. Saang simbahan ba?"

"Why would I tell you?" Matapang na sagot ni Percy sa ama. "We got married three days ago so it's pretty sure that they already submitted it."

"I don't care, we can still fix this." Pagpilit pa din ng ama. "Break-up with each other."

"Pa, we're married! There's no breakups-"

"Then annul your marriage!" Sigaw ni Don Matheus bago bumaling kay Vixyn. "Leave my son and I will give you anything you want. Money? House and lot? Name it and it will be yours, just leave my son and don't come back!"

"Pa!" Mariin na bigkas ni Perseus dahil sa gigil. "I told you, I love her and I will never leave her! Please, stop disrespecting my wife!"

"I'm not talking to you, I'm talking to her. You don't want to leave her but what if she wants to leave you?" At sa babae na naman tumingin. "Iwan mo ang anak namin at lahat ng gustuhin mo ay mapapasayo."

Hindi rin sumagot si Percy at nilingon na lang din ang asawa na nakatitig sa mga magulang niya.

"Please, Vixyn, woman to woman. I'm asking you to please give up my son." Segunda naman ni Doña Adelina . "We just want what's best for him and Lovely is the one who's best for my son. We barely knew you and you didn't even know who you were before. Paano na lang pala kung may asawa ka na? What if you have a family of your own back to where you are from? Papaano naman ang anak ko? Siya ang madedehado sa huli dahil kasal ka na sa iba so null and void ang kasal niyong dalawa."

Mas lalong hindi nakasagot agad si Vix dahil sa kakaisip.

"Imposibleng kasal na siya sa iba." Si Percy pa din. "She doesn't have a wedding ring on her finger when I found her. Isa pa, ni walang naghahanap sa kanya na kamag-anak, eh di mas lalo na asawa? Imposible yan."

"We're not still sure, Son. She was found almost lifeless and wounded, what if she was beaten almost to death by her husband and thrown her-"

"Enough!" Sigaw ng lalaki para patahimikin ang lahat. "Just shut the fuck up, Ma!"

"Percy!" Alma ng mga kapatid. "Do not talk to our mother like that." Si Deus.

"How can you say that? How can you raise your voice on me?" May hinanakit sa boses ng ina. "Nang dahil lang sa babae na ito ay natuto ka nang bastusin ako?!"

"You're the one who keeps on pushing-"

"Magsi-tigil na kayo!" Si Matheus na ang umawat. "Iisa lang ang kailangan kong sagot sa iyo." Kay Vixyn nakatingin. "Hihiwalayan mo ba ang anak namin o hindi?!"

Ramdam ni Vix ang tensyon sa buong kabahayan at mabigat sa pakiramdam niya na siya ang dahilan kung bakit nag-aaway away ang pamilya Montenegro. Kung kaya't nahihirapan siyang magdesisyon para gawin ang nararapat.

She glanced at her husband for a brief moment and when their eyes met, she knew what she will choose.

"No, Sir, I'm sorry." Sabay iling. "But I will never leave your son. I won't give him up. I love him so much and I would never want to stay far away from him." At saka hinigpitan ang hawak sa kamay ng asawa. "I will never let him go. I don't need money, a car or anything else in this world coz Percy is the only one I would need in my life."

She exchanged looks with her husband who looks so touched with her speech and they both smile at each other.

"How sweet!" Si Morpheus na para bang naaaliw sa nangyayari roon ngunit tumahimik na nang binigyan ng masamang tingin ng ama.

"You chose Percy because you think you hit the jackpot, right?" Matheus is mocking her. "At ikaw, ayaw mo rin kaming sundin na mga magulang mo ha!" Kay Percy nakatingin. "Puwes, magdusa kayong dalawa!" Na para bang tinataboy na sila. "From now on, you are not a part of the family. You are no longer my son and you will never receive anything from us."

"Matheus!" Si Doña Adelina. "Anong sinasabi mo?"

"Bahala na yang anak mo sa buhay niya. Panindigan niya yang pagmamahal na sinasabi niya at kung kaya niyang mabigyan ng magandang buhay ang asawa niya. Dahil kapag hindi ay sigurado ako na iiwan rin siya niyan."

Kumabog nang malakas ang dibdib ni Vix. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa kanila. Sira na ang pamilya ng asawa niya at mukhang naitakwil pa ng mga magulang.

