Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 34

28.1K 601 47
By IyaLee04

(LC) Chapter 34

CHAPTER 34 AND 35
PUBLISHED NOW

-----Miss IYA-----

"Ako na po ang kukuha!" Si Nanay na nagkukumahog nang masulyapan ang pagpasok ni Jax sa kusina.

"Huwag na po, Tita. Ako na po..." nahihiya ang boses niya.

Mula sa paghihiwa ng mga gulay, napatingin ako kay Jax. Si Nanay ang kausap niya pero panay ang sulyap sa akin habang nagsasalin ng tubig sa baso.

"Matatapos na kami rito. Tatawagin na lang po namin kayo kung tapos na," si Nanay ulit.

Tinanguan niya si Nanay at muling sumulyap sa akin. Nagkatinginan kami. Bumaba ang mga mata niya sa hinihiwa ko na ikinataas ng kanyang kilay. Pagkabalik ng mga mata sa akin may pagkamangha na roon. May nakatago na ring ngisi sa labi.

Hindi ako nagtanong kung bakit. Pero sa palagay ko dahil nakita niyang kaya kong maghiwa ng maayos ng gulay kahit nasa kanya ang tingin ko. Sanay ako sa gawaing bahay at maliit lang ang bahay namin na kahit nakapikit kaya kong kumilos at makatulong sa gawain.

"May maitutulong po ba ako? Pwede po akong tumulong kay Clementine na maghiwa ng gulay," sa akin siya nakatingin.

"Ay naku hindi na po! Baka mapagalitan kami ng Senyora kapag nakita kayong pinapatulong ko rito sa kusina!"

Humarang sa kanya si nanay nang makitang palapit siya sa akin. Saka niya lang ako nilubayan ng tingin para harapin si nanay na nasa harapan niya at kanina pa siya kinakausap.

"Si Lola po? Hindi po magagalit iyon, Tita. Tutulong na po ako-"

"Kaya ko na ito Jax," singit ko.

Sa ugali niya, nasisiguro kong magpupumilit siya kung hindi ako magsasalita. Mahirap siyang kumbinsihin kung hindi ako makikialam. Para siyang naka-program at ako lang ang sinusunod. Nagkatitigan kami. Parang gusto niyang bawiin ko kaya lang dinagdagan na ni nanay ang sinabi ko.

"Patapos na ito, Senyorito. Tatawagin na lang po namin kayo."

Lumabi si Jax at nahihiya sa ginawang pagtawag sa kanya ni nanay na Senyorito. Kung tutuusin, hindi na bago iyon. Lahat ng mga tauhan rito o lahat ng matatandang nakakakilala sa kanya rito sa probinsiya iyon ang tawag sa kanya. Nakasanayan na dahil sa Senyora. Tanging mga magulang ko lang ang ayaw niyang tumawag sa kanya.

Ang mga kaedad namin na mga ka-eskwela pangalan lang din ang tawag sa kanya. Marahil ay dahil moderno na ngayon at nakakailang para sa aming kamag-aral at kaedad niyang tawagin siyang Senyorito gayong hindi naman kami nagtatrabaho sa kanila. Maaari ring iyon ang kinasanayan dahil pangalan niya o Mr. Dawson ang madalas na tawag sa kanya ng mga guro.

Bumuntong hininga siya at sumusukong tumango. Sinabi niya kay nanay na Jax na lang ang itawag sa kanya bago siya lumabas. Lumabas siya ngunit pagkaraan ng ilang minuto, bumalik na naman. Sa pangatlong pasok niya hindi ko na siya tiningnan. Kapag nagkakatinginan kasi kami ginaganahan siya sa pagbalik. Nang hindi ko siya pansinin doon lang siya tumigil.

Maaga ang oras ng hapunan nila, alas kwatro pa lang nagpahanda na ang Senyora. Dahil narito kami, si nanay at ako na ang nagpresinta na magluto. Wala kaming kibuan ni Jax sa hapag. Kahit nang nagluluto pa lang kami ni nanay, pabalik balik siya sa kusina at hanggang tingin lang. Nang mag-alas sais, natapos kumain ang lahat.

"Kami na ni Clementine rito!" Natatawang awat ni nanay sa mga kasama naming kumain.

