Beauty and the Beast

By hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... More

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#35: First Love

4.3K 119 7
By hyunjiwon_sg4ever

Kabanata 35: First Love

 

-Saerin Gail’s POV-

 

Dahan-dahan akong naglakad papunta doon sa bakanteng swing at umupo tapos ay marahan kong hinawakan ang magkabilang taling gawa sa kadena. Iginala ko ang tingin ko sa buong park na ‘to na maraming tao ngayon ang nandito dahil hapon na rin at malalilim pa.

Ang tagal na rin mula nung huli akong pumunta dito, bago pa ata kami ikasal nun ni Jared. Kaya naman dito ko napagpasyahang pumunta para magpalipas-oras, masyado na kasi talaga akong nabobored sa bahay kaya masaya talaga ako nung pinayagan ako ni Jared na lumabas na. Busy rin naman siya ngayon dahil ang dami niyang hahabulin sa opisina dahil ilang linggo siyang nawala. Ngayon, sinusubukan talaga naming bumalik sa dati.

At isa pa meron akong isa pang dahilan kung bakit ako nandito.

Ipinagpatuloy ko ang panunuod sa mga tao sa paligid. Nakakatuwang panuorin yung mga batang masayang naglalaro kasama ng mga magulang nila, yung mga magulang na hinahayaan ang mga anak nila na tumayo at magdesisyon para sa sarili nito habang sila ay nakabantay lang sa anak.

Biglang nag-sink-in sa isip ko ang mga bagay na nangyari sa akin nitong mga nakaraan. I realize that I still have my freedom. I can still decide for myself, for what I think I should be doing. Anything that’s happening to me right now is part of my decisions. Kailangan ko iyong panindigan. Because in every freedom you get there’s actually a corresponding actions that you must consider.

Isa sa mga naging desisyon ko ang alamin ang tungkol sa first love ni Jared.

Bumuntong hininga ako at nagsimulang marahang paandarin ang swing tapos ay napapikit ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng hangin sa aking mukha. Napaisip naman ako sa bagay na bumabagabag talaga sa akin mula pa kahapon, ang unang babaeng minahal ni Jared.

Sa pagkakaalam ko, si Sandra lang ang naging girlfriend ni Jared. So definitely, she’s Jared first love. Pero bakit ganun? Parang may mali?

“Gusto mo?” rinig kong tanong ng isang familiar na tinig. Agad kong naidilat yung mata ko at nakita ko si Sandra na nakangiti sa akin at nakalahad ang kamay niyang may hawak na nakabukas na Pic-A.

“Uhm, ano, thank you” yun na lang ang nasabi ko at kumuha ng konti mula doon. Tumango naman siya at umupo sa katabi kong swing. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

“Si Jared ang nagsabi sa’yo ng tungkol sa lugar na ‘to?” tanong niya. Mataman ko naman siyang tinignan at bigla akong kinabahan sa sasabihin niya. Mas lalong lumawak ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.

“Actually, hindi niya pa sinasabi sa akin ang lugar na ‘to. Matagal ko ng alam ang tungkol sa lugar na ‘to, bata palang ako madalas na akong nandito” diretsong sabi ko sa kanya. Napaawang naman ang bibig niya pero agad din niya itong binawi at tumango habang dumiretso siya ng tingin.

“How did you know that I know this place?” she asked without looking at me. Napahigpit ako ng hawak doon sa kadena sa gilid ng swing.

I asked her to meet me here. Medyo nagulat pa nga ako nung malamang kong alam niya pala ang lugar na ito. Lalong lumakas yung kutob ko na siya ang first love ni Jared.

 

“Bago kami ikasal ni Jared noon, nakita ko siya dito. May dala siyang bulaklak na paniguradong ibibigay niya sa kikitain niya dapat dito kung hindi niya ako nakita. He even called me in a different name” mariing sabi ko at dumiretso ng tingin. Narinig ko naman siyang tumawa.

“Nagseselos ka ba Mrs. Montello?” tanong niya dahilan para marahas akong mapatingin sa kanya at umiling. Patuloy naman siya sa pagtawa.

“Hin-hindi ah!” singhal ko. She smiled at me.