"Fine." Relax na sagot ni Percy. "If that's what you want, then we're out of here. I will never ask anything from you, I can stand on my own. Kaya kong buhayin ang magiging pamilya ko. I've been living my life the way I wanted it for the past years. Ni minsan ay hindi ko ginamit ang pagiging Montenegro ko para makuha ang mga bagay na gusto ko. And this is exactly what I want, to live my life outside this family because this-" iminuwestra pa ang buong kabahayan. "-this doesn't feel like home anymore. It feels like a business prison, it's suffocating." Sabay hila kay Vixyn para umalis na.

"Perseus, No! Don't leave." Ani Doña Adelina. "Matheus, do something! Bawiin mo ang sinabi mo!" Na hinawakan pa ang asawa para matauhan.

"Hayaan mo sila!" Sigaw ng Don. "Kailangang matuto ng anak mo!" At saka nagtawag ng katulong upang ipalabas ang mga gamit ni Percy mula sa kwarto nito.

Pagkalabas nila Vixyn ay isinakay agad siya sa pick-up. Lumabas rin doon ang mga kapatid ng asawa at sinubukan silang kausapin.

"Are you sure you wanna do this?" Tanong ni Thadd.

"Never been this sure."

"Tatalikuran mo ba talaga ang pamilyang ito para kay Vixyn?" Si Deus.

"We're not family anymore. We're more of an asset than their children because we used each other for business deals, for our own interests, and I don't want to live that kind of life now. Ayoko ring danasin ng pamilya ko, ng magiging mga anak ko ang ganitong klaseng pagtrato. I love my wife and if they can't accept her or at least respect her, then there's no point in staying here. There's no point in choosing this family when none of you doesn't want me to be happy." May hinanakit sa tono ni Percy.

"I do." Singit ni Morpheus. "Be happy Percy boy!" Sabay tapik nang malakas sa braso. "I admire your courage for standing up against our father." Tatawa tawa pa. "Akala ko ako lang ang may kayang gumawa nun eh. Alam mo na, I'm the black sheep of this family. I didn't know you have the-" gamit ang kamay ay ipinakita pa nito kung ano ang tinutukoy. "-balls to do it, but you did! Proud of you, baby bro!" Sabay tawa nang malakas.

"Tss! Gago ka talaga Morph!" Si Thadd na iiling-iling ngunit tumatawa.

"I hope you will not regret this soon." Si Deus na nanatiling seryoso.

"I won't, I will never regret this." Balik ni Percy na sinalubong ang tingin ng kapatid.

Napabuntong-hininga na lamang ang pinakamatanda sa apat at lumapit para tapikin din sa braso ang bunso.

"If you need help, anything at all, don't hesitate to ask. We're your brothers and we always have your back. Ofcourse we want you to be happy, we all do. Sinisiguro lang namin kung talagang sigurado ka na sa desisyon mo, ayaw lang namin na mapahamak ka. And if Vixyn will make you happy, then go. Live your life how you see it fit. Just don't be a stranger to us, to this brotherhood."

"Deus is right." Si Thadd. "We're always here for you."

"Magsabi ka lang." Segunda rin ni Morpheus.

"Thanks." Sabay tango ni Percy at isa isang tinapik ang mga kapatid. "Sa pad ko sa Manila muna kami. Lahat ng meron ako ngayon ay hindi naman galing kina Mama at Papa kaya hindi nila maaaring kunin iyon. Siguro yung bahay na binili nila para sa akin sa may Makati, bawiin na nila. I can provide for my wife."

Tumango na lang din ang tatlo at hindi na nagsalita pa. Nang isinakay na ng katulong ang mga gamit ni Percy ay handa na sila para umalis ngunit humabol pa ng yakap ang ina.

"Percy, my baby, please don't leave us."
Umiiyak na sumamo ng Donya.

"I'm sorry, Ma. I love Vixyn so much and if you can't accept her as my wife, then I can't be a part of this family anymore." Niyakap din ang ina at hinalikan sa noo bilang pagrespeto. "I love you, Ma, please take care of yourself and Papa." Pagkatapos ay kumalas na at saka sumakay sa sasakyan.

Pinaandar na nila at habang umaandar na sila paatras ay nakatanaw sila sa pamilyang tatalikuran ng lalaki. Naroon na din ang amang seryosong nakatingin sa pag-alis nila at halatang hindi rin magbabago ang desisyon gaya ng bunso ng mga Montenegro.