Nagliligpit kasi sila at balak yatang maghugas ng pinggan kaya't inunahan na ni nanay. Nagpumilit pa sila pero itinaboy na niya dahil dalawa naman daw kaming maglilinis. Nag-akyatan ang mga kababaihan. Ang mga lalaki, tumulong sa labas dahil mukhang may nasira ang hangin na kulungan ng hayop.

Natanaw kong sumama si Jax kay tatay. Nag-uusap sila palabas sa likod ng mansion kung nasaan ang malawak na lupain nila. Nang tapikin siya ni tatay sa balikat, palihim siyang lumingon sa akin at mayabang na ngumisi. Kulang na lang isigaw ko na sipsip dahil pansin ko ang madalas niyang pagkausap kay tatay at kinukuha ang loob nito.

"Matagal nagtrabaho rito ang tatay mo noon. Kabisado na niya ang mansion. May isang matandang kabayo pa na sa kanya lang maamo," biglaang kwento ni nanay.

"Nakwento niyo dati na binata pa lang po siya nagtatrabaho na siya rito?"

"Oo, parehas kami. Paboritong tauhan siya nang Don noong nabubuhay pa ito. Paborito naman akong kusinera ng Senyora."

Bumagal ako sa pagliligpit sa hapag. Lumayo si nanay sa akin na bitbit ang mga kinainan na pinggan at dinala sa sink. Nag-isip ako at muling napatanong.

"Kung ganoon, Nay, kilala niyo po ni tatay ang mama ni Jax? Kaedad niyo lang po ba ang mama niya o mas matanda po kayo?"

Hindi ako sigurado pero napansin ko ang pagkakatigil ni nanay. Naisip ko pang baka dahil sa tanong ko? Pero normal niya naman na nababanggit ang anak ng Senyora noon. Siya pa nga ang nagsabi sa akin na nakapangasawa iyon sa Ireland. Pero parang iba ngayon. Natanto kong hindi na niya iyon nabanggit mula nang magtalo sila ni tatay at binawalan pa itong tumulong sa mansion.

"Mas bata siya..." Nagpatuloy din siya kaagad. Nilapag niya ang mga maruming pinggan sa sink. Nakatalikod si nanay sa akin. Sa lababo siya nakaharap.

"Matanda ng apat na taon sa akin si Jax. Mas bata po siya pero mas maaga po siyang nagkaanak kaysa sa inyo? Ang sabi niyo po pinauna lang nito si Jax sa probinsiya. Ibig sabihin po ba isa sa mga araw na ito'y susunod sila rito?"

Wala ako sa sariling nagpunas sa lamesa. Napaisip ako ngayon. Sa mga napansin kong kilos ni Jax parang hindi maganda ang relasyon niya sa magulang niya. Narinig ko rin sa bisita ni Levi noon na ipapatapon dapat siya sa malayong bansa. Kung hindi nakiusap ang Lola ni Jax, hindi siya mapupunta rito. He's my boyfriend but I know where I stand. Kung hindi siya mag-kwento sa akin tungkol sa pamilya niya, ibig sabihin sensitibo iyon at hindi ako pwedeng lumagpas sa linya na iginuhit niya.

Sa halip na sagutin ang huling tanong ko'y inutusan ako ni nanay na dalhin na roon ang mga pinggan. Sinabi ni nanay na kung hihina ang ulan at hindi naman inabot ng baha ang bahay, babalik na kami bukas o sa isang araw.

Pagkatapos maglinis ng mga pinagkainan, umakyat na kami.

Nasa kwarto na ako ng guest room kasama sila nanay. Tulog si tatay na napagod sa pag-aayos sa bubong ng bahay at sa labas na rin ng mansion. Si nanay, naliligo. Nauna ako kaninang maligo at nakapantulog na ngayon. Manipis na puting sando at pink na pajama na mayroong design na puting polca dots ang suot ko.

Nakaupo ako sa couch na malapit sa kama at kunwaring nagbabasa kahit sa totoo lang, ang isip ko ay nasa oras na sinabi ni Jax. Malapit na ang alas siyete at hindi ako makakalabas hangga't hindi natutulog si nanay.

"Oh? Hindi ka pa matutulog?" Si nanay pagkalabas sa banyo at maabutan akong nagbabasa sa couch.

"Hindi pa po. Mauna na po kayo," sagot ko at bumalik sa kunwaring pagbabasa.

