Skip a Dance

Par shinclmnt

71.5K 3.3K 1.8K

It's a story where one dances and the other falls in love. - Pusang Writer. Plus

Prologue
Dance - 1
Dance - 2
Dance - 3
Dance - 4
Dance - 5
Dance - 6
Dance - 7
Dance - 8
Dance - 9
Dance - 10
Dance - 11
Dance - 12
Dance - 13
Dance - 14
Please Read
Dance - 15
Dance - 16
Dance - 17
Dance - 18
Dance - 19
Dance - 20
Dance - 21
Dance - 22
Dance - 23
Dance - 24
Dance - 25
Dance - 27
Dance - 28
Dance - 29
Dance - 30
Dance - 31
Dance - 32
Dance - 33
Dance - 34
Dance - 35
Dance - 36
Dance - 37
Dance - 38
Dance - 39
Dance - 40
Dance - 41
Dance - 42
Dance - 43 ( Senior's Ball part 1 )
Dance - 44 ( Senior's Ball part two )
Dance - 45 ( Senior's Ball part three )
Dance - 46 (Senior's Ball part four)
Dance - 47
Dance - 48
Dance - 49
Dance - 50
Please Read

Dance - 26

916 52 49
Par shinclmnt

~*~

Bran's POV

"Bibe Pusacat?!" Sabay-sabay naming bigkas sa suhestiyon ni Blue. Kahit kailan talaga ay wala siyang kwenta mag-isip!

"What the hell!" Di maka-paniwalang singhal ni Zeke at nasapo ang kanyang noo.

"Ew! Such a lame name." Maarteng sabi namn ni Revenie.

"Nakaka-suka." Ani Steve.

Alam ko talaga na ganyan ang magiging reaksiyon nila. Kami naman ay parang sanay na sa mga pinag-iisip ni Blue.

"Aray.. kung makalait naman kayo. Ang ganda kaya." Kunwaring nadismaya na sabi ni Blue at nag-pout pa.

"Kadiri ka Blue! Para kang bakla." Ani Cliren patukoy doon sa pag-pout niya. Totoo naman talagang nakakasuka.

Napa-iling na lamang ako sa kanila. Mukhang aabutin kami ng siyam-siyam nito, mas mabuti ng ipag-santabi muna namin 'to.

"Mamaya na lang tayo mag-isip. Ensayo na tayo." Hindi ko na sila hinintay na sumagot at tumayo na agad.

Nagsi-tayuan rin naman sila. Kailangan na naming matapos to dahil kokonti lang ang oras namin. Pumunta ako sa pinag-practisan namin kanina ni Revenie. Hindi pa nga kami tapos, hindi pa nga namin alam kung ano ang kakantahin namin.

Original composition kasi dapat. Aba't napaka-hirap naman yata nun. Sinalihan namin ay sayaw tapos papa-sulatin kami ng kanta. Pinapahirapan yata kami nito eh.

Tahimik lang kaming dalawa habang nag-iisp ng lyrics ng kanta. Hindi pa naman ako mahilig sa ganito kaya masakit sa ulo. Si Revenie naman ay mukhang nahihirapan din. Ano naman kaya ang magandang ilagay?

"B-bran." Nilingon ko si Revenie.

"Bakit?"

"Uhh.." Nag-alanganin pa siya at napa-kagat sa lapis na hinahawakan niya. Hindi lang ako nagsalita at hinitay na muli siyang magsalita.

"Come on. Ano 'yun?" Kita ko ang pamumula ng pisngi niya at bahagyang yumuko pa.

Huh?

Ano ba'ng problema niya? Bakit siya namumula?

"Ano Rev?"

"Ano kasi.. uhhh." Mas lalo siyang namula.

"Anong ano Rev?" Tanong ko ulit. Ano ba'ng nangyayari sa kanya?

"Tumalikod ka." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit?"

"Basta sundin mo na lang." Pumukit siya siya kinagat ang kanyang ibabang labi.