Dinaanan na din nila ang mga gamit ni Vix sa tinutuluyang bahay at naabutan nila roon si Rynah.

"Asan ba kayo galing? Ilang araw na kayong hinahanap nina Doña Adelina, maski si Mayor ay nagtanong sa akin kung alam ko ba daw kung saan kayo nagpunta. Eh ano bang malay ko, ni hindi kita makontak eh. Saan ba kayo nagpunta ni Inspektor?" Pag-iinteroga ni Rynah habang nasa loob sila ng kwarto.

"Sa Baguio kami nanatili ng tatlong araw at-.. -at nagpakasal na kami." Napakagat-labi pa si Vixyn dahil nailang siyang ikwento sa kaibigan. "Huy, wag kang sumigaw!" At saka tinakpan pa ang bungabunga ng babae dahil sa lakas ng tili nito.

"Waahhh! Talaga?!!!" Nanlalaki ang mga mata sa gulat. "Akala ko pa naman noong pupunta ka sa party ay aamin pa lang si Inspektor sayo at sasagutin mo pa lang, yun pala kasalan na agad ang bagsak niyo? Ang bilis naman. Hahahaha!"

"Wag ka ngang mang-asar diyan!"

"Hindi ako nang-aasar, natutuwa lang ako dahil sa bilis ng mga pangyayari. Pero masaya ako para sayo, Vix." Napabaling sa ginagawa niyang pagliligpit. "Teka, anong ginagawa mo? Bakit ka nag-eempake? Aalis ka na ba? Sasama ka na kay Inspektor sa Maynila?"

"Oo." Tumango naman si Vix at saka ikinuwento ang nangyari sa Villa.

"Naku, mabigat nga yan. Tama nga lang siguro na lumayo muna kayo at baka may magawa pa sila para paghiwalayin kayo. At sigurado na gaganti yang mga Zaldana na yan dahil napahiya sila." Inakbayan ni Tarynah si Vix. "Mamimiss kita, pero alam ko na mas magiging masaya at maayos ang buhay mo roon kaysa dito."

"Salamat, Ryn ha. Salamat sa pagiging mabait na kaibigan."

"Sus, ano ka ba, wala yun. O siya sige na, umalis na kayo at mahaba pa ang biyahe niyo pa-Maynila. Basta wag mo kong kakalimutan ha. Magkamustahan na lang tayo paminsan minsan sa telepono."

"Oo naman. Kapag luluwas ka ay sabihan mo ako para makapagkita tayo." Ani Vix na tinanguan naman ng kaibigan.

Pagkatapos nilang magyakapan na magkaibigan ay nagpasya na rin silang mag-asawa na umalis ng Bayan ng San Agustin. Habang papalayo na sila roon ay tila ba may kumukurot sa konsensiya ni Vixyn.

She may have lost only her memories, but Percy has lost his family. He has lost his right to be an heir to Montenegro riches. He has lost the love from his parents and he may never come back to his hometown. And that's all because he chose her.

"This is my place." Ani Percy pagkapasok nila sa pad nito sa may Malate. "It's small but everything you need is here. Kumpleto naman sa lahat ng gamit."

"It's big enough for the both of us." Ani Vixyn na dumirecho sa may bintana at tinanaw ang kahabaan ng Roxas boulevard at ang tanawin ng Manila Bay.

"Anong iniisip mo?" Tanong ng asawa na yumakap sa kanya mula sa likuran. "Kanina ka pa tahimik sa biyahe simula nang umalis tayo ng San Agustin."

"Iniisip ko lang ang nangyari. Nang dahil sa akin ay kinailangan mong iwan ang pamilya mo. They disowned you because you chose me- because you married me. They cut you off because I chose not to give you up."

Nanlalabo na naman ang paningin niya dahil namumuo sa mga mata ang luha.

"I don't need their money, I have my own. Kung ang iniisip mo ay baka nanghihinayang ako sa mamanahin ko mula sa kanila ay hindi. I have enough to provide you with everything that you will need. When I turned twenty-one, natanggap ko na ang pamana sa akin nina lolo at lola. I invested half of it in my friend's company. Kaya kahit hindi ako magtrabaho ay mabubuhay tayo." Saglit humalakhak. "But ofcourse, I still want to do my job. Gusto ko na ako ang bubuhay sayo, na lahat ng gagastusin mo ay galing sa akin."