Umakyat siya sa kama. Kung sa ibang pagkakataon sa bahay, mauupo pa siya sa sofa namin para magpatuyo ng buhok. Mayroon blower sa banyo ng guest room, iyon siguro ang ginamit ni nanay kaya't paglabas tuyo na ang buhok niya. Hindi ko naman nakasanayan na magpatuyo kaya't bahagyang basa pa ang buhok ko ngayon.

"Tumabi ka na lang dito sa amin ng tatay mo kung matutulog ka na. Malaki naman ang kama," aniya at yumakap kay tatay na tulog na tulog.

Hindi na ako sumagot dahil pumikit na siya. Sinipat ko ulit ang orasan na nasa side table. Lagpas alas siyete na nang masigurado kong tulog na si nanay. Dahan dahan kong ibinaba ang libro sa couch. Patingkayad at maingat akong naglakad palapit sa kama. Sinilip ko ang tulog na anyo nila bago ko tinungo ang bag upang makuha ang walang bateryang telepono ni Jax saka tinungo ang pintuan ng kwarto.

Hindi pa ako lumabas, sinuklay ko muna ang buhok ko gamit ang mga daliri. Wala akong pakialam sa ayos ko noon dahil wala naman akong pinapa-impress-an. Ngayon, nako-concious ako sa ayos ko. Wala akong magandang pantulog. Ito na ang pinaka-maayos, pero pakiramdan ko hindi pa sapat. Huminga ako ng malalim at nagdesisyon nang lumabas.

Marahan ang pagbukas at pagsara ko. Saktong sakto sa paglapat ng pinto nang maaninag kong may tao sa gilid. Nang balingan ko'y naroon na si Jax at pinapanuod ang mabagal ko na pagkilos. Muntik pa akong mag-ingay dahil nagulat akong narito siya. Dahil sa ginagawa kong pagtakas muntik ko pang makalimutan na magkikita nga pala kami kaya ako lumabas.

Nakasuot siya ng kulay abong terno na pajama at bathrobe. May suot siyang tsinelas na pantulog. Basa pa ang kanyang buhok tanda na kaliligo niya lang. Wala siyang pang-itaas na damit. Nakabukas ang tali ng bathrobe kaya't litaw ang hubad niyang katawan.

"Kanina ka pa?"

Nakasandal siya sa pader at nakasilid sa bulsa ang kanan na kamay. Sa kaliwa ay hawak niya ang charger. Pagilid niya akong pinapanuod.

"I was here forty five minutes ago. You're thirty minutes late," walang emosyon na sagot niya.

Simula nang maging kami, nahihirapan talaga akong basahin ang iniisip niya. Hindi katulad noon na puro kalokohan at kabastusan ang nakapaloob sa mga mata sa tuwing magkakatinginan kaming dalawa. Mas madali kong nahuhulaan ang nasa isip niya kapag ganoon kaysa ganito na seryoso siya.

Inipit ko ng ngipin ang itaas kong labi. Ang tagal niyang naghintay. Hindi man lang ba siya nangawit? Pinakawalan ko ang aking labi at sinulyapan ang pinto.

Nang ibalik ko ang tingin sa kanya, muntik na mapilipit ang dila ko dahil wala nang isang hakbang ang layo naming dalawa. Tiningala ko siya at nahuling nasa labi ko ang titig niya. Maingat niya akong hinila sa pulso at isinandal sa pader. Salitan ang mga mata niya sa labi ko, sa mata ko, at sa aking katawan.

"Pasensya na. Hinintay ko pang makatulog si nanay."

Mahina ang boses ko't iniiwasan na gumapang sa nakabalandra niyang katawan ang tingin. Tila ba sinasadya niyang ipakita iyon dahil nakabukas ang tali. O siguro talagang marumi lang akong mag-isip?

Paanong hindi dudumi kung nakalaylay ng maigi ang pajama niya? Nakalitaw doon ang mabalbon na guhit mula pusod niya pababa. Wala pa yata siyang panloob at kaonting baba na lang sa pajama niya'y lalabas na 'yung ano...

"You seem to like to be not on time. Sa susunod na late ka may parusa ka na..."

Binaluktot niya ang kanyang katawan upang ipantay sa akin ang mukha at hindi ako mahirapan sa pagtingala. Tinaasan niya ako ng kilay. Agaran akong napatango. Kani-kanina lang naiisip kong lalabas na 'yung ano, 'tapos ngayon sasabihin niyang may parusa na sa susunod. Parang gusto kong magpa-late ulit para lang malaman kung anong parusa ba ang tinutukoy niya.