“Really?” aniya at bahagya ulit siyang tumawa, napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. “Hmm, itong lugar na ‘to, napakahalaga nito kay Jared. Sinabi niya sa amin noon ni Ethan ang tungkol sa lugar na ‘to, madalas siyang tumambay dito noong college palang kami” aniya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

“Uhm…” hindi ko pa man nasasabi yung sasabihin ko ay napatigil ako. Nag-aalinlangan akong tumingin sa kanya at hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang sasabihin ko. But in the end I decided to ask her anyways. I took a deep breathe before I spoke. “Naging girlfriend ka ni Jared di ba? Sa pagkakaalam ko ikaw lang ang naging girlfriend niya, so you… you’re definitely Jared’s first love…” humina ang boses ko nung bandang dulo.

Napatango naman siya at bahagyang ngumiti sa akin. She sighed as she seriously looked at me.

“I’m definitely not Jared’s first love, Gail” mariing sagot niya sa akin. Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya at kunot-noo siyang tinignan. “Hindi totoo ang naging relasyon naming dalawa, hindi namin minahal ang isa’t isa kaya hindi ako ang first love niya” ngumiti siya sa akin.

“Pe-pero?” nag-aalinlangang wika ko. Lalo akong naguluhan.

“Our relationship was fake, ginawa namin yun para tulungan ang isa’t isa” tumawa siya at dumiretso ng tingin. Seryoso naman akong nakatingin sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya. “I’ve been in love with Ethan with all my life, hanggang ngayon siya ang mahal ko. I confessed my feelings with him back in college at nandun din si Jared. Ang tanga ko kasi nag-confess ako sa harap ng maraming tao, good thing hindi ko binanggit yung pangalan niya. Hindi niya ako gusto, he only sees me as his best friend, hindi na lalagpas doon. Then Jared saved me, sabi niya mahal niya rin ako. Kaya pinanindigan namin yung fake relationship naming dalawa, he needs to get rid of his fan girls while I need to hide my feelings for Ethan” mahinang sabi niya tapos ay tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti.

“Ma-mahal mo si Ethan?” tanong ko. Tumango naman siya.

“I’m so grateful that Jared saved me from that moment. Siguro kung hindi niya ako sinalo, baka hindi na kami magkaibigan ni Ethan ngayon. So our fake relationship was beneficial for the both of us” aniya at ngumiti sa akin. “About Jared’s first love, you should ask him about her because honestly, hindi rin namin alam ang kwento nila ng first love niya. Honestly, I really thought that his first love is you”

“Si Jared, I think he’s still in love with his first love” mahinang sabi ko. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko ng sabihin ko iyon. “If he’s not in love with her anymore hindi sana siya ganito, wala sana siyang ganung klaseng sakit ngayon, hindi sana siya naghihirap ng ganito. That girl… she left Jared with so much pain” halos napiyok na sabi ko.

Napaawang naman ang bibig niya sa sinabi ko at bahagya siyang umiling.

“Do you know how much Jared loves you? Paano mo nagagawang pagdudahan ang--”

“Hindi ko pinagduduhan ang pagmamahal sa akin ni Jared. Hindi ko yun magagawa. Nararamdaman ko kung gaano niya ako kamahal. Pero kung tuluyan na niyang nakalimutan ang first love niya, hindi dapat siya ganito. She created a huge impact on Jared’s life. Siguro nga sinasabi ni Jared na wala na siyang nararamdaman para sa kanya, but then he’s actually denying the fact that his first love has still a place in his heart”

Ayoko mang isipin na ganito. Pero Jared’s heart is not totally mine alone, meron akong kahati.

“Gail…” mahinang sabi ni Sandra.

“I need to find her. I need to know what happened. Kailangan kong malaman yun eh” napiyok na sabi ko. Huminga ako ng malalim at mapait na napangiti nung maramdaman ko yung pagtulo ng luha ko. Agad ko itong pinunasan.

“Gail,” huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang kamay ko. “Why do you need to know about her? Hindi mo ba kayang gumawa ng paraan para tuluyang makalimutan ni Jared ang first love niya?” tanong niya. I shook my head.

“How can I do something that can make him forget her if that girl was the reason why every time he’s looking at me he’s always reminded that I might leave too like what his first love did?” I sobbed. “Paano ko yun magagawa kung sa tuwing titignan niya ako kasama ang first love niya sa nakikita niya sa akin? Ganun kasi yung nakikita ko sa kanya eh”

“Gail, alam ko mahal ka ni Jared. Ikaw ang mahal niya, alam ko yun, saksi ako sa tatlong taon na ginawa niya para makuha ka. I know there’s a deeper reason why his first love had a huge impact to him” sabi niya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Umiling naman ako.

“Help Jared forget his first love, Gail. Yun yung kailangan niya ngayon” aniya.  

***

Matamlay akong pumasok sa bahay. Iginala ko yung tingin ko sa paligid at napatigil ang tingin sa kusina nung makarinig ako ng ingay doon. Inilagay ko yung bag ko sa may couch at marahan akong naglakad papunta sa may kusina. Sakto namang nakita ko si Jared na nakatalikod at abala sa pagluluto.

“Andito ka na pala…” malumanay na sabi ko. Napatigil naman siya sa ginagawa niya at nilingon ako, he smiled at me. Bahagya din naman akong ngumiti sa kanya.

“Maaga akong umuwi ngayon, may dinaanan din kasi ako” aniya at muling ibinalik ang atensyon niya doon sa niluluto niya. Pinagmasdan ko naman siya. “Uhm, nagluluto ako ng Adobo para sa ulam natin mamaya. Ayos lang ba sa’yo?” tanong niya.

“A-ayos lang sa akin” sagot ko. “Ako dapat yung maluluto, hindi ko alam na uuwi ka ng maaga. Dapat tinext mo ako para maaga akong umuwi” sabi ko at umupo ako doon sa isang high stool na malapit sa kanya.

“It’s okay. Matagal ka ring nandito sa bahay dahil sa akin” aniya.

Hindi ko alam pero tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at lumapit sa kanya. I hugged him from his back tightly and buried my face into his back. Natigilan naman siya sa ginawa ko.

“May problema ka ba?” malumanay na tanong niya. Umiling ako.

“Anong ibig sabihin ng code mo dito? Sabi mo noon parte iyon ng pagiging selfish mo. Ma-may kinalaman ba yung first love mo doon?” tanong ko.

Lalo naman siyang natigilan at namayani yung katahimikan sa paligid. Narinig ko yung pagpatay niya doon sa kalan. Hinawakan niya yung kamay ko at tinanggal yung pagkakayakap ko sa kanya at tumalikod siya sa akin. He cupped my face using his both hands and made me looked at him.

“You’re the meaning of my code, Gail” seryosong sabi niya sa akin.

Nabigla naman ako sa sinabi niya. He just smiled at me and kissed the tip of my nose then looked at me again.

“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Ginulo naman niya ang buhok ko.

“Don’t tell me you never thought of it, baby?” dismayadong sabi niya at bahagyang napailing. Napayuko naman ako at napanguso. Sa totoo lang hindi ko talaga naisip yun. Matagal na akong nakatira dito pero ngayon ko lang nalaman na ako pala yung meaning nung code niya.

6417=GAIL

Psh! Oo nga no?

“Sorry naman po” bulong ko. I heard him laughed.

“Now you know? Tss. Always remember that you’re mine, Gail, that’s I’m yours too” aniya at marahan niya akong hinapit sa kanya at niyakap. Napapikit naman ako at niyakap rin siya pabalik.

 

Are you really mine Jared? Why do I suddenly feel that maybe you’re really mine but you’re not completely mine?

“Let’s eat okay? Then after this we’ll take a rest, maaga ka pa bukas” aniya at nauna siyang kumalas sa yakap. Tinignan niya ako, napatango na lang ako at tumalikod na sa kanya. Naglakad ako papunta sa lagayan ng mga plato.