"But still, they cut you off. They removed you from being a Montenegro. Hindi ka na kabilang sa kanila dahil pinili kong hindi ka iwan." Tuluyan nang tumulo ang luha.

"I'm thankful because you chose not to let me go. I would be so fucking hurt if you agreed to my father's offer."

Kumawala si Vix mula sa yakap ni Percy at saka hinarap ito.

"I don't need money or any material things on earth. It is you I will always need. Kahit tuluyan nang kunin sakin ang mga alaala ko basta't nariyan ka lang ay magiging masaya na ako. I'm scared because I don't know what kind of person I was, but little by little, I'm conquering my fear. Lumalakas ang loob ko dahil sayo."

He pulled her closer to lock her in his arms again.

"Lumalakas din ang loob ko nang dahil sayo." He kissed her softly on the lips. "I will do anything for you, Baby. I can endure all things as long as I don't lose you."

"You won't" sagot ni Vix at nagpaubaya na nang halikan siyang muli ng asawa.

Naging maayos naman ang pagsasama nilang dalawa. Si Vixyn ang nag-aasikaso sa mga gawaing bahay habang nagdu-duty sa trabaho si Percy. Namimili siya ng grocery nang makaramdam ng pagkahilo at kamuntik na siyang matumba. May nagmagandang loob na dalhin siya sa clinic at nang masuri ay wala naman daw siyang sakit.

"Baka naman buntis ka, Misis?" Tanong ng attending nurse sa clinic. "Kailan ba ang huling buwanang dalaw mo?"

Inisip mabuti ni Vixyn kung kailan nga ba siya huling dinugo? Ang huli ay bago pa man sila ikasal at magdadalawang buwan na silang kasal ni Percy.

"Mahigit isang buwan na akong delayed." Aniya.

"Magpacheck-up ka at baka nga buntis ka kaya ka nakakaramdam ng pagkahilo." Payo sakanya na tinanguan lang niya.

Bumili na lang muna siya ng pregnancy kit at pag-uwi ay sinubukan niyang icheck kung totoong buntis nga siya.

And it is positive.

Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman niya. Masaya dahil magiging isang pamilya na sila at magkakaroon na sila ng munting anghel. Subalit kinakabahan siya dahil hindi niya sigurado kung magiging mabuti ba siyang ina para sa anak at kung mas lalo bang gugulo ang buhay nila dahil sa pagbubuntis niya.

Iniisip kasi niya na baka makadagdag pa sa problema ng asawa ang dinadala dahil nga sa nangyari sa pamilya nito. Gustong magdemanda ng pamilya nina Lovely dahil napahiya raw at pinaasa ang babae. Mabuti at nadaan naman sa pakiusap ang ama nito kung kaya't hindi na itinuloy. Ngunit mayroon na daw lamat sa pagkakaibigan ang dalawang pamilya.

Adding additional burden to her husband is the last thing she would want, and she hopes that their baby won't be a burden to him but the best gift they can ever have.

Naghanda nang maraming pagkain si Vixyn at lahat ay paborito ng asawa. Naghihiwa siya ng mga ihahalo sa salad nang dumating si Percy.

"Wow, ang daming pagkain ah. Anong meron? Is it your birthday?" Natatawang tanong ng lalaki.

"You know I can't remember my birthday right?" At nagpatuloy lang sa paghihiwa. "Gusto ko lang na paghandaan ka ng mga paborito mo."

Bumibilis ang paghihiwa niya hanggang sa tila ba sanay na sanay siya sa paggamit ng kutsilyo at nakakahiwa na siya ng maninipis ngunit sa mabilis na paraan.

"Whoah, you look like a pro." Puri sa kanya.

"Wait, what if I was a Chef before?" Bigla niyang naitanong. "I mean, I feel like I am used to holding a knife. What else could it mean if I wasn't a Chef or a professional cook before, right? Wala namang ibang trabaho na magaling sa paghawak ng kutsilyo kundi sa kusina diba?"

"Maybe." Tatango-tangong sagot ni Percy bago kumuha ng isang slice ng lechon kawali at isinubo. "Ang sarap mo talagang magluto. I really think you're a professional cook. Baka nga tama ka." At kinintalan siya kaagad ng halik sa labi. "Do you want me to coordinate again with Interpol in Ireland to re-investigate your case? Baka may makakilala na sayo kung sasabihin natin na dati kang nagtatrabaho bilang Chef or professional cook sa isang restaurant doon?"

Magandang ideya nga iyon ngunit ayaw nang sumugal pa ni Vixyn dahil ayaw niyang umasa at muling mabigo. Hihintayin na lamang niyang bumalik ang mga alaala niya.

"Huwag na. Baka masayang na naman ang effort ng lahat. Sa susunod na lang kapag may maalala na talaga ako." At tinapos na ang hinihiwa at saka naghain. "Come, let's dig in."

Habang kumakain ay pinagmamasdan ni Vix si Percy at tinatantiya kung nasa mood ba ito.

"Why are you looking at me like that?" Tanong ng lalaki nang mahuli siyang nakatingin. "Do you want to say something? May kailangan ka ba? Come on, tell me."

Imbes na sagutin ay inabot na lamang niya ang box na nasa bulsa niya. Pagkabukas nito ay saglit itong napatulala roon. Napaawang pa ang bibig bago siya tiningnan.

"Is this what I'm thinking this is?" At nang tumango siya ay napatayo ito mula sa kinauupuan at naghihihiyaw sa tuwa. "I'm gonna be a Dad!" Sabay hila sakanya patayo at inakap nang mahigpit. "I'm going to be a father! We're having a baby!"

Ramdam na ramdam ni Vix ang kasiyahan ng mister niya kaya't nawala na din ang agam agam niya sa dibdib at puro kasiyahan na lamang din ang naiwan roon.

"Yes, we're having a baby." Masaya niyang tugon.

"Wait, I'm taking a leave tomorrow." Anunsyo nito pagkatapos siyang pakawalan. "We're going to see a doctor for a check-up. Kailangan natin sundin lahat ng ibibilin para maging malusog si baby." Halos hindi ito mapakali sa excitement. "What name we should give if it's a boy? And what if it's a girl?"

Natawa si Vixyn sa pagiging excited ni Percy. Lahat ay inisip na para sa anak na ilang linggo pa lang sa tiyan niya.

"Ikaw, ano ba ang gusto mong ipangalan sa baby natin?"

"I don't know, I couldn't think of anything. Why don't you name our baby?"

"Me?" Ulit niya.

"Yeah. Ikaw ang gusto kong magbigay ng pangalan sa magiging anak natin." And kissed her on the temple"

"Well, actually, I've been thinking lately about baby names and since your name came from a Greek mythology, why don't we name our baby, Poseidon if it's a boy?" What do you think?" Tanong niya sa asawa.

"Poseidon?" Ulit nito na tila tinitimbang kung maganda ba ang tunog.

"Poseidon Irish Montenegro, since we've met in Ireland." Kibit balikat niyang sabi.

"Sedi for short." Anito na ngumiti nang malapad. "I like it. Poseidon it is." At inakbayan siya at hinalikan naman ang ibabaw ng kanyang ulo. "What about if it's a girl?"

"I really like the name Persephone. I don't know, after researching about Greek Goddesses' names, that's the one that has retained inside my head. We can call her Sephy for short. Persephone Isobelle Montenegro."

"Sephy? It's cute. I love it. I wish if it's a girl, she will look exactly like you." And caressed her face. "But I will have to watch and guard her coz she will have a lot of admirers when she grows up for sure."

"You're thinking way ahead, Daddy." She teased him which he liked.

The place has filled with their laughs. They have never been this excited that they couldn't wait at all to see their unborn child.

Having a baby is a blessing because it made their lives complete. Vixyn couldn't ask for anything more because that was all she ever wanted. It is what she wants more than anything in the world- a complete family of her own.
She hoped that the baby will fill up the emptiness inside her for having no memories of her former life. That it will heal all the wounds in the past and the present and reconnect any relationship that was lost.

And indeed, Persephone has brought their family together and everything is perfect. Or so she thought because the real dilemma is about to start and it will shake her inside out.

Continue Reading

You'll Also Like

5.9K 239 35
DJC Series 4: Rosetta Ashaneiah Magbanua She is loudest of all the waitress of DJ Cafe. You can always lean on her and she will just be all smiles an...
24.4M 713K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
77.6K 3.4K 38
WARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious Beast Nam...
1.4M 57.2K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...