"But for now, this is your penalty..."

Umawang ang labi ko nang hawakan niya ako sa pisngi. Iginilid niya ang kanyang ulo at inanggulo ang aking mukha. Kinapos ako sa paghinga nang maglapat ang mga labi namin kasabay ng pagpikit niya. Pumikit din ako.

His mouth tasted like mint. I wrapped my hands around his neck and combed his wet hair with my fingers. Sa mabangong amoy niya masasabi kong naglinis siya ng mabuti at nagpabango bago bumaba.

Nagkakarerahan sa pagtambol ang dibdib ko. Habang naghahalikan kami saka ko naramdaman ang sobrang pagkasabik at pagka-miss sa kanya sa loob ng dalawang araw na hindi kami nagkita.

Nakakatakot ang ganitong pakiramdam. Ilang araw pa lang kami pero ang dami niya nang nagagawa at naipaparamdam sa akin. Nahulma niya ang tiwala ko sa maikling panahon kaya't natatalo no'n ang pangamba ko na baka sa simula lang ito.

Ang lalim ng connection namin sa isa't isa kahit kailan lang naman talaga kami nagkasundo. Ni hindi ko siya gustong makasalubong sa school noon. Ngayon tumatakas pa ako para lang makipagkita sa kanya. This is exciting and thrilling. But at the same time, scary.

Noong una ninanamnam ko pa ang marahan na paggalaw ng labi niya. Nang hapitin niya ako sa bewang at magsimulang maging gutom ang kanyang halik, naalala kong nasa tapat kami ng mga guest rooms at nasa tabi lang namin ang pintuan ng kwartong tinutulugan ng mga magulang ko.

"Jax... Baka may makakita sa atin..." Panay ang halik niya habang nagsasalita ako. Nanatiling sarado ang mga mata niya habang dilat ako.

"They're asleep..." Paos na bulong niya't kinakagat ang labi ko.

Nang magawa niyang ipasok ang kanyang dila sa loob ng aking bibig, naitulak ko siya. Gamit ang kamay kong may hawak sa cellphone niya'y itinulak ko siya sa dibdib. Napapiksi siya at natigilan sa paghalik. Niyuko niya ang kamay kong nasa dibdib niya. Siguro'y nalamigan sa cellphone dahil hubad baro siya.

"What's that?" Tukoy niya sa cellphone na ngayon niya lang napansing hawak ko.

Inunahan niya kasi ako ng halik. Mabuti at hindi ko nabitawan ang telepono niya. Kung nagkataon, nakasira pa ako ng gamit.

Dinilaan niya ang labi niya nang magkatinginan kami na para bang naiwan ang lasa ng labi ko roon. Bago ako lumabas sinigurado kong mabango ang hininga ko. Sa loob loob ko siguro inasahan ko rin kasi na hahalikan niya ako.

Bago pa mapunta sa iba ang isip ko, inabot ko na sa kanya ang phone. Lumunok muna ako bago siya sinagot.

"Ikaw na lang ang mag-charge. Kung sa kwarto ko icha-charge makikita nila nanay. Kapag puno na saka mo na ibalik sa akin."

Kanina ko lang naalala nang makita ko ang mga saksakan sa guest room nila. Hindi ko maitatago ang telepono kung ichacharge ko. Hindi ko maipapaliwanag kung kanino ito kaya naisip ko na sa kwarto niya na lang ipa-charge.

"Hmm..." Nakakaintindi siyang tumango. "Okay. I'll take care of it," kinuha niya ang phone sa kamay ko at isinuksok sa bulsa ng bathrobe.

Pagkabitaw niya sa cellphone, bumalik siya sa paghapit sa bewang ko. Balak ulit akong halikan na inawat ko kaagad. Nagtama ang tingin namin pagkatulak ko sa kanya sa dibdib. Nakaawang na ang labi niya't handa na akong halikan. Naitikom niya lang ulit nang umiling ako.

"Hindi pwede ngayon. May regla ako Jax..." Kinagat ko ang ibabang labi ko't mabilis naramdaman ang pamumula ng mukha.

Kumunot ang noo niya pero hindi ako binitawan. "Regla? Ano iyon?"

Nalukot ang mukha ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi niya alam iyon? Kunsabagay, laki siya sa ibang bansa. Nag-aral man siya sa Manila, siguro panay englishero at englishera ang mga nakakasalamuha niya.

"Regla Jax... Monthly period... May dugo ako sa ano..." Tumigil ako at sa halip na ipagpatuloy, niyuko ko na lang ang mga hita ko. Nagbaba rin siya ng tingin at sinundan ang tiningnan ko.

"May dugo ito?" Tanong niya't walang pakundangan na hinawakan ako.

Kinilabutan ako nang salatin ng daliri niya ang suot kong napkin. Kahit makapal iyon pakiramdam ko tumagos iyon sa napkin at nakapa niya ang pribagong katawan ko.

"Huwag mo nang hawakan," tinulak ko palayo ang kamay niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"So what if you have a blood?"

Napanganga ako. Anong gusto niya? Gawin namin iyon na may dugo? Napakurap ako at naisarado ng maigi ang mga hita ko.

"Nakakadiri iyon! Sa susunod na lang natin gawin? O bukas kapag wala na?"

"Uh-huh..." Tumango siya. Pagkaraa'y marahan na umiling. "Maybe next time but not tomorrow..."

May pagtataka ko siyang tiningnan. Nakakagulat iyon. Siya pa talaga ang malakas ang loob na tumanggi?

"I so badly want to kiss you but we're not doing it here. I won't thrust mine inside you, not now that your parents sleep in one of the guest rooms. I respect them even after I took your virginity."

Tinitigan ko siya. Napamaang ako. Hindi ko napigilang mapangiti. Yumakap ako sa kanya at ibinaon ang aking mukha sa hubad niyang dibdib. Natutuwa talaga ako sa mga salita niya. Ang sarap sa pakiramdam na maging boyfriend siya. Para akong reyna at alipin ko siya na handang ibigay ang lahat ng gusto ko. He's not my King because mostly, Kings outrank and overrule Queens. While Jaxsen is more likely my slave who's willing to satisfy my every whim.

"Where's our meeting place tomorrow, huh? I'll give you the phone..."

Humalik siya sa aking leeg. Paakyat sa aking tainga. Bumaba sa aking panga. Gumapang sa aking pisngi. Hanggang sa maabot niya ang aking labi. Ang init sa katawan ng mga haplos niya. Pinagliliyab niya ako sa gutom niyang halik at gigil na pagpisil sa gilid ng aking bewang.

"Sa... likod... maglalaba kami ni nanay... bukas..." Sagot ko sa gitna ng pagtugon sa mapusok niyang halik. Napuputol ang bawat salita ko at naitutuloy lang sa pagitan ng pagsinghap.

"Alright... I'll help you do the laundry..." Hinihingal na saad niya.

Natigilan ako sa paghalik at 'di mapigilang matawa. Lumayo siya ng kaonti at katulad noong una'y gumuhit na naman ang irita sa mata niya nang pagdudahan ko siya tungkol sa paglalaba.

"Kakamayin lang namin ang paglalaba Jax. Hindi kami gagamit ng kahit anong machine. Ayaw ni nanay."

Masungit niyang pinagsalubong ang kanyang mga kilay. Pagalit niyang idinikit sa akin ang ibaba niyang katawan. Naramdaman ko siya roon ngunit hindi na ako nagkomento dahil seryoso siya. Katulad nga ng sinabi niya'y hindi namin gagawin iyon na narito ang mga magulang ko bilang paggalang kaya't kahit gusto ng katawan niya'y hindi niya iyon pinagtutuunan ng pansin.

"So what? I washed our bloody clothes with only my hands! Tutulong ako! Tutulungan kita bukas!"

Humagikgik ako pero duda pa rin. Anong tulong kaya ang magagawa niya?

"Bahala ka..."

Saglit pa kaming nag-usap... at naghalikan.

Pagkatapos ng ilang minuto nagpaalam na ako sa kanyang babalik na sa loob bago pa magising si nanay at hanapin ako. Hinabol pa niya ang halos mamaga ko nang mga labi para sa huling malalim at matunog na halik bilang pamamaalam ngayong gabi. Siya na rin ang nagbukas ng pinto sa akin.

Magkayakap na si nanay at tatay pagkapasok ko. Parehong malalim ang paghinga at mahimbing ang tulog. Lumapit ako sa kama. Kinuha ko lang ang unan na nakalaan sa akin at hindi na sumiping sa kanila. Sa couch ako nahiga, yakap ng mahigpit ang unan at natulog na nakangiti.

Continue Reading

You'll Also Like

373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
376K 19.7K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.