Seriously. What the hell is going on?

Ano ba'ng ikina-gaganyan ng mukha niya? May mali ba? Bakit ako tatalikod?

Wala rin akong nagawa kaya tumalikod ako. "Oh tapos?" Tanong ko at dinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.

"B-ukas 'yung zipper m-mo. T-tapos nakita ko 'yung-- aahh! Basta Huhuhu, my virgin eyes Bran!"

Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Ano'ng nakita niya? Ay bobo, siyempre 'yung brief ko! Fuck! Unti-unti akong yumuko at bukas nga. Dammit! Bakit ko nakalimutan mag-boxers?!

Sa hiya ko ay agad akong tumayo at isinarado ito.

"Sorry." Tanging nasambit ko. Hindi ko alam ano'ng sasabihin ko sa kanya.

"Huhuhu my virgin eyes Bran! Dinumihan mo." Napa-pikit pa rin siya habang parang bata na sinisipa ang kanyang mga paa.

Nasapo ko na lamang ang sarili kong noo.

"Dumilat ka na. Wala na, kung maka-sabi ng virgin eyes-- parang hindi nanonood ng hollywood movies. Tch!" Singhal ko.

"Che! Iba pa rin 'yung sa personal no! Damn you!" Inirapan niya ako at humagalpak naman ako ng tawa.

Ang cute niya talaga mag-mura. Tiningnan ko lang siya ng may halong panunukso. Mas lalo namang bumusangot ang kanyang mukha. Pilit niyang itinuon ang kanyang pansin sa papel pero halatang balisa.

"Stop staring Bran." Saway niya at ngumiti lang ako. Hindi ko pa rin tinantanggal ang paningin ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit.

"Bran.." Inis na saad niya pero hindi man lang ako sinulyapan. "Nadi-distract ako. Gumawa ka na lang kaya ng lyrics d'yan at nang matapos tayo!"

"Okay, okay." Lihim akong ngumiti at muling nagsulat ng liriko sa kanta. Now I know what to write. Thanks Rev.

~~

 Hapon na nang natapos kami sa pag-eensayo. Half pa lamang ng kanta ang nabubuo namin. Wala pa ngang tono 'yun pero ayus na din, kaysa wala kaming nagawa. Naghiwa-hiwalay na kami ng nagsi-uwian na. Si Blue at Kei naman ay magka-sabay. Hindi na yata magpag-hiwalay ang dalawa. Kung ibang tao lang ang makaka-kita, iisiping mag-syota sila. Ang laswa!

Pupunta na sana ako ng sasakyan nang biglang sumulpot si Deveira.

"B-bran." Mukhang gulat rin siya at hindi inaasahan na makita ako.

Tipid na ngumiti lang ako sa kanya at lalagpasan na sana siya nang kinalubit niya ako.

"What now, Deveira?" Inis kong saad sa sa kanya.

"W-wala." Yumuko siya at binitawan ako. Mabuti naman at nakaramdam din siya.

"Bakit ka nga pala bumalik dito?" Tanong ko.

"Isa ako sa mga judge sa Battle of Dance. S-sige mauna na ako."

Mabilis siyang lumakad papalayo. Napabuntong-hininga na lamang ako. Huh, judge siya? Hindi naman ako magtataka kung ganun. Isa siya sa mga sikat ngayon na choreographer. Pangarap niya 'yun noon pa man. Pinagpalit pa nga ako tch! Fvck that dreams.

Mabilis akong nakarating sa bahay at agad na akong humiga.

Bumalik na naman lahat ng alaala. Tiningnan ko ang kisame at napa-pikit. Am I over her? Pero bakit kapag naalala ko na naman ay may konting kurot pa rin? Siguro ay hindi ko na talaga siya maiwala sa buhay ko. She's been part of it and I can't erase it anymore.

Nagising na lamang ako sa sikat ng araw. Panibagong araw na naman. Kailangan na talaga namin matapos ni Revenie ang kanta. Dalawang linggo na lamang ang natitira at finals na. Wala pa kaming choreo at tono ng kanta.