Doon ko rin naalala na bukas na nga pala yung volunteer work namin ni Darryl. Halos mabatukan ko naman yung sarili ko ng maalala ko na hindi pa ako nakakapag-ayos para bukas. Bakit ko ba kasi nagawang kalimutan yun? Mamaya talaga pagkatapos kong kumain magpe-prepare na ako ng mga dadalhin ko bukas. Tutal nakapamili naman na ako ng mga kailangan, yung pag-aayos ko na lang talaga ng gamit yung kulang.

***

“Sigurado ka bang ayaw mong samahan kita?” nag-aalalang tanong sa akin ni Jared. Sinara ko yung zipper ng backpack ko at nilingon siya. Naningkit ang mata kong tumingin sa kanya at tinuro siya.

“Ilang beses mo na bang tinanong sa’kin ‘to ha Jared? Mula kanina nung kumakain tayo tinatanong mo na yan?” sabi ko sa kanya at umupo doon sa tabi niya. “Ayos lang naman talaga sa akin, kasama ko naman yung mga kaibigan ko” sabi ko sa kanya… hindi ko talaga sinabi sa kanyang si Darryl lang ang kasama ko. Mahirap na.

“I can go with you” nakangusong sabi niya. Umiling naman ako.

“Kaya ko naman na ang sarili ko. Huwag ka ng mag-alala okay?” paniniguradong sabi ko sa kanya. Bumuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay ko.

“Okay,” pagsuko niya. Napangiti naman ako at isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya.

“Jared, pwedeng magtanong? Okay lang din naman kung hindi mo sagutin pero na-curious lang talaga ako. Uhm,” bigla akong napahinto. Alanganin akong napaisip kung itatanong ko ba o hindi. Pero huminga ako ng malalim at muling nagsalita. “Anong nangyari sa inyo ng first love mo? Ba-bakit ka niya iniwan?” tanong ko.

Bigla namang natahimik yung buong paligid namin kaya naman bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang dahil sa biglang pagtahimik namin. I faked a laugh.

“Sige, kalimutan mo na lang na tinanong ko yun. Sige tulong na tayo-” bigla akong napahinto ng magsalita siya.

“My first love died in front of me” malungkot na sabi niya. Natigilan naman ako at bigla akong napatingin sa kanya. Diretso ang tingin niya. Halos mahigit ko ang hininga ko ng marinig ko iyon mula sa kanya.

“Nakita ko kung paano siya nawala sa harapan ko. I’m so weak back then, Gail. Wala akong nagawa noon kaya tuluyan siyang nawala sa akin” mariing sabi niya at tumingin siya sa akin ng seryoso. Palihim naman akong napalunok. “Kaya ngayon, ngayong kaya kong gawin ang lahat, gagawin ko lahat para hindi ka mawala sa akin” aniya.

I faked a smile.

“So-sorry kung tinanong ko sa’yo yung tungkol sa kanya…” nahihiyang sabi ko sa kanya.

So she died. Kaya pala ganun na lang ang sakit na idinulot niya kay Jared hanggang ngayon.

“I don’t want to lose you now, Gail” aniya at may kinuha siyang card mula sa bulsa niya at inabot sa akin. Nag-aalinlangan ko naman itong kinuha mula sa kanya at tinignan. “Ni-refer ako ni Mama sa isang psychologist. Honestly, I don’t want to do it. But then I consider you and your feelings that’s why I’m accepting it” mahinang sabi niya habang nakatingin siya sa akin.

Tinignan ko yung card at napagtanto ko na calling card nga ito ng isang psychologist.

“I’ll stay with you, no matter what” sabi ko sa kanya at malumanay na ngumiti.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 35.9K 61
Most Impressive Ranking: Rank 1 in #TeenFiction! (10/14/18) They are living under the same roof. But what's the twist? They are college classmates...
54.4K 774 53
UNDER CONSTRUCTION!!! Laminaria Series #1 - COMPLETED I know that everything happens for a reason. But I don't understand why I am here with them. Is...
2.1K 265 55
Angela Dianne Lucero and Thorn Lonier Flores has a complicated relationship since the start.. Would their status change from It's Complicated to It's...
404K 6.7K 58
Totoo naman talaga ang kasabihan na, pag nagmahal ka kaakibat na nito ang sakit. Eh, paano kung kagaya ka ni Chandra? Nanggaling sa masaya at perpek...