Ang mga kalahok ng Battle of Dance ay excuse sa klase. Kaya hindi masyadong masakit sa ulo. Nagco-cope up naman kami kasi may night class kami. Ang hirap naman yata kung nahuhuli kami. Aba't babagsak kami kung ganun.

"Oh, dalawang linggo na lang oh at hindi pa tayo naka-finalize." Sabi ni Revenie at kaming lahat nakatutok sa kanya.

Nagsibuntongan na lang kami ng hininga. Wala pa talaga kaming theme na naiisip hanggang ngayon. Sa category naman ay wala ng problema-- kami na lang si Rev. Sa pang-lahat naman ay malaki ang problema.

Para mag-work out ang grupo namin. Naisipan naming mag-research. Ang iba ay sa costume, sina Cliren naman ang bahala sa costume at kaming dalawa ni Rev ang choreography. Hati-hati kami ng gagawin upang mas mapa-bilis.

"Yes! We're all done!" Tumalon-talon pa si Revenie habang pumapalakpak.

Napangiti na lamang ako. Natapos din namin at may theme na kami. May design na rin ng costume. All set na-- kaso, wala pa kaming music. Shit! Nakalimutan kong wala palang na-assign sa music!

"Ano'ng problema Bran? Hindi ka ba masaya?" Tanong ni Kei.

"Wala tayong music pa dre." Sabi ko at binalot ng katahimikan ang paligid.

"Walang problema 'yan." Napalingon kaming lahat kat Steve na may dalang mixer. Nagsi-ngitian kami.

"I can handle this. Ang dali lang n'yan eh." Dagdag niya pa at nagtawanan kami.

We can do this. Alam kong kaya namin 'to. We are not giving up. We will win this Battle.

~~

Lumipas ang ilang araw at handa na kaming lahat. Ayos na ang costume, music at iba pang kailangan namin. Bukas na ang araw na hinihntay namin-- ang Battle of Dance. Hindi ko masabi na hindi ako kinakabahan dahil sobra akong kinakabahan.

Isa si Deveira sa mga judges. Sana naman ay walang personalan. Ayoko ring ma-distract, kaya hindi ako titingin sa kanya. Sa audience lang dapat. Hindi ako lilingon kay Deveira.

"This it yeah!" Natauhan ako nang biglang sumigaw si Blue. Kahit kailan talaga 'tong bunganga niya hindi maisara.

"All set!" Pumitik pa si Zeke at humalukipkip.

Sina Kei at Cliren naman ay dino-doulble check ang lahat ng kailangan namin. Nag-two thumbs up sila na kahulugang okay na ang lahat. Wala na talagang atrasan to, bukas na ang kumpetisyon.

Hindi basta-basta ang Battle of Dance dahil maraming grupo ang sumasali dito. Hindi lamang sa skwelahan namin-- kundi sa buong syudad. May stage level din ito at elimination. Matira-matibay ang labanan ng bawat grupo. Bawat stage level ay iba-iba ang sasayawin namin. Sa unang stage level ay 'yung pina-practisan namin ngayon. 

Sa susunod naman na stage level ay hindi na namin alam. Sasabihin lang 'yun kapag pasok ka na sa susunod na labanan. Bibigyan kami ng isang theme or category na sasayawin. At hindi kami ang pipili nun kundi sila. Bibigyan lamang kami ng iilang araw upang maisayaw ito kaya dapat versatile ka kapag sumali ka rito.

Dapat alam mo lahat ng mga sayaw. Mapa-jazz, cramping o ano man ay dapat kaya mong gawin. Sana ay umabot kami sa finals. Hindi ko papalampasin ang pagkakataon na'to.

Tommorow is the day.

~*~



Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

102K 4.8K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
1.1K 229 28
Deceit Series #1 "Hiding our daughter from him and... her illness." ____ Written in Taglish. Published: September 29, 2023 End: